Home / Romance / To Love Again / Chapter 1: Present

Share

Chapter 1: Present

Author: Mairisian
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 1

Present

"HELLO Ma'am?"

["Klara. Are you already at the meeting place now?"] tanong sa akin ng boss ko sa kabilang linya.

"Yes ma'am, kaka-park ko lang ng kotse ko."

["That's good. So, good luck and impress Mr. Falcon to your presentation, hija. Please convince him, Klara. May tiwala ako sa kakayahan mong makuha ang deal na 'yan."]

"I-I'll try ma'am. Don't worry," bigla akong nautal nang marinig ko na naman ang apeyidong iyon.

["Sige… bye Klara. Balitaan mo agad ako mamaya."]

"S-Sure ma'am. Bye."

I hardly breathe when I end the conversation with my boss.

I inhale and exhale for many times. I want to be calm all the time.

God! Bakit ngayon agad? Oh, it’s been four years since the last time I saw him. And now, I'm here and I have to show up. I hope he already forgiven me kung galit man s'ya. I hope he's waiting. Sana hindi pa huli ang lahat.

Lumabas na ako nang tuluyan sa kotse ko.

Am I ready? Yes! No! Hindi ko alam.

But I have to face him, even though I'm not yet ready for our first meeting. I'm afraid. Apat na taon din kaming hindi nagkita at ang huli pa naming pag-uusap at magkasama ay 'yong araw na nag sinungaling ako sa kanya. Dahil kailangan.

I feel that he's mad. At walang kapatawaran ang pang-iiwan ko sa kanya noon.

Kumislot nang malakas ang aking dibdib nang makita ko na nang malapitan si Logan. I'm seriously looking at his back, I'm even observing him like he's a small object in my sight.

He’s still the same like the old times. Matikas pa rin ang pangangatawan niya. Napakagwapo pa rin kahit nakatalikod ito sa akin. That's the reason why I can't easily forget him. Ito kasi ‘yong pinakamamahal ko noon at nag-iisang minamahal ko hanggang ngayon.

His broad shoulders, manly features, and his dark and beautiful aura, lahat ng iyan ay kinababaliwan ko ng todo-todo noon.

I hardly breathe again when I'm finally moving to his facade. Agad kong nakita ang pagkaawang ng mukha nito nang mapatingin ito sa akin. I gulp at nanliit ako sa sarili ko. Bigla ding napalitan ang expression ng mukha nito na kanina lang ay maaliwalas.

Nag-isang linya ang makapal na kilay niya at biglang tumigas ang bukas ng gwapong mukha nito habang nakatitig sa akin.

"WHAT---"

"Good evening, Mr. Falcon." I greet him with my calm warm voice, but my hands, it doesn't stop trembling.

"Why- What are you doing here? Why you're here?" Kumislot ang puso ko sa tono ng pagtatanong nito. The way he talks, alam kong galit ito.

Napalunok ako. I’m trying my best to stay calm and to relax. "Uhm…" my legs are shaking kaya umupo ako kahit hindi pa niya ako inanyayahang maupo sa tapat niya, "you expecting Mrs. Salazar right?" Hindi ito sumagot, bagkus tinapunan lang ako ng masamang tingin. "Uhm. I'm here for my Lady Boss’, replacement. She can't attend the meeting. Kaya ako ang inutusan niyang humarap sa’yo ngayon." I say, still keeping my voice warm.

He shakes his head like he's disappointed to see me. "I don't need you! Umalis ka na! And kindly tell your boss, I cancelled the meeting, dahil ayokong makipag meeting sa pinadala niyang tao ngayon dito."

Kumirot ang puso ko sa hayagang pag-ayaw nito sa akin.

Napabuntong hininga ako. I don't want to show him that it affects me. He's mad. Wala akong magagawa doon. Pagpapasenyahan ko na lang muna siya, because I need to close the deal with him for my boss’ company.

"I don't need you? It's the wrong choice of words, Mr. Falcon. I'm not here to be needed by you. Nandito ako para sa trabaho ko. So, shall we start the meeting now?"

He frowns at my words. "You don't understand? I said GO. Hindi ako makikipag meeting sa'yo," marahas at may diin nitong pagkakasabi.

