Home / Romance / Trapping the Billionaire / Chapter 2-Agreement

Share

Chapter 2-Agreement

Author: NicsTag
last update Last Updated: 2023-01-29 22:56:57

Matapos makapagbihis ni Lance ay lumabas na siya mula sa kanyang kwarto at bumaba na patungo sa sala. Mula roon ay natanaw niya ang kanyang magulang na kausap ang nakakatandang kapatid. Ilang oras na siyang nasa loob ng kanyang kwarto at akala niya ay nakaalis na ito.

Napatingin ito sa kanya nang mapansin siya.

"Oh? Aalis ka?" puna sa kanya nito.

"Lance, kailangan mong puntahan si Cassy," sabi naman ng kanyang ina.

Napabuntong-hininga na lang at naiinis na tumingin sa mga ito.

"Tss, di ba nga kayo na ang nagsabi na may lakad ako ngayon? At huwag kayong mag alala tutuparin ko ang gusto niyo, kahit na ayaw ko. Iyon naman ang gusto niyo, ang hawakan ako sa leeg," sabi niya at tumalikod  sa mga ito.

"Lance," tawag ng kuya niya, na may pambabanta sa boses.

Kaya naman napahinto siya, ngunit hindi lumingon sa mga ito.

"Hindi mo kailangang magsalita ng ganyan kina Mommy. If you didn't like what they want, okay, but don't talk like that too them. Show some respect, because they are our parents," seryosong sabi sa kanya nito.

Napasinghal lang siya sa sinabi nito at bumaling dito.

"Okay, I will remember that," tanging sabi niya at tuluyan nang iniwan ang mga ito.

Napapailing na lang ang kanyang kuya na si Raymond sa inasta niya at bahagya siyang sinundan nang tingin. Naiintindihan nito ang nararamdaman niya, dahil ganoon din ang nangyari dito noon. Subalit nagawa nitong ipaglaban ang sariling minamahal na ngayon ay kasama na nito.

   Samantala, nang makalabas na si Lance sa kanilang mansion ay tinungo na niya ang kanyang kotse sa garahe. Pumasok siya dito at pabagsak na isinara ang pinto saka pinaandar palabas. Pinuntahan niya ang tinitirhan ni Cassy na nasa iisang villa na rin kung saan sila nakatira. Subalit, malayo lang ito nang kaunti sa kanila. Nang makarating siya doon ay bumusina siya at bumaba ng sasakyan. Nakita siya ng guard at nilapitan.

"Sir Lance, magandang gabi. Nandito po ba kayo para kay Ma'am Cassy?" nakangiting bati nito sa kanya.

Ngumiti naman siya  dahil wala siyang dahilan para maging suplado dito. Kilala niyang mabait ang guard nila Cassy, kaya kinakausap rin niya ito paminsan-minsan.

"Oo, nandiyan ba siya?" tanong niya dito.

"Opo, nasa loob siya. Pasok ka na muna," anyaya nito at binuksan ang maliit na pinto ng gate. Tumango naman siya at pumasok. Naglakad siya patungo sa loob ng mansion. Naalala niya noon, na madalas siyang pumupunta dito para bisitahin si Cassy at niyayang lumabas. Ngunit simula nang makilala niya si Erries noon ay hindi na siya madalas nakakapunta dito. Nakakapunta lang siya kapag may okasyon at imbitado ang kanyang pamilya.

Nang makapasok siya sa loob ng mansion ay nakita siya ng mayordoma.

"Sir Lance, kayo pala. Naku, nasa itaas pa si Cassy mukhang nagbibihis pa. Hintayin mo na lang muna," sabi nito sa kanya.

"Sige ho," tugon niya dito at umupo sa sofa.

"Ah saglit at bibigyan kita nang maiinom," sabi nito sa kanya.

Hindi na niya nagawang pigilan pa ito, dahil mabilis itong naglakad patungo sa kusina. Napaisip siya ma baka  alam na  nito na darating siya para kay Cassy. Wala sa sariling napabuntong-hininga na lang siya. Hindi niya talaga gusto ang kanyang nararamdaman ngayon. Mayamaya ay bumalik na ito at may dalang juice. Nagpasalamat na lang siya dito at muling hinintay si Cassy.

Halos sampung minuto rin siyang naghintay, nang makita na si Cassy na pababa ng hagdan.

