"Is this serious, Mom?" gulat na bulalas ni Lance sa kanyang ina. Matapos nitong sabihin na ipinagkasundo siya sa anak ng kaibigan nito.
"Son, it's for your own sake," sabi naman ng kanyang ama.Napapailing siyang napatingin sa mga ito. Hindi niya alam kung matutuwa o matatawa na lamang siya sa gusto ng mga ito. Wala pa sa plano niya ang matali sa iba, lalo na kapag katulad nang sinasabi ng mga ito. Ayaw niyang pinapakialaman ng mga ito ang sarili niya, lalo na sa pagpili ng babaeng mapapangasawa."Hindi kayo nagtagumapay na ipagkasundo si kuya sa iba, tapos ngayon ako na naman ang ginaganyan niyo? Mom naman, huwag niyo naman akong gipitin nang ganito," naiinis na sabi niya sa kanyang magulang."Lance, gusto lang naming makasiguro na hindi masayang ang talento mo, lalo na sa pagpapatakbo ng ating negosyo. Ang kuya mo, may sarili ng pamilya at negosyo. Ayoko nang mangialam pa sa buhay nila ni Chandri. Kaya naman ikaw na lang ang nag iisang tagapagmana ng lahat ng ating mga negosyo. Kaya nais naming kami ang mamili ng babaeng pakakasalan mo," pangungumbinsi ng kanyang ama.Hindi pa rin siya makapaniwalang nakatingin sa mga ito. Napatayo na lang at napahilamos ng kanyang mukha."Hindi na talaga ito nakakatuwa, Mom, Dad. Please, just let me choose a woman for me. Gusto ko, na ang babaeng aking pakakasalan ay mahal ko. Ayoko iyong kayo pa ang pipili no'n para sa akin. Hindi ko matatanggap ang desisyon niyo at ayoko, tapos!" naiinis na sabi niya at tumalikod na sa mga ito.Hindi pa siya nakakailang hakbang nang muling nagsalita ang kanyang ina at mas lalo siyang nainis sa sinabi nito."Mayamayang gabi, kailangan mong sunduin si Cassy. Sinabi na namin sa kanya na may lakad kayo. Kaya kailangan mo siyang puntahan mamaya," seryoso nitong sabi sa kanya.Napabuga na lang siya ng hangin at muling naglakad papunta sa hagdan, upang umakyat sa kanyang kwarto. Hindi niya pa rin gusto ang mga sinabi ng kanyang magulang. Naaalala niya noon, na nais rin ng mga ito na ipagkasundo ang kanyang nakakatandang kapatid sa iba. Subalit nagawang ipaglaban ng kuya niya ang babaeng mahal nito. Kaya ganoon din ang gusto niyang mangyari. Ang kaibahan nga lang ay wala naman siyang kasintahan o minamahal sa ngayon. Ngunit may isang babae siyang matagal na niyang hinahanap. Wala mang kasiguraduhan sa kanya na makikita niya ulit ang babaeng iyon ay umaasa pa rin siya.Anim na taon na ang nakakalipas, noong nagbakasyon sa probinsya ng Laguna. Graduating siya noon ng kanyang kinuhang kurso at may naging project siya noon doon. Isa rin sa dahilan kung bakit nasa Laguna siya ay gusto niyang makilala ang naiwan ng isang mag asawa na namatay sa isang aksidente dahil sa kanyang magulang. Nalaman niya kasing may anak ito at nais niyang makilala ito. Kaya naman doon niya rin nakilala ang babaeng kumuha ng kanyang atensyon. Si Erries, isang dalagita na tinatarayan siya noon at ang dalagitang iyon ay ang naiwang anak ng mag asawang namatay. Hindi man niya inaasahan iyon ay hinayaan niya noon ang kanyang sarili na mapalapit dito.Ngunit dahil tinatarayan siya nito noon ay ang pinsan nito ang naging malapit sa kanya. Mabait ang pinsan nito at lagi niyang nakakasama. Subalit sa kanilang pagsasama at pagkakamabutihan sa isa't isa ay may nangyari sa pagitan nilang dalawa. Nang dahil sa kalasingan nila noon ay may nangyari sa kanila at nakita iyon ni Erries. Hindi niya makalimutan ang naging reaksyon nito at tila ba tumatak sa kanya ang inosenteng mukha nito habang may ginagawa silang