-Xia Aphrodite C. Lazarte-
.
.
.
"Xia! Halika dito!"
Ayan kaagad ang bungad sa akin ni Sham pagkapasok ko palang ng classroom. Ang mga kaklase ko rin ay nahihiwagaang nakatingin sa akin gamit ang kanilang mga malisyosong mata. Ganyan sila, mga uhaw sa tsismis. Napalunok ako at kaagad na nagbaba ng tingin.
Kaagad kong tinungo ang upuan namin ni Sham at sumubsob. Pero hindi talaga ako makakatakas sa kanya dahil kukulitin at kukulitin ako niyan.
"Xia Aphrodite, hindi talaga kita tatantanan! Sino 'yon?! "
Kaya wala akong choice kundi ikwento sa kanya ang buong nangyari. Kasi nga naman, may mga rules kami. Only the most sensitive topic or problem are valid to be kept from each other, unless you want to share them.
"Omy! He's such a gentleman! So ano? Kayo ba?"
I gasped and look at my best friend who asked the most ridiculous question. Tumataas-baba pa ang mga kilay niya.
"Ano ka ba! Kakakilala ko pa nga sa tao! At dinamayan lang naman ako no'n! "
I exclaimed in horror. Horror talaga kasi kung anong kababalaghan itong iniisip ng babaeng 'to! Nabaliw na yata kakaaral!
Tumawa siya at tiningnan lang ako nang mapang uyam. Para siyang iyong tulad sa mga villain fortune teller sa mga pelikula na may nababasang masamang pangitain at sa halip na maawa sa bida ay natuwa pa!
"Let's see... " Tsaka siya humagikhik sa nakakakilabot na paraan.
Pwera usog! Sabi ko sa aking isipan. Mamaya magka dilang-anghel bigla ang demonyita'ng 'to.
Sasawayin ko pa sana siya nang makita ang aming pinag-uusapan na kakapasok lang. Naka complete uniform siya. His white polo was almost shining and bright to look at, it was as if you can already smell the fragrance of the detergent used to wash the cloth. His slacks, even from afar, I can very much tell that it was lint-free. Then his black shoes. It was blacked and shined like it was just newly purchased straight from the store and he just wore it outside the room. There's no dust or even crease on it making me wonder if we walked on the same dusty and pebbled ground.
Goodness, he look so dashing in his neat and plain uniform. Plantsadong-plantsado at napaka linis ng mga iyon na para bang may kung anong espesyal na detergent ang ginamit para doon.
This man right here is effortlessly handsome. Kung ang iba ay kailangan pang naka bukas ang mga polo, naka back pack na Hawk pero walang laman, may handkerchief na nakatali sa noo tapos may mga hikaw-hikaw pa sa tenga para magmukhang astig, at bad boy kunuhay, ang isang ito, complete uniform at neat looking pero naghuhumiyaw na ang kanyang karisma kahit sa malayo pa.
Boy, he's a snack!
"Hoy! "
"Ay, snack! "
Nanlaki ang aking mga mata. Humagalpak ng tawa ang aking bruhang kaibigan matapos akong mapatalon nang bahagya dahil sa panggugulat niya! Not to mention the word I suddenly uttered!
"Gusto mo ng snack, Xia? May tinda ako dito! May candies, mani, tapos biskwet! "
Tumawa muli si Sham habang ako naman ay napahawak nalang sa aking noo. Iyon si Pablito, kung tawagin ay boy-takatak ng mga kaklase namin. Madiskarte siya't nagtitinda ng kung ano-ano para magka kita.
"Busog pa ako, Pablito. Salamat. "
"Busog na ang mga mata ni Xia—"
Agad na tumahimik si Sham nang samaan ko siya ng tingin at umasta pang nagzi-zipper ng bibig. Sham could be silent at times but when she's in good mood, she tends to be so loud and annoying as hell.
Napailing nalang ako at bahagyang tiningnan si Ryu mula sa aking peripheral vision. Yes, I already knew his name. Well, aside from his introduction kanina sa harap ng klase, noong kumain kami sa Boulevard ay sinabi rin niyang Ryu nalang daw ang itawag ko sa kanya.
Oo, doon kami sa boulevard kumain. Wala kasing tao doon kaya iwas issue. Alam niyo na, nasa Pilipinas tayo. Ang pinaka ayoko sa lahat ay iyong gagawan ka na ng isyu ng mga tao at malalaman mo nalang na may nobyo ka na pala. Hah! Mabuti pa sila, alam nila samantalang ako ay walang ka muwang-muwang! Pinaka malala? Iyong malalaman mo nalang na pinag-chichismisan nilang buntis ka raw. Like what the hell? Paano ako mabubuntis, eh wala nga akong jowa o hindi man lang ako najugjug?
Anyway, kumain lang naman kami doon at paminsan-minsan ay may tinatanong siya. First name basis na agad kami mga, te!
Tahimik lang siyang nakaupo doon at animoy good boy na good boy na nagsusulat sa kanyang notebook. Sana all diba.
Natapos din ang unang araw ng klase at iilang subjects lang ang nag start ng discussion. Usually ganito talaga pag first day of class, chika-chika muna, gano'n tapos walang kamatayang introduction. Napaka boring pero mukhang nag-eenjoy din naman ang mga kaklase ko, iba din kasi ang pakiramdam ng unang araw sa klase.
So far wala pa namang serious na discussion, parang briefing lang ng kada subject at ang ibang lecturer ay nag-bigay nalang ng mga pointers na dapat naming i-search at mag advance reading. We have few topics to search so that we could have a background of our topics for the first quarter.
Sham and I walked until the intersection. Magkahiwalay kasi kami ng dadaanan pauwi ng bahay. Malapit lang naman iyong amin dito kaya lakad lang kami.
But then, nang umabot ako sa kanto sa medyo hindi mataong lugar, a motorcycle suddenly stopped in front blocking my way. Kakabahan na sana ako kaso mukhang pamilyar iyong motor. Nangunot ang aking noo ngunit napasimangot din nang magtanggal ito ng helmet at nakita ko ang lalaking kanina pa talk of the campus.
"Hey... "
Bahagya akong lumapit habang siya naman ay sumandal lang sa kanyang motor. He grinned sheepishly while I just stared at him with a frown on my face.
"Sinusundan mo ba ako? "
He smirked and amusement dance on his eyes.
"Oo. Bakit bawal ba? "
Napaawang ang aking bibig sa kanyang sinabi. This man!
"Ikaw may pag ka eng-eng ka rin, ano? Malamang! Pwede kang makasuhan sa ginagawa mo! "
Humalukipkip lamang siya at nasisiyahang pinapanood ako habang ako naman ay naainis na dito sa may pagka presko niyang ugali.
"You're exaggerating. Sinundan lang naman kita dahil may itatanong ako tungkol sa mga topics natin, and as a classmate I think I could use that as a valid reason to tail on you. "
"Oh, eh bakit ako? Ang dami nating mga classmates! " I reasoned out. He sighed and inserted his two hands inside his pocket.
"Bakit hindi ikaw? You're my classmate, too. I'm a transferee. And among all of our classmates, you're the only one I'm acquainted with. So you're the most reasonable person I should approach. "
Nanliit ang aking mga mata habang tinititigan siya. Ano bang trip ng isang 'to?
"Anong kailangan mo? Bilis! Nagmamadali ako kaya 'wag mong sinasayang ang oras ko. "
He sighed and stared at me. It was just too intimidating that I have to look around to avoid his menacing eyes. Nakatitig lang ako sa likod niya kung saan may bubuyog na pilit pumapasok sa isang makipot na bulaklak nang bigla nalang akong mapasinghap dahil sa kanyang paghatak.
"Fuck! "
My eyes widened and my heart is doing it again. I crashed on his chest and I could smell his manly scent. Our bodies are touching and he's holding me so tight.
"Sorry po! Sorry! Gumewang lang nang kaunti! "
Ramdam ko parin ang sobrang bilis na pagtibok ng aking puso habang nanatili parin ako sa kanyang dibdib.
"Damn! Sa susunod, mag-ingat kayo! Kung hindi naman pala kayo marunong, doon kayo mag bisekleta sa hindi highway! "
I could feel his chest vibrating as he scold someone. Habang ako ay tulala lang at parang hindi parin nababalik sa wisyo.
"Opo! Sorry po talaga! "
The man said in frantic before leaving us there, our bodies still collided. Nilayo niya ako nang bahagya sa kanya at nilibot ng tingin ang aking mukha hanggang sa buo kong katawan. Para akong tangang nakatulala lang dito habang pabilis nang pabilis ang tibok ng aking puso lalo na noong makita ko kung gaano ka seryoso ang kanyang mga mata ngunit may bahid parin iyon ng pag-aalala.
"Are you okay? "
Damn, I could really smell his minty breath from here. His face is too close! And his eyes... His eyes, why are they sporting that kind of emotion?
He looks so concern and worried about my state.
"Hey? Ayos ka lang ba? Natamaan ka ba? "
Napakurap-kurap ako at nabalik sa tamang pag-iisip nang bahagya niya akong yugyugin. My lips parted.
"A-Ano... Ayos lang. "
He sighed and once again, his eyes lingered on mine. At nang hindi ko na makaya ang intensidad ay umiwas na ako ng tingin at napahakbang paatras. Tumikhim ako at napalinga-linga ulit.
"Ah... Ano, salamat. "
What the heck. Why do I feel so damn flustered?
And after that, I walked. I walked away feeling the loud and fast beating of my heart, hoping it will go back to normal but to no avail. Hindi parin siya kumakalma, damn it! Hindi naman ako mahilig uminom ng kape, si Sham lang, kaya bakit ganito ka bilis?
Lord, what is happening?
Narinig ko pang tinawag niya ako ngunit hindi na talaga ako lumingon, mabuti nalang at hindi naman siya sumunod at nangulit pa.
Kinabukasan ay maaga na akong gumising at nag handa. I even cooked our breakfast! I carefully arranged the plates and utensils after I served the sunny side up eggs, bacons, hotdogs, and rice. On the side is a wheat loaf bread and the jams. Oha. Hindi halatang mahirap kami, mga pasalubong kasi ng mga Tito at Ninong ko ang mga jams.
"Mama! May nakapasok! "
Nagtataka kong nilingon si Ate na ngayon ay tinuturo ako.
"Ha?! Jusko! Tumawag ka ng pulis! Alis diyan, Zia! Mga kapitbahay! Trespassing! "
Nanlaki ang aking mga mata at pinalibot rin ang tingin sa paligid para hanapin ang pangahas na kawatan nang bigla na lamang humagalpak ng tawa si Ate. Sa nanliliit na mga mata ay sinamaan ko siya ng tingin habang tinuturo niya lang kaming dalawa ni Mama at tumatawa. Si Mama ay may hawak nang walis at handa nang sumugod sa kung sino mang inakala niyang kawatan, nga lang ay gaga ang kapatid ko kaya siya ang hinabol sa huli.
"Tama na po iyan! Kain na! May pasok pa ako, eh! "
Doon lang sila natigil at namamanghang umupo sa lamesa.
"Dumaan ba ang anghel, Xia? O baka sinapian ka? "
"Ha? "
Sabay naming sagot ni Ate. Kasi naman! Ang saya ng trip nila Mama at pinangalanan kami ng halos magka parehong pronunciation! Zia at Xia. Kaya kailangang i-emphasize palagi ang Z at X para malaman namin kung sino ang tinatawag. May second name naman kami, pero iyon na ang nakasanayan nilang itawag sa amin kaya ayon.
I am Xia Aphrodite while ate's name is Zia Athena.
"Himala't bumangon nang maaga at nagluto pa ang señorita! Salamat sa Diyos at mukhang nadinig anh aking panalangin!"
I frowned and pouted at them while they're just laughing and enjoying the food. Sus. Hindi nalang i-appreciate, eh!
Ang o-OA naman ng mga tao sa bahay.
Pagkarating ko sa school ay umupo na ako sa aking upuan at hinintay si Sham. Nate-tense ako habang pinagmamasdan ang mga kaklase kong parang may sasagupaing Exam sa kakabasa at memorize. Napabuntong-hininga na lamang ako at nilabas nalang ang aking cellphone at earphones para makinig ng kanta dahil nakaka sira ng peace of mind ang mga tao.
Nakapag review at nagbasa na ako kagabi, naintindihan ko iyon nang maigi kaya confident ako. Sabi kasi ni Sham the great, 'wag daw ugaliing mag cramming dahil konti lang ang papasok sa isipan mo kapag gano'n. Hindi rin mabuti ang stress kapag gano'n dahil mawawala ka sa focus at concentration kapag nasa exam, quiz o recitation na mismo.
Oha, good student na good student ang lola niyo. Pero 'wag ka dahil sa first week lang 'yan, tatamarin din kalaunan.
Maya-maya ay dumating narin si Sham at umupo sa aking tabi. We talked a bit and stopped when our subject teacher arrived.
"Every quarter, I will give you projects and activities. To lessen the burden lalo na sa gastos, I will group you by three and that will be your group for the rest of the school year. "
Automatic na napalingon kami sa isa't-isa ni Sham habang may malaking ngisi sa mga labi. Iisa lang naman ang tumatakbo sa isipan namin.
"Pero sir, 35 kami! "
Apila ni Sheena.
"Oh! Edi pares nalang iyong naiwang dalawa! "
Sa sinabing iyon ni Ma'am ay kanya-kanya nang yakapan ang mga kaklase namin para sa kanilang grupo kami naman ni Sham ay napagdesisyonang kami nalang iyong isang pares na naiiba ngunit naudlot ang aming kasiyahan nang magsalita si Ma'am.
"Sorry to burst your bubble, guys, but I will do the groupings! "
Ngisi ni Ma'am na ikina ungol ng mga kaklase ko kabilang na kami ni Sham. Parang gumuho ang aming pangarap.
"Sham... Gusto ko ikaw. "
I pouted. Komportable kasi ako kay Sham at kapag kaming dalawa naiintindihan namin kung ang isa okay na ganito ang gawin o kung mahina siya sa isang bagay. Atsaka hindi namin kailangan magplastikan! Kapag walang ambag ang isa, pwede naming murahin! Eh kung ibang taong hindi ko ka close, siyempre, bait-baitan gano'n. "Okay lang, I understand. Lahat naman tayo nagkakamali, ulitin nalang natin. " Nyenyenye. Sa loob-loob ko ay kumukulo na ang aking dugo at gusto nang mag super saiyan lalo na kung paulit-ulit at malapit na ang deadline. Nakaka stress kaya iyon! Lalo na kung sobrang hirap ng project!
Parang gusto kong hindi nalang isali ang mga pangalan nila sa final output, pero siyempre, good girl tayo.
Hayst. Nai-stress na ako ngayon palang. Sana naman matino ang mapunta sa akin, ano. Hindi ako kasing talino ni Sham kaya hindi ko kayang magbuhat ng ka groupmate at mag astang bayani'ng iraraos ang grupo sa kabagsakan.
"Francisco, Verdeflor and Lim. "
"Ayiiieeee! "
Tukso ng mga kaklase ko matapos ng inanunsyo ni Ma'am habang nakangisi ko namang nilingon si Sham na nakabusangot na ang mukha.
"Peste! "
Natawa ako dahil ayon na't nagdabog na siya habang hindi pa matapos-tapos ang tuksuhan sa classroom. Si Aiden Christian Lim, ang long time crush ni Sham, but sad to say na hindi sila ang tinutukso ng mga kaklase ko kundi sina Colleen Verdeflor na kasalukuyang mag-MU. Nako nako nako.
Dude, that's plain torture. HAHA. Five years niya nang crush iyon, gusto ko nga sabihing Stay Strong. HAHAHA.
"Okay lang 'yan, Sham. One year lang naman. Isang school year lang. "
Ngisi ko ngunit sinamaan lang ako ng tingin ni Sham kaya hindi ko mapigilang mapatawa.
"Bwiset ka! "
"Okay, okay. That leaves Miss Lazarte and Mister Ariente the last one so you'll be the only pair. "
Funny how the tables turned and now Sham is the one grinning at me while mine slowly fades.
Oh shit.
"Okay lang 'yan, Xi. One year lang naman. Isang school year lang. "
Panggagaya niya habang nang-aasar na nakangisi sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Minsan talaga, napapatanong ako sa sarili kung bakit ko best friend ang isang 'to.
"The first activity I will assign to you will be the reporting of our first topics for the week. Bukas ko na ibibigay ang lessons kaya chill muna kayo. "
Chill? Chill?! Frigging chill?!
Omg! Paano ako magchi-chill kung iyong asungot na iyon ang pares ko tapos kapag malapit kami parang hindi napapagod ang puso ko kakatibok nang malakas!
Ano ba naman ito? Tapos... For the rest of the year pa! Frigging hell! Hindi naman pagiging OA ha, pero kasi ayoko nang nadi-distract ako. Atsaka medyo nahihiwagaan ako sa kanya!
"Hi, partner! "
Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagpatuloy na sa paglabas ng classroom.
Grabeng salubong naman ng year na'to!
.
.
.
~~~to be continued...
:>
I stared at the calm and dark sea. The moon reflects on it making it look like there are stars or hidden diamonds shining on it. This is not its usual demeanor. Mostly, the waves are wild and crashing the shore creating that beautiful sound only some people could appreciate.Now... It's calm and silent. Like as if it's resting from its wild adventures."Hey... "My heart flinch, just hearing his voice. I felt him sitting beside me, indian style, on the same spot we used to sit before.Napahugot muli ako ng hininga bago napagdesisyonang balingan na siya ng tingin. Nakatitig na siya sa box na nasa harapan namin ngayon. Hindi siya ang Ryu na nasa harap ng ibang tao, gusto ko sana ngunit pinilit kong pinigil ang tuwa sa kaalamang sa harap ko lang siya ganito— bare, vulnerable but still mysterious.His eyes were a bit glossy as the moon's light reflect on it. Walang makatalong karagatan sa kung gaano ka misteryoso ang kanya
-Xia Aphrodite C. Lazarte-...Nagising ako nang marinig ang ingay sa sala. Kunot-noo kong pinakinggan kung ano ang mga ingay habang unti-unting bumabalik ang aking wisyo. Mga nababasag at nagtutumbahang gamit ngunit ang mas nakaka bahala ay ang sigawan nina Mama, at ni ate. Agad akong napabangon sanhi ng biglang pagsakit ng aking ulo, kaso hindi ko na iyon ininda at kaagad na isinuot ang pambahay na ts
-Xia Aphrodite C. Lazarte-...I woke up the next day feeling groggy from my two hours of sleep. Mag-aalas nuwebe na noong nasulyapan ko ang oras sa bedside table ngunit hindi ko makuhang bumangon. Pinigilan ko ang pag-iisip, gusto kong hindi muna maalala ang nangyari kahapon... Ngunit parang malakas na agos ng tubig sa ilog, hindi ko ito napigilan at tila sabay na bumalik lahat-lahat. Pinilit ko pang kinukumbinse ang sariling bangungot lang ang lahat, ngunit kahit anong gawin ko, wala talaga.It's true, it was real. Papa cheated. Noong isang linggo palang ay palagi ko nang naririnig sina Mama at Papa na nag-aaway, it has something to do with rumors circulating the neighborhood.Hindi ko naman iyon pinagtuonan ng pans
-Xia Aphrodite C. Lazarte-..."Mama! Papasok na po ako! "Sigaw ko habang nagsusuklay at nagmamadaling bumaba ng hagdan."Mag-ingat ka nga pababa ng hagdan. Wala tayong lahing alien na hindi nababali ang buto kahit mahulog. Kumain ka muna. ""Hindi na, Ma. Male-late na ako. "Sabi ko habang sinusuot ang aking sapatos. "Kumain ka muna. Palibhasa ay tulog-mantika ka! Jusko, hindi ka ba nahihiya sa mga kaklase mong malalayo ang bahay tapos alas sais palang ay nandoon na? Samantalang ikaw na ilang hakbang lang papunta sa eskwelahan, late pa! Kumain ka ng agahan. Ayaw kong ipatawag doon at masabihan ng principal na pabaya akong ina dahil hinimatay ka sa gutom. "Ang
-Xia Aphrodite C. Lazarte- . . . "Xia! Halika dito!" Ayan kaagad ang bungad sa akin ni Sham pagkapasok ko palang ng classroom. Ang mga kaklase ko rin ay nahihiwagaang nakatingin sa akin gamit ang kanilang mga malisyosong mata. Ganyan sila, mga uhaw sa tsismis. Napalunok ako at kaagad na nagbaba ng tingin. Kaagad kong tinungo ang upuan namin ni Sham at sumubsob. Pero hindi talaga ako makakatakas sa kanya dahil kukulitin at kukulitin ako niyan. "Xia Aphrodite, hindi talaga kita tatantanan! Sino 'yon?! " Kaya wala akong choice kundi ikwento sa kanya ang buong nangyari. Kasi nga naman, may mga rules kami. Only the most sensitive topic or problem are valid to be kept from each other, unless you want to share them.
-Xia Aphrodite C. Lazarte-..."Mama! Papasok na po ako! "Sigaw ko habang nagsusuklay at nagmamadaling bumaba ng hagdan."Mag-ingat ka nga pababa ng hagdan. Wala tayong lahing alien na hindi nababali ang buto kahit mahulog. Kumain ka muna. ""Hindi na, Ma. Male-late na ako. "Sabi ko habang sinusuot ang aking sapatos. "Kumain ka muna. Palibhasa ay tulog-mantika ka! Jusko, hindi ka ba nahihiya sa mga kaklase mong malalayo ang bahay tapos alas sais palang ay nandoon na? Samantalang ikaw na ilang hakbang lang papunta sa eskwelahan, late pa! Kumain ka ng agahan. Ayaw kong ipatawag doon at masabihan ng principal na pabaya akong ina dahil hinimatay ka sa gutom. "Ang
-Xia Aphrodite C. Lazarte-...I woke up the next day feeling groggy from my two hours of sleep. Mag-aalas nuwebe na noong nasulyapan ko ang oras sa bedside table ngunit hindi ko makuhang bumangon. Pinigilan ko ang pag-iisip, gusto kong hindi muna maalala ang nangyari kahapon... Ngunit parang malakas na agos ng tubig sa ilog, hindi ko ito napigilan at tila sabay na bumalik lahat-lahat. Pinilit ko pang kinukumbinse ang sariling bangungot lang ang lahat, ngunit kahit anong gawin ko, wala talaga.It's true, it was real. Papa cheated. Noong isang linggo palang ay palagi ko nang naririnig sina Mama at Papa na nag-aaway, it has something to do with rumors circulating the neighborhood.Hindi ko naman iyon pinagtuonan ng pans
-Xia Aphrodite C. Lazarte-...Nagising ako nang marinig ang ingay sa sala. Kunot-noo kong pinakinggan kung ano ang mga ingay habang unti-unting bumabalik ang aking wisyo. Mga nababasag at nagtutumbahang gamit ngunit ang mas nakaka bahala ay ang sigawan nina Mama, at ni ate. Agad akong napabangon sanhi ng biglang pagsakit ng aking ulo, kaso hindi ko na iyon ininda at kaagad na isinuot ang pambahay na ts
I stared at the calm and dark sea. The moon reflects on it making it look like there are stars or hidden diamonds shining on it. This is not its usual demeanor. Mostly, the waves are wild and crashing the shore creating that beautiful sound only some people could appreciate.Now... It's calm and silent. Like as if it's resting from its wild adventures."Hey... "My heart flinch, just hearing his voice. I felt him sitting beside me, indian style, on the same spot we used to sit before.Napahugot muli ako ng hininga bago napagdesisyonang balingan na siya ng tingin. Nakatitig na siya sa box na nasa harapan namin ngayon. Hindi siya ang Ryu na nasa harap ng ibang tao, gusto ko sana ngunit pinilit kong pinigil ang tuwa sa kaalamang sa harap ko lang siya ganito— bare, vulnerable but still mysterious.His eyes were a bit glossy as the moon's light reflect on it. Walang makatalong karagatan sa kung gaano ka misteryoso ang kanya