Nakatanggap si Caroline ng tawag mula sa mga pulis ng 10:00 a.m. tungkol sa insidente ng sunog at tumungo sa police station.Noong dumating siya, si Officer Charlie Boyle at inalok siya ng isang baso ng kape bago naupo at nakipagusap, “Pasensiya na at natatagalan maresolba ang arson case, Ms. Shenton. Ngunit, may mga nakakapag-alalang mga aspeto ang insidente.”Humigop ng kape si Caroline, “Pakiusap, sabihin mo sa akin ang nadiskubre ninyo.”Nagtanong si Officer Boyle, “May napansin ka ba sa paligid mo na may kakaibang ikinikilos, Ms. Shenton?”Sumagot si Caroline, “Nagbigay na ng statement ang mga empleyado ko. May nakita na ba kayong suspect?”Nagbigay ng dalawang folder si Officer Boyle kay Caroline, at napansin niya ang pangalan ni Caleb at Naomi sa loob.Naguluhan ang ekspresyon niyam nagtanong siya, “Anong problema sa statement ni Caleb at Naomi?”Ipinaliwanag ni Officer Boyle, “Ang statement ng deputy manager ay kulangs a detalye, samantala ang sinabi ng secretary mo ay s
Tumigil sandali si Kenny. “Bakit ganyan ang boses mo? Naging sobrang busy ba ng company sa mga nakalipas na oras?”Minasahe ni Caroline ang mga sentido niya, “Kenny, nasunog ang factory sa araw na pinatay mo ang phone mo, at napakaraming order ang nakansela.”“Ano? Nagkaroon ng aksidente pagkaalis ko? Sinong may gawa?” sigaw ni Kenny sa phone.Inilayo ni Caroline ang phone para hindi mabingi sa sigaw ni Kenny.Inilagay ni Caroline ang phone sa speaker matapos siyang tumigil sa pagsigaw. “Hindi pa namin nahahanap ang salarin. Sasabihin ko sa iyo ang iba pa kapag nakabalik ka na.”“P*ta! Nagkaroon ng aksidente sa oras na pinatay ko phone ko. Hindi ba’t malinaw na ako ang gusto pagbintangan ng salarin?”Natulala si Caroline bago napangiti. “Puwede ko ba iassume na ikaw ang may gawa dahil ang drama ng pag-arte mo?”“Hoy, G! Hindi ako ingrata!” pagod na paliwanag ni Kenny.Patuloy siyang kinutya ni Caroline. “Bakti ka nagmamadali na patunayang inosente ka?”“Nalulungkot ako sa sina
Malamig na sinabi ni Evan, “Pakiramdam ko gusto ko bisitahin ang ama mo.”Kumibot ang mga labi ni Alex, “Sige na, gagawin ko na!”*Noong 6:00 p.m., inimbitahan ni Alex si Neil para maghapunan.Nakipagusap muna ng kaunti si Alex kay Neil pero hindi niya magawang simulan ang pakay niya.Si Neil na ang nagsalita at sinabi, “Dumiretso ka na sa punto, Alex.”Hinawakan ni Alex ang ilong niya ng awkward, “Neil, may gusto ako itanong sa iyo.”Tumango si Neil. “Sige.”Nagtanong si Alex, “Napapaisip ako. Bakit hindi kayo magkasama ni Caroline sa iisang bahay kahit na may dalawa kayong anak? Parang unfair sa mga kapwa mo childhood friends na hindi mo kami inimbitahan sa kasal ninyo, hindi mo ba naisip iyon?”Ngumiti si Neil. “Gusto mo talaga dumalo ng kasal, Alex?”“Natural, gusto ko pumunta sa kasal ng mabuting kaibigan ko. Ikaw nga naman ang nauna sa amin, hindi ba?”Kalmadong sinabi ni Neil, “Hindi pa oras.”Sinabi ni Alex, “Limang taon na, hindi ba? Hihiwalayan mo ba siya?”“Hin
Nagtanong si Alisa, “Itinuro sa akin ng pamilya ko ang lahat ng tungkol sa business management. Anong background mo?”“Wala akong formal training, pero motivated ka na matuto at galingan pa. Tama ka. Hindi sapat na ang magagandang disenyo para magtagal ako sa industriyang ito habangbuhay. Nagbabago ang aesthetic perferences sa paglipas ng panahon. Pero, naniniwala ako sa patuloy na pag-aaral.”“Sinong may sabi na titigil ako sa kasalukuyan kong mga design theories? Nagsusumikap ang lahat para magtagumpay. Hindi ba’t ang pagtaguyod ko sa TYC ay patunay doon?”Nagbago ng kaunti ang ekspresyon ni Alisa matapos ang kalmadong sagot ni Caroline.Matapos ang kaunting sandali, ngumiti si Alisa. “Kakaiba ang presensiya mo. Kailangan ko baguhin ang opinyon ko sa iyo.”“Maraming salamat sa endorsement. Welcome,” sagot ni Caroline at iniabot niya ang kanyang kamay.Masayang nakipagkamay si Alisa. “Umaasa ako sa maganda mong performance.”Samantala, isang lalake na nakasuot ng itim na suit a
Sinigawan ni Caroline si Evan, “Huwag kang umasta ng mapagmataas ng hindi nalalaman ng katotohanan!”Sumingkit ang mga mata ni Evan, “Nagiging mapagmataas ba ako o natutuwa ka lang sa magulong sitwasyon?”“Magulong sitwasyon? Kung ganoon, basura ka din,” sagot ni Caroline, tumawa siya na batid ang kaunting galit.Tumalikod si Caroline at hinatak si Kenny. “Tara na! Hindi ko na gusto manatili dito sa malamig na lugar at makipagtalo sa kanya ng disoras ng gabi.”Tumango si Kenny at sinabi kay Alisa, “Sumakay na tayo sa sasakyan.”Hindi naintindihan ni Alisa kung tungkol saan ang pagtatalo. Hindi nagtagal, sumakay na silang tatlo sa sasakyan at umalis, iniwan si Reuben na bumubuntong hininga habang pinapanood si Evan mag-isa.“Bakit nag-aaksaya ka pa ng oras, Mr. Jordan? Alam mo naman na dedepensahan ni Ms. Shenton ang ibang lalake,” naisip ni Reuben.*Ichineck-in ni Caroline at Kenny si Alisa sa isang five-star hotel bago bumalik ng magkasama sa Bayview Villa.Napansin ni Kenny
Tumingala si Jade at nagmamadali na tumayo ng makita si Kenny. “Sino ka? Tatawag ako sa mga pulis para sa trespassing!”“Ako?” itinuro ni Kenny ang sarili niya at tumawa. “Ako ang p*tang inang ama mo!”Kasabay nito, iniisip niya, “Grabe? Sinong nagagalit sa kahit na kanino sa unang pagkikita nila at nagbabanta pa na tatawag sa pulis? Mukha ba akong madali apihin?”Itinuro ni Jade si Kenny at galit na sumigaw, “Ikaw na p*tang inang b*stardo ka! Anong sinabi mo?”“Ang sabi ko, ako ang p*tang inang ama mo!” matuwid na sinabi ni Kenny. “May problema ba sa tenga mo?”Mukhang naguguluhan si Jade. Bago pa siya makareact, idinagdag ni Kenny. “Layas G*go! Nasa daanan ka!”Matapos iyon sabihin, itinulak niya si Jade.Nakapamewang na sumigaw si Jade, “Saan ka galing, p*tang inang b*stardo!”Tumigil sandali si Kenny at ngumisi kay Jade. “Siguradong hindi mula sa basurahan na tulad mo!”“I-Ikaw!” walang masabi si Jade sa matalim na sagot ni Kenny.Inilabas ni Kenny ang dila niya ng mayaba
Sinagot ni Axel ang tawag. “Daddy.”Sinabi ni Evan, “Susunduin kita ngayon.”Natulala si Axel, iniisip, “Uuwi na ba ako agad?”Ibinuka niya ang kanyang bibig, “Puwede ba na mamaya ka na pumunta?”Napasimangot si Evan sa sagot ni Evan, at seryoso niyang sinabi, “Bigyan mo ako ng dahilan.”“Umalis si Mommy at ibinili kami ng masarap na pagkain.”Naalala ni Axel ang pinagusapan ni Caroline at Kenny bago niya ibinaba ang tawag at agad na idinagdag, “ Daddy, bakit hindi mo sunduin si Mommy? Nasa Anderson’s Café siya at walang sasakyan.”Nanlaki ang mga mata nina Tyler at Liora ng marinig iyon.Sumagot ng simple si Evan, “Sige.”Matapos ibaba ni Axel ang tawag, nagreklamo si Liora, “Axel, bakit hinayaan mo si masamang Daddy na mapalapit kay Mommy? Masama siyang tao!”Napayuko ng kaunti si Axel at awkward na bumulong, “Sorry. Nakakaawa kasi si Daddy.”Bumuntong hininga si Tyler at pinagaan ang loob niya, “Okay lang, Axel. Huwag mo na lang uulitin, at huwag ka na magoverthink.”Nan
Nakapasok lang si Caroline sa café dahil hindi siya nakatanggap ng sagot mula kay Reuben.Habang hinihintay ang pagkain niya, naiinis niyang tinignan ang balita sa phone, sinubukan na idistract ang kanyang sarili.Nagulat siya, at isang video ni Evan ang kumalat sa internet at naging trending topic habang may nakakabigla na headline: [CEO ng MK Ginulpi Ang Nakatatanda Niyang Kapatid!]Natulala si Caroline, “So kapatid ni Evan si Casey?”Noong mapagtanto ito, naalala niya kung gaano katindi ang takot na naramdaman ni Jamie ng nakasalubong si Casey.Maaaring ito ang dahilan kung bakit may alitan sa pagitan ni Evan at Casey. Kung hindi, hindi aatakihin ni Evan si Casey dahil lang sa nahawakan siya ni Casey.Kahit na si Casey ang biktima, pakiramdam ni Caroline siya ang kalaban.*Patuloy na inatake ni Evan si Casey habang dinadakip siya.Noong tumigil ang sasakyan sa Jordan Residence, nag-utos si Evan sa mga tauhan niya na ihagis palabas si Casey.Malagim ang mukha ni Evan ng lu
Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga
Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva
Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin
Malupit na nag-utos si Evan. “Go!”*Nag-eenjoy si Caroline sa pagsama sa mga bata sa amusement park.Pagkatapos, pumila sila para sa Ferris wheel.Noong tumingala si Axel sa mataas na Ferris wheel, na dalawang daang metro ang taas, namutla siya. Natatakot siyang sumakay sa mga rides dahil takot siya sa matataas na lugar. Kahit na ang makita lang ito ay sapat na para mahirapan siyang huminga.Napansin agad ni Tyler na may mali kay Axel at nagtanong, “Axel, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Sinubukan ni Axel na umiling-iling at magmatapang, “Okay lang—”Bago pa siya natapos magsalita, sumuka siya habang mahigpit ang kapit sa kanyang tiyan.Napalingon agad si Caroline at Jamie sa komosyon.Noong nakita nila si Axel, natakot si Caroline. Nagmadali siya para yumakap.“Axel?” nababalisang tanong ni Caroline. “Anong problema?”Habang nahihilo, mahinang sumagot si Axel, “Mataas…”“Mataas?” tumingala si Liora ay tinignan ang umiikot na Ferris Wheel sa itaas.“Oh! Mommy, takot s
Linggo, nangako si Caroline na isasama si Jamie at ang tatlong mga bata sa amusement park.Umalis siya matapos magreserve ng mga ticket at dumating sa destinasyon ng 10:00 a.m.Kumportable ang panahon, at nag-ooperate ang lahat ng facilities ng park.Nakatitig si Jamie sa pinakamtaas na Ferris wheel sa oras na pumasok siya sa amusement park.Nagtanong si Caroline, “Jamie, interesado ka sumakay sa Ferris wheel?”“Oo. Naaalala ko na sumakay ako dito ng may kasama…” bulong niya ng mahina bago nadistract.Natawa si Liora at sinabi, “Alam ko. Baka ang boyfriend mo!”Nabigla si Caroline, “Lia, ingat ka sa mga salita mo.”Inilabas ni Liora ang dila niya. “Mommy, nakikipagbiruan lang ako kay Lola.”Naguluhan na nagtanong si Jamie, “Boyfriend?”Nagsalita si Caroline at sinabi, “Nagsasabi lang ng kung ano-ano si Lia. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel kung gusto mo, Jamie.”Ngumiti si Jamie. “Sige, makipaglaro muna tayo kasama ang mga bata.”“Yehey, Lola!”Natuwa si Liora, hinatak
Matapos ang dinner, tumungo si Paige sa Bayview Villa.Aalis sana si Caroline para gumala kasama ang mga bata ng makita niya si Paige na nagmamaneho patungo sa hardin niya.“Nandito si Ninang!” tumakbo si Liora palapit sa sasakyan ni Paige at itinaas ang kanyang mga kamay ng buksan ni Paige ang pinto. “Yakapin mo ako, Ninang!”Binuhat ni Caroline si Liora, hinimas ang ilong niya at sinabi, “Ang importante kong Lia, lalabas ka ba?”Masunuring tumango si Liora. “Isasama kami ni Mommy na maglakad-lakad. Sasama ka ba?”“Sige!” binuhat ni Paige si Liora at lumapit kay Caroline. “Carol, puwede ba ako sumama? May pabor akong hihingin sa iyo.”Nagulat si Caroline dahil lumapit si Paige sa kanya para humingi ng pabor. “Sige, tara.”Habang naglalakad, nakipagusap si Paige sandali sa mga bata bago sinabi kay Caroline, “Carol, matutulungan mo ba ako makontak si Ms. Salvatore?”Natulala si Caroline. “Hihingin mo ba ang tulong ng mentor ko sa pagdidisenyo ng damit?”Sinabi ni Paige, “Oo. Gu
Gusto magsalita si Caroline, pero sinabi ni Evan, “Caroline, kaya mo ba mangako na wala ka ng nararamdaman para sa akin?”Sumakit ang puso ni Caroline ng marinig ang galit na sainabi ni Evan habang nanliliit siya.Ngunit, alam niya na dapat matapos na ang koneksyon nila sa isa’t isa!Pinigilan niya ang sakit na nararamdaman niya at sinabi, “Pumunta ako sa ospital para suklian ka, Evan. Hindi na kailangan na mangako ako, pero ako ang hindi makatiis sa relasyon natin. Naiintindihan mo ba iyon?”“Ako hindi! Bakit ang dali para sa iyo ang bumalik sa relasyon ng ganoon na lang? Ano ba ang tingin mo sa akin?”Sumandal si Caroline sa upuan habang nanghihina. “Ano ba ang tingin ko sa iyo? Kinuwestiyon mo na ba ang sarili mo sa kung anong kinuha mo mula sa akin? Kabit ang turing mo sa akin limang taon na ang nakararaan at hinahanap mo ako matapos mo malaman na ako ang nagligtas ng buhay mo.”“Paano kung wala ka pa din alam tungkol sa insidente? Si Daniella pa din ang karelasyon mo at mina
Dramatic ang pagpasok ni Alex sa kuwarto, hawak ang phone niya at hirap na hirap magsalita habang tumatawa.“Evan, dapat mo makita ang live stream ni Caroline. Hindi ako matigil kakatawa. Ang sinabi niya ay inaabala mo siya…”Nanigas ang ngiti ni Alex ng makita ang mahigpit na mukha ni Evan at titig.Nakita ni Alex ang tablet ni Evan. “Oh no, lagot ako!” naisip niya bigla.Tense ang ekspresyon ni Evan habang galit na nagtatanong, “Nakakatawa ba ito?”Naging seryoso ang ekspresyon ni Alex. “Hindi ito nakakatuwa! Sumosobra na si Caroline! Ang bait bait mo sa kanya! Paano niya nagawa na magsalita ng ganito? Dapat hindi niya ito sinabi kahit na gusto niyang protektahan ang reputasyon niya!”Lumapit si Alex kay Evan at nagpatuloy. “Evan, sa tingin ko oras na para pag-isipan mo na ito! Naniniwala ako na wala ng nararamdaman si Caroline para sa iyo. Mas mabuti na magpakasal ka sa iba sa lalong madaling panahon kung hindi mawawala ang pagkakataon mo na inisin siya!”Sumingkit ang mga ma
Higit ng doble ang dami ng pre-order ng TYC kumpara sa MK sa loob lamang ng ilang oras.Matinding sensation ang idinulot nito sa fashion industry.Inisip ng mga tao ang abilidad ng MK na manatili sa leading posistion sa fashion industry.Nagmadali ang journalist na pumunta sa TYC para magconduct ng interview kay Caroline.Sumangayon si Caroline sa interview at sinabihan ang assistant niya, na si Josie Gardner, na samahan ang journalist papunta sa reception room, kung saan sila magkikita.Ang journalist, na si Paxton Parker, ay tumayo at nakipagkamay kay Caroline sa oras na pumasok siya. Maraming salamat sa paglalaan ng oras para gawin ito ngayon, Ms. Shenton.”Nagsalita si Caroline habang nakangiti ng kaunti, “Okay lang. Maupo ka.”Nagtanong si Paxton pagkatapos maupo, “Magsisimula na ang recordin natin. Isa itong live-streamed interview. Sana okay lang ito sa iyo, Ms. Shenton.Sumimangot si Caroline dahil hindi siya nasabihan agad.Ngunit, tumango siya.Tumango si Paxton sa