milagro ng pinsan nito. Naalala niya pa noon, na matapos ang eksenang iyon ay nalaman niya mula sa pinsan nito na aalis ito at pupunta sa maynila upang doon na mag aral. Hindi niya nagawang magtanong pa noon dahil baka mahalata nito ang kanyang motibo. Kaya naman hinayaan na lamang niya ito. Ngunit sa tuwing naaalala niya ang mukha nito ay hindi niya ito nagawang kalimutan. Kaya naman nang makabalik siya sa maynila ay hinanap niya ito.Inalam niya ang totoong pangalan nito, subalit naging bigo siya sa paghahanap nito. Humingi pa siya nang tulong noon sa kapatid niya, subalit wala pa rin nangyari. Tila ba naging mahirap para sa kanya na mahanap ang babae. Kaya naman ipinagpatuloy niya ang buhay niya at pansamantalang kinalimutan sa isip niya ang babae. Subalit paminsan-minsan ay lagi itong pumapasok sa isip niya. Muli pa siyang bumalik noon sa Laguna makalipas ng dalawang taon. Subalit maging ang pinsan nito ay wala na roon at may asawa na. Kaya hindi na niya nagawang makausap ito, tungkol kay Erries.Kaya hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na makita ito."Ano na namang mukhang iyan?"Nag angat siya nang tingin mula sa kanyang iniinum na beer at napatingin sa biglang pumasok sa silid kung saan naroon ang kanilang mga alak. Nakita niya ang kanyang nakakatandang kapatid na nasa pinto at napapailing na nakatingin sa kanya. Naglakad ito palapit at tumabi sa kanyang pagkakaupo sa bar counter."Sinabi sa akin nina Mommy ang gusto nila para saiyo. Sa totoo lang ayaw ko talaga sa desisyon nila. Alam mo naman na ginawa na rin nila iyon sa akin. Ngunit, maganda naman si Cassy. Matalino at di ba nga crush mo iyon noong college days mo? Kaya bakit ayaw mo?" sabi sa kanya nito.Uminom siya ng beer at napapailing na sa sinabi nito. Alam nito ang lahat ng kalokohan niya noong nag aaral pa siya at halos nga pareho lang sila nang ugali pagdating sa isang babae. Subalit nagbago ang lahat ng iyon nang makilala niya si Erries."Alam ko naman iyon, kuya. Ngunit alam mo rin ang dahilan ko kung bakit. May hinihintay ako," mariing sabi niya dito.Natawa naman ang kapatid niya dahil sa sinabi niya at tila ba sang ayon ito sa sinabi niya. Alam niya naman talaga kung bakit at dahil iyon sa babaeng nakilala niya."Alam ko iyon at may punto ka naman talaga kung bakit ayaw mo. Naranasan ko rin naman iyan, noong umalis si Chandri at hindi ko nakita ng dalawang taon. Hopefully, nagkita pa rin kami. Ngunit sa sitwasyon mong iyan ay talagang malabo na. Kung sakali mang magkita kayo ulit ng babaeng iyon ay sigurado ka bang magugustuhan ka rin niya? Eh paano kung may minamahal na siyang iba, ano nang mangyayari saiyo? Mahirap umasa sa taong walang kasiguraduhan at sampung taon mo nang hinahanap, kaya kung ako saiyo ay pumayag ka na lang sa gusto nina Mommy. Nasisiguro kong mamahalin mo rin kalaunan si Cassy," payo sa kanya ng kanyang kuya.Hindi siya sumagot dito at tuloy lang ang pag inum niya ng beer. Uminom na rin ang kuya niya at bahagyang napapasulyap sa kanya. Nararamdaman naman niya iyon, subalit hindi pa rin siya nagsalita."Oonga pala, kaarawan ng pamangkin mo sa susunod na linggo. Dapat pumunta ka, inaasahan ka pa naman no'n," muling sabi nito sa kanya."Hindi ko iyon nakakalimutan," tugon niya dito.Napatango naman ang kuya niya at inubos ang laman ng beer na hawak nito.Tinapik siya nito sa balikat."Pag isipan mong mabuti kung ano ang nararapat mong gawin, Lance. Huwag kang umasa sa taong hindi mo pa naman nakakasama. Mas mabuti ng sa isang