Hindi na nagtanong pa si Maisie.Alam niya ng hindi sinabi ni Quincy kay Cherie ang dahilan dahil ayaw nitong malaman niya.Nang makitang hindi siya nagsasalita, akala ni Cherie ay mayroong ibang inaalala si Maisie, naging seryoso siya. "Huwag kang mag-alala, Maisie. Hindi magloloko si Mr. Goldmann."Ngumiti si Maisie. "Paano mo nasabi?"Tinapik niya ang kaniyang dibdib. "Tinataya ko ang reputasyon ko."Naningkit ang mga mata ni Maisie, "Anong reputasyon?"Sumimangot si Cherie at binago ang usapan. "Tinataya ko ang maliit kong sweldo."Tunawa si Maisie.Seryosong sinabi ni Cherie, "Alam ni Mr. Goldmann ang limitasyon niya. Ikaw ang unang babaeng pinakilala niya sa lahat. Akala ko dati ay wala ng mahahanap na mapapangasawa si Mr. Goldmann.""Ano bang klase siyang tao dati?" Nagtaka si Maisie dahil siguro naiinip na siya. Hindi niya kailanman sinubukan alamin ang nakaraan ni Nolan.Tinakpan ni Cherie ang kaniyang bibig at ngumiti. "Sikreto 'to, hindi ganiyan kaseryoso
Sa tuwing nagtatanong ang media kung iiwanan siya ulit, sasampalin sila sa mukha ni Nicholas sa pamamagitan ng gawa—sampung taong kasal nang walang anumang tsismis ng hiwalayan.Pagkatapos nito, pinag-uusapan ng lahat ng nasa Bassburgh ang tungkol sa balitang walang babaeng kasama sa mga business dinner ni Nicholas, kapag mayroon ay umaalis ito.Si Natasha na madalas na magkaroon ng dating rumors dati ay mas pipiliin pa ang mga role sa mga nakaka-inip na soap operas kaysa sa anumang romantic—hindi dahil sa hindi sila nagtitiwala sa isa't-isa, pero dahil mahal at nirerespeto nila ang isa't-isa.Kumurap si Maisie at bumuntong-hininga. "Mahal na mahal siguro ni dad ang nanay ni Nolan, ano?"Pero kung hindi dahil sa mga de Arma… Hindi siguro nawala kay Nicholas ang pinakamamahal niya.Tumango si Cherie at bumuntong-hininga. "Pagkatapos ng nangyari kay Mrs. Goldmann 15 years ago, naging tahimik si Mr. Goldmann, at ang dahilan kung bakit lagi siyang nasa mansion ay dahil gustong-gu
Hindi naman nanatiling nakaupo ang iba nilang kasama. Pinalibutan nila si Maisie at maraming tinanong sa kaniya. Kalmadong sinagot ni Maisie ang bawat tanong.Nanonood si Jones mula sa sidelines. Inakbayan siya ng isang lalaking kulot ang buhok at nagtanong habang nakataas ang kilay, "James, gusto mo ba siya?""Ako?" Tiningnan siya ni Jones at ngumisi. "Oo, pero kasal na siya.""Kasal na siya? Well, ibig sabihin ay wala ka ng pagkakataon." Nagkibit-balikat ang lalaking kulot ang buhok.Kinuha ni Jones ang golf club at hinampas ang bola sa damuhan pero mukhang hindi ito tumama sa mark.Tumawa sa gilid ang lalaking kulay blue ang buhok. "Mukhang magaling dito si Ms. Zora."Tinitingnan niya si Maisie, at sinundan ni Jones ang tinatanaw niya. Sa hindi kalayuan, hinawakan ni Maisie ang club at mahusay na pinalo ang bola papunta sa butas."Oo, tama ka," Komento ni Jones habang bakas maman ang paghanga sa kaniyang mga mata. Kaunti lang ang mga babae sa paligid niya na marunong m
Napasinghap sa gulat ang mga tao sa paligid nila.Hindi ba't kasal na si Ms. Zora? Bakit siya tinatawag na sweetheart ni Mr. Goldmann? Posible bang si Ms. Zora at Mr. Goldmann…Nagngalit ang mga ipin ni Maisie habang yakap-yakap ni Nolan.'Sweetheart? Hah!'Saka niya mahinang binulungan si Nolan, "Sa tingin mo ba ay nakakatawa 'to, Nolan?"Buong kasakiman na inamoy ni Nolan ang bango ng buhok ni Maisie, malalim na ang pagnanasa sa kaniyang mga mata. Gayunpaman, hindi niya pa pwedeng isapubliko ang identity ni Maisie dahil napakaraming tao na nanonood sa kaniya sa Stoslo.Nagreklamo si Maisie. "Yumayakap ng ibang babae ang asawa ko, kaya bakit hindi ako pwedeng yumakap ng asawa ng iba?"Walang masabi sina Quincy at Cherie.'Anong ginagawa ng dalawang 'to?'Binabaan ni Nolan ang boses niya at sinabing, "Lumakas na ang loob mo. Mukhang marami ka pa rin lakas para lumandi sa ibang lalaki. Dahil ba hindi sapat ang binigay sa iyo ng asawa mo kagabi?"Gumuhit ng bilog si Ma
