Pagsapit ng hapon, dumating din si Michael sa Astranexis. Maayos ang postura niya, dala ang kanyang folder ng dokumento. Ngunit dahil abala sa assessment meeting si Casper, hindi sila nag-abot. Sa halip, nag-iwan lang si Michael ng mensahe sa front desk bago tuluyang umalis makalipas ang ilang minuto.Hindi pa man lumalayo ang sasakyan ni Michael ay dumating na si Helios.Lumabas si Trixie at Casper sa conference room just in time na makikita nila si Helios sa gitna ng hallway palapit sa kanila.As always, the man carried himself with that distinct confidence. Subtle, controlled, and unreadable. Pero ngayong araw, tila may kakaiba sa kanyang mga mata, mas mababa ang tingin nito, mas mapanuri.“Mr. Cuevillas,” bati ni Casper, kasunod ang handshake.“President Yu,” sagot ni Helios, saka tumingin kay Trixie. “Ms. Salvador.”“Mr. Cuevillas,” tumango siya. Polite and poised as always.Helios’s eyes lingered for a moment longer than necessary. There was something about the way she said his
Pagkarating ni Trixie sa villa, hindi siya nag-aksaya ng panahon. Tahimik siyang naglakad papunta sa kwarto ni Xyza, dala ang mabigat na damdaming iniwan ng tawag ni Sebastian. Nang buksan niya ang pinto, bumungad sa kanya ang malamlam na ilaw at ang mahinang tunog ng aircon. Nakita niya agad si Sebastian na abala sa harap ng mesa, bukas ang laptop at may ilang dokumentong nakalatag. Tumingala ito nang maramdaman ang presensya niya. “You’re back,” sabi nito, malamig ang tono ngunit may bahid ng pagkagulat sa mata. “Oo,” sagot ni Trixie, inilapag ang bag sa gilid at tahimik na lumapit sa kama. Naka-IV drip pa rin si Xyza, at kahit bahagyang naka-kunot ang noo, mahimbing ang tulog nito. Tahimik lang si Trixie, pinanood ang mahinang paggalaw ng dibdib ng anak habang humihinga. “How is she now?” tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sa bata. Si Sebastian ay tumingin din kay Xyza, saka sumagot, “She was in pain when I arrived, but she’s feeling better now. The meds worked quic
Uurong na sana si Trixie, papatayin ang ilaw at lalabas na lang ng kwarto, nang biglang marinig niya ang tinig ni Nana Sela mula sa kanyang likuran.“Trixie, hija.”Paglingon niya, nakita niyang may dalang tray si Nana Sela. Nasa tray ang isang palayok ng mainit na nilagang pagkain.“Nana Sela,” mahina niyang bati.Ngumiti si Nana Sela at marahang nagsalita, “Ito po ‘yung pampalakas na iniwan ng matanda noong dumalaw siya dati. Pinag-stew niya ako ng ganito para sa inyo kapag may oras ako.”“Ah, salamat. Naabala ka pa po.”“Wala ‘yon,” sagot ni Nana Sela. Sandaling natigilan, at saka marahang nagpatuloy, “‘Yung mga gamit ninyo… Noong umpisa ng buwan, pinaayos ni Sebastian at sinabing i-empake ko ang lahat. Inakyat ko po sa third floor ang mga gamit ninyo. Kung may kailangan ka, aakyatin ko na lang o kung gusto ninyo—”Hindi na kailangang sabihin pa. Noong umpisa ng buwan nga sila pumirma ng divorce agreement.“Wag na po, ako na lang ang aakyat mamaya.”“Sige,” ani Nana Sela. “Ihahatid
