Share

Goodbye 03

Author: Yashaya Lee
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Naalimpungatan si Andro at nagising dahil medyo masakit na ang sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Bakit nga ba nakalimutan niyang ibaba ang kurtina? Or better yet, papalitan na lang kaya niya ang glass window ng condo niya? Natutuwa siya sa glass window na 'yon dahil tanaw niya ang metro, at talagang maganda ang view dahil sa city lights 'pag gabi. 


Pero nakakainis dahil tagusan ang sinag ng araw sa bintanang 'yon. Right. Tatawagan niya na lang si Flint o kaya si David mamaya at magtatanong kung may kilala silang arkitekto para mapalitan na ang istorbong bintanang panira ng tulog niya.


Alam niyang kahit na inaantok pa siya ay hindi na siya makakatulog pa, kaya bumangon na siya para maghilamos. Bago pa man siya makapunta ng banyo ay narinig niyang may kumatok sa pinto ng unit niya. Napakunot ang noo niya dahil bukod pala sa istorbong bintana ay mayroon ding istorbong taong dumalaw sa kaniya ngayon. Sino naman kaya iyon?


Pinagbuksan niya na ng pinto kung sinuman ang istorbong iyon at nabungaran niya ang isang babaeng nagde-deliver yata dahil sa suot nitong uniporme.


"G-Good morning, Sir! Delivery po."


Nakatingin sa kaniya ang babae at napansin niyang napakagat pa ito sa labi. Bahagyang namula ang pisngi nito at hindi man lang ito nakaramdam ng hiya na pinagmamasdan siya nito. Ayaw niya talaga sa mga taong tumititig sa kaniya kaya hindi niya itinago ang pagkakunot ng noo niya kahit na noong nagpasalamat siya at tinanggap ang delivery raw nito sa kaniya.


Pagkasara niya ng pinto ay bahagyang narinig niya pa ang impit na tili ng delivery girl na 'yon. Mga babae nga naman. Kita namang medyo inis siya rito pero nagawa pa ring tumili? Napailing na lang siya dahil hindi naman bago ang ganoong scenario sa kaniya, pero hindi niya pa rin mapigilang mainis.


Iisipin niya sana kung sino ang nagpadala ng mga pagkaing iyon nang mag-vibrate ang cellphone niya. Kinuha niya na 'yon at agad bumungad sa kaniya ang mensahe ni Adrienne.


"Good morning, my love! Natanggap mo na ba 'yong pinadala kong almusal? Tosilog 'yan at sinamahan ko na rin ng ensaymada with extra cheese. Mayroon ding kape. Hindi na ako nagpadala ng gamot pampawala ng hangover dahil hindi ako fanatic ng mga gamot. I would bet my newly polished nails na matagal na mula nang makakain ka ng tosilog na 'yan. Syempre. Ako lang naman ang nakakaalam kung saan 'yan nabibili. Kaya eat well, ha. At pag-isipan mo ang mga sinabi ko kagabi. I'll be waiting for your yes. Hindi ka naman talo 'cause you'll be spending a 50-day vacation with me, the ever so gorgeous Rienne who loves you so much. Sige na. Kumain ka na, okay? I love you, love!"


Napailing na lang si Andro dahil sa haba ng message sa kaniya ni Adrienne. Lagi na lang itong ganito. Pakiramdam niya nga ay may masugid siyang manliligaw sa loob ng mahigit isang dekada. Kahit anong taboy niya kasi rito, hindi ito nagpapatinag. Immune na nga yata ang babaeng 'yon sa mga sinasabi niya rito.


Pero hindi niya mapigilang mapangiti nang tingnan niya ang mga pagkaing ipinadala nito para sa kaniya. Kilalang-kilala talaga siya nito. Kung kanina ay bad trip siya dahil naistorbo ng araw ang tulog niya, ngayon ay nabuhayan na siya nang maamoy niya ang tosilog na ipinadala sa kaniya ni Adrienne. Walang duda. Ito ang paborito niyang tosilog at ensaymada!


Isinalin niya na iyon sa plato at nagsimula nang kumain. Saan nga kaya nabibili ito ng babaeng 'yon? Kahit kasi anong gawin niya ay ayaw sabihin sa kaniya ni Adrienne kung saan nabibili iyon. Kapag daw kasi nalaman niya, mawawalan na ito nang silbi dahil hindi na nito magagawa ang honor na padalhan siya ng almusal. Kaya hinayaan niya na lang. May kakaiba kasi sa tocilog na 'yon. Tinanong niya na rin sa kaibigan niyang chef kung ano ang sikreto ng tosilog na 'yon. Pinagaya na nga rin niya. Pero walang makakuha ng timpla ng tocino.


Habang kumakain ay naalala niya ang babaeng nagpadala ng mga almusal na ito sa kaniya. Nag-type siya ng message at ipinadala rito. Hindi naman niya mapigilang alalahanin ang mga sinabi sa kaniya nito kagabi.


***


Dinala siya ni Adrienne sa coffee shop ni Jacob. Ngayon ay hinihintay niyang sabihin ng babae kung ano ang rason nito sa sinasabi nitong 50-day vacation daw. Sa totoo lang ay duda siya rito. Para sa isang babaeng habol nang habol sa kaniya, talagang mapapaisip siya kung totoo nga ang sinasabi nitong tatantanan na siya nito tapos ng 50 days. Isinumpa na rin nitong magkaka-pimples ito kung hindi ito tutupad sa usapan. 


Dahil doon ay binigyan niya na ito ng benefit of the doubt. Alam niyang bangungot sa babaeng 'to kung magka-pimples man, at dahil sobrang mapaniwalain ng babaeng 'to sa mga sumpa-sumpa na 'yan, alam niyang baka nga this time ay tuparin na ng babae ang sinasabing tatantanan na siya nito. Pero kailangan niya pa ring marinig ang rason.


Narinig niyang nagpakawala ito nang malalim na hininga, at tiningnan siya nito nang mata sa mata.


"Yes. I have been loving you for more than a decade. But I am starting to get tired too. I love you, but it's about time to stop chasing you, to stop acting like you are mine. That is one of the reasons. But my main reason as to why I am finally leaving you . . .”


Tiningnan niya ang ilong nito. Hindi niya alam kung aware ang babaeng ito, pero sa tagal ng panahong kilala niya ito at sunod nang sunod sa kaniya, nalaman niya na kung kailan ito nag sisinungaling. Kapag nagsisinungaling kasi si Adrienne, she crinkles her nose. Pero sa mga oras na 'yon, hindi ginawa ng babae 'yon. Kaya mukhang hindi nga ito nagsisinungaling. Ibinalik niya ang tingin sa mga mata nito, at base sa nakikita niya, mukhang ang daming gustong sabihin nito sa kaniya.


". . . is because I am sick, Andro."


Muli ay ibinalik ni Andro ang atensyon sa ilong ni Adrienne. Hindi talaga ito nagsisinungaling. Nang tatanungin niya na dapat kung ano ang sakit nito ay nagsalita itong muli.


"I'm sick. I have leukemia."


Napakunot ang noo niya dahil doon. Unti-unti ay may nararamdamang kakaiba si Andro sa puso niya. Uusisain niya na dapat ang tungkol doon when she crinkled her nose.


"Andro, you are supposed to say, 'No! You're 18. You're perfect!' Ano ba. Nicholas Sparks' 'A walk to remember', remember? Sinakyan mo na sana ang trip ko."


Tiningan niya ito nang blangko. Kailan niya ba ito nakausap nang matino? Akala niya, seryoso na ito. Pero isinisingit pa rin nito ang mga kabaliwan. Ganito ba talaga ang mga babae?


"You watch too much movies, Adrienne. So, kung wala ka namang magandang rason, I won't spend 50 days with you."


Kitang-kita niya kung paanong nag-iba ang itsura ng babaeng kaharap niya. She unconsciously scratched her right ear, a sign that she is hiding something at nagdadalawang-isip ito kung sasabihin sa kaniya ang rason o hindi. Don't get him wrong. Mahilig lang talaga siyang mag-obserba ng mga kinikilos ng mga tao at nagkataong laging nakabuntot sa kaniya ang babaeng 'to kaya nalaman niya na rin ang mga gawi nito and the reasons behind all those.


