Chapter 02
Nanuyo ang lalamunan ni Hilda after makita ang matandang Truson na gusto ng matandang Alegre na ipakasal siya. Maliit ito na lalaki at kalbo. Malaki din ang tiyan nito at may kaitiman.Sa isip ni Hilda hindi siya kagandahan at masama manlait pero masasabi niyang kahit mga pulubi sa kalsada ay hindi magkakainteres sa matanda."I thought you have a one pretty daughter," ani ng matandang italiano. Dinilian pa nito ang labi after nga ipakilala si Hilda na agad minake over mula ulo hanggang paa."If you are satisfied Mr. Truson. you can take her to Italy then we will go next month for the wedding after my second daughter recover."Ipinalabas ng mag-asawang Alegre na hindi maganda kondisyon ng second daughter nila which is si Alica at sakitin din ito. May pinakita din ang matandang Alegre na fake medical document like imposible na mabigyan ng anak ni Alica ang matandang Truson.Ang pangalawang anak kasi ng matandang Alegre ang gusto kuhanin ng matanda dahil sa taglay nito na ganda. Aminado naman si Hilda na mas maganda si Alica sa kaniya pero for god's sake— panget na nga siya mapupunta pa siya sa panget.Nanuyo ang lalamunan ni Hilda after malaman na bukas na bukas din ay aayusin ang documents niya at makasama agad sa matandang Truson papunta sa italy.Noong makaalis ang matanda agad na lumuhod si Hilda at nagmakaawa sa ama na huwag gawin iyon sa kaniya."Bitawan mo nga ako! Ngayon ka lang magkakaroon ng silbi sa pamilya na ito! Hilda!" ani ng matandang Alegre at hinila ang paa niya para mapadapa si Hilda."Tanggapin mo na lang Hilda ang kapalaran mo. Sa paraan na ito makakabayad ka ng utang na loob sa pagpayag namin na manatili ka dito."Naiyukom ni Hilda ang kamao at matapang na tumayo. Tiningnan niya ang pangalawang asawa ng ama niya."Kung buhay ang ina ko wala kang magiging posisyon sa mansion na ito. Nanalaytay sa katawan ko ang dugo ng taong tunay na may ari ng mansion na ito at may ari ng kompanya!""Lahat ng bagay na meron sa mansion na ito at perang mga winawaldas niyo ay galing sa ina ko na dapat ay sa akin—"Isang sampal ang nagpatahimik kay Hilda at dumugo ang gilid ng labi ng babae after 'non. Hinablot ng ginang ang panga ng dalaga at nagdidilim ang mukha na tinitigan ang mukha ni Hilda."Wala na ang ina mo. Walang para sa iyo. Tandaan mo ang dahilan bakit ka nandito at buhay," madiin at bulong ng babae. Tiningnan ni Hilda ang ama na hindi 'man lang siya tinapunan ng tingin at patuloy sa paghithit ng sigarilyo."Tama na 'yan Rosalinda. Hindi ka pwede mag-iwan ng marka sa batang 'yan dahil bukas na bukas ay darating si Mr Truson. Ayoko magduda siya," ani ng matanda dahilan para bitawan ng babae si Hilda na ngayon ay napasalampak na lang sa sahig dahil sa panghihina ng tuhod.Sa pagkakataon na iyon hindi na magawa ni Hilda ang makaramdam ng sobrang galit at dahil sa wala siya magawa ay naiyak na lang siya. Lahat iyon nangyayari dahil maaga nawala ang ina niya."Dalhin niyo na sa taas ang babae na 'yan. Huwag niyo palalabasin hangg't hindi ko sinasabi," utos ng ginang sa mga katulong na agad hinablot si Hilda at kinaladkad pataas ng hagdan.Isinara ng mga katulong ang pinto ng room ni Hilda. Napaupo na lang sa sahig ang babae habang hawak ang isang kwintas na nasa leeg niya. Pagmamay-ari iyon ng ina niya na binigay sa kaniya ng dati niyang nanny na siyang nag-aalaga sa kaniya.Tuwing naiisipan niya sumuko ay hinahawakan niya lang ang kwintas na iyon."Sa loob ng 22 years walang araw na hindi ako umasa na magbabago din tingin sa akin ni Mr Alegre. Ituturing niya din ako na