Share

Touch Me and You're Dead
Touch Me and You're Dead
Author: Toripresseo

01

Chapter 01

Busy si Hilda Alegre sa pagpupunas ng sahig nang marinig niya na ang boses ng mga taong may ari ng mansion.

Nasa pangalawang palapag ang babae pero dahil sa lakas ng boses ng mga ito naririnig niya kahit ang pagsigaw ng matandang lalaki sa pangalan niya.

"Hilda!"

Napatayo si Hilda at nabitawan ang hawak na basahan after marinig ang sigaw ng matandang Alegre.

Tumakbo ang babae pababa ng hagdan hawak ang laylayan ng suot niya na maid uniform.

"Kunin mo mga shopping bags na 'yan at itaas lahat!"

Yumuko si Hilda at naggitgit na lumapit sa mga shoppings bag na paisa-isa pinapasok ng driver.

"Ano ibig sabihin nito honey? Hahayaan mo na lang ang company?"

Nakaluhod si Hilda na inaayos ang mga pagkakalagay ng shopping bags sa ganoon ay madala niya sa taas ito sabay-sabay.

"Hindi pwede. Hindi ako papayag," ani ng matanda na nakaupo sa sofa kaharap ang asawa nito na bawat bahagi ng katawan ay nababalutan ng ginto at perlas.

"Wag mo sabihin na papayag ka sa gusto ni Mr Truson na ipakasal ang anak natin sa kaniya. For god's sake, Reynaldo."

May napakagandang babae ngayon ang pababa ng hagdan at sakto narinig ang usapan ng dalawa na nasa living room.

"Anong ipakasal? What do you mean mom?" tanong ng babae. Alica Alegre— pangalawang anak na babae ng mga Alegre. Hindi maipinta ang mukha ng dalagita after marinig ang usapan ng parents niya.

"Bumaba ng todo ang stocks at itong daddy mo. Umutang sa kaibigan niya na italiano at malapit na ang palugit na binigay ni Mr Truson— imposible mabayaran ang 11 billion sa loob ng isang buwan. Nagalit si Mr Truson at sinabi niya na kapag hindi nabayaran ang 11 billion kailangan ni Reynaldo ibigay ang anak niya para maging isa sa mga asawa ng matanda," ani ng ginang na ngayon ay pinapaypayan ang sarili sa stress.

"What dad! No way! Don't tell me ibibigay mo talaga ako sa matanda na iyon!" sigaw ni Alica. Gusto ni Hilda tumawa dahil doon. Mabilis ang karma sabi-sabi ng babae sa sarili.

"Sino naman kasi may sabi na ikaw ang ibibigay ko?" tanong ng matanda then nakaramdam ng panlalamig si Hilda at mga mata na nakatitig sa kaniya.

Bahagya siya lumingon at nakita niya na nakatingin sa kaniya ang ama. Paunti-unti nanlaki ang mata ni Hilda after mapagtanto na siya ang balak ibigay ng matandang Alegre.

Siya ang unang anak ng matandang Alegre. After mamatay ng ina ni Hilda sa panganganak ay nag-asawa ulit ang matandang Alegre at tuluyan siyang inabandona.

Agad na tumayo si Hilda at sinabi na ayaw niya magpakasal. Lalayas na siya sa bahay na iyon.

Nag-stay lang naman siya doon dahil wala siya mapupuntahan at dahil buong buhay niya nasa loob lang ng mansion ay takot siya sa buhay sa labas ng mansion na iyon.

Ngunit balak na siya ng matanda na ipakasal at hindi siya doon papayag. Aalis si Hilda at aakyat ng hagdan para ihanda ang mga gamit niya nang hablutin ng ama niya ang buhok niya.

"Aray!"

Napahawak ang babae sa buhok at mangiyak-ngiyak na tiningnan ang ama. Nanlalaki ang mata ng ama at puno ng pagbabanta ang tingin na pinukol niya dito.