tao ka na lang na nandiyan na sa tabi mo at hinihintay ka lang," saad nito sa kanya at tumayo na mula sa pagkakaupo."Maiwan na muna kita at may pag uusapan pa kami nina Mommy," paalam nito sa kanya.Napatango na lang siya dito at tinuloy ang pag iinom niya. Pinag isipan niyang mabuti ang lahat ng sinabi nito. Hindi niya alam kung dapat nga ba niyang pakinggan ang mga iyon. Dahil talagang ayaw niyang matali sa isang taong hindi naman niya mahal. May parte pa rin sa puso niya, na si Erries pa rin ang gusto niyang makasama at mamahalin.Matapos makapagbihis ni Lance ay lumabas na siya mula sa kanyang kwarto at bumaba na patungo sa sala. Mula roon ay natanaw niya ang kanyang magulang na kausap ang nakakatandang kapatid. Ilang oras na siyang nasa loob ng kanyang kwarto at akala niya ay nakaalis na ito.Napatingin ito sa kanya nang mapansin siya."Oh? Aalis ka?" puna sa kanya nito."Lance, kailangan mong puntahan si Cassy," sabi naman ng kanyang ina.Napabuntong-hininga na lang at naiinis na tumingin sa mga ito."Tss, di ba nga kayo na ang nagsabi na may lakad ako ngayon? At huwag kayong mag alala tutuparin ko ang gusto niyo, kahit na ayaw ko. Iyon naman ang gusto niyo, ang hawakan ako sa leeg," sabi niya at tumalikod sa mga ito."Lance," tawag ng kuya niya, na may pambabanta sa boses. Kaya naman napahinto siya, ngunit hindi lumingon sa mga ito."Hindi mo kailangang magsalita ng ganyan kina Mommy. If you didn't like what they want, okay, but don't talk like that too them. Show some respect, because they are our parent
LANCE POVNapapalingon ako sa paligid nang mapansing nasa labas ako ng isang malaking bahay o Mansion. Hindi ko alam kung bakit ako nakatayo at tila ba may hinihintay ako. Nagsimula akong pumasok sa gate, dahil napansin kong nakabukas ito. Pagkapasok ko ay may narinig akong tawa mula sa malaking Mansion na nasa harapan ko. Naririnig ko ang tawa nang isang babae at dahil gusto ko itong makita ay naglakad na ako nang tuluyan patungo sa loob ng Mansion. Subalit bago pa ako tuluyang makapasok ay may nakita akong nakatayong babae na may hawak na kutsilyo sa kamay nito. Pamilyar sa akin ang likod nito at hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip ko. Muli ko na namang narinig ang tawa nang isang babae, kaya napatingin ako doon. Ngunit nagulat na lang ako sa aking nakita. Nakita ko ang sarili kong mukha, habang may babaeng nakaupo nang paharap sa kandungan ko. Tumatawa ito hindi dahil sa nakakatawa ang ginagawa niya, kasama ang lalaking ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam
Nang makarating kami sa conference room ay naroon na ang mga magulang ko at nakaupo na. Sila ang nakaupo sa dulo ng mesa, habang may isa pang upuan sa kabilang dulo rin ng mesa at doon ako dinadala ni Cassy. Halos kompleto na ang mga boad of directors ng kompanya, maging ang ilang nakakatataas dito. Napatingin ako kay Erries, doon siya umupo malapit sa kinauupuan ni Mommy. Nakangiti siyang bumati sa mga ito, na tila napakapormal niya. Napapansin ko naman ang ilang kalalakihan na kasama namin dito ay napapatingin sa kanya. Hindi lang simpleng tingin ang binibigay nila dito, pakiramdam ko ay may halong pangnanasa ang nakikita ko. Bakit? Simple lang naman ang suot niya pero nakakapang akit na agad sa iba? Well, aminin ko man o hindi ay apektado rin ako. Hindi lang sa kasuotan niya, kundi maging sa pagkatao niya. Pamilyar talaga siya sa akin at gusto kong isipin na siya nga ang Erries na hinahanap ko. Subalit, ayoko munang umasa. Kailangan ko munang alamin kung sino nga ba siya, dahil b
