Aray naman!
Draco“Are you okay?” tanong ni Margaux ng makaupo na kami sabay paling ng mukha ko at haplos sa part na tinamaan ng suntok ng kanyang ama.“Yes Sugar,” nakangiti kong sabi sabay hawak sa kamay niyang humihimas pa rin sa aking pisngi bago iyon dinala sa aking labi para halikan.“S- Sugar?” tanong ni Mr. Pinto. Nasa tono niya ang disbelief at ng tumingin ako sa kanya ay kita rin iyon sa kanyang mukha. Si Mrs. Pinto naman ay titig na titig sa amin ni Margaux at tila hindi pa rin napoproseso ng kanyang utak ang mga nangyayari.“Yes Dad, ang sweet niya no?” proud na tugon ni Margaux. Nanlaki ang mga mata ni Mr. Pinto sa naging tugon ng kanyang anak na nakangiti pa. Napailing ako dahil mukhang hindi man lang apektado ang Sugar ko ng mga nangyayari.“Sweet? Tinawag ka lang na Sugar, sweet na?” tanong ulit ni Mr. Pinto, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng anak.“Huwag ka ng magselos, sweet ka rin naman. Mas sweet nga lang ang Cupcake ko.” Maang ang bibig ng mag-asawang Pinto. At kung naib
MargauxI’m super happy!Sobrang saya ko, to the point na parang gusto kong tumili at tumalon sa kilig. Pero siyempre, hindi ko na ginawa ‘yon. Hindi ko inasahan na ganito pala ang pakiramdam kapag wala ka nang kailangang itago. Ngayong alam na ng mga magulang ko ang tungkol sa amin ni Draco, parang gumaan ang dibdib ko. Hindi ko na kailangan magsinungaling sa kanila at gamitin si Yvonne.Nagulat nga lang ako, as in legit shocked, nang bigla na lang suntukin ni Dad si Cupcake. Halos mapatili ako pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa totoo lang, gusto ko sanang pumagitna, gusto kong pigilan si Dad, pero alam kong may karapatan siya. He’s my father. At bilang isang ama, normal lang na protektahan niya ako lalo na’t alam niyang may lalaking seryoso nang pumapasok sa buhay ko.Mas nakakagulat pa ‘yong sinabi niya pagkatapos na nakita pala niya kami ni Draco na naghahalikan. Napamulagat talaga ako roon. Akala ko ba walang nakakita? Ni minsan, hindi niya nabanggit ‘yon sa akin. Tahimik lang si
Margaux“Do you have any plans before and after graduation?” tanong ni Draco habang palapit ako sa kanya. Kakagaling lang niya sa trabaho at nakakapagtaka na imbis na sa kwarto ay sa sala siya nag-stay at naupo habang pababa ako ng hagdan. Kita ko pa ang bahagyang pagod sa mga mata niya, pero hindi nito natatabunan ang tuwang naroon nang makita niya ako.Nasa bahay kami ngayon. Ang bahay na ayon sa kanya ay sa amin. Umalis na ang mga magulang ko, tulad ng sinabi ni Dad. Babalik daw sila before ang graduation ko, saka mag-uumpisa ang masinsinang preparasyon para sa merging ng Skidmark at Pinto Dealership. Kaya sa ngayon, kami muna ng Cupcake ko ang magkasama rito.“After graduation, plano namin ni Yvonne na mag-Palawan. Gusto lang naming mag-relax. Tapos, since friends na rin namin sina Alexis at Tessa, malamang sasama rin sila. Bakit mo natanong?” tanong ko, sabay sandal sa likod ng sofa. Galing ako sa taas at may kinuha lang saglit dahil ang isip ko ay mamaya pa siya.“I want to go on
