Home / All / Translucent / Chapter 2

Share

Chapter 2

Author: Fatal_sole
last update Last Updated: 2021-07-05 23:49:14

-Xia Aphrodite C. Lazarte-

.

.

.

I woke up the next day feeling groggy from my two hours of sleep. Mag-aalas nuwebe na noong nasulyapan ko ang oras sa bedside table ngunit hindi ko makuhang bumangon. Pinigilan ko ang pag-iisip, gusto kong hindi muna maalala ang nangyari kahapon... Ngunit parang malakas na agos ng tubig sa ilog, hindi ko ito napigilan at tila sabay na bumalik lahat-lahat. Pinilit ko pang kinukumbinse ang sariling bangungot lang ang lahat, ngunit kahit anong gawin ko, wala talaga.

It's true, it was real. Papa cheated. Noong isang linggo palang ay palagi ko nang naririnig sina Mama at Papa na nag-aaway, it has something to do with rumors circulating the neighborhood.

Hindi ko naman iyon pinagtuonan ng pansin, dahil noon palang ay suki na naman kami ng mga tsismis ng kapitbahay. Tungkol kay Mama, kay Papa, our business, Papa's attitude and many more, I guess I was already so immuned that I did not listen or give a fuck about it, totoo kasi ang iba sa mga iyon at kung hahayaan mo namang sirain at hilain ka pababa ng mga tsismis, wala ka rin. Talo ka.

I never thought that it was about Papa having mistress this time. I never once thought that this would happen to us. Apparently, it was not just a rumor. Mama, maybe confirmed it dahil kilala ko si Mama, hindi iyon basta-basta nagagalit, hindi iyon basta-basta naaapektuhan kung hindi naman totoo, at higit sa lahat, inaalam muna niya ang totoo bago umakto o mag react sa sitwasyon.

Latang-lata akong pumasok sa CR. I usually, hate cold showers lalo na kapag sa umaga. Ngayon kailangan ko ng kahit anong makakapag pagising sa akin nang tuluyan, iyong sasampal sa akin ng katotohanan upang masimulan ko narin ang pilit na pagbaon ng sakit sa aking kaloob-looban.

The longer you accept everything, the longer your suffering will torture you. But it doesn't mean na mawawala na talaga, makakalimutan ko na hindi na ako masasaktan, because apparently, I'm a coward that is desperate to burry the pain inside, to distract myself from the misery.

Nang matapos akong maligo ay basta nalang akong humugot ng kung anong pambahay sa aking cabinet bago bumalik ulit sa kama. Ayokong bumaba, kahit na kumakalam na ang sikmura ko. Natatakot ako na kinakabahan.

Nakatitig lang ako sa kawalan nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Saglit pa akong nakatunganga bago dahan-dahan iyong inabot at wala sa sariling sinagot ang kung sinong tumatawag.

"Xia!"

Kung noon ay nilalayo ko mula sa aking tenga ang aking telepono kapag ang malakas na boses ni Sham ang bumubungad sa akin, ngayon naman ay tila lumagpas lang sa magkabila kong tenga ang boses nito mula sa kabilang linya.

"Hoy! Hello! May tao ba diyan? "

"Oh? "

"Ang gandang bungad naman. Good morning din sa'yo! Hoy. Igala mo naman ako. Mabubulok na ako dito sa bahay. "

"Sa susunod nalang. "

"I'm literally rotting here inside my room, already. I'm bored. "

"Hm. "

The line went silent. I know. I know she can already smell my indifference. Malakas ang pang amoy niyan. Literally and figuratively speaking. She knows me quite well enough and sometimes I can't decide if it's a good thing or not. She's Shanelle Magdalene Francisco- or Sham for me, my only best friend since our diapher days. We blend pretty well and that's why I can call her my best friend.

"Gala tayo? Libre ko. Do'n sa favorite mong cafe. "

I told you, she knows. That is her way of saying "please be okay", because sometimes, she knows when I am not up for the "are you okay" question. A smile stretch between my lips.

"Hm. Walang bawian, ah? I-oorder ko iyong mga paborito kong pagkain doon. "

"Oo na. Bruha ka. Librehin mo rin ako sa susunod! "

Nagbihis lang ako ng itim leggings at plain gray hoodie bago kinuha ang aking cellphone at maliit na purse na may lamang bente pesos.

Okay na 'to. Gusto ko munang huminga nang medyo maayos. Para kasing hirap na hirap ako dito sa bahay dahil naaalala ko palagi ang nangyari.

I know I said that I want to accept everything already so that I can forget afterwards. But who am I kidding, right? I still can't clench everything. I still can't accept it no matter how hard I try...

Pagbibigyan ko nalang muna ang sarili ko... since kahapon palang naman... Sandali lang, hindi ko pa kasi kaya.

Humugot pa ako ng ilang pagkalalim-lalim na mga hininga bago lumabas at dahan-dahang bumaba. Then I saw them in the living room. Si Mama ay nandoon, prenteng-prente ang pagkakaupo habang nagtsa-tsaa habang si ate naman ay kinakalikot ang kanyang mga kuko. Ang hilig-hilig sundutin ng matulis na bakal para linisin. Kung titingnan sila, parang walang nangyari kagabi, parang hindi nasaktan o umiyak.

Nag-angat sila ng tingin nang makababa na ako sa hagdan at palapit na sa kanila. Ang bikig sa aking lalamunan ay nandoon na naman. I composed myself and smiled at them. Ganito kami, hilig at talent namin ang magpanggap. Magaling magtago ng totoong nararamdaman, umiiwas sa bigat ng mga problema, iiyak saglit at pagkatapos no'n ay babalik ulit sa normal kahit pa sa loob-loob ay andoon parin ang sakit, andoon parin ang marka ng kahapon.

"Ma, Ate, lalabas po muna kami ni Sham. "

"Sige. Mag-ingat kayo. "

Tumango lang ako at kaagad na naglakad palabas. Pabigat nang pabigat at pasikip nang pasikip ang aking dibdib. Nagmamadali kong tinungo ang aking bisekleta at kaagad na inilabas ito sa gate para agad na makalayo. Madali sa aking mag panggap dahil hindi naman ako ma drama at iyaking tao. I cry once in a blue moon at sa lahat ng pagkakataong iyon, mag-isa lang ako. Well... isang beses sa harap ni Sham. Except din pala noong bata pa ako. Umiiyak ako palagi kay Pa— nevermind.

I sighed and bit my lip to divert my attention. Andiyan na naman, maaalala ko na naman.

Malapit lang mula sa kanya-kanya naming tahanan ang paborito naming cafe ni Sham, ilang padyak lang. Nang makarating ako ay nakita ko na siyang nakaupo sa loob kaya pumasok narin ako pagkatapos i-ayos ang bisekleta sa tabi ng kanya at tinungo ang aming paboritong pwesto kapag kumakain.

Nang namataan ako ay kaagad niyang kinalikot ang backpack na dala. Napabuntong-hininga na lamang ako. Oo nga pala, siya si Sham. Kapag ganitong alam niyang may problema ako, study session ang bagsak namin. Alam niya kasing hindi ako madaling matuwa sa mga memes, at gano'n din naman siya kaya dito niya dinadaan iyon. This is her way of distracting me from the pain, which she knew that's what I want to do in times like this. Kasi alam niyang kapag gusto kong mag open-up, ako ang mag-iinitiate. That's why I love her. She's not common and we share the same depth of thinking. She's not complicated to be with, either, sadyang pag-iisip lang namin ang complicated.

Lumapit naman kaagad si Aling Lorna, ang may-ari ng cafe na ito na naka close na namin dahil nga dito kami madalas kumain kapag may celebration o kapag may manlilibre ang isa sa amin. Mura lang kasi dito, at tsaka masasarap ang mga pagkain.

"Oh? Long time, no see! "

Ngiting bungad niya. This woman is full of positivity that's why she attracts good vibes inside her cafe, too.

"Nako, Aling Lorna! Alam niyo na, bakasyon kasi, eh! Wala ng allowance mula kina Mama na maiipon, kaya ayon! Wala kaming pang chibog! Swinerte lang po ngayon! "

Bibong ani Sham. Natawa ang ginang at bumaling sa akin. Nawala naman ang kanyang ngiti nang makita ako, siguro dahil medyo namumugto ang mga mata ko dahil una, umiyak ako kaninang madaling araw at pangalawa, higit dalawang oras lang ang tulog ko. Umiwas ako ng tingin at dinampot na ang menu.

"Dahil po libre ni Sham, oorder ako ng mga paborito kong pagkain! Squid rolls, kikiam, chicken balls, tapos iyong kwek-kwek niyo po na buo ang itlog sa ilalim, iyong special burger niyo po, mais con yelo, milktea na may maraming boba pearls, tig-dadalawang order po, ah? Bff fries tsaka iyong medium platter ng Spaghetti. Iyon lang po. "

Napaisip pa ako kung ano pang pwede pero dahil baka mag hingalo na ang wallet ni Sham, 'wag nalang.

"At tubig narin po pala. "

Doon lang ako nag-angat ng tingin kay Sham na ngayon ay parang naluging Hapon.

"Wow, ah? Baka may gusto ka pang idagdag? Okay lang talaga. Sige, sige. Tutal iiwan kita rito mamaya para maghugas ng pinggan. "

Ngumisi nalang ako at kinindatan si Aling Lorna na natatawa nalang bago nagtungo sa counter. Alam ko namang pipigilan ako ni Sham kapag sumobra na ako.

"O game na? Sige na turuan mo na ako. Matagal-tagal pa iyong order natin. "

"Correction, order mo. "

Umirap si Sham bago nilabas iyong mga libro niya. Ang kakapal, grabe. Nagtataka lang ako na hanggang ngayon ay hindi pa ito nakukuba sa sobrang bigat ng mga dala.

"I stand corrected, ma'am. "

Ginaya ko pa iyong most used line niya kapag nagre-recit. Natatawa ako hanggang sa ayon na nga, nagsimula na siyang magturo. What I love about her is that she explain things in the most simple words so that it is easier to understand. Ito daw ang tinatawag na 'Feynman's Technique', it's a give take since she could learn and memorize the lesson better kapag tinuturo niya.

"Okay, do you understand now? "

I just showed her my two thumbs up. This girl can really teach better than our teachers. Sakto namang inihain na ang mga order namin kaya nagsimula na rin naming habhabin ang mga iyon. Dahil nga marami, putol-putol kung kumain, kakain, magpapahinga, mag-aaral, kakain. Until it's already 2 o'clock in the afternoon nang matapos kami.

Dumighay ako at napasandal sa sandalan ng aking upuan at gano'n din si Sham.

"Sige na. Magsimula ka nang maghugas doon. "

I just grinned while watching her open her purse. Tingnan mo 'tong isang to. May five hundred naman pala, eh!

"Yaman, ah. Order pa ako ng take-out? "

Sinamaan lang niya ako ng tingin bago nagpunta sa counter. Sus. Alam ko namang may ten percent discount kami.

Nagsimula na akong ayusin ang aming pinagkainan. Nakasanayan na namin ni Sham iyon. Kasi wala namang masama kung tutulungan mong pagaanin ang trabaho ng iba.

Pagkatapos ay lumabas na kami. Ngunit bago makasakay sa bisekleta ay nilingon ko siya.

"Sa tulay tayo? "

Tinitigan niya muna ako bago ngumiti nang tipid at tumango. Gamit ang kanya-kanyang mga bisekleta, doon nga kami patungo sa tulay na ilang metro nalang ang layo mula sa kanilang bahay.

This place is peaceful and one of my favorite spot to just sit and think about life and its shit. Nakaka relax kapag katapat mo ang kapaligiran... Mga puno, ilog, bundok... Iyon ang gusto naming view ni Sham.

Umupo kami doon sa gilid. Tahimik lamang kami hanggang sa nahanap ko na ang aking boses upang magsalita.

"Papa cheated. "

Walang ka gatol-gatol kong ani. I heard her gasp, nabigla rin panigurado dahil madalas siya doon tumambay.

"Nag-aaway na sila gabi-gabi sa isang linggo. Narinig ko lang naman ay tungkol daw sa tsismis ng mga kapitbahay... Pero hindi ko naman alam na iyon pala ang tsismis na tinutukoy ni Mama. "

Ngumiti ako nang mapait at tinutok lang ang paningin sa harap. Alam ko namang nakikinig at nakatitig lang siya sa akin. Ayokong tumingin sa nga mata niya dahil maiiyak talaga ako.

"Hindi ka maniniwalang binasag ni Mama halos lahat ng mga pinakamamahal niyang plato. Grabe, gano'n kalala. Alam mo namang mas mahal pa yata ni Mama ang mga iyon sa amin ni ate. Maski iyong pinaka ingat-ingatan niyang vase, nabasag. Hay nako. "

Naramdaman kong may kinalikot siya sa kanyang backpack at may kinuha doon. She then grabbed both of my hands and stare at it before clicking her tongue.

"Gaga ka talaga. Maglilinis nalang, ayan ang dami pang sugat. Tsk. "

Nagsimula na niya iyong linisin bago nilagyan ng band aid na may panda print.

"Sus. Talaga namang caring na caring ang best friend ko. Hindi na ako nag-abala. "

We just chuckled.

"So... Ano nang gagawin mo? I know you. Mas inuuna mo pa sila bago sarili mo. Xi, please take care of yourself, too. Alam mong walang masama kapag ipakita mo rin sa kanila na kailangan mo ring maalagaan. I'm always here for you, but I can't always be there for you. Got the difference? "

I smiled and nodded. Alam ko naman iyon... Minsan, kailangan din talaga nating tumayo lang sa ating mga paa, kailangan nating magpakatatag dahil hindi sa lahat ng panahon ay may dadamay sa'yo.

"Char. Pwede ka na talagang maging philosopher, friend. "

Inirapan lang niya ako bago natawa nang bahagya.

"Bruha, 'wag mo akong daanin sa ganyan. "

I chuckled. I know right.

"Oo na. Oo na. Ano ka ba. Hindi ba uso sa'yo ang messenger? Tawag? Text? O baka gusto mo ring snapchat, g***l, o telegram. Kung gusto mo, sulatan pa kita, eh. "

Binatukan niya lang ako habang tatawa-tawa lang ako dito.

"Ano ka ba! Seryoso nga kasi, eh! Hoi, 'wag mo akong lokohin. Alam mong pareho tayong tamad mag type kaya hindi uubra sa'tin iyang messenger, g***l, snapchat o kung ano pang icheburiche. Tumawag ka nalang- ay shuta, wala nga din pala tayong load palagi. "

Sa huli ay tumawa nalang kami. Kami yata ang pinaka unusual na mag best friend. Hindi kami madalas magka-chat, iyong tipong may kailangan o importanteng chika lang, tamad kasi kaming mag chat kaya mas bumabawi kaming magdaldalan sa personal. Wala din kaming palaging load. Tipong tatlong araw lang sa isang linggo. GoSurf50, gano'n.

"Oo na. Tatakbo lang ako sa inyo pag 'di na talaga carry, don't worry. Oi rhyme 'yon. "

"Gaga. May bisekleta. "

Sa huli ay nag daldalan nalang kami ng mga walang kwentang bagay. Nagtatawanan, at nag-aasaran. Na para bang walang pinagdadaanan, na para bang hindi sobrang bigat ng aming mga problema, na para bang hindi nasasaktan sa kaloob-looban.

Tip namin iyan ni Sham. Pagtawanan mo ang mga problema para mahiya at layasan ka na.

Sa huli kasi, kapag lulunurin mo ang sarili mo sa problema, ikaw ang masisira. Ayaw kong mabaliw o iyong magpaka senti palagi na para bang wala ng bukas. Drama is clearly not my cup of tea.

Iiyak ngayon, mamaya ay muling babangon. Wala, hindi ka hihintayin ng mundo habang lunod na lunod ka parin sa problema, kaya dalhin mo nalang iyon habang nakikisabay karin sa pag-ikot ng mundo. Malay mo, dahil wala namang nags-stay sa'yo ay iwan ka rin ng mga iyon kalaunan.

.

.

.

~~~to be continued...

Related chapters

  • Translucent   Chapter 3

    -Xia Aphrodite C. Lazarte-..."Mama! Papasok na po ako! "Sigaw ko habang nagsusuklay at nagmamadaling bumaba ng hagdan."Mag-ingat ka nga pababa ng hagdan. Wala tayong lahing alien na hindi nababali ang buto kahit mahulog. Kumain ka muna. ""Hindi na, Ma. Male-late na ako. "Sabi ko habang sinusuot ang aking sapatos. "Kumain ka muna. Palibhasa ay tulog-mantika ka! Jusko, hindi ka ba nahihiya sa mga kaklase mong malalayo ang bahay tapos alas sais palang ay nandoon na? Samantalang ikaw na ilang hakbang lang papunta sa eskwelahan, late pa! Kumain ka ng agahan. Ayaw kong ipatawag doon at masabihan ng principal na pabaya akong ina dahil hinimatay ka sa gutom. "Ang

    Last Updated : 2021-07-26
  • Translucent   Chapter 4

    -Xia Aphrodite C. Lazarte- . . . "Xia! Halika dito!" Ayan kaagad ang bungad sa akin ni Sham pagkapasok ko palang ng classroom. Ang mga kaklase ko rin ay nahihiwagaang nakatingin sa akin gamit ang kanilang mga malisyosong mata. Ganyan sila, mga uhaw sa tsismis. Napalunok ako at kaagad na nagbaba ng tingin. Kaagad kong tinungo ang upuan namin ni Sham at sumubsob. Pero hindi talaga ako makakatakas sa kanya dahil kukulitin at kukulitin ako niyan. "Xia Aphrodite, hindi talaga kita tatantanan! Sino 'yon?! " Kaya wala akong choice kundi ikwento sa kanya ang buong nangyari. Kasi nga naman, may mga rules kami. Only the most sensitive topic or problem are valid to be kept from each other, unless you want to share them.

    Last Updated : 2021-08-11
  • Translucent   Prologue

    I stared at the calm and dark sea. The moon reflects on it making it look like there are stars or hidden diamonds shining on it. This is not its usual demeanor. Mostly, the waves are wild and crashing the shore creating that beautiful sound only some people could appreciate.Now... It's calm and silent. Like as if it's resting from its wild adventures."Hey... "My heart flinch, just hearing his voice. I felt him sitting beside me, indian style, on the same spot we used to sit before.Napahugot muli ako ng hininga bago napagdesisyonang balingan na siya ng tingin. Nakatitig na siya sa box na nasa harapan namin ngayon. Hindi siya ang Ryu na nasa harap ng ibang tao, gusto ko sana ngunit pinilit kong pinigil ang tuwa sa kaalamang sa harap ko lang siya ganito— bare, vulnerable but still mysterious.His eyes were a bit glossy as the moon's light reflect on it. Walang makatalong karagatan sa kung gaano ka misteryoso ang kanya

    Last Updated : 2021-07-05
  • Translucent   Chapter 1

    -Xia Aphrodite C. Lazarte-...Nagising ako nang marinig ang ingay sa sala. Kunot-noo kong pinakinggan kung ano ang mga ingay habang unti-unting bumabalik ang aking wisyo. Mga nababasag at nagtutumbahang gamit ngunit ang mas nakaka bahala ay ang sigawan nina Mama, at ni ate. Agad akong napabangon sanhi ng biglang pagsakit ng aking ulo, kaso hindi ko na iyon ininda at kaagad na isinuot ang pambahay na ts

    Last Updated : 2021-07-05

Latest chapter

  • Translucent   Chapter 4

    -Xia Aphrodite C. Lazarte- . . . "Xia! Halika dito!" Ayan kaagad ang bungad sa akin ni Sham pagkapasok ko palang ng classroom. Ang mga kaklase ko rin ay nahihiwagaang nakatingin sa akin gamit ang kanilang mga malisyosong mata. Ganyan sila, mga uhaw sa tsismis. Napalunok ako at kaagad na nagbaba ng tingin. Kaagad kong tinungo ang upuan namin ni Sham at sumubsob. Pero hindi talaga ako makakatakas sa kanya dahil kukulitin at kukulitin ako niyan. "Xia Aphrodite, hindi talaga kita tatantanan! Sino 'yon?! " Kaya wala akong choice kundi ikwento sa kanya ang buong nangyari. Kasi nga naman, may mga rules kami. Only the most sensitive topic or problem are valid to be kept from each other, unless you want to share them.

  • Translucent   Chapter 3

    -Xia Aphrodite C. Lazarte-..."Mama! Papasok na po ako! "Sigaw ko habang nagsusuklay at nagmamadaling bumaba ng hagdan."Mag-ingat ka nga pababa ng hagdan. Wala tayong lahing alien na hindi nababali ang buto kahit mahulog. Kumain ka muna. ""Hindi na, Ma. Male-late na ako. "Sabi ko habang sinusuot ang aking sapatos. "Kumain ka muna. Palibhasa ay tulog-mantika ka! Jusko, hindi ka ba nahihiya sa mga kaklase mong malalayo ang bahay tapos alas sais palang ay nandoon na? Samantalang ikaw na ilang hakbang lang papunta sa eskwelahan, late pa! Kumain ka ng agahan. Ayaw kong ipatawag doon at masabihan ng principal na pabaya akong ina dahil hinimatay ka sa gutom. "Ang

  • Translucent   Chapter 2

    -Xia Aphrodite C. Lazarte-...I woke up the next day feeling groggy from my two hours of sleep. Mag-aalas nuwebe na noong nasulyapan ko ang oras sa bedside table ngunit hindi ko makuhang bumangon. Pinigilan ko ang pag-iisip, gusto kong hindi muna maalala ang nangyari kahapon... Ngunit parang malakas na agos ng tubig sa ilog, hindi ko ito napigilan at tila sabay na bumalik lahat-lahat. Pinilit ko pang kinukumbinse ang sariling bangungot lang ang lahat, ngunit kahit anong gawin ko, wala talaga.It's true, it was real. Papa cheated. Noong isang linggo palang ay palagi ko nang naririnig sina Mama at Papa na nag-aaway, it has something to do with rumors circulating the neighborhood.Hindi ko naman iyon pinagtuonan ng pans

  • Translucent   Chapter 1

    -Xia Aphrodite C. Lazarte-...Nagising ako nang marinig ang ingay sa sala. Kunot-noo kong pinakinggan kung ano ang mga ingay habang unti-unting bumabalik ang aking wisyo. Mga nababasag at nagtutumbahang gamit ngunit ang mas nakaka bahala ay ang sigawan nina Mama, at ni ate. Agad akong napabangon sanhi ng biglang pagsakit ng aking ulo, kaso hindi ko na iyon ininda at kaagad na isinuot ang pambahay na ts

  • Translucent   Prologue

    I stared at the calm and dark sea. The moon reflects on it making it look like there are stars or hidden diamonds shining on it. This is not its usual demeanor. Mostly, the waves are wild and crashing the shore creating that beautiful sound only some people could appreciate.Now... It's calm and silent. Like as if it's resting from its wild adventures."Hey... "My heart flinch, just hearing his voice. I felt him sitting beside me, indian style, on the same spot we used to sit before.Napahugot muli ako ng hininga bago napagdesisyonang balingan na siya ng tingin. Nakatitig na siya sa box na nasa harapan namin ngayon. Hindi siya ang Ryu na nasa harap ng ibang tao, gusto ko sana ngunit pinilit kong pinigil ang tuwa sa kaalamang sa harap ko lang siya ganito— bare, vulnerable but still mysterious.His eyes were a bit glossy as the moon's light reflect on it. Walang makatalong karagatan sa kung gaano ka misteryoso ang kanya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status