Share

Goodbye 04

Penulis: Yashaya Lee
last update Terakhir Diperbarui: 2021-05-29 10:46:42

"Hello, my love! Good morning!”

Napakunot ang noo ni Andro nang dahil sa lakas ng boses ng babaeng kaharap niya. Nasa loob sila ng penthouse niya, at hindi sila katulad ng iniisip niyo. Sinundo siya ni Adrienne dahil ngayong araw sila pupunta sa kung saan man siya dadalhin ng babaeng ito.

"Keep it low, Adrienne. You talk as if hindi kita maririnig."

Hindi siya inintindi ng dalaga at tinulungan na lang siya nitong isara ang zipper ng duffel bag niya. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ito dahil nababahala siya sa nakikita niya sa peripheral vision niya. Ngiting-ngiti ito at napapa-huni pa ng isang makalumang kanta.

"Didn't know you are a fan of old songs."

Mukhang hindi pa na-gets agad ng dalaga ang sinabi niya, kaya saglit na napakunot ang noo nito. Pero mayamaya ay napa-snap pa ito ng daliri sa hangin at nginitian siya nang malapad. Seriously, hindi maintindihan ni Andro ang mga katulad ni Adrienne na morning person. Ano'ng masaya sa umaga? Hindi hamak na mas masarap matulog.

"Yes. At saktong-sakto kaya 'yung kanta sa sitwasyon natin."

Tumayo ang dalaga at pumunta sa may pinto ng unit niya. Kahit na nababagot dahil hindi niya alam ang trip ng dalaga ay sinundan niya na lang ito ng tingin. Nag-lean ang babae sa nakabukas niyang pinto at isinukbit ang mamahalin nitong bag na katulad ng mga nakikita niya sa mommy niya. Mayamaya pa ay tumikhim ito at sinabing makinig siya. Napakunot ang noo ni Andro habang naghihintay sa kung ano ang gagawin ng babaeng ito at nakaporma pa itong parang nasa isang photoshoot.

"All my bags are packed. I'm ready to go. I'm standing here outside your door."

Lihim na napahanga si Andro dahil maganda ang boses ni Adrienne. Pero umakto siyang parang tinatamad at kinuha na lang ang mga bag niya para makaalis na sila. Kung anu-ano kasi ang trip ng babaeng ito kaya mas okay kung umalis na lang sila agad.

"Hey, ang ganda ng boses ko, 'di ba? Don't worry. Ikaw lang ang kakantahin ko. At saka sabi sa 'yo e. Sakto 'yong lyrics sa sitwasyon natin ngayon."

Hindi na siya sumagot pa sa sinabi ng dalaga at kinuha na lang ang mga bag niya. Nagpupumilit pa ang babaeng kunin ang duffel bag niya pero hindi siya pumayag. Kaya niya naman, at isa pa, kahit na madalas siyang mairita rito dahil kung umakto ito ay parang sila, babae pa rin si Adrienne, at hindi magandang pagbitbitin ito ng bag niya.

Pero talagang matigas ang ulo ng dalaga. Kaya sa huli, 'yong maliit na bag niya na lang ang ipinabitbit niya rito. Magaan lang naman 'yon kaya okay lang. Para na rin matahimik ang babaeng kasama niya.

Pagsakay nila ng elevator, saktong may nakasakay palang isang babaeng halos ka-edaran rin nila ni Adrienne. Hindi niya ito inintindi pero naramdaman na lang ni Andro na lumingkis sa braso niya si Adrienne. Naamoy niya tuloy ang pabango nito.

"Huwag mong titigan nang ganiyan ang mahal ko, miss. Para kang bulateng nilagyan ng asin diyan sa kakasulyap mo sa mahal ko."

Narinig ni Andro na humingi ng tawad ang babae at lumabas ito ng elevator nang nasa third floor na sila. Nang maiwan na silang dalawa sa elevator ay bumitaw at lumayo na si Adrienne sa kaniya, kaya sinulyapan niya ito. Nakita niyang nakakunot ang noo nito at nakayukom pa ang mga kamao.

"Sorry, can't help it, Andro. Bakit ba kasi ang guwapo mo?"

Napailing na lang siya sa inaakto ng dalaga. Mahigit isang dekada nang ganito si Adrienne lalo na 'pag may nag-aaproach sa kaniyang babae. Kaya sanay na sanay na siya. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi niya na magawang mainis dito.

