Chapter 2
Namangha si Anastacia nang makita ang mabulaklak na hardin na nilalakaran ng lalaking buhat-buhat siya. Iba ito sa driver, at nakasuot ito ng pormal na kasuotan. Nauuna sa kanila ang mag-asawang nakabili sa kanila. Inikot niya ang paningin at tanging ang malaki’t nakamamanghang mansion lang ang tahanan na naroon—hindi, mayroon pa siyang isang nakita na mukhang natatakpan lang ng malaking mansion.
Mapuno rin ang lugar, para iyong isang paraiso.
Nag-angat din siya ng mukha sa kalangitan at makulimlim iyon. Sa pagkakaalam niya gabi sila umalis sa gusali kung saan siya kinuha ng mag-asawa. Pero ngayon, mukhang papasikat na ang araw. Pero bakit parang buwan ang nakikita niya?
“Gising na siya Master, Mada’am.” Bigay impormasyon ni Calixto sa mag-asawa.
“Mabuti naman, nakauwi na rin ba si King?” tanong ng babaeng bampira.
“Yes, mada’am, may bago ring liham mula sa eskuwelahan.” Natawa pa ng bahagya si Calixto.
“May bago pa ba roon?” tila iritable ang mada’am.
“Mom! Dad!” Mula sa ikalawang palapag kumakaway ang batang siyam na taong gulang.
Napatitig doon si Anastacia. Buhay na buhay ang kulay ruby na mga mata ng batang lalaki. Itim ang kulay ng buhok na sinasayaw ng hangin. Nakasuot din ito ng uniporme na may vest.
Nabaling ang atensiyon ng batang lalaki sa kanya at nawala ang katuwaan.
Kaagad ding nawala ang lalaki sa bintana kaya naman nagtaka si Anastacia.
Nang makapasok sila sa napakalaking mansion, nalulula ang pakiramdam ni Anastacia.
“Maligayang pagbabalik, Master Ezekiel, Mada’am Rossana.”
Namangha rin si Anastacia nang makita ang nakapilang mga unipormadong babae at sabay-sabay na tumungo pagkabati sa dalawang bampira.
“Mom! Dad!” masaya ang boses ng batang lalaki na tumatakbo sa hagdanan. “Sino ‘yang kasama ninyo?”
Ibinaba si Anastacia ng lalaking buhat-buhat siya. Kaagad siyang nagtago sa likuran nito dahil parang natakot siya sa sobrang sigla ng batang lalaking papalapit sa kanya.
Tumungo ng bahagya si Mada’am Rossana para kausapin ang batang lalaki na hindi nawawala ang pagkakangiti.
“Hindi ba sinabi ko sa ‘yo na magkakaroon ka na ng tagasilbi na sa ‘yo lamang?”
Tumango-tango ang batang lalaki, hindi nawawala ang abot taingang ngiti.
“Siya iyon pero sa isang kondisyon.”
Nagtaka naman ang batang lalaki pero muli ngumiti ito.
“Kapag nagawa mong hindi makipag-away sa loob ng isang buwan, magiging sa ‘yo na siya, nauunawaan mo ba, King?”
Nangunot ang noo nito at kaagad napasimangot.
“Hindi puwedeng one day lang?”
Natawa ang lahat kahit ang mga tagasilbi. Kilalang-kilala kasi ito bilang bully sa mga kapwa batang bampira at matigas ang ulo, masyado rin itong masayahin kaya nakakapanakit ito kahit ang tingin nito sa ginawa ay nakikipaglaro lamang ito.
“Two days?” tawad pa uli nito.
“One month.” Mariing wika ng babae na umayos na sa pagkakatayo.
“Mom, puwede ko ba siyang tingnan muna? Titingnan ko lang kung worth it siya para sa one month.”
Muli natawa ang halos lahat dahil sa sinabi nito.
“Tingnan mo na siya,” sangayon ng ina.
Natutuwa naman si King na sinilip sa likuran ni Butler Calixto ang batang babae na tila hiyang-hiya.
“Halika rito, hindi kita makita nang maayos!” Hinila ni King na sobrang excited si Anastacia.
“Ouch!”
Natigilan si King.
“King, tao ang batang ‘yan, kung nasasaktan mo na ‘yong kalaro mong bampira sa paghila mo, ano pa iyan? Tandaan mo na nagkakasakit ang katulad niya at mamamatay kung hindi mo aalagaan na maigi.”
Kaagad naman gumaan ang pagkakahawak ng batang si King kay Anastacia.
“Hindi ko sinasadya, hindi ko na uulitin.” Nag-angat ito ng mukha para tingnan ang ina, “Mom, isang buwan akong magiging mabait para sa ‘kin na siya habang-buhay.”
“Kapag hindi mo nagawa, ibabalik namin siya o ibibigay sa iba.”
Nagulat si King sa sinabi ng ama.
Kaagad niyang hinila uli si Anastacia at inilagay na sa kanyang likuran.
“Sa ‘kin na siya! Magiging behave ako kahit mahirapan ako, basta sa ‘kin na ang cute na tao na ‘to!”
Nagkatawanan uli ang lahat.
Naghapunan ang mga ito habang si Anastacia naman ay dinala sa likurang bahagi ng mansion kung saan naroon ang isang malaki ring bahay.
“Dito lahat nakatira ang mga servants,” sabi sa kanya ng maid servant na si Kaya, nasa dalawampu na ang edad nito at isa rin itong tao.
Lahat silang servants sa lugar ay mga tao. Ang pamilya raw na kanilang pinagsisilbihan ay ‘noble family’. Ayon din kay Kaya habang pinapamilyar siya nito sa lugar na personal servant siya ni King, ang batang anak ng bampirang bumili sa kanya.
“Ano ang personal servant?” tanong niya rito.
“Aba, nagsasalita ka pala?” namangha pa si Kaya.
Naroon na sila sa silid daw niya sa ikalawang palapag.
Nangiti naman si Anastacia.
“Ang personal maid servant ay iyong sa kanya ka lang magsisilbi. Kung ano ang ipagawa niya iyon lang ang susundin mo. Hindi mo rin kailangan maglinis, magluto, o tulungan kami sa mga gawain. Madalas ang personal maid servant ay iyong nag-aaral kasama nila rito sa bahay, nag-aaral din ng mga instrumento kagaya nila, para kayong magiging magkaibigan na para ring hindi.”
Napakurap si Anastacia, hindi niya alam kung maganda lang ba iyong pakinggan o naiisip niya lamang iyon dahil hindi niya gaanong maunawaan.
“Kaya, Kaya,” tawag mula sa pintuang bumukas.
Iyon ang may edad na maid servant, si Apostola na limampu’t pito ng nagsisilbi.
“Ano po iyon?” tanong ni Kaya.
“Tapos ng kumain ang Young Master, gusto niyang makita iyang si Anastacia.”
“Pero kasisimula pa lang nila, hindi ba?” takang tanong ni Kaya.
“Binilisan niya ang pagkain. Tuwang-tuwa ang Young Master kaya nakatutuwa rin talaga. Pero nag-aalala ako dahil babae itong napili nila, ang usapan ng mag-asawa noon ay batang lalaki rin ang kukunin nila.” Nasa mukha nga ni Apostola ang pag-aalala.
“Sa palagay ko dahil ‘yon sa kabilang noble family na ang kinuha ay male servant na bata rin no’ng nagkaedad ay nagkaroon ng relasyon sa lalaki rin, napakalaking kasalanan no’n sa mga bampira, kaya siguro batang babae ang binili nila.”
“Naku, pareho lang din naman ‘yon, maaari pa ring magkarelasyon ang anak nila sa batang babae na ito paglaki. Hindi ko talaga alam ang takbo ng isip ng mga amo natin.”
“Anastacia! Anastacia!”
“Iyan na nga!” sabay na bulalas ni Apostola at Kaya nang marinig ang boses ni King sa labas.
“Halika na, makipaglaro ka muna sa kanya.” Binitbit na ni Apostola si Anastacia.
Kinakabahan naman si Anastacia nang marinig pa lang niya kanina ang pagtawag ni King.
Habang bumababa sila ng hagdanan ni Apostola ay may sinabi ito sa batang si Anastacia.
“Huwag kang gagawa ng ikagagalit niya, ang Young Master King ay mabilis mairita, magalit, at mapanakit din iyon, kaya iwasan mo na magsalita ng hindi niya magugustuhan. Isa pa, ‘wag na ‘wag mong sasabihin na gusto mong umuwi o bumalik sa inyo dahil baka magalit sila sa ‘yo paniguradong parurusahan ka nila at ikukulong ng walang pagkain sa madilim na selda.”
Natakot naman si Anastacia sa narinig. Mas natakot pa nang makita ang nakangiting si King sa paglabas nila sa pintuan. Kasama nito si Butler Calixto.
“Tara, samahan mo akong mag-aral.” Inilahad nito ang kamay sa kanya.