"Please be professional, Mr. Falcon. Huwag mo idamay ang trabahong ito sa anomang galit... uhm, I mean, I'm here for my job. Hindi para sa’yo o sa ano pa man na galit mo."

Mas lalong nangunot ang noo nito sa sinabi ko. "Why did you appear now, Ms. Santos? Magkano kailangan mo para umalis ka sa harapan ko? Money, right? That's what you’ve always wanted?" Umiwas ako sa tingin niya at ayokong pansinin ang nang-uuyam niyang tanong.

Yeah. Money is the main reason. Siguro puro mali na naman ang information ng ama niya sa kanya. That's why he's badly mad at me.

"I don't need your money. May pera ako, at mayaman na rin ako." Kahit mahirap ay nagsinungaling na lang ako just to cover up the pain I’m feeling inside my chest.

"After me, may nauto ka pa pala? Wow, not bad, Klara. You still have your very lovely body, looks, and you have your way to seduce rich businessmen using your angelic face. Malamang pati filthy DOM hahabulin ka at papatusin ka kahit saan ka pa nanggaling. Pagtatiyagaan mo rin, for the sake of money. That's you. right? Money first."

Nasaktan ako sa paratang niya. Yes, I have everything, kung sa katawan at pagmumukha lang. Pero pera wala ako no’n. And I'm not that desperate to become a rich woman at manloko ng kalalakihang may yaman. Isa lang naman ang dumaan sa buhay ko. Walang iba kundi siya lang. Kaya masakit para sa akin na akusahan ako ng taong minahal ko ng lubos na isang babaeng bayaran para lang yumaman.

"That's not a necessary topic to talk about. Past is past. You need to move on from me, Logan, just like what I did to forget you and moved on with my life without you." Nadagdagan na naman ang pagsisinungaling ko. Kasi ang totoo ay hindi ako naka move on sa kanya. Maybe like him, I'm a bitter person. Hindi ako masaya. Not now, not ever. "Please, huwag kang magpaka bitter sa akin," dagdag ko pa rito

"Hm. Who told you I'm feeling bitter, Klara? Look at this." Itinaas nito ang kaliwang kamay. Then there’s a ring on his finger. "I'm getting married to the woman I love. Babaeng hindi mukhang pera na katulad mo. So, who's bitter?" Ngumisi ito sa akin.

What? Why I doesn't even know that he is getting married? I’m stalking him. Pero bakit wala man lang akong nabalitaang ikakasal siya.

"C-Congrats." Hindi ko pinahalata ang panglulumo ng puso ko.

He's getting married now. Paano pa ang balak ko na bumalik sa kanya? How can I claim him kung may nagmamay-ari na pala sa kanya. He doesn't love me that much? Sabagay, bakit pa ba ako aasang makikinig s'ya at maghihintay sa pagbabalik ko.

"K-Kung ayaw mo makipag meeting sa akin. Okay, I'll better go now." Tumayo na agad ako para hindi nya mahalata ang panibugho ko sa aking nalaman.

Tumayo ako at aalis na sana nang maramdaman ko ang kamay nitong nakapigil sa braso ko. Nakatayo na rin pala ito sa tabi ko. Bumaba ang mata ko at napatingin sa mainit na kamay nitong nakahawak sa aking braso. I immediately haul my wrist to his touch.

He sighs. "Sit down, lady. Let’s proceed to the meeting. Ayokong masayang ang oras natin pareho. So, be sure to amaze me by your presentation. Huwag na huwag mong sayangin ang buong oras ko," seryoso at madilim ang mukha nito.

I look down. Ayokong salubungin ang galit niya sa akin. I want to apologize and beg him to forgive me. But how? Parang magsasayang lang ako ng oras. Ayaw nga niyang sayangin ko ang oras niya. Do I need to explain my side now? Pero ikakasal na siya. Paano na?

Pero gusto ko pa rin makamit ang kapatawaran niya. Para matahimik din ang puso ko. Gusto kong itama ang lahat. But I think, this is not the right time to talk about it. I know hindi niya ako pakikinggan pero sana bigyan niya ako ng pagkakataong magpaliwanag.

"Sure. Let’s proceed now." I say and sit in front of him again.

