Napagod na ako sa paikot-ikot na paglalakad ng mabagal pero hindi ko pa rin matunton kung saan nakatayo ang aking mga magulang.
"Lauren, come here. We have a gift for you."
"Hanapin mo kami ng mommy mo, Sweetheart. Hindi mo makukuha ang surprise gift namin sa'yo kapag hindi mo kami nahanap."
I pouted my lips when I heard what my parents said. Binibiro ba nila ako? O baka nakalimutan nilang bulag ako at hindi ako basta-basta makakalapit kung nasaan man sila nakatayo.
Yes. You heard it right. Bulag nga ako. I was blind since I'm seven years old. Nabulag ako dahil sa isang aksidente na nangyari sampung taon na ang nakalilipas.
Naglalaro ako noon ng paper plane na ipinagawa ko pa kay daddy. Sa malawak na lawn ng bahay namin ako nakapuwesto kasi mahangin doon. At saka bawal talaga akong lumabas sa gate namin dahil malapit lamang ang bahay namin sa tabi ng kalsada. May paparating yata na bagyo kaya mas malakas ang hangin nang araw na iyon kaysa sa mga ordinaryong araw lamang.
Eksaktong dumaan ang medyo may kalakasang hangin paghagis ko ng aking paper plane. The wind took away my paper plane and it landed near to our gate. Tumakbo agad ako para kunin ang aking laruan sa takot na baka liparing muli iyon ng hangin at mas mapadpad pa sa malayo. When I was about to stand up a car suddenly crashed to our gate. Sobrang lakas ng pagbangga ng sasakyan sa gate namin kaya lumikha iyon ng napakalakas na ingay. Sa sobrang pagka-shocked ko sa aking nakita ay bigla na lamang akong nanigas sa aking kinatatayuan habang nanlalaki ang aking mga mata. Naramdaman ko ang panginginig ng buo kong katawan sa sobrang takot. I wanted to run fast but I couldn't move my legs. Parang dumikit na ang mga paa ko sa lupa na ayaw nang maalis sa kinatatayuan. At ang tanging nagawa ko na lamang ay mapamulagat habang nakatingin sa mga maliliit na bahagi ng nabasag na salamin ng windshield na lumilipad papunta sa akin.
Tumakbo ang daddy ko para kunin ako at ilayo sa harap ng gate at para rin hindi ako tamaan ng mga nabasag na salamin ngunit huli na. Tinamaan na ako sa mukha ng mga maliliit na bahagi ng nabasag na salamin. At ang mas masakit ay pumasok pa iyon sa mga mata ko. Napasigaw ako ng malakas sa sobrang sakit na aking naramdaman. Tinakpan ko ng nanginginig at maliliit kong kamay ang aking mga mata na punong-puno na ng aking dugo. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay bigla na lamang akong hinimatay.
When I woke up I was already inside the hospital with a bandage covered my whole face. Umiyak ako ng malakas dahil hanggang nang mga oras na iyon ay nararamdaman ko pa rin ang takot sa aking puso. Pero hindi ako pinayagan ng doktor na umiyak. Sabi niya ay makakasama raw sa mga mata ko ang luha at baka maapektuhan ang paggaling ng mga mata ko. Kaya kahit gusto ko pang pumalahaw ng malakas ay pinigilan ko ang sarili ko. Gusto ko yatang gumaling, 'no. I already missed my bed, my pillows and my blanket.
Umabot ng halos dalawang Linggo bago tuluyang gumaling ang mga sugat ko sa mukha at sa aking mga mata. At nang araw na inalis ang benda sa aking mukha at mga mata ay natuklasan ko na hindi na ako nakakakita. Wala akong makita kundi pawang kadiliman lamang kahit pa nakamulat naman ang aking mga mata.
Niyakap ako ng mga magulang ko habang sinasabayan nila ako sa pag-iyak. Napakabata ko pa para mabulag. At ang mas masakit ay tumakas ang taong nagmamaneho sa kotse na bumangga sa may gate namin na naging dahilan ng aking pagkabulag.
"Mommy naman, eh. Alam n'yo naman ni Daddy na kahit matagal na akong hindi nakakakita'y hindi ko pa rin magawang kabisaduhin ang loob nitong bahay natin," nakasimangot kong wika sa kanya.
