Share

The Way She Said Goodbye
The Way She Said Goodbye
Author: Yashaya Lee

Goodbye 01

Author: Yashaya Lee
last update Last Updated: 2021-05-12 17:57:25

“Nasa bar na siya ni Kuya David, Ri. Ibakuran mo na ang huklubang iyon. Siguradong pinapaligiran na naman 'yon ng mga palakang kokak."

Napatawa nang bahagya si Rienne sa message na natanggap mula sa kaibigang si Aveline. Nai-imagine niya na ang itsura ni Ave sa mga oras na tina-type nito ang mensahe sa kaniya. Siguradong kulang na lang ay umusok ang ilong nito dahil sa pagkairita sa mga babaeng umaaligid sa pinsan nitong si Andro. Mainit talaga ang dugo ng kaibigan niya sa mga umaaligid kay Andro dahil para rito, si Rienne lang daw ang bagay sa pinsan niya. Kaya nga magkasundong-magkasundo sila.

Nag-type na lang siya ng message at nagpasalamat kay Ave. Pagkatapos ay tumayo na siya at tumapat sa kama upang mamili na ng isusuot niya ngayong gabi. Una niyang itinaas ang isang red halter dress. Sigurado siyang kung ito ang isusuot niya, mapapansin siya kaagad ng mga tao. Maputi kasi siya at talagang lumulutang ang kaputian niya kapag naka-pula. Sinukat niya na ito, pero napansin niyang maluwag na ang dress sa bandang baywang. Ayos naman sana, pero hindi niya nagustuhan ang itsura niya dahil gusto niya ay iyong body-hugging dress, at hindi katulad noong maluwag na.

Kaya napagdesisyunan niyang ang Dior mini zip-up dress na lang ang isuot. Tinernuhan niya na lang ito ng kaniyang Jimmy Choo pumps. Pinagmasdan niya ang sarili sa kaniyang full-length mirror. Napangiti siya dahil angat na angat ang itsura niya sa dress na iyon.

"Good thing, kasya na ulit 'to sa akin ngayon."

Malaki kasi ang nabawas sa timbang niya nito lang nakaraang buwan, kaya nagkasya na ulit sa kaniya ang dress na iyon. Naalala niya kasing iyon ang suot niya nang minsan siyang purihin ng love of her life na si Andro.

Agad nang naglagay ng makeup si Rienne. Kailangan niyang magmadali dahil gaya nga ng sinabi ni Aveline, malamang ay pinapaligiran na naman ito ng mga linta.

Pagkatapos niyang ayusin ang buhok at nang masiyahan na siya sa makeup niya ngayong gabi, agad na siyang umalis para puntahan sa bar si Andro.

Pagkarating niya sa bar ay sinalubong siya ng pinaghalu-halong amoy ng alak at mga sari-saring pabango. Medyo mainit din sa loob dala na rin siguro ng dami ng tao pero hindi naman ganoong ka-contaminated ang hangin. Hindi naman kasi cheap ang bar na ito at mayayaman din ang lumalagi dito kaya naghahalu-halo ang amoy ng mga mamahaling perfume.

Hindi niya rin mapigilang maalala ang night life niya sa America. Ilang taon kasi siyang namalagi roon, at noong isang araw lang siya umuwi para sundan si Andro.

Speaking of Andro, nakita niya na itong nakaupo sa may VIP area ng bar. Hindi niya muna ito nilapitan. Gusto niya muna itong pagmasdan sa malayo, kaya umupo siya sa may bar counter kung saan tanaw niya pa rin ang pinakamamahal niya.

"Oh! What a hot lady we have here."

Napatingin si Rienne sa nagsalita, at pabirong inirapan niya ito.

"Oh! What a bolero we have here. So how are you, David?"

Habang kinakausap niya si David ay kay Andro pa rin siya nakatingin. Napahawak siya nang mahigpit sa Chanel clutch bag niya nang makitang may dalawang lintang mukhang mga clown ang umupo sa magkabilang gilid ni Andro at bumubulong-bulong pa rito.

"Ouch. Ako ang kinamusta, pero sa iba nakatingin? Well, my lady, okay lang naman ako. Hindi na kita tatanungin kung okay ka lang dahil mukhang kulang na lang ay umusok ang ilong mo sa galit."

Napalingon siya kay David at sinamaan ito ng tingin.

"Well, bolero, kahit umusok pa ang ilong ko, that won't change the fact that I am still the drop dead gorgeous Rienne. So tell me. Sa loob ng dalawang linggong nandito sa Pilipinas ang mahal ko, ilang linta na ba ang umaligid sa kaniya?"

