Home / All / Thy Frozen Flames / Chapter 12: Window Talks

Share

Chapter 12: Window Talks

Author: voicedrhythm
last update Last Updated: 2022-01-12 20:57:04

Hirasaya’s POV

Tanging ang tunog lamang ng kubyertos namin na gawa sa yelo ang maririnig. Naka-focus lang ako sa paghahalo ng kinakain kong hoosh kanina pa. Halos maging powderized na nga ‘yong biscuit na ingredient nito dahil sa intensity ng paghahalo ko. Kahit ano, ginagawa ko para lang magkaroon ako ng dahilan kung bakit isang oras na ang lumipas ay ‘di pa rin ako tapos kumain. Mukhang gano’n din naman sila Mama kasi napapansin ko pa rin sa peripheral view ko ang pagsubo nila.

Hanggang ngayon ay wala pa ring nagbabalak magsalita sa ‘min. Sa paglipas ng oras ay nararamdaman ko lang ang pagbigat ng atmosphere sa hapag-kainan. We’ve been like this for how many days now. I hate it. That’s why this time, I promised myself not to leave the dining table early. Kakausapin ko ang mga magulang ko lalo na’t ako rin naman ang may kasalanan ng lahat nang ito.

Inangat ko ang tingin habang kinakalma ang sarili. May sari-sarili pa rin silang mundo. ‘Di ko naman mabasa ‘yong ekspresyon nila but for some reason, it was something that I’d never want to see again because of the tragedy it made me feel. Nasanay kasi akong lagi kaming nag-uusap tuwing kainan pero ‘yong pakiramdam ngayon ay wala nang pinagkaiba sa pagkain ng mag-isa.

“Hmm? Ano ‘yon, anak?” Tumingin sa ‘kin si Mama matapos niyang mapansin ang mga mata kong nakapukol sa kaniya. Mababakasan nang pagkapagod ang kaniyang mata.

Natigil din si Papa sa pagkain. Napalunok ako ng laway at bumalik uli ang tingin sa kinakain. Umiling ako sa kanila kaya nagpatuloy lang din sila.

Kinagat ko ang ibabang labi at kaunti na lang ay nais ko nang hampasin ang ulo. Sabing ngayon ko na nga lang ‘yon sasabihin ‘e! Nakita ko ang determinasyon sa ‘king mukha mula sa salamin na nasa likuran ni Papa. Heto na nga…

“Pa, Ma, sorry… para sa lahat-lahat.” Pumiyok pa ang boses ko habang sinasabi ‘yon.

Nakikipagkarera na naman ang mga luha ko sa pagdaloy mula sa ‘king mata. Parang may nakaapak sa puso ko na mabigat. Nagdaan ang mga araw na pilit kong isinisiksik sa isipan na wala akong kasalanan, kaya para saan at hihingi ako ng tawad? Lahat ng nangyari sa ‘min ng pamilya ko ay nangyari lang naman dahil sa kagustuhan ng mga Elders. Pinaniwalaan kong kapag humingi ako ng tawad ay para ko na ring inamin na ako ang may kasalanan sa lahat.

Pero sino nga ba ang niloloko ko?

I was so focused on listening to my pride to the point that I’ve became deaf to my parents’ pain. Kasi kung tutuusin, hindi naman ito mangyayari sa kanila kung ‘di ako dumating sa pamilya.

Nakatingin lang ako sa kinakain kong hoosh na ngayo’y naliligo na sa luha ko. Ipinatong ni Papa ang kaniyang kamay sa ‘king balikat kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya. He was giving me a gentle smile, although it didn’t reach his eyes at all.

“For what?” ani niya. “Hirasaya, wala kang kasalanan sa nangyari.” He gave me a comforting squeeze at my shoulders.

Tumango naman si Mama. “That’s exactly what the Elders want you to think, Hirasaya— to blame yourself for everything. Don’t give them that satisfaction,” sabi niya. Para siyang handang makipaglaban sa kung sino man.