Pagkababa nila sa paaralan ni Xyza, agad na sumigaw si Tantan mula sa kabilang bahagi ng gate. “Ate Trixie!” Nilingon ni Trixie ang boses na iyon, at nakita niyang patakbo patungo sa kaniya si Tantan, bitbit ang isang maliit na paper bag. “Ate Trixie, kaninang umaga po, inutusan ako ni Lola ko para bigyan ka ng mga buns. Pero wala ka po sa bahay kaya binalik ko na lang.” Bubuka pa lang sana ang bibig ni Trixie pero naunahan na siya ni Xyza, na halatang nairita sa narinig. “Hindi totoo ‘yan! Nasa bahay si Mommy kahapon, nakita ko siya!” Hindi pa kasi alam ng bata na matagal nang nakalipat ng bahay ang kaniyang ina. Kaya nang marinig ang sinabi ni Tantan, napasimangot siya at agad na tumutol. Napakamot sa ulo si Tantan, naguluhan. “Ha? Talaga ba? Eh bakit…” Pero bago pa man sila makapagtalo, lumapit na ang guro ni Xyza. “Ms. Salvador,” tawag ni Teacher Alecie. Agad na tumugon si Trixie. “Teacher.” Pinapasok muna ng guro ang mga bata sa loob at saka nagsalita. “Ms
Kinabukasan, maaga pa lang ay abala na si Trixie sa paghahanda ng gamit nina Luna at Venus. Maaliwalas ang langit, at may kakaibang sigla sa paligid. Tahimik ngunit determinado siyang mag-focus sa araw na iyon, isang araw na para sa pamilya, para sa mga bata… at kahit pa hindi niya inaamin, para rin sa sarili niya.Pagdating niya sa bahay nina Antonia, masiglang sinalubong siya ng mga dalagita.“Tita!” salubong ni Luna. “Mama said you’ll take us to the sea, Tita? Totoo po ba?”Trixie smiled and nodded, “Yeah right, pamangks. Everything’s ready, so bring your swimsuits and towels. Aalis na tayo in ten minutes.”Napatalon si Venus sa tuwa. “Yes! I haven’t been to the sea for ages!”Buo ang loob ni Trixie na gawin itong masayang araw para sa kanila.Bandang alas otso ng umaga, nang makarating sila sa pantalan, natanaw na agad ni Trixie ang pamilyar na pigura nina Helios at Yanyan. Si Yanyan ay nakasuot ng maliit na straw hat, hawak ang stuffed animal niyang laging dala, at may hawak pa
Pagdating ng tanghali, sabay-sabay silang nag-lunch ng seafood. Hindi naging pihikan si Yanyan, lalo pa’t tinabihan siya ni Trixie habang sinusubuan siya ng paborito niyang buttered crab. “Tita Trixie, this one’s yummy po,” sabi ni Yanyan habang may sauce pa sa gilid ng bibig niya. Tatawa-tawang pinunasan ito ni Trixie. “‘Wag ka na ulit magsasalita kapag may laman pa ang bibig, okay?” “Okay po,” sabay ngumiti ulit ang bata, pilit pa ring inuubos ang laman ng plato. Habang kumakain, panay ang sulyap nina Luna at Venus kay Helios, na mahinahon lang na kumakain at paminsan-minsan ay inaabutan si Trixie ng mga panghimagas. “Tingnan mo 'yun,” bulong ni Venus kay Luna. “He even gets Tita a dessert. Ang sweet, grabe.” “Tsaka parang ang bait talaga niya, ‘no?” dagdag pa ni Luna. “Wala siyang air. Hindi gaya ng ex ng Tita natin.” Nagkatinginan ang magpinsan, at napangiti na lang. Hindi man nila sinabi nang direkta, pero pareho nilang nararamdaman na kung may darating mang bago sa buhay
Pagdating ng Lunes ng umaga, dumating si Trixie sa school ni Xyza nang eksakto sa oras. Malayo pa lang, agad niyang namataan ang anak na nakaupo sa tabi ni Sebastian sa waiting area. Nakalugay ang buhok ni Xyza, may pink ribbon, at masigla itong nag-wave nang makita siya. “Mommy!” Masiglang tumayo ang bata at sumalubong. Tinikom ni Trixie ang bibig sa isang maikling ngiti. Tumango siya habang lumalapit, suot ang isang neutral-colored dress. Walang kahit kaunting excitement sa ekspresyon niya. Paglapit niya, agad siyang sinalubong ni Sebastian. “You’re here,” ani Sebastian, tila hindi sigurado kung matutuwa ba siya o hindi. Hindi siya pinansin ni Trixie. Sa halip, binuksan niya ang tablet ni Xyza at agad na hinarap ito. Tiningnan niya ang listahan ng activities para sa araw na iyon, waring walang ibang tao sa paligid. Napakamot sa batok si Sebastian. “I didn’t think you’d come, honestly.” “Hindi mo kailangang mag-isip para sa akin. Sinabi kong dadating ako ‘di ba?” m