anak kaya kahit minsan gusto ko na sumuko at umalis sa mansion na ito hindi ko ginawa."Tumingala si Hilda para maiwasang tumulo ulit ang mga luha niya at magpadala sa emosyon."Anong gagawin ko mom?"Hilda Alegre, kaisa-isang anak ni Reynaldo Alegre— anak sa unang asawa at biological daughter ng pinakamayaman sa probinsya ng Bicol.Namatay ang ina ni Hilda dahil sa panganganak na naging dahilan para mawala sa sarili ang ama ni Hilda at iabandona siya. Nalaman ni Hilda sa dati niyang nanny na mahal na mahal ni Reynaldo ang unang asawa nito at halos mabaliw ito sa pagkawala nito.Sa part na iyon naiintindihan ni Hilda bakit ganoon na lang ang galit ng ama niya sa kaniya. Ilang taon siya nagtiis at sinubukan intindihin ang ama dahil sa palaging sinasabi ng matanda na siya ang may kasalanan naniwala si Hilda na dapat niya nga iyon pagbayaran pero lumipas ang mga panahon paunti-unti na-realize ni Hilda na mali ang ibinibintang sa kaniya ng ama.Nawalan siya ng ina at hindi niya hiniling sa mga ito na buhayin siya. Paano nga niya ba iyon naging kasalanan.Nakumpirma lang din niya na tuluyan ng inabandona siya ng ama niya 'nong mas pinili ng matandang Alegre na ibigay siya sa matandang Italiano pambayad sa utang nito.Sarili niyang dugo at laman. Naiiyak na pinunasan ni Hilda ang pisngi at pilit na tumayo."Nagsasayang na lang ako ng oras at panahon dito."Lumapit si Hilda sa kama at humiga doon. Sa pagkakaalam niya malaki ang italy. Naisip niya na doon na lang tumakas dahil kung nasa pilipinas siya mas malaki ang chance na mahanap siya agad ng matandang Alegre.Napahawak ng mahigpit si Hilda sa bedsheet at tiningnan ang lampshade na nasa ibabaw lang ng lamesa na nasa gilid ng kama."Hindi ko hahayaan na magtagumpay sina Mr Alegre sa gusto nila mangyari."Kinabukasan,Walang imik si Hilda na sumakay na ng kotse kasama ang matandang italiano. Mukha lang kalmado si Hilda sa panlabas ngunit kasalukuyan ngayon malakas ang tibok ng puso ni Hilda dahil sa kaba.Maraming mga bodyguard kasama ang matandang italiano at lahat mga ito may baril. Takot na takot ngayon si Hilda ngunit pilit niyang tinago iyon at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan.Nakita niya sa labas ng mansion ang step mother niya na may paiyak pa habang yakap ang matandang Alegre ma naga-act na nalulungkot. Bahagya napalitan ng galit ang takot na nararamdaman ni Hilda sa dibdib niya.Napaisip na lang si Hilda kung anong pinagkaiba ng buhay na makasal sa italianong kalbo at mag-stay sa mansion na iyon na hindi nalalayo sa pagiging impiyerno.Napahawak si Hilda sa mga tuhod at napayuko. Gusto na lang niya buksan ang pinto ng sasakyan at tumalon para matapos na lahat ng iyon.Chapter 03Sa isang maliit na renthouse nakahiga ang isang lalaki sa mattress. Nakapatong ang isang braso sa noo at nakasuot ito ng mamahaling suit at wrist watch na nagkakahalaga ng million euro. Madumi ang silid— may mga nagkalat na bote ng alak, papeles at tatlong laptop na lahat ay nasa sahig. 'Forgive me Arthur if i leave you again. You always give me favors and simply living with you for a long time is something I unable to give you. I-I'm so helpless.'Nakita ni Arthur ang sarili sa isang silid kung saan yakap niya ang katawan ng isang babae. Sobra ang payat nito at namumutla. 'I failed to save you again, sister.'Nabalutan ng apoy ang buong paligid kasunod 'non ang pagmulat ng mga mata ng lalaki na nakahiga sa mattress. Bumugad sa kaniya ang madilim na silid at ang kisame. Bumangon ang lalaki at bahagya sinuklay ang buhok. Tiningnan ng lalaki ang wrist watch at nakita na 2am pa lang. "I only slept for 3 minutes, but my nightmare felt like I was slept and tortured for a ye
