Ayan, pag-uusapan na nila ang panganib...
Margaux“Pero bakit si Chiara ay buhay pa?” tanong ko, kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Bigla akong napaisip sa mga sinabi niya. “Kung totoong namamatay ang mga babaeng may gusto sa’yo, bakit ang babaeng iyon ay malayang nakakalapit sa’yo pero walang nangyayaring masama sa kanya?”Isang matalim na kaba ang dumaan sa akin habang unti-unting lumalalim ang palaisipan. Kung talagang may sumpa siya, kung talagang namamatay ang lahat ng babaeng may damdamin para sa kanya… bakit buhay pa ako?“Hindi naman talaga naging kami,” sagot niya, at nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. Para bang may bumabalik na alaala sa kanya, isang bagay na pilit niyang iniiwasan ngunit hindi niya kayang takasan. “Unang may nangyari sa amin noong 15 years old ka.”Parang may sumiklab na apoy sa loob ng dibdib ko. Hindi dahil sa galit, kundi sa kaba, sa hindi maipaliwanag na pagkakailang na dulot ng kanyang mga salitang puno ng bigat at kahulugan.“Naisip ko na nababaliw na yata ako para matu
DracoAng mga kamay ko’y mariing nakahawak sa manibela, parang kung bibitawan ko ito ay mawawala na rin ang konting kumpiyansa na pilit kong kinakapit.Fuck. Kinakabahan ako ng sobra.Hindi lang basta kaba. Para akong estudyanteng unang dadalaw sa bahay ng girlfriend niya, pero mas masahol pa dahil ako, si Draco Zaffiri, ay halos doble ng edad ng anak ng mga taong haharapin ko ngayon. At hindi lang basta “anak”, si Margaux ang mundo ko. Ang Sugar ko. At ako ang lalaking pinili niyang mahalin sa kabila ng lahat.Pero paano kung hindi nila ako matanggap? Paano kung sa tingin nila'y isa lamang akong mayamang lalaking naglalaro sa damdamin ng anak nila? Paano kung sa unang tingin pa lang ay husgahan na nila ako?“What’s wrong, Mr. Draco Zaffiri?” bulong ni Margaux na nakaupo sa tabi ko, sabay tingin sa akin na may kasamang nakakalokong ngiti at isang nakataas na kilay.Lumingon ako sa kanya. “Are you making fun of me?”“I’m not,” sagot niya agad. “I was just asking.” Pero halata sa ngiti n
Draco“Are you okay?” tanong ni Margaux ng makaupo na kami sabay paling ng mukha ko at haplos sa part na tinamaan ng suntok ng kanyang ama.“Yes Sugar,” nakangiti kong sabi sabay hawak sa kamay niyang humihimas pa rin sa aking pisngi bago iyon dinala sa aking labi para halikan.“S- Sugar?” tanong ni Mr. Pinto. Nasa tono niya ang disbelief at ng tumingin ako sa kanya ay kita rin iyon sa kanyang mukha. Si Mrs. Pinto naman ay titig na titig sa amin ni Margaux at tila hindi pa rin napoproseso ng kanyang utak ang mga nangyayari.“Yes Dad, ang sweet niya no?” proud na tugon ni Margaux. Nanlaki ang mga mata ni Mr. Pinto sa naging tugon ng kanyang anak na nakangiti pa. Napailing ako dahil mukhang hindi man lang apektado ang Sugar ko ng mga nangyayari.“Sweet? Tinawag ka lang na Sugar, sweet na?” tanong ulit ni Mr. Pinto, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng anak.“Huwag ka ng magselos, sweet ka rin naman. Mas sweet nga lang ang Cupcake ko.” Maang ang bibig ng mag-asawang Pinto. At kung naib
