Part one muna guys, napuyat ako eh di ako nakapag uldate ng maayos hehehe. Thank you da walang sawang pagbabasa at pagbibigay ng coins! ~B.NICOLAY/Ms.Ash
NAGISING ako ng maaga at maaga rin akong nag-ayos ng aking kaunting gamit na dala dahil kailangan ko ng umuwi. Hindi ako pwedeng magtagal kasama sila dahil baka kung ano pa ang mangyari lalo na at nasa paligid lang sila, ang taong nagpahirap saakin simula ng umalis ako sa araw ng kasal namin ni Aiden.Kagabi hindi ako pwedeng magkamali at sigurado ako na mga tauhan niya iyon. Nakita ko sila na nakamasid sa isang madilim na parte sa may kakahuyan, ang akala siguro nila ay hindi ko sila kita gayong sila ang nagsanay saakin para maging kung sino ako ngayon.Kailangan ko ng lumipat, kailangan ko ng umalis kung saan ako nanunuluyan ngayon. Naalala kopa noon hindi ako makaalis sa bahay dahil hindi ko maiwan-iwan si mamang pero dahil sa mag-isa nalang ako ay magagawa ko ng maging malawak sa kung ano mang gagawin ko. Alam kong hinahanap nila ako at sa oras na ma tyempuhan nila ay kukunin nila ako at kung anong gagawin ay hindi ko alam.Pagkatapos kong
Napasandal nalang ako sa sofa at napasabunot sa aking buhok. Ano na ang gagawin ko ngayon?! Bakit ako naiipit sa sitwasyon na ito na dapat matagal ng tapos?! Teka bakit hindi nalang ako makipag devorce sa kaniya?Tama! Tama! Devorce papers! Kailangan ko ng devorce papers!"Ay kalabaw ka!" nagulat ako ng biglang mag ring ang cellphone ko sa gitna ng aking pagmumuni-muni kaya agad ko itong kinuha at agad din naman sinagot."Hello wife? Nakauwi kana ba?" nanlaki ang mata ko sa narinig kong boses mula sa telepono kaya agad ko iyong binaba.Muli kong naramdamana ng pamumula ng aking pisnge kaya napahawak akong muli doon at napatili ng tahimik. Ngunit ng marealized ang aking ginagawa ay agad din akong huminto at naupo ng maayos."Kumalma ka Sabrina, hindi ka pinalaking kire ng mga magulang mo," pangangaral ko sa sarili ko ngunit muli akong nagulat ng tumunog nanaman ang cellphone ko kaya naiinis kong sinagot iyon.
"Why? Asawa mo siya ate!" natawa ako dahil sa sinabi niya. "Asawa? May be yes, pero sa papel lang. Alam mo ba kung bat ako umalis sa kasal? Dahil nakita ko sila ng babae niya sa kasal, nagtatago sila at nangangako siya sa babae. Gusto ko sanang pagbigyan ang sinabi ng papa niya na subukan naming dalawa dahil nga kasal na kami pero hindi eh, kakakasal palang namin nagtatraydor na siya paano pakaya kapag tumagal hindi ba?" Natahimik siyang muli sa sinabi ko at napatingin ako sa baso na hawka ko. "Tapos ngayon sasabihin niya na nagbago na siya porket iniwan na siya nung babae niya babalik at hahanapin niya ako? Hindi ako maniniwala, tanga lang ang maniniwalang mahal niya ako," tawang sabi ko at inubos ang aking inumin. "That is why I hate him, kaya lumaki ng lumaki ang pagkamuhi ko sa kaniya dahil sa patuloy niyang pagsisinungaling. I can see in his eyes the madness and so as me. Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon na pata
"ANG tagal ka naming hinanap Sabrina, sigurado akong matutuwa si boss dahil finally nakita kana namin," Hindi ako makagalaw dito sa gitna ng dalawang lalaki na kumuha saakin. Nakasakay kami ngayon sa isang van at walang tutol akong sumama sa kanila sa kadahilanang hindi ko kaya, hindi ko kaya na labanan ang mga taong nagpahirap at bumago sa buhay ko. (Flashback) Tumatakbo ako ngayon sa pinakang loob ng kakahuyan kung saan alam kong walang ibang makakasunod saakin kahit na sino sa kanila. Matapos kong makita ang pag-uusap ng aking asawa at ng totoo niyang mahal ay biglang nagbago ang aking timpla. Oo gusto kong subukan gaya ng sabi ni Addison pero hindi ko magagawang makisama sa isang lalaki na mayroon naman palang ibang mahal. Hindi ko magagwang ngumiti sa harap niya gayong alam ko na nangako siya sa isang babae gaya ng pangangako niya ng ikasal kami. Hindi ko maiwasan na maiyak dahil hindi ganito ang pinangarap kong kasal. Ang gusto ko ay pangmatagalan at panghabang buhay, yung