DracoHindi ko alam kung hanggang kailan mawawala ang mga magulang ni Margaux. Wala silang binanggit noong tumawag sila para ipagkatiwala sa akin si Sugar bago sila umalis. Wala ring eksaktong petsa kung kailan sila babalik maliban sa sinabi nga nla na before graduation ng kanilang anak, at kahit pilit kong maging kalmado, hindi mapakali ang loob ko.I’m actually happy about it, na sa akin nakadepende si Margaux ngayon. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng pagdududa. Hindi naman siguro may tinatago silang dahilan. Wala sanang masamang nangyayari, at lalong wala sanang kinalaman ang pag-alis nila sa isang bagay na pwedeng makasakit sa mahal ko.Kilala ko ang mga magulang ni Margaux. Nakita ko kung paano nila siya alagaan, kung gaano nila siya kamahal, pero bakit ganun? Parang may bumabagabag sa akin. Still—“Argh!” Pinilig ko ang ulo ko, pilit itinataboy ang gumugulong na tanong sa isip ko. Mas minabuti kong magtrabaho na lang. Ayokong matagalan pa sa opisina. Gusto kong umuwi nang maa
DracoHindi ko na rin alam kung paano ko natapos ang mga papeles at report na kanina’y nakahilera pa sa lamesa ko. Simula nang lumabas si Samuel sa opisina ko, para akong binagsakan ng kung anong bigat. Pakiramdam ko’y may tinik akong nilunok. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong inisip kung tama bang pinayagan ko siyang dito na magtrabaho.Oo, sa pamilya naman ang kumpanya, pero hindi ibig sabihin ay gusto ko na ang lahat ng kapamilya ay nasa paligid ko, lalo na kung ang presensya nila ay parang lason na unti-unting kumakalat sa sistema ko at nagbibigay ng pangamba sa akin.Wala namang masama sa sinabi niya. Wala namang direktang pambabastos o pang-aalipusta, pero 'yung paraan ng pagkakabitaw niya ng salita, ‘yung mga titig niya, at ‘yung pagbibigay niya ng atensyon kay Sugar, hindi ko gusto. Hindi ako komportable. Hindi ako kampante. At ayoko sa lahat ng feeling na ‘yon.Umuwi ako sakay ng motor. Karaniwan na ito, si Kevin ang laging pinapagamit ko ng sasakyan, para kung sakali
MargauxAraw ng Linggo at nasa bahay lang kami ni Draco. Ayaw kong umalis. Hindi dahil may masama akong pakiramdam, kundi dahil tinatamad lang talaga ako. Isa pa, mas gusto kong sulitin ang buong araw na kasama siya dahil kung araw na may pasok ay masyado ko siyang namimiss."Anong ginagawa mo, Sugar?" tanong ni Draco matapos pumasok sa walk-in closet. Medyo messy ang buhok niya at mukhang bagong gising, pero sa totoo lang ay hindi naman dahil galing siya sa baba."Nilalagay ko lang 'yung mga damit na nilabhan at naplantsa," sagot ko habang inaayos ang mga neatly folded shirts sa drawer."Let me help you," aniya, sabay lapit. Hindi na ako tumanggi, syempre. Kung tutuusin, mas gusto ko pa ngang nagtutulungan kami sa ganitong mga simpleng bagay, parang may partner talaga ako sa buhay.Habang inaayos ang isang kahon ng mga lounge pants niya, napansin ko ang isang maliit na box sa ilalim. Pamilyar. Nakita ko na ‘yon dati. Parang biglang nanikip ang dibdib ko.“What is it?” tanong ni Draco,
MargauxGraduation day!!Sobrang saya ko, sobra. Parang lahat ng bigat na inipon ko sa loob ng ilang taon ay unti-unting nag-alisan sa balikat ko. Finally, tapos na rin ang ilang taong pagsusunog ng kilay.Yes, pagsusunog talaga ng kilay, literal at emosyonal. Ibinuhos ko ang lahat sa pag-aaral. Wala akong sinayang na pagkakataon. Ginawa ko ang lahat upang masiguro na masusuklian ko ang paghihirap ng aking mga magulang.Hindi ko man masukat ang sakripisyo nila, pero gusto kong kahit papaano ay maramdaman nilang worth it lahat ng pagod at puyat nila para sa akin.Ginawa nila ang lahat lahat para matugunan ang mga pangangailangan ko.Pangangailangan lang. Hindi ako lumaki sa luho. At hindi ako nagtampo doon. Hindi nila ako pinalaking spoiled, hindi nila ako pinaliguan ng mga materyal na bagay. Hindi dahil hindi nila ako mahal, o dahil wala silang kakayahan, kundi dahil gusto nilang matuto akong makuntento. Maging masinop. Maging mapagpakumbaba.“Hindi mo kailangang magkaroon ng lahat par
Margaux“Tita, baka po pwedeng makausap muna si Margaux.” Mahinahon ngunit may halong pakiusap ang tinig ni Sam. Nilingon ako nila Mommy, at saglit kaming nagkatinginan. Ramdam ko ang bigat sa kanilang mga mata. Mga matang alam ang buong istorya, pero pinipiling manahimik.Hindi ko alam kung bakit ba patuloy pa rin si Sam sa pangungulit. Ilang beses ko na siyang tinanggihan, ilang ulit ko na ring nilinaw ang lahat. Wala na. Wala nang dapat pang hintayin o balikan.“Hihintayin ka na lang namin sa labas, anak,” ani Mommy. Malumanay ang tinig niya ngunit may pagbibigay-laya.“Bakit mo pa hahayaang kausapin ng lalaking ‘yan ang anak natin?” protesta ni Dad, bakas sa kanyang boses ang pangamba at galit. Ngunit tinapik lamang siya ni Mommy sa braso, saka siya nginitian ng may pang-unawang siya lang ang kayang gawin.Hinila niya si Dad palabas ng hall, habang ako nama’y naiwan sa presensya ng isang lalaking dati kong minahal.Naglakad kami ni Sam palayo sa karamihan, patungo sa bahaging tahim
MargauxMakalipas ang isang oras ay kumatok na si Rey at hinintay niya na sumagot ako bago ito pumasok na talagang na-appreciate ko dahil nirerespeto niya ang privacy namin ni Draco."Ready na po ang conference room, Sir,Ma'am," nakangiti niyang sabi."Okay, papunta na kami." Nakangiti akong bumaling sa kanya na sinuklian din niya ng pagtango bago nauna ng lumabas at sinara ang pinto.Nagtinginan naman kami ni Draco. Umangat ang kanyang kamay para ayusin ang aking buhok. Inipit niya iyon sa likod ng aking tenga at pagkatapos ay kinuha ko ang aking compact mirror para tignan ang aking sarili.Dahil hindi naman ako mahilig sa makapal na makeup ay naisip ko na okay pa naman ang mukha ko. Pero nag-retouch ako ng face powder at lipstick na saglit ko lang ginawa."Iba talaga ang kagandahan ng Sugar ko. Instant!" Natawa ako sa sinabi niya. Alam ko naman na binobola lang niya ako pero aaminin kong nagustuhan ko 'yon."Halika na, Mr. Bolero." Gusto ko sanang magkahawak kami ng kamay na lalabas
Margaux“Ready?” tanong ni Draco matapos kumatok at pumasok sa aking opisina. Hindi ko maiwasang mapangiti sa sandaling nasilayan ko ang kanyang mala-artistahing kagwapuhan. Parang kahit ilang beses ko siyang makita, hindi pa rin ako nasasanay sa epekto niya sa akin.Sumandal ako sa aking upuan, iniangat ang isang kilay, at hinintay na makalapit siya sa akin na para bang alam kong may binabalak na naman siya.At nang nasa tabi ko na siya, marahan niyang inikot ang aking swivel chair. Yumuko siya sa akin, inilapit ang kanyang mukha at itinukod ang magkabilang kamay sa armrest ng upuan na para bang sinadya niya akong i-trap. Mula sa ganoong posisyon, iginawad niya sa akin ang isang mapusok, mapang-angkin, at nakakakuryenteng halik na agad nagpaikot ng sikmura ko.“I miss you, Sugar,” malambing at nakangiti niyang sabi pagkatapos ng mainit naming halikan.“I miss you too, Cupcake,” sagot ko na may halong ngiti at titig na parang nangungusap.“So, ready ka na?” tanong niya habang nag-unat