Paano ko naman kasi makakabisado ang bawat sulok ng bahay namin, eh, lagi silang nakaalalay sa akin kapag lumalabas ako ng kuwarto ko. Kung wala naman sila ay ang kasama namin sa bahay na si Nana Violy naman ang palaging umaalalay sa akin. Kaya hindi ko talaga makakabisado ang mga dapat daanan at lakaran ko sa loob ng bahay namin nang hindi ako bumabangga sa mga gamit na nasa loob ng bahay.
"Nandito lang naman kami sa tabi mo, Sweetheart," bulong sa akin ng daddy ko. "Sweetheart" ang tawag sa akin ni Daddy. At gustong-gusto ko naman na iyon ng tawag niya sa akin. Daddy's girl kaya ako. Close kami ng mommy ko siyempre pero feeling ko mas close pa rin ako kay Daddy kaysa kay Mommy.
"Ngayon ay nandito na kayo ni Mommy sa tabi ko pero kanina ay wala," naaamoy ko na ang pabango ng mommy at daddy ko kaya alam kong nasa malapit na sila sa akin ngayon.
My family loves vanilla lace from Victoria's Secret. Kaya kapag nakaamoy ako ng amoy vanilla lace, eh, siguradong ang mommy o ang daddy ko ang nasa tabi ko o malapit lang sa akin.
Mabagal lamang ang ginawa kong paglalakad habang sinisinghot-singhot ko ang amoy ng vanilla perfume sa hangin na siyang magdadala sa akin papunta sa kinalalagyan ng mga magulang ko. Habang naglalakad ako ng mabagal ay bigla na lamang akong bumangga sa isang malambot na bagay na amoy vanilla flavor din.
"Woah! What is that, Dad?" nagulat kong tanong.
"Here is our birthday gift to you, Lauren," Mom said. "Happy seventeenth birthday, Iha."
Kinapa-kapa ng kamay ko ang malaki, malambot at amoy vanilla flavor na iniaabot sa akin ng mga magulang ko.
"A teddy bear?" hula ko nang makapa ko ng mabuti ang regalo nila sa akin. It's my seventeenth birthday today. My parents wanted to gave me a big birthday celebration but I refused them. I just wanted to celebrate my birthday together with them. And also I don't have friends. Kaya sino naman ang iimbitahin ko para um-attend sa party ko?
"It's a human size teddy bear. At magmula ngayon ay makakasama mo na palagi si Teddy kapag wala kami ng mommy mo sa tabi mo. At kapag niyayakap mo siya ay parang kami na rin ng mommy mo ang kayakap mo. I love you so much, Sweetheart."
"Oh, you're really sweet, Dad," niyakap ko ng mahigpit ang daddy ko. "And I love you too. Of course, I love you too, Mom. And I really really love this gift," madamdamin kong pahayag habang nakayakap ako kay daddy.
"Pasali naman ako d'yan. Payakap din," ani Mommy na tila nainggit na si Daddy lang ang yakap ko.
Natawa na lang kami ni daddy sa reaksiyon ni Mommy. Pagkatapos ay niyakap din namin siya kaya naging tatlo na kami na magkakayakap. Family hug, 'ika nga. Athough I'm already blind I feel that I'm still blessed. Because having a loving and caring parents beside me was the great blessing in my life.
Ang taba-taba ng puso ko sa mga oras na ito. My parents loved me so much as much as I love them. Kahit walang malaking handaan sa birthday kong ito ay masayang-masaya pa rin ang pakiramdam ko. Ang presensiya at pagmamahal ng mga magulang ko ay sapat na para maging masaya ako.
Dahil sa pagmamahal nila ay nakaya kong harapin at tanggapin ang katotohanan na kahit kailan ay hindi na ako makakakita pang muli. Na hindi ko na makikita ang magagandang tanawin na madalas naming pasyalan nina mommy at daddy kasama si Nana Violy na itinuturing na nilang miyembro ng kanilang pamilya, ang mga magagandang kulay sa paligid ko, ang paborito kong palabas sa Disney Channel at ang higit sa lahat ay hindi ko na makikita pang muli ang mukha ng mga taong nagmamahal sa akin.
Pero dahil sa pagmamahal na ipinakita ng mga taong nasa paligid ko lalong-lalo na nang aking mga magulang kaya unti-unti ko ring natanggap ang masaklap na sinapit ng aking mga mata. Masaya na ako kahit ganito ang kalagayan ko. Pero siyempre mas magiging kumpleto ang aking kaligayahan kung makakakita akong muli.
