Rhexyl's P.O.V
Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Bumaling ako sa bandang kanan ko. Muli akong napapikit dahil nabigla ang paningin ko sa sikat ng araw. Itinaas ko ang kanang kamay ko para matakpan ang liwanag.
Nang maka-adjust ang paningin ko, inilibot mo ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako.
Nasa sariling kwarto na ako? Paano ako napunta dito?
Bumangon ako, napadaing ako. Pakiramdam ko parang may nakapatong na sampung hallowblocks sa batok sa bigat at sakit. Marahan kong itinabingi ang leeg ko, kanan at kaliwa.
Marahan kong hinaplos ang leeg ko. Naalala ko kung bakit masasakit ang katawan ko.
Tsk! Kahit anong iwas ko talaga, lumalapit pa rin sila.
Tumayo ako at umalis ng kama. Pinatunog ko ang katawan ko, at nag-exercise. Buti na lang sanay na ang katawan sa mga hampas, sampal at tilapon. Mabilis lang nakamomove-on ang katawan ko, parang walang nangyari.
Binanat ko ng todo ang katawan ko para ma-stretch siya. Tumingki ako, inangat ang dalawang kamay at pinagsiklop ko ang dalawang palad ko sabay inat.
Ang sarap sa pakiramdam kapag nababanat ng husto ang katawan. Nahinto ako sa ginagawa ko ng bumukas ang pinto.
"Gising ka na!" gulat na wika ni yaya.
Mayroon siyang dalang tray na may maliit na pinggan at towel sa tabi nito. Agad niya itong inilapag, tumakbo siya papunta sa'kin at niyakap ako.
"Buti na lang nagising ka na. Pinag-alalala mo ko ng husto." alalang saad ni yaya.
"Parang di ka na sa'kin sanay, yaya." sabi ko.
Kailan ba natahimik ang buhay ko? Tatahimik lang siguro kapag patay na ako.
"Ayos lang po ako." saad kong muli.
"Lagi naman 'yan ang sinasabi mo kahit hindi naman ikaw talaga okay." sambit ni yaya.
"Paano po ba ako napunta dito?" pag-iiba ko ng topic.
Umayos siya mg tayo.
"Aalis sana ako at mamalengke. Pagbukas ko ng gate nakita kitang nakahandusay. Walang malay, maraming pasa, galos at puno ng lupa ang mukha." sagot ni yaya.
'Yun pala ang itsura ko. Ang sagwa!
"Tatlong araw ka ring tulog, kaya mas lalo akong natakot. Dadalhin sana kita sa hospital kapag 'di ka pa nagising ngayon." dagdag na sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. Pinakaayaw kong lugar ay hospital.
"Biro lang!" pahabol niyang sabi.
Alanganin siyang ngumiti, palihim din siyang umatras hanggang sa makaabot siya sa tray na dala niya kanina.
Takot na takot si yaya? Parang aanuhin ko naman siya. Napailing na lang ako.
"Baba lang ako sa kusina, ipaghahanda kita ng makakain." sabi ni yaya.
Tumango ako bilang sagot. Maliligo rin ako. Ang lagkit ko na, panay punas lang yata ang ginawa sa'kin ni yaya.
Palabas na si yaya ng tawagin ko siya. May nahagip kasi ang mga mata ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Kanino 'yang mga gamit na 'yan?" tanong ko habang nakatingin sa mga maleta.
"Ah, yan ba? Tumawag ang bago mong school. Ang sabi susunduin ka raw pagkatapos ng tatlong araw. Sinabi ko rin sa kanila ang tungkol sa situation mo. Kapag hindi ka pa gising, at nandito na sila. H'wag ka munang sunduin." mahabang sagot ni yaya.
Oo nga pala, pinatapon nga pala ako.
"Ngayong araw na pala sila darating. Anumang oras nandyan na sila." saad ni yaya.
"Kapag di mo pa kaya, sabihin mo lang. Sasabihin kong kakagising mo lang, pakikiusapan ko sila na kung pwede bukas ka na lang nila sunduin." sabi ni yaya ng may pag-aalala.
"No need, I'll go there." sabi ko sa kanya.
Napatitig ako sa mga maleta.
"S-Sure ka?" tanong ni yaya.
Nawala ang atensyon ko sa maleta. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Pahanda po ng pagkain. I'm sure po after kong makakain, fully recharge na po ako." magalang kong saad.
Tumango si yaya at ngumiti. Tuluyan na siyang lumabas. Nawala ang ngiti ko, at muling napadako sa maleta.
Tumaas ang sulok ng aking labi. Kalauna'y pumasok na rin ako ng banyo.
After minutes kong pag-aayos. Bumaba na ako, bitbit ang mga dalawang maleta at bag. Pagkababa ko, inilapag ko malapit sa couch ang mga gamit ko.
"Muling may natagpuang patay sa likod ng Vanzon University. Sampu ang natagpuan patay habang may isang nakaligtas. May mga laslas sa leeg ang mga biktima." rinig kong wika ng reporter sa tv.
Napagawi ang paningin ko sa tv.
"Ang iba, di na makilala dahil sa duguang mukha nito." reporter said.
Pinakita nila ang kalagayan ng back school. Gaya 'nung una ay puno rin ito ng mga dugo. Natulog lang ako namatay na agad sila. Paano pa kaya kapag naglaho ako, maglalaho rin sila?
Siguro nga may sumpa ako, namamatay kasi ang bumubully sa'kin. Ang karma talaga matindi kong gumanti.
"Kumain ka na, iha." tawag sa'kin ni yaya.
Napabaling ako sa kanya, tapos bumaba sa mesa ang tingin ko dahil puno ito ng pagkain. Natakam ako bigla.
Walang atubiling tumakbo ako sa mesa. Umupo at dali-daling sumandok ng pagkain. Narinig ko ang paghagikhik ni yaya pero dedma. Hindi ko na narinig pa ang sinasabi ng reporter dahil tutuk na ako sa pagkain.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang favorite ko, ang lumpiang shanghai. Agad akong kumuha.
"Hinay-hinay lang sa pagkain." natatawang saad ni yaya.
Abala ako sa pagkain ng may napansin ako.
"Where are they?" tanong ko.
Tinutukoy ko ang dalawang demonyo ay este mga magulang ko.
"Umalis sila, rinig kong nagkaproblema sa business nila. Tatlong araw na rin silang wala." sagot ni yaya.
Tumatango-tango ako. Kaya pala magaan ang pakiramdam ko dahil wala sila.
"Sana bumagsak negosyo nila." mahina kong bulong sa sarili.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Saktong pagkatapos ko, narinig namin ang tunog ng doorbell sa labas. Agad na tiningnan ni yaya.
Kumuha ako ng tissue, pinunasan ko ang kamay ko. Tumayo na rin ako. Isinalansan ko ang mga plato, tsaka nilagay lahat sa hugasan. Pagkalabas ko, nakita ko si yaya.
"Nandito na sila." pagbibigay alam niya sa'kin.
Tumango ako.
"Ilalabas ko na itong mga gamit mo." sabi ni yaya.
"Sige po, salamat po." sabi ko.
Kinuha ko ang cellphone ko. Kinalikot pagkatapos ay tinago kong muli saka lumabas.
Pagkalabas ko, I saw two men, wearing a black suit. Napansin kong may kulay ginto rin sa suot nila. May logong nakasabit sa bandang kaliwa na kulay gold din.
Inilagay nila ang mga gamit ko sa loob ng sasakyan.
Napatingin ako sa kotseng dala nila. Ano bang klaseng school ang University of Der Mord? Ang gara ng sasakyan. May tagasundo pa. FYI! Pinatapon lang ako, dapat basura ang tingin nila sa mga itinatapon.
Pinasadahan ko ng tingin ang sasakyan. Black ang kotse habang gold ang design nito. Napansin ko ang tatlong letra na nakita ko sa puting sobreng natanggap ko.
Ang U.D.M.
Naka-imprint ito sa kotse. Pinagsamang gold and red ang kulay nito. Don't tell me University of Der Mord ang meaning ng tatlong letters na yan.
"Let's go." rinig kong wika ng isa sa mga naka-itim.
Natauhan ako, at wala sa sariling napatango. Yumakap sa'kin si yaya na ginantihan ko naman.
"He'll protect you there. Be more strong and always be brave. You are in his place." bulong ni yaya sa tenga ko.
Napakalas ako sa yakap ni yaya. Kunot-noo ko siyang tinitigan. What is wrong with her? At sinong tinutukoy niya?
Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. Nakangiti siya pero nagbabadya ang mga luha niyang malapit ng lumabas.
"I'm gonna miss you. Ang makulit at mapaglinlang kong alaga." nakangiti niyang sabi.
Napasimangot ako.
"Kailan pa po ako naging mapanlinlang?" nakabusangot kong sabi.
Ang weird ni yaya.
Tumawa lang siya.
"Yaya naman, parang ang pupuntahan kong lugar ay kamatayan." saad ko.
Niyakap niya akong muli. Hinalikan niya rin ang ulo ko. Napangiti ako, naglalambing na naman si yaya.
"Oh s'ya! Go na, naghihintay na sila." Nakangiti niya akong binitawan, humakbang din siya palayo.
Nag-wave hand ako sa kanya.
"Be careful here, yaya. H'wag kang paaapi sa kanila. Kapag nalaman kong sinaktan ka nila, hindi ako magdadalawang isip na sugurin sila." seryoso kong sambit.
"Don't worry, ako ng bahala sa kanila." sabi niya.
Muli akong ngumiti sa kanya, tumango siya na nagsasabing pumasok na ako sa loob ng kotse.
Malungkot akong tumalikod sa kanya. Hindi ako sanay ng hindi ko siya kasama. Pero wala akong magagawa, kaysa naman sa hindi ako makapagtapos ng pag-aaral.
Binuksan ng isa pang nakablack suit ang pinto ng kotse. Hinawakan niya ang kamay ko at inilalayan. Nakaramdam ako ng kakaiba ng maglapat ang aming mga kamay. Parang pumintig bigla ang puso ko. What is wrong with me? Again? Katulad ito sa naramdaman ko sa police officer na nakausap ko, pero hindi naman ganito kalala.
"Hey!" Napalingon kami sa nagsalita.
Nakita ko si mom. Kababa niya lang sa sasakyan. Dumating na pala sila.
"Ibinigay ko siya sa inyo ng buhay, ibalik niyo rin siya sa'kin ----" sambit na wika ni mom.
Naramdaman kong binitawan niya ang kamay ko, kaya nakahinga ako ng maayos. Hindi na pala ako humihinga pero nanigas ako ng sa bewang ko na lumapat ang kamay niya.
What the!
Nagulat ako ng hilahin niya bewang ko palapit sa kanya. What the f*ck is wrong with this man? Hinawakan ko ang kamay niya upang alisin na pero nahinto ng marinig ko ang sunod na sinabi ni mom.
"---ng patay." seryosong sambit ni mom.
Napalingon ako sa kanya. Nanubig ang mga mata ko.
"You heard me. H'wag na h'wag niyo siya sa'king ibalik ng buhay." seryoso pa ring sambit ni mom.
Gusto niya talaga akong mamatay.
"Get in." bulong sa'kin ng lalaking nasa likuran ko.
Agad akong pumasok sa loob.
"Noted madam." narinig kong sagot nila bago tuluyang magsarado ang pinto.
Bumagsak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit ganito? Maayos naman ako. Bakit ganitong sakit ang binibigay nila sa'kin? Anak niya ba talaga ako?
Pinunasan ko ang luha ko ng umandar na ang kotse. Pero kahit anong punas ko ay lumalabas pa rin sila.
Thirdperson's P.O.VSabay na lumisan ang sampung sasakyan, ang susundo sa mga bagong mag-aaral. Kanya-kanya silang lugar na pupuntahan.Pagkatapos nilang masundo ang kanilang susunduin ay muli silang nagtagpo-tagpo, at sabay-sabay nilang tinungo ang kanilang paroroonan.Hindi nakikita ng mga nasa loob ng sasakyan ang kanilang dinaraanan kaya naman mas pinili nilang libangin ang kanilang mga sarili.Maraming oras ang kanilang gugugulin, marating lang ang University of Der Mord. Ito ay isang marangyang paaralan at napakakilalang unibersidad. Ang paaralang hinahangaan ng lahat ngunit iilan lamang ang pinapalad, at pinahihintulutan na makapasok. Mapapatalon ka sa tuwa kapag sinewerte kang makapasok.Anim na oras ang lumipas bago nila narating ang malaking tarangkahan ng University. Ito ay mataas at malaki. Kulay itim, tingkad na tingkad ang tatlong letrang nakaukit dito. Nakal
Rhexyl P.O.VHuminto ang glass elevator, bumukas ang pinto. Pagkalabas ni Ms. French ay sumunod naman sila. Huli akong lumabas pero nahagip ng mata ko ang number ng floor na hinintuan ng elevator.16th floorAng taas pala ng paaralang ito. 16th floor mga ateng. Minutes past, may binuksan ng pinto si Ms. French. Office na yata ito ni Dean."Mr. Dean, the newbies are here." rinig kong sabi ni Ms. French.Pumasok ang mga nasa unahan ko kaya sumunod na rin ako. Tumigil kami sa tapat ng table ni Dean. Lihim akong napasimangot, gurang na si Dean."Hello, fellows." ngiti niyang bati sa'min."Hi, Mr. Dean. We are glad to be here in your university." sambit nilang lahat na may ngiti sa labi.Nakangiwi ko silang tiningnan. Kailan pa sila nagpractice ng sabayang pagbigkas? Hindi ako na-infor
Bumaba na agad ako ng hagdan. Pagkarating ko ng 15th floor. Habang hinahanap ko ang section ko. Napansin kong parang may napapalingon sa gawi ko. Salamin ang bawat classroom pero hindi ko nakikita ang nasa loob, mukhang tinted glass siya.I feel a little bit goosebumps because of too much silent, tanging mga hakbang ko lang ang naririnig ko."Scary," I whispered.Dali-dali kong tinungo ang magiging classroom ko. Putchaa! Bakit kasi dito pa sa top floor ako napunta. Parang nakakatakot ang aura ng floor na ito. Ang bigat sa pakiramdam, floor pa nga lang ito pa'nu pa kaya ang mga tao dito.Huminto ako sa tapat ng pinto. Itinago ko na ang map at muling binasa ang papel ko."Top Section: Premier." basa ko sa papel.Ito na yata ang hinahanap kong section? Red ang kulay ng word na Primier. Napansin ko lang, bakit hindi nawawala ang kulay pula sa
Inalis ko na ang hologram, tapos na ako sa pag-exam. Sumandal na lang ako sa upuan. Bawal pang lumabas hangga't hindi pa tapos mag-exam lahat."Watchhhhh out!" sigaw ni Yhoquin.Nagulat ako sa malakas niyang sigaw. Muntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko. Napasunod ang tingin ko kay Yhoquin ng nagmamadali siyang lumapit sa babae."Hala, ayos ka lang?" tanong ni Yhoquin sa babae.Hindi umimik 'yung babae. Siya 'yung pinag-uusapan kanina nina Acer.Hinawakan niya ang pisngi niyang may sugat. Kinapakapa niya rin ang bulsa ng maong niyang pantalon. Napabaling ako kay Fhinn ng tumayo siya at lumapit kay girl. Inabutan niya ito ng panyo.Tumaas ang kilay ko. Kanina kung makapaglait, wagas.Tiningnan ko ng maigi ang babae. Kung titingnan hindi siya belong sa'min. Sa klase ng pananamit niya para siyang tambay
Thirdperson's P.O.V Narinig niya ang pagtunog ng kanyang phone. Alam niya na kaagad kung sino ang tumatawag.Kinuha niya ang phone sa bag niya, saka sinagot ang tawag."I received your text. How the hell did you get inside?" manghang sabi ng nasa kabilang linya."Just a luck." simpleng sagot niya."So, what is your plan, now?" tanong ng kausap niya."Finish the target and leave." simpleng tugon niya."Nakita mo na ba?" tanong muli ng kausap niya."Not yet." sagot niya."Well, 'wag kang magmadali. Nandyan ka na rin lang naman, enjoy your stay there. Balita ko maganda riyan." sabi ng kausap niya."
