The Way She Said Goodbye

The Way She Said Goodbye

last updateLast Updated : 2021-07-26
By:  Yashaya Lee  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
7 ratings. 7 reviews
45Chapters
17.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

"You don't have to love me back. Just be with me for 50 days. After that, I will be gone from your life like I didn't exist at all." *** Adrienne Martinez has been in love with Yvandro Syjuco for God knows how long and she is known for being overly-territorial with him even if he always makes it clear that they are not and will never be an item. But one day, Rienne approaches Andro and tells him this one bizarre thing; she asks him to stay with her in an island for 50 days and promises that after that, she will be gone from his life like she didn't exist at all. He knows she is cunning. But there is something in her eyes that day which tells him that she is sincere. Desperate to free himself from the woman who has been pestering him for a decade, he agrees to her deal. But as he stays with her, he sees a different side of her. Beneath the makeup, designer clothes, and bitchy attitude lies a soft-hearted and fragile Rienne who is almost too good to be true . . . . . . but also too good at goodbyes. *** "You did lots of things to pester me in the past. But out of all the nasty things you did, I hate the way you said goodbye the most."

View More

Latest chapter

Free Preview

Goodbye 01

“Nasa bar na siya ni Kuya David, Ri. Ibakuran mo na ang huklubang iyon. Siguradong pinapaligiran na naman 'yon ng mga palakang kokak."Napatawa nang bahagya si Rienne sa message na natanggap mula sa kaibigang si Aveline. Nai-imagine niya na ang itsura ni Ave sa mga oras na tina-type nito ang mensahe sa kaniya. Siguradong kulang na lang ay umusok ang ilong nito dahil sa pagkairita sa mga babaeng umaaligid sa pinsan nitong si Andro. Mainit talaga ang dugo ng kaibigan niya sa mga umaaligid kay Andro dahil para rito, si Rienne lang daw ang bagay sa pinsan niya. Kaya nga magkasundong-magkasundo sila.Nag-type na lang siya ng message at nagpasalamat kay Ave. Pagkatapos ay tumayo na siya at tumapat sa kama upang mamili na ng isusuot niya ngayong gabi. Una niyang itinaas ang isang red halter dress. Sigurado siyang kung ito ang isusuot niya, mapapansin siya kaagad ng mga tao. Maputi kasi siya at talagang lumulutang ang kaputian niya kapag naka-

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
Deepa Goel
can I get a English version of the book please , it seems do captivating yet I couldn't understand most of it ..
2024-09-27 10:54:55
0
user avatar
Kris Tina
nicely written
2023-07-08 05:32:51
1
user avatar
Zkd Leen
...️...️...️...️...️...️...️...️...️...️...️...️...️......️...️...️...️...️...️...️...️...️...️...️...️
2021-09-14 19:47:39
0
user avatar
tobio ono
babasahin ko ate
2021-06-28 15:23:44
0
user avatar
Lee Tamayo
your doing amazing😇
2021-06-28 15:08:20
0
user avatar
Star Light
waiting po sa next chapters♡
2021-06-23 00:21:24
1
user avatar
Star Light
Waiting po sa next chapters♡
2021-06-23 00:20:59
1
45 Chapters

Goodbye 01

“Nasa bar na siya ni Kuya David, Ri. Ibakuran mo na ang huklubang iyon. Siguradong pinapaligiran na naman 'yon ng mga palakang kokak." Napatawa nang bahagya si Rienne sa message na natanggap mula sa kaibigang si Aveline. Nai-imagine niya na ang itsura ni Ave sa mga oras na tina-type nito ang mensahe sa kaniya. Siguradong kulang na lang ay umusok ang ilong nito dahil sa pagkairita sa mga babaeng umaaligid sa pinsan nitong si Andro. Mainit talaga ang dugo ng kaibigan niya sa mga umaaligid kay Andro dahil para rito, si Rienne lang daw ang bagay sa pinsan niya. Kaya nga magkasundong-magkasundo sila. Nag-type na lang siya ng message at nagpasalamat kay Ave. Pagkatapos ay tumayo na siya at tumapat sa kama upang mamili na ng isusuot niya ngayong gabi. Una niyang itinaas ang isang red halter dress. Sigurado siyang kung ito ang isusuot niya, mapapansin siya kaagad ng mga tao. Maputi kasi siya at talagang lumulutang ang kaputian niya kapag naka-
Read more