Nanatili pa rin sa ‘king bibig ang isang mapait na ngiti. “And you’re all suffering because of it.”

“Sshh… let’s not talk about that for now.” Tumayo siya sa kinauupuan at naglakad papunta sa ‘min ni Papa. She enveloped us in a hug.

“Tatandaan mo ito, Hirasaya… wala kaming pinagsisisihan ng Papa mo sa pag-adopt namin sa ‘yo. Pamilya mo kami, at wala pang kahit na anong bagay ang makapipigil n’yon.”

Mayro’n pa ring nakabara sa ‘king d****b ngunit kahit papaano ay gumaan naman ‘yon dahil sa sinabi ni Mama. Napakasuwerte ko dahil sa kabila ng pagiging impyerno ng lugar na ‘to ay sila ang nagsilbing liwanag ko.

Wala na akong ibang mahihiling pa kung hindi ay ang kaligtasan nila…

Agad ding humiwalay sa pagkakayakap si Mama. Ngayo’y mababakasan na ng pag-aalala ang kaniyang mukha. “Hirasaya, ayos ka lang ba? Bakit ang taas ng temperature mo?” mataas ang tono na kaniyang pagkakasabi.

Maging si Papa ay nakakunot noo na rin.

Matapos ang pagkikita namin ni Elder Gregor ay nagkaroon na ako ng lagnat, pero hindi ito alam nila Mama dahil ayaw kong ipaalam. ‘Di ko na kayang dagdagan pa ang kanilang pag-aalala. Ngunit sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo lang tumataas ang temperature ko. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay wala naman na akong iba pang nararamdamang epekto ng lagnat. Nakalimutan ko ngang nilalagnat ako e.

“Weird mang pakinggan pero ayos lang naman ako, ‘Ma at ‘Pa,” katuwiran ko pero umiling si Mama. Alam ko namang hindi ko na uli siya mapipigilan sa pagiging sobrang protektibo niya.

The next thing I knew, I was already lying on my room’s bed. Nag-e-echo sa ‘king isipan ang mga paalala nila Mama bago nila ako iwan dito. Pinagbabawalan nila akong lumabas ng bahay.

“Hay naku…” I muttered under my breathe while pulling the blanket towards my face. “Kahit naman wala akong lagnat ay pagbabawalan pa rin nila ako.” Considering every single thing that the Elders plotted against me and my family.

Mas lalo akong magkakasakit pag ganitong nakahiga lang ako buong magdamag e. Pagka-boring pa nga ata ang papatay sa ‘kin kaysa sa lagnat ko. Ang tanging bagay lang na pinagpapasalamat ko ay ang scenic view ng karagatan mula sa kalayuan. Walang bumibisita sa ‘kin sa mga nagdaang araw, kahit si Kuro man lang ay wala.

Napatitig na lang ako sa kisame namin. Mas lalo akong ginagambala ng mga palaisipang pumapasok sa ‘king isipan, maging ng mga memorya mula sa nagdaang mga araw. Napakalupit ng mga taga-Rozenhart sa ‘kin. Kaya minsan ay naiisip ko… kung magkakaroon man ako ng oportunidad na makatakas dito ay susunggaban ko agad.

If only Daire can remember how he got here… then that would be helpful on our escape.

Isinantabi ko na lamang ang ideyang ‘yon. Because let’s be realistic here… escaping Rozenhart is synonymous to impossible.

Ipipikit ko na sana ang mata nang biglang may bumungad sa ‘king bintana. Napaupo ako upang kunin ito at napagtantong galling ito sa labas dahil maging ang bintana ko ay nakabukas. ‘Di ko man lang namalayang may nagbukas… gano’n na ba ako kalunod sa mga iniisip ko?

“S-Sino ‘yan?” tanong ko habang maingat na tumitingin sa labas gamit ang bintana. Sinikap kong ‘wag mahawakan ang bagay na nasa aking bintana.