##
Dahil birthday ko sa araw na ito kaya lahat ng oras ng mga magulang ko ay para lamang sa akin. Malayo pa lang ay ipina-clear na agad ni daddy sa kanyang secretary ang lahat ng mga schedules niyo sa araw ng aking birthday. Ganyan nila ako kamahal.
Dinala ako nina Mommy at Daddy sa isang amusement park. Kahit na hindi ko nakikita ang buong paligid ay alam ko pa rin na maraming tao na namamasyal doon dahil sobrang ingay ng buong paligid. Ang lahat ng mga taong naroon ay nagsasaya. So, dapat magsaya na rin kami.
Niyaya kong sumakay sina Mommy at Daddy ng ferris wheel, caterpillar at siyempre, ang paborito kong ride na carousel. Kahit ayaw ni Daddy na sumakay ng ferries wheel at caterpillar dahil nahihilo raw siya ay pinilit pa rin niyang sumakay para sa akin. Kaya naman talagang tuwang-tuwa ako. Nagpicture-picture rin kami sa picture booth na naroon. Kumain ng ice cream, cotton candy at naglaro sa mga parlor game.
Nararamdaman ko na maraming mga mata ang nakatutok sa amin lalong-lalo na sa akin pero hindi ko nalamang iyon pinapansin. Siguro'y nagtataka sila kung bakit ang isang bulag na katulad ko ay naroroon sa lugar na para lamang sa mga taong nakakakita. But I don't care what they thought about me. All that matters to me right now was the feeling of happiness that I felt while I am with my family
Pagkatapos naming mamasyal sa amusement park ay kumain muna kami sa isang Italian restaurant na si Daddy ang pumili. Nagpa-take out na lang kami para kay Nana Violy. Hindi kasi siya napilit ng parents ko na sumama sa aming mamasyal dahil umatake raw ang kanyang rayuma. Kaya hindi na lang namin siya pinilit na sumama sa amin.
Hindi na rin kami nagtagal sa restaurant dahil pagod na kaming tatlo lalong-lalo na ako. Kaya pagkatapos naming kumain at at makuha ang take out naming pagkain ay agad na rin kaming umuwi. Sa sobrang pagod ko sa pamamasyal ay nakatulog ako sa loob ng sasakyan. Nang makarating kami sa bahay namin ay binuhat na lamang ako ni Daddy sa pag-aakalang tulog pa rin ako. Hindi na ako nag-abala pa na imulat ang aking mga mata. Natatamad na rin naman akong maglakad kaya hinayaan ko na kargahin na lang ako ni Daddy hanggang sa loob ng aking kuwarto. At saka gusto ko rin ang pakiramdam na kinakarga niya ako. Pakiramdam ko'y parang bumalik ako bigla sa pagkabata.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatulog ngunit bigla akong nagising nang marinig ko ang malakas na tunog ng nabasag na kung anong babasagin mula sa labas ng aking kuwarto. Naisip ko na baka hindi sinasadyang natabig ni Nana Violy ang isa sa mga babasaging flower vase ni Mommy. Ang tunog ng nabasag na flower base ay nasundan ng kung ilang beses.
I planned to ignored it but the sound of the broken vase was so loud that I couldn't sleep even if I want to. Out of curiousity, bumangon ako sa kama at mabagal na naglakad papunta sa pintuan ng kuwarto ko. Binuksan ko ang pintuan ng aking kuwarto at inilabas ang aking ulo.
"Mom, Dad? What's going on?" no one answered my question so I decided to go out and find out what happened. "Mom? Dad? Nana Violy? Where are you guys? What was that noise about?"
Nang wala pa ring sumasagot isa man sa mga tinawag ko ay mas lalong lumaki ang aking pagtataka. Tila masyado yatang tahimik ang buong kabahayan.
Ano ba ang nangyayari? Did I just dreamed the noise that I heard just now? Naguguluhan kong tanong sa aking isip. Masyado kasing tahimik ang buong bahay na tila ba mahimbing ang pagkakatulog ng mga taong nakatira sa bahay nila. Siguro nga'y panaginip lamang ang narinig kong iyon kanina.
Maglalakad na sana ako pabalik sa aking kuwarto nang bigla akong makarinig ng mahinang ungol ng isang tao na para bang may nakapasak na kung anong bagay sa bibig nito kaya hindi makapagsalita.
