Habang nakatitig si Caroline sa malamig at eleganteng mukha ni Evan, sumagi sa isip niya ang mga imahe na may nangyayari sa pagitan nila ni Evan. Naghalo ang pandidiri at sakit sa puso niya.Mabilis niyang itinaas ang kamay niya at pinalo ang kamay ni Evan, hindi niya mapigilan ang mapanghamak niyang tono. “Ano ba ang ginawa ko para galitin ka, Evan?!”Natawa si Evan. “Binigyan mo ako ng regalo sa oras na nakabalik ako.”Regalo… nagpanic si Caroline. Hindi sasabihin ni Daniella ang lihim niya. Hindi nga naman ito magiging pabor sa kanya. “Hindi ko alam ang sinasabi mo!”Umiwas siya ng tingin, hindi kayang tignan ang malamig na mga mata ni Evan.“Guilty ka?” lalo naging malamig ang mga mata ni Evan noong mapansin niya ang emosyon sa mga mata ni Caroline. “Nagsama ka ng lalake dito at nakipaglandian sa kanya, hindi ba?!”Hindi mapigilan ni Caroline na matawa noong naalala niya ang ginawa ni Scott sa labas ng Villa Rosa.Landian na iyon?Ano naman ang ginawa niya?Nagalit siya, at bigla s
Panandaliang walang masabi si Caroline. Naging mabigat ang pakiramdam sa loob ng villa. Nakakasakal ang tindi ng lungkot sa paligid.“Pumanaw na ang mga magulang ko. Ang natitira ko na lang na pamilya ay ang nakababata ko na kapatid, pero kasalukuyan siyang nawawala,” inamin ni Neil, mabigat ang boses niya.Noong natapos siya magsalita, kinuha niya ang isang photo almbum at ibinigay ito kay Caroline. “Naniniwala ako na makakatulong ang mga litratong ito para gumaan ang galit natin sa isa’t isa.”Tinanggap ni Caroline ang album at nagsimulang tignan ang mga pahina. Nakakita siya ng maraming mga litrato ng batang babae at ng isang babae. Habang nagpapatuloy siya, nakaramdam siya ng guilt.Mukhang hindi nagsisinungaling si Neil noon. Sobrang magkamukha sila ng nanay niya, lalo na ang nakababata niyang kapatid. Ang pinagkaiba lang ay may nanay si Caroline, at hindi ito ang babae sa litrato.Ibinalik ni Caroline ang album, napagtanto niya ang hindi pagkakaintindihan. “Mali ako ng inisip noo
Nakaramdam ng sakit sa puso si Caroline noong narinig niya na binanggit ang galit.Mahigpit ang hawak niya dito, pero nag-effort ba siya na kausapin siya tungkol dito?Hindi siya sigurado kung may nadiskubre siya pero pinili niya na hindi ito bigyan ng pansin para protektahan si Daniella. Hindi niya matiis ang walang kasiguraduhan, at patuloy ang pagtindi ng sakit na nararamdana niya.Habang nakatingin sa kanya, natawa siya at sinabi, “Sabihin mo kung anong gusto mo sabihin, Evan, pero malapit ka na ma engage. Hindi ito patas para kay Ms. Love na abala ka sa mga issue ko, hindi ba?”Naging malamig ang mukha ni Evan. “Caroline, sa oras na lumabas ka ng MK, hindi ka na magkakaroon ng pagkakataon na bumalik.”Bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi ni Evan, pero nakahinga siya ng maluwag sapagkat willing na siya bumitaw. Habang nananatiling nakangiti, sumagot siya, “Maraming salamat sa lahat sa nakalipas na tatlong taon, Evan. Simula ngayon, sana maging masaya kayo ni Ms. Love!”Matapos
Hindi pa siya buntis. Kailangan niyang bumisita pa lagi!“Nakakuha ng impormasyon tungkol sa akin ang mga tao ni Evan. Nag-aalala ako na baka mahanap nila ako.”“Nag-iimbestiga pa din sila?” tanong ni Daniella.Tumango siya. “Hindi lang iyon, nalaman ko din na sinusundan ako papunta dito.”Nabigla si Daniella, halos mapatalon. “Bakit ka pa din pumunta?”“Kulitin mo pa ako at malalaman mo ang katapusan mo!” masama ang titig niya. “Mabubuhay ka lang hanggang sa gusto ko, at mamamatay ka kapag sinabi ko!”Pinilit niyang itago ang galit niya. Naiinis siya sapagkat hindi siya makalaban.Sa ngayon, wala siyang magagawa kung hindi ang sundin siya.Pero sa oras na mabuntis siya, nangako siyang papatahimikin siya ng habang buhay.Hindi maaaring mabuhay ang lalake na nakakaalam ng mga sikreto niya.Huminga siya ng malalim at nagtanong, “Anong gagawin natin ngayon?”Ngumiti siya. “Hulihin ang mga sumunod sa akin bago pa malaman ni Evan.”*Noong Wednesday, pumunta si Caroline sa ospital sa suburb
Nagbigay si Mason ng tissue kay Caroline. “Naiintindihan ko na mahirap tanggapin ang bagay na ito sa sitwasyon mo, pero walang mababago ang pag-iyak mo.”Hindi alam ni Caroline na lumuluha na siya, yumuko siya matapos tanggapin ang tissue. Malungkot ang boses niya, “Pasensiya na.”Kalmado siyang sumagot. “Okay lang.”Matapos ayusin ang sarili, tumingala si Caroline at tinignan si Mr. Hall. “Mr. Hall, sinabi ng sulat ng nanay ko na baka matulungan mo ako.”Kumuha ng dokumento si Mr. Hall sa backpack niya at ibinigay ito sa kanya, at sinabi, “Makakapagbigay ako ng tulong, pero may bayad ito. Sa line of work ko, hindi ako tumutulong dahil sa kabaitan. Para sa ikabubuhay ko ito, sana naiintindihan mo.”Tumango si Caroline at tinanggap ang mga dokumento, na naglalaman ng presyo ng iba’t ibang serbisyo. Mabilis niyang tinignan ang mga presyo at nakahanap ng pasok sa budget niya.“Hindi pera ang problema,” sinabi niya habang nakatingin sa kanya ng direkta. “Sa efficiency at accuracy ako may p
Hinatak pabalik ni Caroline ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Yuliana, kalmado ang ekspresyon niya. “Ms. Xander, mukhang huli ka na sa balita. Hindi ako ang babae sa piling ni Evan ngayon. Si Daniella Love ito, ang deputy head ng fashion department.”“Kung naghahanap ka ng gulo, si Daniella ang lapitan mo, hindi ako.”Nabigla si Yuliana, “Sino?!”Inulit ni Caroline, para hindi na siya maguluhan. “Daniella Love.”Nalukot ang mukha ni Yuliana, malinaw na nasaktan siya. “Paano iyon nangyari? Bakit naghanap ng ibang babae si Evan?”Matapos bumulong, bigla siyang tumingala at tumitig ng masama kay Caroline. “Niloloko mo ba ako, p*ta ka? Hindi ganoon si Evan!”Walang masabi si Caroline.“Tinawag ba niya akong p*ta? Sa tingin ba ng babaen ito walang hanggan ang pasensiya ko?” sa isip niya.Natawa si Caroline, hindi maitago na hindi siya makapaniwala. “Ms. Xander, kung gusto mo talaga si Evan, bakit hindi mo kausapin si Daniella at sabihin siyang tumabi na? Oh, pero mag ingat ka na hindi
Dahil sa sinabi niya, ang simpleng date na kabayaran sa pagtulong ay nagkaroon ng espesyal na halaga kahit na wala dapat.Tinignan siya ng malamig ni Caroline, pero bago siya makapagsalita, nauna na si Neil. Kalmado ang boses niya. Nawala ang pagkabalisa ni Caroline.“Evan, matagal na rin ng huli tayong magkita.”Mabilis ang pakikielam ni Neil. Wala na siyang koneksyon kay Evan, at hindi na niya kailangan mag-alala sa hindi pagkakaintindihan.Malamig ang itsura ni Evan noong nagsalita siya, “Mukhang nagsasaya ka.”Tumawa si Neil at sinabi, “Oo, nakakatuwa kasi.”Tinignan ni Daniella si Evan at sinabi, “Evan sa tingin mo ba bagay ang lalake na ito at si Caroline?”Walang emosyon sa mga mata ni Evan noong sumagot siya, “Hmm.”Tinignan ni Neil si Daniella, pagkatapos, umiwas siya ng tingin at sinabi kay Caroline, “Tara na ba? Ihahatid kita pauwi.”Balak tumanggi ni Caroline pero idinagdag pa niya, “Hindi ligtas dito kapag gabi.”Habang iniisip ang kapakanan ng anak niya, nag-aalinlangan s
Nagpaikot-ikot si Caroline sa kama bago nahanap ang phone niya sa lamesa.Matapos makakita ng hindi pamilyar na numero sa screen, napasimangot si Caroline at kumunot ang noo.Sinong tumatawag sa kanya ng pagkaaga-aga?Napaisip si Caroline kung sino ito, inalis niya ang kumot at tahimik na lumabas ng kuwarto para sagutin ang tawag. Habang kinakabahan ang boses, hinintay niya ang pagpapakilala ng tumatawag.“Hello? Si Caroline ba ito? Ito ang Angelbay Prison,” sagot ng kabilang linya.“Kulungan?”Bumilis ang tibok ng puso ni Caroline. “Anong nangyayari?”“Ikinalulungkot ko ipaalam sa iyo na namatay ang ama mo sa kulungan kaninang 3:52 AM. Pakikuha ang bangkat niya bukas,” malungkot na ipinaalam ng boses.Nagblangko ang isip ni Caroline, hindi siya makapaniwala.“Patay na… si Bradley?” hindi makapaniwalang bulong niya.Dahan-dahang ibinaba ni Caroline ang phone, gulat na gulat siya.Kahit na galit siya kay Bradley, hindi niya maitanggi ang paghihirap na pinagdaanan niya para palakihin siy