Share

Chapter 1

Author: Misa_Crayola
last update Huling Na-update: 2021-05-28 14:47:35

Chapter 1

Nanginginig ang mga palad ni Anastacia habang pinagmamasdan ang mga nakamaskara at pormal ang kasuotan na tumitingin sa kanya mula sa kinalalagyang hawla. Nayakap niya ang sarili dahil sa takot sa mga nanlilisik na pulang mga mata nito. Nayakap niya ang sarili dahil sa panlalamig nang buong katawan.

Siyam na taong gulang pa lamang siya at hindi naiintindihan kung bakit nasa harapan siya ng mga hitsurang tao pero tila kung tatanggalin ang mga maskara ng mga ito ay mga halimaw ang kanyang makikita dahil kakaiba ang mga ruby nitong mga mata.

Hindi siya makaimik, makasigaw o makaiyak man lamang. Para bang umatras ang kanyang dila sa oras na ‘yon.

Naging kabayaran siya ng ama sa utang ng pamilya nila. Ayon sa negosyanteng si Mada’am Florenza na pag-aaralin siya nito at parang inampon lamang siya nito dahil bibigyan siya ng magandang buhay. Dahil hikahos ang kanilang pamilya kaya para makabayad sa utang at magkaroon siya ng ibang buhay na mas maganda pumayag ang kanyang ama nang mamatay ang ina. Isasama raw siya ni Mada’am Florenza sa ibang bansa.

Sa edad na siyam hindi rin siya marunong bumasa’t sumulat dahil ganoon din ang kanyang magulang. Pero marunong naman siyang bumilang at tumingin ng pera, pero hindi rin lahat ng numero ay alam niyang isulat. Malayo rin ang eskuwelahan at mas kailangan ng magulang ang tulong niya kaya hindi siya nakapag-aral.

Nag-angat ng tingin si Anastacia nang mapansin na palayo na ang mga nakatitig sa kanya at bumaba na sa entablado na kinalalagyan. Nagsimula ring magsalita ang maliit at malapad na lalaking mukhang giliw na giliw sa sinasabi nito sa ibang lengguwahe at itinuturo pa nga siya na tila isang karneng ibinebenta sa palengke.

Wala na sa lugar na ‘yon si Mada’am Florenza. Hindi totoo ang sinabi nito sa ama na pag-aaralin siya nito, ituturing na anak at mamahalin na parang kanya at magkakaroon ng magandang buhay. Dahil ang totoo ay ibinenta siya nito sa isang black market, kung saan ang may pinakamataas na halagang handang sayangin sa kanya ang mag-uuwi sa paslit niyang katawan.

Dahil hindi nauunawaan ni Anastacia ang usapan ng mga ito sa ibang lengguwahe, kaya nabigla siya nang buksan bigla ang kanyang hawla makalipas ang sampung minuto. At base sa palakpakan mukhang may nakabili na sa kanya.

Dumilim ang bahagi ng ibabang entablado at nagkaroon ng ilaw sa iisang bahagi para agawin ang pansin ng mga naroon. Ang natapatan ng ilaw ay babae’t lalaking na may pares din na ruby na mga mata. Mukhang masayang-masaya ang dalawa na ito ang nakabili sa kanya.

**

Binihisan siya ng dalawang babaeng nakamaskara. Maganda ang isinuot ng mga ito sa kanya na bestidang bulaklakin at kulay dilaw. Maging ang buhok niya ay itinali ng mga ito para magmukha siyang malinis na malinis. Binigyan din siya ng mga ito ng doll shoes at nangiti nang makita na ang kanyang kabuuan.

“Napakabait naman ng batang ito, hindi man lamang umiiyak o nagpapapadyak katulad ng iba. Hindi ba ito pipi?”tanong ng isang babae sa kasamahan nito.

“Hindi naman, siniguro nila ‘yon bago pa ‘yan ibenta.”

Sa totoo lang, hindi rin alam ni Anastacia kung bakit hindi siya maiyak parang sa tindi ng takot niya, hindi na rin niya alam kung paano magsalita pa. Pinagmamasdan niya lang ang paligid at iniisip kung mamamatay na ba siya kapag naroon na siya sa mga bampira?

