Share

Kabanata 488

Sa Roger's mansion…

Maririnig sa study ang pagbagsak ng baso. Ang lalaking maputi ang buhok ay may matikas na tayo, at ang turquoise niyang mata ay kasing talas ng agila.

"Mga tanga! Nalaman mo na ba kung sino ang may kagagawan nito?"

Yumuko ang lalaki at sumagot, "Your highness, hindi pa namin alam kung sino ang gumawa non. Pero, dahil sa wala silang iniwan na buhay kahit isa ay mukhang gawa ito ng mga tao sa Metropolis."

Ang taong mula sa Metropolis na tinutukoy niya ay walang iba kundi si Saydie. Kasamahan ni Mr. Henry. Kilala si Saydie sa pagiging mabagsik nito, at si Patrick, na mabagsik din, ay walang binatbat sa kaniya. Isa pa, bibigyan pa ni Patrick ng pag-asang mabuhay ang nahuli niya, pero hindi ganoon si Saydie. Hindi niya hahayaan nang ganoon ang kung sinuman na mahuli niya.

Kilala bilang nakakatakot na babae si Saydie sa Metropolis. Kapag wala si Mr. Henry, siya ang namamahala sa Metropolis. Nire-representa niya si Mr. Henry, at dahil nangialam siya ibig sabihin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status