Naku Margaux! Ang rupok mo!
DracoHindi sumagot si Margaux. Sa halip, lumingon siya kay Yvonne na ngayon ay titig na titig sa amin, waring hinihintay ang susunod na mangyayari."Hindi ka magpapapigil?" tanong ng kanyang kaibigan na tinanguan lang ng aking Sugar bilang tugon. Bumuntong-hininga ito bago dahan-dahang tumango bilang pagsang-ayon.“Kaya kong maglakad,” madiing sabi ni Margaux nang bumaling siya sa akin. Ngumiti ako at saka tumingin kay Samuel.“Go home. Ako na ang bahala sa girlfriend ko.” Kasabay ng mga salitang iyon, hinapit ko si Margaux sa kanyang bewang, pinapalapit pa lalo siya sa akin. Napasinghap siya sa gulat, ngunit hindi rin tumutol.“Take care, Margaux,” malamig na paalam ni Samuel. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin, pero ayos lang. Wala akong balak magpaapekto. Ang gusto ko ay malaman niya na wala na siyang babalikan pa. Na hinding hindi ko ibibigay sa kanya ang Sugar ko.“Sige na, aalis na ako,” sabi ni Yvonne, waring naiinip na sa eksena.“Ihahatid ka na lang ni Kevin,” sabi ko, s
Draco“Tumawa ka pa!” singhal niya sa akin kaya naman natahimik na lang ako. “Nakakatawa ako sa tingin mo?”“Nakakatawa in a way na naaakit ako, Sugar. You don’t know how cute you are kapag ganyang nakasimangot at galit ka.”“Huwag mo akong utuin,” tugon niya, crossing her arms over her chest. Huminga muna ako ng malalim bago nagsimula ng magdrive.Malapit lang ang bahay namin dito kaya saglit lang at nasa bahay na rin kami agad. Pagbubukas ko pa sana siya ng pinto ngunit inunahan na niya ako dahil pagkaparada ko ay agad na rin siyang bumaba.Papasok na siya sa loob ngunit nakasara pa ang pinto kaya naman agad akong lumapit sa kanya at binuksan iyon.Pero bago kami tuluyang tumuloy ay siniguro ko muna na mai-record ko ang fingerprint niya sa lock para anytime ay pwede siyang makapasok sa loob.“I should have done that the first time na dinala kita rito.”Galing ako dito ng magyaya si Kevin sa bar kung saan ko nakita si Margaux. May kakausapin lang daw siya, iyon pala ay babae lang. Hin
DracoNapakagaan ng aking pakiramdam nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata. Ramdam ko pa rin ang init ng nakalipas na gabi na pilit kong pinatay. Ganon din ang lambot ng kanyang katawan sa ilalim ng aking mga kamay. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi habang inaasam na makita ang magandang mukha ng aking Sugar sa tabi ko.Ngunit sa halip na ginhawa, isang matalim na kirot ang bumalot sa aking dibdib nang mapagtanto kong wala siya roon.Agad akong napabangon, at isang malamig na pakiramdam ang gumapang sa aking katawan. Iniwan na ba niya ako? Napalunok ako habang hinahayaan ang mga mata kong maglibot sa paligid, pilit siyang hinahanap. Kasunod nito ay ang pag-landing ng tingin ko sa pintuan ng bathroom. Nakabukas ito, at walang ilaw sa loob. Sigurado akong wala rin siya roon.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako tumayo at mabilis na tinungo ang pintuan. Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdanan, may kung anong kumakabog sa aking dibdib, pag-aalala.
Margaux“What do you think you're doing, Margaux?” inis na tanong ni Sam habang inaalalayan nito si Chloe na katulad ko ay nawalan ng balanse at natumba ng magkabanggaan kami.“I-I didn't do anything,” mahina kong tugon dahil sa hiyang nararamdaman ko at pagkaalangan habang mag-isa akong tumatayo.Alam sa buong University na magkasintahan kami kaya ang pag-alalay niya sa ibang babae habang sinisisi ako ay sadyang nagdulot sa akin ng sobrang sakit at pagkahiya.“Bakit hindi si Margaux ang tinulungan niya?”“Hindi ba magjowa sila, 2 years na? Bakit iba ang katabi ni Sam ngayon?”“Kawawa naman si Margaux. Iba talaga kapag mas malaki ang pagmamahal ng isa sa isa, ganyan ang nangyayari.”Hindi ko alam kung paano ko tatakasan ang mga nasa paligid namin lalo at pakiramdam ko ay unti unti na silang dumarami.Pagtingin ko kay Sam ay tila nang-uusig pa ang kanyang tingin na parang ako talaga ang may kasalanan.Si Chloe naman ay hindi rin nakatulong lalo at nakangisi pa itong nakatingin sa akin
MargauxGala night.Bago pa man kami magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ni Sam ay decided na akong um-attend dahil last sem ko na ito sa college at una't huling beses kong dadaluhan.Sa dalawang taon na magkarelasyon kami ni Sam ay hindi rin kami uma-attend sa ganito dahil pareho kaming walang hilig.Nakaharap ako ngayon sa salamin ng aking tokador at tinitignan ang aking sarili. Hindi ako sanay mag-make-up pero marunong akong mag-apply.Simpleng lilac dress na may combination na white ang napili kong suutin. Tinernuhan ko iyon ng simpleng lilac stud earrings at necklace na may kaparehong color theme para hindi naman magmukhang bare ang aking leeg na kitang kita dahil sa mataas na ayos ng aking buhok at sa one strap na design ng damit.Kakatapos ko lang mag final touch ng aking makeup ng marinig ko ang katok sa pintuan kasunod ang pagpasok ng aking ina.“Wow, you look young and fresh! Ang ganda mo anak!” bulalas niya. Hindi ko naiwasang mapangiti dahil doon.“Kanino pa ba ako magmama
Margaux “Thank you sa pag-aya sa akin,” sabi ko sa lalaki ng ihatid na niya ako sa table namin ni Yvonne. Okay naman siya at gentleman, kahit na ilang beses kaming nababangga ni Sam ay bahagya na lang niya akong inilalayo.“The pleasure is mine,” tugon niya bago nagpaalam para pumunta na sa kanyang mga kaibigan.Pagtingin ko sa aking kaibigan ay titig na titig siya sa akin na may halong ngisi kaya napailing na lang ako dahil alam ko na ang ibig sabihin non.“Stop looking at me like that, girl. Bakit hindi ka na lang tumayo dyan sa kinauupuan mo at makipagsayaw kaysa maging busy ka sa kakahanap ng makakapareha ko?”“Ako kasi ay meron ng love of my life na hindi kagaya niyang ex mo.” Nakataas ang kanyang kilay habang masama ang tingin sa kung sino man na nasa aking likuran na kung huhulaan ko ay malamang na si Sam at Chloe.“Eh di ikaw na ang masaya ang lovelife,” sabi ko sabay lingon para sana tumingin lang sa paligid.“Don't look!” bulalas ni Yvonne. Ngunit huli na ang lahat dahil kit
MargauxPuno kami ng pagtataka ni Yvonne ng pagpasok namin sa bar ay makitang walang tao doon maliban sa bartender at sa nag-iisa yata nilang customer na nakaupo sa bar counter.Nakatagilid ito at kahit na gusto kong bistahan para malaman ko kung kilala ko ba siya ay hindi ko na ginawa dahil baka iba ang maging pakahulugan niya doon.“Open ba kayo?” tanong ni Yvonne na palingon lingon pa sa paligid. Napansin kong bahagyang tumingin ang bartender sa lalaki bago nakangiting tumango.“Upo ka na girl. Ngayon ay iinom tayo pero hindi magpapakalasing. Mabuti na siguro na walang tao at least payapa tayo at walang mang-iistorbo sa atin.”Sinunod ko ang sinabi niya. Magkatabi kaming naupo sa may bar na rin at nasa kanan ko ang lalaking tahimik na umiinom.Pasimple kong tiningnan ang lalaki na diretso lang ang tingin sa harapan niya na parang walang pakialam sa aming magkaibigan. Naka navy blue suit ito at mukhang mayaman. Ngayon ko lang siya nakita.Nagkibit balikat na ako at bumaling na ng ti
Mature ContentMargauxHindi ko na alam kung paano kaming napunta sa isang silid matapos kong tugunin ang kanyang halik. Naramdaman ko na lang na nakalapat na ang aking likod sa nakasaradong pintuan habang patuloy kami sa paghahalikan.This man gives me an unexplainable feeling. Nakainom ako, lasing ako. But I know exactly what I'm doing. Hindi ko nga lang kayang utusan ang katawan ko na huminto sa ginagawa ko.“Sugar, are you sure about this?” tanong ng lalaki ng tumigil kami sa paghahalikan. Napangiti ako sa endearment na gamit niya. Kung endearment nga iyon ha.“I like the sugar thing. What do you want me to call you?” tanong ko.“Kahit ano wag lang ang pangalan ng ex mo or kung anumang tawag mo sa kanya.”Ang sexy ng dating ng kanyang boses habang hinahagod ng kanyang hinlalaki ang aking baba. Ang sarap sa pakiramdam dahil he's making me feel beautiful and wanted. Hindi kagaya ni Sam.Nalungkot ako ng maalala ko ang aking boyfriend. I mean, ex-boyfriend.“Don't think about him whe
DracoNapakagaan ng aking pakiramdam nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata. Ramdam ko pa rin ang init ng nakalipas na gabi na pilit kong pinatay. Ganon din ang lambot ng kanyang katawan sa ilalim ng aking mga kamay. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi habang inaasam na makita ang magandang mukha ng aking Sugar sa tabi ko.Ngunit sa halip na ginhawa, isang matalim na kirot ang bumalot sa aking dibdib nang mapagtanto kong wala siya roon.Agad akong napabangon, at isang malamig na pakiramdam ang gumapang sa aking katawan. Iniwan na ba niya ako? Napalunok ako habang hinahayaan ang mga mata kong maglibot sa paligid, pilit siyang hinahanap. Kasunod nito ay ang pag-landing ng tingin ko sa pintuan ng bathroom. Nakabukas ito, at walang ilaw sa loob. Sigurado akong wala rin siya roon.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako tumayo at mabilis na tinungo ang pintuan. Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdanan, may kung anong kumakabog sa aking dibdib, pag-aalala.
Draco“Tumawa ka pa!” singhal niya sa akin kaya naman natahimik na lang ako. “Nakakatawa ako sa tingin mo?”“Nakakatawa in a way na naaakit ako, Sugar. You don’t know how cute you are kapag ganyang nakasimangot at galit ka.”“Huwag mo akong utuin,” tugon niya, crossing her arms over her chest. Huminga muna ako ng malalim bago nagsimula ng magdrive.Malapit lang ang bahay namin dito kaya saglit lang at nasa bahay na rin kami agad. Pagbubukas ko pa sana siya ng pinto ngunit inunahan na niya ako dahil pagkaparada ko ay agad na rin siyang bumaba.Papasok na siya sa loob ngunit nakasara pa ang pinto kaya naman agad akong lumapit sa kanya at binuksan iyon.Pero bago kami tuluyang tumuloy ay siniguro ko muna na mai-record ko ang fingerprint niya sa lock para anytime ay pwede siyang makapasok sa loob.“I should have done that the first time na dinala kita rito.”Galing ako dito ng magyaya si Kevin sa bar kung saan ko nakita si Margaux. May kakausapin lang daw siya, iyon pala ay babae lang. Hin
DracoHindi sumagot si Margaux. Sa halip, lumingon siya kay Yvonne na ngayon ay titig na titig sa amin, waring hinihintay ang susunod na mangyayari."Hindi ka magpapapigil?" tanong ng kanyang kaibigan na tinanguan lang ng aking Sugar bilang tugon. Bumuntong-hininga ito bago dahan-dahang tumango bilang pagsang-ayon.“Kaya kong maglakad,” madiing sabi ni Margaux nang bumaling siya sa akin. Ngumiti ako at saka tumingin kay Samuel.“Go home. Ako na ang bahala sa girlfriend ko.” Kasabay ng mga salitang iyon, hinapit ko si Margaux sa kanyang bewang, pinapalapit pa lalo siya sa akin. Napasinghap siya sa gulat, ngunit hindi rin tumutol.“Take care, Margaux,” malamig na paalam ni Samuel. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin, pero ayos lang. Wala akong balak magpaapekto. Ang gusto ko ay malaman niya na wala na siyang babalikan pa. Na hinding hindi ko ibibigay sa kanya ang Sugar ko.“Sige na, aalis na ako,” sabi ni Yvonne, waring naiinip na sa eksena.“Ihahatid ka na lang ni Kevin,” sabi ko, s
MargauxSinalihan ako ng kaba at gulat.Anong ginagawa niya rito? Napatingin ako sa kanyang tabi at nakita kong naroon din si Kevin at may kausap na babae tila balewala sa kanya kung ang kasama niya ay sa nasa iba ang atensyon.Nagkataon lang ba na nandito rin sila o sinundan niya ako?Nagtagpo na ang aming mga mata ngunit nagpanggap akong hindi ko siya napansin at nagpatuloy lang sa pagsasayaw hanggang sa naging sexy na ang tugtog.May kung anong kalandian ang pumasok sa isip ko at bigla na lang akong nagsimulang gumiling na tila nang-aakit habang gamit ang katabi kong si Yvonne bilang partner.“Anong kalokohan ang ginagawa mo? Hindi ko alam na kaya mo palang magsayaw ng ganyan!” bulalas ng aking kaibigan sabay tingin sa akin.Nginitian ko siya at gusto kong matawa sa kanyang reaksyon dahil ngangang nganga siya habang puno ng pagtatakang nakatingin sa akin.Inangat ko ang aking kamay papunta sa kanyang balikat at tsaka ko nilapit ang aking katawan sa kanya.“Hayaan mo lang ako at maki
Margaux“Hala girl, uminom na lang tayo nang hindi tayo abutin ng alanganing oras. Wala namang mangyayari kung iintindihin mo ang ex mo na 'yan," sabi ni Yvonne na halata pa rin ang pagkairita kay Sam.Naiintindihan ko naman siya dahil bago pa lang naging kami ni Sam ay panay na ang sabi niya na makipag hiwalay na ako dahil nga sa pambabalewala ng lalaki sa akin.Tumango ako sa sinabi ni Yvonne at nagdesisyon nang mag-order, sakto namang lumapit ang waiter sa amin. Hindi rin nagtagal ay bumalik ito, dala ang aming mga inumin. Dahil hindi naman kami sanay sa puro alak, natural lang na may kasamang pulutan na pwede naming lantakan para naman hindi kami puro lagok.Nagtatawanan lang kami, kwentuhan ng kung anu-anong bagay, habang pilit kong iniiwasan ang tumingin sa kabilang mesa kung saan naroon si Sam at ang grupo niya. Naririnig ko ang malalakas nilang tawanan, pero hindi ko sila pinapansin. Ayaw kong magbigay ng kahit anong dahilan para isipin niyang may nararamdaman pa ako sa kanya,
MargauxSimpleng bestida lang ang isinuot ko, yung tamang komportable, sapat para makakilos nang malaya nang hindi ako mailang o mahirapang sumabay sa party, party. Nakakailang din naman kung buong gabi akong mag-aalala sa suot ko habang sinusubukan kong magpakasaya.Alas otso nang makarating kami ni Yvonne sa isang bar sa Pasay. Sa totoo lang, ayaw ko sanang pumunta rito. Napakalapit lang kasi nito sa bahay ni Draco. Pero dahil si Yvonne na mismo ang nagdala sa akin dito, wala na akong nagawa kundi ang sumunod.Pagpasok namin, sinalubong kami ng mahinahon na tunog ng musika at mahinhing usapan mula sa mga naroon. Hindi pa ito gaanong matao, ayon kay Yvonne, mga bandang alas-diyes pa raw ito tuluyang mapupuno.Mas okay na rin. Hindi pa masyadong mabigat ang amoy ng alak at pawis sa paligid, at kahit paano, may espasyo pang malanghap ang hangin.Kumuha kami ng mesa para sa dalawahan lang, tamang-tama para maiwasan ang sinumang maaaring sumubok maki-share sa amin. Ayaw ko ng istorbo.Isa
Margaux“Hi, Sugar. How are you? I miss you…”Napangiti ako nang hindi sinasadya habang binabasa ang text ni Draco. Ramdam ko ang kilig na dulot ng mensahe niya, pero hindi ko pa rin siya nire-reply-an. Alam kong nakikita niyang binabasa ko ang mga text niya, at bahala siyang ma-frustrate sa paghihintay kung sasagot ba ako o hindi.Mahigit isang linggo na mula noong huli kaming mag-usap, at sa buong panahong iyon, hindi pa niya ako sinundo sa school o dinala sa bahay niya.Sa isang banda, ayos na rin iyon para sa akin. Nagkaroon ako ng oras para sa mga kaibigan ko. Pagkakataon na pinalagpas ko non at hindi binigyang pansin dahil mas minabuti kong gugulin ang oras at panahon ko maling tao. Nakakainis lang isipin na ang dami kong nasayang na pagkakataon, pero mabuti na lang at may panahon pa akong bawiin ang lahat.Masaya ako sa piling ni Yvonne. Kahit dalawa lang kami dati, walang dull moments. Pero iba rin pala ang pakiramdam kapag mas marami kang nakakasama. Mas maingay, mas makulit,
Margaux“Sure,” sagot ko kay Hendrix nang lumapit siya sa amin habang nasa school ground kami nina Yvonne, Alexis, at Tessa. Nagpalitan kami ng tingin ng mga kaibigan ko, at nang tumango sila bilang pagsang-ayon, hindi ko na rin tinanggihan ang alok niya. Nagyaya siyang mag-hangout sa mall pagkatapos ng klase, at wala naman akong nakikitang masama roon.Sa totoo lang, ilang beses nang sinasabi nina Yvonne na may gusto sa akin si Hendrix. Ngunit hindi naman iyon direktang sinasabi sa akin ng lalaki, kaya hindi ko rin lubusang pinaniniwalaan ang hinala nila.Isa pa, hindi naman siya nag-aalok ng regalo o nililibre ako, kaya paano ko masasabing may iba siyang intensyon? Hindi naman siguro masama kung didikit ako sa kanya, ‘di ba?Pinilig ko ang ulo ko at isinantabi ang iniisip ko.Nang matapos ang klase, sabay-sabay kaming nagpunta sa mall na malapit lang sa eskwelahan. Kasama rin namin ang ilan sa mga kaibigan ni Hendrix mula sa team nila, at aminado akong masarap sa pakiramdam ang ganit
MargauxHinatid ako ni Draco hanggang sa bahay namin, ngunit hindi ko na siya pinapasok. Alam kong gusto pa niyang magtagal, halata sa paraan ng pagdadalawang-isip niya ang umalis, ngunit matapos ang isang malalim na buntong-hininga, tumango na lamang siya.May kung anong kirot sa dibdib ko nang makita ang lungkot sa kanyang mga mata, pero hindi ko iyon maaaring hayaan na tuluyang ipakita sa kanya 'yon.Pagpasok ko, nadatnan ko si Mommy sa sala, abala sa panonood ng paborito niyang serye. Sigurado akong pauwi na rin si Dad mula sa trabaho. Isang mabilis na bati lang ang ibinigay ko sa aking ina bago ako umakyat patungo sa aking silid. Kailangan kong pakalmahin ang nagwawalang damdamin ko. Kailangan kong pag-isipan ang lahat nang hindi nadadala ng bugso ng emosyon.Fourteen.Ibig bang sabihin, labing-apat na taon pa lang ako ay may gusto na siya sa akin? Hindi ko siya nakikita noon, kahit kailan. Ang alam ko lang ay may tito si Sam na nasa Germany at iba ang tatay. Pero sa lahat ng pagk