Saglit kaming natahimik dalawa, habang nakatalikod ako sa kanya. Gusto ko talagang batukan aking sarili dahil sa ginawa kong iyon. Masyado akong nagmamadali at tila nawala sa sarili ko ang dapat kong gawin, nang makita siya."S-Sir," tawag niya sa akin.Itinaas ko lang ang aking kamay saka bumaling sa kanya. Agad naman siyang nag iwas nang tingin sa akin.Damn it!Baka kung anong isipin niya sa ginawa kong iyon at magsumbong bigla kay Cassy. Hays! Pinakalma ko ang aking sarili, saka nagsalita sa kanya."Look, I didn't mean to do that. I'm really sorry. You just remind me of someone, sana hindi mo ito sabihin kay Cassy," sabi ko sa kanya.Doon lang siya tumingin sa akin at nagtama ang aming mga mata. May napansin ako sa kakaibang tingin niyang sa akin, na tila ba balewala sa kanya ang ginawa ko at para bang sinasabi no'n na gusto rin niya.Lance!Muli akong napapikit sa naisip kong iyon. Paano naman niya magugustuhan iyon, eh halata namang nagulat siya at naiilang na tumingin sa akin.
Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa opisina ko, matapos ang nangyari sa amin ni Erries. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya at ang halik na iyon na ibinigay niya sa akin. Nasapo ko na lang ang aking noo at napabuntong-hininga.Kasalanan ko ito eh! Kung hindi ko siya inunahan kanina ay hindi siya gagawa ng ganoon sa akin, pero, iba ang kinikilos ng katawan ko. Para bang gusto ko ang nangyari, hays!This is not right!Napatingin ako sa may pinto nang marinig kong may kumatok, saka iyon bumukas at nakita ko si Cassy na napangiti agad nang makita ako."Hello babe, nalaman kong pumunta kayo ni Erries sa department niya. Ano? Okay ba saiyo ang mga nalaman mo doon?" sabi sa akin ni Cassy, na lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko.Hindi ko pinahalata na may kakaibang nangyari bukod pa doon sa nalaman niya. Ngumiti agad ako sa kanya at napatango-tango."Yes, it's fine with me. I didn't know that, she really have talent to design her own," nakangiting sabi ko sa kanya.Na
Bumaba ako sa sasakyan, matapos kong mai-park iyon sa parking. Inayos ko ang aking suot saka naglakad upang pumasok sa bar na sinasabi ni Cassy. Saglit pa akong napahinto, nang tila may isang alaala biglang pumasok sa isip ko. Kaya napakunot noo ako, lalo na nang mapatitig ako sa gilid ng pader na tila may nakikita akong dalawang taong may ginagawa, ngunit, agad lang rin na naglaho ang imaheng iyon.Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ang daming pumapasok ngayon sa isip ko."Oh, it's you.."Natigilan ako nang bigla may nagsalita sa likod ko at nang lumingon ako ay mas lalo akong natigilan nang makitang si Erries ito. Hindi ako nakatugon sa kanya dahil naagaw agad ang atensyon ko sa suot niyang kulay blue na dress. Masyadong revealing ang harapan ng damit nito, na tila ipinagmamalaki ang kanyang hinaharap. Hanggang heta lang ang mangas nito, na mas lalong nagpatingkad ng mapuputing heta nito, na tila ang sarap haplusin."Ehem, masyado bang nakaka-distract ang suot kong damit? G
THIRD PERSON'S POVHindi alam ni Lance kong ano ang gagawin niya habang nakatingin ngayon kay Erries, na nakangisi namang nakatingin sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman niya, tila ba nananabik siya sa kung anong mangyayari sa kanilang dalawa ngayon."You look so tense, this is not what I expected to you, Mr. Acosta," muling sabi nito, nang tuluyan na siyang malapit at umupo sa couch na medyo distansya lang sa pagkakaupo nito. Napatikhim muna siya bago magsalita."It doesn't matter, now, would you tell me what really happened between us?" sabi niya dito.Bahagyang natawa si Erries at nagsalin ng wine sa isang baso, saka binigay kay Lance. Hindi agad iyon kinuha ni Lance, ngunit, napilitan na lang rin siya."Why? Are you in hurry? I think, they don't mind if you can't get back there. Sinabi na sa akin ng kuya mo, na siya na ang bahala kina Cassy.. habang magkasama tayo," sabi sa kanya ni Erries.Natigilan naman si Lance, lalo na nang marinig ang sinabi n
LANCE POV'SHindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon, habang nakatingin sa babaeng biglang umupo sa upuan kung saan nakaupo si Cassy kanina. Bigla niyang winagayway ang kanyang kamay sa harapan ko, na naging dahilan upang matauhan ako."Masyado bang nakakagulat ang presensya ko?""E-Erries, what are you doing here?" hindi parin makapaniwalang tanong ko sa kanya."Tss, nakita ko Cassy na lumabas dito at inaasahan ko na baka ikaw ang kasama niya. Kaya nang makita kita ay pumasok ako. So, how are you?" nakangiti pa niyang sabi sa akin.Napalingon ako sa labas, dahil baka biglang dumating si Cassy at makita kung paano siya ngumiti sa akin."Look, I'm having a date with my Fiancee, don't ruin it," seryoso kong sabi sa kanya.Ngunit, imbes na matinag siya sa sinabi ko ay mas lalong lumawak ang ngiti niya sa akin. Tila ba wala siyang pakialam sa sinasabi ko."You look so tense, why? Natatakot ka bang makita tayo ni Cassy na magkasama? Tsk! We are friends, and she will
Hanggang sa makabalik ako sa loob ay hindi ko na magawang intindihin ang palabas, maging nang matapos ito. Panay naman ang kwentuhan ni Cassy at ang kaibigan ni Erries tungkol sa palabas. Narinig ko rin na nagsalita siya, at tumatawa na para bang walang kakaibang nangyari sa aming dalawa. Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa kanya at nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya. Ngunit, siya lang rin ang umiiwas nang tingin. Nag aya si Cassy na kumain, kasabay nila at tinanggap naman iyon ng mga ito dahil nagutom rin sila sa pinanood namin, kahit pa panay naman ang kain nila sa dala nilang pagkain kanina. Si Erries ang nag alok na magbabayad sa kakainin namin at talagang nagtalo pa sila ni Cassy dahil nakakahiya naman iyon dito. Ngunit sa huli ay si Erries pa rin ang nagpresinta na magbayad."Siyanga pala, nakausap ko na si Mr. Martinez., pumapayag na siyang maging ka-partner natin. He's willing to invest our company and sale some of our design dressed," mayamaya ay sabi
THIRD PERSON'S POV"What? Kami ni Erries ang kakausap kay Mr. Martinez?" nagugulat na sambit ni Lance, matapos sabihin ni Cassy na hindi ito makakasama sa pag uusap nila ni Mr. Martinez —ang isa sa malaki nilang investor na nakuha ni Erries.Natawa naman si Cassy sa naging reaksyon na iyon ni Lance."Why? Is there's something wrong with that? Honestly, mas mabuti ngang naroon din si Erries kapag nakausap mo na si Mr. Martinez. Talagang hindi ako makakasama dahil sa pang project na kailangan kong gawin ngayon. Hindi na naman iba saiyo si Erries di ba? She's our friend, kaya makakasundo mo siya at hindi lang naman ito ang unang beses na makakasama mo siya," natatawang paliwanag ni Cassy dahil talagang nakikita niyang tila hindi ito sangy ayon sa nais niya. Naisip niyang wala namang masama na makasama nito si Erries dahil nga kaibigan at katrabaho naman nila ito.Napabuntong-hininga naman si Lance at inalis ang pagkakagulat sa kanyang mukha."Well, I know that. Inaakala ko lang
Nagdaan ang mga araw ay ganoon pa rin ang nangyayari sa kanila. Nagkakasama sila ni Erries paminsan-minsan dahil na rin kay Cassy. Ngunit, hanggang tingin lang sila at hindi na naulit pa kung ano man iyong nangyari sa kanila noong nakaraan.Ngayon, kasalukuyan nilang binabaybay ang lugar kung saan nakatira ang nakakatanda niyang kapatid na si Raymond. Pinagdidiriwang nito ang anibersaryo ng kasal nilang mag asawa at imbentado sila sa salo-salong iyon. Kasama niya si Cassy habang papunta sila doon."Ganoon pa rin kaya si Kuya Raymond? Medyo hindi ko na rin siya nakikita at nakakasama eh," mayamaya ay sabi ni Cassy."Hmm, yeah ganoon pa rin siya. Kilala mo naman 'yon," tugon niya sa sinabi nito.Bahagyang ngumiti at tumango si Cassy.Matagal na rin niyang kilala ang kapatid ni Lance, na si Raymond. Lagi niya itong nakikita at nakakasama sa mga event, lalo na kung nagkataon na pareho silang imbetado. Minsan din ay nakikita niya ito sa mansion ng mga ito, kapag pumupunta siya doon.
ERRIES POVUnti-unti kong minulat ang aking mga mata, nang maramdaman ko ang init mula sa sikat ng araw. Hindi ko maalala kong hindi ko ba naisara ang kurtina kagabi, dahil lasing na ata ako kagabi. Nanatili muna akong nakahiga at inalalala ang nangyari kagabi. Hays, paano nga ba ako napunta dito sa kwarto, sino ang naghatid sa akin? Baka naman hinatid ako dito ng mga staff ni Lucas? Tsk! Bakit ba kasi nagpakalasing kagabi. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang tumayo. Hinanap ko ang phone, para makita kung anong Oras na at nakita kong 9am na pala. Ilang saglit pa ay may naramdaman akong kakaiba sa sikmura ko, kaya napatakbo ako sa banyo, deretso sa lababo at doon napasuka ako bigla. Tila ba nais lumabas lahat ng alak at mga kinain ko kagabi. Napamumug ako at hingal na hingal. "Here..." Napatingin ako sa towel na inabot sa akin at kinuha ko naman iyon. Pinunas ko iyon sa aking noo, at leeg dahil pinagpawisan ako. Ilang segundo rin, nang matigilan ako. Dahan-dahan akon
LANCE'S POVMatapos akong tawagan ni Lucas kanina at sabihing nakita niya si Erries sa pagmamay Ari niyang Resort ay walang alinlangan akong bumiyahe papunta sa Batanggas. Ang Lugar kung saan kami unang nagkita at nagkakilala. I still remember, she's still teenager that time. Magkadikit lang ang bahay nila sa bahay nina Lucas, kaya nakilala ko siya. Dahil narin sa pinsan niya noon na si Erica. Naalala ko noon, na may nangyari sa amin ni Erica, hindi lang isang beses na may nangyari sa amin noon, siguro tatlo? O dalawa, hays. So, Ayun nga bumiyahe ako, at halos mag g-gabi na ng makarating ako sa Batanggas at si Lucas agad ang pinuntahan ko. Sakto rin na nasa bahay siya nito, kaya nagulat ito ng makita ako."Ang bilis mo naman, haha," may halong pang aasar na sabi niya sa akin. Sabay kaming pumasok sa loob ng kanilang bahay."Tsk, tell me where is she," sabi ko sa kanya. Marami kasi silang resort na pag aari at hindi ko alam kung saan ba sa mga ito, naroon si Erries."Hahah
Tulad ng sabi ni Erica ay pumunta ako kinabukasan sa resort na sinasabi niya. Nakilala ko rin ang asawa niya at mabait naman ito, nakikita ko rin kung gaano nito kamahal ang pinsan ko.Hinatid nila ako dito sa resort na sinasabi niya at nakausap na rin niya ang kaibigan niya tungkol sa akin. Kaya binigyan pa nila ako ng discount, at sa isang executive room ang binigay nito sa akin. Nasa labas pa lang ako ng hotel ay talagang makikitang maganda nga ito. Malawak at napaka-refresheng ang simoy ng hangin...maging ang magandang dagat nito, na tila ba hindi mo aakalaing nasa pilipinas ka lang pala.Sinabi din sa akin ng kaibigan ni Erica, na may swimming sa rooftop ng hotel at nais nitong makapunta rin ako doon. Hinanap ko ang hotel room na binigay sa akin at nang makarating ako ay pumasok agad ako para naman makapagpahinga saglit. Nakita ko kung gaano ka kaganda ang silid. Naglakad ako patungo sa veranda ng kwarto at bumungad sa akin ang lawak ng dagat sa aking harapan. Napapikit
ERRIES POVHawak-kamay kami ni Erica na pumasok sa loob ng bahay, at talagang tuwang-tuwa siya dahil muli kaming nagkita. Sa lumipas na mga taon, ay marami siyang binago dito sa loob. Mas naging maaliwalas ang pagpasok namin dahil bumungad ang garden na may iba't ibang kulay ng Rosas at ilang mga bulaklak, na dati ang simpleng path walk lang. Nang makapasok kami sa mansion ay sabay kaming umupo sa isang couch."My god, Erries, bakit hindi ka nagsabi na darating ka..para naman nakapaghanda ako," nakangiting sabi nito sa kanya.Bahagya akong natawa sa kanya."I just want to surprise you, and it's looks like you really did," nakangiting sabi ko sa kanya."Oo naman no, grabe ang laki na ng pinagbago mo...mas Lalo kang gumanda!" papuri niya pa at bahagyang sinuyod ang kabuuan ko."Ano ka ba, Ikaw rin naman ah.. Ano? Kumusta ka na?" tanong ko pa."Ayos lang naman, ikinasal na ako last year at may dalawa na kaming anak ng asawa ko. Ang tagal mong nawala kaya hindi mo na alam k
THIRD PERSON'S POVBumaba si Lance sa hagdan mula sa kanyang kwarto, upang sumalo sa kanilang hapunan. Habang pababa siya ay napakunot-noo siya, nang marinig ang pamilyar na boses mula sa kanilang sala. Nakikilala niya ang mga boses na iyon at nang tuluyan na nga siyang bumaba ay nakita niya ang kanilang bisita.Lumingo sa kanya ang babaeng hindi naman niya nais na makita ng sandaling iyon."Babe!" tawag ni Cassy sa kanya at tumayo ito upang lumapit sa kanya.Agad itong yumukap sa kanya nang makalapit ito. Wala siyang naging tugon sa yakap nito at nanatiling blanko ang kanyang tingin, bago inilipat sa kanyang magulang ang kanyang mga mata. Doon niya nakitang nandito rin pala ang magulang ni Cassy."Ijo," tawag sa kanya ng ama ni Cassy.Tumango lang siya dito at muling tiningnan si Cassy. Napabuntong-hininga siya at pilit na kumalas sa yakap nito, saka naunang naglakad upang lumapit sa kanilang mga magulang."Good evening," bati niya sa mga ito at tumango."Mabuti naman at bumab
ERRIES POVIlang araw ang lumipas, noong huli naming pagkikita ni Lance. Talagang iniwasan ko siya para naman makapag isip ako ng mabuti. Bago ako magpasya na umalis ay nakipagkita muna ako sa isang kaibigan. Isa iyong pagkikita na talagang, kami lang dalawa ang dapat na makaalam.Nandito ako sa isang private resorts, malayo sa Lugar kung saan kami maaring makita ng mga taong ayaw ko rin namang makita. Minsan na akong nakapunta sa resort na ito, kaya alam ko kung gaano ito kaganda. Habang nakatanaw ako sa paglubog ng araw, isang pares ng paa ang huminto sa gilid, kung saan ako nakaupo.Napatingala ako at bahagyang napangisi. Dumating na ang taong kanina ko pa hinihintay na dumating."What now, Erries?" seryosong tanong niya sa akin."Pwedi bang umupo ka muna?" sabi ko sa kanya.It's s Raymond.Yeah, he's the one I'm meeting right now. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, bago naglakad at umupo sa harap ko. Ngumiti ako sa kanya at bahagyang sumenyas sa isang waiter na nas
THIRD PERSON'S POV Agad na hinawakan ni Juliana si Truce, matapos nitong suntukin ang lalaking kahalikan niya. Nakita niya kung paano dumugo ang labi nito at nakahandusay sa sahig. Seryoso niyang tiningnan si Truce dahil sa ginawa nito."What the h*ll, Truce?" sambit niya."What? Do you think, I can watch you while kissing that asshole?" inis na sabi ni Truce."Pwedi ba, huwag kang mananakit bigla dahil ginusto ko rin naman 'yon. Sino ka ba para manakit na lang bigla?" inis rin na sabi ni Juliana.Napasinghal si Truce at hindi makapaniwalang nakatingin ngayon kay Juliana. Hindi niya alam kung ano nga ba ang tamang sagot sa sinabi nito. Naikuyom niya ang parehong kamay, habang nakatingin dito. Nang talikuran siya nito upang lapitan ang lalaking nakahandusay ay bigla na lamang niyang hinawakan si Juliana sa braso at mabilis na umalis sa Lugar na iyon. Nagawa pa siyang harangan ng mga bouncer ng club, pero, dahil nakilala siya ng mga ito ay hinayaan na lamang siyang makalabas. Na
LANCE POVNapabuntong-hininga ako, nang mai-park ko ang kotse sa parking lot ng isang bar. Matapos kong pinatay ang makina nito ay lumabas na rin ako, at ini-lock ito. Sakto rin ang pagdating ng pamilyar na sasakyan sa katabi ng kotse ko, at nakita ko kung paano daling-dali lumabas si Truce doon."Mabuti naman at nandito ka na rin," sabi niya matapos akong makita."Tsk! Alam mo namang wala pa akong Oras para sa ganitong yayaan eh, bakit nga ba bigla kang nagyaya ngayon?" kuno't noo'ng tanong ko sa kanya.Nais ko sanang balikan muli si Erries sa bahay, kung saan siya nakatira pero hindi ko malaman kung naroon pa rin ba siya dahil medyo tahimik iyon kahapon pa."Tumawag sa akin sina Luther, nakita nila si Juliana dito sa bar at alam kong narito pa rin siya. Gusto ko siyang makita at makausap, dahil bigla na lang niya akong iniwasan eh masaya pa naman kami kahapon eh," sabi niya at batid kong nag aalala siya sa kung anong mayroon sa kanila ni Juliana."At nakita rin nila dito
Hindi mawala sa isip ni Cassy ang huling binitiwang salita ni Raymond sa kanya, tungkol sa nararamdaman ni Lance kay Erries. Alam niya sa sariling dehado ang nararamdaman niya para sa binata, dahil may ibang babae itong mahal. Subalit, nasa isip pa rin niya ang huwag sumuko agad, lalo na at mahalaga sa kanya ang binata. Panghahawakan niya ang karapatan niya bilang fiancee nito at hindi niya iyon bibitawan para lang sa nararamdaman ng dalawa.Matapos nilang magkausap ni Raymond ay humingi siya ng tawad dito sa mga nangyari, Lalo na sa nagawa niya Kay Chandrie. Ngunit, hindi niya pa mahaharap ang kaibigan dahil sigurado siyang galit pa rin ito. Hinayaan naman niyang maunang umalis si Raymond at nang makaalis ito ay nagpasiya na rin siyang umalis doon.Nagpasiya siyang sa mall na lang kakain, kaya naman dumiretso na lang siya doon at nilibang ang kanyang sarili.May tumatawag sa kanyang cellphone at nakikita niyang ang kanyang magulang iyon, kaya hindi niya iyon sinagot.Masyado si