Matapos humiga ng sandali, nakarinig ng katok si Caroline sa pinto matapos ang sampung minuto. Si Lily, may dalang tray ng pagkain at nakangiti. “Nasa bahay ka na ulit, Ms. Shenton.”Ngumiti si Caorline at sinabi, “Bumalik lang ako para kunin ang ilang mga gamit ko, Lily.”Bumuntong hininga si Lily noong inilagay niya ang pagkain sa lamesang katabi ng kama. “Okay sana kung mananatili ka na.”Natahimik si Caroline. “Pinapahirapan ka ba ni Daniella?”Pinilit ngumiti ni Lily at nanatiling tahimik, ibinigay kay Caroline ang mangkok ng sabaw.“Nakikita ko na pumayat ka lalo. Dapat dumito ka muna dito ay hayaan ako na alagaan ka,” suhestiyon ni Lily.Humigop ng sabaw si Caroline at nagtanong, “Sabihin mo sa akin ang totoo Lily. Pinapahirapan ka ba ni Daniella?”“Hindi ito maiiwasan.” Buntong hininga ni Lily. “Sana bumalik ka na.”Humigop pa si Caroline ng sabaw bago sumagot. “Hindi ako puwedeng bumalik, Lily. Pero naniniwala akong mapapalayas ko si Daniella. Tulungan mo ako.”Tumingala siya
Bumalik si Caroline sa kuwarto ni Evan matapos kainin ang almusal niya.Noong papasok na siya sa kuwarto, binuksan ni Daniella ang pinto at nilapitan siya. Nakatingin siya sa tiyan ni Caroline at nagkumento siya, “Mag-aapat na buwan ka na, hindi ba?”Naging maingat si Caroline at sumagot, “Anong gusto mo iparating?”Ngumiti si Daniella. “Napapaisip ako kung bakit hindi mo sinasabi sa kanya dahil sa natatakot ka na baka ipaabort niya ito baka itinatago mo na buntis ka. Sabihin na natin na, na buntis ka at iba ang ama.”Natawa si Caroline. “Sa tingin mo ba marami kang katulad?”Nanigas ang mukha ni Daniella. “Bakit hindi mo pa sinasabi sa kanya kung ganoon?”“Anong punto na sabihin ito sa kanya ngayon?” humakbang palapit si Caroline, batid sa boses niya ang kawalan ng awa. “Natutuwa lang akong ipaalala sa iyo ng paulit-ulit. Gusto ko mabuhay ka ng nagdurusa, at makita ka na nag-aalala, natatakot at nagagalit. Natutuwa ako. Daniella, magdasal ka na na ang anak sa sinapupunan mo ay kay Eva
Ngumiti si Caroline, “Napakamapagbigay mo, Evan. Hindi ka ba nag-aalala na baka mag-away kami ni Daniella kapag nagkita kami?”Sumingkit ang mga mata ni Evan, nakatingin siya sa mapulang labi ni Caroline. “Huwag mo ako puwersahin na patahimikin ka, Caroline.”Wala siyang masabi. Mas mabuti na manahimik siya kaysa makipagtalo sa lalakeng mataas ang testosterone level.Matapos umalis, bumalik siya sa dati niyang lamesa.Hinawakan niya ang stationery na matagal niyang ginamit sa nakalipas na tatlong taon. Naalala niya ang trabaho niya at dedikasyon noon.Bago dumating si Daniella, naniniwala siyang matagal niyang makakasama si Evan.Sa kasamaang palad, pantasya lang ito na nabasag ng katotohanan.Nalungkot siya pero inayos niya agad ang kanyang sarili. Nilisan niya ang desk at tumungo siya sa opisina ng secretary.Ngunit, noong kakaalis lang niya, nagpakita si Daniella sa corridor.Kumatok siya sa pinto ni Evan, may hawak na bag.Kahit na nakatingin siya sa pinto, binabantayan niya ng mab
Tumingin sa malayo si Caroline matapos magsalita. Hindi niya hinintay ang sagot ni Evan bago umalis ng opisina.Nandiri siya ng maisip niyang intimate si Daniella at Evan.Hindi niya magagawang makipagdinner kay Evan. Imposibleng payapa siyang maupo at kumain kasama siya.Tinanong lang niya iyon para makita si Daniella na nagpipigil ng galit.Sa oras na nilisan niya ang opisina, huminga ng malalim si Caroline para pakalmahin ang sarili niya.Tinignan niya ang oras. Aabot pa siya kung babalik na siya agad.Noong dumating siya sa Villa Rosa ng nakataxi, mabilis siyang binati ni Lily.Sinabi agad ni Lily noong nakita siya. “Nasa shower si Ms. Love, Ms. Shenton. Nakita ko na inilagay niya ang phone niya sa lamesa.”Naging malagim ang ekspresyon ni Caroline. “Naiintindihan ko. Guluhin mo siya para sa akin.”Sa guest room tumutuloy si Daniella na walang banyo. Ginamit ni Caroline ang pagkakataon na ito para kunin ang kailangan niya.Iniabot ni Lily ang piraso ng papel sa kanya. “Ito ang pass
Habang nakikita ang galit ni Caroline, sumandal si Evan sa pinto at nagtanong, “Okay na ba ang pakiramdam mo?”Tumalikod siya. “Tara. May pupuntahan tayo.”Naguluhan siya. Pasado alas nuwebe na, kaya saan sila pupunta?*Noong nasa kalahati na sila ng papunta sa hilagang bundok matapos ang dalawang oras na biyahe, nakatulog si Caroline.Matapos iparada ang sasakyan, tinignan ni Evan si Caroline sa upuan at nanlambot ang mga mata niya.Mukhang hindi siya malamig at nakakatakot kapag tulog siya.Habang pinagmamasdan ang mukha niyang natatakpan ng kaunti ng buhok, kinuha niya ang buhok na nakatakip at inilagay sa gilid.Ngunit, sa oras na dumikit ang kamay niya sa mukha ni Caroline, nagulat siya.Basa ang dulo ng mga daliri niya.“Ma… huwag ka umalis. Makikinig ako sa iyo, hindi na ako magiging kabit. Huwag ka umalis…”Nasaktan siya matapos marinig ang sinasabi niya habang tulog.Kaya ba gusto niyang umalis dahil sinabi ito ng nanay niya?Nagdilim ang mga mata niya. Bukod sa nakita siyang
Naging malamig ang puso ni Caroline sa bawat salitang binibitiwan ni Evan.Ipinikit niya ang mga mata niya, napangiti na lang siya sapagkat wala siyang magawa.Maniniwala ba siya kung magpapaliwanag siya?“Magsalita ka!!!!” bigla niyang sigaw.Tinignan niya ng walang emosyon si Evan. “Maniniwala ka ba sa akin, Evan? Kung hindi, kahit ano pa ang ipaliwanag ko sa iyo ay mawawalan ng saysay!”“Hindi ko yan gusto marinig! Gusto ko marinig ang paliwanag mo!” galit na galit si Evan at sobrang tindi ng titig niya na parang matutunaw siya.“Ano pa ang dapat ko ipaliwanag kung ganito ka?” humarap siya bintana at tumingin sa labas.Hindi niya gusto magpaliwanag!Tatlong taon niyang secretary si Caroline. Kung gusto niya nakawin ang impormasyon ng kumpanya, matagal na niya itong ginawa! Bakit pa siya maghihintay hanggang sa ngayon?Kinuha ni Evan ang braso niya at iniharap si Caroline sa kanya. Sa lakas ng pagkakahawak niya, parang mababali ang braso ni Caroline.“Bibigyan kita ng huling pagkakat
Matapos makababa mula sa bundok, nahirapan si Caroline na magpatuloy, mabigat ang pakiramdam niya at masakit ang tiyan. Itinaas niya ang manhid niyang mga paa at naglakad patungo sa liwanag. Pero matapos ang dalawang hakbang, kinain siya ng kadiliman at napahiga sa snow una ang mukha.Sa Villa Rosa, naupo si Daniella sa living room, nagpapanic ang puso niya. Sinabi sa kanya ni Nic na hindi pa nabebenta ang confidential information. Ngunit, hinihingi pa din niya ang 70,000 dollars mula sa kanya sa loob ng tatlong araw.Iniisip niya kung paano hihingin kay Evan ang pera na ito noong nagkaroon ng komosyon sa labas at napukaw nito ang atensyon niya.Mabilis siyang tumayo, nanlaki ang mga mata ni Daniella noong makita niya ang nanlilisik na mga mata ni Evan. Agad nawala sa isip niya ang paghingi sa kanya ng pera. Mabilis siyang lumapit at hinawakan ang braso niya, puno ng pag-aalala ang boses niya. “Anong problema, Evan? Hindi maganda ang itsura mo.”“Bumitaw ka,” malamig niyang sagot, kung
Pagod na umikot si Caroline, para hindi siya nakaharap kay Evan. Sapat na ang makita siya para hilingin ni Caroline na sana maglaho na lang siya sa mundong ito.Napansin ng lalake na nakatuon ang atensyon sa dokumento ang pag galaw ni Caroline. Tumingin siya at mabilis na tumayo para lumapit sa kama. Gumalaw ang bibig niya pero wala siyang nasabi. Matapos ang ilang sandali, lumabas siya ng kuwarto at tinawag si Lily.Mabilis na pumasok si Lily, dala ang pagkain, at tinawag si Caroline. “Ms. Shenton?”Mabagal na iminulat ni Caroline ang mga mata niya at sumagot ng mahina. “Mm.”“Masaya ako at gising ka na. Maupo ka at humigop ng sabaw. Ilang araw ka ng naka IV drip, kaya baka masakit ang tiyan mo.”Nabigla si Caroline at humarap kay Lily. “Ilang araw akong walang malay?”“Tatlong araw, at tatlong araw din na hindi natulog si sir. Gumagamit siya ng mainit na tuwalya para punasan ang katawan mo kada oras.”“Huwag mo siyang banggitin.”Hindi pinatapos ni Caroline na magsalita si Lily at wa