Tila namamanghang pinagmasdan siya ni David. Kapagkuwan pa ay kunwaring nagbilang ito sa mga daliri.

"Let's see. A hundred, maybe? Or more? Pero I am quite sure that he has bedded at least five. Limang beses ko lang kasi siyang hindi naihatid dahil umuwi siya nang may mga kasamang chikababes. Sa akin ka na lang. Hindi ako papalit-palit ng babae. I am all yours, my lady."

Muli ay inirapan lang ni Rienne si David. Ibinalik niya na ang tingin niya sa kinaroroonan ni Andro at talagang nanggigigil siya nang makitang nakikipagpalitan ito ng laway sa isang lintang mukhang clown.

"David, give me a hard drink."

Talagang nanggigigil siya sa nasasaksihan kaya parang gusto niya ngayong uminom. Pero natauhan naman siya agad at binawi iyon.

"I've changed my mind. Bigyan mo na lang ako ng bote ng alak diyan. 'Yung pinakamatibay na bote ha."

Hindi nagsasalita si David kaya agad niya itong binalingan, at nakita niya ang pagkalito sa itsura nito.

"My lady, ano namang gagawin mo sa bote?"

Binigyan niya ng isang matamis na ngiti si David at pilit pinakalma ang sarili bago sumagot.

"Ipupukpok ko lang sa mga ulo noong dalawang lintang iyon para matauhan silang mukha silang mga kutong lupang pinagsisiksikan ang sarili sa love of my life. Kaya ibigay mo na sa akin ang bote. Wait. Make it two. Tig-isa sila."

Kitang-kita ni Rienne ang pagkabigla sa itsura ni David. Mayamaya pa ay tumawa ito. Aba teka. Akala ba nito ay nagbibiro siya?

"My lady, you surely remind me of my cousin Ave when you're jealous. But I am sorry. Ayaw kong maging crime scene itong bar ko. Sabi naman sa 'yo. Ako na lang ang piliin mo, huwag na si Yvandro. I'm all yours."

Sinamaan niya ng tingin ang kausap na siyang naging dahilan para mas lalo itong natawa. Hindi na siya sumagot at bumaling na muli sa pinakamamahal niya. At kung kanina ay gusto niyang manghambalos ng ulo ng mga linta, ngayon naman ay parang gusto niya nang ilublob ang babaeng katabi ni Andro sa kumukulong tubig.

"Uh-oh. I smell trouble. My lady, basta huwag mong gawing crime scene itong bar ko, ha?"

Hindi niya na inintindi pa si David. She walked towards Andro with oozing poise and confidence. May mangilan-ngilang lalaking nagtatangka siyang kausapin, pero lahat iyon ay hindi niya pinansin. Nakatuon ang atensyon niya sa lalaking pinakamamahal niya at sa katabi nitong babae, ang ina ng mga lintang mukhang clown.

Hindi niya mapigilang mapangiwi nang pagmasdan ang itsura ng lintang iyon. The lights are dim but she can clearly see her get-up for tonight. Cheap-looking body-con dress which shows too much skin, making her look like a slut that she is even more. And Rienne's face contorted in disgust as she sees that the leech's lipstick is the ugliest shade of fuschia. Gross! 

"Gosh. I didn't know David's crew and bouncers are considerate enough to let a leech in this bar."

Agad napatingin sa kaniya ang dalawa. Nang magtama ang paningin nila ni Andro ay nakaramdam siya ng parang kuryente, pero hindi iyon ang oras para kiligin. She needed to appear poised and confident in front of them. Kaya binaling niya na lang ang tingin sa lintang katabi nito.

"Oh. The bitch."

Napatawa si Rienne dahil sa sinabi ng lintang iyon. Kahit kailan talaga, hindi pa rin ito nagbabago.

"Yeah. I know. You're that bitch. The mother of all leeches. To hell with you, Elise."

Kitang-kita ni Rienne kung paanong nagtataas-baba ang flat na dibdib ng lintang iyon. Para na rin siyang bulkang sasabog anytime, kaya nilaparan niya pa ang ngiti niya rito.

"At ano ang ginagawa mo rito, you slut? Hindi mo ba nakikitang quality time namin ito ng boyfriend ko?"

Pagkasabi noon ni Elise ay nakita niya kung paanong inilingkis nito ang braso kay Andro na lasing na lasing na. Dinidikit pa nito ang flat na dibdib nito sa lalaki. As if namang mararamdaman iyon ni Andro, e wala naman siyang maipagmamalaki.

"Kanina, bitch. Ngayon, slut? Seriously? Are you referring to yourself? Oh. Of course, you are. Ilang professor na nga ba natin ang kinabitan mo noon para lang makapasa? Wait. Five? At yeah. I remembered seeing you with several politicians and old men. Hmm. Oh my. I've lost count. Ikaw naman kasi. Ang dami mong pinapasok diyan sa hole mo. Hindi ka na nakuntento. Nasa iyo na ang gold, naghanap ka pa ng mga amoy lupa. Kaya puwede ba. Mandiri ka sa sarili mo. You call yourself Andro's girlfriend? You're just the bitchy ex, dear Elise."

Akmang tatayo na si Elise para sugurin siya nang tawagin ito ni Andro.

"Elise . . .”

Napatingin naman kay Rienne ang ina ng mga linta at binigyan siya nito ng pangit na ngiting parang sinasabing mahal pa rin siya ni Andro. But Rienne knew better, kaya mas nilaparan niya pa ang ngiti sa lintang itong nakahawak na naman ngayon sa braso ni Andro.

"Yes, babe? What do you want? Paaalisin ko na ba iyang obsessed na stalker mo? Just tell me babe. Para na rin magawa natin ang mga bagay na dati nating ginagawa sa condo mo."

Napatawa nang bahagya si Rienne dahil sa narinig. Seriously? Mas makapal pa yata sa aspalto ang mukha ng lintang ito.

"Elise, get your filthy hands off me. Now."

Mukhang hindi naman inaasahan ng ina ng mga linta ang sinabing iyon ni Andro. Pero dahil nga makapal ang mukha nito, ngumiti ito at sigurado si Rienne na may iba na naman itong interpretasyon sa sinabi ng lalaki.

"Why? Do you want my hand on your crotch, babe?"

Pinagapang ng linta ang kamay niya sa harap ng pantalon ni Andro, at talagang sobrang pagtitimpi na ang ginagawa ni Rienne ng mga oras na 'yon. Kung hindi lang siya may utang na loob kay David, gagawin niyang crime scene ang bar na ito ngayon din. Pero pinigilan niya ang sarili niya dahil si David ang naasahan niyang umalalay sa love of her life niya noong mga araw na wala pa siya sa Pilipinas.

Kitang-kita ni Rienne kung paanong hinawakan nang mahigpit ni Andro ang kamay ng linta. Base sa napapangiwing itsura nito, alam niyang may kahigpitan ang hawak ni Andro.

"B-Babe, masakit."

Pinanood ni Rienne kung paanong inilapit ni Andro ang mukha sa lintang ngayon ay hindi malaman kung ngingiwi dahil sa sakit, o matutuwa sa pag-aakalang hahalikan siya ni Andro. Rienne knew better kaya kalmado lang siyang nakatayo sa harap ng dalawa.

"Don't you ever touch me again kung ayaw mong mabalian ng mga buto. Stop flirting with me as well dahil hindi kita girlfriend. You disgust me. Why don't you go to your dirty old men and suck them off in exchange for money like the old times?"

Halatang hindi inaasahan ng linta ang mga sasabihing iyon ni Andro. Nang makabawi na ito ay tumawa ito nang peke at nilapit pa ang nakakadiri nitong mukha sa love of her life ni Rienne.

"W-What are you talking about, babe? That's not true. Kasinungalingan lang ang lahat ng 'yon. Gusto lang akong siraan ng obsessed mong stalker sa 'yo. Come on, babe. I know you're just playing hard to get."

Nakita ni Rienne kung paanong napangiti nang mapanganib si Andro. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito, at dahil nga matagal niya nang inoobserbahan ang lalaking mahal niya, alam niya ang ibig sabihin noon. Ga-hibla na lang ang pasensya nito.

"Elise, we know who's the real slut here. Now, get your filthy hands off me. Don't ever come near me again, 'cause like I said, you disgust me. I don't even know why I loved you then. Habang nakakapagtimpi pa ako, lumayo ka na sa akin. Baka hindi kita matantiya at mapatulan pa kita kahit babae ka pa."

Sinabi iyon ni Andro sa linta sa mababa at mapanganib na boses. Nakita niyang napahigpit ang hawak nito sa baso, at mukhang napansin din iyon ng linta kaya mukhang natakot ito. Pero dahil nga masyado itong entitled, tumikhim ito at tumayo, pero nagsalita ulit.