Nakasuot nang kulay pink na dress, na hanggang heta nito. Simple lang ito, ngunit nang aakit ito ng paningin. Idagdag pa ang magandang mukha ni Cassy na siyang mas lalong nagpaganda sa suot nito. Inaamin naman talaga niyang maganda si Cassy. Maging ang hubog ng katawan nito ay pasado sa kanya. Matalino at mabait. Iyon ang pagkakakilala niya sa babae.

Nalaman niyang isa ito sa mga director ng kompanya na pamamahalaan niya. Ipinamahala sa kanya ng kanyang mga magulang ang isa sa negosyo nila. Ang clothing Industry, kung saan siya ang magiging C.E.O. Sa susunod na araw ay ipapakilala na siya sa lahat bilang bagong C.E.O at kasama niya doon si Cassy. Iyon ang pagkakaalam niya sa usapan ng kanyang magulang.

"Lance, pasensya na at pinaghintay pa kita," malumanay na sabi nito sa kanya at kahit sinong lalaki ay talagang mahuhumaning sa ganda ng tindig nito. Dahil maging siya ay napatulala dito saglit, kaya bahagyang natawa sa kanya si Cassy.

"Ano bang klaseng reaksyon iyan, Lance? Masyado ka naman atang natulala diyan, ako lang ito! Ano ka ba," natatawang sabi nito sa kanya.

Napangiti na lang siya sa sinabi nito at bahagyang napailing.

"Sino ba naman kasing hindi matutulala, kung subrang ganda ang nasa harapan ko ngayon," saad niya dito.

"Tsss, nambola ka pa. Oh ano? Tara na?" anyaya nito.

Tumango lang si Lance dito at inakay na ito palabas ng Mansion, habang nakahawak ito sa braso niya. Inalalayan niya itong makapasok sa kanyang kotse at hindi niya maiwasang tingnan ang mala-labanos nitong kutis. Isa sa mga nagugustuhan niya sa babae iyong makinis at marunong magdala sa sariling kasuotan. Lahat ng iyon ay nasa katangian ni Cassy. Iyon nga lang ay iba pa rin kapag puso ang pinag uusapan.

Kailangan niyang pakisamahan si Cassy ngayong gabi, dahil nga mabait naman ito sa kanya at wala naman siyang problema dito. Subalit tutol pa rin siya sa nais ng magulang niyang maikasal dito.

Naging tahimik ang biyahe nila, dahil hindi niya alam kung paano magsimulang makipag usap dito. Subalit paminsan-minsan ay napapasulyap siya dito, habang nakatingin ito sa hawak nitong Cellphone. Napagmamasdan niya ang postora nito at hindi niya maiwasang maakit dito ng palihim. Pilit niyang nilalabanan ang isip niya sa naiisip nito. Kaya iniiwas na lamang niya ang kanyang tingin sa babae.

    Ilang minuto ang lumipas ay inihinto niya ang kotse sa isang Hotel. Noon pa niya gustong pumunta dito, dahil nagandahan siya tanawin nito lalo na kapag gabi. Ang Hills Place sa tagaytay, kung saan makikita ang magandang mala-bundok na tanawin na nagmumula dito. Makikita nila ang maliwanag na bahagi ng lungsod at maging ang magandang tanawin ng bulkan sa di-kalayuan. Nai-kwento na ito sa kanya nang kaibigan ng kuya niya, na maganda raw dito. Kaya naman sinubukan niyang pumunta, kasama si Cassy.

Bumaba siya sa kotse at pinagbuksan niya ng pinto si Cassy. Hindi pamilyar kay Cassy ang lugar, kaya naman napansin iyon ni Lance.

"This is Hills place. Nakapunta ka na ba dito?" tanong niya kay Cassy.

"Well, I've heard already about this place, but this is my first time to be here," sagot ni Cassy sa kanya at inaliw ang sarili sa mga liwanag na kanyang nakikita sa paligid.

"Okay, let's go inside. Marami ka pang makikitang maganda dito," nakangiting anyaya ni Lance.

Tumango naman sa kanya si Cassy at sabay na silang naglakad papasok sa loob ng hotel. Naglakad sila patungo sa reservation area at sinabing kakain sila. Matapos noon ay inakay na sila patungo sa area, kung saan naroon ang restaurant. Napili nila ang pwesto sa may labas kung saan nakikita nila ang maliwanag na tanawin. Nakita ni Lance, kung gaano kasaya si Cassy dahil nakikita niya ito sa mga ngiti nito. Naisip niya tuloy ngayon, na ang swerte niya kung si Cassy ang magiging girlfriend niya at mapapangasawa. Subalit hindi niya nakikita ang sarili niya na kasama ito sa hinaharap. Ang tanging nasa isip at puso niya ay walang iba kung ang babaeng walang kasiguraduhan kung makikita pa nga ba niya.