MargauxI’m super happy!Sobrang saya ko, to the point na parang gusto kong tumili at tumalon sa kilig. Pero siyempre, hindi ko na ginawa ‘yon. Hindi ko inasahan na ganito pala ang pakiramdam kapag wala ka nang kailangang itago. Ngayong alam na ng mga magulang ko ang tungkol sa amin ni Draco, parang gumaan ang dibdib ko. Hindi ko na kailangan magsinungaling sa kanila at gamitin si Yvonne.Nagulat nga lang ako, as in legit shocked, nang bigla na lang suntukin ni Dad si Cupcake. Halos mapatili ako pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa totoo lang, gusto ko sanang pumagitna, gusto kong pigilan si Dad, pero alam kong may karapatan siya. He’s my father. At bilang isang ama, normal lang na protektahan niya ako lalo na’t alam niyang may lalaking seryoso nang pumapasok sa buhay ko.Mas nakakagulat pa ‘yong sinabi niya pagkatapos na nakita pala niya kami ni Draco na naghahalikan. Napamulagat talaga ako roon. Akala ko ba walang nakakita? Ni minsan, hindi niya nabanggit ‘yon sa akin. Tahimik lang si
Margaux“Do you have any plans before and after graduation?” tanong ni Draco habang palapit ako sa kanya. Kakagaling lang niya sa trabaho at nakakapagtaka na imbis na sa kwarto ay sa sala siya nag-stay at naupo habang pababa ako ng hagdan. Kita ko pa ang bahagyang pagod sa mga mata niya, pero hindi nito natatabunan ang tuwang naroon nang makita niya ako.Nasa bahay kami ngayon. Ang bahay na ayon sa kanya ay sa amin. Umalis na ang mga magulang ko, tulad ng sinabi ni Dad. Babalik daw sila before ang graduation ko, saka mag-uumpisa ang masinsinang preparasyon para sa merging ng Skidmark at Pinto Dealership. Kaya sa ngayon, kami muna ng Cupcake ko ang magkasama rito.“After graduation, plano namin ni Yvonne na mag-Palawan. Gusto lang naming mag-relax. Tapos, since friends na rin namin sina Alexis at Tessa, malamang sasama rin sila. Bakit mo natanong?” tanong ko, sabay sandal sa likod ng sofa. Galing ako sa taas at may kinuha lang saglit dahil ang isip ko ay mamaya pa siya.“I want to go on
DracoHindi ko alam kung hanggang kailan mawawala ang mga magulang ni Margaux. Wala silang binanggit noong tumawag sila para ipagkatiwala sa akin si Sugar bago sila umalis. Wala ring eksaktong petsa kung kailan sila babalik maliban sa sinabi nga nla na before graduation ng kanilang anak, at kahit pilit kong maging kalmado, hindi mapakali ang loob ko.I’m actually happy about it, na sa akin nakadepende si Margaux ngayon. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng pagdududa. Hindi naman siguro may tinatago silang dahilan. Wala sanang masamang nangyayari, at lalong wala sanang kinalaman ang pag-alis nila sa isang bagay na pwedeng makasakit sa mahal ko.Kilala ko ang mga magulang ni Margaux. Nakita ko kung paano nila siya alagaan, kung gaano nila siya kamahal, pero bakit ganun? Parang may bumabagabag sa akin. Still—“Argh!” Pinilig ko ang ulo ko, pilit itinataboy ang gumugulong na tanong sa isip ko. Mas minabuti kong magtrabaho na lang. Ayokong matagalan pa sa opisina. Gusto kong umuwi nang maa
DracoHindi ko na rin alam kung paano ko natapos ang mga papeles at report na kanina’y nakahilera pa sa lamesa ko. Simula nang lumabas si Samuel sa opisina ko, para akong binagsakan ng kung anong bigat. Pakiramdam ko’y may tinik akong nilunok. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong inisip kung tama bang pinayagan ko siyang dito na magtrabaho.Oo, sa pamilya naman ang kumpanya, pero hindi ibig sabihin ay gusto ko na ang lahat ng kapamilya ay nasa paligid ko, lalo na kung ang presensya nila ay parang lason na unti-unting kumakalat sa sistema ko at nagbibigay ng pangamba sa akin.Wala namang masama sa sinabi niya. Wala namang direktang pambabastos o pang-aalipusta, pero 'yung paraan ng pagkakabitaw niya ng salita, ‘yung mga titig niya, at ‘yung pagbibigay niya ng atensyon kay Sugar, hindi ko gusto. Hindi ako komportable. Hindi ako kampante. At ayoko sa lahat ng feeling na ‘yon.Umuwi ako sakay ng motor. Karaniwan na ito, si Kevin ang laging pinapagamit ko ng sasakyan, para kung sakali