Pero napapatingin pa rin naman ako rito dahil may kulay itong kagaya ng apoy. It also has a faint but sweet smell. I never seen anything like this in my entire life so I can already my expression being filled with curiosity. Ano ba ito?

“That’s called flowers…” Lumitaw si Daire sa field of vision ko. Sa’n siya galling? Bakit hindi ko siya nakita kanina?

“F-Flowers?” ulit ko at sa wakas ay hinawakan na ito. Ito ba ‘yong flowers na sinasabi niya noon sa ‘kin? ‘Yong mayro’n sa bayan niya? It was very smooth… and probably the most beautiful thing I’ve ever seen.

“We call it fire lily.” Muli siyang naglakad palayo ngunit bumalik din naman agad na may dala nang upuan. Well, he’s prepared.

“Thank you…” Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. “Saan mo ito nakuha? Were you able to come back in your country?” sunod-sunod kong tanong.

It seemed that I knocked him off guard. Pero bigla rin siyang napangiti. “N-Nakita ko lang na may tumutubo palang ganyan sa Ice Tower.”

May ganito pala sa Ice Tower? I just hope that I could go there someday, even with my situation.

He was just sitting quietly. But somehow, having an acquaintance during this difficult time for me makes me grateful. The loneliness that was kept inside me was lesser. The only thing that kept us apart was the window.

“Okay ka lang ba ro’n? Does Kuro visit you?” sabi ko.

“Yeah, rest assured that everything’s… fine.” Ngumiti siya sa ‘kin pero halatang pilit.

“Is there something wrong?” I gestured to him na pumasok siya sa kuwarto dahil baka may makakita sa kaniya sa labas. My parents wouldn’t know since he can just enter the window.

“Wala naman…” He looked at my face na nagsasabing hindi ako naniniwala. “It’s nothing, okay? I guess I’m just missing home,” dagdag niya.

Oo nga pala. Syempre ay may pamilyang naghihintay sa kaniya roon. Dahil tuloy sa sinabi niya ay pumasok sa ‘kin ang posibilidad na may pamilya rin ako sa labas. Afterall, hindi naman talaga ako taga-rito. I wonder, how are they doing today? If only I can remember…

I hate to say it… pero ang hirap nang isipin na may iba pa akong pamilya bukod sa pamilyang natagpuan ko rito. It may seem weird but I consider them to be my real ones now.

“I hope I can be of help. But we only have small boats that we only use for fishing. Not to mention, the Elders would definitely spot us.” I don’t like to be the killer of hope, but what I said was the truth. Alam kong aware na rin naman siya sa katotohanang lahat ng mga tao rito ay may kakayahang kontrolin ang tubig.

“Small boats? Hindi ba’t mayroon kayong ships?”

Ships? Is he pertaining to the large watercrafts?

“I’m familiar with ships since it was commonly stated in our history. Pero simula nang masira ang ibang kontinente ng Harature ay wala nang gano’n.” I’m sure that I already told him about how Rozenhart came into existence.

“Really? That’s weird…”

“How? Natatandaan mo na ba ang nangyari kung bakit ka napunta rito?” I was so curious that I already leaned towards the window.

“Yes, although it was still on a blur. I can remember that I was held captive and they put me in the ship. Hindi ko pero matandaan kung paano ko sila natakasan.”

Oh? Now, that’s something.

“B-But I’m not really sure. Kasi may ship naman kami sa bayan. It’s just weird that I heard them saying Rozenhart. Because if they really came from my country, then they wouldn’t know that. Your place doesn’t exist on our maps.” Palipat-lipat ang tingin niya na tila ba ay hindi mapakali.

That’s a very helpful information, considering if it’s true. Hindi naman sa ‘di ko siya pinagkakatiwalaan pero kasi ay parang may mali sa sinabi niya. Kasi kung totoo man, then why would the Elders hold him captive?

Malinaw kong narinig kay Gregor na tinuturing nila ako bilang isang banta sa lugar na ito. Then, why would they capture him too?

“Now that I think of it, may mga iba pa akong kasama na hinuli rin. If only I can remember more…” Pinalo niya ang ulo kaya pinigilan ko siya.

“Please, don’t force yourself. Matatandaan mo rin ang lahat,” sabi ko. “By the way, about the world you came from… maganda ba ro’n?” pag-iiba ko na lamang sa usapan. He already told me about it. Sadyang gusto ko lang uling marinig mula sa kaniya.

“Of course. Hindi gaya rito ay may mas sense of equality sila roon.”

“Wow, sounds like a paradise to me.” Dumagan ako sa pader na katabi ng bintana.

“I hate to say it to you but… mayro’n pa ring mga tao roon na gaya ng mga Elders dito. There’s also people like you who receives unfair treatment just because of the color of their skin, the way they identify themselves, or in your case here— having mastery with your gift. It is also a cruel world.”

Wala na akong masabi kaya nanahimik na lamang ako. Everywhere is a cruel place, as long as people like the Elders exists. Nakakalungkot lang isipin. Why does being unique feel like a burden?

“I would still like to be there, if it means being with more people like you.” ‘Yon na lamang ang nasagot ko. Daire gives this comforting vibe, kaya hindi na nakapagtatakang mas madali ko pa siyang naka-close kaysa sa mga tao rito.

If there’s people like him who lives there, then I would also want to be there.

Related chapters

  • Thy Frozen Flames   Chapter 13: Uninvited

    Hirasaya’s POVIlang araw pa lang ang lumipas simula nang mag-usap kami ni Daire pero parang ang tagal na nitong nangyari. Siguro ay dahil sa mga nagdaang araw na ‘yon ay napakarami nang nangyari sa ‘kin… at sa buong pamilya ko.Isa lang ang masasabi ko upang ilarawan ang mga araw na ‘yon: Impyerno.Nagsisimula nang maging katotohanan sa ‘min ang epekto ng pagkawala ng posisyon ni Papa na siyang nagsilbing proteksyon sa pamilya ko. Araw-araw ay hindi naaalis sa ‘kin ang pangangamba hindi para sa buhay ko— kung hindi ay sa mga taong malapit sa ‘kin. Tapos, dumadaan ang mga araw na umuuwi laging may pasa sila Papa kapag galing sila sa labas.They’re defending me and only wishes for my safety. Pero dahil naman sa concern nilang ‘yon ay pinagbabawalan na nila akong lumabas. Our home is a fortress where I was meant to stay

    Last Updated : 2022-01-14
  • Thy Frozen Flames   Chapter 14: Ice Tower

    Hirasaya’s POVAm I missing something?Nakatulala lang ako habang pinapanood ang ilan sa mga nakakatandang miyembro ng organisasyon na nakatayo sa labas ng pinto. Kasama nila sina Papa at Mama na nag-aalalang nakatingin sa ‘kin. Gaya ko ay wala ring kaalam-alam ang ilan sa mga mamamayan na nagawa nang iwanan ang kanilang responsibilidad sa pag-aayos ng nalalapit na annual feast. Nagkumpulan na sila upang makiusyoso sa kung anong ginagawa ng nakatataas na miyembro ng organisasyon sa bahay namin. Lalo na ngayon na ang annual feast talaga ang dapat na pagtuunan ng pansin.Mama locked me in a warm embrace. Siniyayat niya ang mga marka ng natuyong dugo na nabigo akong alisin sa caribou jacket.“Anong nangyayari?” Saka niya nagawang itanong matapos kumalas sa pagkakayakap sa ‘kin.Sumunod si Papa na papasok na sana kung &l

    Last Updated : 2022-01-16
  • Thy Frozen Flames   Chapter 15: Everess vs. Hirasaya