Inilabas ko ang dalawang folder na naglalaman ng mga papeles. I gave him the other files. Nakita ko na binuklat niya iyon at ginawa ko rin ‘yon.

I clear my throat para makuha ko ang atensyon niya dahil magsisimula na ako sa aking proposal plan. I gulp when he focuses his gaze to my direction. Kahit naiilang ako sa mga madidilim na titig niya ay nagsimula pa rin akong magsalita sa harapan niya.

"Is that all?" I nod. "Lahat ng sinabi mo ay narinig ko na rin sa iba. Walang bago. Hindi mabentang proposal. Overall, your proposal is too simple and not convincing. Walang dating. Parang ikaw lang din. Boring, walang taste at napaka-plain at mumurahin." Napatingin ako dito ng masama at matalim.

I did my best for this proposal. Ilang ulit akong nag-practice just to make it presentable and perfect. Mrs. Salazar will promote me kung makuha ko ang deal na ito. But I think, I have failed her. Wala man lang akong nakuhang magandang komento dito. Puro panlalait at panghihiya lang ang ginawa nito. He bases my presentation to my character. It is what he wants? Humiliate me? Underestimate my worth? My job? Even myself worth?

Enough!

Ang hirap pala na minsan ka lang magkasala. Kasi kahit pa gumawa ka ng tama, marumi ka pa rin sa paningin nila. And I’m so damn hurt because of this reality.

So, enough! Hindi ko kailangang tanggapin ang pang-aakusa niya.

Pain really consumes my whole sense. Huminga ako ng malalim. "Know what Mr. Falcon? Tatanggapin ko sana kung FAILED na lang ang sinabi mo. Pero nanlait ka pa e. Buong pagkatao ko ang binabastos mo. Pati ba trabaho ko? ‘Yan ba ang hindi bitter? Tell me, ano pa ang tingin mo sa akin? Para isahang laitan na lang sa pagkatao ko. Tell me, dagdagan mo pa?" Nagpakatatag ako, pero ang totoo gusting-gusto ko nang magalit ng sobra at umiyak sa lahat ng masasakit na salita niya.

"You're a slut, a whore, cunning bitch and let me add, you are a gold digger bitch. Manggagamit at nakakahiya ka. Pinagsisihan kong nakilala kita," diretsyahang saad nito sa akin.

I bit my lip at mapait akong ngumiti. He is blindly mad. Mahirap paliwanagan ang mga klaseng taong sobrang galit. "That's all? Okay. Thank you," mahinahong saad ko kahit puputok na ako sa sakit ng mga sinasabi nito.

Kinuha ko ang files na nasa harapan niya. Inayos ko na lang iyon gamit ang nanginginig kong kamay. Walang dahilan para mag-stay ako sa harapan niya. Makakarinig lang ako ng mga masasamang pangbibintang. Siguro tama lang ‘yong ginawa niya para mas lalong masaktan ang puso ko. Pero sana makatulong na iyon na makalimutan ko na siya sa buhay ko.

He's really mad at me. Baka nga isinumpa pa niya ako sa nagawa ko noon.

"By the way. Thanks for your time, Mr. Falcon, even if you’re not paying attention, I appreciate it. Maybe hindi ako magaling para sa'yo, but I did my best to impress you. Pasensya huh, hanggang ganito lang talaga ang galing ko. Inaamin ko naman, cheap ako, mukhang pera, maruming babae at manggagamit. But to tell you. Ginawa ko ‘yon kasi kailangan ko. Accuse me again and again if that will make you happy. Go, hahayaan kita. Again, thanks for your time, and have a nice evening." Tumayo na ako at agad iniwan itong mag-isa.

Isa-isa namang nagsisiunahang mahulog ang mga luha ko pagkapasok ko pa lang sa kotse ko.

That is foul. Lahat ng sinabi niya ay sobrang tagos sa puso ko. Sobrang sakit. Walang katotohanan ang lahat ng iyon. Yes, I admit I’ve accepted the money before, but its because I need it. Wala akong ibang choice noon. Kung alam lang sana niya.

Kung alam lang sana niya.

Logan, I'm sorry. Masakit din para sa akin ang paglayo ko noon. Oo, lumayo ako dala ang kapalit na pera ng daddy mo. Pero nagawa ko lang talaga dahil kailangan ko. At sana balang araw maintindihan mo rin ako. Masakit lang kasi dahil sobra ka naman kung manghusga sa pagkatao ko. Nasasaktan din ako, nasasaktan din ang puso ko...