MargauxAraw ng Linggo at nasa bahay lang kami ni Draco. Ayaw kong umalis. Hindi dahil may masama akong pakiramdam, kundi dahil tinatamad lang talaga ako. Isa pa, mas gusto kong sulitin ang buong araw na kasama siya dahil kung araw na may pasok ay masyado ko siyang namimiss."Anong ginagawa mo, Sugar?" tanong ni Draco matapos pumasok sa walk-in closet. Medyo messy ang buhok niya at mukhang bagong gising, pero sa totoo lang ay hindi naman dahil galing siya sa baba."Nilalagay ko lang 'yung mga damit na nilabhan at naplantsa," sagot ko habang inaayos ang mga neatly folded shirts sa drawer."Let me help you," aniya, sabay lapit. Hindi na ako tumanggi, syempre. Kung tutuusin, mas gusto ko pa ngang nagtutulungan kami sa ganitong mga simpleng bagay, parang may partner talaga ako sa buhay.Habang inaayos ang isang kahon ng mga lounge pants niya, napansin ko ang isang maliit na box sa ilalim. Pamilyar. Nakita ko na ‘yon dati. Parang biglang nanikip ang dibdib ko.“What is it?” tanong ni Draco,
Margaux“Ito, sa palagay mo, bagay sa akin?” tanong ko habang nakaharap kay Yvonne, hawak-hawak ang naka-hanger na isang pulang lace na lingerie, nakatapat sa aking katawan sa harap ng salamin.“So sexy, bruh!” halos pasigaw niyang sabi. Nanlalaki ang mga mata, titig na titig sa akin na para bang ini-imagine na niyang suot ko na ito. Napakagat pa siya ng labi sa eksaheradang reaksyon.“Maka ‘so sexy’ ka d'yan, wagas. Tigilan mo nga ‘yang pagka-exaggerated at animated mo. Kaya ka tuloy napagkakamalang high school pa rin.”“Alam mo, okay lang ‘yon! At least nakakaiwas ako sa mga lalaking akala mo kung sino. Mas madali pang maglaro ng online game kesa sa pakisamahan sila.”“Bruh,” umiling ako, sabay buntong-hininga. “Hindi lahat ng lalaki pare-pareho. Hindi porket iniwan kayo ng Dad mo ay ganun na lahat. Tingnan mo nga si Tita, kahit anong heartbreak ang pinagdaanan niya, she still believes in love. May mga crush parin ‘yon, ‘noh! Kaya mag-relax ka. Baka maunahan ka pang magka-lovelife ng
Margaux“Ang bruha, at masayang-masaya!” bulalas ni Yvonne habang papasok sa opisina ko, dala-dala ang malaking ngiti at tsismis sa mga mata. Hindi na siya nakatiis na kahit abala sa negosyo ng kanilang pamilya ay sinugod niya talaga ako rito.“Ano naman kung sobrang saya ako?” natatawa kong tugon habang ibinaba ko ang hawak kong ballpen. “Inggit ka lang kasi hanggang ngayon, wala ka pa ring lovelife!”Tinawanan lang niya ang sinabi ko tsaka nagpatuloy sa paglapit sa akin at tumayo sa harapan ko.“Tsaka, hindi ka talaga makapaghintay, no? Kung makapunta ka parang may sunog.”“Bakit pa ako maghihintay? Eh ang sabi ng gurang na kaibigan ni Uncle Cupcake, yes, yun pa rin ang tawag ko sa kanya ay nakaalis na raw ang mga biyenan mo!”Napataas ang kilay ko habang inaabot ang kape sa gilid ng mesa. “Kaya heto’t sinugod mo na ako agad-agad.”“Natural mente!” Umupo siya sa harap ko na parang batang sabik sa kwento. “Gusto kong marinig mula sa’yo kung ano’ng pakiramdam ng ipagsigawan ni Uncle C
Draco“Hindi ko akalain na magiging maayos din ang lahat sa pamilya ko,” sabi ko kay Kevin habang magkatapat na nakaupo sa loob ng aking opisina. Nakatanaw ako sa malawak na bintana kung saan tanaw ang kabilang building, pero ang isipan ko ay abala sa iba.Sina Mommy at Daddy ay nasa bahay ngayon at kasama si Margaux. Hindi ko na naawat ang mga magulang ko na manatili sa bahay namin, at wala na ring nagawa si Margaux kundi ang lumiban sa kanyang trabaho para masamahan ang dalawa na excited rin.“Masayang-masaya ka na niyan?” tanong ni Kevin. May halong pag-aalala ang boses niya, pero dama ko ang tunay na malasakit at suportang taglay ng kanyang mga mata.Tumango ako, pilit pinapangiti ang sarili. “Oo. Pero aminin ko, parang may kaakibat na kaba.”“Hindi mo na napigilan ang bugso ng damdamin mo,” aniya, habang nilalaro ang hawak na ballpen. “You stepped on the line, Draco. Inilagay mo sa panganib si Margaux. Handa ka na ba talaga sa posibleng kahinatnan nito?”Napabuntong-hininga ako, m
Third PersonNaging maayos na ang pagtitipon at sinikap ng lahat na maging masaya kahit na ang daming tanong ng mga kuya ni Draco.Kasunod na araw, nagbalik ang magkakapatid kasama ang kanilang mga pamilya sa hotel kung saan naroon sina Drake at Daniella. Ganon din sina Rex at Morgana na nang-aalala para sa anak kahit na nga nandoon din si Draco at ang mga magulang nito.“You really married her?” bulalas ni Dennis.“Bakit ba hindi ka makapaniwala na mag-asawa na kami?” tanong naman ni Draco sa nakatatandang kapatid.“Sinabi ko na sayo na dati siyang girlfriend ni Sam.”“So? Ano naman ngayon?”“Pinagsawaan na siya—” Hindi na naituloy ni Dennis ang kanyang sasabihin dahil agad na sumabat si Draco na kung hindi niya ginawa ay malamang na si Rex ang gumawa.“Ako ang mas higit na nakakaalam kung pinagsawaan ba ng anak mo ang asawa ko o hindi kaya tigilan mo ang kakasabi ng ganyang salita.” Naninigas ang panga ni Draco sa pagtitimpi ng galit. Tumingin siya kay Sam bago nagpatuloy.“Samuel, m
MargauxNakangiting nakatingin sa amin sina Mommy Daniella at Daddy Drake nang tuluyan kaming makalapit ni Draco sa kanila. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi sa pinaghalong hiya at kaba, pero pinilit ko pa ring gumanti ng pino at sinserong ngiti.Paglingon ko sa iba pang mga kapatid ni Draco, kapansin-pansin ang mga bakas ng pagtataka sa kanilang mga mukha. Lalo na kay Sam, na sa totoo lang ay dapat hindi na nagugulat, dahil alam naman niya ang tungkol sa relasyon namin ng kanyang tiyuhin.Si Chiara?Halos butasin niya ng tingin ang magkahawak naming kamay ni Draco. Hindi ito basta hawak lamang dahil mahigpit, puno ng init, at malinaw na nagpapahayag ng aming ugnayan. Tanga na lang talaga ang hindi makakaintindi sa nakikita nila.“What’s the meaning of this?” tanong ni Chiara, na may halong pagtaas ng kilay. Hindi ako nakatiis, gusto kong matawa. Sa lahat ay siya pa ang may ganang magtanong, siya pa talaga? Ang kapal!“Eherm,” Draco cleared his throat, pinipilit buwagin ang tensyo
MargauxHindi ko mapigilang pagmasdan si Draco. Mula pa kanina, ramdam ko ang madalas niyang pagsulyap sa akin kahit abala sila sa unahan. Hindi ko man marinig ang mga pinag-uusapan nila dahil malayo kami ni Dad sa kanila ay hindi ko naman kailangang marinig para maintindihan ang nangyayari.Isang sulyap ko pa lang sa asawa ko, alam ko na agad.Naiinis siya. Nagtitimpi ng galit.Kita ko ang paninigas ng kanyang panga, ang malamig niyang tingin kay Chiara na paulit-ulit niyang iniiwasan. Hindi ko maintindihan kung manhid ba talaga ang babaeng ‘yon o nagbubulag-bulagan lang.Ano sa tingin niya ang ibig sabihin ng paglayo ni Draco sa kanya? Kahit sinong may matinong pag-iisip ay alam na ayaw ng asawa ko na madikit siya rito.Kaya nga sigurado ako na may pagtingin siya sa asawa ko, contrary sa sinabi ni Draco na wala at si Chiara pa ang nagsabi non sa kanya.Sorry na lang siya dahil hinding-hindi hahayaan ng asawa ko na magkaroon siya ng anumang kaugnayan sa buhay nito.At alam ko kung bak