May lumapit sa kanilang crew at binigyan sila ng menu para mag order. Pareho silang nag order ng pagkain na gusto nila at matapos no'n ay umalis na rin ang crew.

"Ang ganda pala talaga dito eh no?" mayamaya ay narinig niyang sabi ni Cassy.

Lumingon ito sa kanya at napangiti.

"Oo nga, lalo na at maganda rin ang kasama ko," saad niya rin dito.

Napairap si Cassy sa sinabing iyon ni Lance at bahagyang natawa.

"Kahit kailan bolero ka talaga. Ilang beses ka na bang pumunta dito? Siguro iyong mga babaeng kasama mong pumupunta dito ay binobola mo palagi," mataray kunwaring sabi ni Cassy.

Si Lance naman ang natawa sa sinabing iyon ni Cassy.

"Wala pa akong dinalang babae dito, ikaw pa lang no. Isa pa, unang beses ko lang na nagpunta dito at sinubukan ko lang kung maganda ba. Well, ang masasabi ko ay talagang maganda, dahil nagustuhan ng magandang babaeng kasama ko ang lugar na ito," nakangiting matamis na sabi ni Lance dito.

"Tss! Umayos ka nga, kung ano-ano naman ang sinasabi mo," sa halip na sabi ni Cassy at napaismid kay Lance. Natawa lang si Lance sa ginawa nito at bahagyang napailing.

Kung sino man ang makakakita sa kanila ay talagang hahanga ang mga ito. Gwapo, matangkad at matipuno ang pangangatawan ni Lance, na talagang maraming maghahabol na mga babae. Samantalang si Cassy, Maganda na, matangkad at sexy pa, na talagang nakakapang akit tingnan. Kanina pa nga napapasulyap ang mga lalaking nasa restaurant din at kumakain. Masasabing napagka-perfect  na ng dalawa. Ngunit hindi nila alam ang tunay na kwento, sa likod nilang dalawa.

"Well, seryoso na tayo ah? Alam ko naman talagang napilitan ka lang na ayain ako o sa madaling salita ay si Tita lang talaga ang nagplano na mag-date tayo. Huwag kang mag alala, alam ko namang hindi mo ako type eh," prangkang sabi ni Cassy kay Lance.

Nawala naman ang ngiti ni Lance, matapos iyong sabihin ni Cassy. Naging tahimik ang paligid nila at umiwas na lang nang tingin si Cassy sa kanya.

"Huwag kang mag alala, hindi ko naman pinipilit sina Mommy na magpakasal saiyo. Ang kaso lang iyon ang gusto nila para sa ating dalawa. Kasi nga matagal na tayong magkakilala at may gusto ka sa akin noon. Ngunit alam ko naman na nagbabago din ang nararamdaman mo at wala ka nang gusto sa akin ngayon," muling sabi ni Cassy sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang siya sa mga sinabi nito. Kilala niya rin ang magulang ni Cassy, kontrolado din nito ang buhay ng dalaga at noon pa ay ayaw ng mga ito na magka-nobyo si Cassy nang kung sino lang. Malapit siya sa magulang nito at walang tutol kung ligawan niya si Cassy, iyon ang sabi ng ama nito. Subalit, gaya nang sabi ni Cassy ay magbabago pa rin ang nararamdaman niya.

"Pasensya ka na, alam ko naman na medyo naiipit ka na. Sa totoo lang hindi naman nawala ang paghanga ko saiyo, may dahilan lang talaga kung bakit nagbago at hindi ko pa kayang sabihin iyon saiyo," saad ni Lance dito.

Malungkot na nakatingin sa kanya si Cassy, pareho nilang naiintindihan ang sarili. Ngunit pareho din silang naiipit sa sitwasyon nilang dalawa dahil sa kanilang magulang.

"Alam mo bang sinabi sa akin ni Mommy na akitin daw kita para pag may nangyari sa atin at mabuntis mo ako ay may dahilan na para tayo ang magkatuluyan. Nag away pa kami ni Mommy dahil doon sa sinabi niya at kapag hindi ko raw nagawa ang gusto niya ay ipapadala niya ako sa Amerika at doon na raw ako tumira. Tsk! Alam naman nilang ayaw ko doon, iyon pa talaga ang ibinanta nila sa akin," saad ni Cassy at napapailing na lang.

