Kasulukuyan silang nasa club dahil doon sila nag-celebrate ng kaarawan ni Ivo. Nakasuot siya ng simpleng dress na fitted. Iilan lamang ang inimbitahan ni Ivo kaya kukunti lamang sila sa mesa. Naroon ang mga kaibigan ni Ivo pati ni Shania. Naroon din sina Amy at Vanessa na hindi rin nagpahuli. Nasa pinakadulo silang tatlo dahil sa totoo lang sampid lang naman sila roon. Ayaw pa sana niyang pumunta subalit nagpumilit ang dalawa pati na si Manang na sumama sa dalawang mag-asawa. Si Ivo naman ang nag-insist kaya wala siyang magagawa, birthday boy eh. “Sino naman itong mga magagandang dilag na kasama niyo Ivo? Ipakilala niyo naman kami lalo na iyong babae sa dulo?” masiglang saad nong isang lalaki. Siya iyong kuwela sa barkada, napapansin niya. Kumindat ito sa kaniya kaya bigla siyang nailang. Pogi naman ito pero mas pogi naman si Ivo. Napailing siya ng ulo. “Ah, Hector, this is Amy, Vanessa and… Gianna. Mga kasambahay namin iyan, mga dalaga pa naman at kasing-edad natin kaya sinama na n
Ilang segundo ring tumahimik nang magsalita si Bryan. “Hi,” ngiting bati niya kay Shania. There’s something off talaga sa mga tinginan nila pero hindi na lang niya iyon pinansin, maybe namamalikmata lang siya. “Hello…” Lumapit siya kay Ivo at nginitian ang lalaki. “Bakit ka naman nawala sa dance floor? Hininap kita roon, narito ka lang pala,” malambing na saad ng babae sa asawa niya. “Alam mo namang I don’t like dancing, Babe ‘di ba?” natatawang saad ni Ivo sa asawa niya. Kita niya ang pagnguso ng babae sa kaniyang asawa ay niyakap ang braso ng lalaki, sinandal rin ang ulo nito sa balikat. “Pasensiya na kayo, may pagka-malambing din kasi itong asawa ko kaya ganito,” saad niya sa kanila kaya tango at matamis na ngiti lang ang binigay niya. “I know…” Biglang napalingon ang lahat kay Bryan dahil sa sinabi nito. “I mean, totoo naman na malambing si Shania, kahit sa trabaho ay gano’n siya,” wika ni Bryan na nakangiti. Kita niyang sinamaan ni Shania ng tingin si Bryan, napaiwas ng ting
“Mabuti na ang kalagayan ng bata, painumin niyo lang siya ng gamot, magiging okay na rin ito kinabukasan,” saad ni Doctor Mendez sa kanila ni Ivo. Hindi kasi mapakali ang lalaki kaya pinatawag nito ang family doctor nila. “Maraming salamat po, Doc Mendez,” saad ni Ivo. Tinanguan niya ang Doctor at nagpasalamat din. “Sige, mauna na ako sa inyo,” sagot nito at agad na umalis sa kwarto ng kambal. Sinundan siya ni Manang para siguro ihatid ang Doktor sa labasan. "Okay na si Avery, ako na ang magbabantay sa kaniya kaya you don't need to stay here. It's your birthday kaya mag-enjoy ka…" Kinuha niya ang kumot ng kaniyang anak at itinakip sa katawan nito. Ang himbing-himbing ng tulog nito animo'y sobrang payapa ng pakiramdam at walang sakit na nararamdaman. Napangiti siya nang kumunot ang noo nito siguro ay nananaginip. Napalingon siya kay Gavin na ngayon ay nakadungaw lamang sa gilid ni Avery, seryosong sinusuri ang kaniyang kapatid. Hinawakan niya ang ulo nito at hinimas. "Baby, matulog
Inis na inis si Shania dahil sa sobrang selos. Hindi niya akalaing mas pipiliin pa ni Ivo ang mga anak nito sa babaeng iyon kaysa sa kaniya na asawa niya. Hanggang sa pagpunta sa kaniyang photoshoot ay nakabusangot pa rin siya."Oh, Shania bakit nakabusangot ka na naman diyan? Hindi ba kakabati lang niyo ng asawa mo?" tanong ng manager niya sa kaniya. Huminga siya ng malalim at napaiwas ng tingin. Naiiyak siya sa frustrations, hindi niya alam kung paano nga ba mawawala sa landas niya ang mag-iinang iyon. Gustuhin man niyang masolo si Ivo ay hindi na puwede dahil laging nakabuntot ang kambal sa asawa niya. Isa pa nakagawa siya ng mali kaya mapait pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya. Oo, bati na sila ngunit alam niyang hindi pa rin siya mapatawad ni Ivo. Ayaw na ayaw niya talaga ang magka-anak. Sobrang hate na hate niya ang mga bata. “Tangina kasing Gianna-ng iyan. Bakit kasi sinabi pa kay Ivo kagabi na may sakit ang kaniyang anak,” galit na kwento niya sa manager niyang si Rocky. A
Ilang araw na ang nakalipas noong narinig niya ang usapan nina Ivo at Shania sa labas ng kwarto ng kambal. As usual, hindi na naman niya nakikita si Shania na namamalagi sa loob, halos araw-araw kasi ay busy ito sa kaniyang pag-mo-modeling. Mas mabuti nga iyon para naman ay walang magmamaldita sa kaniya. Kapag kasi naroon ang babae ay minamalditahan pa rin siya nito at palaging inuutusan. Wala siyang choice kung ‘di ay sundin ang babae dahil pinapasahuran siya ni Ivo sa mansyon. Gusto na rin niyang umalis sa mansiyon ngunit hinihintay niya kasi si Ivo para buksan ulit ang topic na iyon. Sabi niya kasi ay naghahanap pa rin ito ng apartment, hindi niya alam kung totoo ba iyon dahil matagal na rin siyang naghihintay tapos wala. Naiinis na nga siya kay Ivo. “Mukhang nariyan na si Ma’am Shania. ang aga pa ah,” saad ni Amy kaya agad siyang sumilip sa labas, hindi niya lang iyon pinahalata baka pag-isipan naman siya ng masama, issue na naman. “Oo nga mukhang kasama ang manager niya. Lagot
Araw-araw ay naroon si Shania at Bryan. Hindi naman ito napapansin ng mga kasambahay nila kahit si Ivo ay hindi alam ang pagtataksil ni Shania sa kaniya.Gustuhin man niyang sabihin kay Ivo subalit paano? Gayong bukambibig lamang nito ang asawa niya kapag nakakausap niya. Kahit na nagkasagutan ang dalawa noong isang araw ay halos araw-araw ay hinahanap pa rin ng lalaking ang asawa nito. Kung kumusta na ito at balak pa nga niyang humingi ng sorry sa babae dahil kasalanan naman niya kahit na tinext nito si Shania na hindi ito makakabalik noong araw na nagkasakit si Avery. Gusto na nga niyang sigawan ang lalaki na— Tumigil na! Tumigil na sa pagsusuyo sa babaeng iyon dahil wala naman itong ginawa kung ‘di ay saktan siya at suyuin na naman niya. Tapos gagawa na naman ng kasalanan. “Sige na, Gianna. Kasalanan ko naman kasi eh kaya hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin sa akin si Shania. Halos hindi ko na nga siya nakakausap dahil ang sabi nito ay sobrang busy siya sa trabaho niya,” ani ni I
Kasalukuyan silang naghihintay kay Shania sa mismong lugar kung saan nila sinurpresa ang babae noon. Mag-aalas nuebe na ng gabi ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang babae. Halos minu-minuto ay tinatawagan ni Ivo ang number ng kaniyang asawa ngunit nakapatay lang ang cellphone ng babae.Huminga siya ng malalim at napalingon kay Manang na-disappointed din dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi ang babae sa mansion. Sigurado siyang nakay Bryan iyon dahil saan pa naman ito mamalagi kung 'di sa kalaguyo nito at nakita pa niya sila sa Mall na magkasama. Sobrang na-gui-guilty na siya sa lalaki. Gusto niyang sabihin ang lahat kay Ivo subalit paano? Baka hindi pa siya nito paniwalaan dahil kitang-kita naman ang pagmamahal ni Ivo sa bababe na kahit anong gawin nito ay okay lang kay Ivo. Napapailing siya."Mukhang hindi sumasagot si Shania, baka ay busy iyon sa trabaho niya subalit sobrang gabi naman na. Hindi na ito ang oras ng uwi ng babae lalo na asawa," bulong ni Manang sa kaniya
Sobrang lalang-lala na si Shania na halos araw-araw ay pinapapunta nito ang kaniyang kalaguyo na si Bryan sa mansion. Simula sa pag-alis ni Ivo sa mansion ay nakaabang na si Bryan sa labas para pumasok sa loob hanggang sa ilang oras din silang nasa kwarto at alam niyang may ginagawang milagro. Mabuti na lang at hindi nito nakikita ng kambal ang pinaggagawa ni Shania. Siguro sinasakto rin ng babae na hindi sila mahuli dahil baka magsumbong ang kambal kay Ivo. “Gaga, lumalala na talaga si Ma’am Shania. Halos wala na itong pakialam kung makita man natin silang m********n kung saan. Palibhasa hindi tayo sumusumbong kay Sir Ivo.” Napatingin siya sa dalawang marites na katabi niya habang nasa garden sila nagdidilig ng halaman. “Ikaw na lang kaya Gianna ang magsumbong. Tutal close na rin naman kayo na, Sir at may past pa kayo baka paniwalaan ka noon,” saad ni Amy sa kaniya. Ngumiwi siya sa suhestyon nito ngunit nagulat na lang siya nang binatukan ito ni Vanessa. Masaya rin naman kasama a
Kabanata 38 Ilang araw ring nanatili si Ivo sa lugar ni Keanna. Tansa nga ng lalaki, tatlong araw siyang natulog sa kan’yang kotse bago siya pinahintulutang pumasok at matulog ng mga magulang ni Keanna sa bahay nila. Okay lang naman sa kan’ya iyon at naiintindihan niya, naalala pa niya ang paguusap nila ng tatay nito. Ni hindi nga siya nakaramdam ng takot at kaba dahil siya naman ang boss ng kanilang kompanya ngunit sa pagkakataong nakausap niya ang tatay ni Gianna, roon lang niya naramdaman ang takot at kaba. Takot na baka hindi siya tanggapin at baka pagmumurahin siya ng ama ng babae pati na ang kaba na baka sabihin nitong layuan niya ang anak nito. Napahinga siya ng malalim at napapikit, tila ba inaalala ang pag-uusap nila ‘nong nakaraan. “Maupo ka.” Iyan ang unang sinabi ng ama ni Gianna sa kan’ya, sa pagbuka pa lang ng bibig ng matanda ay bigla na lamang kumabog ng mabilis ang dibdib niya. Malugod niya naman itong sinunod at umupo sa harapan nito. Nasa labas ang matanda’t na
Ivo Vontobel Ang totoo, matagal na niyang alam na niloloko lang siya ni Shania, hindi niya lang maamin ito sa sarili niya. She really loved her, iyon ang totoo. Minahal niya ito ng totoo, at sa pangalawang pagkakataon, binigo na naman siya ng babae. He acted that he doesn’t know everything, he tolerated his wife’s doing. Ni hindi nga niya kinonfront ito dahil alam niyang nagbago na ang babae. Yes, nagbago nga at alam niyang iniwasan na nito ang lalaking kasama nito palagi noon but everything changed nang dumating ang kan’yang mga anak at si Gianna. He was confused lalo na sa nararamdaman niya. He loves his wife, he’s sure of that but everytime he see Gianna and his children nakakalimutan niya ang asawa niya. Jerk man siya kung iisipin pero iyon ang nararamdaman niya. Matagal na siyang niloloko ng asawa but he’s blinded by his love or should he say he’s guilt. Alam niya kasing malaki ang effort ni Shaniah na mapaibig siya, ginawa nito ang lahat para lamang makalimutan si Gianna at
Walang nagawa si Ivo kung ‘di ang umalis sa bahay ni Gianna. Gusto pa sanang kausapin nito ang mga magulang ng babae ngunit pinilit talaga ni Gianna na huwag munang gawin iyon dahil alam niyang lalala lang ang lahat. Gusto niyang kausapin muna ang mga magulang para magpaliwanag. Nang pumasok siya sa kanilang bahay ay bumungad sa kan’ya ang magulang niyang seryosong nag-uusap. Nang makita siya nito ay agad na umupo ang mga ito ng tuwid. “Hindi ka namin pinalaking mang-aagaw Gianna kaya sana’y maintindihan mo kami ng ama mo. Ayaw ka lang naming masaktan, anak ka namin at malaki ang pagmamahal namin sa iyo lalo na sa mga apo ko. Kalimutan mo na ang lalaking iyon at alam kong makakalimutan din ng kambal ang ama nila.” Hindi niya alam kung ano nga ba ang sasabihin, gusto niyang tumutol. Gusto niyang sabihin na ayaw niyang kalimutan ang lalaki dahi mahal na mahal niya ito. “Alam ko ang mga tinginang iyan, Gianna. Hindi ako papayag na sumama kayo sa lalaking iyon, kapag ginawa mo iyan ma
“Ano ang nangyayari rito, Gianna? Sino iyang lalaking iyan?” Galit at pasigaw ang boses ng ama niya nang lumabas ito ng bahay. Kasama nito ang kan’yang ina na nakakunot din ang noo.“Sino iyan, Gianna?” tanong ng kan’yang ina kaya napangiwi siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, kinakabahan siya dahil sa ibinibigay na tingin ng kan’yang magulang sa kan’ya pati na kay Ivo. Napalingon siya sa paligid, kita niya ang pilit na pakiki-usyuso ng mga kapitbahay nila sa kanila.“R-Roon po tayo mag-usap, ‘Nay, ‘Tay, marami pong mga tao sa labas,” mahinahong saad niya sa magulang ngunit umiling ito.“Hindi! Rito tayo mag-usap, sino ang lalaking iyan?” madiing tanong ng kan’yang ama kaya napapikit siya. Magsasalita na sana siya ngunit naunahan siya ni Ivo. Lumapit ito sa kan’ya at hinawakan ang kan’yang kamay para pigilan.“Magandang um
“Alam mo ba, iyong anak ni Mela na si Gianna, umuwi na pala rito sa atin. Nakita ko kanina’t pinapaliguan ang dalawa niyang anak sa may poso nila. Makikiigib sana ako kaso namataan ko silang naliligo roon,” bulong ng isang matandang babae sa tambayan, mismo sa labas ng bakuran nila Gianna. Tinapik naman ng isang matanda ang babae kaya napa-aray ito.“Ano ka ba, marinig nga kayo, nasa harap kayo ng bahay nila,” saway ng isa kaya napairap ito sa kan’ya.“Ay kumare, totoo naman, nasaan kaya ang ama? Bali-balita rito na nabuntis daw iyan at tinakasan ng lalaki. Kawawa naman, maaga kasing naglandi eh, ‘yan tuloy ang napala,” natatawang sagot ng isa.“Mas malala pa nga ata ‘yong anak mo, Marites dahil kabit siya ni Kapitan Tarug!” Sumama ang mukha ni Marites sabay hampas sa kan’yang kaibigan na si Sharon.“Hoy! Mas maswerte pa naman ang anak ko dahil kahi
Mabilis silang nakauwi sa probinsya nila, kahit na naguguluhan ang kambal ay sumama na rin ito sa kan’ya. Wala siyang sinayang na oras dahil alam niyang magigising na si Ivo, Mabuti na nga lang ay hindi siya nahirapang maghanap ng masasakyan papunta sa probinsya nila. Ilang oras din ang byahe kaya pagod-pagod sila.Agad siyang nag-text kina Amy at Vanessa na ligtas silang nakauwi sa probinsya. Hawak-hawak niya ang dalawang anak niya palabas ng Bus. Huminga siya ng malalim nang maaninag niya ang bahay nila sa harap niya. Maganda ang bahay nila, sementado na ito at may tindahan sa harapan, bagay na ipinagmamalaki niya dahil kahit papaano ay may naipundar siya bilang manager sa coffee shop para sa mga magulang niya. Iyon nga lang ay kahig-isang tuka pa rin sila dahil may maintenance ang kan’yang ama. Lahat ng pinapadala niya ay nagagastos sa mga gamot ng kan’yang ama.Buong byahe ay kinakabahan siya, marami na rin ang sumasagi sa kan’ya
Nagising siyang may nakapulupot sa kan’yang bewang, nilingon niya iyon at nakita si Ivo na mahimbing ang tulog. Sa sobrang himbing ay napapahilik ito, dahan-dahan niyang inalis ang braso ng lalaki para makatayo siya.Ayaw niyang makita siya ng lalaking ganito dahil sobrang nahihiya siya. Hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin kay Ivo, pakiramdam niya maling-mali ang ginawa nila.Siya ang may kasalanan ng lahat kung pinahinto niya lang si Ivo ay baka hindi ito nangyari. Pa-ika-ika siyang naglakad palabas, maswerte siya’t hindi nagising ang lalaki. Pagod na pagod ito dahil madaling araw na rin sila natapos.Napapikit siya ng mariin, iba’t-ibang posisyon ang ginawa nila, tama nga ang lalaki, hindi siya nito tinigilan. Para silang lasing na lasing kahit hindi naman sila nakainom.Nasa wastong pag-iisip sila kagabi mind subalit sinunod pa rin nila ang init ng katawan.Sa pagbukas
Kabanata 31.3Simula noong araw na iyon ay hindi na niya nakita si Shaniah. Hindi na rin nag-cross ang landas nila at malaki ang pasasalamat niya roon dahil hindi hinayaan ng tadhana na magkita sila ni Ivo. Gabi na at tulog na ang lahat, si Ivo ay katabi ng kambal, pinapatulog ang mga ito samantalang siya ay nasa terrace ng hotel at nagpapahangin. Napangiti siya nang makita ang kislap ng karagatan na nagmumula sa Liwanag ng kalangitan. Bigla siyang nakaramdam ng kaginhawaan nang malanghap ang sariwang hangin. Unti-unting nawala ang ngiti niya nang maalala ang mga magulang niya. Malapit din sila sa karagatan at ganito ang ginagawa niya tuwing gabi bago matulog. Miss na miss na niya ang inay at itay niya, simula noong tumutongtong siya ng Maynila ay hindi na siya nakauwi. Ang minsang pangarap niya para sa mga ito ay nawala ng parang bola nang mabuntis siya ni Ivo at isinilang ang kambal. Kahit kunti ay nagpapadala rin siya ngunit alam niyang hindi iyon sapat para sa pamilya. Mabuti n
Kabanata 31.2 "Nanay! Ang ganda ng dagat, oh! Rito po tayo, langoy tayo roon!" masiglang sigaw ni Avery sa kan'ya habang hinihila siya ng bata kung saan. Nasa likod din nila ang dalawang mag-ama na kasalukuyang naglalakad at nakapamulsa. Tanging bikini lang ang suot niya't iyon ang nadala niya walasiyang choice kung 'di iyon ang isuot niya, alangan namang magpantalon siya ehnasa beach sila, baka pagtawanan lamang siya ng mga tao roon. Mabuti na lang atmay baon siyang floral cover up dress kahit papano ay natatakpan nito angkatawan niya. Ilang oras din silang nagbabad sa dagat, hindi mapalis ang kan’yang ngiti sa labi nang makitang tuwang-tuwa ang kan’yang kambal. Maluha-luha niyang tinitigan ang mag-aamang nasa harapan niya’t naglalaro. Ang pangarap niyang makita ang mag-aamang nagbo-bonding ay angtanging pangarap niya noon pa man. Hindi niya akalaing matutupad iyon. “Hindi maalis ang ngiti mo, Gianna. Masaya kami dahil masaya siSir Ivo ngayon, dahil iyon sa inyo ng kambal.