    Hirasaya’s POV“I didn’t expect the ice tower to be this… empty.”Patuloy lamang na lumilinga si Everess sa paligid habang kanina pa sinisipat ang bawat detalye na nakikita sa pader. Minsan ay lalaki ang mata niya sa excitement. Tapos bigla ring mapapalitan ng disappointment kapag hindi nagfit sa expectations niya ang view.“What kind of nonsense are this? Oh, look! This girl looks like you!” Nagawa pa niyang magbiro at tumawa nang pagkalakas-lakas, ‘e wala namang nakakatawa? The carvings of people on the wall doesn’t even have faces!Nakatanggap ako ng tapik sa likod mula kay Daire. He keeps on switching his eyes between Everess, me, and the only possible hiding spot in this place— under his bedroom. Kahit naman magtago siya ay para namang may gift ang isa sa ‘min na mag-alis ng memorya. 

    Last Updated : 2022-01-19
  • Thy Frozen Flames   Chapter 16: Own Team

    Hirasaya’s POVNagmistulang tambayan ko na ang gilid ng bintana dito sa bahay. Pinagmamasdan ko lahat ng kaganapan sa labas at gaya kahapon ay abala pa rin sila sa pag-aayos para sa nalalapit na pagdiriwang. Mahahalata mo talaga ang excitement sa kanilang mga mukha, kabaliktaran ng akin na napupuno ng pangamba.Halos atakihin uli ako sa puso nang may mapadaan na miyembro ng organisasyon. Agad kong binitawan ang kurtina na siyang tanging nagkukubli sa ‘kin mula sa paningin ng mga nasa labas. Kanina pa naman ako nakaupo lang at walang ginagawa pero bakit ay parang daig ko pa yata ang mga nagtatrabaho sa labas sa lakas ng paghingal ko? Tumatagaktak na rin ang pawis ko.I clutched the piece of clothing that was on the part of my chest. Bumibilis uli ang tibok ng puso ko. Ito na nga ang nagsilbing musika ko rito sa bahay na napakatahimik.Pinikit ko ang mata b

    Last Updated : 2022-03-06
  • Thy Frozen Flames   Chapter 17: Last of the Midnight Sun

    Hirasaya’s POVKanina pa hindi maalis-alis ang ngiti na namutawi sa ‘king labi. Kahit saan ko ilipat ang tingin ay mas nagniningning pa ang aking mata sa mga disenyo at attractions ng paligid. I’m still at Rozenhart, kaso para ring hindi dahil sa dami ng pagbabago. I’ve been experiencing these annual festivities for years but today is just… wow. Today is just especially different.Nakalambitin ang mga blue and white na bandiritas sa bawat parte ng lugar. There were iced statues taking the form of mythological creatures in Rozenhart which were scattered everywhere. Sa pinaka sentro ay malaking water fountain na mala-diyamante kung kuminang sa tuwing nasisikatan ng araw. Pero siyempre ay hindi mawawala ang mga post lamps na nakahilera na sa mga daanan. This will be the last day of the midnight sun, afterall. Pagkatapos nito ay ang pagbungad ng polar night which lasts for months.

    Last Updated : 2022-03-10
  • Thy Frozen Flames   Chapter 01: One in a Hundred

    Hirasaya’s POVWhenever I see the people of Rozenhart, I was always reminded of snow. Maybe because of their fair skin and white hair which almost compares to an ice? Or maybe because of their delicate features like the ice structures they build? Ah, I think it was due to their eyes which resembles the rich color of the ocean that surrounds our place.But the longer I stayed here, I realized that they were more like a blizzard: Cold-hearted, deadly, and always pushes me back (figuratively) no matter what— at least, they were only like that to me.“Kung sinusuwerte nga naman! Tignan niyo ‘o! Hindi ba’t si Hirasaya ‘yon?”I looked at where the voice came from and saw one of the group of bullies who keeps on pestering me. On their lead was Russel, whose hands covered in mitten, was pointed towards my direction. Wala pang ilang segundo ay namalay