Goodbye 02

"Manong, pakibalikan na lang po 'yong kotse niya. Salamat!" Pagkababa niya ng tawag ay agad nang binalingan ni Rienne si Androng nakaupo sa passenger's seat. Pinagmasdan niya ang side profile nito. Mahahaba ang pilikmata, matangos ang ilong, defined ang jawline, at medyo nakauwang ang mapupula nitong labi. Matagal niya nang pinagmamasdan si Andro, pero lagi pa rin siyang napapahanga sa itsura nito. Mukha kasi itong artista. Wait. Mali. Mas guwapo pa ito sa mga artista at mga modelo. Ethereal ang kakisigan ng lalaking mahal niya. Muli ay napadako ang tingin niya sa labi nito. Kumulo naman ang dugo niya nang maalala ang eksena kanina. Kaya kumuha siya ng wet wipes at pinahiran ang labi nito. "H-Hey." Napadilat na ng mga mata si Andro at tiningnan siya. Pinipigilan na rin nito ang mga braso niya pero hindi siya nagpatinag. Kailangang mawala ang germs na nasa labi nito dala ng pakikipagpalitan nito ng la
Read more

Goodbye 03

Naalimpungatan si Andro at nagising dahil medyo masakit na ang sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Bakit nga ba nakalimutan niyang ibaba ang kurtina? Or better yet, papalitan na lang kaya niya ang glass window ng condo niya? Natutuwa siya sa glass window na 'yon dahil tanaw niya ang metro, at talagang maganda ang view dahil sa city lights 'pag gabi. Pero nakakainis dahil tagusan ang sinag ng araw sa bintanang 'yon. Right. Tatawagan niya na lang si Flint o kaya si David mamaya at magtatanong kung may kilala silang arkitekto para mapalitan na ang istorbong bintanang panira ng tulog niya.Alam niyang kahit na inaantok pa siya ay hindi na siya makakatulog pa, kaya bumangon na siya para maghilamos. Bago pa man siya makapunta ng banyo ay narinig niyang may kumatok sa pinto ng unit niya. Napakunot ang noo niya dahil bukod pala sa istorbong bintana ay mayroon ding istorbong taong dumalaw sa kaniya ngayon. Sin
Read more

Goodbye 04

"Hello, my love! Good morning!”Napakunot ang noo ni Andro nang dahil sa lakas ng boses ng babaeng kaharap niya. Nasa loob sila ng penthouse niya, at hindi sila katulad ng iniisip niyo. Sinundo siya ni Adrienne dahil ngayong araw sila pupunta sa kung saan man siya dadalhin ng babaeng ito."Keep it low, Adrienne. You talk as if hindi kita maririnig."Hindi siya inintindi ng dalaga at tinulungan na lang siya nitong isara ang zipper ng duffel bag niya. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ito dahil nababahala siya sa nakikita niya sa peripheral vision niya. Ngiting-ngiti ito at napapa-huni pa ng isang makalumang kanta."Didn't know you are a fan of old songs."Mukhang hindi pa na-gets agad ng dalaga ang sinabi niya, kaya saglit na napakunot ang noo nito. Pero mayamaya ay napa-snap pa ito ng daliri sa hangin at nginitian siya nang malapad. Seriously, hindi maintindihan ni Andro ang mga katulad ni Adrienne na morning person. Ano'ng masaya sa umaga? Hind
Read more

Goodbye 05

"Yay! Finally setting foot on my beloved place again!"Isinuot ni Rienne ang shades niya. Nilingon niya si Andro na ngayon ay nakakunot ang noo. Nakatulog kasi ito sa eroplano at kagigising lang, kaya malamang ay grumpy na naman ito."Hey, my love! Picture tayo."Hindi niya na hinintay ang pagsang-ayon ni Andro. Kinuha niya na ang smartphone at lumingkis sa braso nito. Naka-anim na shots sila at pare-pareho lang ang itsura ni Andro. Nakasimangot lang ito. Pero okay lang. Hindi naman nakabawas iyon sa kaguwapuhan nito.Habang naglalakad ay ipinost na ni Rienne ang mga photo nila ni Andro. Wala pang isang minuto ay nagkaroon na agad ito ng sandamakmak na likes at comments. Siya pa ba? E siya nga ang ever so gorgeous na si Rienne, dagdag pang abot hanggang outer space ang kaguwapuhan ng kasama niya. Mukha ngang hango sa magazine ang mga picture nila e. Partida, no filter ang mga 'yon.Nag-browse siya ng comments at mangilan-ngilang "bagay kayo" o "you
Read more

Goodbye 06

Nagising si Rienne dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Nang tumingin siya sa kisame ng kuwartong 'yon, hindi niya mapigilang mapangiti. Ang ganda kasi ng panaginip niya. Nasa ulap daw siya at may pakpak. In short, isa siyang angel sa panaginip niya. An ever so gorgeous angel...Naputol ang pag-iisip niya sa panaginip niya nang bahagyang gumalaw ang katabi niya. Oo nga pala! Kaya maganda ang panaginip niya kagabi ay dahil katabi niya ang lalaking mahal niya. Wala silang ginawa. Natulog lang talaga. Hindi siya mapansamantala, 'no!Humarap siya kay Andro na ngayon ay nakadapa paharap sa kaniya. Tulog pa rin ito, pero alam ni Rienne na anytime ay magigising na rin ito dahil sa sinag ng araw. Wala siyang balak ibaba ang kurtina dahil 'pag ginawa niya 'yon, baka mamayang hapon pa gumising ang isang 'to. Sayang naman ang pangalawang araw kung magtutulog lang ito, aba!Pinagmasdan niya ang nakapikit na si Andro. Hindi niya mapigilang mapangiti. Ang guwapo-
Read more

