Yumuko si Nolan, nilagay ang kamay sa likod ng ulo ni Maisie at nilaliman ang kaniyang halik.Kahit na isa lang simbolo yun, isang pamahiin tungkol sa Ferris wheel, handa niyang sabayan si Maisie.Sa huli, namula ang mukha ni Maisie dahil halos maubusan siya ng hininga sa paghahalikan nila.Hinaplos ni Nolan ang ulo niya at tumawa, "Ang tagal na pero hindi ka pa rin marunong huminga habang humahalik?"Kumurap ang mga mata ni Maisie pero wala siyang sinabi."Mukhang kailangan ulit kitang turuan." Pinisil ni Nolan ang baba ni Maisie at muling hinalikan ang mga labi nito.Pagkatapos ng ilang sandali na parang walang katapusan, humiwalay si Maisie sa mga labi ni Nolan. Namumula ang mukha niya, at mabigat ang kaniyang paghinga. Nang makita niyang hahalikan siya ulit ni Nolan, tinulak niya ito palayo at sinabing, "Sige na, sige na. Alam ko na. Alam ko na kung paano."Sigurado siyang mamamaga ang mga labi niya kapag nagpatuloy pa sila sa paghahalikan.Nang bumaba silang dalawa
Mabilis na lumapit si Nolan sa kaniya.Tinatakpan ni Maisie ang sugat ng batang babae gamit ang kaniyang kamay. Namumutla siya habang sinasabi kay Nolan, "Nolan, nasugatan siya at nahiwalay sa pamilya niya. Hindi natin siya pwedeng iwan dito.""Alam ko. Humanap ka ng mapagtataguan.""Paano ka?" Hinila siya ni Maisie nang patayo na siya. "Marami sila, at ikaw ang sadya nila. Hindi ka pwedeng lumabas na ang. Papatayin ka nila!"Noong nasa gitna siya ng mga tao kanina, narinig niyang nandito ang mga taong yun para patayin si Nolan.Hinalikan siya ni Nolan at pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata. "Huwag kang mag-alala. Magiging ayos lang ako. Ngayon, magtago ka na at hintayin mo ako."Tumayo si Nola at umalis.Sinubukan siyang hawakan ni Maisie para pigilan pero huli na siya. Malakas ang iyak ng batang babaeng hawak niya dahil sa mga sugat nito.Hindi nagtagal ay lumingon si Maisie sa batang babae at pinatahan ito. "Huwag kang matakot. Walang mangyayari. Ilalabas kita d
Napatitig ang kulay asul na mga mata ng lalaki sa katawan ni Maisie. Nag-init ang kaniyang dugo habang taas-baba naman ang Adams apple niya sa kaniyang lalamunan. Kinuha ni Maisie ang pagkakataong ito, umiwas siya sa baril at tumayo.‘Bang!’Hindi siya tinamaan.Nasa likod ng lalaki si Maisie at saka niya ito sinakal gamit ang kaniyang braso. Matalim ang titig niya habang nagtatanong, "Nasaan si Nolan?"Mayroong sinabi ang lalaki, at saka siya pinatulog ni Maisie. Kinuha niya ang baril nito at saka tumakbo.Samantala, ilang nakamaskarang lalaki na ang napatumba ni Nolan. Lahat sila ay nabaril niya at namimilipit sa sakit. Mabilis niyang napatumba ang huling nakamaskarang lalaki, sinipa niya palayo ang baril nito.Punit at gusot na ang maganda niyang suit. Mayroong mga sugat sa kaniyang braso at likod, at mayroon na din tumutulong pawis sa dulo ng kaniyang mga buhok. Magulo ang itsura niya pero matapang at nakakatakot siyang tingnan.Tinapakan niya ang kamay ng lalaki at na
Umalingawngaw ang putok ng baril, at tumama ang bala sa likuran ni Nolan.Natigilan si Maisie, lumiit ang mga itim ng kaniyang mga mata.Sa ilalim ng ilaw, lumambot ang mga linya sa mukha ni Nolan. Unti-unting umaalis ang liwanag sa kaniyang mga mata habang nakatitig siya sa mga mata ni Maisie. Tinaas niya ang kamay para hawakan ang mukha ni Maisie, at mayroong munting ngiti sa sulok ng kaniyang mga labi. “Zee. Huwag kang mag-alala, I…”Yumuko siya, gusto niyang taniman ng halik ang mga labi ni Maisie. Gayunpaman, dahan-dahan siyang natumba na parang isang marionette na naputol ang string nang malapit nang dumampi ang mga labi niya.Mabilis na kumapit si Maisie sa katawan ni Nolan. Nagulat siya nang mapagtanto na nabaril sa likod si Nolan, at doon na tumulo ang kaniyang mga luha. Niyakap niya ito at umiyak, “Hindi, hindi! Nolan, huwag kang matutulog! Hindi ako pumapayag na iwanan mo ako!”Nang dumating sina Quincy at Cherie kasama ng mga pulis, natigilan sila nang makita si M
