Chapter 05
Nakalayo na si Hilda sa airport. Wala ng mga humahabol sa kaniya ngunit hindi niya maiwasan mag-alala sa dalawang babae na naiwan sa airport.Hinanap niya ang police station malapit sa airport. Nag tingin tingin ang babae sa paligid hanggang sa may isang matandang italiano ang lumapit."Ti sei perso? dov'è il tuo passaporto?"Natakot si Hilda dahil nilapitan siya ng isang matandang italiano at hinaharangan siya. Inisip ng babae na may masamang balak sa kaniya ang matanda dahil sa tiyura niya."No! No! Don't!"Takot na takot ang babae at nagtangka tumakbo ngunit agad siya hinarangan ng matanda."Di dove sei? passaporto!"May isa pa na lumapit na lalaki at naka-uniform. Nakita niya sa tv ang mga ganoon na uniform."Police?" natatakot na sambit ni Hilda. Pinakita ng traffic officer ang id niya."You have a passport? Where are you from?"Napatigil si Hilda. Wala siyang passport either mga documents. Napaatras si Hilda.Tiningnan siya ng dalawang lalaki na may pagtatakha. Either ipatawag ng mga ito si Mr Truson or ibalik siya ng mga ito sa pilipinas.Sakto may dumaan na truck. Sandali nawala ang atensyon sa kaniya ng dalawang lalaki.Tumakbo si Hilda palayo at agad siya hinabol ng dalawang lalaki.Tumawid ang babae sa kalsada then may nakita siya truck ng mga gulay. Lumingon si Hilda sa mag pulis na patawid din ng kalsada. Sumampa si Hilda sa truck ng mga gulay at nagtago sa pagitan ng mga malalaking basket."Dov'è lei? ha perso velocità."Narinig ni Hilda na sambit ng pulis na ngayon ay nasa gilid ng truck at tinitingnan ang ilalim. Napatakip ng bibig si Hilda pumikit ng madiin.Hindi alam ni Hilda ang gagawin lalo na at kahit mga pulis ay hindi makakatulong sa kaniya.Napatigil si Hilda dahil biglang umandar ang truck. Napatayo si Hilda at doon nakita siya ng mga pulis. Hinabol ng mga ito ang truck.Damang-dama ngayon ni Hilda ang hampas ng malamig na hangin sa pisngi at katawan niya. Naiiyak na tumingala si Hilda sa madilim na kalangitan."Nanny, mom— kayo na bahala sa akin."Inalis ng babae ang wig at inilapad iyon ng hangin.—Hindi alam ni Hilda kung nasaan na siya. Madilim na kasi ang paligid at paunti-unti na din nawawala ang mga bahay kaya 'nong huminto ang truck ay agad tumalon si Hilda pababa ng truck before pa makababa ang driver.Tumungo si Hilda sa dalampasigan. Pakagat na din ang dilim at talagang nagugutom na siya."Tapos ano na gagawin ko?" ani ni Hilda. Natatakot na lumingon si Hilda at wala siyang nakikita na tao sa lugar na iyon.Nilalamig at nakapaa si Hilda na nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa may makita siya maliit na kubo hindi kalayuan sa dalampasigan.Dahan-dahan lumapit doon si Hilda. May nakita siya na ilaw at may naaamoy na cup noodles.Nanlalamig na kumatok si Hilda sa pinto. Agad naman iyon bumukas at may bumungad sa kaniya na mag-asawang matanda.Nagulat pa mga ito after siya makita. Halata sa babae na hindi ito italiana at dayo lang ito doon.Napalunok ang babae after makita mga pagkain na nasa table."Are you hungry?" tanong ng matanda. Kaunti lang naiintindihan ni Hilda na english ngunit nagpapasalamat siya dahil kahit kakaunti ay may naiintindihan siya na simpleng words.Tumango-tango si Hilda. Naawa ang dalawang matanda at pinapasok ito sa maliit nila na kubo.Pinaupo nila si Hilda at binigyan ng plato. Sunod-sunod na nag-thank you si Hilda sa dalawang matanda.Kita ng dalawang matanda kung gaano kagutom ang babae kaya naman mas binigyan pa nila ito ng pagkain at maiinom.Hindi nila ito kinausap hangga't hindi sila tapos sa pagkain. Una ay nahihiya si Hilda ngunit dahil sa gutom ay agad niya iyon nakalimutan at hindi 'man lang nakapagpakilala sa dalawang matanda.Nauna tumayo ang matandang babae at naghalungkat ng masusuot sa luma nitong cabinet para kay Hilda."What's your name?" tanong ng matanda. Uminom ng tubig si Hilda at tiningnan ang matandang italiano."Hi-Hilda," bulong ng babae. Nagdadasal na lang ang babae na hindi din ng mga ito hingin ang passport niya.Nakikita