Paglabas nila ng building ay sinalubong sila agad ng driver ng dalaga. Nilagay niya na ang mga bag sa compartment, at hindi pa rin kumikibo ang dalaga kahit na umandar na ang kotse patungong airport. Palihim niya na lang itong inoobserbahan dahil mukhang malalim talaga ang iniisip ng dalaga.

"Any problem?"

Nakita niya sa gilid ng kaliwang mata niyang sinulyapan siya ni Adrienne, pero agad din itong yumuko at nagpakawala ng malalim na hininga.

"Naisip ko lang, dapat ay bawasan ko na rin ang ganoong tendencies ko. Don't worry. Babawasan ko na ang pagiging selosa at warfreak. Pero Andro, puwede bang sa loob ng 50 days ay ako lang? Huwag ka munang tumingin sa ibang babae. Please. Just for 50 days."

Humarap na siya sa dalaga at napansin niya ang kaseryosohan ng mga mata nito. It seems like the woman in front of him has got a lot on her mind, at talagang parang nagmamakaawa itong pagbigyan niya. The bratty Adrienne that he knew all these years doesn't plead 'cause she gets everything that she wanted in a snap. Pero patay na patay ba talaga sa kaniya ang isang 'to kaya nagmamakaawa ito ngayon?

Sa huli ay wala na siyang nagawa kung hindi tumango rito. At pagkatango niya, parang isang magic na lumiwanag ang mukha nito. Napailing na lang siya dahil para itong fangirl na napagbigyan ng idol niya.

Sa totoo lang ay kahit naman hindi hilingin ni Adrienne 'yon, wala naman talaga siyang balak na maghanap ng babae sa loob ng 50 araw. Sumama siya rito dahil gusto niyang mag-relax. Hindi rin naman siya hayok sa mga babae. Gusto niya ring magpahinga muna sa mga nakagawian niya dahil ngayon na lang naman siya ulit makakapagbakasyon nang ganito. Puro kasi siya trabaho at bar noong nasa America siya. Kaya ngayon na lang ulit niya mararanasang lumayo sa kabihasnan at mag-unwind sa isang magandang isla. Ipinakita kasi sa kaniya ni Adrienne ang mga picture ng islang pagmamay-ari nito kaya alam niyang maganda ang pupuntahan nila.

"I haven't had enough sleep 'cause you barged into my penthouse too early, kaya matutulog muna ako. Gisingin mo na lang ako kapag nasa airport na tayo."

Tumango na lang si Adrienne at iniabot sa kaniya ang isang neck pillow. Tinanggap niya na lang 'yon at pumikit na. Inaantok pa rin siya pero hindi niya magawang makatulog dahil bukod sa hirap siyang matulog 'pag umaga ay tumatagos na naman nang bahagya ang istorbong araw sa bintana ng sasakyan nila. Pero nanatili siyang nakapikit para kahit paano ay mapahinga ang mga mata niya.

Narinig ni Androng may binulong si Adrienne sa driver, at naramdaman niya na lang ding huminto ang sasakyan. Nasa airport na ba sila? Ang bilis naman yata?

Dumilat siya at nakita niyang tatapikin dapat siya sa braso ni Adrienne. Ngumiti ito sa kaniya at sinabihan siyang bumaba.

"Palit tayo ng puwesto."

Hindi alam ni Andro kung ano ang trip ng babaeng kasama niya pero sinunod niya na lang din ito. Kanina ay nasa kanan siya, pero ngayon ay nasa kaliwa na siya ng sasakyan dahil nga nagpalit sila ni Adrienne. Umandar nang muli ang kotse at nakatingin lang siya ngayon kay Adrienne na busy sa cellphone nito. Naramdaman yata nito ang pagtitig niya kaya napatingin ito sa kaniya.

"Tulog ka na. I know you can't sleep dahil sa sunlight kanina."

Iyon lang ang sinabi nito sa kaniya at bumalik na ito sa ginagawa sa cellphone. Siya naman ay napailing na lang. Nakipagpalit pala ito ng puwesto para sa kaniya, kaya napangiti siya nang bahagya dahil doon.