Pagkatapos ng larong agawan ng upuan, sinundan ito ng “The Boat is Sinking.” Excited pa rin si Xyza, halos hindi mapakali habang hinihintay ang instructions ni Teacher Alecie.Muli, malinaw na ipinaliwanag ng guro ang rules ng laro. Apat na pamilya ang bubuo ng isang grupo. Kapag sumigaw ang game master ng, “The boat is sinking… group yourselves into blank!” kailangan agad makabuo ng grupo ayon sa bilang. Ang hindi makasunod, tanggal. Ang huling grupong matitira, panalo.Tumingin si Sebastian kay Trixie, naka-ngiti. “Your turn now?”Tumango si Xyza nang masigla, hawak-hawak ang kamay ng ina. “Please, Mommy? I want you with me this time.”Walang nagawa si Trixie kundi ang tumango.“Okay.”Habang naghahanda na para sa laro, napatingin si Trixie sa shoulder bag niya. May inabot siyang maliit na bote ng tubig ngunit bitbit pa rin niya ang bag. Bago pa man siya makapagsalita, iniabot na ni Sebastian ang kamay niya.“I got it,” sabi nito, tahimik pero diretso.Saglit siyang nag-alinlangan
Dumating na ang araw ng graduation nilang tatlo.Mainit ang araw pero mas mainit ang pakiramdam ni Elijah habang pinagmamasdan si Trixie sa entablado. Ang ganda nito sa suot nitong toga, ang liwanag ng ngiti habang katabi si Sebastian.Sa camera ng phone niya, naka-zoom si Trixie. Kahit si Sebastian ay pinutol niya sa framing. Sa kanya lang dapat nakatuon ang araw na ito. Si Trixie lang.Pagkatapos ng graduation, may simpleng salu-salo sa isang restaurant. Nasa iisang mesa sila, mga close friends ng dalawa, kabilang na si Racey ang babaeng kaibigan ni Trixie. Katabi ni Trixie sa kabilang gilid niya si Sebastian. Si Elijah naman, kahit sa kabilang side niya nakaupo, hindi maalis ang paningin sa kanya.“Uy Elijah,” tawag ni Sarah. “May maganda raw na dumating na bisita, kakilala ni Dean. Baka gusto mong i-meet.”“Girl ba?” tanong niya.“Oo, sobrang classy! Mukhang sosyalin pero approachable.”Nacurious tuloy si Elijah, tumayo at sumunod kay Sarah papunta sa lounge. Pagdating doon, ma
"Trixie! Sebastian! We're soon to graduate! What are your plans, buddies?" sigaw ni Elijah habang lumalapit sa dalawa, may bitbit pang isang baso ng iced coffee sa kamay, halatang galing pa sa canteen.Mula sa kinauupuan nila sa gilid ng campus garden, nagkatinginan ang magkasintahang Trixie at Sebastian. Pareho ang ngiting may tinatago sa dalawa, may lihim na kasi silang plano na hanggang ngayon ay sila lang ang nakakaalam.Malapit na nga silang maka-graduate ng college.And… they are already planning their marriage. Matagal na si Trixie na inalok ng lalaki at matagal na rin siyang naka-oo dito. Mahal nila ang isa’t-isa pareho kaya sa tingin nila ay handa na silang bumuo ng pamilya. Even if they weren't old enough, marriage isn't scary if each other was the one they are marrying. Napansin iyon ni Elijah at mas lalo siyang nag-usisa sa mga kaibigan. “Anong pinagtitinginan niyo diyan, ha? May plano na kayo, 'no? Include niyo naman ako! Ayoko ng nauuna kayo tapos ako, clueless!” bir