Chapter 04"Nanny!"Natutuwang lumapit ang isang batang babae na may hawak na bulaklak at inabot iyon sa isang matanda na nakaupo sa isang upuan na kahoy at may tinatahi na damit. "Hilda, saan mo naman nakuha iyan. Binunot mo na naman ba nga bulaklak sa garden?" ani ng matanda after ibaba ang sewing kita at damit na tinatahi niya. Napatigil ang bata dahil may nahulog na picture galing sa nanny at agad niya kinuha iyon. "Nanny, sino 'yong bata?" tanong ng batang babae. Nakita niya ang nanny niya tapos may kasama itong bata na nasa 6 years old. "He's my son. Ang pogi niya hindi ba?" nakangiti na tanong ng nanny. Agad na tumango-tango ang bata. "Nasaan siya nanny? Bakit hindi mo kasama?" tanong ng batang babae at inabot ang picture sa matanda. "Nasa malayo siya ngayon."Iyon lang sinabi ng matanda. Inosente siya tiningnan ng batang si Hilda dahil nakikita ng bata na nalulungkot ang matanda. Wala din sinabi pa ang ginang about sa anak. "Ija, sinabi ko na wag ka pupunta sa main mans
Chapter 05Nakalayo na si Hilda sa airport. Wala ng mga humahabol sa kaniya ngunit hindi niya maiwasan mag-alala sa dalawang babae na naiwan sa airport. Hinanap niya ang police station malapit sa airport. Nag tingin tingin ang babae sa paligid hanggang sa may isang matandang italiano ang lumapit. "Ti sei perso? dov'è il tuo passaporto?"Natakot si Hilda dahil nilapitan siya ng isang matandang italiano at hinaharangan siya. Inisip ng babae na may masamang balak sa kaniya ang matanda dahil sa tiyura niya. "No! No! Don't!"Takot na takot ang babae at nagtangka tumakbo ngunit agad siya hinarangan ng matanda. "Di dove sei? passaporto!"May isa pa na lumapit na lalaki at naka-uniform. Nakita niya sa tv ang mga ganoon na uniform. "Police?" natatakot na sambit ni Hilda. Pinakita ng traffic officer ang id niya. "You have a passport? Where are you from?"Napatigil si Hilda. Wala siyang passport either mga documents. Napaatras si Hilda. Tiningnan siya ng dalawang lalaki na may pagtatakha.
Chapter 06Nakahinto ang sasakyan sa gitna ng kalsada dahil sa traffic. Napatitig na lang ako sa mga taong dumadaan sa labas ng bintana at sa iba't ibang ilaw na nakikita ko sa paligid. Hindi ko maiwasan ma-amaze habang nakatingin sa mga ilaw at sa dami ng tao sa araw na iyon. Bigla ko naalala si nanny 'nong dini-describe niya ang mga lugar sa labas ng mansion. Kung i-describe na iyon sa akin para bang napakaganda ng lugar na iyon. Tahimik, lahat masaya tapos walang takot ngunit ngayon nasa labas na ako ng mansion. Masasabi ko na hindi siya ganoon kaganda katulad ng iniisip ko at hindi siya nakaka-enjoy. Napakalaki ng mundo, maraming tao at higit sa lahat— tiningnan ko ang mga tao na nasa sasakyan. Madaming masamang tao na katulad ng dad ko. "Pwede ba maawa na kayo? Palayain niyo na ako," bulong ko at nagmamakaawa na tininingnan ang dalawang malaking tao sa magkabilang gilid ko na para bang hindi nila ako narinig. Umandar na ulit ang sasakyan at habang pahaba ng pahaba ang biya