Napangiti ako kahit papaano ng tama ang hinala ko na simento nga iyon ngunit nagulat ako ng mayroong paparating na liwanag mula sa aking umahan at sigurado akong sasakyan iyon.*BEEP!*Napapikit nalamang ako dahil sa takot, hindi ko maigalaw ng maayos ang aking katawan at wala akong lakas upang umalis doon kaya pumukit nalamang ako. Hinihiling ko na sana hindi pa iyon ang katapusan ko dahil marami pa akong pangarap sa buhay. Tumigil ang pagtunog ng sasakyan at naririnig ko ito mula sa aking unahan. Napadilat ako at nakita ko itong nakahinto na ilang pulgada mula sa kinahihigaan ko kaya napahinga ako ng maluwag."Boss may babae sugatan!"Sa oras na marinig ko ang bagay na iyon ay nagsisimula nang mandilim ang aking paningin dala marahil ng pagod. Ngunit ang nagpabigay buhay saakin ay ang pagtatagalog ng lalaking sumigaw, ibig
"Mas matanda pala kami sayo ng tatlong taon Sabby, eighteen na kami pareho ni Aichan. Last month pa kami dito nagustuhan kami nila boss kaya kami ang ginagamit nila sa tuwing may bisitang paparating,""G-Ginagamit? Anong ibig mong sabihin?" natigilan siya dahil sa tanong ko. "Malalaman mo mamaya kapag andoon kana sa harapan ni boss," seryosong muling sabi ni Hannah at bumalik sa kaniyang kinauupuan."Kumain kana," nakangiti pang sabi saakin ni Aichan kaya napatingin ako sa pagkain ko. Hindi ko kayang kumain.Napalibot ang aking paningin sa mga kasamahan namin dito. May iilan na takot na takot at umiiyak may iba naman na parang wala lang yung sanay na kung baga. Ibig sabihin matagal na rin sila dito tulad nila Hannah, kahit na mas matanda sila saakin ay hindi ko sila magawang tawaging ate siguro ay muka naman silang mga bata pa sa ganda nila.
Napatingin ako sa nasa pinakng unahan na table kung saana andoon ang lalaking nakaupo patalikod dahil nakaharap ito sa dingding na maraming nakasabit na kung anong certificate. Malaki ang kwartong iyon at kasya ang labing anim na lalaki at isama mopa ako, malaki pa ang space sa loob parang dalawang kwarto na nga ito.Ngunit mayroong isang lalaki ang nakapako ng aking paningin. Nakatayo ito sa tabi nung boss nila at deretsyo lang ding nakatingin saakin. Nang magtagpo ang aming mga mata ay natigilan ako sumandali, napakalamig niyon pero nakikita ko ang kakaibang emosyon sa mga matang iyon. Parang kay Aiden, agad akong napailing dahil sa naisip ko. Bakit nadamay ang lalaking naging dahilan kung bakit ako nandito ngayon?"Anong pangalan mo hija?" umikot siya sa harapan ko at nakita ko ang isang lalaki na kahawig nung lalaking nasa tabi niya. Ibig sabihin anak niya yun?
"SABBY!" Napatingin si Sabrina ng mayroong tumawag sa kaniya pagkabukas na pagkabukas palang niya ng pintuan sa kaniyang opisina. Nakita niya sa loob sina Sophia, Janice at si Lyn na tumawag sa kaniya. Kapwa mga nakangiti at sumalubong sa kaniya, wala pa doon si Mica kaya napakunot ang kaniyang noo dahil palaging maaga ang babae. "Anong problema at nasigaw kayo?" tanong niya ngunit hinila lang siya ng mga ito papasok sa loob at sinara ang pinto. "Alam mo na ba ang magandang balita?!" Napataas ang kilay niya dahil sa sinabi ni Sophia. "Anong magandang balita naman yan?" dahil sa kaniyang naging reaction ay parang naging excited ang mga ito na sabihin sakaniya ang nalalaman. "Hindi na nagtatanggal si sir Aiden! Ibinabalik niya pa ang mga dating employees dito! Hindi moba nakita si kuya Nestor sa may entrance?" nagulat si Sabrina dahil sa kaniyang narinig at napatingin sa mga ito ng hindi makapaniwala habang nakangiti. "Seryoso kayo?!" "Oo!" Dahil sa sinabi ng mga ito ay aga