"Gustohin ko man pero hindi maaari, kailangan ko pang pumasok" napakunot ang noo ni Aiden dahil sa sinabi nito.
"Anong pumasok? Baka nakakalimutan mo na asawa kita kaya kahit hindi ka mag trabaho ay marami tayong pera," napangiwi si Sabrina dahil sa sinabi ng lalaki at napailing..
"Hindi ko kailangan ng pera mo at mas lalong hindi ko ginusto na maging asawa mo," deretsyong sabi ni Sabrina na ikinawala ng ngiti ng lalaki.
"Ayan ka nanaman sa pabanat mong ganiyan, hindi mo ba alam nasasaktana ko?" seryosong sabi nito na ikinatingin ni Sabrina dito.
Napatitig siya sa pares ng mga mata nito at sa matangos nitong ilong. Kamukang-kamuka talaga nito ang kaniyang ama at kahit saan mo tignan ay hindi maipagkakaila ang bagay na iyon.
"Sorry pero yun ang totoo," umiwas siyang tingin dahil sa sinabi niya na kina sigawan ng mga ito at nagsimula ng mang-inis ang mga kapatid niya.
"Woh! Wala ka pala kuya eh!"
"Bar
SABRINA NAPAUBO ako ng malala dahil sa sobrang pagkawala ng hiniga at hindi ko maisip kung bakit mayroong tubig na lumabas sa aking bibig. Naririnig ko na mayroong tumatawag sa pangalan ko at mayroong humahagod sa aking likuran. "Sabby!" Parang pahina ng pahina ang boses ng mga natawag sa pangalan ko at sinubukan kong idilat ang aking mata ngunit malabo lamang iyon. Sa abot ng aking makakaya ay sinubukan ko silang maaninaw pero hindi ko magawa. Maya-maya pa ay nakaramdam ako pagkahilo at hindi konanapigilan pa at nawalan na ako ng malay. NAGISING ako at biglang napabango sa aking pagkakahiga ng managinp ako na ako raw ay nalulunod. Habol-habol ko ang aking hininga at napahawak ako sa aking dibdib dahil doon at napalibot ang aking mata sa paligid. Nandito na pala ako sa kwarto ko, biglang pumasok sa aking isip ang nangyari kanina. Binuhat ako ni Aiden papunta sa dagat at matapos niya akong ihagis sa yubig ay wala na akong maalala pa. Nakakinis talaga yung lalaki na yun walang
NAGISING ako ng maaga at maaga rin akong nag-ayos ng aking kaunting gamit na dala dahil kailangan ko ng umuwi. Hindi ako pwedeng magtagal kasama sila dahil baka kung ano pa ang mangyari lalo na at nasa paligid lang sila, ang taong nagpahirap saakin simula ng umalis ako sa araw ng kasal namin ni Aiden.Kagabi hindi ako pwedeng magkamali at sigurado ako na mga tauhan niya iyon. Nakita ko sila na nakamasid sa isang madilim na parte sa may kakahuyan, ang akala siguro nila ay hindi ko sila kita gayong sila ang nagsanay saakin para maging kung sino ako ngayon.Kailangan ko ng lumipat, kailangan ko ng umalis kung saan ako nanunuluyan ngayon. Naalala kopa noon hindi ako makaalis sa bahay dahil hindi ko maiwan-iwan si mamang pero dahil sa mag-isa nalang ako ay magagawa ko ng maging malawak sa kung ano mang gagawin ko. Alam kong hinahanap nila ako at sa oras na ma tyempuhan nila ay kukunin nila ako at kung anong gagawin ay hindi ko alam.Pagkatapos kong
Napasandal nalang ako sa sofa at napasabunot sa aking buhok. Ano na ang gagawin ko ngayon?! Bakit ako naiipit sa sitwasyon na ito na dapat matagal ng tapos?! Teka bakit hindi nalang ako makipag devorce sa kaniya?Tama! Tama! Devorce papers! Kailangan ko ng devorce papers!"Ay kalabaw ka!" nagulat ako ng biglang mag ring ang cellphone ko sa gitna ng aking pagmumuni-muni kaya agad ko itong kinuha at agad din naman sinagot."Hello wife? Nakauwi kana ba?" nanlaki ang mata ko sa narinig kong boses mula sa telepono kaya agad ko iyong binaba.Muli kong naramdamana ng pamumula ng aking pisnge kaya napahawak akong muli doon at napatili ng tahimik. Ngunit ng marealized ang aking ginagawa ay agad din akong huminto at naupo ng maayos."Kumalma ka Sabrina, hindi ka pinalaking kire ng mga magulang mo," pangangaral ko sa sarili ko ngunit muli akong nagulat ng tumunog nanaman ang cellphone ko kaya naiinis kong sinagot iyon.