“Huwag kang mag-alala, hindi naman lahat ng bampira pinapatay ang taong nakukuha nila. Palalakihin ka lang nilang alipin doon, at malay mo may magkagusto sa ‘yong bampira paglaki mo, naku! Napakayaman nila! Suwerteng-suwerte ka na roon!”

Hindi alam ni Anastacia kung positibo ba niya dapat tanggapin ang sinabi ng isa sa babae o hindi.

“Pero bakit naman sila kukuha ng ganito kabata para maging alipin?” takang tanong ng isa.

“Sa pagkakaalam ko madalas humahanap ang mga bampira ng kaedaran ng anak nila para maging tagasilbi. Siguro, kaedad nito o malapit ang edad nito sa anak no’ng mag-asawa. Hanggang paglaki nila siya ang magiging personal na tagasilbi no’n.”

Sasagot pa sana ang isa pero bumukas na ang pintuan. Pumasok doon ang lalaking nagsilbing host kanina. Malaki ang tiyan nito, maliit ang mga binti’t kamay at naroon sa bibig nito ang malaking ngiti na abot tainga. Kasunod nito ang bampirang mag-asawa.

“Nasisiguro ko na makapagsisilbi ng maayos ang batang ‘yan. Nagta-trabaho na ‘yan sa batang edad, mada’am, at nasiguro ko na madali ninyo siyang matuturuan pa,” sabi ng lalaki na tila waging-wagi ang ngiti.

“Isa pa po, kompara sa ibang mga batang dumating dito ay tahimik lamang siya at masunurin. Hindi siya magiging sakit ng ulo sa inyo at nasisiguro ko na madali rin siyang turuan,”bigay impormasyon ng isa sa mga babaeng nag-ayos sa kanya.

Marami pang sinabi ang lalaking nagsilbing host bago ito patigilin ng lalaking bampira. Tinawag na siya ng babae at pinalapit.

Kinakabahan man ay humakbang si Anastacia at lumapit sa mga ito.

Tumungo ang babae at may inilagay na manipis na bakal sa kanyang leeg.

“Proteksiyon mo ‘yan para hindi ka maamoy ng mga bampira.”

Nahawakan ‘yon ni Anastacia. Magaan lang iyon, ang hindi lang maganda roon ay para iyong collar na isinusuot ng aso.

Nang makalabas sila sa gusali kung saan dinaos ang bentahan ng mga katulad ni Anastacia na tao ay sumakay sila sa isang mamahaling sasakyang itim. Mayroong driver ang mga ito.

“Nakapagsasalita ba ang batang ‘yan?” tanong ng lalaking bampira sa katabing asawa.

“Nakapagsasalita naman daw ‘yan. Pagdating na lang natin, madali lang naman gumawa ng paraan para pagsalitain ‘yan.” Tila pagod na ang babaeng bampira.

“Sa tingin mo talaga magugustuhan ni King ang batang ‘yan?” duda ang lalaki.

“Kung sa ugali’t pagkilos, magkaibang-magkaiba sila dahil masyadong aktibo ‘yong anak natin. Pero malay mo naman magustuhan niyang kalaro ‘yan, lalo at cute naman ‘yang binili natin.” Nangingiti ang babaeng bampira at muling tiningnan ang batang nakatulog na pala sa kinauupuan nito. Para itong manyikang natutulog ng tahimik.

Para sa kanilang mga bampira, ang katulad nitong tao ay isa lamang premyo, laruan, tagasilbi, at bagay na nabibili na maaaring masira at palitan ng mas bago sa susunod. Ang iba sa mga bampira ay kinokolekta pa ang mga ito.

Nasa bahagi na sila ng kakahuyan kung saan naroon ang lagusan sa hiwalay na daigdig ng mga bampira. Tatlong oras ang biyahe nila bago makarating sa kakahuyang pag-aari nilang mga bampira na ginawa rin nilang lugar lagusan patungo sa lugar ng mga tao at kanilang lugar.

