PUMIGLAS si Alessia pero malakas ang mga bisig ni Caio. Kaya imbes na maubos ang lakas niya ay hinayaan na lang niya ito. Wala naman itong ginawang kakaiba. Nanatili lang na mahigpit na nakayapos ito sa kanya.
“I missed holding you like this, Bella….” Caio murmured.
Nakahinga nang maluwag si Alessia. Akala talaga niya ay natatandaan siya nito. Dahil oras na mangyari iyon ay panahon na para lisanin niya ang bahay na ito at maghanap ng ibang pagtataguan.
Ilang sandali silang nasa ganoong posisyon bago muling nagsalita ang dalaga. “Ah, Sir Caio…ako po ito, si Ali.”
Pero tila wala itong narinig. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “I won’t let anyone hurt you, Bella. I love you so much. I can’t live without you.”
“Sir Caio…”
“I’m sorry, please forgive me. I will do everything for you, my love.” Pumiyok ang boses ng lalaki.
Umiiyak ba ito? Dinig na dinig niya ang tibok ng puso nito dahil sa posisyon nila. Lalong nagulat si Alessia nang maramdaman ang pagdampi ang labi nito sa kanyang noo.
“I promised to protect you this time.” Hinaplos nito ang kanyang buhok.
It was when she realized Caio was sobbing. Sa unang pagkakaton ay hindi alam ni Alessia ang gagawin. Hindi niya inaasahan na sa laking tao ni Caio ay iyakin ito. He must really devastated on what happened to Bella. She would make sure to ask Yaya Glo about this girl.
It took a while before Caio finally calmed down. At dahil ayaw siya nitong binatawan, napilitan siyang pisilin ang sensitibong ugat sa likod ng leeg nito para mawalan ito ng malay. Tiyak na hindi naman ito magdududa sa ginawa niya dahil lasing na lasing ito.
Nakahinga nang maluwag ang dalaga nang tuluyang makawala sa bisig ni Caio. Dahan-dahan siyang tumayo at pinag-aralan ang ayos nito. The man was completely disheveled. Akma siyang lalabas ng silid nang bigla siyang natigilan sa paghakbang at muling nilingon ang nahihimbing nang binata.
Hindi niya ito natiis kaya muli siyang lumapit at tinanggal isa-isa ang butones ng suot nitong puting long sleeve. She carefully undressed him. Amoy na amoy niya ang panlalaking pabango nito na humahalo sa alak. The same scent on that night he met him.
Nakialam na siya sa walk-in closet nito. She chose a gray shirt and put it on him. Inayos rin niya ang pagkakahiga nito at kinumutan ito. Ngayon lang siya nakaramdam ng awa at hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.
Saktong pagbukas niya ng pinto ng silid ni Caio para lumabas nang mahuli niya sina Nena at Gina na naroon.
“Anong ginagawa n’yo rito?” sita niya sa dalawa.
Nagkatingan ang mga ito at si Nena ang sumagot. “Tinitingnan lang namin kung nagawa mo nang maayos ang trabaho mo.”
“Oo nga, mabuti naman at nakatulog aagad si sir. Sinaktan ka ba?” Humaba ang leeg ni Gina na sinilip ang nahihimbing na binata.
“Bakit naman niya ako sasaktan?” Nagkunot ang kanyang noo.
“Hindi siya nagwala? Inakit mo s’ya ano?” Nagdududang sambit ni Nena.
Hindi na napigilan ni Alessia ang mamilog ang mata. Malapit nang maubos ang pasensya niya sa dalawang tsimosang ito. Kapag hindi talaga siya nakapagpigil ay pagbubuluhin niya ang mga ito.
“Inakit?” Alessia scoffed. “Sabagay, kaakit-akit naman talaga ako.”
Nanlalaki ang matang nagkatinginan ang dalawang babae na hindi makapaniwala sa sinabi ni Alessia. Hindi kasi inaasahan ng mga ito na papalag siya.