Si Maisie na natutulog at nakatalikod kay Nolan ay unti-unting dumilat ang mga mata.Nagpapanggap lang siyang natutulog kahit na nagsuot na ng damit si Nolan at umalis.Dahan-dahang siyang tumayo sa kama at nagtaka kung ano ba ang inaalala ni Nolan. Sinikreto pa niya ito sa kaniya.Sigurado si Maisie na isa itong napaka importanteng bagay, sobrang importante na nagmadali itong pumunta sa Stoslo nang hindi sinasabi sa kaniya ang dahilan.Mayroon biglang naisip si Maisie, at kinilabutan siya.'Dahil ba ito sa nanay niya?'Sa Stoslo dinukot at pinatay ang nanay ni Nolan. Yun ba ang dahilan kung bakit siya pumunta dito?Samantala, sa isang kwarto sa ibang hotel…Isang lalaki ang nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window kung saan makikita ang buong siyudad. Mayroon siyang hawak na wine glass na dahan-dahan niyang iniikot sa kaniyang kamay. Nakasuot siya ng isang bathrobe na medyo nakabukas, makikita ang kaniyang pulidong abs, at ang parte sa kaniyang ibaba na hindi dapat
Tinulak ni Daniel si Rowena sa kama at walang habas na hinubad ang bathrobe nito. Gayunpaman, wala siyang pagnanasang tingnan ang katawan nito.“Noong kidnap ang nanay ni Nolan, nagawa mong itulak palayo sa iyo ang sisi. Naloko mo si Titus, kaya sa tingin mo ay gagana sa akin ang trick mo?”Bukod sa hiya, wala ng ibang nararamdaman si Rowena ngayon bukod sa takot. Wala na siyang lakas pa ng loob para tingnan sa mga mata si Daniel.Ang pinaka nakakatakot na katotohanan kay Daniel ay wala siyang awa. Walang kinahahabagan ang puso niya, at mas marahas pa siya kaysa sa mga Goldmann. Hindi niya agad pagkakatiwalaan ang sinuman, at nakikita niya sa mga mata ang totoong iniisip ng isang tao.Siya ang pinaka nakakatakot na taong nakilala ni Rowena, at yun mismo ang dahilan kung bakit niya ito iniiwasan noon. Sa oras na dumapo ang mata nito sa isang tao, pupuluputin niya ang taong yun na parang ahas hanggang sa hindi na ito makahinga.Lumamig ang dugo ni Rowena at hirap siyang nagsali
Natigilan si Madam Nera. “Sino siya?”Habang nakangiti, sumagot si Luis, “Siya si Mr. Kent.”Naintindihan naman yun ni Madam Nera. “Ikaw pala si Mr. Kent. Matagal na kitang gustong makilala.”Lumapit si Daniel kay Madam Nera, inabot ang kamay nito at hinalikan ang likod ng palad, katulad ng isang gentleman. “Karangalan kong makilala kayo, Madam Nera.”Ngumiti si Madam Nera at tumango.Pagkatapos makipag-kamay ni Daniel kay Luis, tiningnan niya si Maisie.Tumaas ang mga kilay niya sa pilyong paraan at nakangiting nagtanong. “Pwede ko bang malaman kung sino ang dalagang nasa harapan ko?”Sumagot naman si Madam Nera. “Siya si Ms. Zora. Maisie Vanderbilt ang pangalan niya.”Tumango lang si Maisie bilang sagot.“Talaga?” Tiningnan siya ni Daniel, kasing talim ng agila ang mga mata nito. “Ikaw pala si Maisie Vanderbilt, Ms. Zora. What a surprise.”“What a surprise? Bakit naman siya masusurpresa?’ Tanong ni Maisie sa sarili.Umupo si Daniel sa tabi ni Luis na nakaharap n
Nang makitang nahihirapan si Maisie, may isang boses ang umalingawngaw. "Ako 'to."Napatigil si Maisie, at nang bumukas ang ilaw sa kwarto, lumingon siya at nakita si Nolan."Bakit ka nandito?" nakahinga ng maluwag si Maisie nang makitang si Nolan yun.Sumunod si Nolan sa likod niya. "Pumunta ako para makita ka."Niyakap niya si Maisie at inilagay ang baba niya sa balikat nito. Ang amoy ng shampoo na gamit ni Maisie ang nagpawala ng pagka-irita niya. "Nakipagkita ka ba kay Daniel Kent ngayong araw?"Nang marinig ang tanong, hindi siya itinulak ni Maisie pero saglit itong natahimik. "Daniel Kent?"Hindi sumagot si Nolan.Humarap sa kaniya si Maisie at tiningnan ang malalim at malungkot nitong mga mata. "Nolan, kilala mo ba si Mr. Kent?"Mainit na halik ang dumampi sa labi niya. Itinulak siya ni Nolan sa couch at hinalikan siya—doon nakaramdam ng kaunting sakit sa gilid ng labi niya si Nolan.Kinagat siya ni Maisie.Naningkit ang mga mata ni Nolan dahil sa kinagat an