Maging safe nga ba ang katawang lupa mo, Margaux?
MargauxPaglabas ko ng gate ng school ay may huminto na sasakyan sa harapan ko. Nagulat pa ako ng bumukas ang bintana at ang aking ina ang nandoon.Umatras akong konti at tsaka tinitigan ang kabuuan ng sasakyan na alam kong hindi amin.“Sakay na anak at baka mahuli pa tayo sa pina-appointment kong boutique.” Ngiting ngiti ang aking ina at nakaka-engganyo ‘yon. Pero ang dahilan ng pagsundo niya sa akin dito ang hindi nakakatuwa.Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan at tinabihan na siya sa backseat. Pagtingin ko sa driver’s seat ay hindi naman si Kevin ang nakita ko pero parang pamilyar ito.“Sasakyan ito ni Draco, pinasundo ako sa bahay para daanan na kita rito kaya diretso na tayo sa boutique para bumili ng susuotin mo para sa auction.”Hindi na ako sumagot pa sa sinabi ni Mommy since umaandar na rin ang sasakyan. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag para tawagan si Yvonne.“Girl, nasan ka na ba?” Ang sakit talaga sa tenga kahit sa cellphone lang kami mag-usap ng bruha na ‘to.“Kasam
MargauxNang tuluyang mawala sa paningin namin ang dalawa ay nagkatinginan kaming mag-ina.“What now?” tanong ni Mommy bago napangisi.“Ang hirap maging mahirap,” pabiro kong tugon.“Tse! Hindi tayo mahirap, ang sipag kaya ng Daddy mo,” nakangiti niyang tugon na sinang-ayunan ko rin naman. “Paano, hanap na lang tayo ng iba?”“Ano pa nga ba? Kaysa naman makipag bardagulan tayo sa pangit na nanay ni Chloe eh sayang naman ang ganda natin.” Natawa ang aking ina ng husto dahil sa sinabi ko. Sabay na kaming tumayo para sana umalis na ngunit biglang may tumawag sa aking ina.“Mrs. Pinto.” Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig at muli kaming nagkatinginan na mag-ina ng makita naming papalapit ang isang magandang babae na nakangiti sa amin.“Saan ho kayo pupunta?” tanong ng babae.“Aalis na dahil hindi naman na daw kami maa-accommodate sabi ng isa sa mga staff.”“I’m really sorry about the misunderstanding, medyo nagkaroon ng gulo sa schedule ng mga appointment.”“Anong ibig niyong
MargauxWala ng kinailangan pang baguhin sa mga damit ko kaya naiuwi namin iyon ni Mommy. Bilib din naman ako sa lalaking ‘yon at talagang sukat na sukat sa akin. Kahit si Mommy ay hindi makapaniwala.Bilib siya sa pagiging engineer ni Draco at bagay na bagay daw sa kanya ang propesyon dahil sa galing sumukat. Susme ang Mommy ko, may nalalaman pang ganon.Para sa kanya daw ay ang thoughtful ni Draco dahil nga sa nagbilin pa ito kay Ms. Luna ng tungkol sa amin at hindi hinayaan na magmukha kaming hampaslupa.Ano ba naman ang mga wordings ng aking ina.“Are you sure na hindi ka na kukuha ng stylist?” tanong ni Mommy ng pumasok ito sa aking silid. Marahil upang paalalahanan ako tungkol sa auction.“Hindi na Mommy, kaya ko naman.”“O sige na at magsimula ka ng mag-ayos dahil baka dumating na si Draco.”“Opo,” tugon ko sabay tayo mula sa aking kama para magsimula na ngang mag-asikaso. Kahit na hindi ako interesado sa auction ay hindi rin naman ako papayag na mag mukhang pangit. Aba, karanga
MargauxSa buong biyahe namin ay sinikap kong kumalma sa kabila ng kiliting dulot ng ginagawa niya sa akin. Kahit ang simpleng pag-uusap namin pero may himig ng panunukso at napakasenswal ng kanyang tinig ay nagiging dahilan upang makaramdam ako ng kakaiba.Nakarating na rin kami sa wakas sa The Hotel kaya nakahinga na ako ng maluwag. Finally, matitigil na ang kakahaplos niya sa akin. Although masarap sa pakiramdam ay hindi pwedeng ganon dahil nga iba na ang nararamdaman ko. Baka ako na ang magyaya sa kanya sa condo niya kapag nagkataon.Naunang bumaba ng sasakyan si Draco bago ako inalalayan. May mga camerang nagkislapan kaya nailang ako. Tatakpan ko na sana ang aking mukha ng biglang humarang ang katawan ng lalaki. Grabe nakakailang pogi points na sa akin ang isang ‘to?Naglakad kami sa red carpet na hindi ko alam kung bakit meron pang ganito eh auction naman ang event at hindi pang celebrity. Anyway, event nila ito kaya shut up na lang ako.Nakahawak ako sa braso ni Draco at hindi k
Margaux“What are you doing here, Margaux? Sino ang kasama mo?” tanong ni Sam pero hindi ko siya pinansin. I mean, hindi ko na sila pinansin at humarap na ako unahan. Wala akong panahong makipag-usap sa kanila.Baka magulat pa siya kapag sinabi kong ang tito niya ang nag-imbita sa akin. Although makikita naman niya mamaya pagdating ng gurang, ayaw ko pa rin na sa bibig ko mismo iyon manggaling. Hiniling ko na sana ay bumalik na si Draco dahil talagang hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga susunod na mangyari dahil sa presensya ng mag-ina.Grabe, bagay na bagay talaga silang mag-ina. Parehong pangit.“Kapag tinatanong ka ay sumagot ka, napakabastos mo. Kaya ka iniiwan ng lalaki eh.” Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kaya naman tumayo ako. Napansin ko ng hagurin nila ng tingin ang kabuuan ko at hindi ko mapigilan ang mapangisi ng makita ang reaksyon nila.Bakit hindi eh combination rin ng lilac at white ang suot ni Sam. Kung titignan ay parang kami ang mas bagay na magkapareho kaysa
DracoDapat ay aakyatin siya ng kanyang ina para sabihin na dumating na ako. Ngunit pinigilan ko nga si Mrs. Pinto.Okay lang naman dahil inagahan ko talaga ang pagsabi sa kanya ng oras para hindi kami ma-late. Sigurado kasi akong mananadya siyang magtagal at hindi na nga ako nagkamali.At ng bumaba na nga siya ay hindi naman ako nanghinayang sa oras na pinaghintay ko dahil sobrang sulit ng makita ko ang ayos niya at hindi ako makapaniwala na siya lang din ang nag-ayos sa kanyang sarili.Fuck! Ang ganda at ang sexy ni Margaux. Nang makita ko siya sa hagdanan kanina ay gusto ko ng buhatin siya pabalik sa kanyang silid at magkulong na lang doon. Tapos ay angkinin siya ng paulit-ulit. Kung hindi ko lang nakontrol ang aking sarili ay malamang na ganon na nga ang nangyari.Nang makita ko ang kanyang likod na nakalitaw ay muntik na akong mawala sa aking sarili. Halos makita na ang puno ng hati ng kanyang pwetan na ang sarap dilaan mula doon pataas sa kanyang batok.Ang leeg niya na kitang ki
Margaux“Ano? Hindi ka na nakapagsalita? Ang akala mo siguro ay basta basta lang ang mga taong nandito?” nanghahamak na sabi ni Charito.“Ano pang hinihintay mo? Bakit hindi mo pa kaladkarin palabas ang babaeng ‘yan?” galit na sabi ni Chloe.Tinignan ko ang security na ngayon ay may kinawayan. Mukhang kakaladkarin nga ako palabas ah. Subukan lang akong hawakan ng mga ito at talagang papalagan ko sila kahit na ang lalaki pa nilang mga tao.“Sir?” patanong na sabi ng lalaking lumapit na isa din sa security.“Paalisin mo ang nasa kabilang lamesa, hindi pwedeng may pumwesto sa nakapalibot na table ng VVIP.”“Yes, Sir.” Pagkasabi non ay nilapitan ng bagong dating na lalaki ang table na katabi ng sa amin ni Draco at dinampot ang bag nila Charito at Chloe.“Anong ginagawa niyo?”“Ma’am, ang table na ito ay para sa VVIP kaya hindi pwedeng may maupo sa mga table na nasa magkabilang gilid pati na ng nasa likod. Kung napapansin niyo, may nakalagay na reserve,” paliwanag ng unang security.“‘Yang
MargauxNakakailang item na ay wala pa rin akong nagugustuhan. Ano ba yan, wala naman akong hilig sa mga pinapakita nila.“Sugar, kahit wala kang magustuhan ngayon ay aangkinin pa rin kita mamaya kaya kung ako sayo ay–” Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil inambaan ko siya ng hawak kong card.“Paulit-ulit ka,” sabi ko pa.“Baka makalimutan mo eh, pinapaalala ko lang.”“Nakailang sabi ka na tapos iniisip mong makakalimutan ko? Paano ko naman gagawin ‘yon kung para kang bubuyog na bulong ng bulong dyan?” tanong ko na pigil na pigil dahil baka marinig kami ng mga tao sa paligid lalo na ang auctioneer na kanina pa nakangisi din sa direksyon namin. Magkakilala siguro sila ng gurang na to.Ngumiti siya sa akin at sa totoo lang ay napaka gwapo niya. Natigilan ako dahil heto na naman ang dibdib ko at nagreregudon. Susme, ano ba tong nararamdaman ko para sa kanya? Kinikilig na ba ako?“Bakit, ayaw mo ba?” tanong niya.“Ayaw ko!” sabi kong taas ang kilay.“Ayaw mong angkinin kita?”“A
Margaux“Hala girl, uminom na lang tayo nang hindi tayo abutin ng alanganing oras. Wala namang mangyayari kung iintindihin mo ang ex mo na 'yan," sabi ni Yvonne na halata pa rin ang pagkairita kay Sam.Naiintindihan ko naman siya dahil bago pa lang naging kami ni Sam ay panay na ang sabi niya na makipag hiwalay na ako dahil nga sa pambabalewala ng lalaki sa akin.Tumango ako sa sinabi ni Yvonne at nagdesisyon nang mag-order, sakto namang lumapit ang waiter sa amin. Hindi rin nagtagal ay bumalik ito, dala ang aming mga inumin. Dahil hindi naman kami sanay sa puro alak, natural lang na may kasamang pulutan na pwede naming lantakan para naman hindi kami puro lagok.Nagtatawanan lang kami, kwentuhan ng kung anu-anong bagay, habang pilit kong iniiwasan ang tumingin sa kabilang mesa kung saan naroon si Sam at ang grupo niya. Naririnig ko ang malalakas nilang tawanan, pero hindi ko sila pinapansin. Ayaw kong magbigay ng kahit anong dahilan para isipin niyang may nararamdaman pa ako sa kanya,
MargauxSimpleng bestida lang ang isinuot ko, yung tamang komportable, sapat para makakilos nang malaya nang hindi ako mailang o mahirapang sumabay sa party, party. Nakakailang din naman kung buong gabi akong mag-aalala sa suot ko habang sinusubukan kong magpakasaya.Alas otso nang makarating kami ni Yvonne sa isang bar sa Pasay. Sa totoo lang, ayaw ko sanang pumunta rito. Napakalapit lang kasi nito sa bahay ni Draco. Pero dahil si Yvonne na mismo ang nagdala sa akin dito, wala na akong nagawa kundi ang sumunod.Pagpasok namin, sinalubong kami ng mahinahon na tunog ng musika at mahinhing usapan mula sa mga naroon. Hindi pa ito gaanong matao, ayon kay Yvonne, mga bandang alas-diyes pa raw ito tuluyang mapupuno.Mas okay na rin. Hindi pa masyadong mabigat ang amoy ng alak at pawis sa paligid, at kahit paano, may espasyo pang malanghap ang hangin.Kumuha kami ng mesa para sa dalawahan lang, tamang-tama para maiwasan ang sinumang maaaring sumubok maki-share sa amin. Ayaw ko ng istorbo.Isa
Margaux“Hi, Sugar. How are you? I miss you…”Napangiti ako nang hindi sinasadya habang binabasa ang text ni Draco. Ramdam ko ang kilig na dulot ng mensahe niya, pero hindi ko pa rin siya nire-reply-an. Alam kong nakikita niyang binabasa ko ang mga text niya, at bahala siyang ma-frustrate sa paghihintay kung sasagot ba ako o hindi.Mahigit isang linggo na mula noong huli kaming mag-usap, at sa buong panahong iyon, hindi pa niya ako sinundo sa school o dinala sa bahay niya.Sa isang banda, ayos na rin iyon para sa akin. Nagkaroon ako ng oras para sa mga kaibigan ko. Pagkakataon na pinalagpas ko non at hindi binigyang pansin dahil mas minabuti kong gugulin ang oras at panahon ko maling tao. Nakakainis lang isipin na ang dami kong nasayang na pagkakataon, pero mabuti na lang at may panahon pa akong bawiin ang lahat.Masaya ako sa piling ni Yvonne. Kahit dalawa lang kami dati, walang dull moments. Pero iba rin pala ang pakiramdam kapag mas marami kang nakakasama. Mas maingay, mas makulit,
Margaux“Sure,” sagot ko kay Hendrix nang lumapit siya sa amin habang nasa school ground kami nina Yvonne, Alexis, at Tessa. Nagpalitan kami ng tingin ng mga kaibigan ko, at nang tumango sila bilang pagsang-ayon, hindi ko na rin tinanggihan ang alok niya. Nagyaya siyang mag-hangout sa mall pagkatapos ng klase, at wala naman akong nakikitang masama roon.Sa totoo lang, ilang beses nang sinasabi nina Yvonne na may gusto sa akin si Hendrix. Ngunit hindi naman iyon direktang sinasabi sa akin ng lalaki, kaya hindi ko rin lubusang pinaniniwalaan ang hinala nila.Isa pa, hindi naman siya nag-aalok ng regalo o nililibre ako, kaya paano ko masasabing may iba siyang intensyon? Hindi naman siguro masama kung didikit ako sa kanya, ‘di ba?Pinilig ko ang ulo ko at isinantabi ang iniisip ko.Nang matapos ang klase, sabay-sabay kaming nagpunta sa mall na malapit lang sa eskwelahan. Kasama rin namin ang ilan sa mga kaibigan ni Hendrix mula sa team nila, at aminado akong masarap sa pakiramdam ang ganit
MargauxHinatid ako ni Draco hanggang sa bahay namin, ngunit hindi ko na siya pinapasok. Alam kong gusto pa niyang magtagal, halata sa paraan ng pagdadalawang-isip niya ang umalis, ngunit matapos ang isang malalim na buntong-hininga, tumango na lamang siya.May kung anong kirot sa dibdib ko nang makita ang lungkot sa kanyang mga mata, pero hindi ko iyon maaaring hayaan na tuluyang ipakita sa kanya 'yon.Pagpasok ko, nadatnan ko si Mommy sa sala, abala sa panonood ng paborito niyang serye. Sigurado akong pauwi na rin si Dad mula sa trabaho. Isang mabilis na bati lang ang ibinigay ko sa aking ina bago ako umakyat patungo sa aking silid. Kailangan kong pakalmahin ang nagwawalang damdamin ko. Kailangan kong pag-isipan ang lahat nang hindi nadadala ng bugso ng emosyon.Fourteen.Ibig bang sabihin, labing-apat na taon pa lang ako ay may gusto na siya sa akin? Hindi ko siya nakikita noon, kahit kailan. Ang alam ko lang ay may tito si Sam na nasa Germany at iba ang tatay. Pero sa lahat ng pagk
Draco"Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako."Natigilan ako. No, hindi puwede! Hindi ko siya kayang hayaang umalis nang galit sa akin. May takot sa dibdib ko, takot na baka kapag binitiwan ko siya ngayon, mahirapan na akong makuha muli ang pagkakataon na kausapin siya. Or worse, baka hindi ko na siya muling makita."Sugar, ayaw kong umalis ka nang may galit sa akin," mahinahon kong sabi, pilit na itinatago ang kaba sa boses ko.Natawa siya ng mapakla na tila ba nang-uuyam bago nagsalita."Bakit? Inaasahan mo ba na kapag nakinig ako sa'yo ngayon, mawawala na rin ang galit ko? Na parang hindi ako nasaktan? Na mawawala ang selos ko sa isang iglap? Ano bang akala mo sa damdamin ko, Draco?"Napakagat-labi ako. "Hindi naman sa gano'n... gusto ko lang na magkasundo tayo. Gusto kong masiguro na okay pa tayo."Sana ay maintindihan niya ang ibig kong sabihin. Hindi ko naman inaalis na magalit siya sa akin dahil alam ko na kagalit-galit naman talaga ang ginawa ko."Fine. Magalit ka sa akin,
DracoAgad ko siyang kinabig at niyakap nang mahigpit, para bang kung bibitawan ko siya ay tuluyan na siyang mawawala. Hindi ko gustong makita siyang umiiyak, lalo na kung ako ang dahilan. Gusto kong iparamdam sa kanya na sigurado ako sa nararamdaman ko, pero sa kabila noon… may takot pa rin na bumalot sa puso ko.Paano kung ilantad ko ang relasyon namin at may mangyari ngang masama sa kanya? Paano kung dahil sa akin, mapahamak siya? Hindi ko kakayanin. Hindi ko matitiis na makita siyang nasasaktan."Nakakainis ka na! Lagi mo na lang binabalewala kung ano ang nararamdaman ko!" Parang napunit ang puso ko sa sinabi niya na may kaakibat na sakit sa kanyang tinig.Hindi ko siya sinagot. Hindi dahil wala akong gustong sabihin, kundi dahil natatakot akong mas lumala ang sitwasyon. Alam kong kung pipilitin kong magpaliwanag, baka mas lalo lang siyang mainis dahil hindi niya nagustuhan ang sagot ko.Hindi ko man makita ang kanyang mukha dahil nakasandig ito sa balikat ko, ramdam ko ang pag-uga
DracoKitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata, at tangina, gusto kong parusahan ang sarili ko sa bawat patak ng luhang pilit niyang ikinukubli. Ang bigat sa dibdib ko ay hindi ko kayang ilarawan dahil alam kong ako ang dahilan nito, at wala nang mas masakit pa roon.Nagsisimula nang mangilid ang luha sa kanyang mga mata, at mas lalo akong binalot ng guilt. Putangina naman, alam kong ayaw niyang ipakita sa akin ang kahinaan niya kaya nakakakunsensya talagang makita siyang ganito.Sinubukan kong lumapit, pero agad siyang umatras na akala mo ay meron akong nakakahawang sakit. Gusto kong hatakin siya pabalik, yakapin siya, pakalmahin, pero sa bawat hakbang kong palapit, mas lalo siyang lumalayo.“Sugar, please don’t—”“Don’t what?” matalim ang kanyang boses, ni hindi man lang ako pinatapos.“Don’t cry,” mahina kong sagot. “Ayaw kong makitang umiiyak ka.”“At bakit ako iiyak? Dahil sa’yo?” Mariin niyang pinunasan ang gilid ng kanyang mata. “Manigas ka!”Madiin ang kanyang tono, pero ki
MargauxNakakagigil talaga ang gurang na 'yon!At ako pa talaga ang kailangang lumapit sa kanya?Sinubukan kong balewalain ang text niya. Gusto ko sanang ipakita na wala akong pakialam, pero hindi rin ako mapalagay. Alam kong kaya niyang gawin ang sinabi niya, at ayokong bigla na lang siyang sumulpot sa bahay at baka kung ano pa ang sabihin niya sa mga magulang ko.Hindi ko gusto na makarating sa mga mahal kong magulang ang isang bagay na tungkol sa akin sa bibig ng ibang tao. Ang gusto ko, ako mismo ang magsabi sa kanila ng lahat ng nangyayari sa akin.Ako dapat. Dahil ganun ko sila kamahal at nirerespeto. Pero habang tumatagal, mas lumalalim ang guilt na nararamdaman ko. Paano kung malaman nila ang lahat mula sa iba? Lalo na ng gurang na ‘yon?"Assume anything about me. Kahit ano, isipin mo tungkol sa akin.Kahit ang pinakamasama. Huwag lang 'yung may iba akong babae ako."Bago pa tuluyang lamunin ng kaba ang isipan ko at bago pa ako makaiwas ay hinalikan na niya ako.Mapanuyo. Matind