Chapter 07"Take her."Iyon ang narinig ko bago may nagbukas ng compartment at may mga lalaki na inalalayan ako umupo at inilabas nga a lang ako sa compartment. Compare sa mga tauhan ni Mr Truson hindi sila mga nakakatakot siguro dahil hindi sila mga mukhang bouncers at walang mga hawak na malalaking baril. Hindi din nila ako kinaladkad. "Sorry, pero kailangan namin takpan ang mata mo," ani ng lalaki na mukhang pinoy din at tinakpan nga ang mga mata ko. May humawak sa braso ko at pinaglakad ako. Unang nakita ko paglabas ng compartment ay maraming facilities sa lugar. Madami din tao it's just wala lang ang mga ito pakialam. Parang hindi nila kami nakikita or mukhang hindi 'man lang ang mga ito naku-curious bakit ako nakatali or what. "Nakakaintindi ka ng tagalog hindi ba?""Umm."Kinakabahan ko tinanong kung papatayin ako ng boss nila. "Hindi ko alam pero kung dinala ka dito ni boss sigurado may naisip siya na way para gamitin ka. Atleast hindi ka papatayin hindi ba?"Napalunok a
Chapter 08"Kaya huwag mo tangkain na tumakas kasi once na lumabas ka ng building na ito intruder ka na. Maga-alarm ang light house at lahat ng miyembro na nasa city na iyon ha-hunting-in ka."Tiningnan ko iyong light house na nakikita ko mula sa building na iyon. Nakita ko umilaw iyon once at natakot ako. Bakit hindi? Biglang nabalutan ng pula ang buong city as in. Narinig ko mga usapan ng mga nagbabantay sa akin sa labas na may nakapasok sa city. After ko mag-shower lumabas na ako ng room tapos katulad ng nakagawian ko na para magpalipas ng oras umuupo ako malapit sa glasswall at tinitingnan ang mga tao sa ibaba. Umaga na 'non at mukhang lahat busy. Nakikita ko na ang maraming sasakyan na naglalabas pasok sa gate pati na din mga tao na nasa city na kasalukuyang naglalakad patungo sa kani-kanilang pupuntahan. Napansin ko din sa lugar na iyon na tanging mga naka-black suit lang ang may mga sasakyan. May mga nakakabit sa tenga at bukod sa mga kotse tanging mga ambulansya at fire tr
Chapter 09"Ano?"Nanlaki ang mata na tanong ko after sabihin ni Gabriel na tinangka patayin ng boss nila si Aron at dahil doon hindi na bumalik si Aron. "Then bakit mukhang concern pa ang boss niyo sa anak niya? Need ko pa bantayan," ani ko. Nagdududa ko siya tiningnan. Napaisip ako. Hindi kaya balak nila ako gamitin para i-track ang anak ng boss nila para tuluyan ito. Napatingin ako sa kabilang direksyon. Bakit may mga magulang na ganoon? Paano nila nagagawa iyon sa sarili nilang anak. "Ang totoo 'nan once na humawak ng baril si boss hindi ito pumapalya sa pagkalabit ng gatilyo. I just wondering kung binalak nga niya talaga patayin si sir Aron."Napatingin ako kay Gabriel. Sinabi ni Gabriel na wala na siya alam sa ibang detalye basta ang alam niya umalis si Aron na may sobrang galit na nararamdaman sa boss nila kaya hindi na ito nagpakita pa after ng nangyari. "Mag-stick ka lang sa mission mo iyon ay bantayan si sir Aron at i-report lahat ng gagawin niya. Mas better kung makuku
Chapter 10Namangha ako 'nong makita ang isang art gallery pero mas mukha yata itong museum na nakikita ko sa mga pictures sa bodega na pagmamay-ari ng mga Alegre. Maraming tao ang naglalabas-pasok sa lugar at katulad nga ng sabi ni Gabriel imposible makapasok ako sa loob dahil mukhang mayayaman ang mga taong pumapasok sa loob. Sinabi din ni Gabriel na mukhang mga pili lang din na tao ang nakakakita ng loob ng museum. Sumilip-silip ako sa entrance ng museum hanggang sa may lumapit sa akin na guard. "Do you have an appointment miss?"Napatigil ako. Anong appointment? Narinig ko nagsalita si Gabriel sinabing sumagot lang ako ng no. Nagdududa na ako tiningnan ng guard at sinabi na bawal doon. Bagsak ang balikat na naglakad ako pababa ng hagdan at palayo sa entrance ng gallery. Napatigil ako 'nong may nakita akong babae na nakasalampak sa sahig at nagkalat mga paninda nito sa ibaba ng hagdan. Galit na galit iyong foreigner na sinisigawan iyong babae na nagso-sorry kahit pa mukhang