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
grabe ka nman author tumutulo luha ko ng basahin ko ang chapter na ito, tagos sa puso ang sakit
goodnovel comment avatar
Ezel Malibong Carmen
grabe naman ung linyahan 1st chapter pa lng nakakasakit na .
goodnovel comment avatar
Cheramie Generalao Valle
I love the story. Surely babasahin ko to. .........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • To Love Again   Chapter 2: Bar

    Chapter 2BarPagkatapos ko pumunta sa office ni Mrs. Salazar ay dito na agad ako sa bar dinala ng mga paa ko. It's already eight in the evening, at ayoko pang umuwi. Ayoko ipakita sa kaibigan ko na nasasaktan ako ngayon. Na umiiyak ako ngayon.Damn! Sana tuluyan na lang akong nawala. Kesa ang maranasan ko ang ganitong sakit na pinaramdam niya ngayon sa akin.I wipe my tears as I drink my wine as if para lang akong uminom ng purified water. Biglang gumuhit ang pait sa aking lalamunan. For many years, ngayon ko na lang ulit ito natikman. And I like it bago sa panlasa ko.I drink, dahil gusto ko magpakalunod sa alak kahit bawal na bawal sa akin ang uminom, lalo na ang matatapang na alak. Pero ginawa ko because I want to erase all the pain I’m feeling right now.I know this is not the right place for me to forget the pain. Pero minsan lang naman ito. Gusto ko lang talaga makalimot sa lahat ng pinagdaanan ko sa buong buhay ko.I drink my second order. Straight tulad ng nauna, napapangiwi

  • To Love Again   Chapter 3: Wreck

    Chapter 3Wreck"UGH!"Hindi ko inasahang itutulak niya ako sa kama pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa hotel room na pinagdalhan niya sa akin.Napalunok ako at napa-isip sa pinasok ko ngayong gabing ito. Yeah, he is Logan, hindi ako takot sa kanya, because he's a good man, he's been so good to me and he loves me so much. Oo, noon 'yon at iba na ngayon. But still, he's Logan. Kahit galit na galit siya sa akin, alam ko hindi niya ako sasaktan ng pisikal.Napalunok ako.Pero paano kung saktan niya ako ngayon? Paano ako? How can I run and free myself from his bad side?My God! I'm putting myself into this situation.Napadiin ang hawak ko sa blanket nang hilahin niya ako nang sapilitan sa braso. Sa dami ng nainom ko, sa tapang ng alak na ininom ko kanina ay parang hindi naman iyon tumalab para tuluyan akong maging manhid sa ginawa at gagawin pa nito. Sa ginawa niya nakakaramdam ako ngayon ng sindak sa galit at poot niya sa akin."You, prove it to me, Klara. Saan na ang pinagmamalaki

  • To Love Again   Chapter 4: Cheque

    Chapter 4ChequeHINGAL at pagod na pagod ang buong katawan ko matapos ang pangatlong sunod-sunod na pag-angkin niya sa akin. Nakatalikod ako sa kanya habang nakabalot ang buong katawan ko sa puting kumot."I didn't expect you still be that tight after all, Klara?" Napapikit ako. I know, he's starting to insult me again. "You're still delicious like before, your pussy was still firm and tight like there's no other man who wrecked it.”Kasi wala naman talagang ibang nakaangkin. Ikaw lang. Gusto ko sanang sabihin, pero ayaw ilabas ng bibig ko."Thanks for the compliment, if it’s a compliment," sabi ko na lang habang nakapikit ang mga mata at pilit nagbingi-bingihan sa mga sinasabi niya."What is your main secret to still maintain it? O sadyang mas malaki lang talaga ako kesa sa mga naging lalaki at mga naging customer mo?"Mariin akong humawak sa dulo ng kumot at mariing bumuntong hininga."Cat got your tongue now, Klara? Speak, lady! Tell me, how much do you need now? Para mabayaran na

  • To Love Again   Chapter 5: Promote

    Chapter 5Promote "BAKIT hinayaan mo s'yang insultuhin ka niya ng gano'n na lang, huh Klara? Nanggigigil ako sa Logan na 'yon e, pati rin sa'yo," Brianna shouts at me. Nauunawaan ko siya sa inis niya dahil alam ko naaawa siya sa akin. Kami lang kasing dalawa ang nagtutulungan sa buhay ngayon.Tulad ko, ulila rin siya. Tulad ko naranasan din niyang mabuhay mag-isa at maging palaboy-laboy sa kalsada. Tulad ko, lumayas din s'ya sa mga umampon sa kanya dahil sa muntik din syang gahasain ng ama-amain n'ya.Brianna is half a year older than me, we have the same life story. Nakapagtrabaho rin ito sa club. Aminado ito na pinasok ang trabahong iyon dahil kailangan din nito. Isa na doon ay para mabuhay at para pag-aralin ang sarili.Yumuko ako habang tahimik na umiiyak. "G-Gustuhin ko mang magpaliwanag sa kanya, hindi ko lang magawa, kasi iba ang galit niya. Sobrang galit na galit siya sa akin. Sarado na ang isip niya para sa akin, lalo na ang kanyang puso.""Sinubukan mo ba? O baka naman hina

  • To Love Again   Chapter 6: Fianceé

    Chapter 6FianceéNAPATINGALA at napamasid agad ako sa kabuuan ng napakalawak at malaking building na nasa harapan ko. Well, the word 'huge' isn't enough to describe how big and beautiful a building is.I blow a heavy breath when I scan the front tag name of the establishment. It's 'FALCON INDUSTRIAL BUILDING' and its written with all capital and bold letters.Maghaharap na naman kami ngayong araw na 'to. Ano na naman kaya ang mangyayari? But at least kasama ko si Mrs. Salazar, so I think hindi ako ma-awkward sa kanya. Iisipin ko na lang na trabaho ang lahat. ‘Yong nangyari 'nong nakaraang gabi ay dapat ko nang alisin sa mga alaala ko.I breathe deeply then I finally slid? out of my car.Pagkalabas ay nakita ko agad si Ma'am na kalalabas lang din ng kotse niya. I gathered all my things and I move near to her direction."Dala mo na ba ang lahat na kailangan natin Klara?"I nod. "Yes, Ma'am. Even our sketch and designs, dala ko ho.""Good. Ikaw, handa ka na bang mag present ng mga iyan

  • To Love Again   Chapter 7: Restroom

    Chapter 7Restroom"Klara. Logan's ex, right?" Bigla akong napalingon at nagulat habang naghuhugas ng kamay ko. It's his fiancée, hindi ko kasi ito napansing pumasok dito sa loob ng banyo. "Well, I'm soon to be Mrs. Ellaine Sanchez Falcon," she says while raising her eyebrows at me.So, she really knows me then?Tinapos ko ang paghuhugas ng aking kamay at itinapat iyon sa hand dryer saka siya nilingon."Yes, I am his ex-lover, his ex-girlfriend. Then?" I also raise my eyebrows at her. Ayoko nang magpaapi, I'm done with it."Tama nga ang daddy ni Logan. You have nothing but only your face. Sabagay mga ganyang mukha sa pang-Exclusive Club nga nakikita, where my Logan found you, right?""Wow, thank you if that's a compliment. Ellaine right? By the way. Yeah, sa club nga niya ako nakilala noon. But I'm proud because he accepts me for who I am before, he loves me and I love him. May problema ba tayo sa kaalamang may nakaraan kami ng lalaking pakakasalan mo? Don't tell me you are feeling in

  • To Love Again   Chapter 8: Lunch

    Chapter 8 Lunch Tinalikuran ko na ito sa ngayon at nilapitan ang boss ko na papalapit sa aming direksyon. Kumaway na lang si Mrs. Salazar sa dalawang big boss ng company. Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa kanila. Ayoko na dagdagan pa ang patuloy na pagdurugo ng damdamin ko. I sigh as I start driving my car to the exclusive cuisine, where Ma'am Salazar's invited me to have our lunch before we go back to her company. Patanghali na rin kasi kaya inimbitahan n'ya muna akong sabayan siyang kumain. And it's her treat for the success of her company. Dapat nga pala akong matuwa at magsaya sa mga blessings na kumakatok at pumasok sa buhay ko. But for this very moment, biglang nawala ‘yong kasiyahan kong iyon at ang buong bilib ko sa aking sarili. How can I appreciate it kung siya pala ang dahilan ng promotion kong ito ngayon! Damn it! "Let's order some foods, Klara. Please choose whatever you want to eat," sabi sa ‘kin ni Mrs. Salazar, ng inabutan niya ako ng menu book. "Thank you,

