Share

Chapter 3-Erries

Author: NicsTag
last update Huling Na-update: 2023-01-29 22:57:54

                LANCE POV

Napapalingon ako sa paligid nang mapansing nasa labas ako ng isang malaking bahay o Mansion. Hindi ko alam kung bakit ako nakatayo at tila ba may hinihintay ako. Nagsimula akong pumasok sa gate, dahil napansin kong nakabukas ito. Pagkapasok ko ay may narinig akong tawa mula sa malaking Mansion na nasa harapan ko. Naririnig ko ang tawa nang isang babae at dahil gusto ko itong makita ay naglakad na ako nang tuluyan patungo sa loob ng Mansion. Subalit bago pa ako tuluyang makapasok ay may nakita akong nakatayong babae na may hawak na kutsilyo sa kamay nito. Pamilyar sa akin ang likod nito at hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip ko. Muli ko na namang narinig ang tawa nang isang babae, kaya napatingin ako doon. Ngunit nagulat na lang ako sa aking nakita. Nakita ko ang sarili kong mukha, habang may babaeng nakaupo nang paharap sa kandungan ko. Tumatawa ito hindi dahil sa nakakatawa ang ginagawa niya, kasama ang lalaking ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa aking nakita. Anong ibig sabihin nito?

Narinig kong tumawa na naman ang babaeng nakatalikod sa gawi ko. Nakita ko ang aking sarili na tila abala sa ginagawa sa bandang leeg nito.

Sandali? Nakikita ko na nang malinaw ngayon kung ano ang ginagawa nila.

Nakaupo ang babae sa lap ko, habang hinahalikan ko ito sa may leeg. Napahakbang ako papalapit at doon nakita ko ang ginagawa ng sarili ko. I'm kissing her neck! Nakabukas na rin ang harapan ng babaeng hindi ko naman kilala.

"Mga hayop kayo!"

Napalingon ako sa babaeng nakita kong nakatayo kanina, habang may hawak na kutsilyo. Tumakbo ito patungo sa kinaroroonan ng dalawa. Bago pa lumingon ang babaeng nasa kandungan ko ay nasaksak na siya sa likod. Nagulat pa ako nang makilala ang babaeng sumaksak dito, walang iba kundi si Cassy. Nakita ko kung paulit-ulit niyang sinasaksak ang babae hanggang sa ito'y napahandusay at sunod niyang sinaksak ay ako!

Agad akong napatayo sa kaba, habang naghahabol nang hininga. Malakas din ang kabog nang dibdib ko at pawisan pa. Hindi ko alam kung anong klaseng senaryo ang nakita kong iyon.

"Tsk! Bakit ba ako nagkaroon nang ganoong panaginip. Nakakatakot!" sambit ko sa sarili.

Muli akong napapikit at nasapo ko ang aking mukha. Mayamaya ay tumayo na ako at kumuha ng tubig sa mini-refrigerator na nandito sa kwarto ko. Uminom ako at napabuntong-hininga.

Grabe!  Kumakabog pa rin ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, nang makita ko kung paano saksakin ni Cassy ang babae at maging ako. Hays! Sino namang babae iyon?

Napapailing na lang ako at naglakad na patungo sa banyo, upang maligo. Ngayong araw ay pupunta ako sa isa sa mga kompanya na pinapalakad ng mga magulang ko. Ang MCI, o Model and clothing Incorporation. Ipapakilala ako doon ng magulang ko bilang bagong C.E.O ng kompanya. Kasama ko doon si Cassy na isa sa mga director ng kompanya. Noong huling nagsama kaming dalawa ay nagpasiya kaming subukan ang aming mga sarili, na sundin ang sinasabi ng magulang namin. Komportable naman kami pareho sa isa't isa, ngunit kung hindi kami magiging masaya bago ikasal ay hindi namin oyon itutuloy pa upang walang sisihan.

Kaya matapos naming pag usapan iyon ay sinabi na namin sa mga magulang namin ang  aming desisyon. Natuwa  naman sila, lalo na si Mommy. Marami silang naging komento, na kuno ay magiging masaya kaming dalawa ni Cassy. Tsk! Hinayaan ko lang silang magsaya. Subalit, nasa isip ko pa rin si Erries. Hays! Di bale na nga, mukhang tama naman si Kuya. Walang kasiguraduhan kong magkikita pa kami o di kaya baka may iba na itong minamahal. Kaya dapat ay huwag na akong umasa pa.

Matapos kong maligo at mag ayos sa sarili ay bumaba na ako upang mag almusal. Naabutan ko sila Dad at Mom, na masayang nag uusap habang kumakain.

"Good morning," bati ko sa kanila. Humalik pa ako sa pisngi ni Mommy bago umupo sa bakanteng silya.

"Good morning, are you ready for this day? My son?" masayang tanong sa akin ni Mommy.

Kumuha muna ako ng pagkain bago siya sinagot.

"Well, yes," sagot ko.

"Sasabay na kami saiyo ngayon, para maipakilala ka na namin. Alam na rin nila na ikaw ang magiging bagong C.E.O ng kompanya. Kaya nasisiguro akong magiging mabait ang trato nila saiyo," narinig kong sabi ni Dad.

"Tsss, ayoko sa mga masyadong mabait, dad. Kilala niyo naman ako," sabi ko sa kanya.

Napapailing lang siya sa naging tugon ko. Alam naman niya kung anong ugali ko pagdating sa trabaho. Gusto iyong masipag at matiyaga sa trabaho.  Kulang ang pagiging mabait, kung hindi naman masipag sa trabaho.

Marami pa kaming pinag usapan tungkol sa pagiging bagong C.E.O ko sa kompanya. Sinabi nila sa akin ang mga kailangan kong gawin. Hinayaan ko lang silang magsalita. Inaral ko na ang pamamalakad sa kompanya at magiging strikto talaga ako pagdating sa trabaho.

Hindi rin nila nakalimutang sabihin na kasama ko si Cassy sa kompanyang iyon. Hays! Matapos no'n ay umalis na kami at sabay kaming pumunta sa kompanya namin.

       Pagdating namin ay nakita ko, kung paano humilira ang mga empleyado sa labas ng kompanya nang makarating kami. Lahat sila nakayuko at tila nirerespeto kami. Napabuntong-hininga na lang ako. Kailangan ba talagang ganito ang salubong sa amin? Taas-noo akong bumaba sa kotse, nang buksan iyon ng isa sa mga bodyguard namin. Nang makalabas na sina Mommy ay sabay na kaming naglakad papasok. Habang naglalakad kami ay may naramdaman akong kakaiba. Napatingin ako sa paligid, pakiramdam ko kasi ay may pamilyar na presensya akong naramdaman. Habang naglalakad ako ay tinitingnan ko ang lahat ng empleyado. Hanggang sa matigil ang mga mata ko sa isang babae. Nasa unahan siya, malapit sa may pinto. Nakayuko, pero nakikita ko ang kanyang mga matang napapatingin sa gawi namin. Nakasuot siya nang kulay pulang coat at nakapaldang itim. Maging ang suot niyang mataas na hells ay napansin ko ba. Nakalugay ang kanyang buhok at maputi ang kanyang balat. Hindi ko maintindihan ang sarili ko habang nakatingin sa kanya. Marami na akong nakitang babaeng maputi, katulad niya. Gaya na lang kay Cassy, matangkad at maputi ang balat. Ngunit kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya. Higit sa lahat ay pamilyar ang presensya niya. Hindi ko pa tuluyang nakita ang kanyang mukha, dahil nga nakayuko siya.

"Good morning, Mr and Mrs Acosta!''

Sabay na sigaw ng mga ito, ngunit nasa babae pa rin ang tingin ko. Mayamaya ay iniangat na niya ang kanyang mukha at pumalakpak. Doon ko na nasilayan ang maganda niyang mukha, na naging dahilan nang tila pagkabog ng dibdib ko. Sandali! Bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi naman ako ganito sa mga babaeng nakikita at nakikilala ko. Bakit sa kanya ay kakaiba? Anong ibig sabihin nito?

"Good morning everyone! By way, I want you to meet my son, Lance Riev Acosta. You're new C.E.O of this company," pakilala ni Mommy sa akin.

Binati rin ako ng mga ito at kumaway lang ako sa kanila. Nagpatawag nang meeting si Mommy, para pormal na makilala ako ng mga ibang namamahala sa loob ng kompanya at saka lang kami tuluyang pumasok sa loob. Ngunit hindi pa rin maalis ang tingin ko sa babaeng iyon. Pasulyap-sulyap ako sa kanya, habang naglalakad ako.

"Tita, Tito!"

Napukaw lang ang atensyon ko, nang marinig ko ang boses ni Cassy. Sumalubong siya sa amin at humalik pa sa pisngi ng magulang ko, bago siya tuluyang lumapit sa akin.

"Good too see you here, honey," sabi niya sa akin at yumakap sa braso ko.

"Me too," nakangiting sabi ko at hinalikan siya saglit sa labi. Hinampas lang niya ako nang mahina sa dibdib, dahil sa ginawa kong iyon.

"Ikaw talaga," saway niya at tumingin kina Mommy.

"Natutuwa kaming makita na ganyang kayong dalawa," nakangiting puna sa amin ni Mommy.

Natawa lang si Cassy sa sinabing iyon ni Mommy at niyaya na kaming pumunta sa magiging opisina ko. Bago ako tuluyang tumalikod ay pasimple akong tumingin doon sa babae at bahagya pa akong natigilan nang magtama ang paningin namin. Kaya naman doon ko rin napagtanto na talagang pamilyar siya sa akin.

Saan ko ba siya nakilala?

Bago ko pa masagot ang tanong sa isipan ko, na mahirap namang sagutin ay tuluyan na akong tumalikod at sumunod kina Mommy. Sumakay kami sa elevator at naririnig ko pa rin sila na nag uusap. Subalit, hindi pa rin mawala sa isip ko ang babaeng iyon. Talagang pamilyar siya sa akin, hindi ko lang talaga alam kung saan ko nakita. Maybe, at the club? Something like, crowded place? I don't know!

    "Here's your new office," sabi ni Cassy sa akin, nang dalhin niya ako sa magiging opisina ko. Nauna na sina Dad sa conference room, at pinakita muna ito sa akin ni Cassy.

"Oh, this is nice," komento ko.

Kailangan ko pa ring i-appreciate ang mga bagay na binibigay o pinapakita niya sa akin, dahil iyon ang napag usapan namin. Kailangan muna naming makasama pansamantala ang mga sarili namin, bago kami tuluyang makapagdesisyon tungkol sa usapan namin sa kasal.

"Really? You like it?" natutuwang sabi niya sa akin.

Tumango ako at ngumiti. Bigla ko siyang binuhat at iniupo sa mesa.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" nagugulat niyang sabi sa akin at iniharang pa ang dalawang kamay sa dibdib ko.

"May usapan naman tayo di ba?" sabi ko sa kanya.

"T-Tungkol saan?" nagtatakang tanong niya.

"Na maaari kong gawin ito saiyo," sabi ko sa kanya at bago pa siya makapagsalita ay sinakop ko na ang mapupula niyang labi. Hindi agad siya nakatugon sa akin dahil sa ginawa ko. Ngunit mayamaya ay lumaban na rin siya nang halik sa akin.

May usapan kasi kami na maaari ko siyang halikan anumang oras at kahit saan. Iyon lang at wala nang higit pa doon. Hindi lang naman ito ang unang beses na hinalikan ko siya. Maging doon sa Hill place, kung saan kami nag-date ay nagawa ko siyang halikan at maging no'ng hinatid ko siya. Kaya naman ngayon ay bigla akong nanabik na halikan siya, nang di ko alam. Sa gitna nang mainit na halik sa pagitan naming dalawa, ay biglang pumasok ang mukha ng babaeng nakita ko kanina sa baba. Kaya naman sa gulat ko ay naitulak ko si Cassy upang maputok ang halik namin. Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko.

"What's wrong?" nagtataka niyang tanong.

"Let's continue this later, baka naghihintay na sila. Masyado akong nadala, pasensya na," saad ko.

"Tsk! Ano ka ba, ayos lang iyon. Nakakagulat ka naman minsan eh, sanay na ako," natatawang sabi niya.

Napangiti na lang ako at binuhat muli siya paalis sa mesa. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay na kaming lumabas ng opisna. Ngunit sa paglabas namin ay sakto namang padaan iyong babaeng nakita ko kanina. Huminto siya nang makita kami.

"Good morning, Ma'am Cassy, and Sir Lance," bati niya sa amin at bahagyang yumuko.

"Tss, umayos ka nga? Huwag mo akong tawaging 'Ma'am' kapag nagkikita tayo. Your my friend, so don't act like that," sabi sa kanya ni Cassy.

Friend? Magkaibigan sila?

"Natural, nasa trabaho tayo, kaya naman kailangan kong itawag iyon saiyo. Umayos ka rin, nasa harap tayo ng boss," narinig kong sabi nito.

Napalunok ako bigla dahil lang sa narinig ko ang boses niya. Para iyong umi-echo sa utak ko at ayokong mawala. Tsk! Ano ba itong naiisip ko!

"So, she's your friend?" sabi ko kay Cassy.

"Well, yes, honey and she's one of my highschool friends before. I want you to meet Erries, and girl, this is my man; Lance," pakilala ni Cassy sa aming dalawa.

Natigilan naman ako, nang marinig ko ang pangalan nito. Wait! Tama ba ang pagkakarinig ko? Erries? Her name is Erries?

"Hays, ikaw talaga, tsk! Well, nice to meet you, sir Lance," sabi niya at iniangat ang kamay sa akin.

Hindi agad ako nakakilos dahil talagang nagugulat pa rin ako sa narinig kong pangalan. Kung hindi lang ako siniko ni Cassy ay talagang tuluyan na akong matutulala.

"O-Oh yeah, nice to meet you too, E-Erries," wika ko at kinuha ang kamay niya, upang makipagkamay.

Kaya naman kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko, nang magtama ang init ng kamay naming dalawa. Para bang may kuryenting dumaloy sa buong katawan ko, dahilan upang manigas ito. Muli akong napalunok at binitawan na ang kanyang kamay.

"Pupunta ka rin ba sa conference room?" tanong ni Cassy sa kanya.

"Yes, kayo rin ba?"

"Oo, sabay na lang tayo," anyaya ni Cassy at ayon nga sumabay na siya sa amin.

Habang papunta kami sa conference room ay nag uusap silang dalawa. Hindi pa rin mawala ang kakaibang pakiramdam ko sa kanya. Tila ba, naroon pa rin sa kamay ko ang init nagmumula sa mga kamay niya.

Erries!

Hindi rin maalis sa isip ko ang pangalan niya. Pangalan pa lang iyon pero nanlalambot na ako at para bang gusto kong muling hawakan ang kamay niya. Tila nakakabaliw ang pangalang iyon. Tsk! Ako yata ang nababaliw na, hindi ang pangalan niya.

Erries! Kapangalan niya ang babaeng noon ko pa nais makita at mahanap.

Pamilyar sa akin ang presensya niya!

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay siya ang Erries na nakilala ko, 6 years ago.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jossel Zulueta Beredo
nku lgot n mgkkatotoo yta ung pnaginip mung tlipandas ka mgkaibigan pla cla.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Trapping the Billionaire    Chapter 4

    Nang makarating kami sa conference room ay naroon na ang mga magulang ko at nakaupo na. Sila ang nakaupo sa dulo ng mesa, habang may isa pang upuan sa kabilang dulo rin ng mesa at doon ako dinadala ni Cassy. Halos kompleto na ang mga boad of directors ng kompanya, maging ang ilang nakakatataas dito. Napatingin ako kay Erries, doon siya umupo malapit sa kinauupuan ni Mommy. Nakangiti siyang bumati sa mga ito, na tila napakapormal niya. Napapansin ko naman ang ilang kalalakihan na kasama namin dito ay napapatingin sa kanya. Hindi lang simpleng tingin ang binibigay nila dito, pakiramdam ko ay may halong pangnanasa ang nakikita ko. Bakit? Simple lang naman ang suot niya pero nakakapang akit na agad sa iba? Well, aminin ko man o hindi ay apektado rin ako. Hindi lang sa kasuotan niya, kundi maging sa pagkatao niya. Pamilyar talaga siya sa akin at gusto kong isipin na siya nga ang Erries na hinahanap ko. Subalit, ayoko munang umasa. Kailangan ko munang alamin kung sino nga ba siya, dahil b

    Huling Na-update : 2023-02-07
  • Trapping the Billionaire    Chapter 5

    Saglit kaming natahimik dalawa, habang nakatalikod ako sa kanya. Gusto ko talagang batukan aking sarili dahil sa ginawa kong iyon. Masyado akong nagmamadali at tila nawala sa sarili ko ang dapat kong gawin, nang makita siya."S-Sir," tawag niya sa akin.Itinaas ko lang ang aking kamay saka bumaling sa kanya. Agad naman siyang nag iwas nang tingin sa akin.Damn it!Baka kung anong isipin niya sa ginawa kong iyon at magsumbong bigla kay Cassy. Hays! Pinakalma ko ang aking sarili, saka nagsalita sa kanya."Look, I didn't mean to do that. I'm really sorry. You just remind me of someone, sana hindi mo ito sabihin kay Cassy," sabi ko sa kanya.Doon lang siya tumingin sa akin at nagtama ang aming mga mata. May napansin ako sa kakaibang tingin niyang sa akin, na tila ba balewala sa kanya ang ginawa ko at para bang sinasabi no'n na gusto rin niya.Lance!Muli akong napapikit sa naisip kong iyon. Paano naman niya magugustuhan iyon, eh halata namang nagulat siya at naiilang na tumingin sa akin.

    Huling Na-update : 2023-02-17
  • Trapping the Billionaire    Chapter 6

    Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa opisina ko, matapos ang nangyari sa amin ni Erries. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya at ang halik na iyon na ibinigay niya sa akin. Nasapo ko na lang ang aking noo at napabuntong-hininga.Kasalanan ko ito eh! Kung hindi ko siya inunahan kanina ay hindi siya gagawa ng ganoon sa akin, pero, iba ang kinikilos ng katawan ko. Para bang gusto ko ang nangyari, hays!This is not right!Napatingin ako sa may pinto nang marinig kong may kumatok, saka iyon bumukas at nakita ko si Cassy na napangiti agad nang makita ako."Hello babe, nalaman kong pumunta kayo ni Erries sa department niya. Ano? Okay ba saiyo ang mga nalaman mo doon?" sabi sa akin ni Cassy, na lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko.Hindi ko pinahalata na may kakaibang nangyari bukod pa doon sa nalaman niya. Ngumiti agad ako sa kanya at napatango-tango."Yes, it's fine with me. I didn't know that, she really have talent to design her own," nakangiting sabi ko sa kanya.Na

    Huling Na-update : 2023-04-24
  • Trapping the Billionaire    Chapter 7

    Bumaba ako sa sasakyan, matapos kong mai-park iyon sa parking. Inayos ko ang aking suot saka naglakad upang pumasok sa bar na sinasabi ni Cassy. Saglit pa akong napahinto, nang tila may isang alaala biglang pumasok sa isip ko. Kaya napakunot noo ako, lalo na nang mapatitig ako sa gilid ng pader na tila may nakikita akong dalawang taong may ginagawa, ngunit, agad lang rin na naglaho ang imaheng iyon.Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ang daming pumapasok ngayon sa isip ko."Oh, it's you.."Natigilan ako nang bigla may nagsalita sa likod ko at nang lumingon ako ay mas lalo akong natigilan nang makitang si Erries ito. Hindi ako nakatugon sa kanya dahil naagaw agad ang atensyon ko sa suot niyang kulay blue na dress. Masyadong revealing ang harapan ng damit nito, na tila ipinagmamalaki ang kanyang hinaharap. Hanggang heta lang ang mangas nito, na mas lalong nagpatingkad ng mapuputing heta nito, na tila ang sarap haplusin."Ehem, masyado bang nakaka-distract ang suot kong damit? G

    Huling Na-update : 2023-04-28
  • Trapping the Billionaire    Chapter 8

    THIRD PERSON'S POVHindi alam ni Lance kong ano ang gagawin niya habang nakatingin ngayon kay Erries, na nakangisi namang nakatingin sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman niya, tila ba nananabik siya sa kung anong mangyayari sa kanilang dalawa ngayon."You look so tense, this is not what I expected to you, Mr. Acosta," muling sabi nito, nang tuluyan na siyang malapit at umupo sa couch na medyo distansya lang sa pagkakaupo nito. Napatikhim muna siya bago magsalita."It doesn't matter, now, would you tell me what really happened between us?" sabi niya dito.Bahagyang natawa si Erries at nagsalin ng wine sa isang baso, saka binigay kay Lance. Hindi agad iyon kinuha ni Lance, ngunit, napilitan na lang rin siya."Why? Are you in hurry? I think, they don't mind if you can't get back there. Sinabi na sa akin ng kuya mo, na siya na ang bahala kina Cassy.. habang magkasama tayo," sabi sa kanya ni Erries.Natigilan naman si Lance, lalo na nang marinig ang sinabi n

    Huling Na-update : 2023-06-22
  • Trapping the Billionaire    Chapter 9

    LANCE POV'SHindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon, habang nakatingin sa babaeng biglang umupo sa upuan kung saan nakaupo si Cassy kanina. Bigla niyang winagayway ang kanyang kamay sa harapan ko, na naging dahilan upang matauhan ako."Masyado bang nakakagulat ang presensya ko?""E-Erries, what are you doing here?" hindi parin makapaniwalang tanong ko sa kanya."Tss, nakita ko Cassy na lumabas dito at inaasahan ko na baka ikaw ang kasama niya. Kaya nang makita kita ay pumasok ako. So, how are you?" nakangiti pa niyang sabi sa akin.Napalingon ako sa labas, dahil baka biglang dumating si Cassy at makita kung paano siya ngumiti sa akin."Look, I'm having a date with my Fiancee, don't ruin it," seryoso kong sabi sa kanya.Ngunit, imbes na matinag siya sa sinabi ko ay mas lalong lumawak ang ngiti niya sa akin. Tila ba wala siyang pakialam sa sinasabi ko."You look so tense, why? Natatakot ka bang makita tayo ni Cassy na magkasama? Tsk! We are friends, and she will

    Huling Na-update : 2023-08-04
  • Trapping the Billionaire    Chapter 10

    Hanggang sa makabalik ako sa loob ay hindi ko na magawang intindihin ang palabas, maging nang matapos ito. Panay naman ang kwentuhan ni Cassy at ang kaibigan ni Erries tungkol sa palabas. Narinig ko rin na nagsalita siya, at tumatawa na para bang walang kakaibang nangyari sa aming dalawa. Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa kanya at nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya. Ngunit, siya lang rin ang umiiwas nang tingin. Nag aya si Cassy na kumain, kasabay nila at tinanggap naman iyon ng mga ito dahil nagutom rin sila sa pinanood namin, kahit pa panay naman ang kain nila sa dala nilang pagkain kanina. Si Erries ang nag alok na magbabayad sa kakainin namin at talagang nagtalo pa sila ni Cassy dahil nakakahiya naman iyon dito. Ngunit sa huli ay si Erries pa rin ang nagpresinta na magbayad."Siyanga pala, nakausap ko na si Mr. Martinez., pumapayag na siyang maging ka-partner natin. He's willing to invest our company and sale some of our design dressed," mayamaya ay sabi

    Huling Na-update : 2023-08-11
  • Trapping the Billionaire    Chapter 11

    THIRD PERSON'S POV"What? Kami ni Erries ang kakausap kay Mr. Martinez?" nagugulat na sambit ni Lance, matapos sabihin ni Cassy na hindi ito makakasama sa pag uusap nila ni Mr. Martinez —ang isa sa malaki nilang investor na nakuha ni Erries.Natawa naman si Cassy sa naging reaksyon na iyon ni Lance."Why? Is there's something wrong with that? Honestly, mas mabuti ngang naroon din si Erries kapag nakausap mo na si Mr. Martinez. Talagang hindi ako makakasama dahil sa pang project na kailangan kong gawin ngayon. Hindi na naman iba saiyo si Erries di ba? She's our friend, kaya makakasundo mo siya at hindi lang naman ito ang unang beses na makakasama mo siya," natatawang paliwanag ni Cassy dahil talagang nakikita niyang tila hindi ito sangy ayon sa nais niya. Naisip niyang wala namang masama na makasama nito si Erries dahil nga kaibigan at katrabaho naman nila ito.Napabuntong-hininga naman si Lance at inalis ang pagkakagulat sa kanyang mukha."Well, I know that. Inaakala ko lang

    Huling Na-update : 2023-08-12

Pinakabagong kabanata

  • Trapping the Billionaire    Chapter 46

    THIRD PERSON'S POV Nang makaakyat si Erries sa stage ay napatingin pa siya sa lahat. Nakikita niyang masayang nagkakasiyahan ang mga ito at nag uusap. Nang huminto ng tugtug ay natigil ang ilan sa mga ginagawa nito, lalo na at napansin niyang napatingin ito sa kanya."I just want to have your attention for a moment, I hope you don't mind," nakangiting sabi ni Erries sa lahat.Napakita niyang tumango at ngumiti ito sa kanya, kaya gumanti naman siya ng ngiti sa lahat."I just want to give some tribute about the company where I'm belong—the Acosta Industrial Company. I'm so envious to them, because after all this years they boosted very well. They become popular, that's why they forgot about something important," putol niya sa sinasabi.Napatingin siya kung saan naroon sina Raymond, maging ang magulang nito. Nakita niya kung paano siya nito tingnan ng seryoso. Nilipat rin niya ang tingin sa kinaroroonan nina Errine, kaya nakita niya rin seryoso itong nakatingin sa kanya. Walan

  • Trapping the Billionaire    Chapter 45

    Nakatingin ako sa mga gown ng unang kalahok. Magaganda ang mga iyon, lalo ang mga dyamanting naroon sa mga damit. Nakuha nito ang atensyon ko at bahagya pa akong napapatango, habang abala ang mga mata ko sa pagmamasid dito. Narinig ko rin ang komento nina Cassy, pero hindi na ako nagsalita.Isa-isang pumaso ang mga modelo nito at talagang bigay todo sa pagpaso.Ganoon rin ang sumunod pa na mga kalahok. Magaganda rin ang mga designs nito, elegante tingnan.Ilang minuto rin ang lumipas ay ang aming grupo na tinawag ng emcee. Nakita ko ang aking assistant na abala sa pag aasikaso ng mga modelo, kasama ang mga staff namin. Hindi na ako pumunta pa sa kanila, dahil alam na naman nila kung ano ang gagawin.Muling binida ng emcee ang huling kalahok—kami. Kaya naman isa-isang umakyat sa stage ang mga modelo at nakita ko kung paano namangha ang mga nanood sa suot ng mga modelo. Mayamaya ay isa-isang pumaso ang mga ito, habang nakaalalay ang mga lalaki sa babaeng modelo. Maganda rin ang suit ng

  • Trapping the Billionaire    Chapter 44

    ERRIES POVSa lahat ba namang tao na pweding maging guest o kung ano man ang tawag dito ay siya pa talaga? Bakit walang sinasabi sa akin si ate Errine tungkol dito. Napakuno't noo akong napabuntong-hininga at naglakad papalapit kina Errine, pero, natigilan ako nang makita kong nakatingin siya sa akin, habang nakahawak ng mic na ibinigay ng emcee.Nakita ko ang seryoso niyang tingin sa akin, kaya napako ako bigla sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin magawang ialis ang aking tingin sa kanya, dahil tila hinihigop nito ang aking mga mata."Hello everyone, good evening," bati niya sa lahat.Narinig ko kung paano pumalakpak ang lahat, habang naroon ang paghanga sa kanilang mga mata. Hindi ko maipagkakailang kahit may edad na siya ay umaapaw pa rin ang kanyang ganda. "I'm glad to be here as to witness this event. Thank you for inviting me, especially, to my granddaughter who bring me here. This event reminds me of my younger years and I'm so glad that I'm become a guest. Whoever w

  • Trapping the Billionaire    Chapter 43

    Nang dumating ang araw na pinakahihintay nilang lahat, ay mas naging abala sila. Lalo na si Erries na siyang head designer ng kompanya ng mga Acosta. Isa rin ito sa magiging tulay ng kanyang mga plano. Matapos nilang maihanda lahat ng kanyang staff ang dapat nilang gagamitin, lalo na ang mga damit, ay nauna ang kanyang mga kasamahan sa venue ng event.May susundo sa kanya papunta sa venue, kaya naman pinauna na niya ang ilan sa kanyang kasama. Habang naghihintay siya sa lobby ng kompanya ay may lumapit sa kanyang isang tila bodyguard at bahagyang may sinabi sa kanya."Ma'am, nasa labas na po ang susundo sainyo," sabi nito sa kanya.Napatitig siya sa suot nito at nakikilala niya kung kaninong bodyguard ito. Napabuntong-hininga siya at napatango dito. Nauna itong naglakad kaya sumunod siya. Paglabas niya sa kompanya ay Nakita niya sina Cassy at Lance na bahagyang bumaba sa isang sasakyan. Napangiti pa si Cassy ng makita siya."Erries, let's go, you can join with us," anyaya n

  • Trapping the Billionaire    Chapter 42

    THIRD PERSON'S POVMatapos ang kanilang bakasyon ay muli na silang bumalik sa kanilang mga trabaho, lalo na si Erries na siyang abala sa kanyang gagawin. Sa susunod na linggo na gaganapin ang fashion show event, kung saan may mga kasaling ibang kompanya sa fashion industry. Inayos ni Erries ng mabuti ang mga damit na gagamitin nila at maging ang mga model na siyang mag p-present nito. Hindi na rin nagkaroon pa ng Oras para kausapin ni Lance si Erries, tungkol sa kung may kinalaman ba siya sa impormasyon na nasa kanyang magulang. Naging abala rin silang dalawa ni Cassy sa pag aasikaso ng mga dokomento para sa gaganaping event.Lahat sila naging abala, na tila ba, kinalimutan muna nila ang kasalukuyang nangyayari. Ngunit, kahit na abala si Erries ay si Juliana naman ang gumagawa ng paraan, upang gawin ang kanyang trabaho sa kung ano man ang inutos sa kanya ni Erries."Hey beauty.."Napatingin si Juliana sa biglang umupo sa kanyang harapan, habang mag isa siyang nakaupo sa bar coun

  • Trapping the Billionaire    Chapter 41

    LANCE POVIlang Oras din ang lumipas ay nakabalik na rin kami ng Manila. Pagbaba namin ng eroplano ay panay ang sulyap ko kay Erries, habang katabi nito ang kanyang kaibigan na si Juliana.Hindi ko aakalain na sa loob ng tatlong araw ay nagawa kong makasama siya, kahit na marami kaming mga kasama..lalo na at lagi kong katabi si Cassy. Alam ko, kahit hindi nagtatanong si Cassy ay gumagawa rin siya ng paraan para makilala ang babaeng kasama ko sa mga larawan na iyon. Muli akong napasulyap kay Erries at Nakita kong napatingin rin siya sa akin, ngunit, muli lang umiwas. Napangiti na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa parking lot. Ihahatin ko pa si Cassy sa kanila, kaya, kasama ko pa rin siya. Lahat kami ay naglakad patungo sa parking lot ang ibang kasama namin na kasama ni Erries sa department niya ay nag abang lang ng taxi pauwi. Sinalubong kami ng guard at isa-isang binigay sa amin ang susi ng aming mga kotse. Pinuntahan ko ang aking sasakyan, habang nakasunod

  • Trapping the Billionaire    Chapter 40

    (Warning Matured Content) Napapikit ako ng bigyan niya nang maliliit na halik ang aking leeg. Marahan niyang hinahalikan iyon at bahagyang sinisipsip, kaya hindi ko maiwasang maiktad sa kanyang ginagawa. I know, this is not the first time we did this, but, now for me it's different. I don't know, maybe, because I let him do what he wants to do. Napahawak ako sa kanyang ulo ng maramdaman ang kanyang labi, na hinahalikan ang gitnang dibdib ko. Mayamaya ay naramdaman ko ang kanyang palad sa aking kabilang dibdib at marahan itong menasahe. Matagal ngunit may retmo ang bawat masahe ng kanyang kamay, na siyang nagpadagdag ng kakaibang sensasyon sa aking katawan. Naging malalim rin ang aking hininga at tiningnan siya sa kanyang ginagawa. Sinundan ko nang tingin ang bawat galaw ng kanyang labi, maging ang kilos ng kanyang kamay, na ngayon ay pareho ng minamasahe ang magkabilaang dibdib ko. Mayamaya ay nagtama ang aming mga mata habang hinahalikan niya ang gilid ng aking dibdib, hanggang

  • Trapping the Billionaire    Chapter 39

    ERRIES POVNaramdaman ko kung paano siya ka-seryoso sa kanyang sinabi. Kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya at bahagyang napangisi. Napabuntong-hininga ako at napatango-tango pa dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko."Do you think that, for those years past that I've been looking for you is just nothing? I've been looking for you, because I want you in my life. Matagal kong hinintay na makasama ka, kaya titiisin ko lahat huwag ka lang ulit mawala sa akin," muling sabi niya.Tila nanlamig ang buong katawan ko dahil sa pag hawak niya sa aking kamay. Napalunok ako at napatingin sa kanya. Nakita ko kung paano siya ngumiti sa akin, na tila ba sinasabi ng kanyang mga mata na hindi siya susuko at gagawin lahat para lang makasama ako."Handa akong maghintay kahit pa alam kong walang kasiguraduhan na tuluyan mo akong tatanggapin sa buhay mo. Ang ayoko lang ay iyong nandiyan ka pa sa tabi ko, pero wala akong ginawa para lang manatili ka sa akin. Papatunayan ko saiyo

  • Trapping the Billionaire    Chapter 38

    Sabay na itinaas ng mga ito ang hawak nilang beer at sumigaw ng 'Cheers'!, saka sabay rin na umiinom ang mga ito.Matapos nilang sabay sabay na kumain kanina ay nagpasiya silang mag inuman sa harap ng bonfire na ginawa nila kanina. Nais nilang sulitin ang gabing iyon dahil kinabukasan ay babalik na sila sa kani-kanilang mga trabaho. Paikot silang nakaupo sa harap ng bonfire, habang nakikipagpalitan ng usapan. Nagkaroon ulit ng pagkakataong magtabi sina Erries at Lance, habang nasa kabila naman ni Lance si Cassy, na katabi rin ni Raymond. Tila ba sinasadya rin ng mga ito na magtabi sa pagkakaupo. Habang abala sila sa pagpapalitan ng usapan ay napansin pa ni Erries na may kung anong inilagay si Raymond sa isang beer at inabot iyon kay Cassy. Napakuno't noo siya sa ginawa ni Raymond at hindi niya alam kung ano ang inilagay nito sa inumin ni Cassy. Mayamaya ay nabaling ang atensyon niya sa katabi ng bahagya nitong binangga sa kanyang balikat ang beer. Nakita niya si Juliana na nak

DMCA.com Protection Status