Hindi nagsalita si Lance at nakatingin lang kay Cassy. Alam niya ang tungkol doon dahil nai-kwento na iyon ni Cassy. Kaya napaisip tuloy siya sa kung ano ang tama niyang gagawin.

"Bakit hindi natin subukan," mayamaya ay sabi ni Lance.

Natigilan naman si Cassy sa sinabi nito.

"Hoy! Hindi kita aakitin ano ka ba," mahinang sigaw niya dito upang hindi marinig ng iba ang kanyang sinabi.

Natawa naman si Lance sa sinabi nito.

"I mean, subukan natin ang gusto nila. Subukan natin na baka may magbago sa nararamdaman natin at talagang tayo ang para sa isa't isa. Let's start it," sabi niya dito.

Muling natigilan si Cassy sa sinabing iyon ni Lance at hindi niya alam kung ano nga ba ang sasabihin dito. Mayamaya ay naramdaman ni Cassy na hinawakan ni Lance ang kamay niya. Doon lang siya natauhan sa nais nitong mangyari.

"S-Sigurado ka?"

Hindi agad nakasagot si Lance dahil sa totoo lang ay hindi rin siya siguro. Nalilito siya sa mga sinasabi niya at nadala sa pagdadaanan ni Cassy kapag hindi sila ang magkatuluyan.

'Tsk! Bahala na nga!' sambit niya sa sarili.

"Oo, sigurado ako. Pareho naman tayong walang sabit, kaya ngayon pa lang ay simulan na natin," nakangiting sabi ni Lance kay Cassy.

Napangiti naman si Cassy at mahigyna hinawakan ang kamay ni Lance na nakahawak sa kanya.

Related chapters

  • Trapping the Billionaire    Chapter 3-Erries

    LANCE POVNapapalingon ako sa paligid nang mapansing nasa labas ako ng isang malaking bahay o Mansion. Hindi ko alam kung bakit ako nakatayo at tila ba may hinihintay ako. Nagsimula akong pumasok sa gate, dahil napansin kong nakabukas ito. Pagkapasok ko ay may narinig akong tawa mula sa malaking Mansion na nasa harapan ko. Naririnig ko ang tawa nang isang babae at dahil gusto ko itong makita ay naglakad na ako nang tuluyan patungo sa loob ng Mansion. Subalit bago pa ako tuluyang makapasok ay may nakita akong nakatayong babae na may hawak na kutsilyo sa kamay nito. Pamilyar sa akin ang likod nito at hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip ko. Muli ko na namang narinig ang tawa nang isang babae, kaya napatingin ako doon. Ngunit nagulat na lang ako sa aking nakita. Nakita ko ang sarili kong mukha, habang may babaeng nakaupo nang paharap sa kandungan ko. Tumatawa ito hindi dahil sa nakakatawa ang ginagawa niya, kasama ang lalaking ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam

    Last Updated : 2023-01-29
  • Trapping the Billionaire    Chapter 4

    Nang makarating kami sa conference room ay naroon na ang mga magulang ko at nakaupo na. Sila ang nakaupo sa dulo ng mesa, habang may isa pang upuan sa kabilang dulo rin ng mesa at doon ako dinadala ni Cassy. Halos kompleto na ang mga boad of directors ng kompanya, maging ang ilang nakakatataas dito. Napatingin ako kay Erries, doon siya umupo malapit sa kinauupuan ni Mommy. Nakangiti siyang bumati sa mga ito, na tila napakapormal niya. Napapansin ko naman ang ilang kalalakihan na kasama namin dito ay napapatingin sa kanya. Hindi lang simpleng tingin ang binibigay nila dito, pakiramdam ko ay may halong pangnanasa ang nakikita ko. Bakit? Simple lang naman ang suot niya pero nakakapang akit na agad sa iba? Well, aminin ko man o hindi ay apektado rin ako. Hindi lang sa kasuotan niya, kundi maging sa pagkatao niya. Pamilyar talaga siya sa akin at gusto kong isipin na siya nga ang Erries na hinahanap ko. Subalit, ayoko munang umasa. Kailangan ko munang alamin kung sino nga ba siya, dahil b

    Last Updated : 2023-02-07
  • Trapping the Billionaire    Chapter 5

    Saglit kaming natahimik dalawa, habang nakatalikod ako sa kanya. Gusto ko talagang batukan aking sarili dahil sa ginawa kong iyon. Masyado akong nagmamadali at tila nawala sa sarili ko ang dapat kong gawin, nang makita siya."S-Sir," tawag niya sa akin.Itinaas ko lang ang aking kamay saka bumaling sa kanya. Agad naman siyang nag iwas nang tingin sa akin.Damn it!Baka kung anong isipin niya sa ginawa kong iyon at magsumbong bigla kay Cassy. Hays! Pinakalma ko ang aking sarili, saka nagsalita sa kanya."Look, I didn't mean to do that. I'm really sorry. You just remind me of someone, sana hindi mo ito sabihin kay Cassy," sabi ko sa kanya.Doon lang siya tumingin sa akin at nagtama ang aming mga mata. May napansin ako sa kakaibang tingin niyang sa akin, na tila ba balewala sa kanya ang ginawa ko at para bang sinasabi no'n na gusto rin niya.Lance!Muli akong napapikit sa naisip kong iyon. Paano naman niya magugustuhan iyon, eh halata namang nagulat siya at naiilang na tumingin sa akin.

    Last Updated : 2023-02-17
  • Trapping the Billionaire    Chapter 6

    Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa opisina ko, matapos ang nangyari sa amin ni Erries. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya at ang halik na iyon na ibinigay niya sa akin. Nasapo ko na lang ang aking noo at napabuntong-hininga.Kasalanan ko ito eh! Kung hindi ko siya inunahan kanina ay hindi siya gagawa ng ganoon sa akin, pero, iba ang kinikilos ng katawan ko. Para bang gusto ko ang nangyari, hays!This is not right!Napatingin ako sa may pinto nang marinig kong may kumatok, saka iyon bumukas at nakita ko si Cassy na napangiti agad nang makita ako."Hello babe, nalaman kong pumunta kayo ni Erries sa department niya. Ano? Okay ba saiyo ang mga nalaman mo doon?" sabi sa akin ni Cassy, na lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko.Hindi ko pinahalata na may kakaibang nangyari bukod pa doon sa nalaman niya. Ngumiti agad ako sa kanya at napatango-tango."Yes, it's fine with me. I didn't know that, she really have talent to design her own," nakangiting sabi ko sa kanya.Na

    Last Updated : 2023-04-24
  • Trapping the Billionaire    Chapter 7

    Bumaba ako sa sasakyan, matapos kong mai-park iyon sa parking. Inayos ko ang aking suot saka naglakad upang pumasok sa bar na sinasabi ni Cassy. Saglit pa akong napahinto, nang tila may isang alaala biglang pumasok sa isip ko. Kaya napakunot noo ako, lalo na nang mapatitig ako sa gilid ng pader na tila may nakikita akong dalawang taong may ginagawa, ngunit, agad lang rin na naglaho ang imaheng iyon.Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ang daming pumapasok ngayon sa isip ko."Oh, it's you.."Natigilan ako nang bigla may nagsalita sa likod ko at nang lumingon ako ay mas lalo akong natigilan nang makitang si Erries ito. Hindi ako nakatugon sa kanya dahil naagaw agad ang atensyon ko sa suot niyang kulay blue na dress. Masyadong revealing ang harapan ng damit nito, na tila ipinagmamalaki ang kanyang hinaharap. Hanggang heta lang ang mangas nito, na mas lalong nagpatingkad ng mapuputing heta nito, na tila ang sarap haplusin."Ehem, masyado bang nakaka-distract ang suot kong damit? G

    Last Updated : 2023-04-28
  • Trapping the Billionaire    Chapter 8

    THIRD PERSON'S POVHindi alam ni Lance kong ano ang gagawin niya habang nakatingin ngayon kay Erries, na nakangisi namang nakatingin sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman niya, tila ba nananabik siya sa kung anong mangyayari sa kanilang dalawa ngayon."You look so tense, this is not what I expected to you, Mr. Acosta," muling sabi nito, nang tuluyan na siyang malapit at umupo sa couch na medyo distansya lang sa pagkakaupo nito. Napatikhim muna siya bago magsalita."It doesn't matter, now, would you tell me what really happened between us?" sabi niya dito.Bahagyang natawa si Erries at nagsalin ng wine sa isang baso, saka binigay kay Lance. Hindi agad iyon kinuha ni Lance, ngunit, napilitan na lang rin siya."Why? Are you in hurry? I think, they don't mind if you can't get back there. Sinabi na sa akin ng kuya mo, na siya na ang bahala kina Cassy.. habang magkasama tayo," sabi sa kanya ni Erries.Natigilan naman si Lance, lalo na nang marinig ang sinabi n

    Last Updated : 2023-06-22
  • Trapping the Billionaire    Chapter 9

    LANCE POV'SHindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon, habang nakatingin sa babaeng biglang umupo sa upuan kung saan nakaupo si Cassy kanina. Bigla niyang winagayway ang kanyang kamay sa harapan ko, na naging dahilan upang matauhan ako."Masyado bang nakakagulat ang presensya ko?""E-Erries, what are you doing here?" hindi parin makapaniwalang tanong ko sa kanya."Tss, nakita ko Cassy na lumabas dito at inaasahan ko na baka ikaw ang kasama niya. Kaya nang makita kita ay pumasok ako. So, how are you?" nakangiti pa niyang sabi sa akin.Napalingon ako sa labas, dahil baka biglang dumating si Cassy at makita kung paano siya ngumiti sa akin."Look, I'm having a date with my Fiancee, don't ruin it," seryoso kong sabi sa kanya.Ngunit, imbes na matinag siya sa sinabi ko ay mas lalong lumawak ang ngiti niya sa akin. Tila ba wala siyang pakialam sa sinasabi ko."You look so tense, why? Natatakot ka bang makita tayo ni Cassy na magkasama? Tsk! We are friends, and she will

    Last Updated : 2023-08-04
  • Trapping the Billionaire    Chapter 10

    Hanggang sa makabalik ako sa loob ay hindi ko na magawang intindihin ang palabas, maging nang matapos ito. Panay naman ang kwentuhan ni Cassy at ang kaibigan ni Erries tungkol sa palabas. Narinig ko rin na nagsalita siya, at tumatawa na para bang walang kakaibang nangyari sa aming dalawa. Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa kanya at nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya. Ngunit, siya lang rin ang umiiwas nang tingin. Nag aya si Cassy na kumain, kasabay nila at tinanggap naman iyon ng mga ito dahil nagutom rin sila sa pinanood namin, kahit pa panay naman ang kain nila sa dala nilang pagkain kanina. Si Erries ang nag alok na magbabayad sa kakainin namin at talagang nagtalo pa sila ni Cassy dahil nakakahiya naman iyon dito. Ngunit sa huli ay si Erries pa rin ang nagpresinta na magbayad."Siyanga pala, nakausap ko na si Mr. Martinez., pumapayag na siyang maging ka-partner natin. He's willing to invest our company and sale some of our design dressed," mayamaya ay sabi

    Last Updated : 2023-08-11

Latest chapter

  • Trapping the Billionaire    Chapter 46

    THIRD PERSON'S POV Nang makaakyat si Erries sa stage ay napatingin pa siya sa lahat. Nakikita niyang masayang nagkakasiyahan ang mga ito at nag uusap. Nang huminto ng tugtug ay natigil ang ilan sa mga ginagawa nito, lalo na at napansin niyang napatingin ito sa kanya."I just want to have your attention for a moment, I hope you don't mind," nakangiting sabi ni Erries sa lahat.Napakita niyang tumango at ngumiti ito sa kanya, kaya gumanti naman siya ng ngiti sa lahat."I just want to give some tribute about the company where I'm belong—the Acosta Industrial Company. I'm so envious to them, because after all this years they boosted very well. They become popular, that's why they forgot about something important," putol niya sa sinasabi.Napatingin siya kung saan naroon sina Raymond, maging ang magulang nito. Nakita niya kung paano siya nito tingnan ng seryoso. Nilipat rin niya ang tingin sa kinaroroonan nina Errine, kaya nakita niya rin seryoso itong nakatingin sa kanya. Walan

  • Trapping the Billionaire    Chapter 45

    Nakatingin ako sa mga gown ng unang kalahok. Magaganda ang mga iyon, lalo ang mga dyamanting naroon sa mga damit. Nakuha nito ang atensyon ko at bahagya pa akong napapatango, habang abala ang mga mata ko sa pagmamasid dito. Narinig ko rin ang komento nina Cassy, pero hindi na ako nagsalita.Isa-isang pumaso ang mga modelo nito at talagang bigay todo sa pagpaso.Ganoon rin ang sumunod pa na mga kalahok. Magaganda rin ang mga designs nito, elegante tingnan.Ilang minuto rin ang lumipas ay ang aming grupo na tinawag ng emcee. Nakita ko ang aking assistant na abala sa pag aasikaso ng mga modelo, kasama ang mga staff namin. Hindi na ako pumunta pa sa kanila, dahil alam na naman nila kung ano ang gagawin.Muling binida ng emcee ang huling kalahok—kami. Kaya naman isa-isang umakyat sa stage ang mga modelo at nakita ko kung paano namangha ang mga nanood sa suot ng mga modelo. Mayamaya ay isa-isang pumaso ang mga ito, habang nakaalalay ang mga lalaki sa babaeng modelo. Maganda rin ang suit ng

  • Trapping the Billionaire    Chapter 44

    ERRIES POVSa lahat ba namang tao na pweding maging guest o kung ano man ang tawag dito ay siya pa talaga? Bakit walang sinasabi sa akin si ate Errine tungkol dito. Napakuno't noo akong napabuntong-hininga at naglakad papalapit kina Errine, pero, natigilan ako nang makita kong nakatingin siya sa akin, habang nakahawak ng mic na ibinigay ng emcee.Nakita ko ang seryoso niyang tingin sa akin, kaya napako ako bigla sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin magawang ialis ang aking tingin sa kanya, dahil tila hinihigop nito ang aking mga mata."Hello everyone, good evening," bati niya sa lahat.Narinig ko kung paano pumalakpak ang lahat, habang naroon ang paghanga sa kanilang mga mata. Hindi ko maipagkakailang kahit may edad na siya ay umaapaw pa rin ang kanyang ganda. "I'm glad to be here as to witness this event. Thank you for inviting me, especially, to my granddaughter who bring me here. This event reminds me of my younger years and I'm so glad that I'm become a guest. Whoever w

  • Trapping the Billionaire    Chapter 43

    Nang dumating ang araw na pinakahihintay nilang lahat, ay mas naging abala sila. Lalo na si Erries na siyang head designer ng kompanya ng mga Acosta. Isa rin ito sa magiging tulay ng kanyang mga plano. Matapos nilang maihanda lahat ng kanyang staff ang dapat nilang gagamitin, lalo na ang mga damit, ay nauna ang kanyang mga kasamahan sa venue ng event.May susundo sa kanya papunta sa venue, kaya naman pinauna na niya ang ilan sa kanyang kasama. Habang naghihintay siya sa lobby ng kompanya ay may lumapit sa kanyang isang tila bodyguard at bahagyang may sinabi sa kanya."Ma'am, nasa labas na po ang susundo sainyo," sabi nito sa kanya.Napatitig siya sa suot nito at nakikilala niya kung kaninong bodyguard ito. Napabuntong-hininga siya at napatango dito. Nauna itong naglakad kaya sumunod siya. Paglabas niya sa kompanya ay Nakita niya sina Cassy at Lance na bahagyang bumaba sa isang sasakyan. Napangiti pa si Cassy ng makita siya."Erries, let's go, you can join with us," anyaya n

  • Trapping the Billionaire    Chapter 42

    THIRD PERSON'S POVMatapos ang kanilang bakasyon ay muli na silang bumalik sa kanilang mga trabaho, lalo na si Erries na siyang abala sa kanyang gagawin. Sa susunod na linggo na gaganapin ang fashion show event, kung saan may mga kasaling ibang kompanya sa fashion industry. Inayos ni Erries ng mabuti ang mga damit na gagamitin nila at maging ang mga model na siyang mag p-present nito. Hindi na rin nagkaroon pa ng Oras para kausapin ni Lance si Erries, tungkol sa kung may kinalaman ba siya sa impormasyon na nasa kanyang magulang. Naging abala rin silang dalawa ni Cassy sa pag aasikaso ng mga dokomento para sa gaganaping event.Lahat sila naging abala, na tila ba, kinalimutan muna nila ang kasalukuyang nangyayari. Ngunit, kahit na abala si Erries ay si Juliana naman ang gumagawa ng paraan, upang gawin ang kanyang trabaho sa kung ano man ang inutos sa kanya ni Erries."Hey beauty.."Napatingin si Juliana sa biglang umupo sa kanyang harapan, habang mag isa siyang nakaupo sa bar coun

  • Trapping the Billionaire    Chapter 41

    LANCE POVIlang Oras din ang lumipas ay nakabalik na rin kami ng Manila. Pagbaba namin ng eroplano ay panay ang sulyap ko kay Erries, habang katabi nito ang kanyang kaibigan na si Juliana.Hindi ko aakalain na sa loob ng tatlong araw ay nagawa kong makasama siya, kahit na marami kaming mga kasama..lalo na at lagi kong katabi si Cassy. Alam ko, kahit hindi nagtatanong si Cassy ay gumagawa rin siya ng paraan para makilala ang babaeng kasama ko sa mga larawan na iyon. Muli akong napasulyap kay Erries at Nakita kong napatingin rin siya sa akin, ngunit, muli lang umiwas. Napangiti na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa parking lot. Ihahatin ko pa si Cassy sa kanila, kaya, kasama ko pa rin siya. Lahat kami ay naglakad patungo sa parking lot ang ibang kasama namin na kasama ni Erries sa department niya ay nag abang lang ng taxi pauwi. Sinalubong kami ng guard at isa-isang binigay sa amin ang susi ng aming mga kotse. Pinuntahan ko ang aking sasakyan, habang nakasunod

  • Trapping the Billionaire    Chapter 40

    (Warning Matured Content) Napapikit ako ng bigyan niya nang maliliit na halik ang aking leeg. Marahan niyang hinahalikan iyon at bahagyang sinisipsip, kaya hindi ko maiwasang maiktad sa kanyang ginagawa. I know, this is not the first time we did this, but, now for me it's different. I don't know, maybe, because I let him do what he wants to do. Napahawak ako sa kanyang ulo ng maramdaman ang kanyang labi, na hinahalikan ang gitnang dibdib ko. Mayamaya ay naramdaman ko ang kanyang palad sa aking kabilang dibdib at marahan itong menasahe. Matagal ngunit may retmo ang bawat masahe ng kanyang kamay, na siyang nagpadagdag ng kakaibang sensasyon sa aking katawan. Naging malalim rin ang aking hininga at tiningnan siya sa kanyang ginagawa. Sinundan ko nang tingin ang bawat galaw ng kanyang labi, maging ang kilos ng kanyang kamay, na ngayon ay pareho ng minamasahe ang magkabilaang dibdib ko. Mayamaya ay nagtama ang aming mga mata habang hinahalikan niya ang gilid ng aking dibdib, hanggang

  • Trapping the Billionaire    Chapter 39

    ERRIES POVNaramdaman ko kung paano siya ka-seryoso sa kanyang sinabi. Kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya at bahagyang napangisi. Napabuntong-hininga ako at napatango-tango pa dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko."Do you think that, for those years past that I've been looking for you is just nothing? I've been looking for you, because I want you in my life. Matagal kong hinintay na makasama ka, kaya titiisin ko lahat huwag ka lang ulit mawala sa akin," muling sabi niya.Tila nanlamig ang buong katawan ko dahil sa pag hawak niya sa aking kamay. Napalunok ako at napatingin sa kanya. Nakita ko kung paano siya ngumiti sa akin, na tila ba sinasabi ng kanyang mga mata na hindi siya susuko at gagawin lahat para lang makasama ako."Handa akong maghintay kahit pa alam kong walang kasiguraduhan na tuluyan mo akong tatanggapin sa buhay mo. Ang ayoko lang ay iyong nandiyan ka pa sa tabi ko, pero wala akong ginawa para lang manatili ka sa akin. Papatunayan ko saiyo

  • Trapping the Billionaire    Chapter 38

    Sabay na itinaas ng mga ito ang hawak nilang beer at sumigaw ng 'Cheers'!, saka sabay rin na umiinom ang mga ito.Matapos nilang sabay sabay na kumain kanina ay nagpasiya silang mag inuman sa harap ng bonfire na ginawa nila kanina. Nais nilang sulitin ang gabing iyon dahil kinabukasan ay babalik na sila sa kani-kanilang mga trabaho. Paikot silang nakaupo sa harap ng bonfire, habang nakikipagpalitan ng usapan. Nagkaroon ulit ng pagkakataong magtabi sina Erries at Lance, habang nasa kabila naman ni Lance si Cassy, na katabi rin ni Raymond. Tila ba sinasadya rin ng mga ito na magtabi sa pagkakaupo. Habang abala sila sa pagpapalitan ng usapan ay napansin pa ni Erries na may kung anong inilagay si Raymond sa isang beer at inabot iyon kay Cassy. Napakuno't noo siya sa ginawa ni Raymond at hindi niya alam kung ano ang inilagay nito sa inumin ni Cassy. Mayamaya ay nabaling ang atensyon niya sa katabi ng bahagya nitong binangga sa kanyang balikat ang beer. Nakita niya si Juliana na nak

DMCA.com Protection Status