"Ito naman. Masyadong serious. Pero iyon nga. Ang reason ko ay dahil pagod na rin ako. I finally realized that I should stop chasing you. Too many times, I went overboard dahil sa pagbakuran ko sa 'yo. I ruined your countless dates and acted like a spoiled brat, like you are mine. I realized that what I am doing isn't right. It's destructive love and ayaw ko na. Hindi ko sinasabing I'll stop loving you. Pero I'll stop following you around. I realized that this ever so gorgeous Rienne should stop bothering you. And it's true that I am sick."


Huminto ito sa pagsasalita at tiningnan siya nito sa mga mata. Muli ay tiningnan niya kung nag-crinkle ang ilong nito, pero hindi.


"I am sick of being that woman who practically throws myself at you. Mahigit isang dekada na. Oras na para huminto na ako. But of course, saying goodbye to you is not easy. Halos kalahati ng buhay ko, I spent sa kakahabol sa iyo. That's why to say goodbye, for me to be able to turn my back to you, nakikiusap ako sa iyong pagbigyan mo ako. Spend a 50-day vacation with me. Alam kong hindi mo problema ang pera. Buti since ako ang nag-aya, it's all on me. Please, Andro. I just love you so much kaya I want to spend the last 50 days with you. Isipin mo na lang na parang treat mo 'yon sa no. 1 fan mo which is me, the ever so gorgeous Rienne."


He watched her face carefully. Sobrang seryoso nito. Nangungusap din ang mga mata ni Adrienne, at hindi niya alam kung nag-te-telepathy ito pero parang nakakarating sa kaniya ang mensaheng seryoso talaga ito sa mga sinasabi nito. Pero dahil hindi naman niya ugaling magpadalos-dalos ng desisyon, nagbigay na lang siya ng maikling sagot dito.


"I'll think about it."


***


Iyon lang ang isinagot niya sa dami ng sinabi nito kagabi, but he saw the faint hope and happiness in her eyes. Ganoon na ba siyang kamahal nito at parang maiiyak pa ito kagabi nang sabihin niyang pag-iisipan niya ang mga sinabi nito? Malala na talaga ang tama sa kaniya ni Adrienne.


Naputol ang pag-iisip niya sa babae nang may matanggap siyang tawag. Humigpit ang hawak niya sa kutsara at tinidor at napakunot ang noo niya. Nagpapakawala na rin siya nang malalim na hininga habang nakatingin pa rin sa caller ID. Uminom muna siya ng kape para kumalma kahit paano bago sagutin ang unwelcome na tawag ng taong iyon.


"What took you so long to answer? May kasama ka na naman bang babae ngayon? You are such a shame, Yvandro!"


Tumaas ang sulok ng labi niya at naiyukom niya rin ang mga kamao niya. Kahit kailan talaga, tamang-hinala ito. Pero hindi siya magpapaliwanag. Ang isang katulad ng taong ito ay hindi deserving ng paliwanag mula sa kaniya. Hindi rin naman kasi maniniwala ito, so why bother?


"And what do you want?"


Sa kabilang linya ay rinig na rinig niya ang malalalim na hininga nito. Samantalang si Andro ay nakatingin pa rin nang diretso habang nakayukom ang kamao. Buti na lang at hindi niya ito personal na kausap. Mas masisira lang ang araw niya.


"Akala mo ba hindi makakarating sa akin ang balitang sinuntok mo ang anak ng congressman?! At para saan? Gumawa ka ng eksena para sa isang parausang babae lang! Yvandro, I am warning you. Tone down your bullshits. Huwag mo akong ipahiya. You are such a shame! Nagkalat ka sa America, and now, nagkakalat ka rito? Yvandro, ayusin mo ang sarili mo. Ayaw kong magkaroon ng issue lalo na ngayong panahon ng kampanya. I don't care wherever you go. Umalis ka muna rito sa Metro at huwag na huwag kang gagawa ng kahit na ano to taint my name! Mahiya ka naman!"


Sa dami ng sinabi ng kausap niya ay napahikab na lang si Andro. Hindi niya mapigilang ma-satisfy. Hindi naman niya alam na anak pala ng congressman iyong sinuntok niya nang gabing 'yon. Pero talaga nga namang umaayon sa kaniya ang tadhana.


"Noong nasa America ako, you told me to come home here in the Metro. Nang nandito na ako, you are telling me to get lost. Be decisive, old man. Ganiyan ba talaga kapag stressed sa mga kasinungalingang sinasabi sa kampanya? Hindi makapag-decide?"


Hindi siya nakikita ng kausap niya ngayon pero ngumiti pa rin siya nang nakakaloko. Naririnig niya kasi ang lalim ng hiningang pinapakawalan ng kausap.


"Pinauwi kita dahil akala ko, magkakaroon ka ng silbi sa kampanya. Pero ngayong nanggugulo ka lang, umalis ka. Wala akong pakialam kung saan ka magpunta. Just get lost. Huwag mong dungisan ang pangalan ko at baka makalimutan kong anak kita."


Doon na tuluyang napatawa nang pagak si Andro. Medyo okay na sana e. But the last line that he said? Seriously?


"Para namang bago 'yan. Talaga namang nakalimutan mong anak mo ako. If you won't say anything else na relevant, I'll hung up now. Don't worry, old man. Your 'son' will get lost para hindi makasagabal sa 'kampanya' mo. I don't have the audacity to ruin your mighty surname, dahil kahit ako, ayaw ko rin namang dalhin ang apelyido mo."


Bago pa makasagot ang ama sa kabilang linya ay ibinaba na ni Andro ang tawag. His father is really doing great at ruining his mood. He bosses him around like he has been a great father. Buti na lang ay may kaunti pa siyang paggalang dahil asawa ito ng mommy niya at nabuo siya dahil sa semilya rin nito kaya kahit paano ay sumusunod pa rin siya.


Now he wants him to get lost para maging smooth sailing ang kampanya at pang-uuto nito sa mga botante. Kung kailan naman nag-eenjoy siya sa night life sa Metro, saka naman nangyari 'to.


He was brought out of his reverie and deep thoughts when his phone vibrated once again. Bumungad sa kaniya ang mensahe ni Adrienne at tinatanong nito kung napag-isipan niya na ba ang alok nitong bakasyon. Duda pa rin siya dahil baka may hidden agenda ito. Pero malalaman niya naman siguro kung may binabalak ito.


His father told him to get lost. And even if it's risky, for now, he'll agree to get lost with Adrienne. Mas okay nang pumunta sa kung saan man kasama ang babaeng patay na patay sa kaniya kaysa manatili sa Metro at paulit-ulit na ipagtabuyan ulit palayo ng sariling ama.


He'd rather spend a 50-day vacation with a cunning woman than lock himself up in this condo. Besides, it's a win-win situation for him. He'll be free from the prying eye of his controlling father, and after 50 days, makakalaya naman siya sa babaeng mahigit isang dekada nang sunod nang sunod sa kaniya.


That is if she doesn't have a hidden agenda during this so called vacation, of course.

Related chapters

  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 04

    "Hello, my love! Good morning!”Napakunot ang noo ni Andro nang dahil sa lakas ng boses ng babaeng kaharap niya. Nasa loob sila ng penthouse niya, at hindi sila katulad ng iniisip niyo. Sinundo siya ni Adrienne dahil ngayong araw sila pupunta sa kung saan man siya dadalhin ng babaeng ito."Keep it low, Adrienne. You talk as if hindi kita maririnig."Hindi siya inintindi ng dalaga at tinulungan na lang siya nitong isara ang zipper ng duffel bag niya. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ito dahil nababahala siya sa nakikita niya sa peripheral vision niya. Ngiting-ngiti ito at napapa-huni pa ng isang makalumang kanta."Didn't know you are a fan of old songs."Mukhang hindi pa na-gets agad ng dalaga ang sinabi niya, kaya saglit na napakunot ang noo nito. Pero mayamaya ay napa-snap pa ito ng daliri sa hangin at nginitian siya nang malapad. Seriously, hindi maintindihan ni Andro ang mga katulad ni Adrienne na morning person. Ano'ng masaya sa umaga? Hind

  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 05

    "Yay! Finally setting foot on my beloved place again!"Isinuot ni Rienne ang shades niya. Nilingon niya si Andro na ngayon ay nakakunot ang noo. Nakatulog kasi ito sa eroplano at kagigising lang, kaya malamang ay grumpy na naman ito."Hey, my love! Picture tayo."Hindi niya na hinintay ang pagsang-ayon ni Andro. Kinuha niya na ang smartphone at lumingkis sa braso nito. Naka-anim na shots sila at pare-pareho lang ang itsura ni Andro. Nakasimangot lang ito. Pero okay lang. Hindi naman nakabawas iyon sa kaguwapuhan nito.Habang naglalakad ay ipinost na ni Rienne ang mga photo nila ni Andro. Wala pang isang minuto ay nagkaroon na agad ito ng sandamakmak na likes at comments. Siya pa ba? E siya nga ang ever so gorgeous na si Rienne, dagdag pang abot hanggang outer space ang kaguwapuhan ng kasama niya. Mukha ngang hango sa magazine ang mga picture nila e. Partida, no filter ang mga 'yon.Nag-browse siya ng comments at mangilan-ngilang "bagay kayo" o "you

  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 06

    Nagising si Rienne dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Nang tumingin siya sa kisame ng kuwartong 'yon, hindi niya mapigilang mapangiti. Ang ganda kasi ng panaginip niya. Nasa ulap daw siya at may pakpak. In short, isa siyang angel sa panaginip niya. An ever so gorgeous angel...Naputol ang pag-iisip niya sa panaginip niya nang bahagyang gumalaw ang katabi niya. Oo nga pala! Kaya maganda ang panaginip niya kagabi ay dahil katabi niya ang lalaking mahal niya. Wala silang ginawa. Natulog lang talaga. Hindi siya mapansamantala, 'no!Humarap siya kay Andro na ngayon ay nakadapa paharap sa kaniya. Tulog pa rin ito, pero alam ni Rienne na anytime ay magigising na rin ito dahil sa sinag ng araw. Wala siyang balak ibaba ang kurtina dahil 'pag ginawa niya 'yon, baka mamayang hapon pa gumising ang isang 'to. Sayang naman ang pangalawang araw kung magtutulog lang ito, aba!Pinagmasdan niya ang nakapikit na si Andro. Hindi niya mapigilang mapangiti. Ang guwapo-

  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 07

    "Hay naku. Dios mio!"Napatingin si Andro kay Nanay Linang ngayon ay napaupo habang nakahawak sa sentido. "Ano ho ang problema? May masakit po ba sa inyo?" Tiningnan siya ng matanda sa mata. Mayroong nakitang kislap ng emosyon si Andro sa mga mata nito, pero hindi niya alam kung ano at para saan iyon. Imbes na sagutin ang tanong niya, tinitigan siya ng matandang parang pinag-aaralan ang itsura niya. Parang siya lang. Nakikita niya ang sarili niya rito 'pag inoobserbahan niya si Adrienne. "Hijo, ikaw ba ay may ibang iniibig? May kasintahan ka ba sa siyudad o babaeng tinitibok ng iyong puso?" Napakunot ang noo ni Andro sa tanong ng matanda. Bakit siya tinatanong nito ng gano'n? Irereto ba nito siya sa alaga nitong si Adrienne? "Wala po, Nanay Lina." Iniabot ng matanda sa kaniya ang sinangag kaya nagsandok na siya noon. Pagkatapos ay kumuha na rin siya ng tocino. Nang maa

  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 08

    Kakatapos lang maligo ni Andro at tatanungin niya dapat si Adrienne kung saan siya puwedeng mamasyal nang maabutan niya ang babaeng abalang-abala sa kusina. Nagluluto kaya ulit ito ng tocino?“Ano ang ginagawa mo?”Saglit lang siyang tinapunan ng tingin ni Adrienne, at pagkatapos ay ibinalik na ulit nito ang atensyon sa ginagawa.“Carrot cake for someone special.”Natigilan si Andro dahil doon. Lumapit siya kay Adrienne at hindi makapaniwalang tiningnan ito. Seriously, is she trying to kill him?“Adrienne, I am sure na alam mong allergic ako sa carrots. Are you trying to kill me with that carrot cake?”Adrienne has this amused look sa mukha niya nang tingnan siya nito. Base sa reaksyon nito, parang iniisip nitong ano ang nangyayari at pinagsasasabi niya. After a few seconds, mukhang natauhan naman ito. She bit her lip para pigilan ang . . .pagtawa? Seriously? Nagagawa niya pang matu

  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 09

    “My Eya! I miss you, baby!”Hindi maipaliwanag ni Rienne ang saya niya nang makita ang kaisa-isang anak na babaeng si Eya. Niyakap niya ang bata nang mahigpit, at naramdaman niya na lang ding medyo nababasa ang manggas ng suot niyang T-shirt. Nang silipin niya ang mukha ng anak, nakita niyang umiiyak ito, kaya maski siya ay medyo naiiyak na rin.“Why are you crying, my baby E?”Narinig niyang suminghot-singhot pa ang anak niya. Nang tanggalin nito ang brasong tumatakip sa mukha nito, nakita niyang namumula-mula ang mga mata nito at ma-pink din ang mga pisngi. Kahit umiiyak ang anak niya, ang ganda-ganda pa rin nito. Manang-mana talaga sa mommy niyang si ever so gorgeous Rienne.“I just miss you, mommy R.”Adrienne can’t help but smile with what her daughter said. Na-miss niya rin kasi ito. Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nang huli silang magkita.“Ayan, hija. Mula

  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 10

    "Daddy A! Pasan mo po 'ko!"Napangiti na lang si Rienne nang marinig ang sinabi ng anak kay Andro. Natutuwa siyang nagkakasundo na ang dalawa. Dalawang linggo na mula nang tuluyang pumayag si Androng maging father figure ni Eya at pansin ni Rienne ang sayang dulot noon sa anak niya."Sure, baby E!"Araw-araw, halos ganito ang eksena nila. Minsan nga ay medyo nagtatampo na si Rienne dahil parang mas close na ang dalawa. Pero isinasantabi niya 'yon. Gustuhin man niya kasing pasanin si Eya gaya ng gusto nito ay hindi niya na kaya. Kaya hinahayaan niya na lang ang mag-ama niya.Mag-ama. Ang sarap pala sa feeling na tawaging gano'n sina Andro at Eya."Mommy R! Come on!"She went to Eya at pinahiran ito ng sun screen. Magbababad kasi sila sa ilalim ng araw kaya kailangan nito. Harmful na rin kasi ang sinag ng araw sa ganitong oras. Mas okay nang protektado kaysa magsisi sa huli. Ang hirap kayang magkasakit."'Yan

  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 11

    "Hindi ko alam Aveline. Hindi pa siya nagigising."Lumapit si Andro sa kamang hinihigaan ni Adrienne at inalis ang ilang hibla ng buhok sa mukha nito. Nang makita niya sa malapitan ang maputlang mukha nito, hindi niya pa rin mapigilang mag-alala."Sige sige, Kuya. Papunta na ako. Siguro bago mag-gabi, nakarating na 'ko diyan. Alagaan mo si Ri, ha. 'Wag mo 'yang iwanan. Tatamaan ka sa akin kahit mas matanda ka sa akin, kuya. Nakita mo."Napailing na lang si Andro dahil sa sinabi ng pinsang si Aveline. Patuloy pa rin ito sa pagbilin sa kaniya at parang naririnig niya pang nakikipagtalo ito sa kabilang linya."Sa'n ka nga pupunta sabi?"Naupo na lang muna si Andro sa upuan sa tabi ng kama habang nakikinig pa rin sa usapan sa kabilang linya. Don't get him wrong. Hindi siya chismoso. Sadyang may ipapakisuyo lang siya kay Aveline kaya hinihintay niya munang matapos itong makipag-usap sa kabilang linya."'He! 'Wag mo akong k

Latest chapter

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 05

    He knew he vowed to take care of Adrienne not only because she is his late best friend's little sister, but also because he wanted to do so.But lately, she is getting on his nerves.Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Basta na lang nagising siya isang araw na nag-iba na ang turing sa kaniya ni Adrienne. And he is not dumb to know what her stares mean.Why wouldn't he? That was how he looked at her, too... some time before."Adrienne, will you stop clinging on to me, please? Harleen might see us anytime," Andro said while trying to yank her arm away from him.Pero syempre, hindi nagpatinag si Adrienne at parang walang narinig. Si Aveline naman na pinsan niya at bestfriend ni Adrienne ay napasimangot at napairap nang banggitin niya ang pangalan ng girlfriend niya."Kadiri, Kuya Andro. Bakit mo ba pinatulan ang Harleen na iyon? Hindi hamak namang mas saksakan ng ganda ang best friend ko at mas bagay kayo," sabi ni Av

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 04

    "Adrienne, you can't starve yourself. Here." Inabot ni Andro kay Adrienne ang isang box ng brownies. Alam kasi niyang paborito nito iyon dahil iyon ang lagi nitong pinapabili dati sa kuya nito. Pero hindi iyon tinanggap ng dalaga kaya napabuntong-hininga si Andro."I'm not hungry.""Says someone who hasn't eaten a decent meal for days. Look." Andro sat in front of her and he lifted her chin using his fingertip. But as expected, Adrienne just avoided his gaze. "Hindi puwedeng hindi ka kumain, Adrienne. Please. Just eat this. Kahit isang piraso lang."He got one brownie and gave it to her. She just looked at it and Andro felt panic rising in him as she started crying again."H-Hey...""Kuya used to buy me a box of brownie every other Sunday."He mentally cursed upon realizing what he had done. Agad na nagpaalam si Andro kay Adrienne para kumuha ng ibang makakain ng dalaga. He shouldn't have expected her to calm down whe

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 03 - Part 02

    Tila nabingi naman siya nang dahil sa sinabi ng Tita Amelia niya."P-Pero po..."Sunud-sunod ang naging pag-iling sa kaniya ng Tita Amelia niya."They did everything, but..." His Tita Amelia then choked on her owm tears. "My son...""I'm sorry, Tita. I'm sorry."Inalalayan niya ang Tita Amelia niyang umupo sa isa sa mga upuan sa lobby. Hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang mga nangyari.How? His bestfriend...he's gone. They were just talking on the phone this morning. Why does this have to happen?Agad na tinuyo ng Tita Amelia niya ang mga luha nito at tumayo."I need to be strong for my Rienne. She is the only one I have now."His Tita Amelia made her way towards where Adrienne is so he just followed her. Sakto namang lumabas ang attending physician ni Adrienne at sinalubong nila ito."H-How's my daughter, Dr. Romulo?""We successfully took out all the glasses which pierced on he

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 03 - Part 01

    "Babe, sunduin mo ako dito sa bahay, please? Mall tayo? May rainy day sale e. At saka kailangan ko nang bumili ng bagong sapatos, babe."Hindi maiwasang mapabuntong-hininga ni Andro pagkabasa sa text ng girlfriend niyang si Elise. He looked out the window and saw that it is still raining hard. Ayaw lumabas ni Andro ng bahay dahil delikado at madulas ang daan.But what can he do? Kung hindi niya pagbibigyan si Elise, siguradong mag-aaway na naman sila. He is already too stressed with his studies and arguing with his girlfriend will just add up to his worries. Kaya labag man sa kalooban niya, pagbibigyan niya na lang ito, kahit pa parang ginagawa na lang siya nitong ATM machine na puwedeng pag-withdraw-han ng pera anumang oras nitong gustuhin.He got up and wore his jacket. He made no move to wear fancy clothes because they are only heading to the mall and besides, it is raining really hard. Nang kukunin niya na ang susi sa desk niya ay may nahagip ang mata

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 02

    "Sumabay ka na kaya sa amin? Malapit nang mag-6 pm o. Ipapahatid ka muna namin sa inyo, Andro."Napatingin si Andro kay Adrian nang sabihin nito iyon. Tumingin din siya sa labas ng classroom nila at nakita niya ngang kahit hindi pa gabi ay madilim na ang langit. Currently, it is raining cats and dogs and ten minutes ago, their family driver informed him that their car's engine failed. Kaya raw baka ma-late na ito sa pagsundo sa kaniya.He looked at his wristwatch and saw that it is five to six. Bumuntong-hininga siya at isinukbit na ang bag niya."Okay. Sorry for the hassle, man. Malayo pa naman ang bahay namin sa inyo.""Not a problem at all. Tara na."Naglakad na sila papuntang gate ng school. Sobrang lakas pa rin talaga ng ulan. Bago niya makalimutan, tinawagan niya na muna ang driver nila at sinabi niya na lang na ihahatid na siya nina Adrian.When he got inside the car, he saw Adrienne who was busy with something on her phone.&nbs

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 01 - Part 02

    Hindi mahirap hanapin ang kuwartong iyon dahil iyon lang ang tanging pinto na kulay pink. Napangiti at napailing pa siya nang makitang may nakapaskil na 'keep out of Adrienne's room' na yari sa pinunit na pad paper at medyo magulo ang pagkakasulat.Bahagyang nakabukas ang pinto pero kumatok pa rin siya."Hello? Adrienne?"Walang sumagot kaya napagdesisyunan niya nang buksan ang pinto nang tuluyan para makapasok. He is welcomed by a really girly room. All the stuff in there were pink or purple in color. Talagang babaeng-babae.Nilibot niya ang paningin at sa isang sulok ay nakita niya ang isang batang babae. Nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha nito. Andro went near her and saw that she is playing with girly stuff like makeup, bags, and shoes. Laruan ang mga iyon."Hey, Adrienne. Pinatawag ka sa akin ng mommy mo. Kakain na raw tayo sa baba."She didn't even look at him and just continued playing with her toys. Sasabihin niya

  • The Way She Said Goodbye   Special Chapter 01 - Part 01

    "Do we really have to go there, Mom?" Hindi mapigilang mainis ni Andro nang sabihin sa kaniya ng mommy niyang pupunta raw sila sa bahay ng kaibigan nito. Nanonood siya ng paborito niyang anime at ayaw niya talagang lumabas ngayong araw na `to. Mas lalong ayaw niyang sumama dahil ang pupuntahan nila ay ang bestfriend ng Mommy niya, ang Tita Amelia niya. Siguradong aabutin na naman ng oras-oras bago matapos ang kuwentuhan ng mga ito. Whenever Tita Amelia visits their house, she and his mom could actually talk to each other for several hours, non-stop. At talagang minsan ay inaabot na ito ng gabi. Kaya nga kinakabahan siya ngayong pupunta sila sa bahay ng mga ito. How many hours would it take his mom and his Tita Amelia as they catch up with each other? "Mom, can't I just stay here? Kahit ito na lang po ang gift niyo sa akin. Please?" Andro said in his unusually sweet voice. Saglit lang siyang tinapunan ng tingin ng mommy niya at bumalik na ito sa

  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 38

    "Happy 70th anniversary, my eternal sunshine."Andro buried his face in his hands and wept like how he did these past few days. Limang araw na ang nakalipas mula nang bawiin sa kaniya ang asawa. Limang araw na rin siyang parang unti-unting pinapatay. Mula nang mawala sa kaniya si Adrienne, wala na siyang ibang ginawa kundi matulog, umiyak, at pagmasdan ang mga larawan nitong naipon sa dark room niya.Iyong mga video at picture na lang ni Adrienne ang tinitingnan niya araw-araw. Kung wala ang mga 'yon, baka hindi niya na gustuhing magising pa siya. Sa totoo lang, ayaw niya rin naman talagang magising sa araw-araw. Ang kaso, lagi niyang pinapaalala sa sarili niyang may responsibilidad pa siya bilang ama ni Soleia. Ang anak nila ni Adrienne ang ginagawa niyang motivation para sa araw-araw. Sa kaniya ito binilin ng asawa. Kaya hindi dapat siya magpadala sa lungkot.Pero talagang sa mga panahon ngayon ay sobrang sakit pa rin ng nangyari. Sariw

  • The Way She Said Goodbye   Goodbye 37

    Bumuntong-hininga si Andro at lumunok. He wanted to cry at this very moment. But no. He has to reign himself. Hindi siya puwedeng mag-breakdown sa ngayon. He still needs to tell that beautiful story to her."So iyon nga. Alam ng binatang nagluluksa ang batang babae, kaya sinamahan niya ito. Hindi niya ito iniwan. Inalagaan niya ito at sinamahan hindi lang dahil sa parang naging responsibilidad niya na rin ito. He stayed with her because he wanted to do so. Hanggang sa isang araw, naramdaman niyang may nag-iba na sa pakikitungo noong babae sa kaniya."He paused for a while as he reminisced that moment."Hindi siya manhid para hindi malamang nagkakagusto na sa kaniya ang babae."Napangiti siya pagkabanggit noon. Hindi niya rin maiwasang mas bumilis ang tibok ng puso niya habang ikinukuwento ang bagay na iyon sa asawa niya."Masayang-masaya ang binata. Kaso, natakot siyang baka kaya ganoon ang pakikitungo sa kaniya noong babae ay dahil nakikita

DMCA.com Protection Status