Saglit kaming natahimik dalawa, habang nakatalikod ako sa kanya. Gusto ko talagang batukan aking sarili dahil sa ginawa kong iyon. Masyado akong nagmamadali at tila nawala sa sarili ko ang dapat kong gawin, nang makita siya."S-Sir," tawag niya sa akin.Itinaas ko lang ang aking kamay saka bumaling sa kanya. Agad naman siyang nag iwas nang tingin sa akin.Damn it!Baka kung anong isipin niya sa ginawa kong iyon at magsumbong bigla kay Cassy. Hays! Pinakalma ko ang aking sarili, saka nagsalita sa kanya."Look, I didn't mean to do that. I'm really sorry. You just remind me of someone, sana hindi mo ito sabihin kay Cassy," sabi ko sa kanya.Doon lang siya tumingin sa akin at nagtama ang aming mga mata. May napansin ako sa kakaibang tingin niyang sa akin, na tila ba balewala sa kanya ang ginawa ko at para bang sinasabi no'n na gusto rin niya.Lance!Muli akong napapikit sa naisip kong iyon. Paano naman niya magugustuhan iyon, eh halata namang nagulat siya at naiilang na tumingin sa akin.
Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa opisina ko, matapos ang nangyari sa amin ni Erries. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya at ang halik na iyon na ibinigay niya sa akin. Nasapo ko na lang ang aking noo at napabuntong-hininga.Kasalanan ko ito eh! Kung hindi ko siya inunahan kanina ay hindi siya gagawa ng ganoon sa akin, pero, iba ang kinikilos ng katawan ko. Para bang gusto ko ang nangyari, hays!This is not right!Napatingin ako sa may pinto nang marinig kong may kumatok, saka iyon bumukas at nakita ko si Cassy na napangiti agad nang makita ako."Hello babe, nalaman kong pumunta kayo ni Erries sa department niya. Ano? Okay ba saiyo ang mga nalaman mo doon?" sabi sa akin ni Cassy, na lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko.Hindi ko pinahalata na may kakaibang nangyari bukod pa doon sa nalaman niya. Ngumiti agad ako sa kanya at napatango-tango."Yes, it's fine with me. I didn't know that, she really have talent to design her own," nakangiting sabi ko sa kanya.Na
Bumaba ako sa sasakyan, matapos kong mai-park iyon sa parking. Inayos ko ang aking suot saka naglakad upang pumasok sa bar na sinasabi ni Cassy. Saglit pa akong napahinto, nang tila may isang alaala biglang pumasok sa isip ko. Kaya napakunot noo ako, lalo na nang mapatitig ako sa gilid ng pader na tila may nakikita akong dalawang taong may ginagawa, ngunit, agad lang rin na naglaho ang imaheng iyon.Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ang daming pumapasok ngayon sa isip ko."Oh, it's you.."Natigilan ako nang bigla may nagsalita sa likod ko at nang lumingon ako ay mas lalo akong natigilan nang makitang si Erries ito. Hindi ako nakatugon sa kanya dahil naagaw agad ang atensyon ko sa suot niyang kulay blue na dress. Masyadong revealing ang harapan ng damit nito, na tila ipinagmamalaki ang kanyang hinaharap. Hanggang heta lang ang mangas nito, na mas lalong nagpatingkad ng mapuputing heta nito, na tila ang sarap haplusin."Ehem, masyado bang nakaka-distract ang suot kong damit? G
THIRD PERSON'S POVHindi alam ni Lance kong ano ang gagawin niya habang nakatingin ngayon kay Erries, na nakangisi namang nakatingin sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman niya, tila ba nananabik siya sa kung anong mangyayari sa kanilang dalawa ngayon."You look so tense, this is not what I expected to you, Mr. Acosta," muling sabi nito, nang tuluyan na siyang malapit at umupo sa couch na medyo distansya lang sa pagkakaupo nito. Napatikhim muna siya bago magsalita."It doesn't matter, now, would you tell me what really happened between us?" sabi niya dito.Bahagyang natawa si Erries at nagsalin ng wine sa isang baso, saka binigay kay Lance. Hindi agad iyon kinuha ni Lance, ngunit, napilitan na lang rin siya."Why? Are you in hurry? I think, they don't mind if you can't get back there. Sinabi na sa akin ng kuya mo, na siya na ang bahala kina Cassy.. habang magkasama tayo," sabi sa kanya ni Erries.Natigilan naman si Lance, lalo na nang marinig ang sinabi n
LANCE POV'SHindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon, habang nakatingin sa babaeng biglang umupo sa upuan kung saan nakaupo si Cassy kanina. Bigla niyang winagayway ang kanyang kamay sa harapan ko, na naging dahilan upang matauhan ako."Masyado bang nakakagulat ang presensya ko?""E-Erries, what are you doing here?" hindi parin makapaniwalang tanong ko sa kanya."Tss, nakita ko Cassy na lumabas dito at inaasahan ko na baka ikaw ang kasama niya. Kaya nang makita kita ay pumasok ako. So, how are you?" nakangiti pa niyang sabi sa akin.Napalingon ako sa labas, dahil baka biglang dumating si Cassy at makita kung paano siya ngumiti sa akin."Look, I'm having a date with my Fiancee, don't ruin it," seryoso kong sabi sa kanya.Ngunit, imbes na matinag siya sa sinabi ko ay mas lalong lumawak ang ngiti niya sa akin. Tila ba wala siyang pakialam sa sinasabi ko."You look so tense, why? Natatakot ka bang makita tayo ni Cassy na magkasama? Tsk! We are friends, and she will
ERRIES POVUnti-unti kong minulat ang aking mga mata, nang maramdaman ko ang init mula sa sikat ng araw. Hindi ko maalala kong hindi ko ba naisara ang kurtina kagabi, dahil lasing na ata ako kagabi. Nanatili muna akong nakahiga at inalalala ang nangyari kagabi. Hays, paano nga ba ako napunta dito sa kwarto, sino ang naghatid sa akin? Baka naman hinatid ako dito ng mga staff ni Lucas? Tsk! Bakit ba kasi nagpakalasing kagabi. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang tumayo. Hinanap ko ang phone, para makita kung anong Oras na at nakita kong 9am na pala. Ilang saglit pa ay may naramdaman akong kakaiba sa sikmura ko, kaya napatakbo ako sa banyo, deretso sa lababo at doon napasuka ako bigla. Tila ba nais lumabas lahat ng alak at mga kinain ko kagabi. Napamumug ako at hingal na hingal. "Here..." Napatingin ako sa towel na inabot sa akin at kinuha ko naman iyon. Pinunas ko iyon sa aking noo, at leeg dahil pinagpawisan ako. Ilang segundo rin, nang matigilan ako. Dahan-dahan akon
LANCE'S POVMatapos akong tawagan ni Lucas kanina at sabihing nakita niya si Erries sa pagmamay Ari niyang Resort ay walang alinlangan akong bumiyahe papunta sa Batanggas. Ang Lugar kung saan kami unang nagkita at nagkakilala. I still remember, she's still teenager that time. Magkadikit lang ang bahay nila sa bahay nina Lucas, kaya nakilala ko siya. Dahil narin sa pinsan niya noon na si Erica. Naalala ko noon, na may nangyari sa amin ni Erica, hindi lang isang beses na may nangyari sa amin noon, siguro tatlo? O dalawa, hays. So, Ayun nga bumiyahe ako, at halos mag g-gabi na ng makarating ako sa Batanggas at si Lucas agad ang pinuntahan ko. Sakto rin na nasa bahay siya nito, kaya nagulat ito ng makita ako."Ang bilis mo naman, haha," may halong pang aasar na sabi niya sa akin. Sabay kaming pumasok sa loob ng kanilang bahay."Tsk, tell me where is she," sabi ko sa kanya. Marami kasi silang resort na pag aari at hindi ko alam kung saan ba sa mga ito, naroon si Erries."Hahah
Tulad ng sabi ni Erica ay pumunta ako kinabukasan sa resort na sinasabi niya. Nakilala ko rin ang asawa niya at mabait naman ito, nakikita ko rin kung gaano nito kamahal ang pinsan ko.Hinatid nila ako dito sa resort na sinasabi niya at nakausap na rin niya ang kaibigan niya tungkol sa akin. Kaya binigyan pa nila ako ng discount, at sa isang executive room ang binigay nito sa akin. Nasa labas pa lang ako ng hotel ay talagang makikitang maganda nga ito. Malawak at napaka-refresheng ang simoy ng hangin...maging ang magandang dagat nito, na tila ba hindi mo aakalaing nasa pilipinas ka lang pala.Sinabi din sa akin ng kaibigan ni Erica, na may swimming sa rooftop ng hotel at nais nitong makapunta rin ako doon. Hinanap ko ang hotel room na binigay sa akin at nang makarating ako ay pumasok agad ako para naman makapagpahinga saglit. Nakita ko kung gaano ka kaganda ang silid. Naglakad ako patungo sa veranda ng kwarto at bumungad sa akin ang lawak ng dagat sa aking harapan. Napapikit
ERRIES POVHawak-kamay kami ni Erica na pumasok sa loob ng bahay, at talagang tuwang-tuwa siya dahil muli kaming nagkita. Sa lumipas na mga taon, ay marami siyang binago dito sa loob. Mas naging maaliwalas ang pagpasok namin dahil bumungad ang garden na may iba't ibang kulay ng Rosas at ilang mga bulaklak, na dati ang simpleng path walk lang. Nang makapasok kami sa mansion ay sabay kaming umupo sa isang couch."My god, Erries, bakit hindi ka nagsabi na darating ka..para naman nakapaghanda ako," nakangiting sabi nito sa kanya.Bahagya akong natawa sa kanya."I just want to surprise you, and it's looks like you really did," nakangiting sabi ko sa kanya."Oo naman no, grabe ang laki na ng pinagbago mo...mas Lalo kang gumanda!" papuri niya pa at bahagyang sinuyod ang kabuuan ko."Ano ka ba, Ikaw rin naman ah.. Ano? Kumusta ka na?" tanong ko pa."Ayos lang naman, ikinasal na ako last year at may dalawa na kaming anak ng asawa ko. Ang tagal mong nawala kaya hindi mo na alam k
THIRD PERSON'S POVBumaba si Lance sa hagdan mula sa kanyang kwarto, upang sumalo sa kanilang hapunan. Habang pababa siya ay napakunot-noo siya, nang marinig ang pamilyar na boses mula sa kanilang sala. Nakikilala niya ang mga boses na iyon at nang tuluyan na nga siyang bumaba ay nakita niya ang kanilang bisita.Lumingo sa kanya ang babaeng hindi naman niya nais na makita ng sandaling iyon."Babe!" tawag ni Cassy sa kanya at tumayo ito upang lumapit sa kanya.Agad itong yumukap sa kanya nang makalapit ito. Wala siyang naging tugon sa yakap nito at nanatiling blanko ang kanyang tingin, bago inilipat sa kanyang magulang ang kanyang mga mata. Doon niya nakitang nandito rin pala ang magulang ni Cassy."Ijo," tawag sa kanya ng ama ni Cassy.Tumango lang siya dito at muling tiningnan si Cassy. Napabuntong-hininga siya at pilit na kumalas sa yakap nito, saka naunang naglakad upang lumapit sa kanilang mga magulang."Good evening," bati niya sa mga ito at tumango."Mabuti naman at bumab