“Hoy, huwag ka ngang feelingera. Mukha kang inosente pero maladita ka rin pala! Bago ka lang dito, kaya matuto kang lumugar.” Palaban na sabi ni Nena.
Alessia flipped her hair. “Wala akong pake. D’yan na nga kayo. Pinaiinit n’yo ang ulo ko.”
“Aba’t masama talaga ang tabas ng dila mo—” Hindi napagpatuloy ni Nena ang pagpupuyos dahil mabilis na nakalayo si Alessia. Naiwan itong uumusok ang ilong samantalang napapailing na lang si Gina.
Natatawa pa rin si Alessia nang pumasok sa sariling silid. Agad niyang hinubad ang suot na uniporme hanggang sa cycling shorts at sports bra na lang ang natira. Madilim na ang piligid sa labas at hindi siya puwedeng magpalipas ng kanyang workout routine.
Nagsimula siyang mag-push-up. She effortlessly finished ten rounds until sweats dripped in her body. Hindi pa siya nakuntento at walang sawang nag-squat. Natigil lang siya nang biglang pumasok si Yaya Glo.
“Diyos kong batang ito. Anong ginagawa mo?” gulat na bulalas ng matandang babae.
“I can’t use the gym, Yaya. So, I had to improvise.” Nakangiting sagot ng dalaga.
“Hayaan mo, sasabihin kong ikaw ang maglilinis ng gym para makagamit ka.” Magiliw na sambit ni Yaya Glo.
“Talaga, Yaya?” Alessia was excited. Nakita na niya kasi ang malawak na gym sa third floor. Pero tiyak na ipapahamak niya ang sarili kapag may nakahuli sa kanyang gumagamit niyon.
“Tatawagin sana kita para maghapunan. Sabi ni Gina ikaw daw tumulong kay Sir Caio kanina?”
Tumango siya. “I wonder why he’s such a drunkard. He kept calling me Bella.”
Nagbuntong-hininga si Yaya Glo. “Si Bella ang babaeng pakakasalan sana ni sir. Kaya lang naaksidente daw sa sasakyan sa Italy. Kawawa nga si Sir Caio, dinamdam niya talaga ang pagkamatay ni Ma’am Bella.”
“I see.” Napatango-tango ang dalaga. Malamang ito ang dahilan kung bakit niya ito natagpuan sa loob ng bar na nagpapakalunod sa alak. He must have been mourning. She only relates to the pain because she knew the feeling of losing someone important. Noong namatay ang kanyang mga magulang, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya malimutan ng sakit kahit mahigit isang dekada na ang nakaraan.
Alessia had learned to live with the pain. Sana lang narito pa siya kapag nakamove-on na ang lalaki sa pagkawala ng babaeng mahal nito.
“Pero ang pogi ni Sir Caio ‘di ba?” tudyo ni Yaya Glo. “Alam mo, napakabait ng batang ‘yan. Nagsimula lang magbago ang ugali niya nang mamatay ang kuya niya. Tapos ngayon naman si Bella.”
“He looks not that bad. I pity him.”
“Hay, Ali. Kung bakit naman kasi mas pinili mong maging katulong dito sa bahay. Bagay sana kayo.”
Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. “Oh, come on. Forget it, Yaya. Gusto mo ba akong maging panakip-butas?”
“Sabagay. Pero wala namang masama. Malay mo, dahil sa ‘yo makalimutan niya si Ma’am Bella.”
Tinawanan na lang ito ni Alessia. “Mabuti pa kumain na lang tayo.”
Magkakasabay kumain ang mga kasambahay sa dirty kitchen. Panay ang irap sa kanya ni Nena lalo na nang makita ang kanyang table manners. Isang tinidor at bread knife ang nasa kanyang kamay dahil tinapay at karne ang kanyang kinakain.
“Ang arte!” bulong ni Nena.
Pinalabas lang iyon ni Alessia sa kabilang tainga. Pero kung hindi ito titigil ay sisiguraduhin niyang ito na ang huling magpaparinig ito sa kanya. Kung malalaman lang nito na maikli lang ang kanyang pasensya. She was known in the Triad having a short fuse, the reason she never hesitated to kill.
“Yaya Glo. Alam n’yo bang m*****a itong apo n’yo? Kung hindi ‘yan magbabago ng ugali, hindi ‘yan magtatagal dito. Hindi marunong makisama,” hayag ni Nena matapos uminom ng tubig.
Pinanlakihan ito ng mata ni Yaya Glo na wari ay sinasaway. Pero ayaw papigil ni Nena.
“Nagsasabi lang ako ng totoo. Pagsabihan mo ‘yan, Yaya Glo. Alam namin na inakit niya si Sir Caio kaya madaling nakatulog kanina.”
Humigpit ang pagkakahawak ni Alessia sa bread knife. Isang salita pa at hindi na talaga siya magpipigil.
“Nena, pagpasensyahan mo na lang si Ali,” sabi naman ni Gina.
“Pasensya? Bakit ako ang mag-a-adjust? Kita mo naman na masama ang ugali. Palibhasa bata pa at may itsura. Akala mo naman maaakit niya si Sir Caio—” Hindi nagawang ipagpatuloy ni Nena ang iba pang sasabihin dahil bigla itong napasigaw.
Buong lakas kasing itinapon ni Alessia ang bread knife at tumusok iyon sa mismong gilid ng plato ni Nena.
“Oops, pasensya na. Dumulas sa kamay ko,” apologetic na wika niya. Kahit halata namang wala sa loob iyon. She faced Nena, “Hindi kita pinakikialaman, Nena. Kaya sana huwag mo rin akong pakikialaman.”
Tumayo si Alessia at nagmartsa pabalik sa kanyang silid. Habang naiwang namumulta si Nena na halos himatayin sa matinding pagkabigla.
HUMINGA nang malalim si Alessia habang humigpit ang pagkakahawak niya sa sniper rifle. It took her a while to see her moving target.A woman. Her name was Isabella Gauci.Ngayon lang niya gagawin ito. But based on the report given by his father, that woman was involved in child smuggling and other illegal business related to the poor helpless children. Ilang taon na siyang pumapatay ng mga masasamang tao lalo na at kumakalaban sa kanilang organisasyon. Killing was all she had known since she was ten. This should be just a piece of cake.Do it, Ali. She urged herself.May kasamang dalawang bodyguard ang babae. The woman seemed to glow in happiness. Ilang ulit siyang napalunok habang nakasilip siya sa maliit na teleskopyo ng mahabang baril na hawak niya.Kasalukuyan siyang nakaposisyon sa mataas na bahagi ng isang hotel sa hindi kalayuan. While her target was about to go to one luxury shop.Alessia focused, and her finger slowly held the trigger. Ngayon lang siya nag-alinlangan nang gan
INI-LOCK ni Alessia ang gym nang masigurong walang security camera sa loob niyon. Hinubad niya ang suot na uniporme at nakigamit siya ng mga equipment doon kahit saglit lang. Sanay kasi ang katawan niya sa ehersisyo kaya hindi maaaring hindi siya pagpawisan. Mabilis din naman siyang lumabas para hindi siya paghinalaan. Nakasalubong niya si Nena na nagtataka dahil pawis na pawis siya. “Ayusin mo ang mga labahin, Ali.” “Walang problema.” Nakangiting sagot niya at pakanta-kantang tinungo ang laundry area. Pero hindi niya lubos akalain na sandamakmak ang labahin dahil kasama ang mga makakapal na bedsheet at kumot. Mukhang nanandya si Nena. Naglalaba naman siya ng sariling damit lalo na kapag nasa misyon siya. Pero ni minsan ay hindi niya pa nasubukan ang ganito karami. She was never trained to do a household chore because they had plenty of maids at home. Naabutan siya ni Yaya Glo na tila natutulala sa dami ng labahan. Waring nabasa naman nito ang laman ng isip niya. “Hayaan mo na ‘ya