Pumikit na lang siya ulit at ipinahinga ang mga mata. Hindi niya naman mapigilang mag-isip sa kung ano talaga ang agenda ng babaeng ito sa bakasyon nilang ito. He made a mental note to be always alert and prepared. Anong malay niya kung pipikutin pala siya nito? Baka mamaya, ganoon ang plano ng dalaga sa kaniya para mapilitan silang magsama. Pero kung ganoon ang plano nito, sisiguraduhin niyang hindi ito magtatagumpay.

Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang huminto ang sasakyan. Tinapik siya ni Adrienne at sinabing nasa airport na sila. Bumaba na sila ng sasakyan at pumasok na sa airport.

Inaya siya ni Adrienne na mag-almusal muna sa isang coffee shop. Mukhang naramdaman ng dalagang aalma siya, kaya nagsalita ito.

"Huwag ka nang humindi. I would bet my precious bag na hindi ka pa nag-aalmusal."

Pinagmasdan ni Andro si Adrienne, at nakita niyang hinawak-hawakan pa nito ang bag nitong parang ang bag na iyon ang pinakaimportante para rito.

"You look crazy. You treat that leather thing as if it's your most precious possession. That's just a bag."

Nakita niya kung paanong humarap sa kaniya si Adrienne habang bahagyang nanlaki pa ang mga mata nitong parang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"It's not just a bag. It's Prada."

Napailing na lang si Andro dahil sa sinabi nito. Minsan talaga ay hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang babaeng kasama niya. Pumasok na siya sa coffee shop at pumila para maka-order na sila. Naramdaman niya namang tumabi sa kaniya si Adrienne at tatanungin na sana niya kung ano ang order nito nang maunahan siya nitong magsalita.

"Hindi mo man lang ba tatanungin kung saang movie 'yon? Sa 'White Chicks' 'yon! 'Yong paulit-ulit naming pinapanood ni Aveline."

Napabuntong-hininga na lang siya. This woman and her obsession with movie lines, seriously. Tinanong niya na lang kung ano ang order nito at nang masabi na ni Adrienne kung ano ang gusto nito, sinabihan niya na lang itong maghanap na lang ng mauupuan nila.

Nang maibigay na sa kaniya ang order nila ay agad niya nang hinanap kung saan umupo si Adrienne, at hindi naman siya nahirapang hanapin ito dahil kinakawayan siya nito.

Inilapag niya na sa harap nito ang orders nila at nakita niya namang pumikit pa ito para amuyin ang mga order nila. Nakangiti rin si Adrienne. At napapailing na lang si Andro dahil kung umakto ang babae ay parang nasa commercial ito.

"Thanks, my love!"

Ngumiti ito nang malapad sa kaniya at nakita niya sa mga mata nito ang kasiyahan. Kahit ayaw niya sa babaeng ito, hindi niya pa rin mapigilang mamangha dahil maraming beses niya nang nakita ang hint of happiness sa mga mata nito dahil sa mga simpleng bagay na ginagawa niya. Hindi niya nga alam kung bakit ganito na lang itong kasaya e hindi naman big deal ang mga ginagawa niya.

"OMG! Siya 'yong anak ng governor, hindi ba? Ang guwapo! Kinikilig ako!"

Narinig ni Andro ang mga bulungan ng mga babae sa kabilang table nila at hindi niya mapigilang kumunot ang noo niya. Naiirita pa rin siya sa mga ganitong atensyong nakukuha niya. Kumain na lang siya at hindi na ito inintindi. Pero napaangat siya nang tingin nang padabog na binaba ni Adrienne ang hawak nitong tinidor, at nahuli niyang inirapan nito ang mga babae sa kabilang table.

Pinagmasdan niya kung paanong namula nang bahagya ang mga pisngi nito hindi dahil sa kilig, ngunit dahil sa galit. Lagi kasi itong ganito 'pag naririnig na may mga babaeng kinikilig sa kaniya.

Naramdaman yata ni Adrienne na nakatingin siya rito kaya tumingin din ito sa kaniya. Agad nawala ang kunot sa noo nito at binigyan siya ng tipid na ngiti.

"Sorry. I should really get hold of my emotions. Hindi tamang lagi akong nagseselos sa mga babaeng humahanga sa iyo kasi after all, we are on the same boat. My only advantage is kilala kita."