Goodbye 07

"Hay naku. Dios mio!"Napatingin si Andro kay Nanay Linang ngayon ay napaupo habang nakahawak sa sentido. "Ano ho ang problema? May masakit po ba sa inyo?" Tiningnan siya ng matanda sa mata. Mayroong nakitang kislap ng emosyon si Andro sa mga mata nito, pero hindi niya alam kung ano at para saan iyon. Imbes na sagutin ang tanong niya, tinitigan siya ng matandang parang pinag-aaralan ang itsura niya. Parang siya lang. Nakikita niya ang sarili niya rito 'pag inoobserbahan niya si Adrienne. "Hijo, ikaw ba ay may ibang iniibig? May kasintahan ka ba sa siyudad o babaeng tinitibok ng iyong puso?" Napakunot ang noo ni Andro sa tanong ng matanda. Bakit siya tinatanong nito ng gano'n? Irereto ba nito siya sa alaga nitong si Adrienne? "Wala po, Nanay Lina." Iniabot ng matanda sa kaniya ang sinangag kaya nagsandok na siya noon. Pagkatapos ay kumuha na rin siya ng tocino. Nang maa
Read more

Goodbye 08

Kakatapos lang maligo ni Andro at tatanungin niya dapat si Adrienne kung saan siya puwedeng mamasyal nang maabutan niya ang babaeng abalang-abala sa kusina. Nagluluto kaya ulit ito ng tocino?“Ano ang ginagawa mo?”Saglit lang siyang tinapunan ng tingin ni Adrienne, at pagkatapos ay ibinalik na ulit nito ang atensyon sa ginagawa.“Carrot cake for someone special.”Natigilan si Andro dahil doon. Lumapit siya kay Adrienne at hindi makapaniwalang tiningnan ito. Seriously, is she trying to kill him?“Adrienne, I am sure na alam mong allergic ako sa carrots. Are you trying to kill me with that carrot cake?”Adrienne has this amused look sa mukha niya nang tingnan siya nito. Base sa reaksyon nito, parang iniisip nitong ano ang nangyayari at pinagsasasabi niya. After a few seconds, mukhang natauhan naman ito. She bit her lip para pigilan ang . . .pagtawa? Seriously? Nagagawa niya pang matu
Read more

Goodbye 09

“My Eya! I miss you, baby!”Hindi maipaliwanag ni Rienne ang saya niya nang makita ang kaisa-isang anak na babaeng si Eya. Niyakap niya ang bata nang mahigpit, at naramdaman niya na lang ding medyo nababasa ang manggas ng suot niyang T-shirt. Nang silipin niya ang mukha ng anak, nakita niyang umiiyak ito, kaya maski siya ay medyo naiiyak na rin.“Why are you crying, my baby E?”Narinig niyang suminghot-singhot pa ang anak niya. Nang tanggalin nito ang brasong tumatakip sa mukha nito, nakita niyang namumula-mula ang mga mata nito at ma-pink din ang mga pisngi. Kahit umiiyak ang anak niya, ang ganda-ganda pa rin nito. Manang-mana talaga sa mommy niyang si ever so gorgeous Rienne.“I just miss you, mommy R.”Adrienne can’t help but smile with what her daughter said. Na-miss niya rin kasi ito. Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nang huli silang magkita.“Ayan, hija. Mula
Read more

Goodbye 10

"Daddy A! Pasan mo po 'ko!"Napangiti na lang si Rienne nang marinig ang sinabi ng anak kay Andro. Natutuwa siyang nagkakasundo na ang dalawa. Dalawang linggo na mula nang tuluyang pumayag si Androng maging father figure ni Eya at pansin ni Rienne ang sayang dulot noon sa anak niya."Sure, baby E!"Araw-araw, halos ganito ang eksena nila. Minsan nga ay medyo nagtatampo na si Rienne dahil parang mas close na ang dalawa. Pero isinasantabi niya 'yon. Gustuhin man niya kasing pasanin si Eya gaya ng gusto nito ay hindi niya na kaya. Kaya hinahayaan niya na lang ang mag-ama niya.Mag-ama. Ang sarap pala sa feeling na tawaging gano'n sina Andro at Eya."Mommy R! Come on!"She went to Eya at pinahiran ito ng sun screen. Magbababad kasi sila sa ilalim ng araw kaya kailangan nito. Harmful na rin kasi ang sinag ng araw sa ganitong oras. Mas okay nang protektado kaysa magsisi sa huli. Ang hirap kayang magkasakit."'Yan
Read more
DMCA.com Protection Status