Tiningnan niya si Apostola, hindi niya alam kung tatanggapin niya ang kamay nito.
Tumango si Apostola bilang pagsang-ayon.
“Dalian mo na, Anastacia.” Hindi naman nawawala ang ngiti ni King at pilit inaabot ang kamay.
“Magiging mabait naman ako sa ‘yo.” Hinawakan ni King ang buhok ni Anastacia na nabigla. Marahan nito ‘yong hinaplos at sinabing, “Huwag kang matakot sa ‘kin, hindi kita kakagatin.”
Hindi alam ni Anastacia kung bakit siya nangiti sa sinabi nito na hindi siya nito kakagatin.
Chapter 3“Anastacia! Anastacia!”Tumataas na ang kilay ng Head ng mga servants na si Mada’am Rosel dahil sa hindi pagpansin sa kanya ng labing-walong taong gulang na si Anastacia na mukhang abalang-abala sa pagde-daydream at nakakakalumbaba pa nga sa mesa ng silid nito.“Anastacia!” mas malakas na tawag ni Lady Rosel.Napaigtad naman si Anastacia at gulat nang makita ang galit na galit na hitsura ni Lady Rosel.“Mada’am Rosel!” Kaagad tumayo si Anastacia at muntik ng makalimutang isara ang kanyang diary.“Nariyan na ang Master King.”Hindi mapigil ni Anastacia ang ngiti pero pilit na pilit siyang hindi iyon mahalata.“Sandali, sandali, sandali!” Hinila siya ni Mada’am Rosel sa Balikat. “Nasaan ang bakal mo sa leeg?”“Ay, pasensiya na Mada’am.”Ka
Huminga nang malalim si Anastacia. Nakaupo siya sa gilid ng malaking kama ni King, ang kanyang Young Master. Naliligo ito at naririnig niya ang lagaslas ng tubig. Nahawakan niya ng pasimple ang dibdib. Mabilis ang tibok niyon at nagdudulot ‘yon sa kanya ng kaba at katuwaan. Noon pa man, iyong excitement na nararamdaman niya tuwing magiging sila lamang sa silid ay mas naipakikita niya rito ang kanyang pagmamahal. Pero kaba rin dahil baka may makahuli sa kanila. Hindi na bago ang pumapasok siya sa silid ni King, para na siyang anino nito kung nasa bahay. Lahat ng gusto nito ay idudulot niya, iyon ang ganap niya sa mansion na ‘yon. Pero hindi alam ng mga nasa labas ng silid na kapag sila lamang dalawa ay tumitigil ang pagiging tagasilbi niya rito. Nabigla pa si Anastacia nang lumabas si King na nakaroba. Nakabagsak ang buhok nito at kahit sa anong sitwasyon at pagkakataon, walang lalaking nakahigit sa hitsura nito. Maaaring dahil gusto niya ‘to kaya sa paningin
Nakatayo lamang kahanay ng mga naninilbihan si Anastacia. Pilit ang ngiti kompara sa ibang mga kahanay. Masaya ang usapan sa hapagkainan at mukhang masyadong malapit sa isa’t isa talaga ang pamilya ni Nymfa at King.Sa kabisera ang nakaupo ay ang Master na si Ezekiel. Sa kahit na anong pamilya ang nauupo sa kabisera ay ang may-ari ng mansion at pinakamataas. Maaari lamang siyang mapalitan sa puwesto kung ang magiging bisita ay mula sa mga Pureblood Vampire.Sa kanang bahagi ay pamilya ni Nymfa, ang ama nito na si Master Damian at ang in ana si Mistress Lara. Sa kaliwa ay naroon naman si King at ang ina nito.Hindi nakikita ni Anastacia ang hitsura ni King dahil nasa likuran siya nito. Bilang maid servant nito, kailangan ay palagi siyang nasa likuran nito.“I’m sorry for the surprise visit, Mr. and Mrs. Vezarius,” boses iyon ni Mistress Lara.“No, it’s okay, no worries. You really surprised us
“Malakas na ang ulan, hindi pa bumabalik si Anastacia,” ani Kaya, ang isa sa kasamahan ni Anastacia sa silid. Tinitingnan niya sa babasaging bintana ang daanan sa mansion kung may naglalakad roon, baka sakaling si Anastacia na ‘yon pero hindi.“Ihahatid naman siya ng isa sa mga butler kung sakali. Magpahinga ka na at kababalik mo lang,” ani Estella sa kasama. “Ginawa mo ng anak si Anastacia.”“Nag-aalala talaga ‘ko dahil nasa edad na ‘to na siya. Lalaki rin ang Young Master,” ani Kaya nang makaupo sa gilid ng kama. Siya ang nasa gitnang bahagi ng tatlong kama. Si Anastacia ang malapit sa bintana, at sa pintuan naman si Estella na kaedaran niya.Nang dumating si Anastacia ay twenty na siya at ito naman ay siyam. Labing-isa ang tanda niya rito. Nasa dalawampu’t pito na siya ngayon at tama si Estella, imbis na kapatid ay tinitingnan niyang parang anak si Anastacia.“W