Third Person"Balita?" tanong ng lalaki sa kanyang kausap sa cellphone. Inilagay niya ito sa loudspeaker, sadyang idinidiin ang bawat salitang lalabas mula sa linya para siguraduhing maririnig ng babaeng kaharap niya ang bawat detalye. Naiinip na kasi ito na wala man lang nangyayari sa pagsubaybay ng taong inutusann niya para sundan ang bawat kilos ni Draco."Boss, araw-araw pa rin siyang umuuwi sa condo. Wala pong pagbabago," sagot ng lalaking nasa kabilang linya at sinisikap na maipaunawa sa kausap na parang wala namang saysay na sundann nila ang lalaki dahil wala naman itong ibang acitvity."Sigurado ka ba?" malamig at matalim ang tanong ng lalaki. Ang mga mata niya’y mariin na nakatitig sa babae na nakaupo ngunit halatang nanggigigil na sa inis, ang mga daliri ay mahigpit na nakalapat armrest ng inuupuang single seater na couch."Yes, boss. Umaalis lang ako pagkatapos ng dalawang oras, may taong nakapuwesto sa exit ng parking area. Ako naman ay naka-assign sa main entrance kaya sig
Margaux“Make sure na ready na ang lahat ng kakailanganin para sa contract signing natin with DZ Motors. Ayaw ko ng kahit na anong aberya kaya kailangan paghandaan ng mabuti ang lahat.” Ang contract signing namin ni Draco ay sa meeting room lang din naman namin gaganapin. Pareho kaming ayaw ng sobrang dami ng tao na hindi naman kailangan.“Yes, Ma’am Margaux.”“Thank you. You can leave.” Lumabas na si Rey, ang aking assistant. Siya na ang umaalalay kay Dad and now, sa akin na siya direktang nagrereport.Ang aming kanya-kanyang kumpanya na rin ang bahalang mag-post sa mga social media account para ipaalam sa tao ang aming partnership.Ang aking mga magulang ay hindi ko na napigilan sa pag-alis. Ang sabi nila ay kailangan naman nilang mag-relax na kaya sino ako para hadlangan iyon?Kahit na nahihiwagaan pa rin ako sa mga travel plans nila ay alam ko naman sa sarili ko na-deserve nila iyon.Anyway, ngayon na ako na ang namamahala sa aming kumpanya ay malaya silang gawin kahit na ano pa an
Draco“Mukhang masayang masaya ka ah!” nakangising bati ni Kevin habang papalapit siya sa akin.Nasa office ako, nakaupo sa swivel chair habang nakatuon ang tingin sa cellphone. Kakatapos lang namin mag-usap ni Margaux, busy daw siya sa kanilang opisina pero sinigurado pa ring makausap ako, kahit sandali lang.Napangiti ako sa naalalang lambing ng boses niya, ngunit agad ko rin iyong tinakpan ng inis-inisang tono.“Shut up, Kevin.”“In love talaga, pre,” tugon niya habang lumalapit at naupo sa tapat ko.“Ngayon mo lang nalaman?” taas-kilay kong sagot habang pinipilit na hindi mapangiti.“Matagal na. Halata sa ‘yo, bro. Laway na laway at dead na dead ka sa Sugar mo! Grabe ka, para kang— para kang... groomer!”“Excuse me? Hindi ah!” mabilis kong depensa. “Hinayaan ko siyang maging masaya kay Samuel, kahit ang totoo, para akong pinupunit sa loob araw-araw.”“Tapos nung magkaroon sila ng problema... sinamantala mo agad.”“Hindi ko sinamantala! Kasalanan na ng pamangkin ko 'yon. Tanga siya
DracoMy Sugar is really a tease. Pagkatapos ng mga nangyayari na sa amin ay napapansin kong sobra na ang pagiging mapanukso nito lalo na kung dalawa lang kami. And I admit, I fucking love it.Habang kasama siya ng kanyang ama sa kumpanya nila at inaalalayan sa pagpapatakbo nitong mga nakaraang mga linggo ay naging busy naman ako sa pag-aasikaso ng kasal namin. Lahat ng documents ay inayos ko pati na ang kay margaux sa tulong syempre ng kanyang mga magulang.Kaya hindi ko siya napupuntahan bukod sa talagang iniiwasan ko ang gawin ‘yon for security reason. May pakiramdam kasi akong may nakasunod sa akin sa lahat ng oras maliban na lang kung nasa office ako. At ayaw kong masundan ako ng kung sinuman ‘yon sa bahay namin ng Sugar ko.“Now that you have already signed, don’t ever think na makakaranas ka ng pahinga,” sabi ko ng maghiwalay ang aming mga labi.“I can’t wait,” napanukso niyang tugon bago muling nagsalpukan ang aming mga labi.Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Talagang honeymo
