Nang makitang nahihirapan si Maisie, may isang boses ang umalingawngaw. "Ako 'to."Napatigil si Maisie, at nang bumukas ang ilaw sa kwarto, lumingon siya at nakita si Nolan."Bakit ka nandito?" nakahinga ng maluwag si Maisie nang makitang si Nolan yun.Sumunod si Nolan sa likod niya. "Pumunta ako para makita ka."Niyakap niya si Maisie at inilagay ang baba niya sa balikat nito. Ang amoy ng shampoo na gamit ni Maisie ang nagpawala ng pagka-irita niya. "Nakipagkita ka ba kay Daniel Kent ngayong araw?"Nang marinig ang tanong, hindi siya itinulak ni Maisie pero saglit itong natahimik. "Daniel Kent?"Hindi sumagot si Nolan.Humarap sa kaniya si Maisie at tiningnan ang malalim at malungkot nitong mga mata. "Nolan, kilala mo ba si Mr. Kent?"Mainit na halik ang dumampi sa labi niya. Itinulak siya ni Nolan sa couch at hinalikan siya—doon nakaramdam ng kaunting sakit sa gilid ng labi niya si Nolan.Kinagat siya ni Maisie.Naningkit ang mga mata ni Nolan dahil sa kinagat an
"Zee, tama na…" parang isang leon na magigising na mula sa matagal nitong pagkakatulog si Nolan, lalong nagiging nakakatakot ito.Bukod pa roon, walang pakialam si Maisie.Kahit na kumukulo na ang dugo niya, ginawa niya pa rin ang lahat para makontrol ang sarili niya. "May mga masamang gawi ka ng natutunan.""Lahat ng tao nagbabago." ipinulupot ni Maisie ang braso siya sa leeg ni Nolan, at ngumisi ito. "Bakit hindi ka magmakaawa sa akin?"Walang magawa si Nolan. Hinalikan niya si Maisie at namamaos ang boses. "Okay, please."Kinabukasan…Katatapos lang ni Maisie mag makeup nang may biglang kumatok sa pinto.Binuksan ni Cherie ang pinto at nakita ang waitress na naghihintay sa labas na may hawak na purple gift box sa kamay nito. "Pinapadala po ito ni Mr. Goldmann sa kwartong 'to."Tinanggap ni Cherie ang gift box at pinasalamatan ang waitress bago ito umalis.Lumabas si Maisie sa kwarto at nakita ang gift box sa kamay ni Cherie. "Ano 'yan?"Lumapit sa kaniya si Cheri
Hindi mapigilan ni Maisie na kumuyom ang mga kamay niya. Nang lumingon siya ulit, naglakad na palayo ang Prussian blue figure.'Good luck sa akin? Anong ibig niyang sabihin dun?'Naupo si Maisie sa row sa likuran ni Madma Nera. Napalingon siya bigla at nakita ang isang napakapamilyar na babae. Gayunpaman, mabilis itong tumalikod at naglaho sa gitna ng mga tao pagkatapos nilang magkatinginan.Nagulat si Maisie.'Nakita ko siya nang maayos. Si Rowena ba yun?'Pero paano yun nangyari? Nasa Stoslo si Rowena?"Mayroon siyang naisip, tumayo si Maisie at nagpunta sa backstage.Nang makita ni Daniel si Maisie na pumasok sa backstage, malamig na kumurba ang sulok ng kaniyang mga labi.Tinaas kaunti ni Maisie ang kaniyang dress at lumabas sa isang walang tao at malawak na corridor, at sa isang kisapmata, wala na siyang nakitang iba pang tao.'Bakit nandito si Rowena?'Gusto niyang malaman dahil masama ang kutob niya."Miss, may hinahanap ba kayo?" Isang naka-itim na lalaki
Huminga nang malalim si Maisie.Sa sandaling yun, hindi niya napigilan ang pamumutla ng mukha niya. “Rowena, hindi ka ba natatakot na malaman ni lolo at Nolan ang ginawa mo dito?”Binitawan siya ni Rowena, naglakad ito papunta sa gilid at ngumisi. “Mahalaga pa ba kung malalaman nila o hindi ang tungkol dito?”Tumayo siya at lumingon ulit sa kaniya. “At saka, hindi niya malalaman na ginawa ko ito, at wala kang pagkakataon na sabihin sa kaniya.”Dalawang taong nakasuot ng protective suits ang lumapit na para bang mayroon silang hinahanda. Nagpumiglas si Maisie, at kaagad na kumalat ang takot sa kaibuturan ng kaniyang puso.‘Mamamatay na ba talaga ako ngayon?‘Hindi, ayaw kong mamatay. Ayaw kong iwanan ang mga bata. Ayaw ko rin iwanan si Nolan!’Nanginginig ang buo niyang katawan sa takot, at tila ba huminto sa pagdaloy ang dugo niya.Nang aalisin na ng mga taong nakasuot ng protective clothing ang damit niya, isang putok ng baril ang narinig sa labas dahilan para matarant