"Whatever, babe. I know you still love me. And I may be a slut, but at least, I'm the slut you loved."

Tumingin naman ang linta kay Rienne at binigyan ito ng nakakalokong ngiti. Sa sobrang nakakaloko ng ngiting iyon, nagmukha tuloy itong clown lalo.

"Poor Adrienne. Pareho lang tayong slut, pero ikaw, hindi ka mahal ni Andro. Oops. Did I push the button?"

Tiningnan lang ni Rienne nang walang kabuhay-buhay ang linta sa harap niya. Inirapan niya ito at nilagpasan na upang umupo sa tabi ni Andro. She contorted her face in disgust as the air she is breathing in mixes with the overly-sweet perfume of the leech. 

"That's old news, leech. Alam kong hindi niya ako mahal, matagal na. Kaya shoo. Leeches shouldn't be in bars. You should be there sa kagubatan. Now, suck off and go to hell."

Hindi niya na tinapunan pa ng tingin ang linta at nag-focus na lang sa katabi niya ngayon. Narinig niya na lang ang dabog ng babaeng lintang iyon. Buti naman at tumigil na ito.

"Hey. I miss you."

Gaya ng inaasahan ay hindi siya tinapunan ng tingin ni Andro. Tuloy pa rin ito sa pag-inom, habang siya ay nakatingin lang dito.

"You know I don't love you, right? Then, get lost as well, Adrienne."

Laging ito ang sinasabi ni Andro sa kaniya kaya sa totoo lang ay immune na siya sa sakit. Pero hindi siya puwedeng umalis sa tabi nito. Kailangan niya itong makausap ngayong gabi.

"So what kung hindi mo ako mahal? I need to tell you something, Andro. Let's get out of here."

Narinig niya ang pagak na tawa ni Andro. Inilapag nito ang baso ng alak sa mesa at humarap sa kaniya. Namumungay ang mga mata nito, at nang titigan siya nito, natigilan si Rienne. Unti-unti ring lumapit sa kaniya ang binata, at amoy na amoy niya ang pinaghalong amoy alak at ang mabangong perfume nito.

"And why would I go with a cunning woman like you, Adrienne?"

Nakipaglabanan lang ng tingin si Rienne kay Andro. Kahit na kabado siya ng mga oras na 'yon ay hindi siya nagbaba ng tingin. Para kasing vacuum ang mga mata nito at hinihigop siya.

"Andro, my love, alam kong Dolce and Gabanna light blue ang pabango mo. Hindi mo ako kailangang lapitan nang ganito para ipaamoy sa akin iyan. And please, my love, may importante lang talaga akong sasabihin sa 'yo. And besides, alam kong matutuwa ka sa sasabihin ko."

Bahagyang napangiti siya nang mapait nang sabihin iyon. Totoo naman kasi. Alam niyang baka magpa-party pa si Andro 'pag nalaman ang sasabihin niya.

Hindi pa rin lumalayo si Andro sa kaniya. Pansin niya ring medyo nawala na yata ang kalasingan nito at pinag-aaralan ang itsura niya. Alam niyang maganda siya pero hindi niya pa rin maiwasang ma-conscious sa paraan ng pagtitig sa kaniya ng binata. Pero hindi niya pinahalatang kinakabahan siya. Kailangang makita ni Androng seryoso siya sa sasabihin niya rito.

"Matutuwa ako? I'd be happy if you'll say that you'll be out of my life for good."

Napabuntong-hininga siya sa sinabi ni Andro. Mukha kasing hindi ito nagtitiwalang mahalaga ang sasabihin niya.

"See? I knew you'd be happy. Kaya let's get out of here. I need to discuss and bargain some things with you before I disappear from your life for good."

Related chapters

  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 02

    "Manong, pakibalikan na lang po 'yong kotse niya. Salamat!"Pagkababa niya ng tawag ay agad nang binalingan ni Rienne si Androng nakaupo sa passenger's seat. Pinagmasdan niya ang side profile nito. Mahahaba ang pilikmata, matangos ang ilong, defined ang jawline, at medyo nakauwang ang mapupula nitong labi. Matagal niya nang pinagmamasdan si Andro, pero lagi pa rin siyang napapahanga sa itsura nito. Mukha kasi itong artista. Wait. Mali. Mas guwapo pa ito sa mga artista at mga modelo. Ethereal ang kakisigan ng lalaking mahal niya.Muli ay napadako ang tingin niya sa labi nito. Kumulo naman ang dugo niya nang maalala ang eksena kanina. Kaya kumuha siya ng wet wipes at pinahiran ang labi nito."H-Hey."Napadilat na ng mga mata si Andro at tiningnan siya. Pinipigilan na rin nito ang mga braso niya pero hindi siya nagpatinag. Kailangang mawala ang germs na nasa labi nito dala ng pakikipagpalitan nito ng la

    Last Updated : 2021-05-12
  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 03

    Naalimpungatan si Andro at nagising dahil medyo masakit na ang sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Bakit nga ba nakalimutan niyang ibaba ang kurtina? Or better yet, papalitan na lang kaya niya ang glass window ng condo niya? Natutuwa siya sa glass window na 'yon dahil tanaw niya ang metro, at talagang maganda ang view dahil sa city lights 'pag gabi.Pero nakakainis dahil tagusan ang sinag ng araw sa bintanang 'yon. Right. Tatawagan niya na lang si Flint o kaya si David mamaya at magtatanong kung may kilala silang arkitekto para mapalitan na ang istorbong bintanang panira ng tulog niya.Alam niyang kahit na inaantok pa siya ay hindi na siya makakatulog pa, kaya bumangon na siya para maghilamos. Bago pa man siya makapunta ng banyo ay narinig niyang may kumatok sa pinto ng unit niya. Napakunot ang noo niya dahil bukod pala sa istorbong bintana ay mayroon ding istorbong taong dumalaw sa kaniya ngayon. Sin

    Last Updated : 2021-05-12
  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 04

    "Hello, my love! Good morning!”Napakunot ang noo ni Andro nang dahil sa lakas ng boses ng babaeng kaharap niya. Nasa loob sila ng penthouse niya, at hindi sila katulad ng iniisip niyo. Sinundo siya ni Adrienne dahil ngayong araw sila pupunta sa kung saan man siya dadalhin ng babaeng ito."Keep it low, Adrienne. You talk as if hindi kita maririnig."Hindi siya inintindi ng dalaga at tinulungan na lang siya nitong isara ang zipper ng duffel bag niya. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ito dahil nababahala siya sa nakikita niya sa peripheral vision niya. Ngiting-ngiti ito at napapa-huni pa ng isang makalumang kanta."Didn't know you are a fan of old songs."Mukhang hindi pa na-gets agad ng dalaga ang sinabi niya, kaya saglit na napakunot ang noo nito. Pero mayamaya ay napa-snap pa ito ng daliri sa hangin at nginitian siya nang malapad. Seriously, hindi maintindihan ni Andro ang mga katulad ni Adrienne na morning person. Ano'ng masaya sa umaga? Hind

    Last Updated : 2021-05-29
  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 05

    "Yay! Finally setting foot on my beloved place again!"Isinuot ni Rienne ang shades niya. Nilingon niya si Andro na ngayon ay nakakunot ang noo. Nakatulog kasi ito sa eroplano at kagigising lang, kaya malamang ay grumpy na naman ito."Hey, my love! Picture tayo."Hindi niya na hinintay ang pagsang-ayon ni Andro. Kinuha niya na ang smartphone at lumingkis sa braso nito. Naka-anim na shots sila at pare-pareho lang ang itsura ni Andro. Nakasimangot lang ito. Pero okay lang. Hindi naman nakabawas iyon sa kaguwapuhan nito.Habang naglalakad ay ipinost na ni Rienne ang mga photo nila ni Andro. Wala pang isang minuto ay nagkaroon na agad ito ng sandamakmak na likes at comments. Siya pa ba? E siya nga ang ever so gorgeous na si Rienne, dagdag pang abot hanggang outer space ang kaguwapuhan ng kasama niya. Mukha ngang hango sa magazine ang mga picture nila e. Partida, no filter ang mga 'yon.Nag-browse siya ng comments at mangilan-ngilang "bagay kayo" o "you

    Last Updated : 2021-05-29
  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 06

    Nagising si Rienne dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Nang tumingin siya sa kisame ng kuwartong 'yon, hindi niya mapigilang mapangiti. Ang ganda kasi ng panaginip niya. Nasa ulap daw siya at may pakpak. In short, isa siyang angel sa panaginip niya. An ever so gorgeous angel...Naputol ang pag-iisip niya sa panaginip niya nang bahagyang gumalaw ang katabi niya. Oo nga pala! Kaya maganda ang panaginip niya kagabi ay dahil katabi niya ang lalaking mahal niya. Wala silang ginawa. Natulog lang talaga. Hindi siya mapansamantala, 'no!Humarap siya kay Andro na ngayon ay nakadapa paharap sa kaniya. Tulog pa rin ito, pero alam ni Rienne na anytime ay magigising na rin ito dahil sa sinag ng araw. Wala siyang balak ibaba ang kurtina dahil 'pag ginawa niya 'yon, baka mamayang hapon pa gumising ang isang 'to. Sayang naman ang pangalawang araw kung magtutulog lang ito, aba!Pinagmasdan niya ang nakapikit na si Andro. Hindi niya mapigilang mapangiti. Ang guwapo-

    Last Updated : 2021-05-29
  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 07

    "Hay naku. Dios mio!"Napatingin si Andro kay Nanay Linang ngayon ay napaupo habang nakahawak sa sentido. "Ano ho ang problema? May masakit po ba sa inyo?" Tiningnan siya ng matanda sa mata. Mayroong nakitang kislap ng emosyon si Andro sa mga mata nito, pero hindi niya alam kung ano at para saan iyon. Imbes na sagutin ang tanong niya, tinitigan siya ng matandang parang pinag-aaralan ang itsura niya. Parang siya lang. Nakikita niya ang sarili niya rito 'pag inoobserbahan niya si Adrienne. "Hijo, ikaw ba ay may ibang iniibig? May kasintahan ka ba sa siyudad o babaeng tinitibok ng iyong puso?" Napakunot ang noo ni Andro sa tanong ng matanda. Bakit siya tinatanong nito ng gano'n? Irereto ba nito siya sa alaga nitong si Adrienne? "Wala po, Nanay Lina." Iniabot ng matanda sa kaniya ang sinangag kaya nagsandok na siya noon. Pagkatapos ay kumuha na rin siya ng tocino. Nang maa

    Last Updated : 2021-05-29
  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 08

    Kakatapos lang maligo ni Andro at tatanungin niya dapat si Adrienne kung saan siya puwedeng mamasyal nang maabutan niya ang babaeng abalang-abala sa kusina. Nagluluto kaya ulit ito ng tocino?“Ano ang ginagawa mo?”Saglit lang siyang tinapunan ng tingin ni Adrienne, at pagkatapos ay ibinalik na ulit nito ang atensyon sa ginagawa.“Carrot cake for someone special.”Natigilan si Andro dahil doon. Lumapit siya kay Adrienne at hindi makapaniwalang tiningnan ito. Seriously, is she trying to kill him?“Adrienne, I am sure na alam mong allergic ako sa carrots. Are you trying to kill me with that carrot cake?”Adrienne has this amused look sa mukha niya nang tingnan siya nito. Base sa reaksyon nito, parang iniisip nitong ano ang nangyayari at pinagsasasabi niya. After a few seconds, mukhang natauhan naman ito. She bit her lip para pigilan ang . . .pagtawa? Seriously? Nagagawa niya pang matu

    Last Updated : 2021-06-12
  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 09

    “My Eya! I miss you, baby!”Hindi maipaliwanag ni Rienne ang saya niya nang makita ang kaisa-isang anak na babaeng si Eya. Niyakap niya ang bata nang mahigpit, at naramdaman niya na lang ding medyo nababasa ang manggas ng suot niyang T-shirt. Nang silipin niya ang mukha ng anak, nakita niyang umiiyak ito, kaya maski siya ay medyo naiiyak na rin.“Why are you crying, my baby E?”Narinig niyang suminghot-singhot pa ang anak niya. Nang tanggalin nito ang brasong tumatakip sa mukha nito, nakita niyang namumula-mula ang mga mata nito at ma-pink din ang mga pisngi. Kahit umiiyak ang anak niya, ang ganda-ganda pa rin nito. Manang-mana talaga sa mommy niyang si ever so gorgeous Rienne.“I just miss you, mommy R.”Adrienne can’t help but smile with what her daughter said. Na-miss niya rin kasi ito. Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nang huli silang magkita.“Ayan, hija. Mula

    Last Updated : 2021-06-12

Latest chapter

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 05

    He knew he vowed to take care of Adrienne not only because she is his late best friend's little sister, but also because he wanted to do so.But lately, she is getting on his nerves.Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Basta na lang nagising siya isang araw na nag-iba na ang turing sa kaniya ni Adrienne. And he is not dumb to know what her stares mean.Why wouldn't he? That was how he looked at her, too... some time before."Adrienne, will you stop clinging on to me, please? Harleen might see us anytime," Andro said while trying to yank her arm away from him.Pero syempre, hindi nagpatinag si Adrienne at parang walang narinig. Si Aveline naman na pinsan niya at bestfriend ni Adrienne ay napasimangot at napairap nang banggitin niya ang pangalan ng girlfriend niya."Kadiri, Kuya Andro. Bakit mo ba pinatulan ang Harleen na iyon? Hindi hamak namang mas saksakan ng ganda ang best friend ko at mas bagay kayo," sabi ni Av

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 04

    "Adrienne, you can't starve yourself. Here." Inabot ni Andro kay Adrienne ang isang box ng brownies. Alam kasi niyang paborito nito iyon dahil iyon ang lagi nitong pinapabili dati sa kuya nito. Pero hindi iyon tinanggap ng dalaga kaya napabuntong-hininga si Andro."I'm not hungry.""Says someone who hasn't eaten a decent meal for days. Look." Andro sat in front of her and he lifted her chin using his fingertip. But as expected, Adrienne just avoided his gaze. "Hindi puwedeng hindi ka kumain, Adrienne. Please. Just eat this. Kahit isang piraso lang."He got one brownie and gave it to her. She just looked at it and Andro felt panic rising in him as she started crying again."H-Hey...""Kuya used to buy me a box of brownie every other Sunday."He mentally cursed upon realizing what he had done. Agad na nagpaalam si Andro kay Adrienne para kumuha ng ibang makakain ng dalaga. He shouldn't have expected her to calm down whe

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 03 - Part 02

    Tila nabingi naman siya nang dahil sa sinabi ng Tita Amelia niya."P-Pero po..."Sunud-sunod ang naging pag-iling sa kaniya ng Tita Amelia niya."They did everything, but..." His Tita Amelia then choked on her owm tears. "My son...""I'm sorry, Tita. I'm sorry."Inalalayan niya ang Tita Amelia niyang umupo sa isa sa mga upuan sa lobby. Hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang mga nangyari.How? His bestfriend...he's gone. They were just talking on the phone this morning. Why does this have to happen?Agad na tinuyo ng Tita Amelia niya ang mga luha nito at tumayo."I need to be strong for my Rienne. She is the only one I have now."His Tita Amelia made her way towards where Adrienne is so he just followed her. Sakto namang lumabas ang attending physician ni Adrienne at sinalubong nila ito."H-How's my daughter, Dr. Romulo?""We successfully took out all the glasses which pierced on he

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 03 - Part 01

    "Babe, sunduin mo ako dito sa bahay, please? Mall tayo? May rainy day sale e. At saka kailangan ko nang bumili ng bagong sapatos, babe."Hindi maiwasang mapabuntong-hininga ni Andro pagkabasa sa text ng girlfriend niyang si Elise. He looked out the window and saw that it is still raining hard. Ayaw lumabas ni Andro ng bahay dahil delikado at madulas ang daan.But what can he do? Kung hindi niya pagbibigyan si Elise, siguradong mag-aaway na naman sila. He is already too stressed with his studies and arguing with his girlfriend will just add up to his worries. Kaya labag man sa kalooban niya, pagbibigyan niya na lang ito, kahit pa parang ginagawa na lang siya nitong ATM machine na puwedeng pag-withdraw-han ng pera anumang oras nitong gustuhin.He got up and wore his jacket. He made no move to wear fancy clothes because they are only heading to the mall and besides, it is raining really hard. Nang kukunin niya na ang susi sa desk niya ay may nahagip ang mata

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 02

    "Sumabay ka na kaya sa amin? Malapit nang mag-6 pm o. Ipapahatid ka muna namin sa inyo, Andro."Napatingin si Andro kay Adrian nang sabihin nito iyon. Tumingin din siya sa labas ng classroom nila at nakita niya ngang kahit hindi pa gabi ay madilim na ang langit. Currently, it is raining cats and dogs and ten minutes ago, their family driver informed him that their car's engine failed. Kaya raw baka ma-late na ito sa pagsundo sa kaniya.He looked at his wristwatch and saw that it is five to six. Bumuntong-hininga siya at isinukbit na ang bag niya."Okay. Sorry for the hassle, man. Malayo pa naman ang bahay namin sa inyo.""Not a problem at all. Tara na."Naglakad na sila papuntang gate ng school. Sobrang lakas pa rin talaga ng ulan. Bago niya makalimutan, tinawagan niya na muna ang driver nila at sinabi niya na lang na ihahatid na siya nina Adrian.When he got inside the car, he saw Adrienne who was busy with something on her phone.&nbs

