“My Eya! I miss you, baby!”
Hindi maipaliwanag ni Rienne ang saya niya nang makita ang kaisa-isang anak na babaeng si Eya. Niyakap niya ang bata nang mahigpit, at naramdaman niya na lang ding medyo nababasa ang manggas ng suot niyang T-shirt. Nang silipin niya ang mukha ng anak, nakita niyang umiiyak ito, kaya maski siya ay medyo naiiyak na rin.“Why are you crying, my baby E?”Narinig niyang suminghot-singhot pa ang anak niya. Nang tanggalin nito ang brasong tumatakip sa mukha nito, nakita niyang namumula-mula ang mga mata nito at ma-pink din ang mga pisngi. Kahit umiiyak ang anak niya, ang ganda-ganda pa rin nito. Manang-mana talaga sa mommy niyang si ever so gorgeous Rienne.“I just miss you, mommy R.”Adrienne can’t help but smile with what her daughter said. Na-miss niya rin kasi ito. Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nang huli silang magkita.“Ayan, hija. Mula"Daddy A! Pasan mo po 'ko!"Napangiti na lang si Rienne nang marinig ang sinabi ng anak kay Andro. Natutuwa siyang nagkakasundo na ang dalawa. Dalawang linggo na mula nang tuluyang pumayag si Androng maging father figure ni Eya at pansin ni Rienne ang sayang dulot noon sa anak niya."Sure, baby E!"Araw-araw, halos ganito ang eksena nila. Minsan nga ay medyo nagtatampo na si Rienne dahil parang mas close na ang dalawa. Pero isinasantabi niya 'yon. Gustuhin man niya kasing pasanin si Eya gaya ng gusto nito ay hindi niya na kaya. Kaya hinahayaan niya na lang ang mag-ama niya.Mag-ama. Ang sarap pala sa feeling na tawaging gano'n sina Andro at Eya."Mommy R! Come on!"She went to Eya at pinahiran ito ng sun screen. Magbababad kasi sila sa ilalim ng araw kaya kailangan nito. Harmful na rin kasi ang sinag ng araw sa ganitong oras. Mas okay nang protektado kaysa magsisi sa huli. Ang hirap kayang magkasakit."'Yan
"Hindi ko alam Aveline. Hindi pa siya nagigising."Lumapit si Andro sa kamang hinihigaan ni Adrienne at inalis ang ilang hibla ng buhok sa mukha nito. Nang makita niya sa malapitan ang maputlang mukha nito, hindi niya pa rin mapigilang mag-alala."Sige sige, Kuya. Papunta na ako. Siguro bago mag-gabi, nakarating na 'ko diyan. Alagaan mo si Ri, ha. 'Wag mo 'yang iwanan. Tatamaan ka sa akin kahit mas matanda ka sa akin, kuya. Nakita mo."Napailing na lang si Andro dahil sa sinabi ng pinsang si Aveline. Patuloy pa rin ito sa pagbilin sa kaniya at parang naririnig niya pang nakikipagtalo ito sa kabilang linya."Sa'n ka nga pupunta sabi?"Naupo na lang muna si Andro sa upuan sa tabi ng kama habang nakikinig pa rin sa usapan sa kabilang linya. Don't get him wrong. Hindi siya chismoso. Sadyang may ipapakisuyo lang siya kay Aveline kaya hinihintay niya munang matapos itong makipag-usap sa kabilang linya."'He! 'Wag mo akong k
Hindi mapakali si Andro habang nasa labas ng kuwarto ni Adrienne. Kanina pa kasi nag-uusap ang dalaga at ang doktor. Hindi niya alam, pero pakiramdam niya ay seryosong-seryoso ang mga pinag-uusapan ng mga ito."Daddy A! Is Mommy R awake?"Napatigil lang siya sa pagbabalik-balik nang lapitan siya ni Soleia na natuyo na ang buhok dahil kanina pa ito nakaligo. See? Ganoong katagal nang nag-uusap ang dalawa sa loob mula nang magising si Adrienne."Yes, baby. But she is still talking to the doctor that's why we can't go in yet."Nakauunawang tumango sa kaniya ang anak. Binuhat niya na lang ito at pumunta sa kusina. Mukhang matagal pa naman ang usapan sa loob kaya papakainin niya muna si Soleia."Kain ka muna ng carrot cake na binake ng mommy mo, ha."Iniupo niya lang ang bata sa upuan sa kusina at ipinaghiwa na ito ng isang slice ng carrot cake. Ipagtitimpla na niya sana ito ng gatas nang sabihin ni Soleiang tubig na lang
"Andro, mami-miss mo man lang ba ako pagkatapos ng 50 araw at hindi na ako nagpakita sa 'yo?"Inulit lang ni Rienne ang tanong niya kay Andro at hinihintay ang sagot nito. Para namang nabigla ang binata sa tanong niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito sumasagot."Ako po, Mommy R, I'll miss you po!"Nginitian ni Rienne si Eya at niyakap ito. Mayamaya pa ay hinihintay pa rin niya ang isasagot ni Andro. Hindi kaya nahihiya itong sabihin ang tunay na nararamdaman sa harap ni Eya? Baka nga sobrang pagkamuhi sa kaniya ni Andro at hindi nito masabi-sabing hindi siya nito mami-miss kahit kailan. Baka hindi lang masabi ng binata iyon dahil nakikinig sa kanila si Eya.Akmang ibubuka na ni Andro ang bibig para magsalita nang unahan niya na ito."Whatever. I know you won't. And even if you will, well, you should not miss me, Andro."Siya na ang nagsabi dahil alam niyang masakit kapag narinig niya ang mga iyon mula sa bibi
"Ako na. Maupo ka na lang doon. Baka kung ano na naman ang mangyari eh."Mula nang mangyari ang insidenteng 'yon noong isang linggo, napansin ni Adrienne na marami nang nagbago kay Andro. Maaga na itong magising lagi, at hindi 'yon normal dahil hindi naman ito morning person.Naging alerto rin ito kapag may mga gagawin siya. Laging nagpi-presinta si Androng ito na lang daw ang gagawa ng mga binabalak niyang gawin dahil baka raw may mangyari na namang hindi maganda. Tulad ngayon. Hihiwain niya lang naman sana ang karne pero inagaw nito ang kutsilyo sa kaniya. Pakiramdam niya tuloy ay tinuturing siya nitong batang clumsy."Andro, hindi naman ako mapapaano kapag naghiwa ako, 'no."As usual, hindi na naman siya sinagot ni Andro. Alam niya namang hindi siya mananalo rito, kaya pinanood niya na lang ito. In fairness, marunong itong magluto. Mukha tuloy itong chef. Take note---ubod nang guwapong chef, ha."So, chef, ano ang gagawin ko?
"What a shitty strategy."Andro can't help but smirk upon reading the trending news. His father, Andres Syjuco, went to an orphanage yesterday and acted like he was all kind and mighty. Siya dapat ang nandoon at kasama niya dapat si Harleen, pero siyempre, hindi siya pumayag. Ayaw niya sa mga ganoong taktika, 'yong tipong gagawa lang ng mabuti dahil sa litrato para bumango ang pangalan sa madla.Hindi niya alam kung siya lang ang nakapansin, pero halata naman sa mga litratong iyong ayaw ng tatay niya sa ginawa nito. Kilalang-kilala niya ang tatay niya. At halatang mukhang nandidiri pa ito sa mga batang nasa ampunan. Hindi mapigilan ni Androng iyukom ang kamao niya dahil doon. Kung tutuusin, ang tatay niya ang dapat pandirihan dahil may asawa itong tao, pero pumapatol pa rin ito sa ibang babae. Buong buhay niya, nasaksihan niya ang amang magsuot ng maskara ng isang tupa sa harap ng publiko. Pero sa likod ng entablado, mas masahol pa ito sa isang lobo.
"Wow, kuya! Nagmukha kang tao, in fairness. Anyway, ito o. Isuot mo 'yan ha. Bawal umattend ng party ang wala niyan."Hinagis sa kaniya ni Aveline ang isang garland na gawa sa mga artificial na bulaklak. Ni hindi man lang siya hinayaan nitong magsalita at basta na lang itong umalis pagkahagis noon sa kaniya."Andro, sumunod ka na lang sa labas, ha."Muli, maski si Adrienne ay hindi man lang siya hinayaang makapagsalita. Her mind seems all over the place. Aligagang-aligaga ito at si Aveline. Inisip niya na lang na gano'n siguro ang mga babae kapag parties ang pinag-uusapan.Today, they will be celebrating Soleia's eighth birthday. Hawaiian ang theme at sa beachside gaganapin ang party ng bata. He hates anything floral at karaniwan ay black, white, at grey ang suot niya. But here he is, wearing a floral polo with a garland hung around his neck. Well, hindi naman masamang baliin ang nakasanayan paminsan-minsan lalo na kung para sa anak niya naman.
"Ri, makinig kang mabuti, ha. Kapag nagkaproblema, tawagan mo ako agad. Kahit madaling-araw, tumawag ka lang. Eeskapo agad ako papunta sa 'yo. Huwag na lang kaya akong umalis? Dito na lang ako para mabantayan kita."Pabirong inirapan ni Rienne si Aveline. Kagabi pa ito bilin nang bilin sa kaniya mula nang sabihin ni Flint na iuuwi na raw ito sa Metro. Ngayon naman ay mukhang nagbabago pa ang isip nito at ayaw nang umalis."Vi, I'll be fine. Kawawa naman si Kuya Flint kung hahayaan mong lumuwas mag-isa. At saka alam ko namang nami-miss niyo na ang isa't-isa e. Don't worry. Tatawag na lang ako sa 'yo kapag nagkaproblema."Rienne tried to reassure Aveline by flashing her a bright smile. Pero halata pa rin sa mukha ng kaibigan niya ang pag-aalala. Medyo nangingilid na nga rin ang mga luha nito. She was taken aback when Aveline suddenly hugged her tight."P-Paano kasi kung may mangyari habang wala ako sa
He knew he vowed to take care of Adrienne not only because she is his late best friend's little sister, but also because he wanted to do so.But lately, she is getting on his nerves.Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Basta na lang nagising siya isang araw na nag-iba na ang turing sa kaniya ni Adrienne. And he is not dumb to know what her stares mean.Why wouldn't he? That was how he looked at her, too... some time before."Adrienne, will you stop clinging on to me, please? Harleen might see us anytime," Andro said while trying to yank her arm away from him.Pero syempre, hindi nagpatinag si Adrienne at parang walang narinig. Si Aveline naman na pinsan niya at bestfriend ni Adrienne ay napasimangot at napairap nang banggitin niya ang pangalan ng girlfriend niya."Kadiri, Kuya Andro. Bakit mo ba pinatulan ang Harleen na iyon? Hindi hamak namang mas saksakan ng ganda ang best friend ko at mas bagay kayo," sabi ni Av
"Adrienne, you can't starve yourself. Here." Inabot ni Andro kay Adrienne ang isang box ng brownies. Alam kasi niyang paborito nito iyon dahil iyon ang lagi nitong pinapabili dati sa kuya nito. Pero hindi iyon tinanggap ng dalaga kaya napabuntong-hininga si Andro."I'm not hungry.""Says someone who hasn't eaten a decent meal for days. Look." Andro sat in front of her and he lifted her chin using his fingertip. But as expected, Adrienne just avoided his gaze. "Hindi puwedeng hindi ka kumain, Adrienne. Please. Just eat this. Kahit isang piraso lang."He got one brownie and gave it to her. She just looked at it and Andro felt panic rising in him as she started crying again."H-Hey...""Kuya used to buy me a box of brownie every other Sunday."He mentally cursed upon realizing what he had done. Agad na nagpaalam si Andro kay Adrienne para kumuha ng ibang makakain ng dalaga. He shouldn't have expected her to calm down whe
Tila nabingi naman siya nang dahil sa sinabi ng Tita Amelia niya."P-Pero po..."Sunud-sunod ang naging pag-iling sa kaniya ng Tita Amelia niya."They did everything, but..." His Tita Amelia then choked on her owm tears. "My son...""I'm sorry, Tita. I'm sorry."Inalalayan niya ang Tita Amelia niyang umupo sa isa sa mga upuan sa lobby. Hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang mga nangyari.How? His bestfriend...he's gone. They were just talking on the phone this morning. Why does this have to happen?Agad na tinuyo ng Tita Amelia niya ang mga luha nito at tumayo."I need to be strong for my Rienne. She is the only one I have now."His Tita Amelia made her way towards where Adrienne is so he just followed her. Sakto namang lumabas ang attending physician ni Adrienne at sinalubong nila ito."H-How's my daughter, Dr. Romulo?""We successfully took out all the glasses which pierced on he
"Babe, sunduin mo ako dito sa bahay, please? Mall tayo? May rainy day sale e. At saka kailangan ko nang bumili ng bagong sapatos, babe."Hindi maiwasang mapabuntong-hininga ni Andro pagkabasa sa text ng girlfriend niyang si Elise. He looked out the window and saw that it is still raining hard. Ayaw lumabas ni Andro ng bahay dahil delikado at madulas ang daan.But what can he do? Kung hindi niya pagbibigyan si Elise, siguradong mag-aaway na naman sila. He is already too stressed with his studies and arguing with his girlfriend will just add up to his worries. Kaya labag man sa kalooban niya, pagbibigyan niya na lang ito, kahit pa parang ginagawa na lang siya nitong ATM machine na puwedeng pag-withdraw-han ng pera anumang oras nitong gustuhin.He got up and wore his jacket. He made no move to wear fancy clothes because they are only heading to the mall and besides, it is raining really hard. Nang kukunin niya na ang susi sa desk niya ay may nahagip ang mata
"Sumabay ka na kaya sa amin? Malapit nang mag-6 pm o. Ipapahatid ka muna namin sa inyo, Andro."Napatingin si Andro kay Adrian nang sabihin nito iyon. Tumingin din siya sa labas ng classroom nila at nakita niya ngang kahit hindi pa gabi ay madilim na ang langit. Currently, it is raining cats and dogs and ten minutes ago, their family driver informed him that their car's engine failed. Kaya raw baka ma-late na ito sa pagsundo sa kaniya.He looked at his wristwatch and saw that it is five to six. Bumuntong-hininga siya at isinukbit na ang bag niya."Okay. Sorry for the hassle, man. Malayo pa naman ang bahay namin sa inyo.""Not a problem at all. Tara na."Naglakad na sila papuntang gate ng school. Sobrang lakas pa rin talaga ng ulan. Bago niya makalimutan, tinawagan niya na muna ang driver nila at sinabi niya na lang na ihahatid na siya nina Adrian.When he got inside the car, he saw Adrienne who was busy with something on her phone.&nbs
