Huminga nang malalim si Maisie.Sa sandaling yun, hindi niya napigilan ang pamumutla ng mukha niya. “Rowena, hindi ka ba natatakot na malaman ni lolo at Nolan ang ginawa mo dito?”Binitawan siya ni Rowena, naglakad ito papunta sa gilid at ngumisi. “Mahalaga pa ba kung malalaman nila o hindi ang tungkol dito?”Tumayo siya at lumingon ulit sa kaniya. “At saka, hindi niya malalaman na ginawa ko ito, at wala kang pagkakataon na sabihin sa kaniya.”Dalawang taong nakasuot ng protective suits ang lumapit na para bang mayroon silang hinahanda. Nagpumiglas si Maisie, at kaagad na kumalat ang takot sa kaibuturan ng kaniyang puso.‘Mamamatay na ba talaga ako ngayon?‘Hindi, ayaw kong mamatay. Ayaw kong iwanan ang mga bata. Ayaw ko rin iwanan si Nolan!’Nanginginig ang buo niyang katawan sa takot, at tila ba huminto sa pagdaloy ang dugo niya.Nang aalisin na ng mga taong nakasuot ng protective clothing ang damit niya, isang putok ng baril ang narinig sa labas dahilan para matarant
Kumunot ang noo ni Maisie, nagtataka siya kung paano nalaman ni Daniel ang kaugnayan niya kay Nolan ngayong hindi naman nito binanggit ang identity niya sa Stoslo!‘Si Rowena ba!?‘Hindi na nakapagtataka, hindi na nakapagtataka kung bakit ako gustong kidnapin ni Rowena.’Nakapatong ang baba ni Nolan sa tuktok ng ulo ni Maisie. Kumikirot ang puso niya dahil wala man lang siyang lakas ng loob na sabihin kay Maisie na isa itong trap.Malinaw sa kaniya na pupuntiryahin nila si Maisie, kaya naman mayroong nakalagay na micro-tracker sa dress na binigay niya para maiwasan na mapalapit sa trap si Maisie. Hindi niya inaasahang mabilis na magtatagumpay ang mga taong yun at kasabwat pa nila si Rowena.“Daniel Kent.” Kaagad na nagdilim ang mga mata ni Nolan habang tinatanong ang mga tao sa labas. “Sa tingin mo ba talaga ay lalabas ako dito nang walang backup plan?”Bahagyang nagulat si Daniel, makikita ang galit sa kaniyang mga mata.Pinagmasdan ni Nolan ang mga abandonadong building
Pumasok si Nolan at na-upo, “Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?”Umiling si Maisie at nagtanong, “Bakit ka sumama kay Tiyo Erwin?”Napailing si Nolan. "Sinabi ko na pumunta siya. Nag-alala ako na baka may mangyari sayo kaya sinabi ko kay Erwin. Kailangan kong maging handa.”“Nolan, maging tapat ka, nandoon ka ba sa Stoslo dahil sa nangyari sa iyong nanay?” Tanong ni Maisie.Natigilan si Nolan at hindi makapagsalita, ngunit nahulaan ni Maisie ang kaniyang isip.Yumuko siya at dahan-dahang sinabi, “Pasensya na at nadamay pa kita.”Hinawakan ni Nolan ang bahagyang malamig na kamay ni Maisie. "Alam ko na ito ay isang bitag. Sinadya nilang gamitin ang pangyayari sa aking ina para akitin ako dahil gusto nilang alisin ang mga Goldmann. Tinanong ko si Erwin dito dahil kapag may nangyari sa akin, walang maglalakas-loob na galawin ka kapag kasama siya.”Bahagyang nasaktan si Maisie.Alam niya na ito ay isang bitag ngunit nakipagsapalaran pa rin?Napailing si Maisie. "Bakit mo gustong tingnan a
Tumayo si Maisie at dahan-dahang lumapit sa kanya. "Maaari mo bang sabihin sa akin ang tungkol sa kanila?"…“Ah!” Bumagsak si Rowena sa sahig na puno ng dugo matapos siyang hampasin. Nagkaroon ng malalalim na sugat ang kanyang mga balat.Tumayo siyai para titigan ang lalaking nagva-vape sa upuan. “Mr. Kent— H-Hindi talaga ako nagsinungaling sa iyo, hindi ko alam kung paano nauugnay si Maisie sa Metropolis.”Nagbuga ng usok si Daniel, nanlalaki ang mga mata. “Sinubukan kong maipasok si Nolan sa bitag ko. Malapit ko na siyang mahuli."Nanginginig ang mga labi at ngipin ni Rowena.Lumakad si Daniel papunta sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa babaeng nakahandusay sa sahig na nasa di maayos ang lagay ng katawan. "Lahat ng ito ay dahil sa iyo. Ginulo mo ang plano ko dahil hindi mo sinuri ang babaeng iyon?"Itinaas ni Rowena ang kanyang pantalon. "Mr. Kent, I'm sorry, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon! K-kaya kong ayusin ito. Gagawin ko ang lahat."“Haha.” Yumuko si Daniel at sinabunut