SUMAMA si Alessia kay Yaya Glo sa pamamalengke kinagabihan para na rin makaiwas sa mga bisita ni Caio sa bahay. Her gut instinct was telling her it was dangerous to expose herself to the strangers. Lalo na kay Giovanni. Hindi niya gusto ang mapagdudang tingin nito sa kanya.“Lola, may pupuntahan lang ako saglit.” Nagpaalam siya kay Yaya Glo nang marating nila ang supermarket.“Saan ka pupunta?” Nagtatakang tanong nito.“Bibili ako ng ilang pirasong damit.” Napakamot siya sa ulo. Nakatingin kasi sa kanila si Ronnie, ang private driver ni Caio. Baka makahalata itong ibang tao siya kapag sila lang ni Yaya Glo ang nag-uusap.“May pera ka pa ba?” Nag-aalalang tanong ng matanda na alam niyang sinasakyan lang ang pag-arte niya.“Meron pa naman po. Babalik ako kaagad.” Mabilis siyang tumalima at tinantiya ang oras mula sa mumurahing relong suot niya.Tinungo ni Alessia ang isang opisina ng kilalang courier service at nag-pick-up ng malaking parcel na siya rin mismo ang nagpadala sa sarili niy
IGINIYA si Alessia sa living room habang mabilis ang kilos ni Giovanni na kumuha ng malamig na tubig sa kusina. Patuloy ang pag-alo sa kanya ni Caio. “I heard from Bert you left the province because your uncle tried to rape you. I’m really sorry about this, Ali. Tell me how to make amends. Do you want to put Ronnie in jail?” Uminom ng tubig si Alessia na ibinigay ni Giovanni. Nakamasid lang ito sa kanilang dalawa at nasobrahan yata ang pag-arte niya dahil hindi tuloy siya makaalis basta. “O-okay lang sir. Basta huwag na po mauulit. Kawawa naman si Ronnie kung makukulong siya.” She looked down. Mahabang proseso pa kasi kapag iyon ang hiniling niya. Kaya niya naman gawan ng paraan na alisin sa landas niya si Ronnie anumang oras na gustuhin niya. Pero wala siya sa mood na idispatsa ito dahil malaking effort pa iyon sa parte niya. Babalian na lang siguro niya ito ng buto kapag hindi pa nadala. Nakatingnan dalawang lalaki sa sinabi ni Alessia. “Are you sure? I can’t fire him this time
WALANG nagawa si Alessia nang isama siya ni Caio sa lakad nito kinabukasan. Kahit kasi tumanggi siya ay naging mapilit ito. Ayaw naman niyang mag-inarte dahil baka pagdudahan siya nito. Pero nagulat siya dahil akala niya ay may iba pa silang makakasma mula sa kumpanyang pag-aari nito. But it turned out, it was only her, Caio, and Giovanni.Nakahinga nang maluwag si Alessia dahil sa private chopper sila sasakay. Although she had prepared for a worst-case scenario if they would go through the airport, she’d make sure her real identity would not be compromised. Hindi na rin nagtaka si Alessia nang si Giovanni ang magpapalipad ng sasakyang panghimpapawid. She knew that Giovanni Mardetti was a licensed private pilot.“Are you afraid?” tanong ni Caio sa kanya nang napansin nitong tila nag-aalangan siya.Tumango si Alessia. She had to act accordingly. Kaya umasta siyang sabik at nag-aalinlangan na sumakay sa helicopter. Kung alam lang ng mga ito na ilang ulit na silang muntik nang mamatay ni
NAGTANGIS ang mga bagang ni Zhan habang dinadamdam ang sakit ng pagtama ng latigo sa kanyang likod habang nakagapos ang kanyang dalawang kamay. He was shirtless, and the whip mercilessly touched his bare back. Naroon sila sa bunker ng private residence ng mga Chan sa Beijing. “Where is Ali?” Nanlilisik ang matang tanong ni Paul Chan. “I don’t know!” mariing wika ni Zhan sa lalaki. Nalaman kasi nitong kinausap siya ni Alessia nang nakaraang araw. At kung pano nito nalaman ay hindi niya alam. Paul probably hired a set of computer hackers to track Alessia. “I don’t want to do this with you, Zhan. But you know the rules once you lied. Why didn’t you tell us that Ali had contacted you from the Philippines?” namumula ang mukha ng matandang lalaki. “She just wanted to convey that she’s safe. Uncle, please. Let her relax for some time. I promise to bring her back.” Muling lumapat ang latigo sa kanyang likod. Muli siyang napapikit nang mariin. Zhan was prepared for this punishment. Pa