Matapos makita si Maisie, may sinabi si Erwin sa doktor at lumapit kay Maisie. "Zee, sabi ko na nga ba, nandito ka sa hospital."Mapait na ngumiti si Maisie. "Saan naman ako pupunta kung hindi dito?"Tumingin siya kay Erwin. "Anong pinag-usapan niyo ng doktor?"Saglit na napatigil si Erwin bago nakangiting sumagot, "Tinanong ko lang siya tungkol sa kondisyon ni Mr. Goldmann.""Malala ba ang kondisyon niya?" Tanong ni Maisie at nakitang hindi agad tumanggi si Erwin kaya napayuko siya at paos ang kaniyang boses. "Malubha ba ang kondisyon niya?""Medyo malubha nga." Magulo ang ekspresyon ni Erwin.Kung tama lang 'yun ng baril, maayos na sana na nakaligtas si Nolan doon. Sa kasamaang palad, mukhang mas kakaiba ang kondisyon ni Nolan kumpara sa tama ng baril.May sasabihin sana si Maisie nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula sa kaniyang tatay na nasa Zlokova.Nagdalawang isip siya bago ito sagutin. "Dad?""Zee, ayos ka lang ba diyan? Nabalitaan kong nagkaroon ng riot
Hindi lang sa water source ng hotel noon nakita ang nasabing virus, nakita rin ito sa iba pang lugar, kaya hindi natural na sakuna ang nangyaring epidemya noon kundi gawa ng tao.'Kung infected nga talaga si Nolan, mapapatunayan non na tama ang hinala ko, na may nagpapatuloy pa rin sa research ng genetic virus.'…Bumalik si Maisie sa hotel at nagulat nang makita sina Titus at Quincy na palabas doon.Galit si Titus nang makita si Maisie. "Nakalimutan mo na ba ang pangako mo? Nasa ospital ngayon si Nolan dahil sayo, masaya ka na ba?"Napayuko si Maisie. "Pasensya na…"Wala siyang masabi para labanan si Titus dahil nabaril nga naman talaga si Nolan at nasa ospital dahil sa kaniya.Madilim ang ekspresyon ni Titus. "Handa si Nolan mapahamak para lang makasama ka. Kung gusto mong maging maayos ang buhay ni Nolan, iwanan mo siya."Nagulat si Maisie. Sinabi niyang, "Hindi ko siya pwedeng iwan.""Gusto mo ba siyang mamatay?" Punong-puno ng galit ang mata ni Titus.Nang maki
'Pero gusto ko lang sa tabi niya. Ayaw ko siyang iwanan mag-isa, pero nailagay ko pa rin siya sa kapahamakan.'Nang makitang nalulungkot pa rin si Maisie, inilagay ni Cherie ang kamay niya sa balikat ni Maisie ar seryosong sinabi, "Maisie, duwag lang ang sumusuko kapag nahaharap sa problema. Magagawan natin yan ng solusyon basta magkakasama tayo. Kaya, ikaw ba, Maisie Vanderbilt, ang dapat sisihin sa nangyari kay Mr. Goldmann?"Hindi, hindi ikaw. Kagagawan yun ng mga kaaway natin nung una pa lang. Kaya, kahit hindi ka maging parte ng buhay ni Mr. Goldmann, lalapitan pa rin siya ng problema na yun, hindi na yun mapipigilan."Napangiti si Maisie nang marinig ang mga sinabi ni Cherie. "Hindi ko inakala na magaling kang magpa-gaan ng loob ng iba."Ngumiti si Cherie at nahihiyang nagkakamot ng ulo.Lumapit si Maisie sa couch at naupo. "Nga pala, kasama na ba si Rowena sa mga taong yun ngayon?""Oo, nag imbestiga na ang kapatid ko tungkol doon, pero hindi ko talaga inakala na ma
Bahagyang nataranta ang mata ni Rowena habang umiiwas ng tingin kay Maisie. "Hindi ko alam ang sinasabi mo.""Hindi mo talaga alam, o nagpapanggap ka lang na hindi mo alam?" Nilapitan siya ni Maisie. "O puntahan ko kaya ang bago mong amo, na si Mr. Kent, para sa sagot?""Maisie, anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Rowena habang nanalikisik ang nga mata.Nagkibit-balikat si Maisie. "Kung anong narinig mo yun ang ibig kong sabihin. Pinahalagahan ka ni Titus noon, pero pinili mo pa ring talikuran ang mga Goldmann para kumampi kay Daniel Kent sa huli. Pahalagahan ka kaya lalo ni Daniel dahil doon?"Napakuyom ang kamao ni Rowena at suminghal. "Bakit mo tinatanong? Gusto mo ba akong pabalikin? Sayang naman, walang mangyayari sa akin kahit bumalik ako sa mga Goldmann ngayon, kaya mas mabuti pang manatili si tabi ni Mr. Kent "Malamig na napangisi si Rowena nang makita na walang sinabi si Maisie. "Ano naman kung alam mo ang insidente 15 years ago kay Mrs. Goldmann Sr.? Sa tingin mo b