  • To Love Again   Chapter 9: Offer

    Chapter 9 Offer LABAG man sa loob ko pero kailangan kong sundin ang pinag-uutos ni Mrs. Salazar na pumunta sa tanggapan ni Mr. Falcon ng hapon ding iyon. I'm about to knock at his presidential office when someone calls for my attention. "Ma'am. Klara," lumingon ako sa tumawag sa 'kin. I raise an eyebrow when an unfamiliar person calls me. "I'm Rica, Mr. Falcon's secretary." Napatango ako ng bahagya. "Is your boss here?" "Yeah, he's here ma'am, and he's waiting for you on the top floor of this building," sagot nito sa akin. I frown. "Top floor? I think this is his office, right? Bakit sa top floor?" nagtataka kong tanong dito. "Yeah, it is. But his main office is on the top of this building at doon ka niya pinapupunta Ma'am Klara," sagot sa akin ni Rica. Tumaas ulit ang kilay ko. "So, how can I get there? I mean, what floor is it Rica?" "30th floor Ma'am." I nod. "O-Okay." Hinatid ako ni Rica sa private elevator na mag-aakyat sa akin sa top floor. I thought Rica will go up w

Pinakabagong kabanata

  • To Love Again   Chapter 97: Finale

    Chapter 97 --- After 2 years --- PALAHAW ng isang sanggol ang pumukaw sa aming dalawa ni Logan na nasa katapat lang ng silid naming mag-asawa. "Sweetheart, umiiyak ang baby." Tinulak ko ito palayo sa katawan ko. "Sweetheart, later... Nandoon naman ang taga pag-alaga nila." He never stops kissing my neck and caressing my body. "Hm, sweetheart, hinahanap-" Bumuntong-hininga ito. "Okay." Huminto ito saka tumayo at marahan akong hinila patayo sa kama. "Galit ka?" tanong ko dito habang inaayos ang nalihis kong manipis na pantulog. "No." "Nagtatampo?" "No," matipid pa rin nitong sagot sa akin. I roll my eyes as I wear my silky smooth robe. "Nako kilala kaya kita," sabi ko habang tinatahak na namin ang pinto palabas ng silid namin. "I'm not, anak ko 'yon, kaya dapat lang nating unahin," sagot nito na hindi makatingin sa akin. "Maniwala ako sa'yo," sabi ko rito. "Don't you worry husband, because I'll make it up to you tonight. Magdamagan ba ang gusto ng asawa ko? If yes, okay, nak

  • To Love Again   Chapter 96: Epilogue

    Chapter 96--- After 1 and a half year ---NGUMITI ako habang napapasulyap sa mahimbing na tulog ng asawa ko sa kama namin.It's already 6 AM in the morning at heto ako gising na kahit sabado naman at wala kaming parehong pasok.Naupo ako sa gilid ng kama at hinaplos ko ng masuyo ang pisngi nito."Sweetheart..." I smile at him when he halfly opening his eyes. "It's too early to wake up, Klara." Hinila niya ako pahiga sa tabi nito."No sweetheart, I'm not yet sleepy." Bumuka nang malaki ang mga mata nito sa akin. "Pwede bang makisuyo sa'yo?"Ngumiti ito at hinila pa rin niya ako at iniunan sa malapad niyang dibdib."Sure, Mrs. Falcon. What is it?" tanong nito kasabay ng pagdampi niya ng halik sa noo ko."Talaga?" Tumingala ako rito. "Hindi ka na nagtatampo sa akin ngayon?""I'm not, and I'm sorry."Ngumiti ako at bahagya kong pinaglandas ang daliri ko sa gilid ng labi nito. "Thank you, for still understanding me these past few days, kung tinotoyo man ako o bad mood sa'yo." I start feeli