"Mom? Dad? Kayo ba 'yan?" kinakabahan kong tanong. Muli akong nakarinig ng ungol. Sa pagkakataong ito ay malakas na ang ungol kaya nakilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng ungol na iyon. It was my mother's voice. Sa pandinig ko ay parang nasa harapan ko lamang nagmumula ang ungol niya.
Hindi ako maaaring magkamali. Boses talaga ni Mommy ang narinig ko at tila malapit lang sa akin ang kinaroroonan niya. Pero bakit hindi siya makapagsalita? Bakit siya umuungol? At nasaan sina daddy at Nana Violy? "Mom? Ano'ng nangyayari sa'yo? Can you please talk to me, Mom?"
Nang wala na akong marinig na ungol mula kay Mommy ay bigla akong nag-panic. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Para bang gustong lumabas ng puso ko sa aking dibdib sa sobrang lakas ng pagtibok niyon. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Baka may hindi magandang nangyari na sa mommy ko. Huwag naman sana. Nasaan ba kasi sina Daddy at Nana? Bakit hindi nila marinig ang pagtawag ko sa kanila?
Maingat ngunit may pagmamadaling tinalunton ko kung saan nagmula ang ungol ni Mommy na narinig ko. Nakakaapat na hakbang pa lamang ako nang bigla akong napatili ng malakas. Paano ba naman hindi ako mapapatili, eh, bigla akong natalisod at bumagsak sa malambot na katawan ng isang taong nakahandusay sa sahig.
Akmang babangon na ako mula sa pagkakadapa sa sahig nang maamoy ko sa taong nakahiga sa sahig ang pabango naming tatlo nina Mommy at Daddy. Maliban sa akin ay ang mga magulang ko lamang ang tanging gumagamit ng vanilla flavor na perfume dito sa aming bahay. At dahil boses ni Mommy ang narinig ko kanina na umuungol kaya siya agad ang naisip ko na siyang nakahiga sa sahig at tila walang malay.
"Mom—" Napahinto akong bigla sa pagsasalita at sa binabalak ko sanang pagyugyog sa kanya nang hindi sinasadyang nakapa ng aking kamay ang isang kutsilyo na nakatarak sa dibdib ng mommy ko. Nanlaki ang aking mga mata. Doon na talaga ako lalong nagpanic. "Oh my God! Mommy! Gumising ka, Mommy. Daddy! Nana Violy! Tulungan n'yo si Mommy! Daddy!"
Kahit gaano pa kalakas ang ginawa kong pagsigaw at paghingi ng tulong ay walang kahit sino ang lumapit at sumaklolo sa amin. Hindi ko na napigilan ang sarili kong pumalahaw ng iyak. Lalo pa at tila wala ng buhay ang katawan ng mommy ko. Sa unang pagkakataon magmula nang mabulag ako ay ngayon ko lang naramdaman na wala akong silbi. I'm helpless and totally useless.
No! Hindi ito ang mommy ko. Hindi ang mommy ko ang taong nakahiga ngayon sa sahig at may nakatarak na kutsilyo sa dibdib. Hindi pa patay ang mommy ko. Hindi. Hindi ko matatanggap na mawawala ang mommy ko.
Tila wala ako sa sarili ko nang binunot ko ang kutsilyong nasa dibdib ni Mommy at basta na lamang binitiwan. Pagkatapos ay niyakap ko ng mahigpit ang katawan niya habang patuloy sa pag-iyak ng malakas. Wala akong pakialam kahit nahihilamusan na ng dugo mula sa kanyang sugat sa dibdib ang mukha ko. Pakiramdam ko ay nagsisikip ang dibdib ko dahil sa sobrang pag-iyak at pagdadalamhati. Mayamaya lamang ay hindi na ako makahinga hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
WHEN I woke up I was already inside the hospital lying in a hospital bed with a bandage covered in my eyes. I heard two familiar voices talking near me."Paano natin sasabihin kay Lauren ang lahat? Baka hindi niya matanggap kapag nalaman niya ang nangyari.""She has the right to know what happened to her family, Ate Lina."Hindi ako nakatiis at sumabad agad ako sa pag-uusap nilang dalawa. "Tita Lina, Uncle Favlo. Ano ba ang pinag-uusapan ninyo? Bakit ako nandito sa ospital? At bakit may benda itong mga mata ko?" magkakasunud-sunod kong tanong sa dalawang taong nag-uusap. Nagulat yata sila sa biglaan kong pagsasalita kaya parehong nanahimik.Si Uncle Favlo na bunsong kapatid ni Daddy ang unang nagsalita. Tumikhim ito ng mahina para ma-alis ang tila bara sa lalamunan nito. "Lauren, huwag ka sanang mabibigla sa ipagtatapat namin sa'yo." huminto ito sa pagsasalita at huminga ng malalim. Mag-iisang minuto na yata ang nakalilipas ngunit hindi pa nito itinutuloy
Dahan-dahan lamang ang ginawa kong pagmulat sa aking mga mata. Nang tuluyan kong naimulat ang dalawa kong mga mata ay nabigla ako sa aking natuklasan. Nakakakita na ako!"Doktor? Uncle Favlo? Nakakakita na ako. Nakakakita na akong muli, Uncle Favlo!" tuwang-tuwa na pagbabalita ko sa dalawang lalaki na parehong hindi makapagsalita."Totoo ba ang narinig ko? Nakakakita ka nang muli, Lauren?" hindi makapaniwalang tanong ni Tita Lina na kapapasok pa lamang sa nakabukas na pintuan ng kuwarto. Halatado sa hitsura niya ang labis na pagkagulat subalit may halong kasiyahan.Bumaba ako sa ibabaw ng kama at patakbo ko siyang niyakap. "Nakakakita na akong muli,Tita. Hindi na ako bulag!"Napaiyak ako sa sobrang kasiyahan; nakakakita na akong muli. Ten long years that I lived in the dark. Gano'n katagal akong namuhay na puro kadiliman lamang ang aking nakikita. And now, my suffering was finally over.Ku
Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kulay abuhing mga mata ng lalaking tumulong sa akin para hindi ako tuluyang matumba. He has a pair of beautiful gray eyes. It's my first time to see a person who own a pair of gray eyes. Kahit no'ng hindi pa ako nabubulag ay hindi rin ako nakakita pa ng mga matang katulad ng lalaking may hawak sa akin. For me, it was really amazing and pleasant to my eyesight. Maybe it's the reason why I couldn't speak while staring at his eyes. I've got mesmerized by his gray eyes. Tinalo ng abuhin niyang mga mata ang kulay dark chocolate kong mga mata."Are you okay, Miss?"may pag-aalalang tanong sa akin ng lalaki. Katulad ko ay hindi rin niya maalis-alis sa aking mukha ang kanyang paningin. Hindi ko alam kung nagagandahan siya sa akin o nagtataka lang kung bakit hindi ako nagsasalita at nananatiling nakatunganga lamang sa kanya. "Hey, Miss? Are you okay?"Medyo napalakas na ang kanyang boses kaya bigla a
It's almost three months since my parents both died. At tatlong buwan na rin na nagkukulong lamang ako sa kuwarto ko. Wala akong ginawa kundi ang umiyak, matulog, at alalahanin ang mga masasayang sandali na kasama ko sila. Hirap na hirap talaga akong makapag move on. I missed my parents so much. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa sobrang pagka-missed ko sa kanila.Magtatatlong buwan naman na hindi na ako nagkaroon ng vision. Maybe, my Tita Lina was right. My vision was not true. That Nana Violy's death and the one I saw in my mind were just a coincidence.Magtatatlong buwan na rin na pabalik-balik si Tita Lina dito sa bahay ko. Yes. This house was already mine. I don't know how did it happened but my parents already had a will and testament ready. As if they already knew that they were gonna die early so they already transfered all their properties to my name including this house. In other words, I'm a multi-millionaire now, 'cause I inh
"Are you ready to go, Lauren?" mula sa labas ng aking kuwarto ay narinig ko ang tanong na iyon ni Uncle Favlo."Opo, Uncle. Ready na po ako," malakas kong sagot kay Uncle Favlo. Bago ako tuluyang lumabas ng aking silid ay muli kong pinasadahan ang hitsura ko sa mahabang salamin na nasa gilid ng aking kama. Napangiti ako nang makita kong maayos na ang aking hitsura. Mabilis kong kinuha ang aking bag at nagmamadali na akong lumabas."Hurry, Lauren. You should not be late on your first day of school," sermon niya sa akin habang papasok ako sa kanyang kotse. Ihahatid niya kasi ako sa school. Pero kung ako ang masusunod ay mas gusto kong mag-commute na lang papunta sa school kaysa ang magpahatid kay Uncle.Napasimangot ako. Ito ang unang araw ko sa school pero inuunahan na ng panenermon ni Uncle. Uncle Favlo became my legal guardian after my arents death. I really can't understand why the court chose to gave the custody of me t
It was my fourth day in school and I'm still happy. I met and talked a lot of friends inside our classroom. Mababait ang aking mga kaklase kaya lahat sila'y naging kaibigan ko agad kahit na bago pa lang ako dito sa school. At natutuwa rin ako dahil hindi na ulit ako nagkaroon pang muli ng masamang pangitain. At mukhang hindi naman nagkatotoo ang aking naging pangitain kay Sarhento dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong nababalitaan na may masamang nangyari sa kanya. Pero nagtataka ako kung bakit hindi na siya bumalik no'ng araw na nagpunta siya sa bahay ko. Ang sabi niya'y may mahalagang bagay siyang sasabihin sa akin. Pero hindi naman siya bumalik."Hoy! Lauren!" panggugulat sa akin ni Cynthia. "Bakit nakatulala ka yata d'yan?"Umiling ako. Hindi ko pinansin ang kanyang panggugulat dahil hindi naman ako nagulat. "Ang tagal n'yo matapos ni James sa pagsagot ng test question. Nagugutom na tuloy ako sa kahihintay sa inyong dalawa."