ng dalawang matanda na hindi maganda ang lagay ng dalagita, may ilang galos din ito at nakapaa. Hindi na sila nag-abala pa na magtanong at after kumain ng dalagita ay inaya na ito ng dalawang matanda na magpahinga."You have an address? Or home so we can call your family to inform them that you're here?" tanong ng matandang lalaki kay Hilda na nakaupo sa sahig at may hawak na kumot."No—no family," sagot ni Hilda. Tapos nag-act siya na may malaking tao na kumuha sa kaniya at humahabol sa kaniya."Bad guys— take me," ani ni Hilda. Halata naman na nahihirapan si Hilda mag-english at kung paano i-explain iyon sa dalawang matanda."You want to call police?" tanong matandang babae. Agad na umiling si Hilda. Natatakot siya ibalik siya sa pilipinas at kuhanin ulit ng ama niya."Stay here as long as you want. Feel at home. Not so many people come here to visit or stay in this area and no one will recognize you either," ani ng matanda. Agad na lumiwanag ang mukha ni Hilda at nag-thank you sa mga ito.Pinatulog na siya ng dalawang matanda sa tabi nila. Likas na mabait ang dalawang matanda katulad ng sinabi nito hinayaan nila si Hilda mag-stay doon. Binigyan ng makakain, matutulungan at masusuot kaya naman ginagawa ni Hilda lahat ng best niya para makatulong.Naglilinis ng bahay, inaayos ang ilang butas ng dingding, kumukuha ng mga kahoy panggatong at minsan tinutulungan niya sa paglalaba ang matandang babae.Tuwang-tuwa ang dalawang matanda kay Hilda dahil sa likas na masiyahin ito at masipag. Nauuna pa sa kanila ito magising minsan para magsimulang magpulot ng mga basura na nasa beach na iniwan ng ilang mga guest.Iniipon niya iyon sa ganoon ay maibenta nga ng matandang lalaki at may dagdag mapagkikitaan.Biglang nagkaroon ng magulang si Hilda dahil sa dalawang matanda. Lumipas ang tatlong araw may ilang mga pulis ang napadaan sa area.Sa kalayuan nila nakita si Hilda na kausap ang matandang babae. Isa sa mga ito ang kinuha agad ang phone niya."We found her."Nakangiti si Hilda na inaabot ang timba sa matandang lalaki. Noong araw na din iyon maraming foreigner ang dumating at guest.Tuwang-tuwa ang dalawang matanda dahil malaki ang kikitain nila at balak nila bilhan ng masarap na ulam ang dalaga.Kasalukuyang nagdadampot ng basura si Hilda at nakaupo sa buhanginan nang maraming pares ng sapatos ang huminto sa harapan niya.Nanlamig si Hilda at dahan-dahan inangat ang paningin. Dalawang tao lang ang naisip ni Hilda magpadala ng mga malalaking tao na iyon para kaladkarin na naman siya paalis.Napatayo si Hilda at nabitawan ang hawak na garbage bag."Come with us quietly," may pagbabanta at malamig na sambit ng isa sa mga lalaking hinawakan na lang siya sa braso.Nakita ni Hilda ang dalawang matanda na may dalang itak at mukhang susugurin nito mga taong kumukuha sa kaniya.Agad na umiling si Hilda at naiiyak na ang mga ito na tiningnan. Parang sinasabi nito na huwag ng lumapit. Ayaw niya mapahamak ang dalawang matanda.Napatigil ang dalawang matanda at sinundan na lang ng tingin si Hilda na tahimik na sumunod sa mga lalaki papasok ng sasakyan.Bago pumasok sa loob ng sasakyan nilingon niya ang dalawang matanda na hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa kaniya. Ngumiti lang ng kaunti si Hilda bago siya sapilitan pinapasok ng malaking lalaki sa loob ng sasakyan.Sa isip ni Hilda atleast sa maiksing panahon naranasan niya magkaroon ng isang pamilya. May dalawa pang tao na nag-alaga sa kaniya at tinuring siyang anak bukod sa nanny niya.Nakayuko si Hilda sa backseat habang napaggigitnaan ng dalawang lalaki na nakumpirma niya na mga tauhan ni Mr Truson since narinig niya ang pangalan ni Mr Truson sa lalaking nasa passenger seat na may hawak na phone."Don't worry Mr. Truson. We are going there now with the woman you are looking for. She's safe and sound."Nakaramdam ng panlalamig si Hilda at kakaibang takot na bumalot sa buong katawan niya after maramdaman ang paraan ng pagtingin sa kaniya ng apat na lalaki na nasa loob ng kotse.Chapter 06Nakahinto ang sasakyan sa gitna ng kalsada dahil sa traffic. Napatitig na lang ako sa mga taong dumadaan sa labas ng bintana at sa iba't ibang ilaw na nakikita ko sa paligid. Hindi ko maiwasan ma-amaze habang nakatingin sa mga ilaw at sa dami ng tao sa araw na iyon. Bigla ko naalala si nanny 'nong dini-describe niya ang mga lugar sa labas ng mansion. Kung i-describe na iyon sa akin para bang napakaganda ng lugar na iyon. Tahimik, lahat masaya tapos walang takot ngunit ngayon nasa labas na ako ng mansion. Masasabi ko na hindi siya ganoon kaganda katulad ng iniisip ko at hindi siya nakaka-enjoy. Napakalaki ng mundo, maraming tao at higit sa lahat— tiningnan ko ang mga tao na nasa sasakyan. Madaming masamang tao na katulad ng dad ko. "Pwede ba maawa na kayo? Palayain niyo na ako," bulong ko at nagmamakaawa na tininingnan ang dalawang malaking tao sa magkabilang gilid ko na para bang hindi nila ako narinig. Umandar na ulit ang sasakyan at habang pahaba ng pahaba ang biya
Chapter 07"Take her."Iyon ang narinig ko bago may nagbukas ng compartment at may mga lalaki na inalalayan ako umupo at inilabas nga a lang ako sa compartment. Compare sa mga tauhan ni Mr Truson hindi sila mga nakakatakot siguro dahil hindi sila mga mukhang bouncers at walang mga hawak na malalaking baril. Hindi din nila ako kinaladkad. "Sorry, pero kailangan namin takpan ang mata mo," ani ng lalaki na mukhang pinoy din at tinakpan nga ang mga mata ko. May humawak sa braso ko at pinaglakad ako. Unang nakita ko paglabas ng compartment ay maraming facilities sa lugar. Madami din tao it's just wala lang ang mga ito pakialam. Parang hindi nila kami nakikita or mukhang hindi 'man lang ang mga ito naku-curious bakit ako nakatali or what. "Nakakaintindi ka ng tagalog hindi ba?""Umm."Kinakabahan ko tinanong kung papatayin ako ng boss nila. "Hindi ko alam pero kung dinala ka dito ni boss sigurado may naisip siya na way para gamitin ka. Atleast hindi ka papatayin hindi ba?"Napalunok a
Chapter 08"Kaya huwag mo tangkain na tumakas kasi once na lumabas ka ng building na ito intruder ka na. Maga-alarm ang light house at lahat ng miyembro na nasa city na iyon ha-hunting-in ka."Tiningnan ko iyong light house na nakikita ko mula sa building na iyon. Nakita ko umilaw iyon once at natakot ako. Bakit hindi? Biglang nabalutan ng pula ang buong city as in. Narinig ko mga usapan ng mga nagbabantay sa akin sa labas na may nakapasok sa city. After ko mag-shower lumabas na ako ng room tapos katulad ng nakagawian ko na para magpalipas ng oras umuupo ako malapit sa glasswall at tinitingnan ang mga tao sa ibaba. Umaga na 'non at mukhang lahat busy. Nakikita ko na ang maraming sasakyan na naglalabas pasok sa gate pati na din mga tao na nasa city na kasalukuyang naglalakad patungo sa kani-kanilang pupuntahan. Napansin ko din sa lugar na iyon na tanging mga naka-black suit lang ang may mga sasakyan. May mga nakakabit sa tenga at bukod sa mga kotse tanging mga ambulansya at fire tr
Chapter 09"Ano?"Nanlaki ang mata na tanong ko after sabihin ni Gabriel na tinangka patayin ng boss nila si Aron at dahil doon hindi na bumalik si Aron. "Then bakit mukhang concern pa ang boss niyo sa anak niya? Need ko pa bantayan," ani ko. Nagdududa ko siya tiningnan. Napaisip ako. Hindi kaya balak nila ako gamitin para i-track ang anak ng boss nila para tuluyan ito. Napatingin ako sa kabilang direksyon. Bakit may mga magulang na ganoon? Paano nila nagagawa iyon sa sarili nilang anak. "Ang totoo 'nan once na humawak ng baril si boss hindi ito pumapalya sa pagkalabit ng gatilyo. I just wondering kung binalak nga niya talaga patayin si sir Aron."Napatingin ako kay Gabriel. Sinabi ni Gabriel na wala na siya alam sa ibang detalye basta ang alam niya umalis si Aron na may sobrang galit na nararamdaman sa boss nila kaya hindi na ito nagpakita pa after ng nangyari. "Mag-stick ka lang sa mission mo iyon ay bantayan si sir Aron at i-report lahat ng gagawin niya. Mas better kung makuku