Draco“What are you doing here, Sugar?” mahina kong tanong habang tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Hindi ko nilakasan ang boses ko, pero alam kong rinig niya iyon lalo na’t halatang iniiwasan niya akong tingnan. Naupo na rin ako sa tabi niya, ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan naming dalawa.“Ayaw ko ng gulo kaya hinayaan ko na si Tito Darius...” mahina niyang sagot, sabay buntong-hininga na parang pinipigilan ang sarili niyang magalit.“Tito?” salubong ang kilay kong tanong. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay sa narinig ko, at lalo akong naguluhan nang makita ko siyang biglang ngumiti. Napatingin din ako sa aking mga biyenan, na halatang nagpipigil din ng tawa.“Sorry, nasanay na kasi ako. Kuya Darius pala,” pagtatama ni Margaux, pero hindi pa rin nawala ang mapang-asar na ngiti sa kanyang mukha at sa mga mata niyang kumikislap sa tuwa.Napatikhim ako, pilit na hindi magpahalata na kinikilig ako sa simpleng asar niya. Hindi naman na ako napipikon sa ganong klase ng biro
Draco“What the–” bulalas ko bago mabilis kong iniwas ang mukha ko sa gulat. “Chiara! You’re here!” dagdag ko, pilit na pinapakalma ang kabog ng aking dibdib.“Why do you look so surprised?” tanong niya, may bahid ng alinlangan ang ngiti sa kanyang mga labi, tila nagdadalawang-isip kung dapat ba siyang natuwa sa aking reaksyon.“I just didn’t expect to see you here. When did you arrive?” tanong ko, bahagyang umatras ang katawan ko palayo sa kanya. Hindi ko kayang itago ang lamig sa boses ko.“Yesterday,” sagot niya, naglalaro pa rin ang ngiti sa labi. “I found out from your nephew, Sam, that Auntie Daniella will be celebrating her birthday here in the Philippines.”“Sam?” kunot-noo kong ulit, sabay sulyap kay Samuel na ngayo'y nakatingin lamang sa akin, halatang may gustong sabihin pero pinipigil ang sarili.“Yes,” tugon ni Chiara, sabay tango.Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita, pinipigilang mawalan ng pasensya. “Okay, you can get yourself a seat, or wait—” Sandali akong tu
MargauxUmalis kami nila Mommy at Daddy sa hotel room ng mga biyenan ko matapos naming makapag-usap nang masinsinan. Sa wakas, na-clarify na ang ilang mga bagay tungkol sa amin ni Draco. Ramdam ko ang pagluwag ng dibdib ng aking biyenan, lalo na nang marinig nila na hindi muna namin ipapaalam sa publiko ang tungkol sa pagpapakasal namin dahil na rin sa kapakanan ko.Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting kirot sa puso. Sa isang perpektong mundo, dapat ay malaya naming maipagsisigawan ang pagmamahalan namin ni Draco... pero hindi ito ang tamang panahon.Sabi ni Draco, may naka-reserve na daw na mesa para sa amin sa harapan, katabi lang ng sa pamilya nila. Agad kong hinanap iyon ng aking mga mata, at nang makita ko ang "Reserved" na card na nakapatong sa mesa, kusa akong napangiti.“Doon tayo, Mom, Dad,” sabi ko habang itinuro ang mesa. Tumango naman ang aking mga magulang at sinundan ako. Ngunit sakto rin ang dating ng isang hindi inaasahan, si Tito Darius, kapatid ni Tito Dennis.“A