DUMATING si Caio at sabay-sabay na yumuko ang halos isandaang tao na nakasuot ng itim na suit na may burda ng kilalang organisasyon na La Guardia. The crest had a symbol of a hand holding a gun inside an intricate circular pattern of a snake.“It’s nice to see you here, boss.” A man with soft stubble on his face greeted him. Enrico de Luca was the newly appointed Caporegime of the La Guardia. He was in his late twenties. “I have a gift for you, boss. This will boost our morale before we start the meeting,” dagdag pa nito na nakaguhit sa labi ang isang makahulugang ngiti.“What is it?” seryosong tanong ni Caio. Nakatayo sa gilid niya si Giovanni.Enrico motioned his hand. Sumenyas ito at agad na nagkumahog ang dalawang lalaki na umalis. Bumalik din ito kaagad na may kasamang isa pang lalaki na nakatakip ng sako ang mukha at pilit na nagpupumiglas habang nakagapos ang mga kamay nito.Tinanggal ni Enrico ang takip na sako at agad na bumulaga sa kanila ang isang lalaki na nasa late thirti
MAGKASAMA sa inspection sina Caio at Viktor sa tatlong malaking casino sa isla. Ang kanilang kanya-kanyang armadong mga bodyguard ay nakasunod sa kanila. Mabuti na lang at wala namang nabuong tensyon sa pagitan ng dalawang grupo. Pabalik na sila sa hotel nang dumating si Giovanni at bumulong kay Caio. “We have a big problem,” anang lalaki. “What is it?” tanong niya. Biglang sumabat si Viktor sa usapan nila. “I assumed you’ve found my fairy.” Muling bumulong si Giovanni. “The fairy he’s looking for is…” Nag-alis ng bara sa lalamunan ang lalaki bago dinugtungan ang sasabihin. “It’s Ali. Your maid.” Caio stared at his Consigliere in disbelief. “Are you sure?” Isang tango lang ang isinagot ni Giovanni. Napatango-tango si Caio bago muling hinarap si Viktor. “Gio tried to look for the girl. But unfortunately, there were some technical problems, and he couldn’t find the footage. Don’t worry. I’ll send you the best girl to warm your bed tonight.” “No fucking way! I want that lady with
MABILIS na lumipas ang isang buwan. Nanatili si Alessia sa bahay ng pamilya sa Hong Kong bagama’t sumaglit siya ng ilang araw sa Beijing para personal na asikasuhin ang ilang negosyong naiwan ni Paul Chan.Pero kakaiba ang gising niya nang umagang iyon dahil agad niyang naramdaman na may kakaiba sa katawan niya.After she sipped her morning tea, her tummy seemed to rumble. Parang hinahalukay ang sikmura niya dahilan para tumakbo siya patungo sa banyo at halos bumaliktad ang sikmura niya kakasuka.Pulang-pula ang mukha ni Alessia nang tingnan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Sobrang lakas din ng kaboy ng dibdib niya lalo na at may hinala na siya kung bakit siya nagkakaganoon.‘No fucking way!’ She just missed her period this month.Mariin siyang napahawak sa lavatory. Ano ba ang gagawin niya oras na makumpirma niya ang hinala?Alessia hardly closed her eyes and took a deep breath. Kinalma niya ang sarili para makapag-isip siya nang maayos.“I need to get rid of it…” bulong niya
“EXCUSE me,” Alessia excused herself to answer the call. Hindi naman nag-usisa si Jian. Pero siniguro niyang hindi nito maririnig ang anumang pag-uusap nila sa kabilang linya.Alessia cleared her throat before she spoke. “Hello?”“Ali, thank God you picked up! How are you there?” There was a relief on Caio’s voice on the other line. Alessia gave him a contact information before she left the Philippines. Para masiguro niyang hindi ito makakawala sa kanya oras na isagawa na niya ang mga plano. “Okay naman ako. Bakit, may problema ba?”“Silly, no. I just want to inform you that I’m flying to Italy. Baka matagalan ako bago makauwi. So, you may extend your vacation in the province as well.”Umangat ang isang kilay ni Alessia. She was becoming more suspicious. Was Caio laying trap by dropping his location? “S-sige, mabuti pa nga. Mga ilaw araw ka ba d’yan?”“Well, a few weeks maybe. But I’ll go home quickly as I can after I fix everything here. Okay?”“Ah, naintindihan ko.”“Wait, you so
