Share

Touch and Die
Touch and Die
Author: TheKnightQueen

Chapter 1

Author: TheKnightQueen
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

     *  Warning mature content*     

                    Rhexyl's P.O.V

Pagkatapos kong masuot ang thick black glasses, kinuha ko ang lumang bag na ginagamit ko. Hinablot ko ang mga libro na lagi kong dala papuntang school. After checking my self again, lumabas na ako ng kwarto.

"Ya, alis na po ako." magalang kong paalam.

Tumingin siya sa'kin.

"Aalis ka na? Mag-almusal ka na muna." sabini yaya.

Lumapit ako sa mesa, everything is prepared for my breakfast. Napangiti ako, makakatanggi pa ba ako. Umupo ako at agad ng nagsimulang kumain.

"Late ka na iha, anong oras ka ba natulog kagabi?" wika ni yaya.

"Maaga pa po sa maaga," sagot ko.

Wala naman silang magagaw. Gusto ko late akong papasok para wala akong makita, o makasalubong na bully. Gusto ko tahimik ang pagpasok ko.

Tumayo na ako dahil tapos na akong mag-almusal.

"Punta na po ako." paalam ko kay yaya.

Tumango siya bilang sagot, kalaunan ay ngumiti siya.

"Mag-iingat ka, mag-iwas sa gulo." paalala niya.

Sumimangot ako, umiiwas na nga, e.

Pagkalabas ko sa gate. Ibinaba ko ang skateboard, sumakay dito saka umalis na.

Huminto ako sa tapat ng University, sa bulok na school na pinapasukan ko. Wala naman akong choice kundi ang pagtsagaan ito. Hindi ako mayaman para maging choosy pa. Dalawang taon na lang ay magtatapos na rin ako sa kolehiyo.

Bitbit ang skateboard, lumapit ako sa gate para pumasok na pero --

"Hep! Hep! Iha, sino ka? Studyante ka ba dito?" tanong niya.

Humarap ako kay manong guard, tiningnan ko siya ng may pagkabagot.

"Ikaw na naman! Jusko, ikaw lang pala. Late ka na nga, ganyan pa ang suot mo." inis niyang sabi.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Paalala ko lang saiyo, iha. School ang pinupuntahan mo hindi tambayan. Nasaan ang I.D mo?" tanong niya habang salubong ang mga kilay niya.

Binuksan ko ang bag ko, hinalungkat ko ang loob searching for the i.d. Hindi ko siya agad nakita, kasi dala ko lahat ng basura ng bahay este kung ano-anong anik-anik ang nasa loob ng bag ko.

"Ano na? Dala mo ba? Aba'y! kapag wala ka pa ring dala hindi kita pahihintulutan na pumasok." lintanya niya kunti na lang talaga bubuga na siya ng apoy, pulang-pula na ang mukha sa inis.

"Alam mo bang, marami ka ng nalabag na rules, malapit ka ng ma-expelled sa paaralang ito." dagdag niya.

Mula ng pumasok ako sa paaralang ito, walang araw na wala akong naririnig na mga reklamo. Madalas na napupuna nila ang kasuotan ko. Ano bang mali sa suot ko? Naka-suot lang ako ng maluwag na t-shirt na hanggang tuhod, rip jeans na maluwag, naka-rubber shoes na color black, nakasumbrero, tapos naka black eyeglasses. Damit pa rin naman ito. Bumuga siya ng apoy, kapag pumasok akong naka-swimsuit.

Isa pa, dito ako komportable. Sobrang iksi ng palda ng uniform nila hanggang hita ang haba. 'Yung iba naman kinapos na yata sa tela, kita na kasi ang bagay na 'di dapat makita ng mga kalalakihan.

Pasok sa tenga labas sa kabila na lang ang ginawa ko sa sinabi ni manong guard.

Napakamot ako sa noo habang naghahanap ng I.d ko.

"Sa lahat ng studyante dito, ikaw lang ang hindi sumusunod sa patakaran ng paaralan." patuloy na lintanya ni manong guard.

Wala naman kasing kwenta 'yun. 

"Pasensya na po, wala akong dalang I.d." mahina at may paggalang kong sabi.

Dala ko naman sadyang tinatamad lang akong ilabas at i-suot.

Umusok ang kanyang tenga sa inis, medyo may katandaan na siya. Lagi siyang high blood sa tuwing ako na ang papasok. Kaya minsan, humahanap ako ng ibang malulusutan. Baka kasi maheart-attack siya, ako pa sisihin.

"Late ka na nga, nakasuot ka pa ng pangtambay sa kanto, wala ka pang I.d. Naku, talaga!" nagtitimpi niyang sabi.

Kumamot lang ako sa ulo, maaga na akong papasok para sa last subject ko.

"Dyan ka lang, wag kang aalis." wika ni manong guard.

Masunurin ako, kaya tumango ako sa kanya. Naiiling siyang pumasok sa loob ng guard post niya. Magre-report lang siya, e.

Maya lang, lumapit siyang muli sa'kin.

"Ang sabi ng adviser mo, bumunot ka na muna ng damo dyan sa tabi-tabi." sabi ni manong guard

Tumingin siya sa gawi ng flag pole.

"Doon! sa tabi ng flag pole. 'Dun ka magbunot ng damo." utos niya.

Wala naman akong magawa, lumakad ako papuntang flag pole para makapag-bunot na ng damo. Kahit mainit, sinimulan ko na ang pagbubunot.

Hindi na 'to bago sa'kin, araw-araw ko ba naman 'tong ginagawa. Nalibot ko na ang boung campus sa pagbubunot ng damo, malinis na nga ang boung lugar. tsk! Ang babaw ng parusa nila, pagbubunot ng damo? Highschool lang?

Habang abala ako sa pagbubunot ng mga ligaw na damo. Nakarinig akong nagtitiling babae, napalingon ako sa kanya. 

"May patay! Tulong, may mga patay po."  sigaw niya.

Aligaga siya, sa itsura niya para siyang nakakita ng multo. Muntik pa siyang mapatid dahil sa pagkataranta niya.

Napalingon ako sa guard post. Nakita kong lumabas si manong guard. Lumapit sa kanya ang nag-titiling babae, naalarma siya.

Maya lang, lumabas na rin ang ibang mga teacher maging ang dean. Kahit malayo ako, nakikita kong namumutla ang babae. Nababasa ko ang buka ng kanyang bibig.

Sumunod ang ulo ko sa direksyon ng pinuntahan nila, kasama ang babae. Papunta silang back school. May mga studyante ring tumakbo sa gawing 'yun. Since curious rin ako, iniwan ko ang ginagawa ko, tumakbo ako papunta sa lugar na pinagkakaguluhan nila. 

Umiwas ako sa isang babaeng nagtatakbo papa-alis, kalaunan sumuka na siya.

Rinig ko ang pagsinghapan nila. Ang ilan ding mga studyante ay sumusuka na rin. Kumunot ang noo ko, ano bang meron?

"Tumawag kayo ng pulis! Dalian niyo!"  sigaw at tarantang sabi ng isang guro.

Lumapit pa ako pero pinigilan ako ng isa pang teacher, humakbang ako palayo sa kanya.

"Wag ka ng tumuloy, hindi mo gugustuhin pang makita ito." seryoso niyang sabi.

Hindi ako nakinig sa kanya, dumiretso pa rin ako. Nagulat ako sa nakita ko, mga patay. Ang brutal ng pumatay sa kanila.

"Jusko, sino ang walangyang gumawa nito sa kanila? Bakit ganito katindi?" rinig kong sabi ng isang professor.

Anim silang patay sa tingin ko studyante rin sila dito, dahil suot nila ang uniform ng university.

Napalunok ako sa nakikita ko, ang buong back school ay walang ibang makikita kundi kulay pula. Nagkalat ang kanilang dugo, ang parte ng kanilang katawan ay hiwalay sa katawan nila, ang braso, binti at ulo nila ay hindi mawari kong sino ang tunay na nagmamay-ari nito. May nakita rin akong mga daliri, mata, laslas ang leeg, ang ilan sa kanila mulat pa ang mga mata.

Hindi ko nakayanan kaya umatras ako, sumuka rin ako sa tabi. Parang chinap-chop sila, grabe ang pumatay sa kanila. Sino kaya siya? wala naman siyang puso, ng mahimasmasan ako sa pagsusuka, tumayo ako ng maayos.

Dumating na ang mga pulis, kaagad silang kumilos.

"Lumayo kayong lahat, 'wag kayong hahawak ng kahit ano." police officer na pinagtutulukan kaming maka-alis sa crime scene.

Related chapters

  • Touch and Die   Chapter 2

    Hindi ako nakinig sa kanya, dumiretso pa rin ako. Nagulat ako sa nakita ko, mga patay. Ang brutal ng pumatay sa kanila."Jusko, sino ang walangyang gumawa nito sa kanila? Bakit ganito katindi?" rinig kong sabi ng isang professor.Anim silang patay sa tingin ko studyante rin sila dito, dahil suot nila ang uniform ng university.Napalunok ako sa nakikita ko, ang buong back school ay walang ibang makikita kundi kulay pula. Nagkalat ang kanilang dugo, ang parte ng kanilang katawan ay hiwalay sa katawan nila, ang braso, binti at ulo nila ay hindi mawari kong sino ang tunay na nagmamay-ari nito. May nakita rin akong mga daliri, mata, laslas ang leeg, ang ilan sa kanila mulat pa ang mga mata.Hindi ko nakayanan kaya umatras ako, sumuka rin ako sa tabi. Parang chinap-chop sila, grabe ang pumatay sa kanila. Sino kaya siya? wala naman siyang puso, ng m

  • Touch and Die   Chapter 3

    She hate me, disgust me. Ang tingin niya sa'kin ay isang patapon, basura, alipin, walang kwenta, walang silbi, mahina, lampa, pangit, walang class, punching bag, at stress reliever. That's who I am to her, but to me she's still my mother.Muli akong napabuntong-hininga, ginawa ko na lang ang dapat kong gagawin.Kinabukasan Maaga akong gumising, ayaw ko mang pumasok ng maaga pero ayaw kong maabutan sila. Maglalakad na lang ako papuntang school.Pagkababa ko, nakita kong aligagang nagpupunas ng sahig si Yaya."I'm sorry po, ipagtitimpla na lang po kita ulit." hinging paumanhin ni yaya.Nanatili akong nakatayo, pinagmamasdan lang sila. Pumasok sa kusina si yaya, napadako ang tingin ko sa dalawa. Si dad ay nagbabasa lang ng newspaper habang si Mom, kita mo sa mukha niya ang sobrang inis.

  • Touch and Die   Chapter 4

    * Warning: *Thirdperson's P.O.VKalalabas niya lang galing bathroom, kakatapos niya lang maligo. Sakto ring tumunog ang cellphone niya. Lumingon siya sa gawi nito habang pinapatuyo ng tuwalya ang buhok niya. Lumapit na siya rito ng hindi ito tumitigil sa pagtunog, sinagot niya ang tawag."What is it?" malamig niyang tanong."Hey! wala bang hello muna? or hi! kamusta na?" tugon sa kanya ng kabilang linya."Mas malamig ka pa sa klima dito, e." may himig na pagtatampo na saad nito.Naimagine niya rin na nakanguso ito ngayon. She rolled her eyes."Tsk! Why are you calling me? Don't call me if you don't have any news to tell." sabi niya sa malamig pa ring tuno."Ito naman, oh. Masyado ka talagang ano! Di ba pwedeng namimiss lang kita?"

  • Touch and Die   Chapter 5

    Rhexyl's P.O.VMaagang akong bumangon sa higaan, pumasok sa bathroom at bangag na napatitig sa salamin. Nitong mga nakaraang araw na lumipas ay lagi akong umaalis ng maaga sa bahay, to avoid my parents.Bumuntong-hininga ako, isang panibagong at nakakabagot na araw na naman.Agad naman akong nakapag-ayos ng sarili, when everything is done. Binuksan ko ang pinto, sumilip muna bago tuluyang lumabas. Marahan akong bumaba ng hagdan, nag-iingat na huwag makagawa ng ingay para di magising ang demonyo este si mom.Bukas na ang ilaw pagdating ko sa baba, tip toe akong lumakad papalabas pero nahinto ako sa gitna ng may marinig ako. Napalingon ako sa bukas na TV."May natagpuang patay dito sa palikong daan. Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang sasakyan dahilan para ito'y malakas na sumalpok sa malaking puno." saad ng reporterPinakita nito ang nasa

  • Touch and Die   Chapter 6

    "Ayaw mo? Okay, madali naman akong kausap. Dar!" sambit ni feeling reyna.Nakangiting asong kumilos 'yong tinawag na Dar. Hahampasin na sana siya pero agad ng dinilaan ni girl ang sapatos ni feeling reyna.Napangiwi naman ako. Uto- uto! Ngumisi naman siya sa ginawa ng babae. Tuwang-tuwa siya sa ginagawang paglinis ng sapatos niyang halatang dinumihan, gamit ang dila ni ate girl nilinis niya ang mga ito.Tumingin si feeling reyna sa isa sa kasama niyang lalaki. Tumango na may pinahihiwatig. Nanlaki ang mata ko sa sunod na ginawa nito. Binaril nito ang babae sa ulo. Kumalat ang dugo nito sa sahig.Sa gulat ko, nakalikha ako ng ingay na ikinalingon nila. Sh*t! Tumalikod na ako at kumaripas ng takbo. Dali-dali akong umakyat ng hagdan. Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo, narinig ko ang mga hakbang nilang papalapit sa'kin. Putcha! Hinahabol pa ako.Malalaking hakbang ang ginawa

  • Touch and Die   Chapter 7

    Mrs. Villaruel P.O.V After calming my students about false alarm, I did talk to Ms. Rhexyl Salvez. I was indeed harsh to her, but what she did is unforgivable.I never saw here wearing school uniform, always late. Maraming professor ang nagrereklamo sa kanya, ayaw nila itong tanggapin dahil lagi lamang siyang tulog sa klase. Maging ang exams and quizzes niya ay mga bagsak lahat.Pinagbigyan ko na siya 'nung una pa lang. Pero ngayon, hindi na pwede. Napabuntong hininga na lang ako. Being dean is really a stressful.Napa-angat ako ng tingin para tingnan kung sino ang pumasok ng hindi kumakatok."Hey! Friend, miss me?" she asked."Rhena?" gulat kong sabi."What's with your face? Para kang nakakita ng multo, and look at your face. You look awful, an

  • Touch and Die   Chapter 8

    Rhexyl's P.O.VMarahan kong iminulat ang mga mata ko. Bumaling ako sa bandang kanan ko. Muli akong napapikit dahil nabigla ang paningin ko sa sikat ng araw. Itinaas ko ang kanang kamay ko para matakpan ang liwanag.Nang maka-adjust ang paningin ko, inilibot mo ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako.Nasa sariling kwarto na ako? Paano ako napunta dito?Bumangon ako, napadaing ako. Pakiramdam ko parang may nakapatong na sampung hallowblocks sa batok sa bigat at sakit. Marahan kong itinabingi ang leeg ko, kanan at kaliwa.Marahan kong hinaplos ang leeg ko. Naalala ko kung bakit masasakit ang katawan ko.Tsk! Kahit anong iwas ko talaga, lumalapit pa rin sila.Tumayo ako at umalis ng kama. Pinatunog ko ang katawan ko, at na

  • Touch and Die   Chapter 9

    Thirdperson's P.O.VSabay na lumisan ang sampung sasakyan, ang susundo sa mga bagong mag-aaral. Kanya-kanya silang lugar na pupuntahan.Pagkatapos nilang masundo ang kanilang susunduin ay muli silang nagtagpo-tagpo, at sabay-sabay nilang tinungo ang kanilang paroroonan.Hindi nakikita ng mga nasa loob ng sasakyan ang kanilang dinaraanan kaya naman mas pinili nilang libangin ang kanilang mga sarili.Maraming oras ang kanilang gugugulin, marating lang ang University of Der Mord. Ito ay isang marangyang paaralan at napakakilalang unibersidad. Ang paaralang hinahangaan ng lahat ngunit iilan lamang ang pinapalad, at pinahihintulutan na makapasok. Mapapatalon ka sa tuwa kapag sinewerte kang makapasok.Anim na oras ang lumipas bago nila narating ang malaking tarangkahan ng University. Ito ay mataas at malaki. Kulay itim, tingkad na tingkad ang tatlong letrang nakaukit dito. Nakal

Latest chapter

  • Touch and Die   EPILOGUE

    ~~~~ AFTER 6 MONTHS ~~~~Marahan kong inilapag ang bouquet of flowers sa puntod niya. Kay tagal rin mula ng dumalaw ako sa kanya."Hi daddy Leo, its been a while since I visit you. Sorry, marami lang kasing nangyari. Ngayon lang ako nagkaroon ng panahon to visit you. Hindi ka naman magtatampo hindi ba?" nakangiti kong ani."But I know you don't, you love me so much kaya hindi mo iyon magagawa." I added.Naalala ko ang memories namin together. He maybe not my real father but for me he is. Kahit kailan hindi ko siya ipagpapalit. Sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ama."Aljea," Napalingon ako kay Sylvester.And yes, I'm alive.Buhay ako, hindi ko kayang iwan ang taong nag-iisang nagmamahal sa'kin.~~~~

  • Touch and Die   Chapter 132

    Helaria P.o.vHindi ko napansin na sarado na pala at tuluyang nailibing na si Rhexyl.Rhexyl might be cold pero sweet at mapagmahal siya inside.Believe me kapag nakilala mo na siya, at napamahal na siya sa'yo. He will treat you like her family.Nagtataka siguro kayo if who I am.I am Helaria, the girl they talk about na patay na. I am Breeze girlfriend na hindi ko alam if ako pa rin.And I'm step sister of Crelly na ako talaga ang tunay na anak ng mga inakalang magulang ni Crelly.Maliit pa lang ako ay sadyang lapitin na talaga ako ng disgrasya.Then, I met Rhexyl. She save me from my kidnapper.Same age lang kami pero namangha na ako sa kanya sa oras na iyon dahil sa murang edad she knows how to fight. Pinatay niya ng walang hirap ang mga kidnapper ko.She is very snob and cold. Akala ko hindi ko na muli siya maki

  • Touch and Die   Chapter 131

    Rhexyl's P.O.VMarahan kong iminulat ang aking tingin. Bumungad sa'kin ang kulay asul na kalangitan. Naririnig ko ang mga huni ng ibon. Nakikita ko ang nagliliparang paru-paro at tutubi.Napabangon ako, bumungad sa'kin ang malawak na lugar na napupuno ng mga bulaklak. Nasa gitna ako nito.Kunot-noo akong tumayo.Where I am? Why I am here? Nagsimula akong maglakad. Hindi ko alam kung nasaan ako eksaktong naroroon. But I feel so light, walang nararamdaman na iba.Pakiramdam ko, I am content and happy.Tinuloy ko ang paglalakad. Habang naglalakad ako ay nawiwili akong tumitingin sa paligid ko. And ganda at ang sariwa ng hangin.I wanna stay here, forever.Dito na lang ako.Ito ang tipo ng lugar na gusto ko. Tahimik with good ambiance. Hindi ko aka

  • Touch and Die   Chapter 130

    Rhena's P.O.V Walang paglayan ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko bilyon-bilyong karayom ang nakatusok sa'king dibdib.Walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong umiiyak.Isa-isa kong tiningnan ang album. Lahat ng larawan ni Rhexyl ay nandito. Mula sa nasa loob siya ng incubator, noong isang taon siya, dalawa hanggang umabot ng walong taon.Ngunit lumilipas ang taon napansin kong unti-unting umiiba ang kulay niya.Naramdaman ko ang sakit ng unti-unti na niyang tinatago ang itsura niya.Nakita ko ang aking larawan sa loob ng kahon. Marahan ko itong kinuha. Pagtingin ko sa likuran mayroong nakasulat.~~~Grandma said, she's my mother. I can't deny it cause we are look a like. But I know she hated me. She doesn't love me. She don't want me. And since she doesn't want me, I don't

  • Touch and Die   Chapter 129

    Lahat ng ginawa ko sa kanya ay bumalik lahat sa'kin. Lahat ng sakit, pahirap, pang-aalipusta ay naalala ko lahat.Nanginig ang buo kong pangangatawan. Nanghina at hindi ako makapaniwala.Hindi ito totoo. I am just dreaming.Marahan akong napabaling sa dalawang brown envelope na nasa ibabaw ng kama. Nanghihinang pumunta ako ng kama saka inabot ito.Nanginginig na binuksan ko ang isa sa mga ito.99.9% positive Nakalagay sa DNA results na Ang biological father ni Rhexyl ay si Franco, ang asawa ko.Kahit sobrang nanginginig ang kamay ko ay pilit ko pa ring binuksan ang isa.Malakas na humagulgol ako, nailagay ko sa bibig ko ang aking kamay.Same results as my husband. Nanghihina akong napaupo sa sahig."I-It c-can't be." nanghihina kong ani.Nanlalabo ang aking panin

  • Touch and Die   Chapter 128

    Dapat ko bang sabihin sa kanya? Muli akong humugot ng hininga."She's in critical condition. Ang lason na nilagay niya sa dagger ay mabilis na kumalat sa katawan niya. Sylvester's trying to revive her. Rhexyl is determined to give your wish." ani ko.Hindi ko alam kung saan siyang lugar dinala ng apo ko. Binibigyan niya lang kami ng update about Rhexyl's condition.I know my son won't give up on her. Sylvester's love Rhexyl so much. He will do everything for her."And this, pinabibigay sa'kin ito ni Rhexyl, it's for you." Inilapag ko ang puting sobre sa kanya.Ngumiti ako sa kanya."Hindi na rin ako magtatagal pa. I have to go." ani ko saka marahang tumayo.Tahimik kong nilisan ang Restaurant. I'm hoping na sana makahanap pa ng reason si Rhexyl para muling mabuhay at manatili sa tabi ng apo ko.

  • Touch and Die   Chapter 127

    Adelle's P.O.VNandito ako ngayon sa isang Korean Restaurant waiting for Rhena's arrival. Today, I decided to give something to her from Jorgia.Pagkatapos ng nangyari kagabi ay tila bumalik ang lahat sa normal. Wala talagang natirang Heackler Clan. Burado lahat, nilinis ng batang 'yun lahat.Wala ring nakalabas o salita mula sa mga natirang bisita. Natatawa pa nga ako dahil ilan sa Connel clan ay pinuri si Rhexyl dahil daw sa magandang show na binigay sa kanila.They said, Sylvester's girlfriend is indeed amazing and stunning. 'Kay husay raw pumili ni Sylvester. Naiiling na lamang ako sa tuwing naaalala ko iyon.Pero ang ikinabahala ko ay ang ginawa ni Rhexyl. She's willing to do her mother long time wish.--- Flashback --- Nakatanggap ako ng text na magkikita kita kami dito sa

  • Touch and Die   Chapter 126

    Ang tanga ko. Hinayaan kong mawala sa'kin ang anak ko. Ako ang may kasalanan kung bakit kinamumuhian niya ako ngayon.At ang masakit, isa ako sa mga taong nais siyang paslangin. Sumang-ayon ako sa kagustuhan ni Rhena na maisilang siya ng maaga upang mawala ito at para na rin sa tradition na mayr'on ang aming pamilya.Ang alam ng angkan namin ay anak ko ang bata kaya lahat ay nais mawala ang bata.Hindi ako tumutol dahil ang alam ko ay hindi ko siya anak. Kung alam ko lang, kung nalaman ko lang ng maaga. Sana --- sana nagawa kong pigilan ang asawa ko. Sana nagawa ko siyang mailigtas. Sana naprotektahan ko siya.Sana naging ama ako sa kanya. Sana naparanas ko sa kanya ang pagmamahal ko. Sana katulad ni Franklin ay nagabayan at naalalayan ko siya."I hate you! I hate you! You killed my dad! I won't forgive you! You killed my dad." She hated me. At hindi ako ang itin

  • Touch and Die   Chapter 125

    Franco's P.O.VPagkauwi namin dumeritso agad ako sa mini bar ko dito sa mansion. Agad akong kumuha ng wine at mabilis na nilagok ng isahan.I am mad to myself. Wala akong nagawa para kay mom. Hindi ko inakala na ga'nun pala si mom namatay. At sa kamay pa ng taong pinagkakatiwalaan ni dad.Renzo and dad are both friends. Dad trusted Renzo so much. He never doubt that guy kahit alam kong mayr'on mali sa lalaking iyon. I don't trust that guy, naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya at lalo na kapag tumitingin siya kay mom. But dad doesn't notice it.I tried to tell it to my dad but he denied it and he doesn't believe it. When mom died, Renzo's always there for my dad. He help him to recover but I didn't know that he was the reason why mom died.Inis kong hinampas ng malakas ang table. Malakas ko ring ibinato ang hawak kong bote ng wine. Naglikha ito ng ingay.

DMCA.com Protection Status