    Last Updated : 2021-11-16
  • Thy Frozen Flames   Chapter 02: To Fit In

    Hirasaya’s POVThe warmth coming from the fireplace embraced my skin as I went out of my room. While the aroma coming from the newly cooked pemmican filled my sense of smell. Breakfast is ready and yet, I could still Mama snoring in her room.Kung gano’n, malamang ay si Papa ang nagluto nito. Tatlo lang naman kami rito sa bahay…My eyes widen in realization. Ibig sabihin lang niyon ay late na naman ako!Pumulot na lang ako ng kung ilan ang kakasya sa isang kamay ko at nilagay ito sa ‘king bag. Palabas pa lang ako ng bahay pero malinaw ko nang naririnig ang mga pangaral ni Papa sa utak ko! Mga isang oras na naman iyong manenermon, panigurado!I immediately wore the hood of my caribou jacket the moment I stepped out of the house. Nakakapanibago. Ang comforting kasi ng temperature sa bahay dahil sa apoy tapos biglang sobrang

    Last Updated : 2021-11-16
  • Thy Frozen Flames   Chapter 03: A Piece from What’s Lost

    Hirasaya’s POV “Sigurado ka ba talaga d’yan?” sabi ko kay Kuro pagkarinig ng sinabi niya. I looked at him in disbelief. Sinuri ko ang mukha niya upang maghanap ng ano mang senyales na nagbibiro lang siya. Mahilig pa naman sa pranks ang isang ‘to. Ang ekspresyon niya ay hindi ko mawari. Diretso niya akong tinitigan sa mata habang ang kaniyang kilay ay bahagyang nakakunot ang noo. Tinaasan ko siya ng kilay at tanging tango ang kaniyang isinagot. Ibinalik ko ang tingin sa walang hangganang karagatan sa ‘ming harapan. Ang asul nitong kulay ay nakakasilaw sa mata dulot ng liwanag na nagmumula sa tirik na araw. Kahit gaano ko bahagyang ipikit ang mata ay tanging ang umaalon na karagatan lamang at ilang tipak ng yelo ang aking nakikita. “Oo nga! Sigurado ako…” Lumapit sa ‘kin si Kuro at ipinatong ang isang kamay sa ‘king balikat. “May iba pang b

    Last Updated : 2021-11-16

Latest chapter

  • Thy Frozen Flames   Chapter 17: Last of the Midnight Sun

    Hirasaya’s POVKanina pa hindi maalis-alis ang ngiti na namutawi sa ‘king labi. Kahit saan ko ilipat ang tingin ay mas nagniningning pa ang aking mata sa mga disenyo at attractions ng paligid. I’m still at Rozenhart, kaso para ring hindi dahil sa dami ng pagbabago. I’ve been experiencing these annual festivities for years but today is just… wow. Today is just especially different.Nakalambitin ang mga blue and white na bandiritas sa bawat parte ng lugar. There were iced statues taking the form of mythological creatures in Rozenhart which were scattered everywhere. Sa pinaka sentro ay malaking water fountain na mala-diyamante kung kuminang sa tuwing nasisikatan ng araw. Pero siyempre ay hindi mawawala ang mga post lamps na nakahilera na sa mga daanan. This will be the last day of the midnight sun, afterall. Pagkatapos nito ay ang pagbungad ng polar night which lasts for months.

  • Thy Frozen Flames   Chapter 16: Own Team

    Hirasaya’s POVNagmistulang tambayan ko na ang gilid ng bintana dito sa bahay. Pinagmamasdan ko lahat ng kaganapan sa labas at gaya kahapon ay abala pa rin sila sa pag-aayos para sa nalalapit na pagdiriwang. Mahahalata mo talaga ang excitement sa kanilang mga mukha, kabaliktaran ng akin na napupuno ng pangamba.Halos atakihin uli ako sa puso nang may mapadaan na miyembro ng organisasyon. Agad kong binitawan ang kurtina na siyang tanging nagkukubli sa ‘kin mula sa paningin ng mga nasa labas. Kanina pa naman ako nakaupo lang at walang ginagawa pero bakit ay parang daig ko pa yata ang mga nagtatrabaho sa labas sa lakas ng paghingal ko? Tumatagaktak na rin ang pawis ko.I clutched the piece of clothing that was on the part of my chest. Bumibilis uli ang tibok ng puso ko. Ito na nga ang nagsilbing musika ko rito sa bahay na napakatahimik.Pinikit ko ang mata b