Mauuna na akong umalis sa'yo, Lauren. My father just called me to remind me not to be late in our family gathering," paalam ni Cynthia sa akin habang inililigpit niya ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng kanyang desk.Binigyan ko siya ng nanunuksong ngiti. "Baka naman may date kayo ni James kaya pareho kayong maagang uuwi ngayon?" Si James kasi'y nauna nang umalis kanina at nagpaalam din sa kanya na may family gathering din daw itong pupuntahan.Cynthia rolled her eyes. "Almost one month na tayong tatlo na palaging magkasama rito sa school at hanggang ngayon ay hindi mo para nahahalata kung sino ang gusto ni James?""Bakit? Sino ba ang gusto niya? Kilala ko ba?" curious kong tanong."Ask yourself, Lauren. Are you sure that you really don't know who is the girl that James like?"Umiling ako. "Hindi, eh.""Manhid," mahinang bulong ni Cynthia pero umabot pa rin sa aking pandini
"Kanina pa tayo naghihintay dito sa may gate, Lauren. Mukhang hindi yata papasok ngayong araw si Luke," naiinip ang boses na sabi ni Cynthia.Nang umagang iyon ay agad kong sinabi sa dalawa kong kaibigan ang tungkol sa naging pangitain ko sa magiging kamatayan ni Luke. At agad din akong nagpasama sa kanila na maghintay kay Luke sa harapan ng gate para siguradong makausap ko siya sa oras na pumasok na siya. Pero ilang minutes na lamang ang natitira at mag-uumpisa na ang lesson para sa first subject namin ay hindi pa rin dumarating ang aking hinihintay."Baka naman may masama nang nangyari kay Luke, Cynthia. Baka nangyari na kaagad sa kanya ang naging pangitain ko kahapon," nag-aalalang sabi ko sa kanya."Ano ka ba naman, Lauren. Huwag kang mag-isip ng ganyan," sansala ni Cynthia sa hindi magandang ideya na tumatakbo sa aking utak."Sabihin na nating nasabi mo nga kay Luke ang tungkol sa masamang pangitain mo tungko
"U-uncle Favlo, anong ginagawa mo rito?" hindi ko maintindihan ngunit kinabahan ako nang makita ko ang seryoso niyang anyo. Talagang nagbago na nga siya. Dati ay hindi naman siya nakakatakot at nakakailang kaharap na tulad ngayon. Ang bilis naman niyang magbago ng pag-uugali."Bakit? Hindi ba kita puwedeng dalawin at kamustahin?" nakapamaywang niyangg tanong sa akin "Nga pala, magmula ngayon ay dito na muna ako titira sa bahay na ito para mas matutukan kita ng mabuti."Tila iba ang naging dating sa akin ng mga sinabi niya. Parang may nais siyang ipakahulugan sa mga salitang binitiwan. Ngunit hindi na lamang aki nag-komento dahil natatakot ako na baka may masabi ako na hindi niya magustuhan."S-sige po, Uncle Favlo. Papasok na po ako sa kuwarto ko at magpapahinga," hindi pa man siya nakakasagot ay bigla ko na soyang tinalikuran. Nagmadali na akong pumasok sa loob ng aking kuwarto.Pagpasok ko sa loob
"Really? Pumasok sa loob ng bakuran mo ang taong gustong pumatay sa'yo?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Cynthia sa akin. Ikinuwento ko kasi sa kanila ni James ang nangyari. Tumango ako sa kanya. "Oo. Pumasok siya sa loob ng bakuran ng bahay ko pero hindi siya pumasok sa loob ng bahay. Parang sinilip lang niya kung natutulog na ba ako o kung gising pa ba. At saka hindi ako sure kung siya nga ang taong sumakal sa akin sa loob ng aking kuwarto sa ospital. Hindi ko naman kasi nakita ang mukha ng taong iyon kasi madilim. At ang taong pumasok kagabi sa bakuran ko ay wala namang ginawang masama." Kung nagtangkang pumasok kagabi ang taong iyon ay agad akong tatawag ng pulis. Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi naman siya nagtangkang pumasok sa loob ng bahay. Pagkalipas ng ilang minutong pagmamasid sa kuwarto ko ay lumabas na kaagad siya sa aking bakuran. Hindi yata naisarang maayos nina Cynthia at Ja