LUMIPAD patungong Hong Kong si Alessia para magpalamig dahil sa operasyong ginawa nila bilang paghihiganti sa La Guardia. Nagpaalam siya kay Yaya Glo na baka hindi na siya bumalik sa mansion. Yaya Glo wished her the best. Hindi naman ito naging mausisa.Alessia needed some fresh air to contemplate. Bukod pa roon ay gusto niyang dalawin ang ama. She hated him, but she owed her life to him.“Ali! Welcome back!” Tuwang-tuwa si Vesta nang salubungin siya nito sa bahay.“It’s nice to see you again, Vesta. Where’s Papa?”“He’s in his room, recuperating. Hyacinth is looking after him.”“Where’s Jian?” Inilinga niya ang mata sa paligid.“He’s out to run an errand. Why did Zhan Ge not come with you? I haven’t seen him for a long time.” Vesta pouted her lips. Paborito niyo kasing kalaro sa target shooting ang binata.“I believe he’ll be around soon. I want to see Papa.”“Go ahead, he’s expecting you.”Nagmadali si Alessia patungo sa kinaroroonan ng ama. Naabutan niya itong nakaupo sa wheelchair
“YOU’RE awake!”Ang malinawag na mukha ni Giovanni ang nabungaran ni Caio pagmulat niya ng mata. Sandali niyang pinag-aralan ang paligid, mukhang nasa loob siya ng ospital.“Where am I?” tanong niya.“I brought you here as soon as I found you.” Biglang nagkunot ang noo ni Giovanni. “That makes me wonder why you’re leaning on a tree trunk unconscious. The fumes must have filled your lungs. Anyway, I’m glad you make it out alive. Akala ko talaga nasa loob ka pa ng warehouse nang sumabog.”Biglang naguluhan si Caio. “There was an explosion?”“Yes, unfortunately we lost millions of dollars because of that. However, your safety is our priority. Money will return, but you only have one life. Are you feeling better now?”Tumango si Caio kahit nananakit pa rin ang kanyang sentido. Pilit niyang inaalala ang nangyari nang gabing iyon. The last thing
MABILIS na nakalayo si Alessia bago pa man tuluyang sumabog ang gusali. Tumawag siya kay Yun gamit ang kanyang smart watch. “Retreat! Back to the base, now!”“Copy!” Listang sagot ni Yun. “Damn it! Shit! Shit!” Panay ang mura ni Alessia habang tinatahak ang daan paalis. Kaswal siyang sumakay sa kanyang motorsiklo at mabilis na pinaharurot iyon. This can’t be happening! Mariing umiling si Alessia dahil masyadong lutang ang isip niya at wala sa daan ang kanyang atensyon. This could lead to an accident if she weren’t careful. Nakasalubong pa niya ang mga fire truck kasama ng ilang police patrol car. Pero hindi siya nabahala. Sobrang lakas pa rin ng kabog ng dibdib niya. How could she tell the squad that he personally knows the Mafia King? She should’ve listened to Zhan. Totoo nga talaga ang kasabihang laging nasa huli ang pagsisisi.There were so many red flags about him, but Alessia chose to ignore it because she was confident, she had the upper hand. Iba rin talaga maglaro ang tadh
