“Ano ba ang mas mahalaga sa anak ninyo?” galit na galit si Grayson.Kinuha niya ang phone mula sa kanyang bulsa. “Kailangan ko ito ipaalam kay Draco para disiplinahin niya ang sarili niyang anak. Hindi dapat nagdudusa ang apo ko.”Nabalisa si Daniella at napaupo sa kama.“Lolo, huwag mo siya tawagan. Si Evan, ano…” nag-alinlangan siyang magsalita, yumuko siya at kinagat ang labi niya.Samantala, si Neil ay nanatiling walang pakielam at seryoso ang mukha. Kung tama ang iniisip niya, marahil kasama ni Evan si Caroline ngayon. Ang pagpapaawa ni Daniella ay marahil para puntiryahin si Caroline.Kinausap ni Neil si Grayson at sinabi, “Lolo, siguro dapat mo muna tawagan si Evan. Hindi ipinaalam ni Daniella sa kanya ang sitwasyon na ito. Hindi tama na dumiretso tayo agad kay Master Jordan.”Nanigas si Grayson bago tumango. “Hmm, tatawagan ko muna si Evan.”Matapos magsalita, tinawagan ni Grayson si Evan. Noong sumagot si Evan, nagtanong siya, “Evan, busy ka pa ba?”Si Evan, malinaw na naiinis
Tumigil si Evan sa paglalakad at humarap kay Neil.“Wala ka ng pakielam sa kaligtasan ni Caroline.”Isinara ni Neil ang mga kamao niya.“Hindi kita mapapatawad kapag nasaktan siya!”“Huwag mo sabihin na interesado ka sa babae ko!” ngumisi si Evan at natawa.“Sobra ka na! Dinadala pa din ni Daniella ang anak mo, at nasa ospital siya ngayon. Kahit na hindi ako puwede makielam sa buhay ni Daniella, kung hindi mo mapoprotektahan si Caroline, kukunin ko ang tamang pagkakataon para ilayo siya sa iyo.”Naging malamig ang mga mata ni Evan. “Tignan natin kung magkakaroon ka ng pagkakataon.”Matapos iyon, tumingin siya sa puwesto na hindi kalayuan.Sinundan ni Neil ang tingin niya at nakita si Draco na galit na galit at papalapit. Binati siya ni Neil pero hindi siya binigyan ng pansin.Dumiretso si Draco kay Evan at pinagalitan siya, “Bakit hindi mo sinabi sa akin na buntis ang fiancée mo? Wala ka ng pakielam sa akin bilang ama mo?”Nagalit si Evan, “Sinabi ko na huwag ka makielam sa buhay ko.”
Walang masabi si Caroline, “Master?”Inobserbahan niya ng mabuti ang matanda, napansin na kahawig niya ng kaunti si Evan.“Siya ba ang lolo ni Evan?” inisip ni Caroline.Hindi sigurado si Caroline. Hindi siya pamilyar sa mga miyembro ng pamilya Jordan, kahit na tatlong taon na niyang kilala si Evan.Habang nagdududa siya, lumapit siya sa sofa at naupo.Tinignan siya ni Draco mula ulo hanggang paa bago malamig na sinabi, “Maganda ka pero wala kang kamalay-malay.”Nagsalubong ang mga kilay ni Caroline at naguluhan siya.“Kailan niya nakaaway ang matandang ito?” naisip na tanong ni Caroline sa sarili niya.Habang kalmado, nagtanong siya, “Sir, maaari ko ba malaman kung anong ginawa ko para pagsalitaan mo ako ng masama?”“Masama?” natawa si Draco. “Ang pag-iwan kay Evan ang dapat mo na ginawa. Alam mo dapat na ito ang tamang gawin.”Natawa si Caroline. “Gusto ko umalis, pero ayaw ako hayaan ni Evan.”“Iyan ba ang totoo o may ginawa ka para hindi ka niya tigilan?” tanong ni Draco.Sumagot s
Nagsalita si Lily, “Ms. Shenton, puwede ako sumama sa iyo. Sabihin mo lang sa akin ng maaga para makapaghanda ako.”Noong tanghali, sa MK headquarters.Dumating si Draco sa company para makipagkita kay Evan. Naupo siya sa sofa at nagkumento, “Nakahanap ka ng matalinong babae.”Naging malamig si Evan at seryoso na nagsalita, “Nakipagkita ka kay Caroline?”“Kailan mo balak itapon ang babaeng iyon?” tanong ni Draco.“At kailan mo papakasalan si Ella?”Isinara ni Evan ang dokumento sa harapan niya. “Naging malinaw ako kagabi. Hindi mo kailangan aalalahanin ang personal ko na buhay.”“Kung hindi mo ito kaya, ako ang aasikaso nito para sa iyo,” malupit na sagot ni Draco.Kinilabutan si Evan, “Kung sasaktan mo si Caroline, hindi ako mag-aalinlangan na alisin si Adam at lahat ng miyembro ng pamilya natin mula sa kumpanya!”“Wala ka pang awtoridad!” inihampas ni Draco ang walking stick niya sa sahig.“Sa tingin mo ba matatakot mo ako sa pagtaas lang ng boses mo?” malamig na natawa si Evan.“Hin
[Salamat sa paalala.]Habang nakatingin sa screen, bumuntong hininga si Neil. “Kailan ba titigil si Caroline sa pagmamatigas na hindi ako kontakin?”Dumating ng alas nuwebe si Evan sa bahay.Lumapit si Lily sa kanya at ipinaalam, “Sir, bumisita ang ama mo kanina.”Ibinuka ni Evan ang bibig niya.“Anong pinag-usapan nila?”Ikinuwento ni Lily ang nangyari. Agad na nawalan ng emosyon ang mukha ni Evan.“Wala talaga siyang takot.”Matapos iyon, tumungo siya sa itaas.Noong maabot ang second floor, binuksan niya ang pinto sa kuwarto.Kakasarado lang ni Caroline sa laptop noong mapansin niyang pumasok si Evan sa kuwarto at seryoso ang ekspresyon. Tinitigan niya si Evan sandali bago niya kinuha ang mga damit niya at pumasok sa banyo.Noong lumampas siya sa kanya, hinatak ni Evan ang braso niya.“Caroline!” galit na sinabi ni Evan.Tumigil si Caroline at binawi ang braso niya. Humarap siya sa kanya at nagtanong, “Anong problema?”Sumingkit ang mga mata ni Evan. “Hindi mo siya dapat kinausap ng
Walang masabi si Alex. Sumagot siya, “Oo nga pala, inaalam mo ang background ni Caroline kailan lang. Naghihinala ka ba na siya ang sumagip sa iyo?”“Mhmm.” Diretso ang sagot ni Evan kay Alex.“Hindi ako naniniwala na maraming coincidences. Sa kabilang banda, hindi pamilyar sa akin si Daniella.”“Anong sinabi ni Caroline?” tanong ni Alex.“Sinabi niya na hindi niya naalala ang nangyari noong taon na iyon.”Napaisip si Caroline. “Maaari kayang may aksidente na nangyari?”Noong sinabi ito ni Alex, natahimik ng panandalian si Evan.“Sinabi ni Reuben na naospital si Caroline noong bata pa siya.”Bigla, may naisip si Alex.“Maaaring iyon ang dahilan ng kawalan ng alaala ni Caroline,” suhestiyon ni Alex. “Sa tingin ko mas maganda kung may mag-iimbestiga sa pagkakaospital niya ng detalyado.”Sumingkit ang mga mata ni Evan at kinuha niya ang phone niya para itext si Reuben.[Imbestigahan ang pagkakaospital ni Caroline noon.]*Huwebes, pagkatapos isumite ang mga disenyo, nagpasama si Caroline
Tumango si Caroline. “Naglabas ako ng sama ng loob noong nakaraang araw matapos ka umalis.”Hinawakan ni Paige si Caroline at sabik na sinabi, “Sa susunod, isali mo ako kapag may pagkakataon!”Nabigla si Caroline sa sabik ni Paige. “Anong interesante doon?” sa isip-isip niya.Sa opisina ng presidente sa MK Corporation.Kumatok si Reuben sa pinto bago pumasok sa opisina ni Evan dala ang impormasyon.Lumapit siya sa lamesa ni Evan at inilagay doon ang impormasyon. “Mr. Jordan, ito ang impormasyon tungkol sa pagkakaospital ni Ms. Shenton.”Kinuha ni Evan ang dokumento at binasa ito.Noong nakita niya ang test report, nagsalubong ang mga kilay niya.“Memory loss dahil sa mataas na lagnat?”Kinumpirma ni Reuben, “Oo. Nakasaad dito na kahalating buwan siyang naospital dahil sa tindi ng lagnat, at nagkaroon siya ng memory loss sa oras na gumaling siya. Mr. Jordan, may isa pa na pahina.”Tinginan ni Evan ang sumunod na pahina. Habang binabasa ang insidente, naging seryoso ang ekspresyon niya.
Isinara ng mahigpit ni Daniella ang mga kamao niya sa ilalim ng lamesa. “Kahit na naka maternity leave ako, binabantayan ko pa din ang mga nangyayari sa loob ng kumpanya. Hindi ko sinabi sa iyo ang tungkol sa insidente kanina sapagkat hindi kita gusto na abalahin pa.”Tinapik ni Evan ang tuhod niya at sinabi, “Huwag ka na gumawa ng dahilan para makita si Caroline sa susunod.”“Bakit mo siya dinedepensahan, Evan? Mayroon ba akong pagkukulang sa iyo?” umiyak si Daniella, kasabay ng pagtulo ng luha niya ay pagkasira ng makeup niya.Iniba ni Evan ang pinag-uusapan at sinabi, “Magpahinga ka sa Xander Residence habang nagdadalang tao ka.”Hindi makontrol ni Daniella ang sarili niya at kinuwestiyon niya, “Hindi mo ba ako balak pauwiin sa Villa Rosa, Evan? Anak natin ito.”Naging malamig ang guwapong mukha ni Evan. “Ikakansela ko ang engagement natin at mag-isang palalakihin ang bata kung mananatili ka na ganito.”Tumayo siya at umalis, iniwan si Daniella na luhaan.“Kasalanan itong lahat ni C