Ang prinsesa ng Stoslo na iginagalang ng mga tao ay kilala bilang isa sa mga prinsesa na pinaka-down-to-earth. Siya ay nagkaroon ng maraming impluwensya at mahusay sa negosyo. Sinabi ni Haring Miller na ang kanyang kakayahang mamuno ay hindi hihigit sa kanyang mga anak.Sa kasamaang palad, ang prinsesang ito na nagmamahal sa kanyang bansa at mga tao ay “minalas” dahil nahulog kay Patrick Goldmann, na walang katulad na katayuan sa lipunanItong ‘pagka-malas’ na ito ang naging dahilan ng internal conflict sa mga royals.Nahati sa dalawang grupo ang royal family. Isang grupo ng mga nobles, kasama na ang kasalukuyang Kents, sinuportahan ni Prince Roger, ang nakababatang kapatid ng prinsesa. Sila ay kilala bilang left-wing. Ang isang grupo naman ay sinuportahan ang prinsesa.‘Ang insidente ng prinsesa’ ay naging internal conflict, at ang relasyon sa pagitan ni Patrick at ng prinsesa ang naging dahilan para sa mga tao na labanan ang kaniyang pamamahala.Pagkatapos nito, isang epidemya ang s
Napatingin si Erwin kay Maisie. “Ganyan din siguro ang iniisip ni Hernandez. Kung alam niyang may anak si Ms. Marina, binawi ka na niya. Hindi tanga si Hernandez. Alam niya na maaaring gamitin ka ng mga maka-kaliwa dahil sa relasyong ito.”Mukhang nagulat si Maisie, pero naalala niya ang sinabi sa kanya ni Hernandez.“Anak ka ni Marina, kaya hindi kita sasaktan kahit na maghiganti ako sa mga Goldmann. Gayunpaman, hindi ako sigurado sa iba."Yung ibang tinutukoy niya ay ang mga maka-kaliwa.May sumagi sa isip niya matapos siyang tumahimik sandali, at tumingin siya nang diretso kay Erwin. "May isa pang bagay."Mukhang curious si Erwin, pero nakita niyang mahinahon itong nagtanong, “May kaugnayan ba sa virus ang impeksyon ng nanay ko?”Nanlamig ang hangin sa silid.Makalipas ang mahabang sandali, ibinaba ni Erwin ang kanyang mukha at tahimik na sinabi, "Oo."Tumingin siya sa labas ng bintana. "Ang kanyang impeksyon ay dahil sa isang rare sleeper virus na nauugnay sa epidemya mula 30 taon
"Sa kasamaang palad, huli na. Ang iyong ina ay nasa huling yugto at wala nang mas matagal na buhay, kaya pinili niyang umalis.”"Gayunpaman, nang umalis siya, binigyan siya ni Strix ng antibody. Dalawa lang ang nasa mundo, at ibinigay niya ang isa sa iyong ina at itinago ang isa. Sa tingin ko ang nanay mo ay nag-inject ng serum bago siya nagdesisyong magbuntis. Kung hindi, ang iyong ama ay nahawahan din, at ikaw…”Napatingin si Erwin sa kanya pero hindi natuloy.Nanginginig ang puso ni Maisie. "Kaya pala espesyal ang dugo ko?"Nagpasya si Marina na mag-inject ng serum noong siya ay buntis, kahit na ang serum ay hindi gagana para sa kanya. Kaya niya ito ginawa hindi dahil sa gusto ito ni Marina, ito ay dahil ayaw niyang mahawaan si Stephen at gusto niyang matiyak na hindi magmamana si Maisie ng virus.Matagal na ba siyang nagdesisyon na subukang umalis nang walang pagsisisi? Ngunit bakit hindi niya pinili ang kanyang unang pag-ibig, si Strix, at sa halip ay pinakasalan si Stephen, na n
Napasinghap si Maisie. "Sumusobra ka na talaga, Nolan!"Kinalaunan ay nagsimula nang mag-ayos si Maisie.Tumawa si Nolan. Tinulungan niyang magsuot ng damit si Maisie at sinabing, "Mas lalo kang gumagaling, Zee. Mukhang naturuan kita nang maayos.""Oo. Proud ka ba?" Sabi ni Maisie habang nakasimangot. Mas lalong nagiging walang hiya ang lalaking 'to. Ginagawa niya na rin ang ganoong bagay sa kaniya!Nang makitang naiirita na si Maisie, mayroong kislap ng tuwa sa mga mata ni Nolan.Sinasabi ng iba na magsisimula lang maging clingy at spoiled ang isang babae kapag mahal na nito ang lalaki, at nakikita niya na yun kay Maisie.Masaya niyang niyakap si Maisie at mahinang sinabi, "May nalaman ako ngayong araw. Alam ni Rowena na dinukot ang nanay ko."Natigilan si Maisie. "Hindi niya sinabi sa lolo mo?"Nanlamig ang mga mata ni Nolan habang sumasagot, "Wala siyang sinabihan, kasama na ang lolo ko at mga tao sa Night Banquet. Pinasa niya lahat ng sisi kay Hernandez."Natahimi