Kumunot ang noo ni Maisie, nagtataka siya kung paano nalaman ni Daniel ang kaugnayan niya kay Nolan ngayong hindi naman nito binanggit ang identity niya sa Stoslo!‘Si Rowena ba!?‘Hindi na nakapagtataka, hindi na nakapagtataka kung bakit ako gustong kidnapin ni Rowena.’Nakapatong ang baba ni Nolan sa tuktok ng ulo ni Maisie. Kumikirot ang puso niya dahil wala man lang siyang lakas ng loob na sabihin kay Maisie na isa itong trap.Malinaw sa kaniya na pupuntiryahin nila si Maisie, kaya naman mayroong nakalagay na micro-tracker sa dress na binigay niya para maiwasan na mapalapit sa trap si Maisie. Hindi niya inaasahang mabilis na magtatagumpay ang mga taong yun at kasabwat pa nila si Rowena.“Daniel Kent.” Kaagad na nagdilim ang mga mata ni Nolan habang tinatanong ang mga tao sa labas. “Sa tingin mo ba talaga ay lalabas ako dito nang walang backup plan?”Bahagyang nagulat si Daniel, makikita ang galit sa kaniyang mga mata.Pinagmasdan ni Nolan ang mga abandonadong building
Pumasok si Nolan at na-upo, “Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?”Umiling si Maisie at nagtanong, “Bakit ka sumama kay Tiyo Erwin?”Napailing si Nolan. "Sinabi ko na pumunta siya. Nag-alala ako na baka may mangyari sayo kaya sinabi ko kay Erwin. Kailangan kong maging handa.”“Nolan, maging tapat ka, nandoon ka ba sa Stoslo dahil sa nangyari sa iyong nanay?” Tanong ni Maisie.Natigilan si Nolan at hindi makapagsalita, ngunit nahulaan ni Maisie ang kaniyang isip.Yumuko siya at dahan-dahang sinabi, “Pasensya na at nadamay pa kita.”Hinawakan ni Nolan ang bahagyang malamig na kamay ni Maisie. "Alam ko na ito ay isang bitag. Sinadya nilang gamitin ang pangyayari sa aking ina para akitin ako dahil gusto nilang alisin ang mga Goldmann. Tinanong ko si Erwin dito dahil kapag may nangyari sa akin, walang maglalakas-loob na galawin ka kapag kasama siya.”Bahagyang nasaktan si Maisie.Alam niya na ito ay isang bitag ngunit nakipagsapalaran pa rin?Napailing si Maisie. "Bakit mo gustong tingnan a
Tumayo si Maisie at dahan-dahang lumapit sa kanya. "Maaari mo bang sabihin sa akin ang tungkol sa kanila?"…“Ah!” Bumagsak si Rowena sa sahig na puno ng dugo matapos siyang hampasin. Nagkaroon ng malalalim na sugat ang kanyang mga balat.Tumayo siyai para titigan ang lalaking nagva-vape sa upuan. “Mr. Kent— H-Hindi talaga ako nagsinungaling sa iyo, hindi ko alam kung paano nauugnay si Maisie sa Metropolis.”Nagbuga ng usok si Daniel, nanlalaki ang mga mata. “Sinubukan kong maipasok si Nolan sa bitag ko. Malapit ko na siyang mahuli."Nanginginig ang mga labi at ngipin ni Rowena.Lumakad si Daniel papunta sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa babaeng nakahandusay sa sahig na nasa di maayos ang lagay ng katawan. "Lahat ng ito ay dahil sa iyo. Ginulo mo ang plano ko dahil hindi mo sinuri ang babaeng iyon?"Itinaas ni Rowena ang kanyang pantalon. "Mr. Kent, I'm sorry, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon! K-kaya kong ayusin ito. Gagawin ko ang lahat."“Haha.” Yumuko si Daniel at sinabunut
Ang prinsesa ng Stoslo na iginagalang ng mga tao ay kilala bilang isa sa mga prinsesa na pinaka-down-to-earth. Siya ay nagkaroon ng maraming impluwensya at mahusay sa negosyo. Sinabi ni Haring Miller na ang kanyang kakayahang mamuno ay hindi hihigit sa kanyang mga anak.Sa kasamaang palad, ang prinsesang ito na nagmamahal sa kanyang bansa at mga tao ay “minalas” dahil nahulog kay Patrick Goldmann, na walang katulad na katayuan sa lipunanItong ‘pagka-malas’ na ito ang naging dahilan ng internal conflict sa mga royals.Nahati sa dalawang grupo ang royal family. Isang grupo ng mga nobles, kasama na ang kasalukuyang Kents, sinuportahan ni Prince Roger, ang nakababatang kapatid ng prinsesa. Sila ay kilala bilang left-wing. Ang isang grupo naman ay sinuportahan ang prinsesa.‘Ang insidente ng prinsesa’ ay naging internal conflict, at ang relasyon sa pagitan ni Patrick at ng prinsesa ang naging dahilan para sa mga tao na labanan ang kaniyang pamamahala.Pagkatapos nito, isang epidemya ang s
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa