Matapos makababa mula sa bundok, nahirapan si Caroline na magpatuloy, mabigat ang pakiramdam niya at masakit ang tiyan. Itinaas niya ang manhid niyang mga paa at naglakad patungo sa liwanag. Pero matapos ang dalawang hakbang, kinain siya ng kadiliman at napahiga sa snow una ang mukha.Sa Villa Rosa, naupo si Daniella sa living room, nagpapanic ang puso niya. Sinabi sa kanya ni Nic na hindi pa nabebenta ang confidential information. Ngunit, hinihingi pa din niya ang 70,000 dollars mula sa kanya sa loob ng tatlong araw.Iniisip niya kung paano hihingin kay Evan ang pera na ito noong nagkaroon ng komosyon sa labas at napukaw nito ang atensyon niya.Mabilis siyang tumayo, nanlaki ang mga mata ni Daniella noong makita niya ang nanlilisik na mga mata ni Evan. Agad nawala sa isip niya ang paghingi sa kanya ng pera. Mabilis siyang lumapit at hinawakan ang braso niya, puno ng pag-aalala ang boses niya. “Anong problema, Evan? Hindi maganda ang itsura mo.”“Bumitaw ka,” malamig niyang sagot, kung
Pagod na umikot si Caroline, para hindi siya nakaharap kay Evan. Sapat na ang makita siya para hilingin ni Caroline na sana maglaho na lang siya sa mundong ito.Napansin ng lalake na nakatuon ang atensyon sa dokumento ang pag galaw ni Caroline. Tumingin siya at mabilis na tumayo para lumapit sa kama. Gumalaw ang bibig niya pero wala siyang nasabi. Matapos ang ilang sandali, lumabas siya ng kuwarto at tinawag si Lily.Mabilis na pumasok si Lily, dala ang pagkain, at tinawag si Caroline. “Ms. Shenton?”Mabagal na iminulat ni Caroline ang mga mata niya at sumagot ng mahina. “Mm.”“Masaya ako at gising ka na. Maupo ka at humigop ng sabaw. Ilang araw ka ng naka IV drip, kaya baka masakit ang tiyan mo.”Nabigla si Caroline at humarap kay Lily. “Ilang araw akong walang malay?”“Tatlong araw, at tatlong araw din na hindi natulog si sir. Gumagamit siya ng mainit na tuwalya para punasan ang katawan mo kada oras.”“Huwag mo siyang banggitin.”Hindi pinatapos ni Caroline na magsalita si Lily at wa
Lumitaw ang pangalan ni Neil sa screen.Nag-aalinlangan na sinagot ni Caroline ang tawag. “Ano iyon, Mr. Xander?”“Nasaan ka, Caroline?” pagod ang boses ni Neil.“Sabihin mo na kung anong sasabihin mo, Mr. Xander,” kalmado niyang tanong.Tahimik siya ng ilang sandali bago nagsalita muli. “Sa tingin ko hindi ko kapatid si Daniella.”“Anong kinalaman ko doon?” tanong niya, kalmado ang tono.“Nasa Villa Rosa ka pa din ba?” tanong ni Neil.“Oo.”“Caroline, willing ka ba na magpa DNA test tayo?”“Mr. Xander, hindi ba’t ginawa na ninyo ito ni Daniella? At kun ginawa ninyo na ito at kapatid mo siya, bakit ninyo ako dinadamay? Para hamakin niyo ako?” bakas ang inis sa boses niya.Sumagot si Neil. “Hindi ako naniniwala. Pero okay lang kung ayaw mo. Ipagpapatuloy ko ang pag-iimbestiga ko.”Naguluhan si Caroline. Hindi niya maintindihan kung bakit ang tigas ng ulo ni Neil.Maaari kaya na pabaya ang mga Xander sa pagverify ng mga miyembro ng pamilya nila?Kung nakumpirma na ito, bakit pa niya ito
Nagalit si Daniella at nagbago ang ekspresyon niya. “Anong kinalaman nito sa iyo? Sino ka para punahin ako?”Sumagot si Paige at hindi nagpasindak. “Hindi ako walanghiya na katulad mo. Kahit na kasama mo na si Mr. Jordan, nangangaliwa ka pa.”Masamang tinitigan ni Daniella si Paige. “Manahimik kang p*ta ka! Sasampalin kita kapag hindi ka tumahimik.”Hindi natakot si Paige at taas noo na sinabi ng kalmado. “Sige. Nandito lang ako. Tignan natin kung sino ang masasampal. Hindi ako makapaniwala na bulag ang mga Xander sa pagtanggap sa mapagpanggap na katulad mo bilang pamilya. Tuso ko at mapagplano. Walang nakakaalam kung dinaya mo ang DNA test report.”Nanginig sa galit si Daniella. “Ikaw! Tumigil ka sa kalokohan mo!”Sumagot si Paige. “Oh, tignan mo kung gaano ka kadesperado. Tama ako! Pineke mo nga!”Pumintig sa sakit ang ulo ni Caroline sa pagtatalo nila. “Paige, huwag na tayo makipagtalo sa kanya. Wala itong sayasay.”Pumayag si Paige. “Sige, makikinig ako sa iyo. Magiging hangal lang
“Evan! Evan, iligtas mo ako. Nababaliw na siya. Gusto niya akong patayin.”Mahigpit ang hawak ni Daniella sa buhok niya, habang nagmamakaawa kay Evan na tulungan siya.Mabilis na lumapit si Evan at kinuha ang kamay ni Caroline, napilitan si Caroline na bumitaw mula sa buhok ni Daniella.“Bakit mo siya sinampal?” kinuwestiyon siya ni Evan.Si Caroline na walang emosyon ang mukha ay nakipagtitigan sa kanya. “Sinampal ko siya kasi gusto ko. Bakit? Gusto mo ba ako sampalin para sa kanya?”Humakbang palapit si Caroline kay Evan.“Nandito ako, nasa harapan mo. Sige, maghiganti ka para sa kanya. Gawin mo kung anong gusto mo. Hindi ako kokontra. Halos mamatay na nga naman ako. Wala na akong kinakatakutan.”Sumingkit ang mga mata ni Evan ng malamig.“Caroline, hindi ka ba puwedeng magsalita ng maayos?”“Hindi!” kontra ni Caroline. Mabagal niyang itinaas ang kamay niya at itinuro si Daniella. “Alisin mo siya mula sa paningin ko. Kung hindi, sasampalin ko siya sa tuwing magkikita kami dito.”Nagi
Nanatiling tahimik si Paige mula sa kabilang linya. “Caroline…”Masamang balita ang nararamdaman ni Caroline. Kumurap siya at pinigilan ang pagluha, “Ituloy mo.”“May dinownload siya na app na binubura ang lahat ng mga text at tawag matapos ito magawa o matext. Walang kahina-hinala sa bank transfer records niya. Walang tugma sa mga duda natin. Ang hinala ko ay hindi niya ginamit ang card niya sa pagtransfer…”Naintindihan ni Caroline ang unang mga sinabi ni Paige, pero hindi nagtagal at wala na siyang maintindihan.“Bakit ganito… Nasa harapan ko na ang ebidensiya, pero hindi ko inaasahan na mawawalan ito ng saysay. Lalo lang ito naging magulo,” iniisip ni Caroline.“Carol…” Mahinang bulong ang narinig ni Caroline mula kay Paige.Determinado niyang inayos ang boses niya. “Salamat, Paige. Ibababa ko na ang tawag.”Bumuntong hininga si Paige. “Sige, huwag ka mag-alala. Patuloy akong mag-iisip ng mga ideya para matulungan ka.”Ibinaba ni Caroline ang tawag at ipinahinga ang noo niya sa kan
“Ano ba ang mas mahalaga sa anak ninyo?” galit na galit si Grayson.Kinuha niya ang phone mula sa kanyang bulsa. “Kailangan ko ito ipaalam kay Draco para disiplinahin niya ang sarili niyang anak. Hindi dapat nagdudusa ang apo ko.”Nabalisa si Daniella at napaupo sa kama.“Lolo, huwag mo siya tawagan. Si Evan, ano…” nag-alinlangan siyang magsalita, yumuko siya at kinagat ang labi niya.Samantala, si Neil ay nanatiling walang pakielam at seryoso ang mukha. Kung tama ang iniisip niya, marahil kasama ni Evan si Caroline ngayon. Ang pagpapaawa ni Daniella ay marahil para puntiryahin si Caroline.Kinausap ni Neil si Grayson at sinabi, “Lolo, siguro dapat mo muna tawagan si Evan. Hindi ipinaalam ni Daniella sa kanya ang sitwasyon na ito. Hindi tama na dumiretso tayo agad kay Master Jordan.”Nanigas si Grayson bago tumango. “Hmm, tatawagan ko muna si Evan.”Matapos magsalita, tinawagan ni Grayson si Evan. Noong sumagot si Evan, nagtanong siya, “Evan, busy ka pa ba?”Si Evan, malinaw na naiinis
Tumigil si Evan sa paglalakad at humarap kay Neil.“Wala ka ng pakielam sa kaligtasan ni Caroline.”Isinara ni Neil ang mga kamao niya.“Hindi kita mapapatawad kapag nasaktan siya!”“Huwag mo sabihin na interesado ka sa babae ko!” ngumisi si Evan at natawa.“Sobra ka na! Dinadala pa din ni Daniella ang anak mo, at nasa ospital siya ngayon. Kahit na hindi ako puwede makielam sa buhay ni Daniella, kung hindi mo mapoprotektahan si Caroline, kukunin ko ang tamang pagkakataon para ilayo siya sa iyo.”Naging malamig ang mga mata ni Evan. “Tignan natin kung magkakaroon ka ng pagkakataon.”Matapos iyon, tumingin siya sa puwesto na hindi kalayuan.Sinundan ni Neil ang tingin niya at nakita si Draco na galit na galit at papalapit. Binati siya ni Neil pero hindi siya binigyan ng pansin.Dumiretso si Draco kay Evan at pinagalitan siya, “Bakit hindi mo sinabi sa akin na buntis ang fiancée mo? Wala ka ng pakielam sa akin bilang ama mo?”Nagalit si Evan, “Sinabi ko na huwag ka makielam sa buhay ko.”