Hindi mahirap hanapin ang kuwartong iyon dahil iyon lang ang tanging pinto na kulay pink. Napangiti at napailing pa siya nang makitang may nakapaskil na 'keep out of Adrienne's room' na yari sa pinunit na pad paper at medyo magulo ang pagkakasulat.Bahagyang nakabukas ang pinto pero kumatok pa rin siya."Hello? Adrienne?"Walang sumagot kaya napagdesisyunan niya nang buksan ang pinto nang tuluyan para makapasok. He is welcomed by a really girly room. All the stuff in there were pink or purple in color. Talagang babaeng-babae.Nilibot niya ang paningin at sa isang sulok ay nakita niya ang isang batang babae. Nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha nito. Andro went near her and saw that she is playing with girly stuff like makeup, bags, and shoes. Laruan ang mga iyon."Hey, Adrienne. Pinatawag ka sa akin ng mommy mo. Kakain na raw tayo sa baba."She didn't even look at him and just continued playing with her toys. Sasabihin niya
"Do we really have to go there, Mom?" Hindi mapigilang mainis ni Andro nang sabihin sa kaniya ng mommy niyang pupunta raw sila sa bahay ng kaibigan nito. Nanonood siya ng paborito niyang anime at ayaw niya talagang lumabas ngayong araw na `to. Mas lalong ayaw niyang sumama dahil ang pupuntahan nila ay ang bestfriend ng Mommy niya, ang Tita Amelia niya. Siguradong aabutin na naman ng oras-oras bago matapos ang kuwentuhan ng mga ito. Whenever Tita Amelia visits their house, she and his mom could actually talk to each other for several hours, non-stop. At talagang minsan ay inaabot na ito ng gabi. Kaya nga kinakabahan siya ngayong pupunta sila sa bahay ng mga ito. How many hours would it take his mom and his Tita Amelia as they catch up with each other? "Mom, can't I just stay here? Kahit ito na lang po ang gift niyo sa akin. Please?" Andro said in his unusually sweet voice. Saglit lang siyang tinapunan ng tingin ng mommy niya at bumalik na ito sa
"Happy 70th anniversary, my eternal sunshine."Andro buried his face in his hands and wept like how he did these past few days. Limang araw na ang nakalipas mula nang bawiin sa kaniya ang asawa. Limang araw na rin siyang parang unti-unting pinapatay. Mula nang mawala sa kaniya si Adrienne, wala na siyang ibang ginawa kundi matulog, umiyak, at pagmasdan ang mga larawan nitong naipon sa dark room niya.Iyong mga video at picture na lang ni Adrienne ang tinitingnan niya araw-araw. Kung wala ang mga 'yon, baka hindi niya na gustuhing magising pa siya. Sa totoo lang, ayaw niya rin naman talagang magising sa araw-araw. Ang kaso, lagi niyang pinapaalala sa sarili niyang may responsibilidad pa siya bilang ama ni Soleia. Ang anak nila ni Adrienne ang ginagawa niyang motivation para sa araw-araw. Sa kaniya ito binilin ng asawa. Kaya hindi dapat siya magpadala sa lungkot.Pero talagang sa mga panahon ngayon ay sobrang sakit pa rin ng nangyari. Sariw
Bumuntong-hininga si Andro at lumunok. He wanted to cry at this very moment. But no. He has to reign himself. Hindi siya puwedeng mag-breakdown sa ngayon. He still needs to tell that beautiful story to her."So iyon nga. Alam ng binatang nagluluksa ang batang babae, kaya sinamahan niya ito. Hindi niya ito iniwan. Inalagaan niya ito at sinamahan hindi lang dahil sa parang naging responsibilidad niya na rin ito. He stayed with her because he wanted to do so. Hanggang sa isang araw, naramdaman niyang may nag-iba na sa pakikitungo noong babae sa kaniya."He paused for a while as he reminisced that moment."Hindi siya manhid para hindi malamang nagkakagusto na sa kaniya ang babae."Napangiti siya pagkabanggit noon. Hindi niya rin maiwasang mas bumilis ang tibok ng puso niya habang ikinukuwento ang bagay na iyon sa asawa niya."Masayang-masaya ang binata. Kaso, natakot siyang baka kaya ganoon ang pakikitungo sa kaniya noong babae ay dahil nakikita