"Ikaw ang may kasalanan kaya nawala ang ina mo. Maswerte ka pa dahil hindi kita pinatapon 'nong bata ka pa at hinayaan pa kita tumira dito. Panahon na para pagbayaran mo lahat ng hirap ko sa iyo at sa ginawa mo sa ina mo. Magpapakasal ka ngayon kay Mr Truson at kapag sinubukan mo tumakas — pipilayan kita."

Binalya ng matandang lalaki si Hilda sa sahig na napaingit na lang matapos ito mapadapa sa sahig at tumama ang siko sa baitang ng hagdan. Naiiyak na tiningnan ni Hilda ang kinilala niya na ama.

Hindi alam ng matanda na ilang beses ni Hilda na hiniling na sana ay pinaampon na nga lang siya nito or namatay na lang din sana siya kasama ng ina niya.

Simula ng magka-isip siya wala ginawa ang ama niya kung hindi saktan siya. Mas lumala pa iyon 'nong dumating ang mag-ina— hindi na lang ang ama niya nagpapahirap sa kaniya pati na din ang bago nitong pamilya.

Nakayuko si Hilda at naiyukom na lang ang mga kamao. Hinablot siya ng isa sa mga katulong patayo after ito utusan ng pangalawang asawa ng ama niya na ayusan ito ngayon din.

Dalhin si Hilda sa bakanteng kwarto, ibigay ang mga lumang damit ni Alica at siguraduhin na desente ito kapag nakaharap ang matandang Truson.

Walang nagawa si Hilda kung hindi sumunod dahil kapag hindi siya sumunod siguradong sakit ng katawan ang aabutin niya.

Nakaupo sa gilid ng kama si Hilda at pumasok ang isa sa mga katulong. Ibinato sa mukha ni Hilda ang mga pinaglumaan na damit ni Alica.

"Maligo ka ngayon din at suutin mo mga damit na 'yan! Ayusin mo din ang kwarto na ito."

Lumabas na din ang katulong at tumingin si Hilda sa nakasarang pinto. Kahit ang mga katulong sa mansion na iyon ay daig pa niya ang hayop kong ituring siya.

Nanalaytay din sa dugo niya ang pagiging isang Alegre. Kung tutuusin ay mas may karapatan siya sa mansion na iyon dahil siya ang tunay na anak.

Napahawak ng mahigpit si Hilda sa napakagandang night dress na nakapatong sa mga hita niya.

Hindi na napansin ni Hilda ang paunti-unti pagtulo ng luha sa pisngi niya at likod ng mga palad.

"Hindi, hindi ka pwede umiyak Hilda," ani ng babae at mabilis na pinunasan ang pisngi. Umupo ng maayos at matapang na tiningnan ang sarili sa full size mirror na nasa gilid ng kama.

"Hindi ako papayag sa gusto nina Mr Alegre. Hindi ako magpapakasal," bulong ni Hilda. Imbis matulog ng gabi na iyon ay magdamag siya nag-isip ng paraan kung paano mapipigilan ang kasal.

Hindi siya papayag na ipakasal matandang Truson. Maaari na hindi siya nakakalabas ng mansion pero hindi ibig sabihin 'non total clueless si Hilda sa mga nangyayari sa labas at anong klaseng mga tao ang nakapaligid sa mga Alegre.

Ang mga Truson ang pinakamayamang sa probinsya nila. Narinig ni Hilda sa mga katulong ang about sa mga Truson which is marami nga itong asawa at mga anak. Nagkaroon din ng scandal sa pamilya na ito last 2 years ago after ma-involve sa rape and prostitusyon ang mga Truson.

Hindi maganda na ma-involve si Hilda sa mga Truson dahil sigurado siyang mas lalo na walang kahihitnan ang buhay niya.

"Kailangan ko makatakas," bulong ni Hilda habang nakahiga sa malambot na kama at nakatitig sa kisame.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status