Tumango si Freya, lumapit at tinignan ang temperatura ni Evan gamit ang laser thermometer.Ang kasalukuyan niyang temperatura ay 40°C.Sumimangot si Freya at nagbigay ng suhestiyon, “Mas mabuti na turukan siya. Para mas mabilis bumaba ang kanyang lagnat.”Ngunit, umiling-iling si Caroline. “Hindi, bigyan mo na lang ako ng pills.”Alam niya na hindi tumatanggap si Evan ng turok.Minsan, hinimatay si Evan sa tindi ng lagnat. Dumating ang doktor para sa infusion pero inalis niya ito sa oras na magising siya.Matagal na siyang ganito, kaya mas mabuti na hindi magpakaabala sa wala.Nagtanong si Freya, “Gagamutin ko din ba ang mga sugat niya?”“Kailangan ba nila ng tahi?” tanong ni Caroline.Umiling-iling si Freya. “Hindi, hindi na kailangan.”Habang nagsasalita siya, kinuha niya ang gamot mula sa kanyang medical kit. “Isa itong antipyretic. Puwede niya ito inumin kahit na nakainom siya ng wine.”“Sabihin mo sa kanya na uminom nito every four hours pero tumigil kapag nawala na ang
Isinara ni Caroline ng mahigpit ang mga labi niya.“Caroline… Huwag mo ako iwan… Kasalanan ko. Hindi ko iyon dapat ginawa sa iyo. Huwag ka umalis… Patawad…”Mabilis at malakas ang tibok ng puso ni Caroline. Ilang taon na niyang hinihintay ang paghingi niya ng tawad.Namula ang mga mata niya habang umiiyak.Napakatagal na, pero hindi pa rin niya magawang kalimutan siya.Nalulungkot siya sa tuwing nasasaktan si Evan. Nagmadali pa siyang pumunta sa Villa Rosa ng malaman niyang may mataas na lagnat si Evan.Sinusubukan niyang iwasan si Evan at natatakot sa kanya, pero hindi siya tumigil sa pagmamahal sa kanya.Sa gabing iyon, nanatili siya doon at inalagaan si Evan hanggang sa madaling araw. Nahiga siya sa dulo ng kama at nakatulog.*Noong nakatanggap ng tawag si Kenny mula kay Alisa, nagmadali siyang tumungo sa Bayview Villa para makita si Caroline, pero wala siya sa kanyang kuwarto.Tinawagan niya si Caroline, pero hindi siya sumagot. Kaya, mag-isa siyang tumungo sa hotel.*
Bukod pa doon, okay lang ang pakiramdam ni Caroline.Matapos ito isipin, napagtanto niya na baka gumapang siya sa tabi ni Evan ng makatulog siya.Ngunit, hindi mapigilan ni Reuben ang curiosity niya. “Mr. Jordan, nagbati na ba kayo ni Ms. Shenton?”Humarap si Evan ng malamig kay Reuben. “Wala ka bang iba na dapat ginagawa?”Agad na umiling-iling si Reuben. “Patawad, Mr. Jordan.”Habang nagsusuot ng damit, seryosong nagtanong si Evan. “Kumusta si Casey ngayon?”Sumagot si Reuben, “Mayroon siyang apat na bali ng buto sa ribs at baling siko. Mayroon din siyang concussion. Tapos na ang opera at kailangan niya ng matagal na oras bago gumaling.”Sumingkit ang mga mata ni Evan. “Masuwerte siya.”“Mr. Jordan, may isa pang bagay na may kinalaman kay Ms. Shenton.” Sinulyapan ni Reuben ang banyo habang nag-uulat.“Ano iyon?” tanong ni Evan.Ikinuwento ni Reuben, “Ginagamit ng pamilya Shenton si Ms. Shenton para magkaroon ng mga fans. Nagsimula silang maglivestream para magbenta ng kung
Huminga ng malalim si Caroline at pinunasan ang kanyang mga luhat.“Evan, hindi na maibabalik ang dati,” sinabi niya bago tumalikod at umalis.Nasaktan si Evan, naalala niya ang mga sinambit niyang mga salita habang pinapanood siyang umalis. Kahit na nasasaktan siya ng husto, pinigilan niya ang sarili niya na habulin siya, pinili niyang itago sa puso niya ang matinding sakit.*Nagmadali na lumapit ang dalawang bata kay Caroline ng makabalik siya sa Bayview Villa. Niyakap siya ni Liora sa binti at umiyak habang nakatingala. “Mommy, saan ka nagpunta? Hindi kita mahanap.”Nakaramdam ng pait si Caroline. Yumuko siya at niyakap si Liora, “Hindi ako umuwi kagabi kasi may ginawa ako. Nakalimutan ko sabihin sa inyo. Pasensiya na.”Napansin ni Tyler ang mga eyebags niya at nag-aalalang nagtanong, “Mommy, magdamag ka ba gising kahapon?”Tumango si Caroline. “Oo, may kinailangan ako asikasuhin. Nag-almusal na kayo?”“Oo!” niyakap ng maghipit ni Liora ang leeg ni Caroline. “Nagpadeliver s
“P*tang ina ka! Ang lakas ng loob mo matulog?” sigaw ni Brandon.Iminulat ni Caroline ang mga mata niya at mabagal na bumangon dahil sa pagod at puyat bago tinignan ng malamig si Brandon. “Wala ka bang galang?”“Anong p*tang inang manners!” sigaw ni Brandon. “Paano mo nagawang ipablock ang account ko? Galit ka ba dahil naglilivestream kami sa bahay mo?”Magsasalita sana si Caroline ng pumasok bigla sina Tyler at Liora. Nakita nila si Brandon doon na tila sasaktan ang nanay nila.Agad itinulak ni Liora si Brandon at sinigaw, “Bakit mo sinasaktan ang mommy namin?”Galit na si Brandon, lalo lang siyang nagalit sa pagtulak ni Liora. Humarap siya kay Liora at sinabunutan siya. “Wala kang pakielam dito bata ka! Layas!”Matapos iyon itinulak niya sa Liora sa sahig.“Lia!” sabay na sumigaw si Caroline at Tyler.Tinulungan agad ni Tyler si Liora na tulala. Tumayo siya sa harap ni Brandon at tinitigan siya ng masama. “Masamang tao!”Natakot si Caroline. Agad niyang inalis ang kumot at t
Tumalikod si Brandon at tumakbo palayo.Tinignan ni Caroline si Jamie at pinasalamatan siya.Itinaas ni Jamie ang kamao niya. “Carol, huwag ka mag-alala. Babantayan ko siya kapag nasa trabaho ka bukas.”Hindi gusto magsalita masyado ni Caroline. Tumango lang siya at lumapit kay Liora. Noong mapansin niya na mapula ang mga mata ni Liora, yumakap siya ng mahigpit.Siniguro siya ni Freya, “Okay lang siya. May ilang mga buhok lang na natanggal.”Nasaktan ng husto si Caroline, nahihirapan huminga. Hinimas niya ang buhok ni Liora at sinabi, “Anak, hindi kita naprotektahan.”Yumakap si Liora sa mga bisig ni Caroline, mahigpit ang kapit sa mga damit niya. “Mommy… Ayaw ko na makita ang masamang tao na iyon. Gusto ko siya umalis. Galit ako sa kanya.”Nanginig si Caroline sa pagkhikbi niya.Pinigil ni Caroline ang galit niya at pinagaan ang loob niya, “Hmm, pangako. Papaalisin ko sila sa susunod na mga araw, okay?”Humikbi si Liora, tahimik na iniisip, “Kung hindi masama ang daddy ko, ma
Napa “Oh” lang si Jamie bago dahan dahang kumuha ng kutsilyo at lumapit muli sa kanila.“Tatadtarin ko kayong lahat kung walang aamin.”Nanalaki sa takot ang mga mata ng pamilya Shenton.Sa sumunod na sandali, napuno ng sigawan ang villa habang nag-uunahan sila para lumabas ng kuwarto ni Brandon.*Noong kinagabihan, bumalik si Kenny habang paulit-ulit na humihikab. Natanga siya ng makita na walang tao sa living room.“Pinaalis na ba ni G ang mga tao dito?” inisip niya.Hindi nagtagal, nagbago ang iniisip niya ng makita bumaba si Gigi, na tumatakbo.Noong nilampasan siya ni Gigi, tumigil siya bigla. Inobserbahan siya at mapanghamak na sinabi, “Walang hiyang lalake, nakatira sa bahay ng ibang tao!”Nabigla si Kenny dahil pinagalitan siya ng biglaan.Lumapit siya at hinawakan sa braso ang bata. “Sinong tinutukoy mo?”“Ikaw!” sagot ni Gigi. “Bah! P*tang foreigner! Kung hindi dahil sa iyo, may sarili sana akong kuwarto!”Natawa si Kenny. “Sa iyo, tama? Sige!”Matapos iyon, ku
Tuwang tuwa si Brandon. “Ma, kunin natin ito. Ibenta natin.”Sinabi ni Jade, “Sige! Ikaw na ang bahala dito. Kami na ng ama mo ang bahala sa mga alahas.”“Bilisan natin. Umalis na tayo pagkatapos mag-almusal,” suhestiyon ni Brandon.Tumango ang mga Shentons sa isa’t isa. Naglakad sila palabas ng study room at bumaba ng hagdan para magluto ng almusal.Lahat sila nagsabay-sabay sa kusina para matapos agad.Hindi inaasahan na nakatitig si Jamie sa kanila habang dahan-dahan siyang pumunta sa kusina.Kakatapos lang magprito ng mga itlog ni Gregory. Gusto niyang ilagay sa plato pero may nakabangga siya ng tumalikod.Natakot siya ng husto at halos mabitawan ang mga kawali. Kaya, tumingin siya kung sino ang taong nakabangga niya.Matapos makita si Jamie, nabitawan niya ang kawali sa takot.Narinig ang malutong na tunog ng pagkakabagsak sa sahig at napaharap sila Brandon at Jade sa kanya.Nanginig sila at napaatras sa isang sulok ng makita si Jamie.Matapos ayusin ni Gregory ang sari