  • Thy Frozen Flames   Chapter 15: Everess vs. Hirasaya

    Hirasaya’s POV“I didn’t expect the ice tower to be this… empty.”Patuloy lamang na lumilinga si Everess sa paligid habang kanina pa sinisipat ang bawat detalye na nakikita sa pader. Minsan ay lalaki ang mata niya sa excitement. Tapos bigla ring mapapalitan ng disappointment kapag hindi nagfit sa expectations niya ang view.“What kind of nonsense are this? Oh, look! This girl looks like you!” Nagawa pa niyang magbiro at tumawa nang pagkalakas-lakas, ‘e wala namang nakakatawa? The carvings of people on the wall doesn’t even have faces!Nakatanggap ako ng tapik sa likod mula kay Daire. He keeps on switching his eyes between Everess, me, and the only possible hiding spot in this place— under his bedroom. Kahit naman magtago siya ay para namang may gift ang isa sa ‘min na mag-alis ng memorya. 

  • Thy Frozen Flames   Chapter 14: Ice Tower

    Hirasaya’s POVAm I missing something?Nakatulala lang ako habang pinapanood ang ilan sa mga nakakatandang miyembro ng organisasyon na nakatayo sa labas ng pinto. Kasama nila sina Papa at Mama na nag-aalalang nakatingin sa ‘kin. Gaya ko ay wala ring kaalam-alam ang ilan sa mga mamamayan na nagawa nang iwanan ang kanilang responsibilidad sa pag-aayos ng nalalapit na annual feast. Nagkumpulan na sila upang makiusyoso sa kung anong ginagawa ng nakatataas na miyembro ng organisasyon sa bahay namin. Lalo na ngayon na ang annual feast talaga ang dapat na pagtuunan ng pansin.Mama locked me in a warm embrace. Siniyayat niya ang mga marka ng natuyong dugo na nabigo akong alisin sa caribou jacket.“Anong nangyayari?” Saka niya nagawang itanong matapos kumalas sa pagkakayakap sa ‘kin.Sumunod si Papa na papasok na sana kung &l

  • Thy Frozen Flames   Chapter 13: Uninvited

    Hirasaya’s POVIlang araw pa lang ang lumipas simula nang mag-usap kami ni Daire pero parang ang tagal na nitong nangyari. Siguro ay dahil sa mga nagdaang araw na ‘yon ay napakarami nang nangyari sa ‘kin… at sa buong pamilya ko.Isa lang ang masasabi ko upang ilarawan ang mga araw na ‘yon: Impyerno.Nagsisimula nang maging katotohanan sa ‘min ang epekto ng pagkawala ng posisyon ni Papa na siyang nagsilbing proteksyon sa pamilya ko. Araw-araw ay hindi naaalis sa ‘kin ang pangangamba hindi para sa buhay ko— kung hindi ay sa mga taong malapit sa ‘kin. Tapos, dumadaan ang mga araw na umuuwi laging may pasa sila Papa kapag galing sila sa labas.They’re defending me and only wishes for my safety. Pero dahil naman sa concern nilang ‘yon ay pinagbabawalan na nila akong lumabas. Our home is a fortress where I was meant to stay

  • Thy Frozen Flames   Chapter 12: Window Talks

    Hirasaya’s POVTanging ang tunog lamang ng kubyertos namin na gawa sa yelo ang maririnig. Naka-focus lang ako sa paghahalo ng kinakain kong hoosh kanina pa. Halos maging powderized na nga ‘yong biscuit na ingredient nito dahil sa intensity ng paghahalo ko. Kahit ano, ginagawa ko para lang magkaroon ako ng dahilan kung bakit isang oras na ang lumipas ay ‘di pa rin ako tapos kumain. Mukhang gano’n din naman sila Mama kasi napapansin ko pa rin sa peripheral view ko ang pagsubo nila.Hanggang ngayon ay wala pa ring nagbabalak magsalita sa ‘min. Sa paglipas ng oras ay nararamdaman ko lang ang pagbigat ng atmosphere sa hapag-kainan. We’ve been like this for how many days now. I hate it. That’s why this time, I promised myself not to leave the dining table early. Kakausapin ko ang mga magulang ko lalo na’t ako rin naman ang may kasalanan ng lahat nang ito.&nbs

  • Thy Frozen Flames   Chapter 11: Danger's Invitation

    Hirasaya’s POVLubos na ang pagkamangha ko rati sa mansion ng mga Elders nang magpunta kami rito nila Everess. Pero iba pa rin talaga ang experience kapag mismong ang Elders na ang nag-imbitang pumunta ako sa lugar nila. For an instance, wala akong dapat na taguan at malaya kong ma-oobserba ang bawat detalye ng kanilang bahay.Wala silang ideya na hindi na ito ang unang beses ko na makaapak sa naturang mansion nila. But I doubt that they could notice my familiarity with the place. Kasi ako rin sa sarili ko ay para bang first time ko lang ding makapunta rito. Gaya na lang ng ngayon ko lang napagtantong ang architectural design ng mansion ay similar sa features ng isang palasyo. At ang tubig sa swimming pool ay nasa iba’t ibang shades ng blue.“I hope you don’t mind the sudden invitation. It’s just that the Elder Gregor has an urgent matter that he wants to ta

  • Thy Frozen Flames   Chapter 10: Flickering

    Hirasaya’s POVPinanood ko kung paanong lamunin ng apoy ang kahoy na nilagay ko sa fireplace namin. It produced a crackling sound and emanates a comforting heat into my face. The fireplace had always been my favorite spot and I’m just glad that I’m back home again.But considering what happened yesterday, the fireplace would always remind me of the towering flames that I witnessed. Thankfully, nobody died due to the scenario even though the Elders arrived at the Eastern border late. Naging possible lang naman ang lahat nang ‘yon dahil sa maagap na pagdating niyong misteryosong lalaki. Hanggang ngayon ay ‘yon pa rin ang usap-usapan sa Rozenhart, maging nga rito sa bahay ay ‘yon din ang bukambibig nila Mama.“Totoo ba talaga ang nangyari sa Eastern border? At sigurado ka bang ayos ka lang talaga?” Narinig ko ang boses ni Mama mula sa kusina.

  • Thy Frozen Flames   Chapter 09: Confrontations

    Hirasaya’s POVNamamawis ang kaniyang mga kamay na nakahawak sa ‘kin. Binabagtas namin ang hagdan pababa ng upper floor kung saan ay walang bintana. I don’t know what’s going on in his head ngunit kanina pa niya iniikot ang tingin kahit na kakami lang naman ang narito sa abandoned house. Sa sobrang pangamba ay mukhang hindi pa niya napapansin si Daire na tahimik na sumusunod sa likuran ko.“What are you doing?! Iniwan lang kita saglit ay pagbalik ko, usap-usapan ka na ng mga tao.” Naniningkit ang mga mata niya akong tinignan. Pabulong lamang niya itong sinabi ngunit may diin kung bigkasin niya ang bawat salita.“H-huh?” Parang may biglang nakabara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya. H-hindi kaya’t may nakapansin sa mukha ni Daire? Dahil kung gano’n ay katapusan ko na. Bakit ko na naman ba kasi hinayaang pangunahan ako ng emosy

DMCA.com Protection Status