"Lauren, my gosh! Ano ba ang nangyari sa'yo at na-ospital ka? Kumusta" tanong ni Cynthia matapos humahangos na pumasok sa loob ng silid na kinaroroonan ko. Sa likuran nito ay sina James at Sancho na parehong bakas din ang pag-aalala sa mukha para sa akin.Sa mabilis na pagkukuwento ay nasabi ko sa kanila mula umpisa sa pagliligtas ko sa buhay ni Luke hanggang sa taong nagtangkang pumatay sa akin dito sa loob ng ospital. Nasa mukha ng tatlo ang hindi pagkapaniwala matapos nilang marinig ang aking kuwento."Ikaw ang may kasalan ng lahat ng ito," galit na bulyaw ni James kay Luke. Pagkatapos ay walang sabi-sabi na inundayan nito ng suntok sa mukha ang nabiglang si Luke. "Kung naniwala ka lamang kay Lauren umpisa pa lang nang sabihin niya sa'yo ang tungkol sa pangitain niya ay hindi na sana siya nasaksak ng lalaking iyon dahil sa pagliligtas sa buhay mo. At kung hindi siya nasaksak ay hindi siya maoospital at magagawang pagtangkaan
"Lauren, please be safe. Hindi ko kakayanin kong mawawala ka nang dahil sa akin. Because of my stupidity for not believing in you. I'm sorry, Lauren. I'm sorry."Dinig na dinig ko ang mga pinagsasasabi ni Luke sa akin dahil bigla akong nagkamalay habang nakahiga ako sa stretcher na de-gulong at itinutulak ng mga doktor papasok sa emergency room yata. Kahit na nakakaramdam ako ng sakit sa aking sugat at pagkahilo dahil sa dami ng dugong nawala sa akin ay nakuha ko pang magsaya. Masaya ako dahil sa aking mga narinig mula sa mga labi ni Luke. Bago ako muling nawalan ng ulirat ay nagawa ko pang pisilin ang kamay niya na nakahawak sa aking kamay.Nang muli akong pagbalikan ng aking malay ay nasa loob na ako ng isang private room ng ospital. Agad kong tinawag si Luke na nakatayo at inaayos ang mga prutas na mukhang bagong bili pa lamang."Lauren, gising ka na. May masakit ba sa'yo? Tell me and I wil
Hindi ako mapakali sa araw na ito. Hindi ko maintindihan kung bakit tila kinakabahan ako. Hindi tuloy ako makapag-focus sa itinuturo sa amin ng aming teacher. At hanggang sa natapos ang kalahating araw ng pasok namin ay walang pumasok sa isip ko ni isang aralin na itinuro sa amin ng mga teachers namin."May sakit ka ba, Lauren? Kanina pa namin napapansin na wala sa itinuturong leksiyon ng mga teachers natin ang isip mo," nag-aalalang tanong sa akin ni Cynthia nang lunchtime na."Hindi ko alam kung bakit, Cynthia. Pero kinakabahan ako. Na para bang may masamang mangyayari sa araw na ito," hindi mapakaling sagot ko. Mayamaya'y biglang pumasok sa isip ko si Luke. "Pumasok ba ngayon si Luke?""Si Luke na naman? Lagi na lang ang lalaking iyon ang nasa isip mo, Lauren. Wala naman siyang ginagawang mabuti sa'yo, eh," inis ang tono ng boses na wika ni James. Pabagsak na naupo ito sa upuang katab
Malayo pa ako sa gate ng school namin ay natatanaw ko na ang pigura ni Erika sa labas ng gate kasama ang dalawang alipores. Nakapamaywang ang babae sa labas at nanghahaba ang leeg na tila may hinihintay na dumating. At nahuhulaan kong ako ang hinihintay niya. Siguradong nakarating sa kanya ang tungkol sa nangyari kahapon. Absent kasi siya kahapon dahil kung nandito siya kahapon ay malamang na sinugod na niya ako.Ipinarada ko na lamang ang kotse ko sa gilid ng gate. Hindi pa nga ako nakakababa ng sasakyan ay nandito na si Erika at na parang susugod sa giyera ang hitsura."Lauren, bumaba ka diyan," narinig kong sigaw ni Erika habang kinakatok niya ng malakas ang salamin ng aking kotse.Inis na bumaba ako para kausapin siya. "Kahit hindi mo sabihin ay lalabas naman talaga ako. Paano naman ako makakapasok sa klase kung magtatago lamang ako sa loob ng kotse?" pilosopong wika ko sa kanya pagkalabas ko ng sasakyan ko
"Kanina pa tayo naghihintay dito sa may gate, Lauren. Mukhang hindi yata papasok ngayong araw si Luke," naiinip ang boses na sabi ni Cynthia.Nang umagang iyon ay agad kong sinabi sa dalawa kong kaibigan ang tungkol sa naging pangitain ko sa magiging kamatayan ni Luke. At agad din akong nagpasama sa kanila na maghintay kay Luke sa harapan ng gate para siguradong makausap ko siya sa oras na pumasok na siya. Pero ilang minutes na lamang ang natitira at mag-uumpisa na ang lesson para sa first subject namin ay hindi pa rin dumarating ang aking hinihintay."Baka naman may masama nang nangyari kay Luke, Cynthia. Baka nangyari na kaagad sa kanya ang naging pangitain ko kahapon," nag-aalalang sabi ko sa kanya."Ano ka ba naman, Lauren. Huwag kang mag-isip ng ganyan," sansala ni Cynthia sa hindi magandang ideya na tumatakbo sa aking utak."Sabihin na nating nasabi mo nga kay Luke ang tungkol sa masamang pangitain mo tungko
Mauuna na akong umalis sa'yo, Lauren. My father just called me to remind me not to be late in our family gathering," paalam ni Cynthia sa akin habang inililigpit niya ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng kanyang desk.Binigyan ko siya ng nanunuksong ngiti. "Baka naman may date kayo ni James kaya pareho kayong maagang uuwi ngayon?" Si James kasi'y nauna nang umalis kanina at nagpaalam din sa kanya na may family gathering din daw itong pupuntahan.Cynthia rolled her eyes. "Almost one month na tayong tatlo na palaging magkasama rito sa school at hanggang ngayon ay hindi mo para nahahalata kung sino ang gusto ni James?""Bakit? Sino ba ang gusto niya? Kilala ko ba?" curious kong tanong."Ask yourself, Lauren. Are you sure that you really don't know who is the girl that James like?"Umiling ako. "Hindi, eh.""Manhid," mahinang bulong ni Cynthia pero umabot pa rin sa aking pandini
It was my fourth day in school and I'm still happy. I met and talked a lot of friends inside our classroom. Mababait ang aking mga kaklase kaya lahat sila'y naging kaibigan ko agad kahit na bago pa lang ako dito sa school. At natutuwa rin ako dahil hindi na ulit ako nagkaroon pang muli ng masamang pangitain. At mukhang hindi naman nagkatotoo ang aking naging pangitain kay Sarhento dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong nababalitaan na may masamang nangyari sa kanya. Pero nagtataka ako kung bakit hindi na siya bumalik no'ng araw na nagpunta siya sa bahay ko. Ang sabi niya'y may mahalagang bagay siyang sasabihin sa akin. Pero hindi naman siya bumalik."Hoy! Lauren!" panggugulat sa akin ni Cynthia. "Bakit nakatulala ka yata d'yan?"Umiling ako. Hindi ko pinansin ang kanyang panggugulat dahil hindi naman ako nagulat. "Ang tagal n'yo matapos ni James sa pagsagot ng test question. Nagugutom na tuloy ako sa kahihintay sa inyong dalawa."