Kaugnay na kabanata

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 2

    Chapter 2Namangha si Anastacia nang makita ang mabulaklak na hardin na nilalakaran ng lalaking buhat-buhat siya. Iba ito sa driver, at nakasuot ito ng pormal na kasuotan. Nauuna sa kanila ang mag-asawang nakabili sa kanila. Inikot niya ang paningin at tanging ang malaki’t nakamamanghang mansion lang ang tahanan na naroon—hindi, mayroon pa siyang isang nakita na mukhang natatakpan lang ng malaking mansion.Mapuno rin ang lugar, para iyong isang paraiso.Nag-angat din siya ng mukha sa kalangitan at makulimlim iyon. Sa pagkakaalam niya gabi sila umalis sa gusali kung saan siya kinuha ng mag-asawa. Pero ngayon, mukhang papasikat na ang araw. Pero bakit parang buwan ang nakikita niya?“Gising na siya Master, Mada’am.” Bigay impormasyon ni Calixto sa mag-asawa.“Mabuti naman, nakauwi na rin ba si King?” tanong ng babaeng bampira.“Yes, mada’am, may bago ring liha

    Huling Na-update : 2021-05-28
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 3

    Chapter 3“Anastacia! Anastacia!”Tumataas na ang kilay ng Head ng mga servants na si Mada’am Rosel dahil sa hindi pagpansin sa kanya ng labing-walong taong gulang na si Anastacia na mukhang abalang-abala sa pagde-daydream at nakakakalumbaba pa nga sa mesa ng silid nito.“Anastacia!” mas malakas na tawag ni Lady Rosel.Napaigtad naman si Anastacia at gulat nang makita ang galit na galit na hitsura ni Lady Rosel.“Mada’am Rosel!” Kaagad tumayo si Anastacia at muntik ng makalimutang isara ang kanyang diary.“Nariyan na ang Master King.”Hindi mapigil ni Anastacia ang ngiti pero pilit na pilit siyang hindi iyon mahalata.“Sandali, sandali, sandali!” Hinila siya ni Mada’am Rosel sa Balikat. “Nasaan ang bakal mo sa leeg?”“Ay, pasensiya na Mada’am.”Ka

    Huling Na-update : 2021-05-28
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 4

    Huminga nang malalim si Anastacia. Nakaupo siya sa gilid ng malaking kama ni King, ang kanyang Young Master. Naliligo ito at naririnig niya ang lagaslas ng tubig. Nahawakan niya ng pasimple ang dibdib. Mabilis ang tibok niyon at nagdudulot ‘yon sa kanya ng kaba at katuwaan. Noon pa man, iyong excitement na nararamdaman niya tuwing magiging sila lamang sa silid ay mas naipakikita niya rito ang kanyang pagmamahal. Pero kaba rin dahil baka may makahuli sa kanila. Hindi na bago ang pumapasok siya sa silid ni King, para na siyang anino nito kung nasa bahay. Lahat ng gusto nito ay idudulot niya, iyon ang ganap niya sa mansion na ‘yon. Pero hindi alam ng mga nasa labas ng silid na kapag sila lamang dalawa ay tumitigil ang pagiging tagasilbi niya rito. Nabigla pa si Anastacia nang lumabas si King na nakaroba. Nakabagsak ang buhok nito at kahit sa anong sitwasyon at pagkakataon, walang lalaking nakahigit sa hitsura nito. Maaaring dahil gusto niya ‘to kaya sa paningin

    Huling Na-update : 2021-07-16
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 5

    Nakatayo lamang kahanay ng mga naninilbihan si Anastacia. Pilit ang ngiti kompara sa ibang mga kahanay. Masaya ang usapan sa hapagkainan at mukhang masyadong malapit sa isa’t isa talaga ang pamilya ni Nymfa at King.Sa kabisera ang nakaupo ay ang Master na si Ezekiel. Sa kahit na anong pamilya ang nauupo sa kabisera ay ang may-ari ng mansion at pinakamataas. Maaari lamang siyang mapalitan sa puwesto kung ang magiging bisita ay mula sa mga Pureblood Vampire.Sa kanang bahagi ay pamilya ni Nymfa, ang ama nito na si Master Damian at ang in ana si Mistress Lara. Sa kaliwa ay naroon naman si King at ang ina nito.Hindi nakikita ni Anastacia ang hitsura ni King dahil nasa likuran siya nito. Bilang maid servant nito, kailangan ay palagi siyang nasa likuran nito.“I’m sorry for the surprise visit, Mr. and Mrs. Vezarius,” boses iyon ni Mistress Lara.“No, it’s okay, no worries. You really surprised us

    Huling Na-update : 2021-07-16
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 6

    “Malakas na ang ulan, hindi pa bumabalik si Anastacia,” ani Kaya, ang isa sa kasamahan ni Anastacia sa silid. Tinitingnan niya sa babasaging bintana ang daanan sa mansion kung may naglalakad roon, baka sakaling si Anastacia na ‘yon pero hindi.“Ihahatid naman siya ng isa sa mga butler kung sakali. Magpahinga ka na at kababalik mo lang,” ani Estella sa kasama. “Ginawa mo ng anak si Anastacia.”“Nag-aalala talaga ‘ko dahil nasa edad na ‘to na siya. Lalaki rin ang Young Master,” ani Kaya nang makaupo sa gilid ng kama. Siya ang nasa gitnang bahagi ng tatlong kama. Si Anastacia ang malapit sa bintana, at sa pintuan naman si Estella na kaedaran niya.Nang dumating si Anastacia ay twenty na siya at ito naman ay siyam. Labing-isa ang tanda niya rito. Nasa dalawampu’t pito na siya ngayon at tama si Estella, imbis na kapatid ay tinitingnan niyang parang anak si Anastacia.“W

    Huling Na-update : 2021-07-17
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 7

    “Mistress, may sulat mula sa kastilyo.” Nag-angat ng tingin kaagad si Rossana sa narinig. Abala siya sa pagbabasa ng fashion magazine no’n sa balkonahe. “May dry sealed ng kastilyo at mukhang imbitasyon.” Kung ibang sulat ‘yon ay ipababasa niya na kay Calixto, pero dahil galing ‘yon sa kastilyo na pugad ng mga Pureblood Vampire ay siya na ang nagbasa ng nilalaman no’n. “What’s that?” tanong ni Ezekiel sa asawa nang makaupo na sa harapan nito. Kaagad naman na nagsalin ng tsaa sa tasa nito si Calixto. “Invitation, pero hindi para sa ‘tin. Para kay King,” nakangiting sabi ni Rossana. Tiningnan ni Rossana si Calixto, “Ipatawag mo si Elena, sabihin mo na gagawa siya ng kasuotan.” Kaagad namang tumungo at nagpaalam si Calixto. “Para kay King?” tanong ni Ezekiel. “Sa tingin ko ay imbitasyon ‘to sa mga Royal Blood, tumitingin na sila ng mga gusto nilang Royal Knight o ipapasok sa kanilang pamilya. Magandang oportunidad

    Huling Na-update : 2021-07-17
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 8

    Bumalik sa alaala ni Anastacia ang nakaraan nila ni King, isa sa unang araw niya sa tabi nito. Sa aklatan ay naroon sila at panay ang kain nito ng cookies kesa gumawa ng takdang-aralin nito. “Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya. Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya. “Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.” “Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to. “I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito. “Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas. Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya. “Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 9

    “Pasensiya na, mada’am.” Napabuntong-hininga si Calixto dahil iyon na yata ang ikasampung tawag mula sa Royal Blood family. “Is she mad?” tanong ni Rossana kay Calixto. Naroon siya sa couch pero ipinasabi niya kay Calixto na wala siya roon. “Mada’am, disappointed ang boses nila.” Namasahe ni Rosanna ang ulo. Ang imbitado lamang pala sa party ay mga lalaking Royal blood. Kaya makapapasok lamang ang mga Royal blood na babae kung kapareha ito ng lalaking imbitado. “Gusto nilang malaman kung sino ang magiging kapareha ng Young Master,” dagdag ni Calixto. Wala itong isinagot na kapareha. “Ezekiel and I talked about this.” Inikot ni Rosanna ang kopita ng bloodwine. “Kung lalaki lamang ang naimbitahan, it means malaki ang possibility na may Pureblood Princess ang hinahanapan nila ng kapareha. At ayokong magkaroon ng complication, rather than choosing a Royal Blood, mas gusto ko si King sa isang Pureblood Vampire princess.” “Mi

    Huling Na-update : 2021-07-20

Pinakabagong kabanata

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   EPILOGUE

    Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.3

    KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.2

    Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105

    “Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flashback scenes Pt. 2

    Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flash back scenes in King's mind

    “Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 104

    “Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 103.3

    “Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 103.2

    Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi

DMCA.com Protection Status