ALESSIA meticulously did her task as the Vanguard ordered. Tumawag siya kay Caio gamit ang burner phone habang nasa likuran niya nagliliyab ang isa sa pinakamalaking warehouse ng mga armas na pag-aari ng kalaban.Kasama ng ilang tauhan, lumusob sila sa warehouse na ito matapos makumpirma ang impormasyong isa sa pinakamataas na opisyal ng La Guardia ang nagpapatakbo rito.Alessia was hoping the king would come. Kaya sinadya niyang ipakilala ang sarili bilang Medusa. She had to end this war quickly. Kapag napatay na niya ang leader ng kalaban, tiyak na masisira ang chain of command nila.Ren and Zhan planned their way of infiltration. The four of them had a different task at hand. Si Zhan ang nakatalaga kay Rafaella Gauci. Habang sina Ren at Wei ay pinasok rin ng mga ito ang dalawa pang malalaking warehouse sa labas ng syudad. This could paralyze the Mafia’s operation for a while.Ngumiti si Alessia mula sa pinagkukublian nang makita ang tatlong sasakyan na paparating. Lumabas mula roon
“LET’S give him a benefit of the doubt. The world is big, that could be Sean’s doppelganger.” Caio said nonchalantly. Matapos niyang makahuma sa pagkabigla. He had to think rationally because it would be unfair to judge without solid proof.“It’s too much of a coincidence.”“If Sean is Zeus, he had hundreds of chances to kill me, Gio. But he never did.” Patuloy na pagtatanggol niya sa driver. Ayaw niyang maging padalos dalos. Lalo na at wala namang ipinakitang masama at kaduda-duda sa kanya ang lalaki nang mga panahong naglagi ito sa bahay niya at silang dalawa lang ang magkasama.“Maybe he never did because he’s unaware of your identity!”Caio shrugged. “It could be. But an assassin of Zeus’ caliber would not simply infiltrate my domain that easy. Didn’t you have a background check on him. You said he’d clean. Among the high-ranking officials of the La Guardia, you are the most suspicious. No one could get through in your prying eyes.”“Yes, but—”“Gather more evidence. Besides, if h
THE three high ranking officials of the Chan Clan gathered inside the private study. Hindi na nagpatumpik pa si Ren habang naghihintay sila sa pagdating ni Ali. “This will be an all-out war against the Mafia. Uncle Paul started it, and we need to finish it,” wika ni Ren. Nakaupo silang tatlo na magkakaharap sa katamtamang laki na parihabang mesa. “How did uncle take it?” tanong ni Zhan.“He’s hospitalized. Only the squad knows about Uncle Paul’s current health condition. If someone leaks this crucial information, other clans will take advantage of it. The Triad will be in chaos because of an internal conflict, as other clans wanted to take the highest position in the organization.” Huminga nang malalim si Ren. “Fortunately, Jian and the girls are there to look for him and the business. As of now, we’re all good.”“Poor Xiao, this is all my fault. If only I tracked her on time this wouldn't have had happened.” Patuloy na sinisisi ni Wei ang sarili. Although no one blamed him for anyt
ALESSIA was surprised when she opened her eyes, Caio was still beside her. Nakayakap ito nang mahigpit sa kanya at payapang natutulog.Pinagmasdan niya ang mukha nito. She playfully touched the tip of his nose. Indeed, his presence made her feel at peace. Pero natatakot siyang masanay sa ganoon dahil alam naman niyang dinadaya rin niya ang sarili. She was firm at first, she’d never fall for him. Pero si Caio ang natatanging patunay na kabila ng impyernong pinagdaanan niya mula pagkabata, hindi siya tuluyang naging manhid. She was a human after all, capable of giving love—and it could be her ultimate weakness.Kumibot ang labi ni Caio. Namalayan na lang ni Alessia na unti-unti siyang napapangiti.‘I'm sorry, Caio. I need to leave for a while,’ aniya sa isip. She had to avenge Xiaoyu and find her body to give her a proper send off.Caio slowly opened his eyes. Kumurap ito nang ilang ulit matapos ay sumila