Pagbalik ng mga bata, agad tumakbo si Xyza sa ina.“Mommy! Mommy! I made a drawing po! It’s you and me and Tito and Yanyan!”Pinakita nito ang simpleng guhit, may araw sa itaas, at may puso sa gitna ng papel.“Beautiful,” ani Trixie habang hinahaplos ang buhok ng anak.Tiningnan ni Helios ang papel at ngumiti.“You’re quite the artist.”“I drew Daddy din po!” sabay turo sa malayong figure sa likod, na malabo at nakatalikod.Hindi na nagsalita si Trixie. Bagkus, tumingin siya sa anak at hinaplos ang pisngi nito.“You’re enough,” bulong niya.Hindi iyon para kay Helios, hindi para kay Sebastian. Para iyon sa anak niya. Para sa sarili niya. At kahit sino pa ang pumasok o lumabas sa mundong ito, alam niyang buo siya, buo silang dalawa.“Wow. Daddy, you're here too. Are you joining us na po? Mommy, can daddy sit beside me?” tanong ni Xyza, walang muwang sa nagaganap na tensyon.“I think he should sit with Wendy,” tugon ni Trixie, malamig ngunit mahinahon.Nagngitngit si Sebastian sa sago
Pinagmamasdan niya ang bawat kilos nito, lalo na kapag tumatawa ito sa mga biro ni Helios.Hindi alam ni Sebastian kung gaano siya katagal nakatitig mula sa kabilang mesa habang inaantay ang order nila. Bagama’t nasa piling ni Wendy ang lalaki, ito ay parang wala roon. Nasa kabilang mesa ang isip nito, at ang puso.Mula sa kanyang kinauupuan, malinaw niyang nakikita ang bawat galaw ni Helios. Kung paano nito marahang nilalagay ang baso malapit kay Trixie. Kung paano nito binibigyan ng tissue ni Xyza para hindi mabasa ang palda ng bata. Kung paano nito hinahayaang mag-lean si Yanyan sa balikat niya habang nagkukuwento kay Xyza.Pinapanood niya kung paanong walang kahit katiting na effort si Helios, pero natural itong tanggap sa piling nina Trixie. Sa dami ng taon na sila ni Trixie ang magkasama, hindi niya kailanman naramdaman na ganoon siya kahinahon o ka-“present” para sa pamilya nila.“Ang sweet naman nilang pamilya,” bulong ng isang waiter sa likod nila, na hindi alam na naririn
Tumayo si Helios mula sa pagkaka-upo sa tabi ni Trixie nang mapansin ang mga bagong dating. May bahagyang seryosong ekspresyon sa mukha nito habang pinagmamasdan ang lalaking kararating pa lang.“Sebastian,” tawag niya, kalmado ang tinig ngunit may tinatagong tensyon.Napalingon si Sebastian na tila ayaw gumalaw. Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa kaibigan. Ngunit bago pa siya makatanggi, sumingit na si Wendy.“Let’s greet them for a while. It’s your dear friend after all,” wika nito habang hinahawakan ang braso niya, pormal ang ngiti ngunit may bahid ng intensyon sa likod ng mga mata.Ayaw sana ni Sebastian, pero wala rin siyang nagawa. Ang panunulsol ni Wendy ay may bahid na maitim balak. Siguro, gusto lang niyang patunayan na wala nang koneksyon si Sebastian sa dating asawa. O baka gusto lang niyang makita kung ano talaga ang dynamics ngayon.“Alright. But let’s be quick,” sagot ni Sebastian, pinipigilan ang sarili na idagdag ang I don’t want to see either of them tonig
Sa gitna ng pagtawa ni Trixie dahil sa isang production number na comedy skit, naramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang cellphone sa bulsa. Nang kunin niya ito at tingnan ay si Racey pala ang natawag. “Hello? " bungad ni Trixie sa kaibigan. Hindi pa niya nakakausap ang babae mula noong gabi na nalasing siya kaya interesado siya sa sasabihin nito. "Are you free today, girly girl? Let's go shopping, or do you prefer bar hopping? You choose. Libre ko.” Masiglang boses ni Racey ang bumungad sa kaniya. "Anong meron? May okasyon ba?” "Wala naman. Gusto ko lang mag-celeb, kakababa ko lang kasi ng bundok matapos akong isama ni Lola para manalangin dun sa mga katutubo niyang friends. I miss the city, that's why.” Paliwanag nito. "You've been doing that yearly, hindi ka pa ba sanay?" Natatawang puna ni Trixie dito. "True ka naman diyan. But wait? Why do I hear strange noises from your background? Nasa labas ka ba?” "Ah, yes. Nasa isang family day to be exact." “Xyza's? E