Nilapitan ko ang maleta ko. Binuksan saka lumapit sa wardrobe. Pagbukas ko nagulat ako kasi may laman na siya. Kunot-noo kong binuksan ang iba pa, lahat ng klaseng damit ay nandito na. Mayroong shoes, heels, etc. Dapat ba akong matuwa? lahat ng nandito ay size ko.Sa pangatlong bukas ko may vacant space. Agad kong nilagay ang mga gamit ko sa loob. Inayos ko ang pagkakalagay kasi may hiya pa naman sa balat ko.Muli akong napalingon sa mga una kong binuksan. Kumibit balikat na lang ako. Binuksan ko pa ang paghuli, to know what inside.Nakita ko ang iba' ibang kulay ng uniform. Gray, white, blue, yellow, black and red ang kulay ng mga ito. Pero nasa loob siya ng isang salamin na lalagyan. Mayroon pa akong nakitang isa, a plaid skirts na color white na may black, tapos black ang upper niya na style crop top.I think 'yan ang available uniform for us na newbie. At wala akong balak na suotin at gamitin. I rather
Inihanda ko na ang sarili ko dahil sa wakas malapit ng bumukas. Malapit na akong makalaya sa gwapong nilalang na nasa likuran ko.Yes, gwapo siya pero hindi ako padadala. I don't even know him. Sino ba siya? Close kami? Maghanap siya ng mapagtritripan niya. 'WAG AKO!"Run again and I'll drag you." rinig kong talak este saad niya.Ano bang problema ng lalaking 'to? I ignore him. Drag me where? Paki ko! As if, madadala niya ako sa ganyan.Buti na lang nakabalik na ako sa reyalidad ko. Nabuhayan ako ng tumunog na ang elevator. Lalayas na sana ako ng mayroong humawak sa'kin na siyang ikinagulat ko.Mas nagulat ako ng kaladkarin niya ako palabas."Teka sandali! Saan mo ba ako dadalhin? Hinay-hinay naman sa pagkaladkad. FYI! Tao kinakaladkad mo hindi hayop." inis kong bulalas.Pero ang impakto. Oo impakto! I-M-P-A-K-T-O SIYA!
"Hoy mga mokong! Hindi ko kasalanan na maitim akong ipinanganak. Tanong niyo sa demonyo kong nanay kung ano ang kinain at bakit ako umitim." sagot ko naman.Sensya na, 'di ko na pigilang sumabat, e. Sarap nilang ihahampas ng matauhan sa mga pinagsasabi nila. Mga gwapo kasi naman talaga sila, problema nila kung sino ang pinakagwapo sa kanila."See! Tanong niyo rin nanay niyo kung bakit nasobrahan sa hangin ang mga utak niyo." natatawang sabi ni Acer."Why are you wearing that kind of clothes?" tanong 'nung naglalarong gulf ball."What? May problema ka rin ba sa suot ko?" taas kilay kong tanong."Hindi naman, pero dapat suot mo ang uniform mo. Para aware sila na studyante ka rin dito." sabat ni Fhinn."Why? Mayroon bang mangyayari sa'kin?" tanong ko.
~~~~ AFTER 6 MONTHS ~~~~Marahan kong inilapag ang bouquet of flowers sa puntod niya. Kay tagal rin mula ng dumalaw ako sa kanya."Hi daddy Leo, its been a while since I visit you. Sorry, marami lang kasing nangyari. Ngayon lang ako nagkaroon ng panahon to visit you. Hindi ka naman magtatampo hindi ba?" nakangiti kong ani."But I know you don't, you love me so much kaya hindi mo iyon magagawa." I added.Naalala ko ang memories namin together. He maybe not my real father but for me he is. Kahit kailan hindi ko siya ipagpapalit. Sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ama."Aljea," Napalingon ako kay Sylvester.And yes, I'm alive.Buhay ako, hindi ko kayang iwan ang taong nag-iisang nagmamahal sa'kin.~~~~
Helaria P.o.vHindi ko napansin na sarado na pala at tuluyang nailibing na si Rhexyl.Rhexyl might be cold pero sweet at mapagmahal siya inside.Believe me kapag nakilala mo na siya, at napamahal na siya sa'yo. He will treat you like her family.Nagtataka siguro kayo if who I am.I am Helaria, the girl they talk about na patay na. I am Breeze girlfriend na hindi ko alam if ako pa rin.And I'm step sister of Crelly na ako talaga ang tunay na anak ng mga inakalang magulang ni Crelly.Maliit pa lang ako ay sadyang lapitin na talaga ako ng disgrasya.Then, I met Rhexyl. She save me from my kidnapper.Same age lang kami pero namangha na ako sa kanya sa oras na iyon dahil sa murang edad she knows how to fight. Pinatay niya ng walang hirap ang mga kidnapper ko.She is very snob and cold. Akala ko hindi ko na muli siya maki
Rhexyl's P.O.VMarahan kong iminulat ang aking tingin. Bumungad sa'kin ang kulay asul na kalangitan. Naririnig ko ang mga huni ng ibon. Nakikita ko ang nagliliparang paru-paro at tutubi.Napabangon ako, bumungad sa'kin ang malawak na lugar na napupuno ng mga bulaklak. Nasa gitna ako nito.Kunot-noo akong tumayo.Where I am? Why I am here? Nagsimula akong maglakad. Hindi ko alam kung nasaan ako eksaktong naroroon. But I feel so light, walang nararamdaman na iba.Pakiramdam ko, I am content and happy.Tinuloy ko ang paglalakad. Habang naglalakad ako ay nawiwili akong tumitingin sa paligid ko. And ganda at ang sariwa ng hangin.I wanna stay here, forever.Dito na lang ako.Ito ang tipo ng lugar na gusto ko. Tahimik with good ambiance. Hindi ko aka
Rhena's P.O.V Walang paglayan ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko bilyon-bilyong karayom ang nakatusok sa'king dibdib.Walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong umiiyak.Isa-isa kong tiningnan ang album. Lahat ng larawan ni Rhexyl ay nandito. Mula sa nasa loob siya ng incubator, noong isang taon siya, dalawa hanggang umabot ng walong taon.Ngunit lumilipas ang taon napansin kong unti-unting umiiba ang kulay niya.Naramdaman ko ang sakit ng unti-unti na niyang tinatago ang itsura niya.Nakita ko ang aking larawan sa loob ng kahon. Marahan ko itong kinuha. Pagtingin ko sa likuran mayroong nakasulat.~~~Grandma said, she's my mother. I can't deny it cause we are look a like. But I know she hated me. She doesn't love me. She don't want me. And since she doesn't want me, I don't
Lahat ng ginawa ko sa kanya ay bumalik lahat sa'kin. Lahat ng sakit, pahirap, pang-aalipusta ay naalala ko lahat.Nanginig ang buo kong pangangatawan. Nanghina at hindi ako makapaniwala.Hindi ito totoo. I am just dreaming.Marahan akong napabaling sa dalawang brown envelope na nasa ibabaw ng kama. Nanghihinang pumunta ako ng kama saka inabot ito.Nanginginig na binuksan ko ang isa sa mga ito.99.9% positive Nakalagay sa DNA results na Ang biological father ni Rhexyl ay si Franco, ang asawa ko.Kahit sobrang nanginginig ang kamay ko ay pilit ko pa ring binuksan ang isa.Malakas na humagulgol ako, nailagay ko sa bibig ko ang aking kamay.Same results as my husband. Nanghihina akong napaupo sa sahig."I-It c-can't be." nanghihina kong ani.Nanlalabo ang aking panin
Dapat ko bang sabihin sa kanya? Muli akong humugot ng hininga."She's in critical condition. Ang lason na nilagay niya sa dagger ay mabilis na kumalat sa katawan niya. Sylvester's trying to revive her. Rhexyl is determined to give your wish." ani ko.Hindi ko alam kung saan siyang lugar dinala ng apo ko. Binibigyan niya lang kami ng update about Rhexyl's condition.I know my son won't give up on her. Sylvester's love Rhexyl so much. He will do everything for her."And this, pinabibigay sa'kin ito ni Rhexyl, it's for you." Inilapag ko ang puting sobre sa kanya.Ngumiti ako sa kanya."Hindi na rin ako magtatagal pa. I have to go." ani ko saka marahang tumayo.Tahimik kong nilisan ang Restaurant. I'm hoping na sana makahanap pa ng reason si Rhexyl para muling mabuhay at manatili sa tabi ng apo ko.
Adelle's P.O.VNandito ako ngayon sa isang Korean Restaurant waiting for Rhena's arrival. Today, I decided to give something to her from Jorgia.Pagkatapos ng nangyari kagabi ay tila bumalik ang lahat sa normal. Wala talagang natirang Heackler Clan. Burado lahat, nilinis ng batang 'yun lahat.Wala ring nakalabas o salita mula sa mga natirang bisita. Natatawa pa nga ako dahil ilan sa Connel clan ay pinuri si Rhexyl dahil daw sa magandang show na binigay sa kanila.They said, Sylvester's girlfriend is indeed amazing and stunning. 'Kay husay raw pumili ni Sylvester. Naiiling na lamang ako sa tuwing naaalala ko iyon.Pero ang ikinabahala ko ay ang ginawa ni Rhexyl. She's willing to do her mother long time wish.--- Flashback --- Nakatanggap ako ng text na magkikita kita kami dito sa
Ang tanga ko. Hinayaan kong mawala sa'kin ang anak ko. Ako ang may kasalanan kung bakit kinamumuhian niya ako ngayon.At ang masakit, isa ako sa mga taong nais siyang paslangin. Sumang-ayon ako sa kagustuhan ni Rhena na maisilang siya ng maaga upang mawala ito at para na rin sa tradition na mayr'on ang aming pamilya.Ang alam ng angkan namin ay anak ko ang bata kaya lahat ay nais mawala ang bata.Hindi ako tumutol dahil ang alam ko ay hindi ko siya anak. Kung alam ko lang, kung nalaman ko lang ng maaga. Sana --- sana nagawa kong pigilan ang asawa ko. Sana nagawa ko siyang mailigtas. Sana naprotektahan ko siya.Sana naging ama ako sa kanya. Sana naparanas ko sa kanya ang pagmamahal ko. Sana katulad ni Franklin ay nagabayan at naalalayan ko siya."I hate you! I hate you! You killed my dad! I won't forgive you! You killed my dad." She hated me. At hindi ako ang itin
Franco's P.O.VPagkauwi namin dumeritso agad ako sa mini bar ko dito sa mansion. Agad akong kumuha ng wine at mabilis na nilagok ng isahan.I am mad to myself. Wala akong nagawa para kay mom. Hindi ko inakala na ga'nun pala si mom namatay. At sa kamay pa ng taong pinagkakatiwalaan ni dad.Renzo and dad are both friends. Dad trusted Renzo so much. He never doubt that guy kahit alam kong mayr'on mali sa lalaking iyon. I don't trust that guy, naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya at lalo na kapag tumitingin siya kay mom. But dad doesn't notice it.I tried to tell it to my dad but he denied it and he doesn't believe it. When mom died, Renzo's always there for my dad. He help him to recover but I didn't know that he was the reason why mom died.Inis kong hinampas ng malakas ang table. Malakas ko ring ibinato ang hawak kong bote ng wine. Naglikha ito ng ingay.