ERRIES POVIlang araw ang lumipas, noong huli naming pagkikita ni Lance. Talagang iniwasan ko siya para naman makapag isip ako ng mabuti. Bago ako magpasya na umalis ay nakipagkita muna ako sa isang kaibigan. Isa iyong pagkikita na talagang, kami lang dalawa ang dapat na makaalam.Nandito ako sa isang private resorts, malayo sa Lugar kung saan kami maaring makita ng mga taong ayaw ko rin namang makita. Minsan na akong nakapunta sa resort na ito, kaya alam ko kung gaano ito kaganda. Habang nakatanaw ako sa paglubog ng araw, isang pares ng paa ang huminto sa gilid, kung saan ako nakaupo.Napatingala ako at bahagyang napangisi. Dumating na ang taong kanina ko pa hinihintay na dumating."What now, Erries?" seryosong tanong niya sa akin."Pwedi bang umupo ka muna?" sabi ko sa kanya.It's s Raymond.Yeah, he's the one I'm meeting right now. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, bago naglakad at umupo sa harap ko. Ngumiti ako sa kanya at bahagyang sumenyas sa isang waiter na nas
THIRD PERSON'S POV Agad na hinawakan ni Juliana si Truce, matapos nitong suntukin ang lalaking kahalikan niya. Nakita niya kung paano dumugo ang labi nito at nakahandusay sa sahig. Seryoso niyang tiningnan si Truce dahil sa ginawa nito."What the h*ll, Truce?" sambit niya."What? Do you think, I can watch you while kissing that asshole?" inis na sabi ni Truce."Pwedi ba, huwag kang mananakit bigla dahil ginusto ko rin naman 'yon. Sino ka ba para manakit na lang bigla?" inis rin na sabi ni Juliana.Napasinghal si Truce at hindi makapaniwalang nakatingin ngayon kay Juliana. Hindi niya alam kung ano nga ba ang tamang sagot sa sinabi nito. Naikuyom niya ang parehong kamay, habang nakatingin dito. Nang talikuran siya nito upang lapitan ang lalaking nakahandusay ay bigla na lamang niyang hinawakan si Juliana sa braso at mabilis na umalis sa Lugar na iyon. Nagawa pa siyang harangan ng mga bouncer ng club, pero, dahil nakilala siya ng mga ito ay hinayaan na lamang siyang makalabas. Na
LANCE POVNapabuntong-hininga ako, nang mai-park ko ang kotse sa parking lot ng isang bar. Matapos kong pinatay ang makina nito ay lumabas na rin ako, at ini-lock ito. Sakto rin ang pagdating ng pamilyar na sasakyan sa katabi ng kotse ko, at nakita ko kung paano daling-dali lumabas si Truce doon."Mabuti naman at nandito ka na rin," sabi niya matapos akong makita."Tsk! Alam mo namang wala pa akong Oras para sa ganitong yayaan eh, bakit nga ba bigla kang nagyaya ngayon?" kuno't noo'ng tanong ko sa kanya.Nais ko sanang balikan muli si Erries sa bahay, kung saan siya nakatira pero hindi ko malaman kung naroon pa rin ba siya dahil medyo tahimik iyon kahapon pa."Tumawag sa akin sina Luther, nakita nila si Juliana dito sa bar at alam kong narito pa rin siya. Gusto ko siyang makita at makausap, dahil bigla na lang niya akong iniwasan eh masaya pa naman kami kahapon eh," sabi niya at batid kong nag aalala siya sa kung anong mayroon sa kanila ni Juliana."At nakita rin nila dito
Hindi mawala sa isip ni Cassy ang huling binitiwang salita ni Raymond sa kanya, tungkol sa nararamdaman ni Lance kay Erries. Alam niya sa sariling dehado ang nararamdaman niya para sa binata, dahil may ibang babae itong mahal. Subalit, nasa isip pa rin niya ang huwag sumuko agad, lalo na at mahalaga sa kanya ang binata. Panghahawakan niya ang karapatan niya bilang fiancee nito at hindi niya iyon bibitawan para lang sa nararamdaman ng dalawa.Matapos nilang magkausap ni Raymond ay humingi siya ng tawad dito sa mga nangyari, Lalo na sa nagawa niya Kay Chandrie. Ngunit, hindi niya pa mahaharap ang kaibigan dahil sigurado siyang galit pa rin ito. Hinayaan naman niyang maunang umalis si Raymond at nang makaalis ito ay nagpasiya na rin siyang umalis doon.Nagpasiya siyang sa mall na lang kakain, kaya naman dumiretso na lang siya doon at nilibang ang kanyang sarili.May tumatawag sa kanyang cellphone at nakikita niyang ang kanyang magulang iyon, kaya hindi niya iyon sinagot.Masyado si