Natatakot ka ba o nae-excite? Umamin ka Margaux!!
Margaux Dinala niya ako sa bathroom ng kanyang silid at agad akong nagbawas. Pagkatapos ay natapat ako sa lavatory kaya tinignan ko muna ang aking sarili sa salamin. Maghuhugas sana ako ng kamay ngunit bigla na lang tumalsik ang pinaka pindutan ng gripo at tinamaan ako sa noo kasunod ang malakas na buga ng tubig mula doon. “Ayyyy!” sigaw ko at agad na bumukas ang pintuan. “Shit!” Biglang nawala ang tubig na bumubuga sa akin ay pagtingin ko ay nakaharang na pala si Draco na agad akong hinawakan at hinila palabas ng bathroom. “Here,” sabi niya sabay abot ng tuwalya bago ako iniwan para bumalik sa bathroom. Nang makalabas siya ay hindi ko na rin naririnig ang kanina lang ay malakas na pagsirit ng tubig mula sa nasirang gripo. “Let me see your face.” Natigil ako sa pagpunas sa aking buhok dahil inangat niya ang aking mukha at tsaka ako pinagmasdang mabuti. Kasabay ng pagsasalubong ng kanyang mga kilay ay ang pagdampi ng kanyang daliri sa aking noo. “Ouch!” nabigla kong sabi. “It'
Margaux“You’re eating this stuff?” tanong ni Draco ng bumalik siya sa sala hawak hawak ang box ng pizza, burger at fries na in-order ko. Tumango ako at ngumiti. Pansamantala kong nakalimutan ang hiya lalo at narinig ko na rin ang pagtunog ng sikmura ko.Mukhang hindi rin iyon nakaligtas sa kanyang pandinig dahil napailing na ito at tsaka inilapag sa mesa ang mga hawak.“I’ll get water. Buti na lang ta hindi ka na nag-order ng softdrinks, kung hindi ay puro junk foods na ang nilaman mo sa katawan mo.”“Bata pa ako kaya pwede pa yan,” tugon kong nakaingos.“May ibig ka bang ipahiwatig sa sinabi mo na yan?” tanong niya.“Wala,” sagot ko sabay bukas ng pizza. Napangiti ako dahil mainit-init pa ‘yon at mukhang masarap. “Kuha ka ng tubig,” sabi ko pa ngunit kumunot lang ang noo niyang nakatingin sa akin.“Kuha ka na ng tubig, C-Cupcake.” Tinignan niya akong mabuti bago ito tumalikod. Grabe, kailangan talaga may endearment pa! Ano yon, magic word?Isang pitsel ang dala niya ng bumalik at isa
Mature ContentMargaux“Huwag mo akong tingnan ng ganyan,” sabi ni Draco dahil talagang titig na titig ako sa kanya.“Paano naman, ang sabi mo ay ubusin ko tapos ikaw din itong umubos!” nanlilisik ang mga matang sabi ko.“Niligtas lang kita sa sakit na pwede mong makuha nagagalit ka na,” tugon naman niya.“Nakalimutan mo yatang ang edad mo ay mas prone sa sakit,” sabi ko.“Why do you always remind me of my age? Alam mo naman ba kung ilang taon na talaga ako?”“Uncle ka ni Sam, ano sa palagay mong edad na maiisip ko?” sagot ko.“Okay, ilang taon na ako sa palagay mo?” tanong niya.Kung tutuusin ay mukha lang siyang trenta. Pero dahil nga tiyuhin siya ni Sam at alam ko kung ilang taon na ang magkakapatid nila Tito Dennis ay sigurado akong nasa kwarenta na siya.“What?” gulat na gulat ang itsura niya ng sabihin ko ang palagay ko. “Forty? For real? Sugar, kahit saan ako tignan ay malabong magmukha akong forty!”“Sinagot ko lang naman ang tanong mo, bakit ka nagagalit?” tanong ko. Napatinga
Margaux“Are you sure na invited ka sa party ng Alegre Construction?” gulat na tanong ni Yvonne. Nasa canteen kami kasama sina Tessa at Alexis na lagi na namin kasamang magkaibigan.Napag alaman namin na sobrang bait ng dalawang ito at kagaya ko ay madali din silang nakagaanan ng loob ni Yvonne.“Oo nga ang kulit,” tugon ko.“Eh di pupunta ka nga? Paano kung pagsalitaan ka na naman ng hindi maganda ng pamilya ni Sam?” tanong ulit ng aking BFF.“Oo nga, naku Margaux mag-isip-isip ka ha. Hindi naman sa pag-aano pero nakuuu…..” Nagtawanan kami sa sinabi ni Alexis. Ang arte arte kasi tapos kung makatirik ang mga mata akala mo ay nakarating sa langit.Shit, langit. Naalala ko tuloy ang nangyari sa amin ni Draco ng hapon na yon.Tatlong beses. Tatlong beses niya pinaranas sa akin ang sarap habang ako ay wala man lang nagawa para sa kanya.“Kapag ready ka ng maging close sa akin tsaka mo ako tanungin.” Naalala kong sabi niya sa akin ng tanungin ko siya kung paano siya.Then naalala ko ang si
Draco“Kung gusto mong mag-exercise huwag mo na akong idamay,” sabi ni Kevin habang nagjo-jogging kami sa palibot lang din ng Exclusive Residential Complex kung saan ako nakatira.“Alam mo, tinutulungan na nga kitang maging physically fit ay nagrereklamo ka pa!”“Hindi ko kailangang maging physically fit, Draco! Sapat na ang utak ko para makabingwit ng babae.” Assistant at kaibigan ko na rin siya kaya kapag ganitong wala kami sa trabaho ay natatawag niya ako sa pangalan ko. “Tsaka kasalanan mo yan, sukat ikaw ang umubos ng in-order ni Margaux. Tama naman siya, sa inyong dalawa, ikaw ang mas prone sa—”Masamang tingin na ang ibinigay ko sa kanya kaya hindi na niya naituloy ang sasabihin. Kumpiyansa akong kinwento sa kanya ang nangyari ng dalhin ko si Margaux sa unit ko dahil nga kaibigan ko siya. Syempre, hindi na kasama ang intimate moment namin ng aking Sugar.“Wala na kong sinabi…” Napailing na lang ako at tsaka nagpatuloy sa pagjo-jogging habang nakasunod siya sa akin.Ilang araw na
Draco“Draco, hindi ka dapat basta basta nagdedesisyon ng hindi mo kami sinasangguni!” sabi ni Kuya Dennis na alam kong nagpipigil lang nang galit Pangalawang meeting na namin ito noong una ay napilitan akong putulin dahil nagsend sa akin ng message ang taong pinagbabantay ko kay Margaux na nasa school ground daw ang babae pero ang sabi sa akin ng magkatext kami ay may teacher daw sila.Iyon din ang same day na nakita kong magkausap sila ni Sam pati na ang pagyakap sa kanya ng lalaki.“Sir,” tawag sa akin ni Kevin na katabi ko lang din. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid at napansin kong kunot ang noo ng mga nakatatanda kong kapatid.“My decision is final. Alam niyong ako ang tunay na may-ari nito. Ang pagpapalit ng pangalan ng kumpanya ay matagal ng na-delay dahil sa sobrang pagka-busy ko sa Germany.”“Bakit hindi mo na lang intindihin ang negosyo mo doon at hayaan mo na kami na lang ang mamahala ng construction company?” tanong ni Darius.“Because this company is mine. Kahit n
MargauxNakakainis talaga ang gurang na ‘yon. Naku!!! Sinasabi ko lang talaga sa lalaking ‘yon! Ayaw ko sana ng kahit na anong distraction dahil seryoso na talaga ako sa mga lesson ko. Gusto ko na masiguring magiging maayos ang lahat at wala akong problemang kakaharapin.Tapos ang gurang, kahit na hindi kami nagkikita ay hindi naman pumapalya sa panunukso sa akin sa pamamagitan ng text at call.Minsan ay may gabi pa na patulog na ako at alam kong ganon din siya tapos biglang magvi-video call para lang sabihin na wala!“Anong nangyayari, anak? Bakit kunot na kunot yang noo mo at pailing-iling ka pa.” Agad akong nagtaas ng aking tingin ng marinig ko si Mommy.Nasa patio ako at gumagawa ng aking assignment. Maaga akong umuwi dahil wala naman na kaming teacher sa last two subjects ko at gusto kong kunin ang pagkakataong ito upang makapag-aral ng advance din.Nilapag ni Mommy ang tray na may lamang nachos na may cheese sauce sa ibabaw at bacon crumbles na sinamahan pa ng isang pitsel ng mal
MargauxPaglabas ko ng gate ng school ay may huminto na sasakyan sa harapan ko. Nagulat pa ako ng bumukas ang bintana at ang aking ina ang nandoon.Umatras akong konti at tsaka tinitigan ang kabuuan ng sasakyan na alam kong hindi amin.“Sakay na anak at baka mahuli pa tayo sa pina-appointment kong boutique.” Ngiting ngiti ang aking ina at nakaka-engganyo ‘yon. Pero ang dahilan ng pagsundo niya sa akin dito ang hindi nakakatuwa.Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan at tinabihan na siya sa backseat. Pagtingin ko sa driver’s seat ay hindi naman si Kevin ang nakita ko pero parang pamilyar ito.“Sasakyan ito ni Draco, pinasundo ako sa bahay para daanan na kita rito kaya diretso na tayo sa boutique para bumili ng susuotin mo para sa auction.”Hindi na ako sumagot pa sa sinabi ni Mommy since umaandar na rin ang sasakyan. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag para tawagan si Yvonne.“Girl, nasan ka na ba?” Ang sakit talaga sa tenga kahit sa cellphone lang kami mag-usap ng bruha na ‘to.“Kasam
Margaux“Hala girl, uminom na lang tayo nang hindi tayo abutin ng alanganing oras. Wala namang mangyayari kung iintindihin mo ang ex mo na 'yan," sabi ni Yvonne na halata pa rin ang pagkairita kay Sam.Naiintindihan ko naman siya dahil bago pa lang naging kami ni Sam ay panay na ang sabi niya na makipag hiwalay na ako dahil nga sa pambabalewala ng lalaki sa akin.Tumango ako sa sinabi ni Yvonne at nagdesisyon nang mag-order, sakto namang lumapit ang waiter sa amin. Hindi rin nagtagal ay bumalik ito, dala ang aming mga inumin. Dahil hindi naman kami sanay sa puro alak, natural lang na may kasamang pulutan na pwede naming lantakan para naman hindi kami puro lagok.Nagtatawanan lang kami, kwentuhan ng kung anu-anong bagay, habang pilit kong iniiwasan ang tumingin sa kabilang mesa kung saan naroon si Sam at ang grupo niya. Naririnig ko ang malalakas nilang tawanan, pero hindi ko sila pinapansin. Ayaw kong magbigay ng kahit anong dahilan para isipin niyang may nararamdaman pa ako sa kanya,
MargauxSimpleng bestida lang ang isinuot ko, yung tamang komportable, sapat para makakilos nang malaya nang hindi ako mailang o mahirapang sumabay sa party, party. Nakakailang din naman kung buong gabi akong mag-aalala sa suot ko habang sinusubukan kong magpakasaya.Alas otso nang makarating kami ni Yvonne sa isang bar sa Pasay. Sa totoo lang, ayaw ko sanang pumunta rito. Napakalapit lang kasi nito sa bahay ni Draco. Pero dahil si Yvonne na mismo ang nagdala sa akin dito, wala na akong nagawa kundi ang sumunod.Pagpasok namin, sinalubong kami ng mahinahon na tunog ng musika at mahinhing usapan mula sa mga naroon. Hindi pa ito gaanong matao, ayon kay Yvonne, mga bandang alas-diyes pa raw ito tuluyang mapupuno.Mas okay na rin. Hindi pa masyadong mabigat ang amoy ng alak at pawis sa paligid, at kahit paano, may espasyo pang malanghap ang hangin.Kumuha kami ng mesa para sa dalawahan lang, tamang-tama para maiwasan ang sinumang maaaring sumubok maki-share sa amin. Ayaw ko ng istorbo.Isa
Margaux“Hi, Sugar. How are you? I miss you…”Napangiti ako nang hindi sinasadya habang binabasa ang text ni Draco. Ramdam ko ang kilig na dulot ng mensahe niya, pero hindi ko pa rin siya nire-reply-an. Alam kong nakikita niyang binabasa ko ang mga text niya, at bahala siyang ma-frustrate sa paghihintay kung sasagot ba ako o hindi.Mahigit isang linggo na mula noong huli kaming mag-usap, at sa buong panahong iyon, hindi pa niya ako sinundo sa school o dinala sa bahay niya.Sa isang banda, ayos na rin iyon para sa akin. Nagkaroon ako ng oras para sa mga kaibigan ko. Pagkakataon na pinalagpas ko non at hindi binigyang pansin dahil mas minabuti kong gugulin ang oras at panahon ko maling tao. Nakakainis lang isipin na ang dami kong nasayang na pagkakataon, pero mabuti na lang at may panahon pa akong bawiin ang lahat.Masaya ako sa piling ni Yvonne. Kahit dalawa lang kami dati, walang dull moments. Pero iba rin pala ang pakiramdam kapag mas marami kang nakakasama. Mas maingay, mas makulit,
Margaux“Sure,” sagot ko kay Hendrix nang lumapit siya sa amin habang nasa school ground kami nina Yvonne, Alexis, at Tessa. Nagpalitan kami ng tingin ng mga kaibigan ko, at nang tumango sila bilang pagsang-ayon, hindi ko na rin tinanggihan ang alok niya. Nagyaya siyang mag-hangout sa mall pagkatapos ng klase, at wala naman akong nakikitang masama roon.Sa totoo lang, ilang beses nang sinasabi nina Yvonne na may gusto sa akin si Hendrix. Ngunit hindi naman iyon direktang sinasabi sa akin ng lalaki, kaya hindi ko rin lubusang pinaniniwalaan ang hinala nila.Isa pa, hindi naman siya nag-aalok ng regalo o nililibre ako, kaya paano ko masasabing may iba siyang intensyon? Hindi naman siguro masama kung didikit ako sa kanya, ‘di ba?Pinilig ko ang ulo ko at isinantabi ang iniisip ko.Nang matapos ang klase, sabay-sabay kaming nagpunta sa mall na malapit lang sa eskwelahan. Kasama rin namin ang ilan sa mga kaibigan ni Hendrix mula sa team nila, at aminado akong masarap sa pakiramdam ang ganit
MargauxHinatid ako ni Draco hanggang sa bahay namin, ngunit hindi ko na siya pinapasok. Alam kong gusto pa niyang magtagal, halata sa paraan ng pagdadalawang-isip niya ang umalis, ngunit matapos ang isang malalim na buntong-hininga, tumango na lamang siya.May kung anong kirot sa dibdib ko nang makita ang lungkot sa kanyang mga mata, pero hindi ko iyon maaaring hayaan na tuluyang ipakita sa kanya 'yon.Pagpasok ko, nadatnan ko si Mommy sa sala, abala sa panonood ng paborito niyang serye. Sigurado akong pauwi na rin si Dad mula sa trabaho. Isang mabilis na bati lang ang ibinigay ko sa aking ina bago ako umakyat patungo sa aking silid. Kailangan kong pakalmahin ang nagwawalang damdamin ko. Kailangan kong pag-isipan ang lahat nang hindi nadadala ng bugso ng emosyon.Fourteen.Ibig bang sabihin, labing-apat na taon pa lang ako ay may gusto na siya sa akin? Hindi ko siya nakikita noon, kahit kailan. Ang alam ko lang ay may tito si Sam na nasa Germany at iba ang tatay. Pero sa lahat ng pagk
Draco"Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako."Natigilan ako. No, hindi puwede! Hindi ko siya kayang hayaang umalis nang galit sa akin. May takot sa dibdib ko, takot na baka kapag binitiwan ko siya ngayon, mahirapan na akong makuha muli ang pagkakataon na kausapin siya. Or worse, baka hindi ko na siya muling makita."Sugar, ayaw kong umalis ka nang may galit sa akin," mahinahon kong sabi, pilit na itinatago ang kaba sa boses ko.Natawa siya ng mapakla na tila ba nang-uuyam bago nagsalita."Bakit? Inaasahan mo ba na kapag nakinig ako sa'yo ngayon, mawawala na rin ang galit ko? Na parang hindi ako nasaktan? Na mawawala ang selos ko sa isang iglap? Ano bang akala mo sa damdamin ko, Draco?"Napakagat-labi ako. "Hindi naman sa gano'n... gusto ko lang na magkasundo tayo. Gusto kong masiguro na okay pa tayo."Sana ay maintindihan niya ang ibig kong sabihin. Hindi ko naman inaalis na magalit siya sa akin dahil alam ko na kagalit-galit naman talaga ang ginawa ko."Fine. Magalit ka sa akin,
DracoAgad ko siyang kinabig at niyakap nang mahigpit, para bang kung bibitawan ko siya ay tuluyan na siyang mawawala. Hindi ko gustong makita siyang umiiyak, lalo na kung ako ang dahilan. Gusto kong iparamdam sa kanya na sigurado ako sa nararamdaman ko, pero sa kabila noon… may takot pa rin na bumalot sa puso ko.Paano kung ilantad ko ang relasyon namin at may mangyari ngang masama sa kanya? Paano kung dahil sa akin, mapahamak siya? Hindi ko kakayanin. Hindi ko matitiis na makita siyang nasasaktan."Nakakainis ka na! Lagi mo na lang binabalewala kung ano ang nararamdaman ko!" Parang napunit ang puso ko sa sinabi niya na may kaakibat na sakit sa kanyang tinig.Hindi ko siya sinagot. Hindi dahil wala akong gustong sabihin, kundi dahil natatakot akong mas lumala ang sitwasyon. Alam kong kung pipilitin kong magpaliwanag, baka mas lalo lang siyang mainis dahil hindi niya nagustuhan ang sagot ko.Hindi ko man makita ang kanyang mukha dahil nakasandig ito sa balikat ko, ramdam ko ang pag-uga
DracoKitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata, at tangina, gusto kong parusahan ang sarili ko sa bawat patak ng luhang pilit niyang ikinukubli. Ang bigat sa dibdib ko ay hindi ko kayang ilarawan dahil alam kong ako ang dahilan nito, at wala nang mas masakit pa roon.Nagsisimula nang mangilid ang luha sa kanyang mga mata, at mas lalo akong binalot ng guilt. Putangina naman, alam kong ayaw niyang ipakita sa akin ang kahinaan niya kaya nakakakunsensya talagang makita siyang ganito.Sinubukan kong lumapit, pero agad siyang umatras na akala mo ay meron akong nakakahawang sakit. Gusto kong hatakin siya pabalik, yakapin siya, pakalmahin, pero sa bawat hakbang kong palapit, mas lalo siyang lumalayo.“Sugar, please don’t—”“Don’t what?” matalim ang kanyang boses, ni hindi man lang ako pinatapos.“Don’t cry,” mahina kong sagot. “Ayaw kong makitang umiiyak ka.”“At bakit ako iiyak? Dahil sa’yo?” Mariin niyang pinunasan ang gilid ng kanyang mata. “Manigas ka!”Madiin ang kanyang tono, pero ki
MargauxNakakagigil talaga ang gurang na 'yon!At ako pa talaga ang kailangang lumapit sa kanya?Sinubukan kong balewalain ang text niya. Gusto ko sanang ipakita na wala akong pakialam, pero hindi rin ako mapalagay. Alam kong kaya niyang gawin ang sinabi niya, at ayokong bigla na lang siyang sumulpot sa bahay at baka kung ano pa ang sabihin niya sa mga magulang ko.Hindi ko gusto na makarating sa mga mahal kong magulang ang isang bagay na tungkol sa akin sa bibig ng ibang tao. Ang gusto ko, ako mismo ang magsabi sa kanila ng lahat ng nangyayari sa akin.Ako dapat. Dahil ganun ko sila kamahal at nirerespeto. Pero habang tumatagal, mas lumalalim ang guilt na nararamdaman ko. Paano kung malaman nila ang lahat mula sa iba? Lalo na ng gurang na ‘yon?"Assume anything about me. Kahit ano, isipin mo tungkol sa akin.Kahit ang pinakamasama. Huwag lang 'yung may iba akong babae ako."Bago pa tuluyang lamunin ng kaba ang isipan ko at bago pa ako makaiwas ay hinalikan na niya ako.Mapanuyo. Matind