Walang masabi si Alex. Sumagot siya, “Oo nga pala, inaalam mo ang background ni Caroline kailan lang. Naghihinala ka ba na siya ang sumagip sa iyo?”“Mhmm.” Diretso ang sagot ni Evan kay Alex.“Hindi ako naniniwala na maraming coincidences. Sa kabilang banda, hindi pamilyar sa akin si Daniella.”“Anong sinabi ni Caroline?” tanong ni Alex.“Sinabi niya na hindi niya naalala ang nangyari noong taon na iyon.”Napaisip si Caroline. “Maaari kayang may aksidente na nangyari?”Noong sinabi ito ni Alex, natahimik ng panandalian si Evan.“Sinabi ni Reuben na naospital si Caroline noong bata pa siya.”Bigla, may naisip si Alex.“Maaaring iyon ang dahilan ng kawalan ng alaala ni Caroline,” suhestiyon ni Alex. “Sa tingin ko mas maganda kung may mag-iimbestiga sa pagkakaospital niya ng detalyado.”Sumingkit ang mga mata ni Evan at kinuha niya ang phone niya para itext si Reuben.[Imbestigahan ang pagkakaospital ni Caroline noon.]*Huwebes, pagkatapos isumite ang mga disenyo, nagpasama si Caroline
Tumango si Caroline. “Naglabas ako ng sama ng loob noong nakaraang araw matapos ka umalis.”Hinawakan ni Paige si Caroline at sabik na sinabi, “Sa susunod, isali mo ako kapag may pagkakataon!”Nabigla si Caroline sa sabik ni Paige. “Anong interesante doon?” sa isip-isip niya.Sa opisina ng presidente sa MK Corporation.Kumatok si Reuben sa pinto bago pumasok sa opisina ni Evan dala ang impormasyon.Lumapit siya sa lamesa ni Evan at inilagay doon ang impormasyon. “Mr. Jordan, ito ang impormasyon tungkol sa pagkakaospital ni Ms. Shenton.”Kinuha ni Evan ang dokumento at binasa ito.Noong nakita niya ang test report, nagsalubong ang mga kilay niya.“Memory loss dahil sa mataas na lagnat?”Kinumpirma ni Reuben, “Oo. Nakasaad dito na kahalating buwan siyang naospital dahil sa tindi ng lagnat, at nagkaroon siya ng memory loss sa oras na gumaling siya. Mr. Jordan, may isa pa na pahina.”Tinginan ni Evan ang sumunod na pahina. Habang binabasa ang insidente, naging seryoso ang ekspresyon niya.
Isinara ng mahigpit ni Daniella ang mga kamao niya sa ilalim ng lamesa. “Kahit na naka maternity leave ako, binabantayan ko pa din ang mga nangyayari sa loob ng kumpanya. Hindi ko sinabi sa iyo ang tungkol sa insidente kanina sapagkat hindi kita gusto na abalahin pa.”Tinapik ni Evan ang tuhod niya at sinabi, “Huwag ka na gumawa ng dahilan para makita si Caroline sa susunod.”“Bakit mo siya dinedepensahan, Evan? Mayroon ba akong pagkukulang sa iyo?” umiyak si Daniella, kasabay ng pagtulo ng luha niya ay pagkasira ng makeup niya.Iniba ni Evan ang pinag-uusapan at sinabi, “Magpahinga ka sa Xander Residence habang nagdadalang tao ka.”Hindi makontrol ni Daniella ang sarili niya at kinuwestiyon niya, “Hindi mo ba ako balak pauwiin sa Villa Rosa, Evan? Anak natin ito.”Naging malamig ang guwapong mukha ni Evan. “Ikakansela ko ang engagement natin at mag-isang palalakihin ang bata kung mananatili ka na ganito.”Tumayo siya at umalis, iniwan si Daniella na luhaan.“Kasalanan itong lahat ni C
Pumiglas si Caroline gamit ang buong lakas niya at sumigaw, “Bitiwan mo ako!”Sinampal ng lalake si Caroline at halos mawalan siya ng balanse sa lakas.Ginamit niya ang pagkakataon na ito para ipasok siya sa sasakyan at inutusan ang driver, “Tara.”Hindi naging marahas si Caroline sapagkat alam niyang hindi niya kaya labanan ang lalake. Kung sasaktan siya nito, malalagay sa panganib ang buhay ng mga bata.Tinitigan niya ng masama ang lalake habang maingat na kinukuha ang phone niya sa bulsa para tawagan si Reuben.Sa kasamaang palad, nakita ng lalake ang phone bago siya makatawag at inihagis ito sa labas ng bintana.Sinubukan ni Caroline iwasan na isipin ang mga susunod na mangyayari habang natatakot siya. Tinignan nya ang tanawin sa labas, habang mabilis na nag-iisip. Hindi siya makatakas at baka malaglag ang dinadala niya.Sinubukan niyang kumalma at umisip ng paraan para makaligtas sa sitwasyon.*Dalawang oras ang nakalilipas, may sasakyan na tumigil sa isang bahay na napalilibutan
Nag-aalalang nagtanong si Evan kay Lily, “Ala sais siya umalis. May nangyari ba?”Naging malamig ang ekspresyon ni Evan. “Sige.”Matapos ibaba, tinawagan ni Evan si Paige.Mabilis na sinagot ni Paige ang tawag. “Nasa bahay ba si Carol, Mr. Jordan?”Mahigpit na nagtanong si Evan, “Niyaya ba ninyo si Caroline na magdinner?”Nagpanic si Paige. “Oo, pero ang tagal na namin na naghihintay sa restaurant. Nakapatay ang phone niya!”Tumayo bigla si Evan, malamig ang mga mata niya. “Ibababa ko na ang tawag!”Agad niyang tinawagan si Reuben at inutos, “Nawawala si Caroline. Magpadala ka ng maghahanap sa kanya.”Habang nagsasalita, mabilis siyang lumabas ng opisina.*Nagpanic si Paige sa restaurant. “Anong gagawin natin? Wala sa Villa Rosa si Carol!”Mabilis na tumayo si Scott. “Pumunta tayo sa Redwood Neighborhood. Baka nasa bahay siya at nakalimutan icharge ang phone niya. Kumalma ka muna. Baka nakalimutan lang niya at inantok siya dahil sa pagdadalang tao.”Tumango si Paige at sinundan siya p
Naging tahimik ng matagal si Evan. “Sige.”Matapos ibaba ang tawag, agad na inutos ni Evan kay Reuben, “Alamin kung nasaan si Daniella!”Tumango si Reuben. “Yes, sir.”Kinuha ni Evan ang coat niya at naglakad palabas ng villa. Sumakay siya sa sasakyan at nagmaneho patungo sa Jordan Residence.Noong dumating siya sa bahay, nakita niyang nag-aalmusal si Draco.Matapos maramdaman ang galit na presensiya ni Evan, ibinaba ni Draco ang kutsara’t tinidor niya ng hindi natutuwa. “Bakit ka naparito ng maaga?”“Dinakip mo ba si Caroline?” malamig na tanong ni Evan.“Kalokohan!” tumayo bigla si Draco at sumigaw, “Tignan mo nga ang oras! Ang lakas mo ng loob mo na kuwestiyunin ako ng ala sais imediya ng umaga? Wala ka bang galang sa ama mo? Umayos ka!”Seryoso ang tingin sa kanya ni Evan habang galit na nagsasalita. “Sana nga hindi mo ito ginawa. Kung hindi, huwag mo ako sisihin sa pagpuntirya sa dalawa mong anak!”Galit na galit si Draco at binasag ang plato sa sahig. “Masisira ka dahil sa mapagm
Nakahiga si Caroline sa sahig, nanginginig ang namamaga niyang mga kamay. Nakatitig siya sa butas sa pinto mula umaga hanggang gabi,Patuloy siyang nawawalan ng pag-asa dahil sa masikip na bahay at takot na mamatay. Hindi pa niya pinipiling magpakamatay dahil sa tatlong buhay na nasa loob niya.Ipinikit niya ang mga mata niya, at si Evan ang naisip niya. Sa nakalipas na mga araw, marami siyang naisip at pinaghinalaan ang mga Xander o kaya ang mga Jordan sa insidenteng ito.Parehong marami ang mga koneksyon at maimpluwensiya sila kaya imposible para sa kanya na tumayo laban sa kanila.Mag-isa at buntis, nag-aalala siya para sa mga anak niya kapag isinilang na sila. Inosente sila at hindi pa niya naipaghihiganti ang nanay niya.Niyakap ni Caroline ang kanyang tuhod, napagdesisyunan niyang isugal ang kinabusakan ng mga anak niya. Gusto niyang maniwala na tatanggapin sila ni Evan at poprotektahan.*Sa Villa Rosa.Naupo si Evan sa sofa habang malungkot ang itsura. Humaba na ang balbas at b
Nagmadaling lumapit si Daniella sa lamesa niya at umiiyak na nagtanong, “Lolo, dinakip mo ba si Caroline? Alam ko na ginawa mo ito para sa akin pero kung dinakip mo talaga siya, puwede mo ba siyang pakawalan, please?”Naging seryoso ang ekspresyon ni Grayson. “Ella, nakalimutan mo na ba na sumosobra na siya sa iyo? Hindi mo na ba gusto ikasal kay Evan?”Umiling-iling si Daniella habang umiiyak. “Gusto ako sakalin ni Evan kanina sa Villa Rosa hanggang sa mamatay, Lolo. Hindi natin puwede madaliin ang pag-ibig pero naniniwala akong makukuha ko pa si Evan!”“Pero kapag may masamang nangyari kay Caroline, masisira na ang relasyon namin ng panghabang buhay. Ipapaabort niya ang anak namin!”“Sinabi ba talaga niya ito?” naging malagim ang itsura ni Grayson. “Magiging masama ang pakikitungo ko sa kanya kung ganoon!”Nabigla si Daniella. Ipinadakip ba talaga ni Grayson si Caroline? Hindi niya gusto na masira ang relasyon nila ni Evan! Mahal niya si Evan at kaya niyang asikasuhin si Caroline anu