Nagmadaling lumapit si Daniella sa lamesa niya at umiiyak na nagtanong, “Lolo, dinakip mo ba si Caroline? Alam ko na ginawa mo ito para sa akin pero kung dinakip mo talaga siya, puwede mo ba siyang pakawalan, please?”Naging seryoso ang ekspresyon ni Grayson. “Ella, nakalimutan mo na ba na sumosobra na siya sa iyo? Hindi mo na ba gusto ikasal kay Evan?”Umiling-iling si Daniella habang umiiyak. “Gusto ako sakalin ni Evan kanina sa Villa Rosa hanggang sa mamatay, Lolo. Hindi natin puwede madaliin ang pag-ibig pero naniniwala akong makukuha ko pa si Evan!”“Pero kapag may masamang nangyari kay Caroline, masisira na ang relasyon namin ng panghabang buhay. Ipapaabort niya ang anak namin!”“Sinabi ba talaga niya ito?” naging malagim ang itsura ni Grayson. “Magiging masama ang pakikitungo ko sa kanya kung ganoon!”Nabigla si Daniella. Ipinadakip ba talaga ni Grayson si Caroline? Hindi niya gusto na masira ang relasyon nila ni Evan! Mahal niya si Evan at kaya niyang asikasuhin si Caroline anu
Naririnig ni Caroline ang boses ni Evan at nararamdaman ang pagbuhat sa kanya, pero wala siyang lakas imulat ang mga mata niya. Pagod na pagod siya sa nakakastress na sitwasyon. Nakatulog siya ng malalim matapos mapagtanto na ligtas na siya.*Makalipas ang dalawang araw.Nagising si Caroline at nakita si Evan na nakahiga sa tabi niya. Nakita niya ang guwapong mukha ni Evan noong iminulat niya ang kanyang mga mata.Malaki ang mga eyebags niya na tila ilang araw siyang hindi natulog. Nakakunot ang mga kilay niya. Napaisip si Caroline kung siya ba ang dahilan nito.Mainit ang naramdaman ni Caroline sa puso niya.Pagkatapos, nakita niya ang IV fluid na nakalagay sa tabi niya at isang mangkok ng sabaw sa lamesa. Hindi niya mapigilan na magutom dahil sa sabaw pero hindi rin niya gusto gisingin si Evan.“Gising ka na.” narinig niya ang paos na boses ni Evan.Nagulat si Caroline dahil nagising si Evan dahil sa kaunting kilos niya. Bago pa siya makareact, umupo ng maayos si Evan para tignan si
Nahirapan si Caroline magdesisyon, matapos marinig kung paano magwala si Evan noong nakidnap siya.“Sinabi sa akin ni Ms. Smith na halos hindi kumain si Mr. Jordan ng tatlong araw,” sinabi ni Paige habang umiiling-iling.“Madalas mo nakakausap si Lily, tama ba?” tanong ni Caroline.“Oo, siya ang nagalaga sa akin noong wala ka. Marami akong natutunan mula sa kanya, kabilang na rin ang impormasyon na tinakot ni Mr. Jordan si Daniella para hanapin ka.”Nanlaki ang mga mata ni Caroline. “Gusto niyang ipaabort ang bata?”Tumango si Paige. “Sana nga, para sa kapakanan ng mga anak ninyo.”Ibinuka ni Caroline ang bibig niya. “Marami akong iniisip simula ng makidnap ako. Gusto ko na lumaki ang mga anak ko ng may proteksyon ng ama nila. Hindi ko maatim isipin na malagay sila muli sa panganib.”“So, makikipagbalikan ka kay Evan?” tanong ni Paige.“Hindi, sasabihin ko ang totoo sa kanya. Hindi ako magiging kabit niya, pero sasabihin ko ang pagdadalang tao ko at mga kagustuhan ko. Siya na ang magde
“Huwag mong isipin na magdahilan para sa isang kabit!” galit na galit si Grayson.Ang iniisip niya, “Marahil nabaliw na siya! Ang lakas ng loob niyang sabihin ito sa akin!”Tumayo ng mabagal si Evan at tinignan si Grayson, mata sa mata. “Kung ganoon, huwag mo akong sisihin sa hindi pagrespeto sa dating relasyon ng pamilya natin.”“Evan! Sa tingin mo makapangyarihan ka sa buong Angelbay?” galit na tanong ni Grayson.Walang pakielam na sinabi ni Evan, “Mukhang hindi mo alam ang sitwasyon dahil sa edad mo, Master Xander. Hindi magkakaroon ng puwesto ang mga Xander sa lipunan kung hindi dahil kay Neil.”Naglakad palayo si Evan matapos magsalita, iniwan niya si Grayson na nakatitig sa kanya ng masama at nanginginig sa galit.Matapos ang mahabang oras, nakarecover si Grayson mula sa pagkagulat niya at kinuha ang phone niya para tawagan si Draco.*Tatlong araw ng inaatake ng MK ang Xander Group.Maliban sa pagbagsak ng mga stock prices, kinuha ng MK ang dalawang mahalagang proyekto nito.Wal
Nabigla si Daniella, at napaisip, “Paanong nakabalik siya agad? Isang buwan pa lang noong nagpaplastic surgery siya!”Magrerequest si Nicholas ng hindi rasonable kapag nalaman niyang nasa Xander Residence si Daniella.Iba na ngayon sapagkat mukhang naiinis si Neil sa kanyang presensiya. Alam niyang maghihinala si Neil kapag nakipagkita siya kay Nicholas.Habang nag-iisip, may ideya bigla si Daniella.Nakahanap siya ng paraan para iligpit si Caroline at Nicholas.Daniella:[Maligayang pagbabalik, Nic. May kailangan ako sabihin sa iyo.]Nicholas: [Mag-usap tayo kapag nagkita na tayo. Namiss kita ng husto!]Daniella: [Huwag tayo magmadali, Nic. Nasa Xander Residence ako ngayon.]Nagpadala ng gulat na emoji si Nicholas.Nicholas: [Xander Residence, ang isa sa tatlong pinakamaimpluwensiyang mga pamilya sa Angelbay City?]Daniella: [Oo, kailangan natin maging maingat sa pagkikita! Magkita tayo sa makalawa. Pipili ako ng lugar at ipapaalam sa iyo, okay?]Nicholas: [Sige! Umaasa akong makarinig
Pumasok ng mag-isa si Daniella sa bahay, dala ang mga regalo, at inihatid siya ng butler para makita si Draco.Habang nakangiti, matamis niyang binati si Draco, “Hello, Mr. Jordan. Maraming salamat sa pag-imbita mo sa akin ngayon.”Matapos ang kaunting pagyuko, iniabot ni Daniella ang mga regalo sa katulong at naupo.Tinignan ni Draco si Daniella mula ulo hanggang paa at ngumiti ng hindi sinsero. “Inimbitahan kita dito para tanungin kung anong masasabi mo tungkol kay Caroline.”Tumigil sandali si Daniella at naisip, “Ito na ba ang pagkakataon ko para ipakita ang kabaitan ko bilang fiancée ni Evan?”“Naniniwala ako na tatlong taon ng kasama ni Caroline si Evan, tumulong siya at nagkaroon ng mga achievements para sa kanya,” sagot niya.“Hindi ka ba nag-aalala na kasama pa din niya si Evan?” tanong ni Draco.Nanatiling kalmado si Daniella at sinabi, “May tiwala ako kay Evan na maaayos niya ang sitwasyon.”Ngumiti si Draco, at inobserbahan siya ng mabuti. “Mukhang hindi ka natatakot sa pos
Nabigla si Caroline sa boses at humarap doon.Kailan nahiga si Evan sa kama? Bakit hindi niya naramdaman ang paghiga niya?Itinago niya ang panic niya at yumuko, “Oo.”Naupo si Evan para pagaanin ang loob niya. “Ang mga panaginip ay kabaliktaran ng realidad. Huwag mo ito damdamin.”Ibinuka ni Caroline at bibig niya at iniba ang topic, “Kailan ka pumasok?”“Noong alas tres ng madaling araw. Hindi kita gusto gisingin kasi late na akong nakauwi,” sinabi ni Evan matapos alisin ang kumot para bumangon.Tinignan niya ang pagod na mukha ni Evan at nagtanong, “Ikaw at ang pamilya Xander—”Hindi siya pinatapos magsalita ni Evan. “Huwag ka mag-alala. Magfocus ka lang sa kalusugan mo.”Inayos niya ang pajama niya at dumiretso sa dressing room.Nababalisa niyang hinawakan ang kumot at nag-alinlangan siya bago nagtanong, “Evan, seryoso ka ba sa sinabi mo kay Daniella?”Tumigil si Evan at humarap sa kanya. “Anong sinabi ko?”“Na hindi ka papayag na dalhin ng isang kabit ang anak mo,” sagot ni Caroli
Ibinaba ni Caroline ang phone niya. Hindi natutuwa ang kanyang ekspresyon. “Anong sinusubukan ni Daniella gawin?”Kadalasang may nalalaman si Daniella, ang hindi maintindihan ni Caroline ay kung bakit niya pinili sabihin ang impormasyon sa kanya.Ang lokasyon ng Dylan’s Café sa Sail Road ay kadalasang matao, kaya ang inisip ni Caroline ay hindi gagawa ng problema si Daniella.7:30 p.m. na ang oras ng natapos si Caroline asikasuhin ang mga bagay. Hinintay niya si Evan para bumalik sa bahay ng kalahating oras, noong hindi siya dumating. Nag-aalala siyang tumungo sa kuwarto ni Lily.Matapos mapansin ang ilaw sa ilalim ng pinto niya, kumatok si Caroline at binuksan ni Lily ang pinto.“Bakit gising ka pa?” tanong ni Lily habang kumukuha ng baso ng tubig para kay Caroline.Ibinuka ni Caroline ang bibig niya at sinabi, “Aalis ako bukas, Lily.”“Saan ka pupunta?” nagulat si Lily. “Hindi ka ba nag-aalala sa dalawang pamilya na iyon?”“Nag-aalala ako,” sagot ni Caroline. “At balak ko din sabihin