Iyon lang ang sinabi nito at itinuon na ang pansin sa pagkain. Mukhang determinado ngang magbago ng isang 'to dahil usually ay pagbabawalan nito ang mga babaeng humahanga kay Andro katulad nang nasa elevator sila kanina. The fact that she didn't say anything must be her way of finally controlling her jealousy.

"Nga pala, don't get me wrong. Sasama ako sa 'yo para magbakasyon and to get rid of you after 50 days, okay? Ayaw ko lang na bigyan ka ng false hope. You might end up hurting. I just want to clear things out."

Tiningnan siya ni Rienne nang mata sa mata, at kung kanina ay kasiyahan ang nakita niya roon, ngayon naman ay kakikitaan ito ng faint hint of sadness.

"I know. 'Yon naman ang purpose ko, 'di ba? To finally say goodbye to you after 50 days. At don't worry. The moment I told you about this crazy condition, I decided to let go of the hope that you and I will end up together. Tanggap ko na, Andro. You don't have to worry about me getting hurt. Mas masasaktan ako if I won't be able to say goodbye to you this way."

Muli ay nginitian siya nito, pero hindi umabot iyon sa mga mata. Alam niyang ngayon pa lang ay nasasaktan niya na ang dalaga, at hindi mapigilan ni Androng malungkot din dahil doon. May puso naman siya, at isa sa ayaw niya ay ang saktan ang isang taong wala namang ginagawa sa kaniya. She seemed obsessed and territorial. But the woman in front of him did countless things for his sake.

"But why give up now, Adrienne? Aaminin ko, I am still suspicious as to why you are doing this. Hindi mo ako masisisi if I am thinking that you have a hidden agenda behind this vacation."

Napatingin ang dalaga sa cleft chin niya, at alam niya ang ibig sabihin noon. She is sad because of something.

"Like I said, I am sick of following you around. That's the reason. Now, kumain na lang tayo so we can take off."

She scratched her right ear and that added up to his suspicions. Adrienne is hiding something. She bargained this vacation not just because of the sole reason that she is already tired of loving him. There is something else. And he mentally noted that he'll find out her real reason.

Don't get him wrong. Hindi sa ayaw niyang lubayan siya nito. He just loves mysteries and obviously, there is a mystery behind this sudden 50-day vacation proposal of Adrienne. Yes. Iyon lang ang rason niya, at wala nang iba pa. At gagawin niya ang lahat para malaman ang dahilan ng dalaga sa lahat ng 'to.

Bab terkait

  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 05

    "Yay! Finally setting foot on my beloved place again!"Isinuot ni Rienne ang shades niya. Nilingon niya si Andro na ngayon ay nakakunot ang noo. Nakatulog kasi ito sa eroplano at kagigising lang, kaya malamang ay grumpy na naman ito."Hey, my love! Picture tayo."Hindi niya na hinintay ang pagsang-ayon ni Andro. Kinuha niya na ang smartphone at lumingkis sa braso nito. Naka-anim na shots sila at pare-pareho lang ang itsura ni Andro. Nakasimangot lang ito. Pero okay lang. Hindi naman nakabawas iyon sa kaguwapuhan nito.Habang naglalakad ay ipinost na ni Rienne ang mga photo nila ni Andro. Wala pang isang minuto ay nagkaroon na agad ito ng sandamakmak na likes at comments. Siya pa ba? E siya nga ang ever so gorgeous na si Rienne, dagdag pang abot hanggang outer space ang kaguwapuhan ng kasama niya. Mukha ngang hango sa magazine ang mga picture nila e. Partida, no filter ang mga 'yon.Nag-browse siya ng comments at mangilan-ngilang "bagay kayo" o "you

    Terakhir Diperbarui : 2021-05-29
  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 06

