Home / All / Translucent / Chapter 3

Share

Chapter 3

Author: Fatal_sole
last update Last Updated: 2021-07-26 02:34:38

-Xia Aphrodite C. Lazarte-

.

.

.

"Mama! Papasok na po ako! "

Sigaw ko habang nagsusuklay at nagmamadaling bumaba ng hagdan.

"Mag-ingat ka nga pababa ng hagdan. Wala tayong lahing alien na hindi nababali ang buto kahit mahulog. Kumain ka muna. "

"Hindi na, Ma. Male-late na ako. "

Sabi ko habang sinusuot ang aking sapatos.

"Kumain ka muna. Palibhasa ay tulog-mantika ka! Jusko, hindi ka ba nahihiya sa mga kaklase mong malalayo ang bahay tapos alas sais palang ay nandoon na? Samantalang ikaw na ilang hakbang lang papunta sa eskwelahan, late pa! Kumain ka ng agahan. Ayaw kong ipatawag doon at masabihan ng principal na pabaya akong ina dahil hinimatay ka sa gutom. "

Ang layo-layo na ng nilakbay ng usapan namin ni Mama. Grabe, parang noong bakasyon ay hinahayaan lang naman ako no'n magutom sa kwarto.

"Ma, male-late na talaga ako, eh. First day of school po ngayon as a senior. Kailangan andoon na ako. "

Isang napaka laking mali, Xia. Gaga ka talaga at nakalimutan mo na.

"Hay nako! Ayan! Hindi ka kasi gumigising nang maaga! Samantala noon, kami alas tres palang gising na! Nagsasaing, naglalaba, nangangahoy, nagluluto at kung ano-ano pa! Noon wala pang mga bike-bike, nilalakad namin ang pagkalayo-layong skwelahan para makapasok! At hindi pa konkreto ang mga daanan, sobra pang maputik! Wala kaming baon, tanging bayabas at sinangag na mais lang! Samantalang kayo, ang swerte-swerte niyo na dahil ang dali-dali nalang tapos male-late ka pa! Ano ba naman señorita... blah blah blah... "

Ayon, sinabi ko na diba? Manlalakbay si Mama. Sobrang layo ng nararating.

"Opo na po. Kakain na po ako. "

At bago pa ako mabato ng tsinelas niyang improvise bakya na may foam, ayon na nga't hindi na ako umangal at kumain na.

"Hoy, Gaga! Late na tayo! "

Bungad kaagad ni Sham na naghihintay sa gate. Ni-lock ko muna ang aking bisekleta bago lakad-takbong tinungo siya.

"Ano ka ba! Nasanay na akong matulog nang mahaba! Pesteng alarm, hindi naman effective! "

Alam niyo ba kung gaano ako nag effort mag set ng alarm? 4:50, 5:00, 5:30, 5:45, 6:00, 6:15, 6:30. Ayan. Ni isa sa kanila, walang gumana. Nagising lang ako nang tangkain akong patayin ni ate gamit ang unan, amp.

"Tsk! Alam mo, ang dapat sa'yo iyong bed mismo ang alarm. Ihuhulog ka, gano'n! "

Umirap nalang ako bago pumunta sa aming room. STEM. Ang aking magiging kamatayan. Kasi, naman! Gusto ko pang mag Architect kahit mahina ako sa Math! Wala na akong ibang maisip na gustong propesyon, iyon lang.

Mabuti nalang at may Flag ceremony pa, kaya pagkarating namin doon ay nag-aayos pa ang mga kaklase ko. Nagdaldalan pa nga ang iba, mostly kasi ay mga kaklase ko ang nandito mula sa Grade 10, Special Science Class. May ilang mga alien akong nakikita, in short, undefined and unrecognized people. Hindi ko mga kilala, ang iba ay namumukhaan lang.

Hindi nagtagal ay dumating narin si Ma'am kaya natahimik narin ang lahat. Huwag kayong mag-alala, sa simula lang 'yan. Pinapakiramdaman pa kasi nila ang guro, hindi pa mag dadalawang araw ay babalik na sa normal ang mga tao— maiingay.

"Good morning, everyone! Let me introduce myself to you. I am your class adviser, Miss Aliana Pagasian, nagmula sa lupain ng mga magaganda't malalaman! "

Nagsitawanan ang lahat. As in kasing literal na malaman si ma'am. Hehe. Hoy, hindi ako nagju-judge, ah. Honest lang. At syempre, hindi mako-kompleto ang first day of class kung walang pesteng introduction. Nakakapagod at boring no'n. Kilala ko naman ang nga mukhang iyan, iyong iba lang. Makikilala ko naman sila kalaunan, eh. Hello? May next year pa. Halos dalawang taon kaming magiging magka-klase. Ewan ko nalang kung hindi pa namin makilala ang isa't-isa.

"Hi. I am Xia Aphrodite Lazarte. Please to meet you all. "

Pakilala ko noong ako na.

"Hoy! Nag meet na tayo noong grade seven pa! "

Umirap nalang ako at hindi pinansin ang matsing na 'yon. Wala, hindi parin sila nagbabago.

Noong matapos na ay may tiningnan si ma'am sa likod. Well, sa banda namin since nasa likod din kami ni Sham. Safe dito, medyo hindi ka makikita ng mga terror teacher niyo na naghahanap ng bibitayin, este magre-recite sa klase niyang sobrang nakakadugo ng ilong sa hirap. At least din ay mabubulungan ako ni Sham kapag nagkataon. Ito ang tinatawag naming black market. Medyo hindi malinis ang kalakaran sa banda rito.

"Wait... May kulang pa. 35 kayo dapat, asan ang isa? "

As if on cue, may aninong tumapat sa pinto namin. Nakabukas lang ang pinto kasi hindi naman 'to aircon at baka maluto na kami kung walang preskong hangin.

"Oh? Are you mister Ariente? "

Dinig kong tanong ni ma'am. Nagne-nail-cutter kasi ako dito dahil hindi ko na nagupitan ang kuko ko kanina sa pagmamadali. Baka may inspection bigla iyong school nurse namin, mahirap na. Ang harsh pa naman no'n mag gupit, talagang malapit sa nail bed kaya sumasakit. May isa pa ngang beses na literal talagang dumugo iyong pinag gupitan na daliri. Tsk. Na trauma na ako.

"Well, ayoko nga pala sa mga late, pero since first day of school ay palalagpasin ko muna 'to. Sa susunod, three consecutive times of being late is equal to detention—"

"Ay char, ma'am. Wala tayo niyan dito. Ipa squat niyo nalang po. "

Nagtawanan ang lahat sa sinabing iyon ni Sheena, isa sa mga pinaka madaldal na kaklase ko dito. Totoo naman kasi. Hindi naman ito private school o iyong mga prestihiyosong paaralan na sosyal-sosyalan at may mga pa-detention pang nalalaman, maski canteen namin dito, siksikan pag pipila at walang mga lamesa o upuan na matatambayan. Ang library naman, hindi pa ayos at hindi iyong mga ideal libraries na gusto mong doon mag-aral not to mention na kulang na kulang ang mga libro doon.  Hmm... Wala ding mga pool o kung ano mang chechebureche. Public school kasi, eto. Atleast naman eh magagandang magturo ang mga guro, masaya na ako do'n. Payts na.

"Squat? Ano tapos ako naman ang irereklamo niyo ng child abuse? "

"Ma'am, hindi na po kami bata. "

Ayon, muntik nang makalimutan ang na-late ng dating kung hindi lang ito tumikhim. Natatawa nalang ako dito habang nagne-nailcutter nang patago.

"Ay andiyan ka pa pala, mister Ariente. Sige na, introduce yourself. Sa susunod nalang natin pag-usapan ang parusa sa mga late. "

"Good morning. I am Ryu Irving L. Ariente, nice to meet you all. "

I frozed on the spot when I heard his voice. That voice! Hindi ako pwedeng magkamali, siya iyon! Isang buwan mahigit pa lang ang nakakalipas simula noong gabing iyon!

Maski si Sham na nagbabasa lang ng libro ay nag-angat ng tingin sa harapan.

"Ay shet! Xia, ang gwapo! "

I heard her exclaimed. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso at hindi ako makapaniwalang sobra akong kinakabahan.

Shet anong nangyayari sa akin? I felt a pair of eyes staring at me from afar. At nang nag-angat ako ng tingin ay tuluyan na nga akong natulala sa lalaki sa harapan. He's staring directly at me!

Shet. Namamalikmata lang ba ako?

But to prove that I am certainly not daydreaming, the world helped me by slapping the reality.

"Ouch! "

Sa napaka tahimik na paligid ay napa aray ako nang aksidente kong ma nail cutter ang gilid ng aking daliri kaya napunta sa akin ang mga mata nilang lahat. Nanliit ang mga mata sa akin ni ma'am Pagasian nang makita ang ginagawa ko at ako naman ay napalunok na lamang.

"Miss Lazarte, sa bahay niyo dapat ginagawa iyan. "

Napatungo nalang ako habang nilalamon ng hiya ang buo kong pagkatao.

Shet naman, kalawakan. Ngayon mo pa piniling pahiyain ako.

"Sorry po. "

Pesteng kagagahan!

"Anyways, choose your seat, mister Ariente. "

Nakatungo lang ako at mariing naka pikit, hindi parin nakaka move-on sa kahihiyan. Ano ba naman kasi, Xia!

"Girl, mang-aagaw ka ng spotlight. "

Natatawang bulong sa akin ni Sham kaya sinamaan ko siya ng tingin. Inabot niya sa akin iyong band-aid na may panda print na palagi niyang dala. Seriously, sa kapal ng mga libro niya, nagagawa niya paring magdala ng first aid kit.

"Sa likod mo nakaupo! Shet! "

Sa sinabing iyon ni Sham ay para akong nanigas sa aking kinauupuan. Nanlalaki ang aking mga mata at parang sumabit sa ugat ang hangin sa aking baga.

Ommyyyy!

"Okay, dahil first day palang. I-iintroduce ko muna ang ating subject at ang module. Dahil nga senior na kayo, this is like a gateway and introduction to college. The system here is almost the same with college para makapag adjust kayo. Kasi diba kapag binibigla, mahihirapan ka mag adjust? "

Umungol nang sabay ang mga kaklase ko sa hindi ko malamang rason. Nagtawanan silang lahat maliban sa aming tatlo ni Sham at noong si Mr. Ariente. Tawang-tawa ang mga lalaki habang kami naman ay nakakunot lamang ang noo. Alam kong dirty joke 'yon, kaya gano'n sila maka react pero talagang hindi gumagana sa amin. Minsan talaga, hindi ko maintindihan ang mga sense of humor ng mga tao.

Tumakbo pa ang oras at hindi ko magawang makinig sa mga pinagsasabi ni ma'am sa harapan. Shet nawawala ako sa focus! Hindi ito maganda. Omygee.

"Miss Lazarte! "

Ayan! Nausog! Shet naman, unang araw palang sobra na ang inaabot kong hiya.

"Y-Yes, ma'am? "

"What is the Republic Act No. 8749? "

Tanong ni ma'am pero dahil nag black out ang utak ko, lutang ko siyang tiningnan.

"H-Ha? "

Nagtawanan silang lahat kaya doon lang ako nahimasmasan. Shet!

Xia naman, eh! Jusko, little ponies, itakas niyo ako ngayon!

"Gaga ka! "

Pabulong na singhal ni Sham.

"I said, what is Republic Act No. 8749? "

"Philippine Clean Air Act, gaga! "

Thank you God dahil katabi ko si Sham.

"Philippine clean air act, ga—este ma'am. "

Jusko! Muntik na! Xia, baka ako ang maging dahilan para magtayo ng detention!

Hiyang-hiya ako at gusto ko nalang umuwi.

"Hoy! Gaga ka talaga! Muntikan na! "

Asik ko sa natatawang si Sham. Namumula ang kanyang mukha mula sa pagpipigil ng tawa.

"Teka, bakit nga ba umabot doon si ma'am? First day of class may gano'ng drama na? "

Kasi naman, universe, eh! Plano mo yata akong paglaruan!

"Manlalakbay din si ma'am, siz. Tsaka kanina pa siya nagdi-discuss sa harapan, saan ba naglulumikot iyang utak mo? "

"Sa the land of lost dreams. "

Walang kwenta kong sagot. Natatawa nalang ang katabi ko at salamat naman dahil simula do'n ay nakapag focus na ako sa klase.

"Sir, time na po! "

Sigaw ni Eric, medyo makapal ang mukha niyan dahil adviser namin last year ang subject teacher namin ngayon. 11: 50 na kasi, lunch break na.

Sa mga skwelahang tulad ng amin, kakailanganin niyo ang mga kaklaseng tulad niya. Wala kasi kaming bell na social kaya sa mga tulad niya kayo aasa para may nagre-remind sa mga guro niyong lagpas na sa takda niyang oras at trip mag overtime.

Grabe naman, may OT pay ba sila?

Nagpigil ng tawa ang mga kaklase ko. Ako naman ay naka focus sa pagte-take note ng mga topics na pinapa research ni sir sa amin. Char diba. Good student 'to, boy.

"Ikaw na bata ka! Kapag hindi ka makapasa sa long quiz bukas, ibabagsak kita! Class dismiss. "

"Good luck, bro. Ipagdadasal namin ang kaluluwa mo. We salute you, our modern day, hero! "

Nakisali kami sa kanilang trip at nagsalute sa kaklase naming parang pinagbagsakan ng langit. Inayos ko na ang aking mga gamit at sinuot ang aking bag.

Tatawa-tawa pa kami nang bigla ay hatakin ako ng kung sinong mapangahas na nilalang. The room went silent at lahat sila ay nanlalaki ang mga mata habang ako naman ay parang natulos sa aking kinatatayuan nang malingonan kung sino ang humahatak sa akin.

"Hiramin ko lang sandali. "

Baling niya kay Sham na ngayon ay gulat ding pinapanood kaming maglaho sa kanilang harapan.

"H-H-Hoy, anong g-ginagawa mo? "

Tanong ko habang hila-hila parin niya ako. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib at parang gusto kong magtago mula sa mga matang nakasunod lamang sa amin.

"Come on, you need to tour me. Wala pa akong kilala dito at hindi ko pa alam ang pasikot-sikot. "

Sa wakas ay gumana na muli ang aking isipan. Tumigil ako sa paglalakad at hinila pabalik ang aking braso na hawak-hawak niya kaya naman ay napatigil din siya.

"A-Ano? Bakit ko naman gagawin 'y-yon? Hindi nga kita kilala, eh! "

That was my last two brain cells panting for lack of oxygen and nutrients. Humarap siya sa akin at para akong natinik sa lalamunan. Atras ako nang atras habang siya naman ay dahan-dahang humakbang palapit sa akin.

"Oh, really? Hindi mo talaga ako kilala, miss Lazarte? "

I gulp and look around to check our surroundings. Mabuti nalang at nasa tago kaming parte at walang ibang tao dito kundi kami. He crouched and my eyes widened when his face is already inches close to mine. Napalunok ako at baka sumabog na maya-maya dahil buong katawan ko yata ang kumakabog dahil sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng aking puso.

"H-Hindi... Sino ka ba, ha? "

Aduy, Xia. Napaka gaga mo talaga. Hindi ka man lang nag-iisip bago magkaila. Hayst.

"Ang bilis mo namang makalimot, miss Lazarte. 'Wag kang mag-alala, that will remain as our little...secret. Walang ibang nakakaalam kundi tayong dalawa lang. "

Tsaka siya tumayo nang tuwid at nagpamulsa ngunit hindi parin nawawala ang sobrang bilis na tahip ng aking puso.

"Isipin mo nalang na bayad mo 'to do'n sa panyo kong nasa'yo. Don't bother returning it, marami naman akong gano'n. "

Ani niya. Napakurap-kurap ako at tumayo nang matuwid.

"Isasauli ko 'yon. Marami din akong panyo. Sasamahan kita ngayon dahil mabuti akong tao na naaawa sa isang transferee na walang kamuwang-muwang. "

He smirked but I continue walking. Tss.

"May baon ka ba? "

Tanong ko. Habang naglalakad kami ay napapatingin ang ibang mga estudyante sa amin. Una dahil bagong mukha itong kasama ko, pangalawa dahil talaga namang hindi maipagkakailang gwapo nga itong kasama ko, at pangatlo dahil sa mismong dahilang magkasama kami. Tsk. Talaga naman.

"Let's just eat at the nearby restaurant. "

Wow. May datung siya mga friend. NeArBy rEstAuraNt ang gusto. Gusto ko tuloy mag tiktok at kantahin iyong, "You are out of my league~"

Charot.

"Wala akong pera. Mag-isa kang kumain do'n. "

Ewan ko pero hindi na talaga ako nahihiyang pagsalitaan ang kumag nato. Kaba. Kinakabahan lang ako.

"My treat. "

Alam niyo, mahilig ako sa libre. Ika nga nila, mas masarap kapag libre at proven and tested ko na iyon. Parang ten times mas nagiging malasa at nakabubusog ang pagkain.

Pero siyempre, good girl 'to boy. Hindi ako mapagsamantalang nilalang.

"Huwag na. Doon nalang ako sa bahay. Ikaw na kumain do'n since wala kang baon. "

Ramdam ko ang kanyang tingin habang naglalakad kami. Hindi ko alam saan kami tutungo.

"Edi doon nalang din ako sa inyo. "

Biglaan ang aking pagtigil at sa nanlalaking mga mata ay nilingon ko siya. Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway!

"What? "

Inosente niyang tanong na para bang tinanong niya lang kung humihinga pa ba ako o hindi.

"Boy, may death wish ka yata. Sige na, doon nalang tayo kumain sa nearby restaurant. " Talang pinagdiinan at inartehan ko pa ang pagkakabigkay no'n. "Hintayin mo muna ako at uuwi ako para kumuha ng pera. "

Kasi naman, hindi ako gano'n ka walang hiya para magpa libre sa taong 'to. Mahirap na baka magka utang na loob ako tapos ang hilinging kapalit ay kidney ko.

Astang maglalakad na ako pauwi nang hatakin niya naman ako. Seriously, ang hilig-hilig niyang manghatak.

"I said it's my treat. Ako ang nagyaya kaya ako ang magbabayad. "

"Teka lang. Teka lang. Kailangan talagang manhatak? Tsaka andoon ang daan, hindi diyan. "

Ngunit hindi ako pinakinggan ng kumag at nagpatuloy lang sa paghatak. Nabigla nalang ako nang tumigil kami sa harap ng isang motor at sa isang iglap ay namalayan ko nalang na nakasuot na ako ng helmet. Nakasakay na siya at naka start na ang makina nang nilingon niya ako na hanggang ngayon ay nakatayo parin dito sa gilid.

"Ano? Sasakay ka ba o hindi? Ang init-init, ayokong maglakad. "

Ano ba? Sino bang matino ang aangkas sa taong isang beses mo palang nakita? Well, pangalawa na ngayon.

"Isa. "

And I hate it so much that I just found myself riding with him. Boy, his back looks sexy habang nagda-drive. Pinilig ko ang aking ulo sa naiisip. Seriously? Anong kababalaghan iyon, Xia?

Nakarating kami sa isang restaurant na malapit lang sa skwelahan. Marami akong nakikitang estudyante, at kadalasang mag jowa, may mga teachers din. Para ako ditong tuta na nakasunod lang sa kanya hanggang sa makaupo kami sa pinakasulok.

Agad din naman kaming nilapitan ng waiter.

"Anong gusto mo? "

Tanong niya habang nakatingin sa menu. I am awkwardly sitting here and with head hang low. Tinanggal ko rin ang aking ipit para bahagyang matabunan ng buhok ang aking mukha.

"Ah, kahit ano. "

Sagot ko habang nagce-cellphone para matabunan kahit konti ang aking mukha.

Pero talagang may lahing slow ang kasama ko. Mas slow pa siya sa internet connection ko.

"Wala akong alam na dish na kahit ano. Kuya, may kahit ano ba kayo? "

Nakita kong natawa si kuya habang ako naman ay masamang nakatingin sa walang kwentang lalaking kaharap ko.

"Kuya, chopsuey, chicken cordon blue, rice, tsaka special halo-halo. Tigda-dalawang order ho. Tubig narin. "

Nang makaalis ang waiter ay bigla ko nalang naramdaman ang kanyang mga daliri na hinahawi ang aking buhok. Napatigil ako at dahan-dahang tumunghay. My lips parted and my insane heart started beating so fast again.

Titig na titig siya sa aking mukha gamit ang kanyang seryosong mga mata at nang magtagpo ang aming mga paningin ay tumigil na yata ako sa paghinga.

Hindi ko maaninag ang kanyang mukha noon, but now that it's broad daylight, I could perfectly see his handsome features. Maitim na medyo kulot na buhok, makakapal na kilay, matatangos na ilong, mapupulang mga labi na mukhang malambot rin, nadedepinang mga panga, at higit sa lahat, ang kanyang itim na mga mata na kung tititigan mo ay para kang nahihipnotismo.

Isang nabubuhay na sana all.

Wala sa sarili akong napalunok.

"Tie your hair back. Sagabal sa pagkain. "

Naibalik lang ako sa wisyo nang marinig iyon. Dali akong nag-iwas ng tingin at tinali nalang muli ang aking buhok.

Tahimik lang kami at ramdam na ramdam ko talaga ang kanyang titig habang ako naman ay kung saan-saan lang binabaling ang tingin.

"Gusto mo bang itake-out nalang iyon? "

Napabaling ang aking tingin sa kanya nang marinig ko ang tanong na iyon. My lips parted and I saw how his eyes watch me closely na para bang inaabangan talaga ang susunod kong sabihin.

"You look uncomfortable. "

Parang nakahinga ako nang maluwag nang sabihin niya iyon gamit ang kanyang mga nag-iingat at umiintinding mga mata. I smiled a little and nodded.

"O-Okay lang ba? "

Ngumiti siya at tumayo saka nirequest sa counter na itake-out nalang ang aming order. Hindi rin nagtagal ay dala-dala ko na ang mga disposable paper lunch packs at dalawang bottled water na nasa loob ng isang medyo may kalakihang cellophane.

He drag me again to where he parked his vehicle a while ago and put his helmet on me again. I just watch him habang ginagawa iyon at nang maka angkas na ako nang maayos ay nagsimula na nga siyang paandarin ito sa kung saan.

This not-so-stranger guy is really tugging something inside. I should freak out, hell I shouldn't have agreed in the first place! Kasi who knows? Humans are capricious and just simply mischievous. They're the wisest and most clever specie after all.

But then, I can't feel any. I can't feel fear or hesitations... Just like that night, I feel so comfortable with him and being with him just feels so right.

I close my eyes and feel the wind caressing my face while we're driving to somewhere. Maybe... I'll just go with the flow and see where this will lead me to.

.

.

.

~~~to be continued...

Related chapters

  • Translucent   Chapter 4

    -Xia Aphrodite C. Lazarte- . . . "Xia! Halika dito!" Ayan kaagad ang bungad sa akin ni Sham pagkapasok ko palang ng classroom. Ang mga kaklase ko rin ay nahihiwagaang nakatingin sa akin gamit ang kanilang mga malisyosong mata. Ganyan sila, mga uhaw sa tsismis. Napalunok ako at kaagad na nagbaba ng tingin. Kaagad kong tinungo ang upuan namin ni Sham at sumubsob. Pero hindi talaga ako makakatakas sa kanya dahil kukulitin at kukulitin ako niyan. "Xia Aphrodite, hindi talaga kita tatantanan! Sino 'yon?! " Kaya wala akong choice kundi ikwento sa kanya ang buong nangyari. Kasi nga naman, may mga rules kami. Only the most sensitive topic or problem are valid to be kept from each other, unless you want to share them.

    Last Updated : 2021-08-11
  • Translucent   Prologue

    I stared at the calm and dark sea. The moon reflects on it making it look like there are stars or hidden diamonds shining on it. This is not its usual demeanor. Mostly, the waves are wild and crashing the shore creating that beautiful sound only some people could appreciate.Now... It's calm and silent. Like as if it's resting from its wild adventures."Hey... "My heart flinch, just hearing his voice. I felt him sitting beside me, indian style, on the same spot we used to sit before.Napahugot muli ako ng hininga bago napagdesisyonang balingan na siya ng tingin. Nakatitig na siya sa box na nasa harapan namin ngayon. Hindi siya ang Ryu na nasa harap ng ibang tao, gusto ko sana ngunit pinilit kong pinigil ang tuwa sa kaalamang sa harap ko lang siya ganito— bare, vulnerable but still mysterious.His eyes were a bit glossy as the moon's light reflect on it. Walang makatalong karagatan sa kung gaano ka misteryoso ang kanya

    Last Updated : 2021-07-05
  • Translucent   Chapter 1

    -Xia Aphrodite C. Lazarte-...Nagising ako nang marinig ang ingay sa sala. Kunot-noo kong pinakinggan kung ano ang mga ingay habang unti-unting bumabalik ang aking wisyo. Mga nababasag at nagtutumbahang gamit ngunit ang mas nakaka bahala ay ang sigawan nina Mama, at ni ate. Agad akong napabangon sanhi ng biglang pagsakit ng aking ulo, kaso hindi ko na iyon ininda at kaagad na isinuot ang pambahay na ts

    Last Updated : 2021-07-05
  • Translucent   Chapter 2

    -Xia Aphrodite C. Lazarte-...I woke up the next day feeling groggy from my two hours of sleep. Mag-aalas nuwebe na noong nasulyapan ko ang oras sa bedside table ngunit hindi ko makuhang bumangon. Pinigilan ko ang pag-iisip, gusto kong hindi muna maalala ang nangyari kahapon... Ngunit parang malakas na agos ng tubig sa ilog, hindi ko ito napigilan at tila sabay na bumalik lahat-lahat. Pinilit ko pang kinukumbinse ang sariling bangungot lang ang lahat, ngunit kahit anong gawin ko, wala talaga.It's true, it was real. Papa cheated. Noong isang linggo palang ay palagi ko nang naririnig sina Mama at Papa na nag-aaway, it has something to do with rumors circulating the neighborhood.Hindi ko naman iyon pinagtuonan ng pans

    Last Updated : 2021-07-05

Latest chapter

  • Translucent   Chapter 4

    -Xia Aphrodite C. Lazarte- . . . "Xia! Halika dito!" Ayan kaagad ang bungad sa akin ni Sham pagkapasok ko palang ng classroom. Ang mga kaklase ko rin ay nahihiwagaang nakatingin sa akin gamit ang kanilang mga malisyosong mata. Ganyan sila, mga uhaw sa tsismis. Napalunok ako at kaagad na nagbaba ng tingin. Kaagad kong tinungo ang upuan namin ni Sham at sumubsob. Pero hindi talaga ako makakatakas sa kanya dahil kukulitin at kukulitin ako niyan. "Xia Aphrodite, hindi talaga kita tatantanan! Sino 'yon?! " Kaya wala akong choice kundi ikwento sa kanya ang buong nangyari. Kasi nga naman, may mga rules kami. Only the most sensitive topic or problem are valid to be kept from each other, unless you want to share them.

  • Translucent   Chapter 3

    -Xia Aphrodite C. Lazarte-..."Mama! Papasok na po ako! "Sigaw ko habang nagsusuklay at nagmamadaling bumaba ng hagdan."Mag-ingat ka nga pababa ng hagdan. Wala tayong lahing alien na hindi nababali ang buto kahit mahulog. Kumain ka muna. ""Hindi na, Ma. Male-late na ako. "Sabi ko habang sinusuot ang aking sapatos. "Kumain ka muna. Palibhasa ay tulog-mantika ka! Jusko, hindi ka ba nahihiya sa mga kaklase mong malalayo ang bahay tapos alas sais palang ay nandoon na? Samantalang ikaw na ilang hakbang lang papunta sa eskwelahan, late pa! Kumain ka ng agahan. Ayaw kong ipatawag doon at masabihan ng principal na pabaya akong ina dahil hinimatay ka sa gutom. "Ang

  • Translucent   Chapter 2

    -Xia Aphrodite C. Lazarte-...I woke up the next day feeling groggy from my two hours of sleep. Mag-aalas nuwebe na noong nasulyapan ko ang oras sa bedside table ngunit hindi ko makuhang bumangon. Pinigilan ko ang pag-iisip, gusto kong hindi muna maalala ang nangyari kahapon... Ngunit parang malakas na agos ng tubig sa ilog, hindi ko ito napigilan at tila sabay na bumalik lahat-lahat. Pinilit ko pang kinukumbinse ang sariling bangungot lang ang lahat, ngunit kahit anong gawin ko, wala talaga.It's true, it was real. Papa cheated. Noong isang linggo palang ay palagi ko nang naririnig sina Mama at Papa na nag-aaway, it has something to do with rumors circulating the neighborhood.Hindi ko naman iyon pinagtuonan ng pans

  • Translucent   Chapter 1

    -Xia Aphrodite C. Lazarte-...Nagising ako nang marinig ang ingay sa sala. Kunot-noo kong pinakinggan kung ano ang mga ingay habang unti-unting bumabalik ang aking wisyo. Mga nababasag at nagtutumbahang gamit ngunit ang mas nakaka bahala ay ang sigawan nina Mama, at ni ate. Agad akong napabangon sanhi ng biglang pagsakit ng aking ulo, kaso hindi ko na iyon ininda at kaagad na isinuot ang pambahay na ts

  • Translucent   Prologue

    I stared at the calm and dark sea. The moon reflects on it making it look like there are stars or hidden diamonds shining on it. This is not its usual demeanor. Mostly, the waves are wild and crashing the shore creating that beautiful sound only some people could appreciate.Now... It's calm and silent. Like as if it's resting from its wild adventures."Hey... "My heart flinch, just hearing his voice. I felt him sitting beside me, indian style, on the same spot we used to sit before.Napahugot muli ako ng hininga bago napagdesisyonang balingan na siya ng tingin. Nakatitig na siya sa box na nasa harapan namin ngayon. Hindi siya ang Ryu na nasa harap ng ibang tao, gusto ko sana ngunit pinilit kong pinigil ang tuwa sa kaalamang sa harap ko lang siya ganito— bare, vulnerable but still mysterious.His eyes were a bit glossy as the moon's light reflect on it. Walang makatalong karagatan sa kung gaano ka misteryoso ang kanya

DMCA.com Protection Status