Kinabukasan, Sabado. Sa simpleng bahay ng pamilya Salvador, puno ng tawanan ang umagang iyon. Nang matapos ang kainan, sumama si Xyza sa kwarto ni Trixie. Humiga sila sa kama habang naglalaro ng mga stuffed toys. "Mommy," bulong ni Xyza habang nilalambing ang braso niya. "You're my favorite person." Naglakbay ang kamay ni Trixie sa buhok ng anak. Mahina niyang hinaplos ito habang pinipilit na huwag maluha. "You’re my most precious, Xyza," mahina niyang sagot. Suot ng mag-ina ang magkaparehong pajama, pink na may maliliit na bear prints. Masayang hinahaplos ni Trixie ang buhok ng anak habang binabasahan niya ito ng isang fairy tale book. "Mommy! Next page, please!" sigaw ni Xyza, habang pumapalakpak. Tumaas ang kilay ni Trixie, kunwaring nagdaramot. “Hmm... should I not?" biro niya. "Pleaaase!" bulalas ng bata, yumakap ng mahigpit sa leeg niya. Tumingin si Trixie sa anak at napuno ang puso niya ng hindi maipaliwanag na saya. Pinili niyang mag-off sa trabaho ngay
Tumayo si Sebastian, mata'y singkipot ng karayom. "Helios, one last question. Do you even remember that we're friends?" malamig niyang tanong. Ngumiti si Helios, isang ngising hindi mo malaman kung pikon o arogante. "And do you even remember that you have a wife waiting for you at home when you are going on dates with Wendy?" Biglang nanahimik sa loob ng opisina. Maliban sa mahinang ugong ng aircon, tanging tensyon na lang ang pumupuno sa paligid. Sinabi na ni Helios noong una pa lang na hindi siya sasagot ng tungkol sa kanilang personal na buhay, but Sebastian insisted. And this is it. Sebastian tasting his own medicine. Nawala ang ngisi sa mukha ni Helios at ibinalik ito sa pagiging seryoso. “Bro–” “Don't call me that when you are doing all these.” Putol nang tila napipikon nang si Sebastian. Hindi kumurap si Helios. Hindi siya nagpadala sa init ng ulo ng lalaki. Ngumisi lang siya, waring lalong nang-aasar. "Sebastian," aniya, kalmado pero mabigat, "it's a personal mat
Nang marinig niya ang sinabi ng anak, aalala niyang nalaman niya nga pala ang lahat kay Helios. Siguro ay noong tumambay ito doon. "Is that so?" tanong ni Trixie, pinipilit manatiling kalmado kahit ramdam niyang lumalambot ang puso niya sa tuwa habang pinapakinggan si Xyza. Pagkatapos magsalita ni Xyza, bigla nitong napagtanto na baka hindi pa kilala ng mommy niya si Yanyan, kaya agad niyang ipinaliwanag, "Niece po siya ni Tito Helios. I don't know if you know her po eh." "Oo," sagot ni Trixie, pilit na pinapawi ang bigat sa dibdib niya. Nakita niya ang saya sa mukha ng anak kaya agad siyang nagtanong, "Then? Ano namang ginawa n'yo?" "Naglaro po kami ng maze, then doll house!" "Woah, ano pa?" Tahimik na nakinig si Trixie habang kinukuwento ng anak ang mga kaganapan, ngunit sa bawat tawa at kwento ni Xyza, may halo itong kirot sa kanyang puso. Sa isang banda, masaya siyang masaya ang anak. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa mga panahong hindi