    Nagising si Rienne dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Nang tumingin siya sa kisame ng kuwartong 'yon, hindi niya mapigilang mapangiti. Ang ganda kasi ng panaginip niya. Nasa ulap daw siya at may pakpak. In short, isa siyang angel sa panaginip niya. An ever so gorgeous angel...Naputol ang pag-iisip niya sa panaginip niya nang bahagyang gumalaw ang katabi niya. Oo nga pala! Kaya maganda ang panaginip niya kagabi ay dahil katabi niya ang lalaking mahal niya. Wala silang ginawa. Natulog lang talaga. Hindi siya mapansamantala, 'no!Humarap siya kay Andro na ngayon ay nakadapa paharap sa kaniya. Tulog pa rin ito, pero alam ni Rienne na anytime ay magigising na rin ito dahil sa sinag ng araw. Wala siyang balak ibaba ang kurtina dahil 'pag ginawa niya 'yon, baka mamayang hapon pa gumising ang isang 'to. Sayang naman ang pangalawang araw kung magtutulog lang ito, aba!Pinagmasdan niya ang nakapikit na si Andro. Hindi niya mapigilang mapangiti. Ang guwapo-

    Terakhir Diperbarui : 2021-05-29
  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 07

    "Hay naku. Dios mio!"Napatingin si Andro kay Nanay Linang ngayon ay napaupo habang nakahawak sa sentido. "Ano ho ang problema? May masakit po ba sa inyo?" Tiningnan siya ng matanda sa mata. Mayroong nakitang kislap ng emosyon si Andro sa mga mata nito, pero hindi niya alam kung ano at para saan iyon. Imbes na sagutin ang tanong niya, tinitigan siya ng matandang parang pinag-aaralan ang itsura niya. Parang siya lang. Nakikita niya ang sarili niya rito 'pag inoobserbahan niya si Adrienne. "Hijo, ikaw ba ay may ibang iniibig? May kasintahan ka ba sa siyudad o babaeng tinitibok ng iyong puso?" Napakunot ang noo ni Andro sa tanong ng matanda. Bakit siya tinatanong nito ng gano'n? Irereto ba nito siya sa alaga nitong si Adrienne? "Wala po, Nanay Lina." Iniabot ng matanda sa kaniya ang sinangag kaya nagsandok na siya noon. Pagkatapos ay kumuha na rin siya ng tocino. Nang maa

    Terakhir Diperbarui : 2021-05-29
  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 08

    Kakatapos lang maligo ni Andro at tatanungin niya dapat si Adrienne kung saan siya puwedeng mamasyal nang maabutan niya ang babaeng abalang-abala sa kusina. Nagluluto kaya ulit ito ng tocino?“Ano ang ginagawa mo?”Saglit lang siyang tinapunan ng tingin ni Adrienne, at pagkatapos ay ibinalik na ulit nito ang atensyon sa ginagawa.“Carrot cake for someone special.”Natigilan si Andro dahil doon. Lumapit siya kay Adrienne at hindi makapaniwalang tiningnan ito. Seriously, is she trying to kill him?“Adrienne, I am sure na alam mong allergic ako sa carrots. Are you trying to kill me with that carrot cake?”Adrienne has this amused look sa mukha niya nang tingnan siya nito. Base sa reaksyon nito, parang iniisip nitong ano ang nangyayari at pinagsasasabi niya. After a few seconds, mukhang natauhan naman ito. She bit her lip para pigilan ang . . .pagtawa? Seriously? Nagagawa niya pang matu

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-12
  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 09

    “My Eya! I miss you, baby!”Hindi maipaliwanag ni Rienne ang saya niya nang makita ang kaisa-isang anak na babaeng si Eya. Niyakap niya ang bata nang mahigpit, at naramdaman niya na lang ding medyo nababasa ang manggas ng suot niyang T-shirt. Nang silipin niya ang mukha ng anak, nakita niyang umiiyak ito, kaya maski siya ay medyo naiiyak na rin.“Why are you crying, my baby E?”Narinig niyang suminghot-singhot pa ang anak niya. Nang tanggalin nito ang brasong tumatakip sa mukha nito, nakita niyang namumula-mula ang mga mata nito at ma-pink din ang mga pisngi. Kahit umiiyak ang anak niya, ang ganda-ganda pa rin nito. Manang-mana talaga sa mommy niyang si ever so gorgeous Rienne.“I just miss you, mommy R.”Adrienne can’t help but smile with what her daughter said. Na-miss niya rin kasi ito. Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nang huli silang magkita.“Ayan, hija. Mula

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-12
  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 10

    "Daddy A! Pasan mo po 'ko!"Napangiti na lang si Rienne nang marinig ang sinabi ng anak kay Andro. Natutuwa siyang nagkakasundo na ang dalawa. Dalawang linggo na mula nang tuluyang pumayag si Androng maging father figure ni Eya at pansin ni Rienne ang sayang dulot noon sa anak niya."Sure, baby E!"Araw-araw, halos ganito ang eksena nila. Minsan nga ay medyo nagtatampo na si Rienne dahil parang mas close na ang dalawa. Pero isinasantabi niya 'yon. Gustuhin man niya kasing pasanin si Eya gaya ng gusto nito ay hindi niya na kaya. Kaya hinahayaan niya na lang ang mag-ama niya.Mag-ama. Ang sarap pala sa feeling na tawaging gano'n sina Andro at Eya."Mommy R! Come on!"She went to Eya at pinahiran ito ng sun screen. Magbababad kasi sila sa ilalim ng araw kaya kailangan nito. Harmful na rin kasi ang sinag ng araw sa ganitong oras. Mas okay nang protektado kaysa magsisi sa huli. Ang hirap kayang magkasakit."'Yan

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-12
  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 11

    "Hindi ko alam Aveline. Hindi pa siya nagigising."Lumapit si Andro sa kamang hinihigaan ni Adrienne at inalis ang ilang hibla ng buhok sa mukha nito. Nang makita niya sa malapitan ang maputlang mukha nito, hindi niya pa rin mapigilang mag-alala."Sige sige, Kuya. Papunta na ako. Siguro bago mag-gabi, nakarating na 'ko diyan. Alagaan mo si Ri, ha. 'Wag mo 'yang iwanan. Tatamaan ka sa akin kahit mas matanda ka sa akin, kuya. Nakita mo."Napailing na lang si Andro dahil sa sinabi ng pinsang si Aveline. Patuloy pa rin ito sa pagbilin sa kaniya at parang naririnig niya pang nakikipagtalo ito sa kabilang linya."Sa'n ka nga pupunta sabi?"Naupo na lang muna si Andro sa upuan sa tabi ng kama habang nakikinig pa rin sa usapan sa kabilang linya. Don't get him wrong. Hindi siya chismoso. Sadyang may ipapakisuyo lang siya kay Aveline kaya hinihintay niya munang matapos itong makipag-usap sa kabilang linya."'He! 'Wag mo akong k

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-12
  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 12

    Hindi mapakali si Andro habang nasa labas ng kuwarto ni Adrienne. Kanina pa kasi nag-uusap ang dalaga at ang doktor. Hindi niya alam, pero pakiramdam niya ay seryosong-seryoso ang mga pinag-uusapan ng mga ito."Daddy A! Is Mommy R awake?"Napatigil lang siya sa pagbabalik-balik nang lapitan siya ni Soleia na natuyo na ang buhok dahil kanina pa ito nakaligo. See? Ganoong katagal nang nag-uusap ang dalawa sa loob mula nang magising si Adrienne."Yes, baby. But she is still talking to the doctor that's why we can't go in yet."Nakauunawang tumango sa kaniya ang anak. Binuhat niya na lang ito at pumunta sa kusina. Mukhang matagal pa naman ang usapan sa loob kaya papakainin niya muna si Soleia."Kain ka muna ng carrot cake na binake ng mommy mo, ha."Iniupo niya lang ang bata sa upuan sa kusina at ipinaghiwa na ito ng isang slice ng carrot cake. Ipagtitimpla na niya sana ito ng gatas nang sabihin ni Soleiang tubig na lang

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-12

Bab terbaru

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 05

    He knew he vowed to take care of Adrienne not only because she is his late best friend's little sister, but also because he wanted to do so.But lately, she is getting on his nerves.Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Basta na lang nagising siya isang araw na nag-iba na ang turing sa kaniya ni Adrienne. And he is not dumb to know what her stares mean.Why wouldn't he? That was how he looked at her, too... some time before."Adrienne, will you stop clinging on to me, please? Harleen might see us anytime," Andro said while trying to yank her arm away from him.Pero syempre, hindi nagpatinag si Adrienne at parang walang narinig. Si Aveline naman na pinsan niya at bestfriend ni Adrienne ay napasimangot at napairap nang banggitin niya ang pangalan ng girlfriend niya."Kadiri, Kuya Andro. Bakit mo ba pinatulan ang Harleen na iyon? Hindi hamak namang mas saksakan ng ganda ang best friend ko at mas bagay kayo," sabi ni Av

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 04

    "Adrienne, you can't starve yourself. Here." Inabot ni Andro kay Adrienne ang isang box ng brownies. Alam kasi niyang paborito nito iyon dahil iyon ang lagi nitong pinapabili dati sa kuya nito. Pero hindi iyon tinanggap ng dalaga kaya napabuntong-hininga si Andro."I'm not hungry.""Says someone who hasn't eaten a decent meal for days. Look." Andro sat in front of her and he lifted her chin using his fingertip. But as expected, Adrienne just avoided his gaze. "Hindi puwedeng hindi ka kumain, Adrienne. Please. Just eat this. Kahit isang piraso lang."He got one brownie and gave it to her. She just looked at it and Andro felt panic rising in him as she started crying again."H-Hey...""Kuya used to buy me a box of brownie every other Sunday."He mentally cursed upon realizing what he had done. Agad na nagpaalam si Andro kay Adrienne para kumuha ng ibang makakain ng dalaga. He shouldn't have expected her to calm down whe

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 03 - Part 02

    Tila nabingi naman siya nang dahil sa sinabi ng Tita Amelia niya."P-Pero po..."Sunud-sunod ang naging pag-iling sa kaniya ng Tita Amelia niya."They did everything, but..." His Tita Amelia then choked on her owm tears. "My son...""I'm sorry, Tita. I'm sorry."Inalalayan niya ang Tita Amelia niyang umupo sa isa sa mga upuan sa lobby. Hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang mga nangyari.How? His bestfriend...he's gone. They were just talking on the phone this morning. Why does this have to happen?Agad na tinuyo ng Tita Amelia niya ang mga luha nito at tumayo."I need to be strong for my Rienne. She is the only one I have now."His Tita Amelia made her way towards where Adrienne is so he just followed her. Sakto namang lumabas ang attending physician ni Adrienne at sinalubong nila ito."H-How's my daughter, Dr. Romulo?""We successfully took out all the glasses which pierced on he

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 03 - Part 01

    "Babe, sunduin mo ako dito sa bahay, please? Mall tayo? May rainy day sale e. At saka kailangan ko nang bumili ng bagong sapatos, babe."Hindi maiwasang mapabuntong-hininga ni Andro pagkabasa sa text ng girlfriend niyang si Elise. He looked out the window and saw that it is still raining hard. Ayaw lumabas ni Andro ng bahay dahil delikado at madulas ang daan.But what can he do? Kung hindi niya pagbibigyan si Elise, siguradong mag-aaway na naman sila. He is already too stressed with his studies and arguing with his girlfriend will just add up to his worries. Kaya labag man sa kalooban niya, pagbibigyan niya na lang ito, kahit pa parang ginagawa na lang siya nitong ATM machine na puwedeng pag-withdraw-han ng pera anumang oras nitong gustuhin.He got up and wore his jacket. He made no move to wear fancy clothes because they are only heading to the mall and besides, it is raining really hard. Nang kukunin niya na ang susi sa desk niya ay may nahagip ang mata

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 02

    "Sumabay ka na kaya sa amin? Malapit nang mag-6 pm o. Ipapahatid ka muna namin sa inyo, Andro."Napatingin si Andro kay Adrian nang sabihin nito iyon. Tumingin din siya sa labas ng classroom nila at nakita niya ngang kahit hindi pa gabi ay madilim na ang langit. Currently, it is raining cats and dogs and ten minutes ago, their family driver informed him that their car's engine failed. Kaya raw baka ma-late na ito sa pagsundo sa kaniya.He looked at his wristwatch and saw that it is five to six. Bumuntong-hininga siya at isinukbit na ang bag niya."Okay. Sorry for the hassle, man. Malayo pa naman ang bahay namin sa inyo.""Not a problem at all. Tara na."Naglakad na sila papuntang gate ng school. Sobrang lakas pa rin talaga ng ulan. Bago niya makalimutan, tinawagan niya na muna ang driver nila at sinabi niya na lang na ihahatid na siya nina Adrian.When he got inside the car, he saw Adrienne who was busy with something on her phone.&nbs

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 01 - Part 02

    Hindi mahirap hanapin ang kuwartong iyon dahil iyon lang ang tanging pinto na kulay pink. Napangiti at napailing pa siya nang makitang may nakapaskil na 'keep out of Adrienne's room' na yari sa pinunit na pad paper at medyo magulo ang pagkakasulat.Bahagyang nakabukas ang pinto pero kumatok pa rin siya."Hello? Adrienne?"Walang sumagot kaya napagdesisyunan niya nang buksan ang pinto nang tuluyan para makapasok. He is welcomed by a really girly room. All the stuff in there were pink or purple in color. Talagang babaeng-babae.Nilibot niya ang paningin at sa isang sulok ay nakita niya ang isang batang babae. Nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha nito. Andro went near her and saw that she is playing with girly stuff like makeup, bags, and shoes. Laruan ang mga iyon."Hey, Adrienne. Pinatawag ka sa akin ng mommy mo. Kakain na raw tayo sa baba."She didn't even look at him and just continued playing with her toys. Sasabihin niya

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 01 - Part 01

    "Do we really have to go there, Mom?" Hindi mapigilang mainis ni Andro nang sabihin sa kaniya ng mommy niyang pupunta raw sila sa bahay ng kaibigan nito. Nanonood siya ng paborito niyang anime at ayaw niya talagang lumabas ngayong araw na `to. Mas lalong ayaw niyang sumama dahil ang pupuntahan nila ay ang bestfriend ng Mommy niya, ang Tita Amelia niya. Siguradong aabutin na naman ng oras-oras bago matapos ang kuwentuhan ng mga ito. Whenever Tita Amelia visits their house, she and his mom could actually talk to each other for several hours, non-stop. At talagang minsan ay inaabot na ito ng gabi. Kaya nga kinakabahan siya ngayong pupunta sila sa bahay ng mga ito. How many hours would it take his mom and his Tita Amelia as they catch up with each other? "Mom, can't I just stay here? Kahit ito na lang po ang gift niyo sa akin. Please?" Andro said in his unusually sweet voice. Saglit lang siyang tinapunan ng tingin ng mommy niya at bumalik na ito sa

  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 38

    "Happy 70th anniversary, my eternal sunshine."Andro buried his face in his hands and wept like how he did these past few days. Limang araw na ang nakalipas mula nang bawiin sa kaniya ang asawa. Limang araw na rin siyang parang unti-unting pinapatay. Mula nang mawala sa kaniya si Adrienne, wala na siyang ibang ginawa kundi matulog, umiyak, at pagmasdan ang mga larawan nitong naipon sa dark room niya.Iyong mga video at picture na lang ni Adrienne ang tinitingnan niya araw-araw. Kung wala ang mga 'yon, baka hindi niya na gustuhing magising pa siya. Sa totoo lang, ayaw niya rin naman talagang magising sa araw-araw. Ang kaso, lagi niyang pinapaalala sa sarili niyang may responsibilidad pa siya bilang ama ni Soleia. Ang anak nila ni Adrienne ang ginagawa niyang motivation para sa araw-araw. Sa kaniya ito binilin ng asawa. Kaya hindi dapat siya magpadala sa lungkot.Pero talagang sa mga panahon ngayon ay sobrang sakit pa rin ng nangyari. Sariw

  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 37

    Bumuntong-hininga si Andro at lumunok. He wanted to cry at this very moment. But no. He has to reign himself. Hindi siya puwedeng mag-breakdown sa ngayon. He still needs to tell that beautiful story to her."So iyon nga. Alam ng binatang nagluluksa ang batang babae, kaya sinamahan niya ito. Hindi niya ito iniwan. Inalagaan niya ito at sinamahan hindi lang dahil sa parang naging responsibilidad niya na rin ito. He stayed with her because he wanted to do so. Hanggang sa isang araw, naramdaman niyang may nag-iba na sa pakikitungo noong babae sa kaniya."He paused for a while as he reminisced that moment."Hindi siya manhid para hindi malamang nagkakagusto na sa kaniya ang babae."Napangiti siya pagkabanggit noon. Hindi niya rin maiwasang mas bumilis ang tibok ng puso niya habang ikinukuwento ang bagay na iyon sa asawa niya."Masayang-masaya ang binata. Kaso, natakot siyang baka kaya ganoon ang pakikitungo sa kaniya noong babae ay dahil nakikita

DMCA.com Protection Status