Napangiti ako kahit papaano ng tama ang hinala ko na simento nga iyon ngunit nagulat ako ng mayroong paparating na liwanag mula sa aking umahan at sigurado akong sasakyan iyon.*BEEP!*Napapikit nalamang ako dahil sa takot, hindi ko maigalaw ng maayos ang aking katawan at wala akong lakas upang umalis doon kaya pumukit nalamang ako. Hinihiling ko na sana hindi pa iyon ang katapusan ko dahil marami pa akong pangarap sa buhay. Tumigil ang pagtunog ng sasakyan at naririnig ko ito mula sa aking unahan. Napadilat ako at nakita ko itong nakahinto na ilang pulgada mula sa kinahihigaan ko kaya napahinga ako ng maluwag."Boss may babae sugatan!"Sa oras na marinig ko ang bagay na iyon ay nagsisimula nang mandilim ang aking paningin dala marahil ng pagod. Ngunit ang nagpabigay buhay saakin ay ang pagtatagalog ng lalaking sumigaw, ibig
"Mas matanda pala kami sayo ng tatlong taon Sabby, eighteen na kami pareho ni Aichan. Last month pa kami dito nagustuhan kami nila boss kaya kami ang ginagamit nila sa tuwing may bisitang paparating,""G-Ginagamit? Anong ibig mong sabihin?" natigilan siya dahil sa tanong ko. "Malalaman mo mamaya kapag andoon kana sa harapan ni boss," seryosong muling sabi ni Hannah at bumalik sa kaniyang kinauupuan."Kumain kana," nakangiti pang sabi saakin ni Aichan kaya napatingin ako sa pagkain ko. Hindi ko kayang kumain.Napalibot ang aking paningin sa mga kasamahan namin dito. May iilan na takot na takot at umiiyak may iba naman na parang wala lang yung sanay na kung baga. Ibig sabihin matagal na rin sila dito tulad nila Hannah, kahit na mas matanda sila saakin ay hindi ko sila magawang tawaging ate siguro ay muka naman silang mga bata pa sa ganda nila.
Napatingin ako sa nasa pinakng unahan na table kung saana andoon ang lalaking nakaupo patalikod dahil nakaharap ito sa dingding na maraming nakasabit na kung anong certificate. Malaki ang kwartong iyon at kasya ang labing anim na lalaki at isama mopa ako, malaki pa ang space sa loob parang dalawang kwarto na nga ito.Ngunit mayroong isang lalaki ang nakapako ng aking paningin. Nakatayo ito sa tabi nung boss nila at deretsyo lang ding nakatingin saakin. Nang magtagpo ang aming mga mata ay natigilan ako sumandali, napakalamig niyon pero nakikita ko ang kakaibang emosyon sa mga matang iyon. Parang kay Aiden, agad akong napailing dahil sa naisip ko. Bakit nadamay ang lalaking naging dahilan kung bakit ako nandito ngayon?"Anong pangalan mo hija?" umikot siya sa harapan ko at nakita ko ang isang lalaki na kahawig nung lalaking nasa tabi niya. Ibig sabihin anak niya yun?
"SABBY!" Napatingin si Sabrina ng mayroong tumawag sa kaniya pagkabukas na pagkabukas palang niya ng pintuan sa kaniyang opisina. Nakita niya sa loob sina Sophia, Janice at si Lyn na tumawag sa kaniya. Kapwa mga nakangiti at sumalubong sa kaniya, wala pa doon si Mica kaya napakunot ang kaniyang noo dahil palaging maaga ang babae. "Anong problema at nasigaw kayo?" tanong niya ngunit hinila lang siya ng mga ito papasok sa loob at sinara ang pinto. "Alam mo na ba ang magandang balita?!" Napataas ang kilay niya dahil sa sinabi ni Sophia. "Anong magandang balita naman yan?" dahil sa kaniyang naging reaction ay parang naging excited ang mga ito na sabihin sakaniya ang nalalaman. "Hindi na nagtatanggal si sir Aiden! Ibinabalik niya pa ang mga dating employees dito! Hindi moba nakita si kuya Nestor sa may entrance?" nagulat si Sabrina dahil sa kaniyang narinig at napatingin sa mga ito ng hindi makapaniwala habang nakangiti. "Seryoso kayo?!" "Oo!" Dahil sa sinabi ng mga ito ay aga
"Good morning sir," yan nalamang ang sinabi ng dalaga at yumuko ng bahagya upang dina magtagpo ang kanilang mga mata. Sa mga oras na iyon ay kumukulo na ang dugo ni Sabrina dahil sa nakikita niya ang muka nito.Naiisip niya ang kaniyang mission na kailangan niyang patayin ang lalaki.Naglakad na si Aiden papasok sa loob ngunit huminto muna siya sa tapat ni Sabrina at bumulong."Follow me wife,"Napairap si Sabrina dahil sa sinabi ng lalaki. Hanggat maaari sana ay ayaw niya magdidikit dito pero napag isip-isip niya kagabi na paano niya magagawa ang kaniyang mission kung hindi siya didikit sa lalaki."Kuy Nestor pasok na ako baka pagalitan pa ako ng boss," ngumiti sa kaniya ang matanda at kumaway na kaya naglakad na siya papasok.Habang naglalakad siya ay nakita niya si Aiden na sumakay sa elevator paakyat sa pinakang itaas kung saan andoon ang kaniyang opisina. Maraming naiisip si Sabrina kung paano niya pa
"Sa oras na may ibang makarinig sayo na tinatawag mo akong ganiyan ako mismo ang papatay sayo tandaan mo yan," seryoso niyang sabi na ikinalunokni Raymond at tumango.Naglakad na papasok si Sabrina at nakita niya si Aiden na nakaupo at deretsyong nakatingin sa kaniya."Why took so long wife?" nakakunot noo nitong tanong."Traffic sa kumpanya mo, so bakit mo ako pinapunta dito?" pagdadahilan niya na ikinabuntong hininga nalang ni Aiden at binago ang kaniyang mood at ngumiti dito."Pinapunta kita para sabihin na sumama ka saakin, titira tayo sa iisang bahay,"Napakunot ang noo ni Sabrina dahil sa sinabi nito at maya-maya at tumaas ang kilay niya."Yan lang ba sasabihin mo?" tumango sa kaniya ito kaya agad siyang tumalikod dito."It's a no,""Wife I need you, daddy is dying."Natigilan siya sa paglalakad dahil doon."M-May sakit sa puso si Daddy. A-Ako pa lang ang
SIMULA ng bumalik si Sabrina sa opisina ay hindi na ito makausap ng maayos. Sinubukan na siyang kausapin ng mga katrabaho niya ngunit hindi naman siya nakikinig at ang ending ay tumigil nalamang ang mga ito.Si Mica naman ay kanina pa pinagmamasdan ang kaibigan at halata niya na mayroong bumabagabag dito. Gusto niyang kausapin ang babae ngunit hindi narin niya ginawa dahil nakita naman niya kanina ang pagsubok ng mga kaibigan nila kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon.Hanggang sa mag-uwian ay parang robot si Sabrina na naglakad papalabas."Huy anong nangyari doon?! Kanina lang excited pa siya na pumunta kay kuya Nestor ah?" tanong ni Lyn sa mga kasamahan na ikinakibit balikat nito."Baka kulang lang yun sa inom, tutal biyernes bukas bakit hindi tayo gumigik?!" nakangiting sabi ni Janice na ikinatili ni Lyn at Sophia."Tama ka jan ma'am! Tama, tama! Bukas ha, set na tayo!" excited na sabi ni Sophia at napatingin
"Mamang kamusta kana jan? Ako ito hindi ayos," napabuntong hininga siya pagkasabi niya niyon at napatingin sa kalangitan na nagaagaw kahel na ang kulay ng mga ulap."Mamang patawarin mo ako at hindi ko sinabi sayo ang totoo na hiram lamang ang buhay ko. Totoo na mayroong nagpahirap saakin ngunit kapalit ng kalayaan ko ay pagkakautang ko sa kaniya ng aking buhay. Nakita na nila ako mamang at binigyan nila ako ng mission na patayin ang asawako,"Napatingin si Sabrina sa lapida nito at hindi na niya napigilan ang luha sa kaniyang mga mata."Mamang alam kong kilala mo ang asawa ko, alam kong masama ang pumatay pero buhay ko ang kapalit mamang. Marami pa akong pangarap, oo may galit ako kay Aiden pero hindi ko magagawang pumatay kung yun lang ang dahilan. Kailangan kong pumili mamang at pinipili ko ang buhay ko,"Sunod-sunod na tumulo ang kaniyang mga luha at napakuyom