"Why? Asawa mo siya ate!" natawa ako dahil sa sinabi niya. "Asawa? May be yes, pero sa papel lang. Alam mo ba kung bat ako umalis sa kasal? Dahil nakita ko sila ng babae niya sa kasal, nagtatago sila at nangangako siya sa babae. Gusto ko sanang pagbigyan ang sinabi ng papa niya na subukan naming dalawa dahil nga kasal na kami pero hindi eh, kakakasal palang namin nagtatraydor na siya paano pakaya kapag tumagal hindi ba?" Natahimik siyang muli sa sinabi ko at napatingin ako sa baso na hawka ko. "Tapos ngayon sasabihin niya na nagbago na siya porket iniwan na siya nung babae niya babalik at hahanapin niya ako? Hindi ako maniniwala, tanga lang ang maniniwalang mahal niya ako," tawang sabi ko at inubos ang aking inumin. "That is why I hate him, kaya lumaki ng lumaki ang pagkamuhi ko sa kaniya dahil sa patuloy niyang pagsisinungaling. I can see in his eyes the madness and so as me. Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon na pata
"ANG tagal ka naming hinanap Sabrina, sigurado akong matutuwa si boss dahil finally nakita kana namin," Hindi ako makagalaw dito sa gitna ng dalawang lalaki na kumuha saakin. Nakasakay kami ngayon sa isang van at walang tutol akong sumama sa kanila sa kadahilanang hindi ko kaya, hindi ko kaya na labanan ang mga taong nagpahirap at bumago sa buhay ko. (Flashback) Tumatakbo ako ngayon sa pinakang loob ng kakahuyan kung saan alam kong walang ibang makakasunod saakin kahit na sino sa kanila. Matapos kong makita ang pag-uusap ng aking asawa at ng totoo niyang mahal ay biglang nagbago ang aking timpla. Oo gusto kong subukan gaya ng sabi ni Addison pero hindi ko magagawang makisama sa isang lalaki na mayroon naman palang ibang mahal. Hindi ko magagwang ngumiti sa harap niya gayong alam ko na nangako siya sa isang babae gaya ng pangangako niya ng ikasal kami. Hindi ko maiwasan na maiyak dahil hindi ganito ang pinangarap kong kasal. Ang gusto ko ay pangmatagalan at panghabang buhay, yung
Napangiti ako kahit papaano ng tama ang hinala ko na simento nga iyon ngunit nagulat ako ng mayroong paparating na liwanag mula sa aking umahan at sigurado akong sasakyan iyon.*BEEP!*Napapikit nalamang ako dahil sa takot, hindi ko maigalaw ng maayos ang aking katawan at wala akong lakas upang umalis doon kaya pumukit nalamang ako. Hinihiling ko na sana hindi pa iyon ang katapusan ko dahil marami pa akong pangarap sa buhay. Tumigil ang pagtunog ng sasakyan at naririnig ko ito mula sa aking unahan. Napadilat ako at nakita ko itong nakahinto na ilang pulgada mula sa kinahihigaan ko kaya napahinga ako ng maluwag."Boss may babae sugatan!"Sa oras na marinig ko ang bagay na iyon ay nagsisimula nang mandilim ang aking paningin dala marahil ng pagod. Ngunit ang nagpabigay buhay saakin ay ang pagtatagalog ng lalaking sumigaw, ibig
"Mas matanda pala kami sayo ng tatlong taon Sabby, eighteen na kami pareho ni Aichan. Last month pa kami dito nagustuhan kami nila boss kaya kami ang ginagamit nila sa tuwing may bisitang paparating,""G-Ginagamit? Anong ibig mong sabihin?" natigilan siya dahil sa tanong ko. "Malalaman mo mamaya kapag andoon kana sa harapan ni boss," seryosong muling sabi ni Hannah at bumalik sa kaniyang kinauupuan."Kumain kana," nakangiti pang sabi saakin ni Aichan kaya napatingin ako sa pagkain ko. Hindi ko kayang kumain.Napalibot ang aking paningin sa mga kasamahan namin dito. May iilan na takot na takot at umiiyak may iba naman na parang wala lang yung sanay na kung baga. Ibig sabihin matagal na rin sila dito tulad nila Hannah, kahit na mas matanda sila saakin ay hindi ko sila magawang tawaging ate siguro ay muka naman silang mga bata pa sa ganda nila.
Napatingin ako sa nasa pinakng unahan na table kung saana andoon ang lalaking nakaupo patalikod dahil nakaharap ito sa dingding na maraming nakasabit na kung anong certificate. Malaki ang kwartong iyon at kasya ang labing anim na lalaki at isama mopa ako, malaki pa ang space sa loob parang dalawang kwarto na nga ito.Ngunit mayroong isang lalaki ang nakapako ng aking paningin. Nakatayo ito sa tabi nung boss nila at deretsyo lang ding nakatingin saakin. Nang magtagpo ang aming mga mata ay natigilan ako sumandali, napakalamig niyon pero nakikita ko ang kakaibang emosyon sa mga matang iyon. Parang kay Aiden, agad akong napailing dahil sa naisip ko. Bakit nadamay ang lalaking naging dahilan kung bakit ako nandito ngayon?"Anong pangalan mo hija?" umikot siya sa harapan ko at nakita ko ang isang lalaki na kahawig nung lalaking nasa tabi niya. Ibig sabihin anak niya yun?
Paano kapag nagkakilala kayo sa maling lugar, maling oras at maling panahon? Malalaman niyo nalang na mag-kaiba ang mundo na inyong ginagalawan. Maraming sikreto ngunit iisang kwento, kwento patungo sa happy ending. ‘Yun ay kung may happy ending nga ba di tulad ng kaniyang librong isinisulat na pawang walang magandang katapusan dahil sa huli ay namamatay ang babae at naiiwan na mag-isa ang lalaki. Paano kung dumating ang babaeng para sa kaniya at dinadalangin na hindi matulad sa kaniyang sinusulat na libro ang katapusan ng kanilang kwento. Ang iwan siya at mawala ito, iyan ang kinatatakutan niya ni Keon Devaux. *** “Sabrina! Sabrina, Aiden!” Nabulabog ang gabi nila Sabrina at Aiden maging ng kaniyang mga anak na mahibing na natutulog sa kuna ay nagising dahil sa malakas na pagsigaw ng taong nasa labas dis-oras ng gabi. “Sino ‘yun?” kunot noong sabi ni Sabrina at binuhat ang anak na si Atasha dahil nagising ito. “Wife, amina muna si Atasha, puntahan na natin ang tumatawag sa l
“HELLO hija,”Napatingin sa salamin si Sabrina dahil sa nagsalita at nakita niya ang pumasok na apat na matatandang babae ngunit halata mo parin ang kagandahan sa mga ito kahit na ganoon. Napangiti siya sa mga ito at tumayo ngunit agad siyang pinigilan ng isang babae. “Wag ka ng tumayo Sabrina, sandali lamang kami.” Nakangiting sabi nito kaya wala siyang nagawa kung di ang bumalik mula sa pag-kakaupo.“Tama si Ally, gusto ka lang namin makita sandali bago ka ikasal sa inaanak naming si Aiden,” nakangiting sabi ng isa. Doon niya naalala ang mga ito, sila ang binabanggit ni Aiden nan as aibang bansa kaya hindi nakarating sa pilipinas ay dahil sa sobrang busy. “Kilala mo ba kami hija?” nakangiting tanong ng isang babae na ikinangiti niya ng pilit at umiling.“Nabanggit po kayo saakin ng asawa ko pero hindi ko pa ho kayo nakikita,” napangiti sila dahil doon. “It’s okay, palagi mo na kaming makikita dahil dito na ulit kami titira, ako ng apala si tita Salem mo. Ako ang in ani France, palagi
Natigilan si Raymond dahil sa sinabi ni Sabrina ngunit agad na nagsalita si Angeline na ikinainis ni Sabrina. “H’wag kang maniwala sa kaniya doc! Inuuto ka lang niya para hindi matuloy ang plano natin!” tinignan ng masama ni Sabrina si Angeline. “Pag nakatakas lang talaga ako dito kakalbuhin kita!” sigaw niya na sabi dito. “Tama na! Simulan na natin ang operasyon!” Agad na kinabahan si Sabrina dahil sa sinigaw ni Raymond lalo na ng mamatay ang ilaw sa paligid at tanging ilaw pang operasyon nalamang ang buhay. “Anong gagawin mo sa puso ko kapag nakuha mo?!” tanong ni Sabrina dito. “Itatapon para wala ng makinabang pa.” parang baliw na sabi ni Raymond na ikinadasal talaga ni Sabrina. ‘Aiden nasaan kana?!’ Sakto na pagsigaw ni Sabrina ay may naramdaman siyang mga presesnya sa paligid. ‘Andito na sila!’ agad siyang dumilat at tinignan si Angeline. “Tingin mob a mamahalin ka ng asawa ko?! Never!” sigaw na sabi niya sa babae at dinadalangin na kumagat ito upang mabigyan ng konting or
Kasabay ng pagkakatuklas ni Sabrina kay Raymond na mastermind ay nalaman din ito ni Aiden ng makita si Angeline na kumuha sa anak niya. Matapos niyang makausap si Raymond ay sakto na nagtext si Sabrina na nagsasabi na si Raymond ang may pakana ng lahat kaya nabuo agad ang plano sa isip ni Aiden. Sinakyan niya lahat ng gustong mangyari ni Raymond at sumabay sa agos at inintay si Sabrina na makarating sa secret room. Nag desisyon silang dalawa na gamitin ang babae bilang pain papunta sa lugar na kinalalagyan ni Raymond at hindi naman sila nagkamali ng desisyon dahil kinuha nga siya ni Raymond. “Paano niyo nagawa saamin ito?!” umiiyak na sabi ni Addison na ikinangisi ni Aiden sa kambal. “Anong inaasahan niyo sa dalawang pinuno ng organization mauuto? Never, kaya humanda na kayo para sa gyera.” *** NAGISING si Sabrina ng marinig niya ang tunog ng isang makita sa kaniyang tabi, makina ng isang heartbeat. Pagdilat niya ay putting kisame ang sumalubong sa kaniya at pagtingin niya sa kani
Nanggaling si Sabrina sa Tagaytay at sina Hannah, Aichan at ang daddy niya ang nagsabi na nasa maynila ang mg auto dahil sa pag-launch ng bagong libro ni Keon kaya dumeretsyo siya sa bahay nila Aiden at ng wala siyang maabutan sa baba ngunit ang sabi ng mga maid ay andoon naman sila alam na niya kung nasaan ang mga ito, nasa secret room. “A-Ate Sabby!” Imbes na matuw sila sa pagbabalik ni Sabrina ay mas natakot pa sila dahil siguradong magwawala ang dalaga sa oras na malaman na nawawala si Jared. Si Aiden ay hindi alam ang gagawin ngunit ang ending ay agad siyang tumakbo sa babae at mahigpit itong niyakap. “W-Wife! I miss you so much!” hindi na napigilan ni Aiden ang kaniyang luha dahil doon bukod sa masaya siya at dumating na si Sabrina ay mas naiyak siya dahil napabayaan niya ang anak nila. Ngayon hindi niya alam kung paano sasabihin sa dalaga ang katotohanan. “I miss you too, Aiden. Sorry kung natagalan ako, wag kang mag-alala dahil inalagaan ko ng mabuti ang anak natin.” Humiwa
“KAILANGAN mong maniwala Karina dahil ito ang katotohanan!” sigaw na sabi ni Sabrina kay Karina na hindi makatingin sa kaniya dahil kakaiyak at umiiling na umaatras sa kinatatayuan nila. “H-Hindi totoo ‘yan Sabrina, nagsisinungaling ka lang!” naguguluhan na sabi ni Karina dahil hindi niya matanggap ang katotohanan. Agad na lumapit si Sabrina kay Karina at hinawakan ito sa magkabila niyang balikat. “Makinig ka saakin Karina, gusto ko na bumalik sa ayos ang buhay mo. Tanggapin mo ang katotohanan at babalik sa ayos ang lahat maging ang organization! S-Si Papang! Si Papang siya ang magpapatunay!” mas lalong umiyak si Karina dahil sa sinabing iyon ni Sabrina at sabay silang napatingin sa pinto ng mayroong tumawag kay Karina. “A-Apo,” napabitaw si Sabrina sa pagkakahawak niya kay Karina lalo na ng maglakad ito papunta sa papang nilang si Nestor. “T-Totoo ba ang sinabi ni Sabrina papang?” hindi nakasagot si Nestor dahil sa tanong ni Karina at napayuko. “Totoo ba iyon papang?!” muling sigaw
NGAYON na ang araw na pinakanghihintay ni Sabrina. Ang araw kung kalian niya iiwan ang pamilya niya para isa-alang-alang ang kanilang organization. Nag-request siya kay Aiden na pumunta sila sa palawan upang magbakasyon ngunit ang totoo ay nag book siya ng ibang flight papunta sa Japan. Nasabihan na niya sila Karina kagabi na mauuna na siyang pumunta sa Japan at ang mga ito ay isasakay niya sa isang private plain na nakahanda para sa mga ito. Habang papalapit sila ng papalapit sa airport ay nanlalamig na ang kamay niya. Hindi nila sinama si Jared dahil nag request din siya dito na sila lang sanang dalawa pero ang totoo ay ayaw niya lang makita ng anak ang pagkawala niya sa airport. Naisip niya na pabilhin ito ng pagkain at isasakto niya s abording ng kaniyang flight at iiwan ito ng mag-isa doon. Lahat na ng lakas ng loob na mayroon siya ay inilabas na niya upang magawa ang plano na iyon. Alam niya na mag-aalala ang lahat sa pag-alis niya kaya nag-iwan na siya ng sulat sa mga ito at
NAKAUPO si Sabrina sa ginta ng mahabang mesa sa isang pavilion sa hotel na nasa resort nila Aiden habang katabi niya rin ang lalaki na masayang nakikipag-usap sa mga kasama nila sa mesa. Nakapalibot sa kanila ang mga kakilala, friends at pamilya nila. Pawang masasaya sa muling pagka-engaged nila ni Aiden ngunit si Sabrina ay lutang at wala sa hapagkainan ang kaniyang isip.Noong makita niyang lumuhod si Aiden sa harapan niya at alukin ito ng kasal ay nagdadalawang isip siya. Napatingin siya sa sing-sing na nasa kaniyang palasingsingan, isa itong diamond na alam niyang mamahalin dahil sa kinang nito. Gusto niyang tumanggi sa lalaki ngunit pinapanalangin niya ang sandalling iyon, ang mag-propose ulit sa kaniya si Aiden sa unang pagkakataon na mahal na nila ang isa’t-isa ngunit hindi naman niya akalain na sasabay ito kung kalian kailangan niyang umalis at pangalagaan ang organization nila.Nakita niya na mayroong humawak sa kamay niya at pagkatingin niya sa taong iyon ay si Aiden pala it
“Hoy! Anong pinag-uusapan niyo?!” nakangiting sabi ni Addison at lumapit sa kambal niya at niyakap ito. “I miss you kuya,” sabi nito kay Aiden na ikinahalik ng lalaki sa noo ng kambal. “I miss you too, Addi. Kamusta ang pagbubuntis?” humiwalay ito sa pagkakayakap at sumimangot sa kaniya. “Ang tagal kamo ng asawa ko hanapin ang gusto ko.” sabi ni Addison. “Kaya nga pati kami inistorbo ng asawa mo ate Addi!” reklamong sabi ni Allard na ikinatawa ni Aiden. “Mukang kailangan ko narin maghanda diba?” napangiti sila dahil doon. “Kailangan talaga kuya! Malayo kami sayo hahahha!” sagot ni Allistair na ikinangiwi ng Aiden ngunit napatingin sa asawa kaya bigla iyong nawala. “Basta makita ko lang siyang masaya ayos na ako.” Nakangiting sabi ni Aiden. “Kailan ka mag po-propose kuya?” tanong ni Keon na ikinatingin dito ng lalaki. “This Sunday,” ngiting malaki ni Aiden dito. “Kaya wag muna kayong aalis dito, sa resort muna kayong lahat.” Dugtong pa niyang sabi. *** “Excuse me lang po muna,”