Nakapasok lang si Caroline sa café dahil hindi siya nakatanggap ng sagot mula kay Reuben.Habang hinihintay ang pagkain niya, naiinis niyang tinignan ang balita sa phone, sinubukan na idistract ang kanyang sarili.Nagulat siya, at isang video ni Evan ang kumalat sa internet at naging trending topic habang may nakakabigla na headline: [CEO ng MK Ginulpi Ang Nakatatanda Niyang Kapatid!]Natulala si Caroline, “So kapatid ni Evan si Casey?”Noong mapagtanto ito, naalala niya kung gaano katindi ang takot na naramdaman ni Jamie ng nakasalubong si Casey.Maaaring ito ang dahilan kung bakit may alitan sa pagitan ni Evan at Casey. Kung hindi, hindi aatakihin ni Evan si Casey dahil lang sa nahawakan siya ni Casey.Kahit na si Casey ang biktima, pakiramdam ni Caroline siya ang kalaban.*Patuloy na inatake ni Evan si Casey habang dinadakip siya.Noong tumigil ang sasakyan sa Jordan Residence, nag-utos si Evan sa mga tauhan niya na ihagis palabas si Casey.Malagim ang mukha ni Evan ng lu
Distracted ang pakiramdam ni Caroline habang pabalik sa Bayview Villa.Noong dumating siya, nakalimutan niyang hawakan ang mga burger sa hita niya, kung saan nalaglag sila sa sahig noong lumabas siya. Tulala niyang tinignan ang nagkalat na mga pagkain, wala sa sarili.Noong nakita ito ni Reuben, agad niyang inipon ang mga pagkain at inilagay sa bag, bago ito inabot kay Caroline.Tinanggap niya aito at paos na nagtanong, “Reuben—”Mukhang malayo si Reuben ng nagsalita siya, “Ms. Shenton, naiintindihan ko ang gusto mo itanong, pero huwag mo na sana itanong.”Sumimangot si Caroline at napayuko, iniisip, “Oo, hindi ko na gusto magkaroon ng koneksyon kay Evan. Kaya bakit ako nagtatanong tungkol sa kanya? Pero hindi ko siya mapigilan isipin. Inatake niya si Casey. Siguradong masama ang mangyayari sa kanya base sa ugali ni Draco. Hindi nga naman sila naging magkasundo.”Hindi maatim ni Reuben na makitang ganito si Caroline kaya siniguro niya ito, “Ms. Shenton, huwag ka mag-overthink. Ka
Kumurap si Evan at sinabi, “Gabi na. Maglinis ka na ng katawan at matulog.”Nag-alinlangan si Axel, hindi gusto abalahin si Evan. Isinara niya ang kanyang bibig, nag-aalala habang tumatango at umakyat sa itaas.Matapos maglinis ng katawan at bumalik sa kanyang kuwarto, naupo si Axel sa harap ng computer at tinignan ang surveillance footage sa ibaba.Samantala, kalamdong uminom ng wine si Evan sa lounge, sunod sunod kada mapuno ang baso. May madugong marka pa din sa noo niya, at galit ang kanyang ekspresyon.Lalo nag-alala si Axel. Nakita na niyang uminom ang ama niya noon, pero iba ngayon. Umiinom si Evan habang puro pinsala ang katawan.May masama bang nangyayari?Parehong kakaiba ang emosyon ng mga magulang niya.Ngunit, pakiramdam ni Axel na hindi sasaktan ni Caroline si Evan.Kaya, tinignan niya ang surveillance footage ng café at inadjust ito ng tanghali.Nagulat siya ng bayolente niyang inatake si Casey.Nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa eksena ng nakarinig siya
Tumango si Freya, lumapit at tinignan ang temperatura ni Evan gamit ang laser thermometer.Ang kasalukuyan niyang temperatura ay 40°C.Sumimangot si Freya at nagbigay ng suhestiyon, “Mas mabuti na turukan siya. Para mas mabilis bumaba ang kanyang lagnat.”Ngunit, umiling-iling si Caroline. “Hindi, bigyan mo na lang ako ng pills.”Alam niya na hindi tumatanggap si Evan ng turok.Minsan, hinimatay si Evan sa tindi ng lagnat. Dumating ang doktor para sa infusion pero inalis niya ito sa oras na magising siya.Matagal na siyang ganito, kaya mas mabuti na hindi magpakaabala sa wala.Nagtanong si Freya, “Gagamutin ko din ba ang mga sugat niya?”“Kailangan ba nila ng tahi?” tanong ni Caroline.Umiling-iling si Freya. “Hindi, hindi na kailangan.”Habang nagsasalita siya, kinuha niya ang gamot mula sa kanyang medical kit. “Isa itong antipyretic. Puwede niya ito inumin kahit na nakainom siya ng wine.”“Sabihin mo sa kanya na uminom nito every four hours pero tumigil kapag nawala na ang
Isinara ni Caroline ng mahigpit ang mga labi niya.“Caroline… Huwag mo ako iwan… Kasalanan ko. Hindi ko iyon dapat ginawa sa iyo. Huwag ka umalis… Patawad…”Mabilis at malakas ang tibok ng puso ni Caroline. Ilang taon na niyang hinihintay ang paghingi niya ng tawad.Namula ang mga mata niya habang umiiyak.Napakatagal na, pero hindi pa rin niya magawang kalimutan siya.Nalulungkot siya sa tuwing nasasaktan si Evan. Nagmadali pa siyang pumunta sa Villa Rosa ng malaman niyang may mataas na lagnat si Evan.Sinusubukan niyang iwasan si Evan at natatakot sa kanya, pero hindi siya tumigil sa pagmamahal sa kanya.Sa gabing iyon, nanatili siya doon at inalagaan si Evan hanggang sa madaling araw. Nahiga siya sa dulo ng kama at nakatulog.*Noong nakatanggap ng tawag si Kenny mula kay Alisa, nagmadali siyang tumungo sa Bayview Villa para makita si Caroline, pero wala siya sa kanyang kuwarto.Tinawagan niya si Caroline, pero hindi siya sumagot. Kaya, mag-isa siyang tumungo sa hotel.*
Bukod pa doon, okay lang ang pakiramdam ni Caroline.Matapos ito isipin, napagtanto niya na baka gumapang siya sa tabi ni Evan ng makatulog siya.Ngunit, hindi mapigilan ni Reuben ang curiosity niya. “Mr. Jordan, nagbati na ba kayo ni Ms. Shenton?”Humarap si Evan ng malamig kay Reuben. “Wala ka bang iba na dapat ginagawa?”Agad na umiling-iling si Reuben. “Patawad, Mr. Jordan.”Habang nagsusuot ng damit, seryosong nagtanong si Evan. “Kumusta si Casey ngayon?”Sumagot si Reuben, “Mayroon siyang apat na bali ng buto sa ribs at baling siko. Mayroon din siyang concussion. Tapos na ang opera at kailangan niya ng matagal na oras bago gumaling.”Sumingkit ang mga mata ni Evan. “Masuwerte siya.”“Mr. Jordan, may isa pang bagay na may kinalaman kay Ms. Shenton.” Sinulyapan ni Reuben ang banyo habang nag-uulat.“Ano iyon?” tanong ni Evan.Ikinuwento ni Reuben, “Ginagamit ng pamilya Shenton si Ms. Shenton para magkaroon ng mga fans. Nagsimula silang maglivestream para magbenta ng kung
Huminga ng malalim si Caroline at pinunasan ang kanyang mga luhat.“Evan, hindi na maibabalik ang dati,” sinabi niya bago tumalikod at umalis.Nasaktan si Evan, naalala niya ang mga sinambit niyang mga salita habang pinapanood siyang umalis. Kahit na nasasaktan siya ng husto, pinigilan niya ang sarili niya na habulin siya, pinili niyang itago sa puso niya ang matinding sakit.*Nagmadali na lumapit ang dalawang bata kay Caroline ng makabalik siya sa Bayview Villa. Niyakap siya ni Liora sa binti at umiyak habang nakatingala. “Mommy, saan ka nagpunta? Hindi kita mahanap.”Nakaramdam ng pait si Caroline. Yumuko siya at niyakap si Liora, “Hindi ako umuwi kagabi kasi may ginawa ako. Nakalimutan ko sabihin sa inyo. Pasensiya na.”Napansin ni Tyler ang mga eyebags niya at nag-aalalang nagtanong, “Mommy, magdamag ka ba gising kahapon?”Tumango si Caroline. “Oo, may kinailangan ako asikasuhin. Nag-almusal na kayo?”“Oo!” niyakap ng maghipit ni Liora ang leeg ni Caroline. “Nagpadeliver s
“P*tang ina ka! Ang lakas ng loob mo matulog?” sigaw ni Brandon.Iminulat ni Caroline ang mga mata niya at mabagal na bumangon dahil sa pagod at puyat bago tinignan ng malamig si Brandon. “Wala ka bang galang?”“Anong p*tang inang manners!” sigaw ni Brandon. “Paano mo nagawang ipablock ang account ko? Galit ka ba dahil naglilivestream kami sa bahay mo?”Magsasalita sana si Caroline ng pumasok bigla sina Tyler at Liora. Nakita nila si Brandon doon na tila sasaktan ang nanay nila.Agad itinulak ni Liora si Brandon at sinigaw, “Bakit mo sinasaktan ang mommy namin?”Galit na si Brandon, lalo lang siyang nagalit sa pagtulak ni Liora. Humarap siya kay Liora at sinabunutan siya. “Wala kang pakielam dito bata ka! Layas!”Matapos iyon itinulak niya sa Liora sa sahig.“Lia!” sabay na sumigaw si Caroline at Tyler.Tinulungan agad ni Tyler si Liora na tulala. Tumayo siya sa harap ni Brandon at tinitigan siya ng masama. “Masamang tao!”Natakot si Caroline. Agad niyang inalis ang kumot at t