“Mistress, may sulat mula sa kastilyo.” Nag-angat ng tingin kaagad si Rossana sa narinig. Abala siya sa pagbabasa ng fashion magazine no’n sa balkonahe. “May dry sealed ng kastilyo at mukhang imbitasyon.” Kung ibang sulat ‘yon ay ipababasa niya na kay Calixto, pero dahil galing ‘yon sa kastilyo na pugad ng mga Pureblood Vampire ay siya na ang nagbasa ng nilalaman no’n. “What’s that?” tanong ni Ezekiel sa asawa nang makaupo na sa harapan nito. Kaagad naman na nagsalin ng tsaa sa tasa nito si Calixto. “Invitation, pero hindi para sa ‘tin. Para kay King,” nakangiting sabi ni Rossana. Tiningnan ni Rossana si Calixto, “Ipatawag mo si Elena, sabihin mo na gagawa siya ng kasuotan.” Kaagad namang tumungo at nagpaalam si Calixto. “Para kay King?” tanong ni Ezekiel. “Sa tingin ko ay imbitasyon ‘to sa mga Royal Blood, tumitingin na sila ng mga gusto nilang Royal Knight o ipapasok sa kanilang pamilya. Magandang oportunidad
Bumalik sa alaala ni Anastacia ang nakaraan nila ni King, isa sa unang araw niya sa tabi nito. Sa aklatan ay naroon sila at panay ang kain nito ng cookies kesa gumawa ng takdang-aralin nito. “Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya. Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya. “Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.” “Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to. “I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito. “Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas. Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya. “Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na
“Pasensiya na, mada’am.” Napabuntong-hininga si Calixto dahil iyon na yata ang ikasampung tawag mula sa Royal Blood family. “Is she mad?” tanong ni Rossana kay Calixto. Naroon siya sa couch pero ipinasabi niya kay Calixto na wala siya roon. “Mada’am, disappointed ang boses nila.” Namasahe ni Rosanna ang ulo. Ang imbitado lamang pala sa party ay mga lalaking Royal blood. Kaya makapapasok lamang ang mga Royal blood na babae kung kapareha ito ng lalaking imbitado. “Gusto nilang malaman kung sino ang magiging kapareha ng Young Master,” dagdag ni Calixto. Wala itong isinagot na kapareha. “Ezekiel and I talked about this.” Inikot ni Rosanna ang kopita ng bloodwine. “Kung lalaki lamang ang naimbitahan, it means malaki ang possibility na may Pureblood Princess ang hinahanapan nila ng kapareha. At ayokong magkaroon ng complication, rather than choosing a Royal Blood, mas gusto ko si King sa isang Pureblood Vampire princess.” “Mi
Nabigla si Anastacia sa pagdiin sa kanya ni King sa kama. Hindi ‘to kailanman naging ganoon kaagresibo. “Young Master,” hinawakan niya ang mukha nito. Hindi man gusto ni Anastacia na matakot ay pinanginginigan siya at pinanlalamigan ng palad. Ang mga mata nitong pula ay naging mas matingkad, matapang, at kahit ang pangil nito’y kitang-kita niya ngayon ang katulisan. May paghingal ‘to, tila nagpipigil ng kung ano. “Young Master, ako ‘to, si A-Anastacia.” Hindi niya alam pero parang ‘di siya nito nakikilala. Napapaso si Anastacia sa init na inilalabas ng katawan nito. Tila ‘to lalagnatin samantalang hindi naman ‘to nagkakasakit kahit kailan. Hinalikan siya nito sa labi, halos dumugo ang labi ni Anastacia dahil pero nadadala siya ng sensuwal na halik nito lalo na ang paglilikot ng dila nito sa loob ng kanyang bibig. Ibang-iba ‘yon sa halik na kanilang pinagsasaluhan. Pero kusa ‘tong tumigil at tumungo sa kanyang balikat. Mabilis a
Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.
“Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”
Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r
“Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &
“Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina
“Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya
Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi