Cry
Pinunasan ko ang mukha ko. Basang-basa iyon dahil sa mga luhang ibinuhos ko. I got up from sitting peacefully and fixed myself. I glanced down at the tranquil grave of the most beautiful woman I've ever known.
Rest In Peace. Gina Oliva L. Favela.
"I should already go home na, My. I, uh..." Tumikhim ako para pigilan ang pagbagsak ng mga nagbabadya kong luha. If I just had the enough time to stay here for a little longer and complain every single thing to her, I would. I'll definitely would. She's my only peace and safe haven. Ngumisi ako para kahit papaano ay mabawasan ang posibleng pagbagsak ng mga luha ko. "Thanks for listening to my rants again. Dadalhin ko dito next time si Fiona. She's still sick, so she can't visit her mommy lola, e."
Ngumisi ako. Kasabay no'n ay ang pag-ihip ng malakas na hangin. Kahit na nagugulo ang nakalugay kong buhok ay natuwa pa rin ako sa masarap sa pakiramdam na dala ng hanging iyon. I feel that my mom just sent her message through that wind. A whisper of her sweet voice mixing with the blustery wind of Miami.
Tumalikod na ako at naglakad pabalik sa sasakyan ko. Today is Sunday and I just came from church. Nakasanayan ko nang bisitahin ang puntod ni Mommy tuwing lumalabas ako. Minsan lang ako lumabas kaya halos minsan ko lang din siya mabisita. Lagi kasi akong nasa bahay.
Pagkasakay na pagkasakay ko sa loob ng sasakyan ay malakas na tumunog ang phone ko. Sinilip ko iyon at nakita ang pangalan ni Jasper sa screen. Huminga ako nang malalim bago sinagot iyon.
"Hmm?"
"Where are you? Fiona is crying since she woke up, Van. Are you being the careless mother now?" masungit niyang bungad.
Umirap ako at hinila ang kambyo ng sasakyan para makaalis na. "Haven't I told you that I'd be visiting my mom today? Birthday niya na sa makalawa kaya ngayon pa lang ay bumibisita na ako."
"Tss. That doesn't mean you can leave our child crying and seeking for you, Giovanna Ivey," iritado niyang sagot habang naririnig ko ang malakas na paghagulhol ni Fiona sa likod niya. "Kung bakit ba naman kasi pinakain mo 'to ng mga pagkain ng kaibigan mo, e. You and your bestfriend will be the reason of my baby's death, Giovanna."
Umirap ako sa muling pagkakataon. Okay, na. Gets ko na. Kasalanan ko na, okay? Bwiset! Akala mo naman ang daming naitulong kay Fiona.
"Whatever, dumbass. Just comfort her for a while. Nagmamaneho na ako."
Hindi na siya sumagot at pinatay na ang tawag. Binaba ko ang tingin sa phone ko. Tss. Bwiset talaga 'yong lalaking 'yon kahit kailan.
Sa pagkakaalam ko ay may pasok pa siya ngayon. Sana lang ay naghahanda na siya dahil kapag hindi ay paniguradong hindi ko na kasalanan iyon.
Hininto ko ang sasakyan ko nang naabutan ako ng mabigat na traffic. Nilinga ko ang tingin sa paligid kaya lang sobrang puno talaga ng sasakyan ang paligid ng sasakyan ko. Shit. Sana pala mas maaga kong binisita si Mommy.
I took a deep breath and frowned. Too much for my start of the day, huh. Tsk. Paniguradong sisisihin na naman ako ng siraulong 'yon.
While I was irritatingly roaming my gaze around the chaotic scene outside my car, my eyes stopped on a petite but cute girl who crossed in front of my stopped car. She's wearing an outfit that I notice trendy nowadays. A floral printed square neck crop top with long sleeves that she paired with a denim blue jeans. Maluwag ang dulo no'n na sinadya para sa disenyo.
Maliit akong napangiti. I bet that girl is on the same age as me. Maybe if the situation has been just different, I would also be wearing the same outfit that girl wore. Nakikiuso rin sana ako sa mga latest trends ngayon. Suot ko rin sana ang mga mamahaling accessories na meron ngayon.
Napababa ang tingin ko sa suot kong simpleng white shirt at denim jeans. May dumi pa ang sleeves ng puti kong shirt. Nawala ang ngiti ko at kinagat ang labi.
But then again, I realized, my situation is different from them. I am married. I am already settled. Yes, I can buy and wear those luxurious things, but I have a family to provide first. A sweet angel to take care of first. Their wants and needs first over mine. Always.
Napabalik ako sa realidad nang narinig ang malakas na pagbusina ng sasakyan sa likod ko. Natataranta kong hinila ulit ang kambyo ng sasakyan at nagsimula nang paandarin paalis. It just took almost ten minutes when I finally arrived at our house.
Mula dito ay nakikita ko na sa gate ang tindig ni Jasper. When he saw my familiar car, his smile disappeared and is now looking seriously at my direction. Buhat-buhat niya si Fiona sa braso niya na inaantay rin akong makapasok sa loob ng bahay.
Hindi ko na hinayaang pagbuksan pa niya ako ng gate. Mabilis akong bumaba at pumasok sa loob. Naabutan ko agad siya na masamang nakatingin sa akin. Inabot niya sa akin ang tahimik na si Fiona na pinapanood kami. I smiled at her. Sinuklian niya ang ngiti ko bago binaon ang kanyang ulo sa maliit kong balikat.
"Lucky, she's easy to handle with, Giovanna. Next time, sabihan mo ako kapag aalis ka," masungit niyang saad habang naglalakad pabalik sa loob ng bahay.
Ngumiwi ako. Tss. Ni wala pa ngang oras simula noong tumawag siya! Baliw na talaga 'tong kupal na 'to.
I followed him inside. I saw how cluttered our living room was. Plano ko sanang mamalengke mamaya kaya lang ay siguro maglilinis muna ako dito. No, I think I should clean the whole house for today first. Kapag may oras, saka na lang ulit ako lalabas.
"Have you already had your breakfast?" malakas kong tanong habang dumidiretso sa kusina.
Nang narinig ko ang paghakbang ng paa niya sa hagdan ay nilingon ko siya. He's now ready for his work. He's wearing a gray paired suit with a cleared white shirt underneath. His hair is fixed, obviously he put a gel or something in it. Like what he always does. Sinusuot niya ang kanyang silver wrist watch habang naglalakad papalapit sa amin ni Fiona.
"Yeah. Fiona also had her breakfast. Napainom ko na rin siya ng gamot. But, Giovanna-"
"Yeah, yeah. Oo na. Babantayan ko na si Fiona, okay? Stop overreacting," natatawa kong pagpuputol sa kanya at binaba ang tingin sa anak kong ngayon ay pinaglalaruan ang dulo ng buhok ko. "Fiona, baby, say bye to your dad na."
"Bye, baby! We'll play again later, okay? Sumunod kay mommy, ha?" sunod-sunod na bilin ni Jasper at hinalikan si Fiona sa noo nito. "Love you, baby."
My Fiona giggled and gave a flying kiss to her dad. Sabay na naghalo ang halakhak namin ni Jasper dahil doon. "I love you too, Daddy! Bring me some food later, okay? Good luck on your daaaay!"
Malaki akong ngumiti at niyakap siya nang mahigpit. She's seriously so hella cute! I swear I wanted to keep her forever. She's the best gift I ever had.
Hinatid namin si Jasper palabas. Kahit na sinabihan niya kaming kaya na niya ay hindi ko siya pinansin. Fiona wants to see him off. Should I break my pretty daughter's wish for him? Hindi talaga nag-iisip 'to kahit kailan, e.
"I'll go... Ah, will Nova be in her studio for the rest of the day?" tanong niya nang nakarating kami sa harap ng sasakyan niya.
Kumunot ang noo ko habang mahigpit ang hawak kay Fiona para hindi siya malaglag sa pagkakabuhat ko sa kanya. Gusto niya kasing bumaba at lumapit kay Jasper.
"Uh, yes. She's always in her studio, Jasper. Why?" kunot noo kong tanong.
Umiling siya at nakangising ibinaling kay Fiona ang tingin. "I'll talk to her. She should compensate for what she did to my baby, Giovanna."
Mas lalong kumunot ang noo ko pero napangisi pa rin sa sinabi niya. Why is he so overprotective? Ganoon din naman ako, but heck! Compensate, really?
Kumaway siya sa huling pagkakataon kay Fiona bago pumasok sa loob ng sasakyan niya. Binusina niya ang sasakyan sa huling pagkakataon bago namin sinundan ng tingin ni Fiona ang papalayo niyang itim na sasakyan.
When his car disappeared from my sight, I glanced back to Fiona's pretty face. She's sucking her thumb habang nandoon pa rin ang tingin sa direksyon kung nasaan huli naming nakita ang sasakyan ni Jasper. Hinalikan ko ang ulo niya bago ako naglakad papasok sa loob.
Now, I feel weak. Kanina lang ay gusto kong maglinis pero ngayon ay nawalan na ako ng gana. What should I do? Maglilinis ba muna ako o mamamalengke?
In the end, I chose to do the former. It's stll early for lunch pa naman. Tsaka isa pa, hindi ako komportable kapag makalat. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa pagturo ni Mommy sa amin ng kapatid ko na laging maging malinis o talagang ayoko lang na makalat.
I was about to finish cleaning Fiona's room, but when I heard our doorbell rang, I immediately got cut off. Kumunot agad ang noo ko at inisip kung sino ba ang inaasahan kong bisita ngayon pero wala naman. I think that's our monthly bill.
Kinuha ko si Fiona mula sa pagkakahiga niya bago bumaba. I've been with her all the time for almost two hours of cleaning. Kapag iniiwan ko siya sa kwarto niya ay umiiyak siya at hinahanap agad ako. Pabalik-balik tuloy ako mula living room papuntang kwarto niya. That's exhausting kaya sinasama ko na lang siya sa akin.
Pinaglalaruan niya ang buhok ko habang naglalakad kami papalabas. Just like what I thought, it's indeed our monthly bill. Nasa labas ng gate ang isang hindi pamilyar na lalaki at suot ang uniform nila. He greeted me with a smile kaya binalik ko rin ang ngiting iyon.
"Thank you," ngiti ko habang kinukuha mula sa kamay niya ang isang puting envelope.
"You're welcome. And also, ma'am, you have an update from your bank. Here," nakangiti niyang dagdag at inabot ang isa pang sobre.
"Ah, thanks," muli kong saad habang tinatanggap iyon.
Hindi na siya sumagot at sumakay na sa motorcycle niya. Inantay ko siyang makaalis bago tinuon ang tingin sa dalawang envelope na hawak ko.
I opened our electricity bill first before opening the bank update one. It's Jasper's account. Sa aming dalawa ay siya lang naman ang may bank account. It's for his work.
Unti-unting kumunot ang noo ko nang nakita ang laman ng envelope na iyon. May magkakasunod siyang transaction sa nakalipas na dalawang linggo. Sunod-sunod ang mga oras, gayon din maging ang mga araw.
Sure, I know how he earns on his work, but I never expected it to be this big! Five digits sa magkakasunod na araw at sa iisang lugar. Motel. What is he doing in a motel?
Lumunok ako at tiningnan ang iba pa niyang transaction pero lahat ng 'yon ay puro malalaking halaga sa isang motel. Sa bawat pagbasa ko sa mga transaksyon na 'yon ay ang pagbilis na pagtibok ng puso ko.
The hell, Jasper Dave?! What are you doing in a motel?
Halos malukot ko na ang hawak kong papel. Naramdaman ko ang pagkalunod sa iba't ibang imahinasyong pumapasok sa isip ko, pero mabilis akong naputol sa ginagawa nang narinig ang boses ni Daddy mula sa labas. Inangat ko ang tingin at nakita siyang kabababa lang sa sasakyan niya.
"Daddy Lolo!" masayang bati ni Fiona nang namataan siya.
Naglakad ako papalapit sa gate at mabilis siyang pinagbuksan. When I did, my sweet daughter immediately opened her arms when she saw her daddy lolo. Natatawa ring nilahad ni Daddy Vincent ang braso niya para salubungin si Fiona. Hinayaan kong buhatin niya ito at agad na sinalubong si Ate Ginger kasama ang anak at asawa niya.
"Hi, Maddison! Ang laki mo na, ha," bati ko sa pamangkin kong ngayon ay halos nasa bewang ko na ang taas. Umupo ako sa harap niya para mahalikan niya ang pisngi ko. "Kiss Tita, dali!"
Natawa ako nang ginawa niya nga ang gusto kong mangyari. Kinurot ko ang pisngi niya bago sinalubong ng tingin ang ate ko.
"What made you visit? Ganoon na ba kaluwag ang oras niyo para talagang bisitahin ako?" natatawa kong tanong habang iginigiya sila sa loob.
Nakita kong masayang kinakausap ni Daddy si Fiona habang nakikisali naman si Maddison sa kanila. Napangiti ako habang pinupwesto ang lahat ng wooden chair namin dito sa terrace at inilahad iyon sa dalawa, Ate Ginger and her husband.
"Dad wants to visit you, Giovanna. May plano rin akong bisitahin ka kaya pumayag na ako. Buti na lang at may libreng oras si Jonathan," sagot ni Ate Ginger at nilingon ang asawa niya.
"Van, can I use your bathroom? I just need to pee," paalam ng matangkad na si Jonathan habang nasa loob ng bahay ang tingin.
Tumango ako at tinuro ang direksyon ng bathroom namin. Alam naman niya na iyon pero matagal na rin kasi simula noong huli nilang punta dito.
"Sure. Alam mo naman na kung saan 'yon 'di ba?" paninigurado ko habang nakatingala sa kanya.
Tumango siya at pumasok na sa loob. Sinundan namin siya ng tingin ni Ate Ginger. Binalik ko ang atensyon sa pagbubukas sa mga plastic na dala nila nang nawala na si Jonathan sa paningin ko.
"Your daughter is really pretty, Giovanna. Mana kay Jasper. Look at her fluffy cheeks," wala sa sariling saad ni Ate Ginger habang nasa direksyon nina Daddy ang tingin. Natawa ako at hindi na siya sinagot pa. Inipon ko ang mga plastic na itatapon ko mamaya sa loob. "What's this?"
Nilingon ko siya bago binaba at sinundan ng tingin ang mata niya. Nawala ang maliit kong ngiti at mabilis na kinuha mula sa kamay niya ang sobreng natanggap ko ngayon-ngayon lang.
"Ah, bill namin for this month," sagot ko at nilayo iyon sa direksyon niya.
She nodded at kumuha na ng isang hiwa ng pizza kahit na hindi ko pa naman nabubuksan ang lahat ng pagkaing dala nila. "Right. One of the burdens of having a family. Buti na lang kahit papaano ay may kaya pa rin tayo. Kawawa 'yong magaganda nating anak kung walang-wala talaga."
Sinabayan ko ang mahina niyang pagngisi. Pagkatapos no'n ay natahimik kami. Ang halakhak ni Daddy at ang matitinis na sigaw nina Maddison at Fiona ang humahalo sa katahimikan namin ni Ate Ginger.
Nang natapos ako sa ginagawa ay kinuha ko ang lahat ng plastics na itatapon ko. Papasok na sana ako sa loob kaya lang ay narinig ko siyang nagsalita.
"You look really, really exhausted, Van. Are you fine? You look stressed," puno ng pag-aalala niyang tanong.
I gulped before I turned my face back at her. I showed a little smile then nodded. "Of course I'm fine. Kakalinis ko lang kasi ng bahay kaya siguro mukha na akong nabagyuhan, but I'm fine, Ate. Thank you for asking."
Mariin niya akong tiningnan. It's like she's examining my whole being, my whole existence. I awkwardly smiled to ease the heavy feeling that I shortly felt. Iniwas niya ang tingin sa akin bago tumango.
"If you say so. Pero tandaan mong sinabi ni Mommy na 'wag tayong masyadong magpaka-stress, ha? Baka sumunod ka sa kanya," seryoso niyang saad na tinawanan ko lang.
Mabuti na lang at bumalik na si Jonathan mula sa loob. Mabilis kong kinuha ang dalawang sobre sa likod ko bago pumasok na rin sa loob ng bahay namin. Huminga ako nang malalim habang nililigpit ang mga plastics sa basurahan. I quickly went to our room and placed the two envelopes inside our room's cabinet.
Muli akong bumalik sa terrace at naabutan kong masaya na silang lahat na kumakain. Ngumiti ako nang sinalubong agad ako ng naiiyak na tingin ni Fiona.
"Mommy!" masaya niyang bati at tumakbo papalapit sa akin. Natawa ako at sinalubong siya ng yakap. "I thought you left."
"Your daughter is obssesssed with you, Giovanna! Hinahanap ka niya kahit na ilang minuto ka lang naman nawala," natatawang saad ni Jonathan sa isang slang na tono habang nakatingin sa anak ko.
Inangat ko ang tingin sa kanila at ngumisi. Binalik ko ang tingin sa anak ko at binuhat siya. She's eating something that caused her face to be messy again. Nadudungisan din tuloy niya ang puti kong shirt.
"You should not tolerate her like that, Giovanna. Baka hindi na 'yan mabuhay nang wala ka," sarkastikong saad ni Ate Ginger habang pinupunasan ang maduming kamay ni Maddison.
"Let your sister choose on how she will behave her child, Ginger. Hindi rin naman habang-buhay ay didikit sa kanya ang anak niya. Let them nurture their closeness they have for each other now," pananalita ni Daddy sa kapatid kong ngayon ay umiirap at nagmemake-face na.
Natatawa ko silang pinanood at binaba ang tingin kay Fiona. Unti-unting nawala ang ngisi ko nang nakita ang namumungay niyang mata. She looks sleepy. Kasabay no'n ay ang mas lalong pamumula ng pisngi niya at ang pagkawala ng kulay ng labi niya. At first, I thought it's just normal, but I panicked when I noticed how heavy her breathing is.
"Fiona!" pagtawag ko sa papikit niyang mata.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon nilang lahat sa akin, marahil ay nataranta din sila sa biglaan kong pagsigaw.
"What happened?" my sister worriedly asked. Mabilis siyang lumapit sa akin.
Hindi ko sila nilingon at mahinang binuka ang bibig ni Fiona. I saw brown particles inside her mouth. Saka ko pa lang nilingon sina Ate Ginger.
"Is this a cupcake?" tanong ko at nilibot ang tingin sa mga pagkaing dala nila.
"Yup. I brought two chocolate cupcakes. Why?" natataranta na rin niyang tanong. Sina Daddy at Jonathan ay nagtataka lang na nakatingin sa amin. Kahit ganoon ay bakas pa rin ang pag-aalala nila sa kung ano ang nangyayari sa anak ko.
"I-I don't know. I think she's allergic to these," naiiyak kong sambit habang pabalik-balik ang tingin kay Fiona at sa kapatid ko. "We went to hospital last week dahil ganito rin 'yong nangyari sa kanya. She ate cupcake... and then..."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko pa sana nang mabilis na na bumagsak ang luha ko. Hindi ko na rin nasundan ang mga sumunod na nangyari. Ang tanging nasa isip ko na lang ay si Fiona at ang walang-tigil na pagbagsak ng mga luha ko.
Narinig ko na inutusan ni Ate Ginger na kunin ni Jonathan si Fiona sa braso ko at magmaneho papuntang hospital. Iyon lang ang tanging naging malinaw sa pandinig ko. Maliban doon ay wala na.
Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa hospital ng syudad nang ganoon kabilis, but I'm thankful for them. Kung ako lang mag-isa ay tiyak na hanggang ngayon ay nasa bahay pa rin kami. Hanggang ngayon ay siguro iniisip ko pa rin kung ano ang dapat na gawin. I just... I don't know how to react and think immediately. This is hard.
I called Nova after they left. Kailangan na rin kasing magpahinga ni Maddison. Sinabihan nila ako na babalik daw sila sa bahay namin saglit para ilock ang gate at pinto. Ngayon ko lang naalala 'yon. Kahit na gusto pa akong samahan ni Daddy ay hindi ko na siya hinayaan. He should be resting already at this time. Baka kapag pinilit niya pa ang sarili niya ay siya naman ang mapahospital sa susunod.
"Van!" Umalingawngaw ang malakas na pagtawag sa akin ni Nova.
Napalingon ako sa gawi niya at mabilis akong napatayo nang sinasalubong niya ako ng yakap. Kanina pa ako umiiyak pero mas lalo akong humagulhol sa balikat niya. She hushed me, but that didn't change anything. Pakiramdam ko ay iyon lang ang paraan para mawala ang taranta ko, ang umiyak sa balikat niya.
"How's she, Van?" tanong niya at bumitaw sa akin.
Gamit ang palad ay tinakpan ko ang mukha ko. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Pinunasan ko ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng mala-dagat kong luha at nilingon ang maliit na kama kung nasaan si Fiona. It is separated by a green curtain, maybe to avoid contamination to her or whatever. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri bago sinagot ang tanong niya.
"She's... she's still being checked, Nova. But I heard the nurse said it was some kind of allergy," nakayuko kong sagot. I sniffed before I laid my gaze at her piteous eyes. "Let's not tell this to Jasper-"
Napahinto ako sa pagsasalita nang nakita na siya sa likod ni Nova. Kakarating niya lang. Sunod-sunod ang paghinga niya nang malalim habang pagod na nakatingin sa akin. A tear escaped from my eyes again before I looked away from him.
It's my fault. Again.
"Dumaan siya sa studio ko, Van, kaya narinig niya 'yong sinabi mo sa tawag," Nova explained. It's like she exactly knows what made me stopped. "I didn't mean to tell him. I'm sorry..."
Hindi ko iyon pinansin. It's not her fault. It's mine. If I just check Fiona more...
I really am a reckless mom to Fiona. Kahit na may sariling buhay naman siya ay responsibilidad ko pa rin ang bantayan at alagaan siya. Because of my recklessness, we're here. On a cold and daunting place, Fiona is here.
I just continously sobbed, but when I felt his warm hug enveloped my now shaking body, I stopped. My streaming tears literally stopped. He then guided my head and rest it to his wide and broad chest. Dahil doon ay naririnig ko ang paghinga niya; ang malalim na paghinga niya. I can hear how loud his heartbeat is, too. Ang pagwawala rin ng kalamnan niya, gaya ng nararamdaman ko, ay damang-dama ng buong sistema ko. But over that wild, ecstatic feeling, I can feel his tiredness. I can feel how exhausted he is. I think... I think it's my fault.
"I'm sorry, Jasper. I did it again," mahina kong bulong habang nakabaon pa rin ang ulo sa malawak niyang dibdib.
Naramdaman ko ang paghinga niya nang malalim. Ramdam ang pagod doon. "It's... okay, Van. Don't cry, please. Don't cry..."
SurpriseWhen I felt his warmth again for years living with him, I feel safe. I feel calm. I feel relaxation again. Lahat ng iniisip at kasalukuyang tumatakbo sa utak ko no'n, nawala. It's like he has this powers to erase all those negativities. That's why I fell for him.Naputol ang pagpapahinga ko sa braso niya nang narinig ang malalim na boses ng doktor. Sabay-sabay kaming tatlo na napalingon sa kanya. Nagtaka ako dahil iba ang doktor na 'to sa doktor kanina pero hindi ko na 'yon pinuna at hinayaan siyang magsalita."Mr. and Mrs. Nevarez, you're Fiona's parents, right?" tanong niya dahilan kung bakit mabilis akong tumango."Yes, doc. Is there something serious happened to my baby?" bakas ang pag-aalala sa tono ni
CheatI parked my latest Porsche outside our house when I have finally arrived. Kumunot ang noo ko nang nakita na hanggang ngayon ay madilim pa rin ang bahay. Is he not home yet?I combed my newly styled hair using my bare fingers while checking my phone. It's already 6:00 p.m. Bago o saktong 6 ay nakauwi na siya. Is he overworking again?Pumasok ako sa loob. Ang malamig at sobrang tahimik na sala ang bumungad sa akin. I opened the light switch and saw the exact arrangement of our living room I had left earlier. I took a deep breath as loneliness start to slither my whole system. Maybe he's really up to something. He can't just forget our wedding anniversary like this.Umakyat ako sa kwarto namin para makapagbihis n
PictureAvon Jaz looked at me for a moment. She looks really concern and worried at the same time. Hanggang sa dumating na 'yong order namin ay ganoon pa rin ang tingin niya. I forced myself to smile to erase the heaviness I am slowly starting to feel.Binaba ko ang tingin ko habang suot pa rin ang isang ngiti. "By the way, kailan ka babalik ng Pilipinas?"Hindi agad nawala ang ganoong tingin niya sa akin. It's becoming extremely awkward. I was about to tell her how awkward her stare was when she turned her eyes away and took a deep breath. Maliit siyang ngumiti habang nasa labas ang tingin. Nagsimula na ako sa pagkain habang pinapakinggan ang sagot niya."Don't know, but my tourist visa is about to expire in a week
RegretHe's holding a girl's hand in the picture. I can't clearly see the woman's face, but I know she's not familiar to me. I never saw this girl before until now.Her platinum brown hair length is much more longer than mine. The tips of her hair is also curled, but I think it was made. Hindi iyon kagaya sa akin na natural. She's tall but not taller as my husband. In this picture, Jasper is clearly taller than her.He's talking to her while he's holding her hand. Kitang-kita ko mula dito sa picture kung paano niya malalim na kinakausap ang babae. The first three buttons of his black blouse were opened. Napalunok ako at mabilis na pinatay ang phone ko.I'm tired of crying, but I guess I have no freaking choice. It's
Library"Giovanna!"Hindi ko pinansin ang galit na boses ni Nova at patuloy na kumain. Sabay silang napatampal sa noo ni Ella. Nahihiya nilang pinabalik-balik ang tingin sa akin at sa mga taong nanonood sa akin.Damn it. Masama na bang kumain ngayon?"V-van, can you please calm down? H-hindi ka naman namin aagawan," mahinhing bulong ni Ella sa akin.Nilingon ko siya at tumigil sa pagnguya. Puno pa rin ang bibig ko ng pagkain. Napangiti siya, siguro nag-aakalang susundin ko siya, pero mas lalo kong nilakasan ang pagkain ko sa harap niya ilang segundo pagkatapos ng mahabang pagtititigan namin. Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Nova sa harap namin pero nginitia
NameNakanguso ako habang naglalakad sa likod ng dalawa. I haven't told them what happened. 'Pag sinabi ko sa kanila ay tiyak na puro pang-aasar aabutin ko. Ayokong mapagtawanan dahil sa sariling katangahan."... Ay siya nga pala, Van. Sasama ka ba mamaya?" Napaangat ang nanghihina kong tingin kay Nova. Unti-unting nawala ang ngiti niya at kinunotan ako ng noo nang siguro ay nakita ang lukot konh mukha ngayon. "Oh? Anong nangyari sayo? Para kang nasalanta ng bagyo.""Are you okay, Van?" Si Ella gamit ang nag-aalalang boses.Huminga ako nang malalim at binilisan ang paglalakad para pumagitna sila. Sabay kong sinukbit ang kamay ko sa braso nilang dalawa. Parehas ko silang nginitian.
DateThe little group dinner went just fine. I'm glad that these two girls with us are bubbly and look so friendly. Sila lagi ang nag-iinitiate ng usapan. Sumasali kaming tatlo minsan sa kanilang lahat pero sa aming limang babae, ako na yata ang pinaka tahimik sa kanila. I just feel like someone's watching me. Well, someone's indeed watching me. At hindi man lang siya naaasiwa!I fixed my tied hair. We're here inside the bar's huge bathroom. Minutes from now, I would finally be able to go home and rest. Isang oras na lang din ay roll call na.Well, siguro naman ay mabilis lang ang gagawing pagpili ng mga lalaking 'yon. I found out that three of them share the same school as ours. Unfortunately, that guy who keeps on staring at me is one of them. 'Yong dalawang babae nama
RestroomI woke up the next day feeling heavy and tired. Ang sinag ng araw ang gumising sa akin. Well, lagi naman. Hindi naman maingay ang kwarto ko at kung may mag-iingay man, 'yong mga walang hiya ko lang na kaibigan ang mga 'yon.Bumangon ako at agad na tinali ang magulo pang buhok. Napalingon ako sa gilid ko at nakita ang nakangiting si Venice sa akin. Kakaligo niya lang. Halata 'yon sa pagkakatapis ng tuwalya niya sa basa niyang buhok. She's putting some white cream on her non-make up face."Good morning!" masaya niyang bati.Awkward ko siyang nginitian bago mabilis na iniwas ang tingin. "G-good morning..."Nagmamadali akong umalis sa kama ko. After what h