  • To Love Again   Chapter 95: Sweetheart

    Chapter 95 Sweetheart Please play a soundtrack if you haveGod to believe in magicBy: Side A The love song slowly begins to play. Napapakurap ako habang nagsimula ang slideshow photo album ko sa projector. Napalunok pa ako ng mga larawan naming dalawa ni Logan ang bumulaga doon. Bawat larawan ay may mga maiiksing mensahe. My pulse begins racing habang nanunuod sa mga larawan namin noon. May mga masasayang larawan din kami doon nang first month anniversary namin, pati nang nag-graduate ako na kasama siya. Nandoon din ‘yong mga best memorable pictures namin habang nasa bakasyon kami sa ibang lugar. Hanggang sa ang ipinakita ay ang huli naming larawan bago pa man ako lumayo sa kanya nang tuluyan. Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga sinasabi ng emcee, na bigla na lang sumulpot na walang iba kundi si Brianna. Unti-unti akong lumapit sa pinakagitna. My invited guests are also glimpsing at the projector. Patuloy pa rin ang paglabas ng mga larawan ko. The next slideshow photo al

  • To Love Again   Chapter 94: Projector

    Chapter 94 Projector Napangiti ako nang bahagya sa sinabi nito. "Thank you. Pero wala pa 'yan sa plano… ‘yong huling sinabi mo," is my only response. Dahil totoo naman, isa pa wala pang ganoong eksena. Wala pang wedding proposal. If when it is, I don't know. Logan stays and making my heart fully delightful. Hindi na nito itinuloy na tanggapin ang malaking offer sa bansang America, his flight is supposed to be two weeks ago. But he stays and he continues running their own business. Pero bago iyon ay humingi pa muna ito sa akin ng assurance kung babalik at tatanggapin na lang ba nito ang gusto ng ama nito na maging tagapangalaga muli sa naiwan niyang puwesto sa kompanya nila. My only advice for him is to follow what he really wants to happen, at gano’n nga ang ginawa nito. Hindi ito nagkukwento tungkol sa ama nito, because he really knew the issue between me and to his father. Iyon din ang isa sa ipinaalala ko sa kanya, na huwag akong alalahanin kung tatanggapin niya ang gustong man

  • To Love Again   Chapter 93: Exhibit Event

    Chapter 93 Exhibit Event Nakaunan ako sa kanyang bisig habang nakabalot ako ng puting kumot na hanggang sa dibdib. Logan is not allowing me to go and move away, kaya hinayaan ko itong yakapin ako after we both reached our bliss. "Sweetheart," he whispers my name while making some small kisses on my bare shoulder. "Anong oras ang flight mo bukas?" I immediately utter. Huminto ito sa masuyong paghalik sa aking balikat at leeg, I sense him staring kahit hindi ako nakaharap sa kanya. Ramdam ko ang mas pagkabig niya sa katawan ko palapit sa katawan niya. Then he places his chin on my bare shoulder. "Do you think I'll go away now after what happened to us? After we made love tonight, hm?" I cough. "E-Ewan ko sa'yo. Malay ko sa desisyon mo." "Papayagan mo ba akong umalis?" he asks me while kissing my cheek. "U-Umalis ka kung 'yan gusto mo." I slowly mumble, pigil ko ang aking hininga dahil sa sobrang lapit nito at sobrang dikit ng mga katawan namin sa isa't isa. He turns me around,

  • To Love Again   Chapter 92: Lifetime

    Chapter 92 Lifetime "Logan..." Napasinghap ako nang bumaba agad ang labi nito sa aking leeg at balikat, then he immediate proceeds to my breast and tit. "Ugh... L-Logan." Hindi ko na namalayan kung paano ba niya naalis ang saplot ko sa dibdib. Napapaliyad ako ng simulan na nitong s******n na parang sanggol ang aking dibdib habang ang kabilang kamay nito ay masuyong pinagpapala ang kabila kong dibdib. "I miss this all, I miss you, Klara," he huskily utters while he's looking at me. "Oh... hm..." Napaungol ulit ako ng damhin ng dila at bibig nito ang pilat ko sa aking kaliwang dibdib. "L-Logan, please turn off the light. Please." Namumula kong untag dito. Lust surrounds his eyes when he looks at me again. "No sweetheart." Marahan itong umiling sa akin. "N-Nahihiya ako. I have a lot of scars." Pilit ko pa ring ikubli sa kanya ang pilat ko sa dibdib at tiyan. He winks. "Those are beautiful. Those scars made me feel proud. Kasi tatak 'yan na nabubuhay ka ngayon dahil sa akin. You sur