Chapter 10Namangha ako 'nong makita ang isang art gallery pero mas mukha yata itong museum na nakikita ko sa mga pictures sa bodega na pagmamay-ari ng mga Alegre. Maraming tao ang naglalabas-pasok sa lugar at katulad nga ng sabi ni Gabriel imposible makapasok ako sa loob dahil mukhang mayayaman ang mga taong pumapasok sa loob. Sinabi din ni Gabriel na mukhang mga pili lang din na tao ang nakakakita ng loob ng museum. Sumilip-silip ako sa entrance ng museum hanggang sa may lumapit sa akin na guard. "Do you have an appointment miss?"Napatigil ako. Anong appointment? Narinig ko nagsalita si Gabriel sinabing sumagot lang ako ng no. Nagdududa na ako tiningnan ng guard at sinabi na bawal doon. Bagsak ang balikat na naglakad ako pababa ng hagdan at palayo sa entrance ng gallery. Napatigil ako 'nong may nakita akong babae na nakasalampak sa sahig at nagkalat mga paninda nito sa ibaba ng hagdan. Galit na galit iyong foreigner na sinisigawan iyong babae na nagso-sorry kahit pa mukhang
Chapter 11Nasa office ni Gabriel Assente si Hilda. Kasalukuyang humihikbi ang babae habang sinasabi nito ang tunay na nangyari. Grupo pala ng mga sindikato ang mga kumuha kay Hilda at ngayon ay pinatatawag si Hilda ng boss nila para kausapin. Napasapo si Gabriel sa noo at tinanong ngayon si Hilda paano ito nakatakas. Pagdating kasi ng grupo na pinatawag ni Gabriel para tulungan si Hilda ay nasa labas na si Hilda at wala ng buhay iyong mga kumuha kay Hilda. Sinabi ni Hilda na niligtas siya ni Art. Napataas ng kilay si Gabriel. Pinatay ng hinire niya na driver iyong limang professional gun man na kumuha kay Hilda? Gusto itanong ni Gabriel kung ilang taon na iyong driver nang tumunog ang speaker sa loob ng office at pinatatawag si Hilda at Gabriel sa main building. —"Mr Nicastro! Bigyan mo na lang ako ng isang buwan. Magagawa ko mission ko," ani ni Hilda na pinagko-cross ang mga daliri. Sinabi nito sisuguraduhin niya na makakapasok siya sa mansion ng anak ni Arthur. Aalis na siya
Chapter 12Bumaba kami ni Art ng sasakyan after makalampas ng tunnel. Alangan naman kasi mag-ikot kami sa city nang nakasakay sa sasakyan. Lumapit ako sa isang stall. May tinda silang rice ball doon na palagi sa akin dinadala no Art 'nong nasa labas kami ng city. "Art, look may rice ball. Bili tayo.""How come you just finished breakfast and you're still hungry," react ni Art habang nakapamulsahan naglalakad palapit sa akin. "Duhh sabihin mo lang kung ayaw mo. Hindi ba pwedeng gusto ko lang kumain ng ibang dish," ani ko at sinabihan ang tindera na gusto ko bumili ng apat. "Pare-pareho kasi iyong mga dish na ino-offer sa main building. Nakakasawa iyong pare-pareho iyong dish na kinakain," ani ko. After ibigay sa iyon ni manang kumuha ako ng dalawa at binigay kay Art iyong mga natitira. Kinuha niya iyon tapos naglakad na ulit kami. Natutuwa na kumagat ako sa hawak ko na rice ball tapos nagpatuloy sa paglalakad. Napatigil ako after sa kabilang kalsada nakita ko iyong bata na nagbig
Chapter 13"Wait Gabriel! Pagod na ako tapos ang init!"Reklamo ko at napaupo sa damuhan. 9pm ba naman pinatakbo ako ni Gabriel dito sa field and guess what wala pa ako breakfast. "Nagrereklamo ka ng mainit after mo gumising ng 9pm? Hindi ba sabi ko dapat 5am nandito ka na?"Napanguso ako sinabi ko na madaling araw na ako nakauwi at napalalim tulog ko. "Then wag ka na magreklamo dahil kasalanan mo din naman. Tuloy ang practice. Run."Agad ako na tumayo after ako samaan ng tingin ni Gabriel. Nagpatuloy ako sa pagtakbo at sinabihang nakakainis si Gabriel. So? Ayon kahit tanghaling tapat tumatakbo ako at noong sinabi na ni Gabriel ang word na break time na napadapa na lang ako sa damuhan. Hindi na ako nagtangka pa umupo dahil sa sobrang pagod pero hindi katulad last time hindi na sumasakit ang buong katawan ko. It's just pagod na pagod na lang talaga ako then maya-maya naramdaman ko lumapit sa akin si Gabriel. Naniningkit ang mata na tiningnan ko siya. Tumawa lang ito then inabutan