Hindi hahayaan ni Evan na makita ni Caroline si Axel kapag ang pinili niya ay ang dalawang bata.Matapos mapansin ang galit ni Evan, yumuko si Reuben at sinabi, “Yes, sir.”Aalis na siya sana ng tinawag siya bigla ni Evan. “Tanggalin ang mga bagong kuha na bodyguards. Gusto ko palitan ng buo ang technical department staff!”Nabigla si Reuben. Ang nakaraang grupo ng mga empleyado ay napalitan ng hindi nila makita si Caroline, ang natira lang ay si Julian. Galit na galit si Evan ngayon kay Caroline at gusto niya ng bagong staff.Kapag nagpatuloy ito, hindi magiging maganda ang pakiramdam ng mga empleyado.Ngunit, hindi nagsalita si Reuben at inihanda ang sarili para sundin ang utos.*Sa Xander Residence.Pinigilan ng mga bodyguard si Wayne sa pinto.Natuto na siya ngayon. “Sir, naparito ako para makita si Mr. Grayson Xander. Pakisabi sa kanya na papasukin ako. Sabihin mo na may recording ako na gusto ibigay sa kanya.”Nagsalita ang mga bodyguard, “Ipapaalam ko. Maghintay ka dito.”Naghi
Mabilis na dumating ang abogado para gumawa ng kontrata sa magkabilang panig. Nagbigay ng checke na isang milyong dolyar ang nakasulat si Grayson kay Wayne pagkatapos.Hindi inaasahan ni Wayne na makakakuha siya ng isang milyong dolyar ng ganoon kadali. Binura niya ang voice clip habang nanonood si Grayson at ibinigay sa kanya ang USB drive. Umalis siya ng nasasabik dala ang checke.Naging masama ang ekspresyon ni Grayson sa oras na umalis siya. “Ang lakas ng loob niyang hindi kilalang tao na magnakaw ng isang milyong dolyar mula sa akin? Managinip siya!” inisip niya.Tinignan ni Grayson ang bodyguard na nakatayo sa tabi niya at inutos, “Asikasuhin ninyo siya at siguraduhin ninyong malinis ito!”Tumango ang bodyguard. “Yes, sir!”*Patapos na ang kindergarten, at naghihintay sa pinto si Caroline para sunduin ang mga anak niya.Bigla, napukaw ang atensyon niya ng malakas na preno. Humarap siya at nakita ang isang Maybach na pumarada sa likod niya.Agad na lumabas si Reuben at magalang
Sumakit ang puso ni Caroline ng makita ang ugali ng anak niya.“Anong nangyayari kay Evan? Bakit siya maglalabas ng sama ng loob sa bata kung hindi maganda ang mood niya?” napaisip siya.Tinignan ni Caroline si Evan. “Makinig ka naman sa anak mo kaysa lagi kang hindi rasonable?”Tinignan niya si Caroline at ang dalawang mga bata, hindi mapigilan ni Evan isipin na ibang lalake ang nakasama niya. Agad siyang nagalit, yumuko siya at binuhat si Axel para tumungo sa sasakyan.Sumimangot si Caroline. “Evan!”Tumigil si Evan pero nagpatuloy sa paglalakad matapos ang ilang sandali.Hinabol siya ni Caroline kasama si Tyler at Liora. “Hindi mo ba makita na hindi masaya si Axel?”Hindi siya binigyan ng pansin ni Evan at pumasok sa sasakyan kasama si Axel at isinara ng malakas ang pinto.Natanga si Caroline habang bumubuntong hininga si Reuben. “Kung kailan nabawasan ng kaunti ang tensyon sa pagitan nila…”Pinigilan ni Caroline ang sakit na nararamdaman niya. Nakita niya na inilayo ni Evan sa kany
Binuhat ni Neil ang umiiyak na si Liora, at tinapik ang likod niya ng mahina para magtanong, “Totoo ba iyon, Carol?”Yumuko si Caroline. “Oo…”Nagtanong si Neil, “Anong rason?”Napaisip ng matagal si Caroline, pero wala siyang alam. “Hindi ko alam.”“Caroline, hindi makakatulong ang pagmamadali. Kung may nararamdaman pa si Evan para sa iyo, hindi siya mananatiling malayo. Hindi mo makukuha ang kustodiya ni Axel dahil si Evan ang nagpalaki sa kanya,” sinabi ng direkta ni Neil. “Bukod pa doon, kaharap ang impluwensiya ni Evan sa Angelbay, imposible na manalo ka sa lawsuit.”Isinara ng mahigpit ni Caroline ang mga kamao niya at inisip, “Wala na ba talagang paraan?”Nasaktan si Caroline habang iniisip ang malungkot na mukha ni Axel at katahimikan kanina.Bigla, tumakbo pababa si Tyler at kinuha ang kamay ni Caroline. “Sumama ka sa akin, Mommy.”Sinundan ni Caroline si Tyler sa itaas ng naguguluhan at nakita ang mukha ni Axel sa laptop matapos pumasok sa kuwarto.Agad niyang sinabi, “Anak k
Noong umaga ng Huwebes sa Xander Residence, nagising si Daniella sa tunog ng phone niya. Sinagot niya ang tawag ng naiirita.“Hello? Sino ito?”“P*ta ka! Huwag ka magpapahuli sa akin, kung hindi masama ang magiging pagkamatay mo!”Nagulat si Daniella sa paos na boses at nagising siya bigla. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang number sa screen.“Wayne? Hindi ba’t pinapatugis siya ni Lolo? Paanong buhay pa siya?” napaisip siya.Nagkunwaring walang alam si Daniella. “Anong ibig mo sabihin, Mr. Hunter?”“Tumigil ka na sa pagkukunwari! Kahit na nawala na sa akin ang ebidensiya, nakikilala ko ang boses mo!” sigaw ni Wayne. “Babalik ba ako para humingi ng kompensasyon kung hindi dahil sa iyo? Hahabulin ba nila ako kung hindi dahil sa iyo?”Hinawakan ng mahigpit ni Daniella ang kumot, “Mr. Hunter, huwag ka mambintang ng ganyan. Guilty ang pakiramdam ko, kaya sinabi ko sa iyo na humingi ka ng kompensasyon kay Caroline. Sinong mag-aakala na pupuntahan mo ang lolo ko?”“Ano pa ang kailangan k
Ibinaba ni Caroline ang design sketch at tumingala. “Investment firm?”Sumagot si Naomi. “Oo. Marahil nandito siya para pagusapan ang tungkol sa pakikipagtulungan dahil maganda ang tingin niya sa kumpanya natin.”Ngumiti si Caroline kay Naomi. “Ganoon ba sa tingin mo?”Seryosong sinabi ni Naomi, “Sa tingin ko puwede mo piliin na hindi makipagusap. May sapat tayo na kita mula sa presale revenue para simulan ang susunod na batch ng clothing production. Sapagkat malakas naman ang cashflow natin, bakit hindi natin ito ishare sa iba?”Nagtanong si Caroline, “Tatanuningin kita ng iba kung ganoon. Sa tingin mo ba pera o mga koneksyon ang magbibigay sa iyo ng matibay na posisyon sa Angelbay?”Nanahimik ng panandalian si Naomi. “Hindi nauubusan ng mayayamang mga tao sa Angelbay.”Nagsalita si Caroline, “Kaya, ang magagawa lamang natin para magpatuloy ay lumikha ng mga koneksyon. Heto, imbestigahan mo ang may-ari ng firm at track record nila. Maaari tayo makipagkita sa kanila kung kailan n
“Bakit kailangan mo magsalita ng masakit lagi? Huwag ka magsalita ng masakit kung hindi mo naiintindihan ang sitwasyon. Kilala ko ng husto ang ugali ni Evan, at hindi ko pa siya nakikitang ganito katapat. Magagawa ba niya ito kung hindi siya niloko ni Daniella?”“Ginawa pa din niya ito, hindi ba? Ang mga katulad mong lalake, ang hilig gumawa ng palusot,” mapanghamak na sinabi ni Paige.Napagtanto ni Alex na walang saysay ang magpaliwanag. Kaya huminga siya ng malalim at sinabi, “Hirap ako magdesisyon, pero may mga limitasyon din ako, Paige. Kung okay lang sa iyo, bigyan mo ako ng oras, magiging responsable ako.”“Dapat ba ako magpasalamat?” umirap si Paige.“Kailangan mo ng oras para maging responsable, huh? Wala akong pakielam sa hindi sinsero mong palusot!” inisip niya.Walang masabi si Alex dahil hindi sila makapagusap ng maayos.*Matapos asikasuhin ang sasakyan, umakyat si Alex sa itaas para makipagkita kay Evan. Noong dumating siya sa entrance ng opisina, agad siyang nakar
Ginagamit siya ni Caroline para protektahan ang mga anak niya sa ibang lalake!Bakit niya iyon titiisin?*Nakatanggap si Caroline ng tawag mula kay Paige ng 4:00 p.m., pagkatapos ng meeting. Sumagot siya. “Hello, Paige.”“Carol, tignan mo agad ang balita! Alamin mo kung iyon ang eskuwelahan ni Ty at Lia!” pag-udyok ni Paige habang nag-aalala.Nagulat si Caroline at agad na tinignan ang balita, at isinantabi ang kanyang phone.Ang headline ay “School bus mula sa Angelbay Kindergarten Naaksidente, Kaligtasan ng mga Bata Walang Katiyakan” ang nakasulat sa screen.Noong nakita ni Caroline ang kundisyon ng school bus, bumigay ang mga tuhod niya. Sigurado siya na iyon ang bus na sinakyan ng mga bata. Ang mga anak niya…Matapos mapansin ang kundisyon ni Caroline, agad siyang tinulungan ni Naomi na tumayo. “Anong nangyari, Ms. Shenton?”Nabalik sa realidad si Caroline at agad na tumungo sa elevator matapos makatayo ng maayos.Tulala si Naomi.*Matapos ibaba ang tawag, nabalisa si