  • To Love Again   Chapter 91: Kiss Me

    Chapter 91 Kiss Me I GULP. "B-Bakit umalis ka kaagad kanina nang hindi mo pa ako kinakausap?" Pinahid ko ang aking mga luha sa mata. "Did I tell you to leave? May sinabi ba akong hindi kita haharapin kanina? Logan, I have also realized that I was wrong. Mali pala ang hindi ko harapin ‘yong takot ng puso ko. And look, who told you na kaya ko pang magmahal ng iba kung sa 'yo pa lang ay naranasan ko na ang pinakamasaktan. Tell me? How can I love someone else kung itong letcheng puso ko na 'to ay patuloy at may tinatago pa ring pagmamahal sa 'yo?" He's suddenly shock and speechless from what he heard from me. "Tell me, Logan. Paano ako magmamahal ng iba kung patuloy ka pa ring nandito sa loob ng puso kong sugatan. How can I love someone if it's still you? How?" Napapakurap ito at puno ng pagmamahal akong tinitigan. "Kung pwede ko nga lang sanang utusan ang puso ko na itigil na 'tong nararamdaman ko para sa'yo ay ginawa ko na. Kung pwede ko nga lang ibaling na lang ito kay Makki ay gag

  • To Love Again   Chapter 90: Presidential Suite

    Please play the song:I'll never goBy: Eric Santos Chapter 90 Presidential Suite NAGTAAS-BABA ang hininga ko. At nagmamadaling tinakbo at pinasok ko ang loob ng bahay para kuhanin ko ang susi ng kotse ko at ang cellphone ko. Bigla akong naalarma sa isinaliwalat ni Mama. Bigla akong natakot. Before I move my car ay tinawagan ko muna ito. Pero hindi ito sumagot hanggang matapos ang ang pag-riring sa kabilang linya. Binuhay ko na ang kotse ko at pinaharurot ko na iyon palabas ng garahe namin. "Logan. Answer your phone, please... Shit!" Pero naka-tatlong tawag ulit ako dito ngunit hindi pa rin nito sinasagot. Tinitikis niya ako. Napagpasyahan kong huminto na muna sa gilid ng kalsada nang hindi ko alam kung saan ako patungo. Saka ko hinagilap ang numero ni Rica at tinawagan ito. ["Hello, good evening Klara. Ano-"] "Saan ko matatagpuan si Logan?" I cut and ask her immediately. ["W-What? B-Bakit?"] Nagtataka nitong tanong sa kabilang linya. "Saan s'ya pupunta? Bakit s'ya aalis? B

  • To Love Again   Chapter 89: One Hug

    Chapter 89 One Hug She wipes my tears. "Naiintindihan ko 'yang nararamdaman mo ngayon anak. Pero gano'n talaga 'pag nagmamahal ka. Lahat mararanasan mo ang hirap. Lahat nagdaan diyan anak, at lahat nagsisisi sa mga maling naging desisyon nila sa bandang huli. Katulad ni Logan. Alam mo, walang ibang bukambibig ‘yong batang ‘yon sa tuwing dumadalaw sa akin. Kung ‘di ang kabaitan ng babaeng pinakamamahal niya, at ang sobrang pagmamahal niya sa'yo. Lahat nilahad niya sa akin anak, itinuring din kasi niya akong sumbungan noon, simula nang magkakilala kami. Kaya hindi ko inaasahang ikaw pala na anak ko ‘yong maswerteng babaeng pinakamamahal niya na dating sinaktan lang niya." Patuloy pa rin ito sa pagpunas nang naglalaglagan kong luha. "Kaya pala, hinding-hindi mo sinasagot ang panliligaw sa'yo ni Makki hanggang ngayon. Kasi mahal mo pa rin siya. Naiintindihan din kita anak sa lagay na 'yan. Kasi hindi kailanman natuturuan at nadidiktahan ang puso. Kahit ayaw mo, darating din ang araw na m

DMCA.com Protection Status