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 01 - Part 02

    Hindi mahirap hanapin ang kuwartong iyon dahil iyon lang ang tanging pinto na kulay pink. Napangiti at napailing pa siya nang makitang may nakapaskil na 'keep out of Adrienne's room' na yari sa pinunit na pad paper at medyo magulo ang pagkakasulat.Bahagyang nakabukas ang pinto pero kumatok pa rin siya."Hello? Adrienne?"Walang sumagot kaya napagdesisyunan niya nang buksan ang pinto nang tuluyan para makapasok. He is welcomed by a really girly room. All the stuff in there were pink or purple in color. Talagang babaeng-babae.Nilibot niya ang paningin at sa isang sulok ay nakita niya ang isang batang babae. Nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha nito. Andro went near her and saw that she is playing with girly stuff like makeup, bags, and shoes. Laruan ang mga iyon."Hey, Adrienne. Pinatawag ka sa akin ng mommy mo. Kakain na raw tayo sa baba."She didn't even look at him and just continued playing with her toys. Sasabihin niya

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 01 - Part 01

    "Do we really have to go there, Mom?" Hindi mapigilang mainis ni Andro nang sabihin sa kaniya ng mommy niyang pupunta raw sila sa bahay ng kaibigan nito. Nanonood siya ng paborito niyang anime at ayaw niya talagang lumabas ngayong araw na `to. Mas lalong ayaw niyang sumama dahil ang pupuntahan nila ay ang bestfriend ng Mommy niya, ang Tita Amelia niya. Siguradong aabutin na naman ng oras-oras bago matapos ang kuwentuhan ng mga ito. Whenever Tita Amelia visits their house, she and his mom could actually talk to each other for several hours, non-stop. At talagang minsan ay inaabot na ito ng gabi. Kaya nga kinakabahan siya ngayong pupunta sila sa bahay ng mga ito. How many hours would it take his mom and his Tita Amelia as they catch up with each other? "Mom, can't I just stay here? Kahit ito na lang po ang gift niyo sa akin. Please?" Andro said in his unusually sweet voice. Saglit lang siyang tinapunan ng tingin ng mommy niya at bumalik na ito sa

  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 38

    "Happy 70th anniversary, my eternal sunshine."Andro buried his face in his hands and wept like how he did these past few days. Limang araw na ang nakalipas mula nang bawiin sa kaniya ang asawa. Limang araw na rin siyang parang unti-unting pinapatay. Mula nang mawala sa kaniya si Adrienne, wala na siyang ibang ginawa kundi matulog, umiyak, at pagmasdan ang mga larawan nitong naipon sa dark room niya.Iyong mga video at picture na lang ni Adrienne ang tinitingnan niya araw-araw. Kung wala ang mga 'yon, baka hindi niya na gustuhing magising pa siya. Sa totoo lang, ayaw niya rin naman talagang magising sa araw-araw. Ang kaso, lagi niyang pinapaalala sa sarili niyang may responsibilidad pa siya bilang ama ni Soleia. Ang anak nila ni Adrienne ang ginagawa niyang motivation para sa araw-araw. Sa kaniya ito binilin ng asawa. Kaya hindi dapat siya magpadala sa lungkot.Pero talagang sa mga panahon ngayon ay sobrang sakit pa rin ng nangyari. Sariw

  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 37

    Bumuntong-hininga si Andro at lumunok. He wanted to cry at this very moment. But no. He has to reign himself. Hindi siya puwedeng mag-breakdown sa ngayon. He still needs to tell that beautiful story to her."So iyon nga. Alam ng binatang nagluluksa ang batang babae, kaya sinamahan niya ito. Hindi niya ito iniwan. Inalagaan niya ito at sinamahan hindi lang dahil sa parang naging responsibilidad niya na rin ito. He stayed with her because he wanted to do so. Hanggang sa isang araw, naramdaman niyang may nag-iba na sa pakikitungo noong babae sa kaniya."He paused for a while as he reminisced that moment."Hindi siya manhid para hindi malamang nagkakagusto na sa kaniya ang babae."Napangiti siya pagkabanggit noon. Hindi niya rin maiwasang mas bumilis ang tibok ng puso niya habang ikinukuwento ang bagay na iyon sa asawa niya."Masayang-masaya ang binata. Kaso, natakot siyang baka kaya ganoon ang pakikitungo sa kaniya noong babae ay dahil nakikita

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status