Napaluhod si Daniella mula sa impact, at napukaw ang atensyon ng mga tao sa paligid.Nabigla si Caroline—hindi niya inaasahan na gaganti ang mga bata para sa kanya.“Mga hayop!” sigaw ni Daniella, tumingala siya at nakita si Caroline na nakatayo sa kanyang harapan.Sinubukan tumayo ni Daniella, pero itinulak pababa ni Caroline ang balikat niya.Yumuko ng kaunti si Carolien habang malapad ang ngiti, “Aksidente kang nabangga ng mga bata. Hindi mo naman siguro ito pepersonalin, hindi ba?”Kinurot niya ng malakas ang balikat ni Daniella at tinulungan siyang tumayo. Pagkatapos, tinapik niya ang balikat ni Daniella ng mahina at sinabi, “Maging elegante ka. Maraming nanonood.”Pinilit ni Danielal ngumiti at sumagot, “Bakit ako gagawa ng eksena sa mga bata?”Ngumiti si Caroline at sumagot, “Tama. Aakyat na kami. Paalam!”Habang naglalakad palayo si Caroline at mga bata, pinigil ni Daniella ang kanyang galit. Hindi niya ito matitiis kung wala si Casey sa restaurant.Pinagpag ni Daniell
Ngumiti si Casey. “Naging maayos ba ang pagbubukas ng kumpanya ngayon?”Nagalit si Daniella ng maalala ang nakakahiyang insidente pero naitago niya ang kanyang emosyon ng maayos.“Maayos naman. Mr. Jordan, maaari ba akong maglakas loob na magtanong sa iyo?” tanong ni Daniella.Engaged siya noon kay Evan at napaisip bakit hindi siya kilala ni Casey. Ang naisip niya ay narinig man lang niya ang kanyang pangalan kahit na minsan.“Sige.”“Miyembro ka ng pamilya Jordan, tama?” prangka na tanong ni Daniella.Kumilos ang mga daliri ni Casey. “Oo, pero hindi mahalaga ang pagkakakilanlan ko para sa akin.”Sumimangot si Daniella. “Hindi mo ba ako kilala kung ganoon, Mr. Jordan?”Ipinaliwanag ni Casey, “Ipinadala ako sa abroad ng ama ko ng matagal, kaya hindi ko alam ang sitwasyon dito.”Ngumiti si Casey, tumingala at nagtanong, “May nais ka ba na sabihin sa akin?”Nagulat si Daniella sa kawalan niya ng alam. Napansin niya na parang kakaiba at hindi ipinaalam ni Evan sa kanyang kapatid
Mukhang may pinaplano si Jade, nakatitig siya ng husto sa relos ni Caroline. Pero natuwa ang ekspresyon niya ng sinabi iyon ni Caroline.Naisip niya na patas iyon—pumirma ng kontrata para sa bahay. At dahil nakapangalan sa kanila ang bahay, hindi it makukuha mula sa kanila.Ngumiti si Caroline. “Okay, maghahanda ako ng abogado. Basta pumirma lang kayo, inyo na ang bahay.”Tuwang-tuwa si Jade sa presensiya ni Caroline. “Caroline, tita mo ako. Huwag na tayong magtalo masyado—”Bago maituloy ni Jade ang sasabihin niya, nagsalita si Caroline.Matapos bumalik si Caroline sa kuwarto niya, nagmessage siya sa kanyang abogado, nagdagdag ng mga nararapat na sugnay sa kontrata.*Sa sumunod na araw, aksidenteng nakasalubong ni Caroline si Brandon noong paalis na siya. Mainit ang pagbati ni Brandon matapos niya sabihin na ibibili sila ni Caroline ng bahay. “Mauuna na muna ako bumalik sa bahay namin, Caroline!”Ngumiti si Caroline. “Ingat.”“Hehe, magdadala ako ng mga regalo dahil magiging
Sa Xander Residence.Nakita ni Daniella si Grayson sa sofa, malungkot ang mukha niya, habang si Neil ay nakaupo sa kabila. Tinignan niya si Neil at marahil pinapagalitan siya ni Grayson.Dahan-dahan siyang bumaba mula sa hagdan.Narinig ni Grayson ang mga yabag niya, at humarap si Grayson sa kanyang direksyon at sumigaw, “Bumaba ka dito, ngayon din!”Nabigla si Daniella at nagtanong, “Ako ba ang tinutukoy mo, Lolo?”“Sino pa ba ang tinutukoy ko?” malakas ang boses ni Grayson.Habang palapit siya kay Grayson, bumilis ang tibok ng puso niya. Nagtanong siya ng mahina, “Anong problema, Lolo?”Naghagis ng mga litrato si Grayson kay Daniella.Nakakalata ng mga litrato sa sahig, ipinapakita ang mga malalaswang litrat—lahat may kinalaman sa kanya.Namanhid ang katawan ni Daniella, hindi niya makontrol ang panginginig ng katawan niya.“Paano mo ito balak ipaliwanag? Kakasimula lang ng sarili mong kumpanya, pero alam na ng mga empleyado ang iskandaloso mong nakaraan!” malupit ang boses
Natawa si Grayson. “Lagi mo itong sinasabi, pero kailan mo ba tinupad ang pangako mo? May namatay dahil sa iyo sa pagkakataong ito!”Nanginig ang katawan ni Daniella. “Susundin ko na ang utos mo at hihingi ng pahintulot mula sa iyo sa susunod, Lolo. Pakiusap iligtas mo ako!”Nairita ng husto si Grayson sa walang tigil na pag-iyak ni Daniella. Bumuntong hininga siya at sinabi kay Neil, “Hayaan mo na ang bagay na ito at umarte na parang wala kang narinig.”Isinara ng mahigpit ni Neil ang mga kamao niya pero nanatiling kalmado. “Sige, naiintindihan ko. Babalik ako para tumulong sa birthday party. Paalam!”Matapos umalis si Neil, may tinawagan si Grayson para kuwestiyunin at parusahan ang mga bodyguard ni Daniella. Ang plano niya ay siguruhin ang kaligtasan ni Daniella.*Nakasalubong ni Paige si Alex sa sasakyan niya noong umalis siya ng trabaho ng gabi na.Hinihintay ni Alex si Paige mula sa kanyang sasakyan ng matagal na. Noong makita niya si Paige, mabilis siyang bumaba mula sa
Noong pumasok si Paige sa bahay, nakarinig siya ng boses ng dalawang hindi kilalang tao.“Ma, hindi ako pinapayagan ng dalawa masamang bata na maglaro ng kahit na ano,” reklamo ni Gigi.“Anong ayaw nila ipahiram sa iyo?” tanong ni Jade.“Ang laptop at tablet! Ayaw ipahawak sa akin ni Tyler! Hindi daw ako nararapat,” iyak ni Gigi.Nagalit si Jade. “Kalokohan ito! Tara, akong bahala!”Nilisan nila ang living room at nakasalubong si Paige.Nagulat si Paige. Napaisip siya, “Anong sinasabi ng batang ito? Sinabi ba niya na ayaw ipahiram ni Tyler ang laptop niya? Walang maaari humawak sa laptop ni Tyler, pero gusto niya na kunin iyon ng sapilitan ng anak niya?”“Mukhang hindi mabait ang taong ito na nagsabi ng kalokohan? Sinong gumagawa ng kalokohan dito sa pamamahay ng ibang tao, huh?!” sa isip niya.Galit na nga si Paige, at lalo pa siyang nagalit ng mapagtanto na aapihin si Tyler.Pumasok siya sa bahay at sinabi, “Dyan lang kayo!”Naguluhan na tinignan ni Jade si Paige. Sinabi ni
Walang pakielam na ipinaliwanag ni Evan, “Sa magulong mga kamag-anak ni Caroline.”Sinabi ni Alex, “Huh? Ang ibig mo ba sabihin ay ang mga nakasalubong natin sa restaurant?”Ngumiti si Evan. “Malapit ka sa kanya kailang lang. Hindi mo ba siya tutulungan?”Hindi natuwa si Alex. “Bakit hindi mo iyon ginagawa?”“Bakit ako ang gagawa noon kung ito na mas matagal na ang relasyon niya kay Caroline kaysa sa amin ni Paige? Bukod pa doon, halos mawalan ako ng malay sa pagsipa ni Paige ngayong gabi,” reklamo ni Alex sa loob-loob niya.Humigop si Evan ng kanyang inumin. “Ako nga naman ang pinakamaimpluwensiyang CEO ng Southeast Rheasia. Hindi ako puwede makielam sa away ng mga babae.”“Alam mo na ikaw ang pinakamaimpluwensiyang CEO, pero naalala mo ba ang limang taon ng pag-iinom mo habang hinahanap si Caroline?” sinarili ni Alex ang panghahamak kay Evan.Sinabi ni Alex, “Kung hindi mo gusto madamay, sa tingin mo ba puwede ako makielam?”Tinignan ni Evan si Alex. “Tagapagtanggol ka ng mga
Nilisan ni Paige ang Bayview Villa, at sumunod si Alex, sinundan siya hanggang sa makarating sa kanyang apartment.Hindi siya binigyan pansin ni Paige at pumasok sa elevator.Sa oras na pinindot ni Paige ang floor button, nagawa ni Alex na makasiksik at pasok sa loob.Nanlaki ang mga mata ni Paige dahil hindi siya makapaniwala. “Baliw ka ba, Pug—Hmm!”Walang alinlangan na hinawakan ni Alex ang likod ng ulo ni Paige, lumapit at hinalikan siya.Nagpumiglas si Paige para makawala, pero hawak ni Alex ng mahigpit ang mga kamay niya sa kanyang dibdib.Panandalian siyang umatras, at huminga ng malalim. “Mahal kita, Paige!”Nabigla si Paige. “Ano?”“Ang sabi ko, mahal kita!” idineklara ni Alex.Panandaliang natulala si Paige at maya-maya ay natawa ng malakas. “Ikaw ang may sabi niyan!”Mapaglaro niyang hinatak ang neck tie ni Alex at hinalikan siya.Nagpatuloy ang mainit nilang halikan hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator bigla.Isang nakatatandang lalake na nakatayo sa labas