MargauxPagbukas ni Draco ng pintuan, agad kaming pumasok habang buhat niya ako. Hindi pa rin natatapos ang halikan namin, bawat dampi ng labi niya ay tila apoy na nagpapaliyab sa bawat hibla ng aking pagkatao. Ramdam ko ang init, ang pananabik, at ang bugso ng damdamin. Sa isip ko, ito na. Walang makakapigil. Ngunit bigla siyang tumigil.“I want you, Sugar,” bulong niya sa pagitan ng mabibigat naming hininga. “Pero may mas kailangan muna tayong unahin.”Napakunot ako ng noo. Nalito ako, at sa totoo lang, medyo nadismaya. Anong kailangan unahin? Sa gitna ng ganitong tagpo?Hindi siya nagsalita agad. Sa halip, nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa sala, karga pa rin ako na parang ayaw niya akong bitawan, at sa kabila ng kalituhan ko, may kakaibang kilig akong naramdaman. Para akong prinsesang ayaw niyang dumikit sa lupa.Maingat niya akong inihiga sa sofa, saka kumuha ng folder mula sa center table. Tumabi siya sa akin, hawak pa rin iyon.“You will have to sign this,” mahinahon niyan
Margaux“So. ito ang bahay niyo ni Draco?” tanong ni Dad. Nasa sasakyan kami at nagpahatid ako sa kanila ni Mommy after ng event. Ngumiti ako bago tumugon.“Yes, Dad. Our little modern love nest,” sagot kong may halong biro.“Modern love nest ka pa dyan. Ano ngayon ang gagawin mo sa bahay natin kapag nawala na kami ng Mommy mo?” tanong niya.“Dad!” bulalas ko.“Nagtatanong lang…”“Ayaw kong magtanong ka ng ganyan,” nag-aalala kong sabi.“Sus, akala mo naman mahal na mahal mo kami.” Ang itsura ni Dad ng tignan ko ay tila ito nagtatampo. Ng tumingin ako kay Mommy ay para naman itong nagpipigil ng tawa.“Mahal na mahal ko naman talaga kayo,” sabi ko agad. Ayaw kong isipin nila kahit na isang saglit na hindi.“Kaya ba may Draco na?”“Dad naman eh…” Biglang tumawa ng malakas ang aking ama at tuluyan na akong hinarap. Nasa driver’s seat siya at si Mommy ay katabi niya na ansa passenger seat habang ako naman ay nasa back seat.“I love you, anak. Kahit na anong mangyari ay lagi mong tatandaan
MargauxNaging sobrang busy at hectic ang mga araw ko. Parang wala nang patid ang pag-ikot ng mundo ko. Meetings, preparations, at kung anu-ano pang kailangang asikasuhin. Buti na lang at kahit papano, nakakausap ko pa rin si Draco. Through call, text, at sa gabi ay video call. Doon lang ako kumukuha ng lakas. Nakakabaliw na nami-miss ko na talaga ang gurang na 'yon, pero alam kong kailangan kong magtiis. May mas mahalaga akong kailangang harapin.Ang issue ko kina Mommy ay isinantabi ko muna. Hindi pa rin ako kampante dahil iba talaga ang tinatakbo ng isip ko. And if I'm like this, talagang hindi ako napapalagay. Ang tanging kahit papaano ay nagpapakalma sa akin ang ang mga ngiting ibinibigay nila ni Dad sa akin.Dumating na nga ang araw na pinakahihintay namin. Nasa aking silid ako, nakaharap sa salamin habang inaayos ang sarili. Hinihila ko ang sarili kong mag-focus. Kailangan kong maging presentable dahil simula ngayong araw, hindi na ako si Margaux na college student lang. Ako na